Kalinisan sa loob ng paaralan, tinutukan ng pamunuan ng SFNHS
ng mga mag-aaral pati na mga empleyado rito.
Anghel sa Giyera: Bayani hanggang sa huling hininga
KABUOANG BILANG
NG MAG-AARAL NG SFNHS
TAONG PANURUAN 2023- 2024
Tinukoy naman ni G. Johnny E. Pedralvez, HT-III at Head Teacher Curriculum-in-charge, na maaaring ang mga kalat ay mula sa mga estudyante ng Grade 7 na pangumaga at Grade 11-12 na gumagamit ng building sa hapon.
Pinangunahan ni Dr. Dennis P. Cabrera, Punongguro II ng San Fabian National High School, ang paglilinis sa likod ng G7 Building kasabay ng Tree Planting noong Disyembre 6, 2023. Nagkalat ang mga plastik, papel at iba pang mga patapong bagay sa likod ng naturang building na nagmula umano sa katabing tambakan ng mga naipong basura mula sa iba’t ibang silid. Ayon kay Dr. Cabrera, bilang punongguro ng paaralan responsibilidad niyang siguruhin ang kalinisan sa buong paaralan upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan
Bilang tugon sa panawagan ni Dr. Cabrera na panatilihin ang kalinisan sa paaralan, pinulong ni G. Pedralvez ang mga mag-aaral at mga guro ng G7 at muling ibinalik ang iskedyul ng bawat sections sa bawat palapag ng nabanggit na building. Kaugnay nito, ipinaalala rin ni G. Pedralvez ang salitan ng bawat sections sa pagpapanatili ng kalinisan at pagbabantay ng mga gamit sa CR sa bawat palapag.
“Panatilihin nating malinis at maayos ang ating building. Walang ibang maglilinis kundi tayong gumagamit dito,” saad ni G. Pedralvez.
Samantala, patuloy pa rin ang pagpapatupad ng “Basura ko, Iuwi Ko” upang mabawasan ang dami ng mga basurang kinokolekta sa loob ng paaralan.
BIGYANG HALAGA ANG PAGBABASA!
‘Catch-Up Fridays’ suportado ng mga magulang, mag-aaral, kaguruan ng SFNHS
ni Janzen B. Santillan
Suportado ng buong San Fabian National High School (SFNHS) kasama na ang mga magulang at mga mag-aaral, ang pagpapatupad ng Department of Education (DepEd) ng ‘Catch-Up Fridays’ para iangat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabasa. Binigyang-diin ni Dr. Dennis P. Cabrera, Punongguro II ng SFNHS, sa isang pulong kasama ang mga Ulong Guro sa iba’t ibang asignatura, ang kahalagahan ng pagpapatupad ng programa lalo na sa mga mag-aaral na hirap sa pagbabasa at pag-unawa sa binasa.
Alinsunod sa DepEd Memorandum No. 001 s. 2024, sinimulan ang implementasyon ng naturang programa noong Enero 12, 2024 kung saan ilalaan ang ‘Drop Everything and Read’ (DEAR) activity sa lahat ng mga Araw ng Biyernes sa buwan ng Enero.
Ayon kay G. Johnny E. Pedralvez, Ulong Guro III, bahagi ang ‘CatchUp Fridays’ ng National Reading at Mathematics Programs na parehong nasa ilalim ng National Learning Recovery Program bilang tugon na rin sa mababang ranggo ng Pilipinas sa PISA 2022.
Kaugnay nito, positibo naman ang naging tugon ng mga guro sa nabanggit na programa kung saan nagsagawa ng iba’t ibang gawain sa pagbabasa tulad ng paggamit ng laro habang nagbabasa, pagbabaybay, pagsulat at muling pagkukwento ng binasang akda.
“Makakatulong ito dahil sa panahon ngayon maraming mga bata ang hindi marunong magbasa at magsulat, ‘yong ibang bata naman ay mabagal magbasa at magsulat,” pahayag ni Maam Wilma Olivar, Teacher III. Naging magandang simula rin para sa mga mag-aaral ang unang araw ng pagsasagawa nito kung saan hindi lamang sila natutong magbasa kundi naaliw din sa iba’t ibang gawaing inihanda ng kanilang mga guro.
Samantala, bago ang implementasyon ng Catch-Up Friday, nagsagawa ang ‘Ang Puting Buhangin’ ng sarbey sa mga magulang ng magaaral ng SFNHS at nabatid na 100% ang sang-ayon sa naturang programa.
Feud’ kung saan natututong magbaybay at magbasa ang mga mag-aaral sa G8- Einstein.
ni Gianne Carla P. Dizon
Nakatakdang kumuha ng Pre-Test ang mga mag-aaral mula
(SFNHS) bilang bahagi ng National Learning Camp Assessment 2024 ng
Binuksan ngayong taon ang NLC sa lahat ng mag-aaral ng Junior High School sa bansa kung saan matatandaang G7 at G8 lamang noong nakaraang taon sa una nitong implementasyon ang kumuha ng naturang pagsusulit.
Layunin ng pagtataya na masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa asignaturang Mathematics, English at Science na magsisimula sa Marso 11 hanggang Mayo 17, 2024 alinsunod sa DMCT-2024-040.
“Malaki ang impak ng NLC sa pagkatuto ng mga mag-aaral kung saan sila ay magkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa kanilang mga leksyon at mas magiging handa para sa muling pagbubukas ng klase sa susunod
na taong-panuruan,” pahayag ni G. Johnny E. Pedralvez, Ulong Guro III. Naatasan ang mga Coordinator ng Learners Information System (LIS) na i-activate ang DepEd Microsoft 365 Account ng mga mag-aaral higit lalo ang mga magaaral mula sa Grade 7 kung saan igagawan sila ng bagong account upang makapasok sa Learning Management System (LMS).
Pinangunahan naman ni Dr. Dennis P. Cabrera, Punongguro II, ang isang pagpupulong sa mga kasangkot na Ulong Guro sa bawat kurikulum at ICT Coordinators ng paaralan para sa maayos na pagsasagawa ng nasabing aktibidad noong Marso 4. Samantala, ang NLC ay isang comprehensive learning
recovery program ng DepEd na layunin nitong masuportahan ang mga mag-aaral at ma-empower ang mga guro na mapunan ang learning losses na dulot ng COVID-19 pandemic.
NILALAMAN
Maging una sa balita at impormasyon! I-scan ang qr code o magpunta sa https://www.facebook.com/AngPutingBuhangin datos mula sa LIS ng San Fabian National High School “The order is what it is. Take out everything on the wall. Let learners focus on their studies. Classrooms and schools should be clean and functional.”
Secretary p2 ni Fernando T. Ungria
Sara Z. Duterte Vice President, DepEd
Fabian National
WALA KAYO SA PRINCIPAL NAMIN! Kasama ang mga piling mag-aaral ng San
High School, pinangunahan ni Dr. Dennis P. Cabrera ang pagpupulot ng mga basura sa likod ng Grade 7 Building pagkatapos ng Nationwide Tree Planting ng DepEd noong Disyembre 6, 2023. Diana Marie Garcia
p17
Mga mag-aaral mula G7- G10, sasailalim sa Pre-Test
MASAYA ANG MATUTO! Bilang pagtalima sa Catch-Up Fridays ng DepED, isinagawa ni Gng. Sabine V. Narvarte ang larong ‘Class
NLC 2024
PARA SA BATA. Isa-isang nirerehistro ni Gng. Mary Joy De Vera ang mga mag-aaral ng
Grade
9 upang magkaroon ng DepEd Microsoft 365 account na gagamitin sa Pre-Test ng NLC Assessment. Kenji Difuntorum
Grade 7 hanggang Grade
High
Department
Education
10 ng San Fabian National
School
of
(DepEd) ngayong buwan ng Marso.
BALITA
Maglaan ng oras sa pagbabasa— Kaguruan ng SFNHS
ni Janzen B. Santillan
HALA SIGE, BASA! Tahimik na nagbabasa ang mga mag-aaral sa Grade 7-Amber bilang pakikibahagi sa nationwide synchronized reading noong Nobyembre 28, 2023. Diana Marie Garcia
‘Project Smart TV’ ng SPTA, tuloy pa rin
81 silid sa SFNHS may TV na
Kinumpirma ng bagong pamunuan ng School Parents Teacher Association (SPTA) ang pagpapatuloy ng Project Smart TV sa San Fabian National High School matapos makitang malaking tulong sa pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral ang paggamit ng TV.
Ayon kay Gng. Noreen
Baguio, Master Teacher I at Chief Secretary ni Atty. Gerald Z. Gubatan, dating Pangulo ng SPTA, may 81 silid na sa paaralan mula Grade 7-12, ang may sariling TV.
“Isa sa mabuting epekto ng paggamit ng telebisyon sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ay nagagawa nitong ilahad ang karamihan sa mga aralin sa masaya at kawili-wiling paraan na nagugustuhan ng mga mag-aaral,” pahayag ni Dr. Joseph I. Calicdan sa isang interbyu matapos tumanggap ng bagong Smart TV.
Aprubado naman ng kaguruan ng SFNHS ang pagpapatuloy ng pagbibigay ng TV bilang kagamitang pampagtuturo sa
loob ng silid. Anila, malaki ang maitutulong ng paggamit ng TV upang lalong mahikayat at mas madaling sundan at maintindihan ang paksa.
Samantala, hinihiling ng SPTA na hintayin lamang ang parating na mga bagong units para sa mga tagapayong hindi pa nabibigyan ngayong Taon.
“Isa sa mabuting epekto ng paggamit ng telebisyon sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ay nagagawa nitong ilahad ang karamihan sa mga aralin sa masaya at kawili-wili...”
Dr. Joseph I. Calicdan G8- Einstein, Adviser
SFNHS
“Drop Everything And Read!” Kasabay ng panghihikayat ng mga guro ng San Fabian National High School na maglaan ng oras sa pagbabasa, samasamang nagbasa ang mga mag-aaral bilang pakikibahagi sa nationwide synchronized reading ganap na alas-nuwebe ng umaga ng Nobyembre 28, 2023. Bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa ang naturang aktibidad na may temang “PAGBASA: Pag-asa sa MATATAG na Kinabukasan”.
“Target namin sa Filipino Department na magkaroon hindi lamang ng nakababasang mag-aaral kundi maging aktibong mambabasa at nakauunawa ng binabasa kaya hanggat maaari ay naglalaan kami ng oras sa pagbabasa hindi lamang sa tuwing may ganitong pagdiriwang,” pahayag ni Gng. Baby Jean N. De Nieva, koordineytor sa Pagbasa sa Filipino. Sa isang facebook post naman ng Department of Education noong Nobyembre 10, “Hangad ng taunang selebrasyon na
sumunod
ni Jherico Matthew Lagera
sa
‘walls
maisulong ang kahalagahan ng panitikan at pagbabasa. Nilalayon din nitong mas paghusayin pa ang kasanayan sa pagbasa ng mga Pilipinong mag-aaral upang mas mapabuti pa ang kanilang pagkatuto.” Dahil sa patuloy na pagbaba ng pagkatuto, napag-alaman na hindi lahat ng nakababasa ay nauunawaan ang kanilang binabasa kung saan isa rin sa mga layunin ng Filipino Dept. na maiangat ang “Functional Literacy” ng paaralan. Kaugnay ng layuning nabanggit, isinakatuparan ang mga gawain tulad ng Pagbasa ng may pang-unawa ng maikling kuwentong Filipino sa Grade 7; sabayang pagbigkas ng tula naman sa Grade 8; malikhaing pagkukwento sa Grade 9; at, sulat-bigkas para sa Grade 10, sa buong buwan ng Nobyembre.
Isinagawa naman ang kulminasyon ng mga aktibidades sa pamamagitan ng muling pagpapakitang-gilas sa pagbasa ng mga piling mag-aaral sa bawat baitang noong Nobyembre 24, 2023.
policy’ ng DepEd
Tumalima ang kaguruan ng San Fabian National High School sa direktiba ng Department of Education na tanggalin na ang lahat ng dekorasyon sa mga dingding ng mga silid-aralan bilang paghahanda sa Taong Panuruan 2023- 2024.
Ayon sa direktiba ng Kalihim ng DepEd at Bise Presidente Sara Z. Duterte ay
“The order is what it is. Take out everything on the wall. Let learners focus on their studies. Classrooms and schools should be clean and functional.”
Sara Z. Duterte Vice President, DepEd Secretary
linisin ang lahat ng dingding ng mga silid-aralan at panatilihing maayos at functional ang mga ito.
“The order is what it is. Take out everything on the wall. Let learners focus on their studies. Classrooms and schools should be clean and functional,” pahayag ni VP Duterte.
Kabilang sa mga inalis ng mga guro sa SFNHS ang mga tradisyunal na educational posters at mga visual teaching aids gayundin ang mga sulok (corner) sa loob ng silid.
Paliwanag ni G. Johnny E. Pedralvez, Ulong Guro III ng Filipino Department, maaari pa ring gumamit ang mga guro ng mga visual aids sa pagtuturo at magdala ng mga ito sa kanilang aralin na alinsunod sa DepEd
KATAPATAN AT PANINILBIHANG MAY PUSO
Mayor Agbayani tumayong inducting officer; SPTA, BOD, HPTA pormal nang nanumpa
“Kapag tapat kang magsilbi, kahit kailan hindi ka nila makakalimutan. At, kung hindi ka naman nagsisilbi nang gaano, hindi ka rin nila makakalimutan.”
Ito ang ang binigyang diin ni Mayor Marlyn E. Agbayani bilang panauhing pandangal at inducting officer sa Parents Teachers Association (PTA) Induction Program ng San Fabian National High School noong Disyembre 5, 2023.
Nagsilbing gabay ang pahayag ng Alkalde sa mga bagong opisyales ng School PTA, SPTA Board of Directors at Homeroom PTA upang manungkulan nang tapat at tugunan ang pangangailangan ng paaralan higit lalo ang kabutihan ng mga mag-aaral.
Dagdag pa niya, ang kaniyang pagdalo ay bilang
kabayaran sa kaniyang hindi pagsipot sa mga mahahalagang pagtitipon sa paaralan malaki o maliit man ito kung saan malugod niyang ibinahagi sa lahat na aprubado at parating na ang gusaling hinihingi ng paaralan. Ayon sa kaniya, binubuo ng 20 silid na may apat na palapag ang itatayong gusali sa paaralan.
Bagong Liderato Nanumpa sa harapan ni Mayor Agbayani at ng mga magulang ang mga bagong opisyales ng SPTA na pinamumunuan ni Kap. Nestor Q. Narvasa.
“Minsan dumarating ang mga di inaasahan, pero kung magsisilbi tayo ng tapat at may puso, kailangang-kailangan po iyan sa ating buhay na ginagalawan,” payo ni Mayor Agbayani sa mga opisyales.
Subok ng lingkod bayan si Kap. Narvasa na pinatotohanan naman ni Mayor Agbayani sa kaniyang talumpati. Buo ang tiwala niya na magagawa ng bagong Pangulo ng SPTA ang kaniyang tungkulin sa paaralan dahil nakasama nito ang kaniyang asawa sa paglilingkod sa bayan nang siya ay Konsehal pa.
Samantala, sa kaniyang kauna-unahang talumpati, ipinahayag ni Kap. Narvasa ang kaniyang pagpapatuloy sa mga nasimulan nang programa sa loob at labas ng paaralan at mga bagong proyekto katulad ng pagpapatayo ng Water System na mabebenipesyuhan ang mga magaaral ng SFNHS.
Water System
system na may malinis at maiinum na tubig para sa mga mamamayan higit lalo ng mga bata rito. Ayon kay Kap. Narvasa, sa pamamagitan naturang proyekto, mababawasan ang gastusin at magiging libre ang inuming tubig ng mga mag-aaral.
“Para kasi ed saray anak tayo ed National libre lay danum yo no nagawaan”, wika ni Narvasa.
Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang mga guro at mga magulang sa mga bagong opisyales ng PTA.
"Para kasi ed saray anak tayo ed San Fabian National Highschool libre lay danum yo no nagawaan"
Isa sa problema ng Brgy. Nibaliw East na kinatatayuan ng paaralan ay ang kawalan ng Water
Kap. Nestor Q. Narvasa Pangulo, SPTA
SUMPAngako. Nanumpa ang mga
bagong halal na opisyales ng School
Parents Teachers Association sa harap ng Alkalde ng bayan ng San Fabian para sa kanilang tungkulin at pangako sa pagpapabuti ng kapakanan ng mga mag-aaral at ng buong komunidad ng San Fabian National High School
Diana Marie Garcia
Order no. 21. Ang DepEd Order No. 21, na nagbibigay ng mga patnubay para sa Brigada Eskwela ngayong taon, ay nag-aatas sa mga paaralan na linisin ang mga bakuran ng paaralan, silid-aralan at lahat ng dingding nito ng hindi kinakailangang likhang sining, dekorasyon, tarpaulin at poster. ng mga silid sa SFNHS ang wala ng wall decoration maliban sa mga maaaring ipaskil sa dingding ayon sa DepEd Order no. 21 s. 2023.
Binagong Student Handbook, ibinigay sa unang araw ng pasukan ni Febbie Gay Garcia
Binigyan ng kopya ng binagong Student Handbook ang bawat mag-aaral ng San Fabian National High School bago ang pormal na pagsisimula ng pagtuturo ng mga guro sa unang araw ng pasukan noong Agosto 29, 2023.
Inihayag ni G. Crisostomo C. Baga, kasalukuyang Guidance Counselor ng SFNHS, ang pinakabagong student handbook ng paaralan ay huli pang na-update noong taong 2019.
Ayon sa kaniya, kasunod ng pagsiklab ng pandemya, mas lumawak ang mga karapatan ng bawat magaaral.
Bilang tugon dito, nagkaisa ang Guidance officers at ang Supreme Secondary Learners Government (SSLG) upang baguhin ang ibang bahagi ng naturang dokumento nang naaayon sa kasalukuyang pangangailangan at kaganapan. Ang layunin ng pagbabago sa student handbook ay upang maging “aktuwal” at kaakibat ng mga kinakailangang hakbangin para sa kaligtasan ng bawat mag-aaral sa loob ng paaralan.
Samantala, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng bagong bersyon ng student handbook, umaasa ang paaralan na mapapanatili ang kanilang kaligtasan at kaayusan sa loob ng paaralan.
2
TOMO XXXIV BLG. I AGOSTO 2023-
Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fabian Dibisyon ng Pangasinan II, Rehiyon I
MARSO 2024
ni Gianne Carla P. Dizon
nina Jherico Matthew Lagera at Diana Marie Garcia
Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fabian Dibisyon ng Pangasinan II, Rehiyon I
BALITA 3
SFNHSians, umariba sa UP Padunungan 2024
Nagningning ang mga kinatawan ng San Fabian National High School (SFNHS) nang iuwi ang kampeonato sa Inter-Campus Quiz Show Junior High School (JHS) at Extemporaneous Speaking-Filipino sa Padunungan 2024 sa Sison Auditorium, Lingayen, Pangasinan noong Enero 26, 2024.
Inuwi nina Emmanuel Tanogan, Hana Yumi Balala, (G10 STE) at Liezel Ann Sazon, Liyam Carel Fernandez, (G9 STE) ang kampeonato sa JHS Inter-Campus Quiz Show.
“Wala naman akong inaasahang resulta dahil pumunta ako dun para magenjoy and para sa opportunity to learn new things and for experience na rin, pero pinagdasal ko din siyempre na sana manalo kami. And gladly we did”, wika ni Sazon. Samantala, inungusan naman ni Gianne Carla P. Dizon, Grade 8 STE, ang mahigit 40 Junior High School at Senior High School mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa probinsya ng Pangasinan sa Extemporaneous Speaking-Filipino.
Aniya, walang siyang karanasan sa anumang speaking contests bukod sa pagsusulat ng balita na una niya ring
napagtagumpayan noong nakaraang Regional Schools Press Conference 2023 kung saan nagtapos siyang 3rd place.
Pagbabahagi naman ni G. Arnel P. Doloque, tagapagsanay at School Paper Adviser ni Dizon, malaki ang tiwala niya sa kakayahan at disiplina ni Dizon na kaya niyang makipagsabayan sa mga mas matatanda sa kaniya.
“Hindi ako nagdalawang isip na piliin si Gianne. Magaling, masipag at laging nakikinig kaya madaling turuan ayon sa hinihingi ng sasalihan niyang patimpalak,” dagdag pa niya.
Samantala, ang UP Padunungan ay inorganisa ng UP Subol Society Baguio Chapter na naglalayong ipakilala ang kulturang Pangasinan at bigyang pagkilala ang mga natatanging dunong at talento ng mga Kabataang Pangasinense.
Borja: Palawakin ang kapasidad sa pagtugon sa mga kalamidad
“We cannot expand nor edit our school, so what we can do is expand our knowledge, our trainings, and to expand our capacity to respond in such calamities."
Ito ang binigyang diin ni G. Marvin Borja sa isinagawang National Earthquake Drill (NSED) noong Setyembre 7-8 sa kabila ng maliit na espasyo ng San Fabian National High School para maging evacuation area sakaling magkaroon ng kalamidad tulad ng lindol.
Layunin ng pagsasanay na ito ang mabigyan ng sapat na kaalaman ang bawat estudyante bago, habang at pagkatapos ng lindol.
"The purpose of NSED is to capacitate the learners, the teachers, and all the stakeholders of SFNHS that is how to response in case of Earthquake," ayon kay G. Borja.
Hinati sa dalawang araw ang nakilahok na mga mag-aaral mula
Kampanya kontra droga, vape, sigarilyo, pinangunahan ng BKD
Upang maiwasan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot, vape at sigarilyo ng mga mag-aaral sa San Fabian National High School (SFNHS), nanguna ang mga opisyal at tagapayo ng Barkada Kontra Droga (BKD) sa pagpapakalat ng preventive education at information campaign.
Isinagawa rin ang parada ng mga ginawang poster-slogan ng mga mag-aaral ng Grade 8 sa pangunguna ni Gng. Noreen Q. Baguio sa SFNHS gymnasium noong Nobyembre 17, 2023.
“Pangunahin naming layunin talaga ang pag-iwas ng paggamit ng droga at pati na rin ang vape at sigarilyo ng mga kabataan kasi maraming masamang naidudulot ito hindi lang sa kalusugan kundi pati narin ang kapaligiran natin naaapektuhan na,” pahayag ni Gng. Baguio.
Dagdag pa niya, makatutulong ang paggawa ng mga poster at slogan para magising sa katotohanan ang mga kabataan tungkol sa mga negatibong epekto ng paggamit ng mga nabanggit na ipinagbabawal.
Kaugnay nito, sa kaniyang klase, tinatalakay rin ni Gng. Baguio ang iba’t ibang uri ng ipinagbabawal na gamot at ang epekto nito sa aspetong pisikal, mental at emosyonal at binigyang-diin din niya ang mga mahahalagang impormasyong nakapaloob sa RA 9165 ang Dangerous Drugs Act of 2002.
Grade 7 hanggang Grade 12 kung saan unang sumailalim sa drill ang mga mag-aaral sa Set B habang sa ikalawang araw naman ang mga Set A. Samantala, aktibong
umagapay naman ang mga miyembro ng Boy Scouts at Girl Scouts ng paaralan sa pangunguna nina Ginoong Gerry Fernandez at Gng. Jocelyn Yumang.
‘Magalang Bow’, muling binuhay
sa SFNHS
ni Gianne Carla P. Dizon
"Ibalik natin ang magalang bow, tulad sa mga Koreans at Japanese, they show respect sa isa’t isa. Pwede naman natin gawin 'yon as Filipinos."
Pahayag ni G. Napoleon
DUCK, COVER AND HOLD! Ito ang ginawang ensayo ng mga mag-aaral ng G7-Almond sa isinagawang Earthquake Drill sa kalagitnaan ng klase. Diana Marie Garcia
S. Collado, Ulong Guro VI ng Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) sa muling pagbabalik ng Magalang Bow sa San Fabian National High School (SFNHS). Layunin ng programa na ipagpatuloy ang magandang kaugalian at paggalang ng mga kabataang Pilipino.
Pinangunahan ang naturang paglulunsad ng mga guro sa ESP kabilang na ang mga guro ng Homeroom Guidance Program (HGP).
"Parang mas nakakatouch dahil mas naipapakita natin ang respeto sa bawat tao,” wika ni Gng. Wennie Tercenio, guro sa ESP.
Kaugnay nito, aktibong isinagawa ng mga mag-aaral ng naturang paaralan ang Magalang Bow bilang respeto sa mga guro at nakakatanda.
Magalang Bow
“Ang Magalang Bow” gesture ay ipakikita sa mga kaguruan o mas nakatatanda kapag nakasalubong sa loob man o labas ng paaralan bilang tanda ng pagbibigay galang. Isasagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng palad sa tapat ng dibdib at pagyuko kasabay ng pagbati. Matatandaang ito ay dati nang isinasagawa at nakasaad sa DO 88, S. 1991.
Kayang-kaya nating makipagsabayan sa mga paaralang may SPA— Dr. Calicdan
“Muli na namang napatunayan ng mga mag-aaral ng San Fabian National High School na kayang-kaya nating makipagsabayan sa mga paaralang may Special Program for the Arts sa buong Pangasinan II kahit pa kulang sa oras ng paghahanda bago ang kompetisyon nangibabaw pa rin ang galing ng mga mag-aaral natin!”
Buong pagmamalaking
inihayag ni Dr. Joseph I. Calicdan, tagapayo ng Koro de San Fabianos, matapos maiuwi ang ikatlong puwesto at tanging kalahok mula sa pampublikong paaralan sa buong Pangasinan II na nakapasok sa Top 3 sa Choir Singing Acapella sa ginanap na Division Arts Festival of Talents sa Tayug National High School noong Pebrero 27, 2024.
Aniya, naging mahigpit ang labanan dahil kasama ang mga pampribadong paaralan na talagang pinaghandaan mula sa kasuotan at produksyon pati na mga kinatawan ng mga Mother School na may SPA mula sa iba’t ibang distrito sa Pangasinan II. “Advantage kasi yon ng mga may SPAs. Madali silang makakapag-scout ng mga estudyante nila na nakatutok lang sa genre na lalahukan nila. Hindi katulad sa atin na pahirapan dahil na rin sa shifting ng mga klase,” dagdag pa ni Dr. Calicdan.
CFOT 2024 Bago ang DFOT, matatandaang humakot ng mga parangal ang mga kinatawan ng SFNHS sa iba’t ibang patimpalak sa Congressional Arts Festival of Talents (CFOT) 2024 sa Manaoag National High School noong Pebrero 17 at 19.
Nagtapos sa ikalawang puwesto ang mga kinatawan ng SFNHS sa Choir Singing Acapella, Ballroom Dance at Contemporary Dance.
Habang nakamit naman ng mga kinatawan ng paaralan ang ikatlong puwesto sa patimpalak na Human Beatbox at Acoustic Band.
Inanunsyo naman ni Dr. Lilibeth Daus, Education Program Supervisor- MAPEH, SPA, SPS, pasok sa Division Arts Festival of Talents ang mga kalahok na nagkamit ng Una hanggang Ikatlong Puwesto sa CFOT.
Pinatunayan ng mga mag-aaral ng SFNHS na kahit halos dalawang linggo lamang ang naging
pagsasanay ay kaya nitong magwagi at makipagtapatan sa mga malalaking paaralan na may Special Program for the Arts (SPA).
Ayon naman kay Dr. Joseph I. Calicdan, hindi naging madali ang simula at naging paghahanda nila sa Choir Singing Acapella.
“Naging malaking hamon po sa akin ang i-meet sila, lalo na at shifting po tayo sa school. I find time, we find time nag-adjust ang bawat isa, ang naging practice po namin 5pm to 6:30 pm po. Lahat nagsakripisyo para maabot ang tagumpay na ninanais ng bawat isa at muling maipresenta ang tunay na galing ng SFNHSIans,” dagdag pa niya.
Ipinaabot naman ni G. Reymundo D. Alvarez, Ulong Guro III ng MAPEH Department, ang kaniyang pagbati asa mga nagwaging mag-aaral at mga gurong nagsilbing tagapagsanay sa pamamagitan ng isang facebook post.
Samantala, nagsilbing tagapagsanay sina G. Joseph Calicdan, G. Derf Bucao at G. Raymund Sanggalang (Choir Singing Acapella), Gng. Caressa Baculo (Ballroom Dance), Bb. Dheena Mones at Gng. Angelica Cabanlig (Contemporary Dance), G. Christian Biason (Human Beatbox), at Gng. Cherrie Aurelio at G. Cedric Aurelio (Acoustic Band).
TOMO XXXIV BLG. I AGOSTO 2023- MARSO 2024
ni Jherico Matthew Lagera
ni Audrey Anne Ymasa
nina Danniel Langit at Mariel Chen Dismaya
TINIG NG TAGUMPAY. Ipinadinig ng Koro de San Fabianos ang kanilang husay sa pag-awit ng ‘Rosas Pandan’ na nagdala sa kanila sa tagumpay upang makapasok sa susunod na lebel ng patimpalak. Dr. Joseph I. Calicdan
ni Princess Cunanan
UNA SA PADUNUNGAN! Ipinamalas ng mga kinatawan ng San Fabian National High School sa JHS Inter-Campus Quiz Show ang kanilang karunngan sa pagsagot sa mga tanong upang tanghaling kampeon. Diana Marie Garcia
Cong. De Venecia: Mahalaga ang teknolohiya sa pagkatuto
ni Carla Mae S. Genese
“Mahalaga ang teknolohiya bilang bahagi ng pag-aaral at pagkatuto hindi lamang ng mga estudyante kundi pati ang mga guro upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon.”
Ito ang binigyang-diin ni Congressman Christopher De Venecia sa kaniyang talumpati sa isinagawang distribusyon ng mga computer set sa mga School Heads at ilang guro mula sa 11 pampublikong paaralan ng Pangasinan District 4 noong Nobyembre 13, 2023.
Katuwang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), naging posible ang naturang gawain sa pagbibigay ng mga bagong computer sets.
Samantala, layunin ng programa ni Cong. De Venecia na mapataas ang computer literacy rate ng mga mag-aaral sa ikaapat na distrito.
Kabilang ang San Fabian National High School sa mga nakatanggap ng nasabing kagamitan.
“Malaking tulong itong programa ng ating Congressman dahil sa panahon natin ngayon kailangan maging computer literate na ang ating mga mag-aaral,” pahayag ni G. Johnny E. Pedralvez na kasama ni Dr. Dennis P. Cabrera at G. Napoleon S. Collado na tumanggap ng mga bagong kompyuter.
Tumanggap din ng computer sets ang Bonuan Boquig NHS, David NHS, Cabanban NHS, Ambalangan Dalin NHS, Lobong NHS, San Jacinto NHS, Baguinay NHS,
GSP Scouting Month Celebration ‘23
at pagtuturo
SFNHS, humakot ng parangal
ni Zyriel M. Castronuevo
KAPIT-BISIG.
Tulong-tulong ang mga kinatawan ng SFNHS sa face painting sa Scouting Month Celebration 2023.
Kauna-unahang
SOLGA sa SFNHS, matagumpay
Maagang pamasko, handog ng ESP Dept.
ni Gianne Carla P. Dizon
ni Princess Cunanan Matagumpay na isinagawa ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ang kauna-unahang State of the Learner Government Address (SOLGA) ng San Fabian National High School (SFNHS) na ginanap noong Nobyembre 7.
Jazea Rei Fernandez
Nag-uwi ng mga parangal ang delegasyon ng San Fabian National High School sa iba’t ibang patimpalak sa Girl Scout Week and Scouting Month Celebration 2023 sa Mangaldan, Pangasinan noong Nobyembre 13, 2023.
Nakamit ng mga mananayaw na Girl Scouts ng SFNHS ang ikalawang puwesto sa Flash Mob Presentation at parehong puwesto sa Girl Powered Nutrition Snack Habit.
Habang nagtapos sa ikatlong puwesto naman sa Face Painting ang Team SFNHS.
Dagdag pa rito, nakuha rin ng kupunan ng paaralan ang pangalawang puwesto sa may
pinakamalaking delegasyon sa naturang programa. Samantala, nagsilbing tagapagsanay ang mga troop leaders ng senior scouts na sina Maam Mil Grace Ceralde, Maam Gia Santillan, Maam Jazea Rei Fernandez at Maam Caressa Baculo, Maam Ely Castro bilang Field Adviser ng Cadette at Maam Jocelyn Yumang, Field Adviser ng Senior Scouts.
Ugnayan at Pagkakaisa, sentro ng Team Building ng SFNHS DLC
ni Mariel Chen C. Dismaya
Binuhay ang matibay na ugnayan at pagkakaisa ng mga bago at dating miyembro ng San Fabian National High School Drum and Lyre Corps sa isinagawang Team Building sa SFNHS gymnasium noong Oktubre 8, 2023.
Nagkaroon ng mga palarong nagpabilis ng pagtitiwala, paligsahang takbuhan, at mga hamon sa koordinasyon ang nagbukas ng pinto patungo sa mas malalim na pagkakakilanlan ng mga mag-aaral.
“Amidst the challenges, there were moments of reflection. They shared personal stories, dreams, and the reasons why music held such a special place in their hearts,” ayon kay G. Marvin Borja.
Dagdag pa ni G. Borja, sa tulong umano ng naturang aktibidad, pinalakas nito ang ugnayan ng mga
kasapi na nagbigay-daan upang ang SFNHS DLC ay hindi lamang isang grupo ng musikero, kundi isang pamilya.
Aniya, “It exemplified that we were more than just musicians; we were a family bound by a shared love for music and an unwavering commitment to one another.”
Samantala, pinangunahan ng mga gurong tagapagsanay na sina G. Borja, G. Ericson B. Suratos, G. Christian Biason, Gng. Jocelyn Yumang, at Gng. Caressa Baculo, ang nabanggit na gawain
Inilatag ng mga pangulo ng iba’t ibang organisasyon ng paaralan ang mga programang nais na ipatupad mula sa Taong Panuruan 2023- 2024.
Ilan sa mga nagpresenta ng kanilang action plan ang SSLG, COMELEC, CIC, BSP, GSP, BKD, DOYC, YES-O, ESP, APB, DLC, SHUTTERS, Pencak Silat, Chess Club, Athletic Club, Table Tennis, Volleybal Boys, Volleyball Girl’s Club at Badminton Club.
Ipinaabot naman ang mainit na pasasalamat sa mga pangulo at iba pang opisyales ng bawat klase sa paglalaaan ng kanilang oras at matiyagang pakikinig sa mga plano at proyekto ng mga nasabing samahan.
Samantala, inaasahan naman ng lahat ng samahan ang partisipasyon at kooperasyon ng mga mag-aaral sa mga proyekto sa mga susunod na araw at linggo.
Team SFNHS, nagwagi sa The Quiz Show 2023 ni Janzen B. Santillan
Nagwagi bilang 4th placer ang Team San Fabian National High School (SFNHS) sa ginanap na The Quiz Show 2023 sa St. Camillus College Foundation, Inc. noong December 1, 2023.
Panalo sina Kristian Ray F. Alvarez, Menger Ray L. Juguilon at Kenneth Reyson V. Malicdem laban sa 20 iba pang kalahok na nagmula sa Senior High School ng mga pampribado at pampublikong paaralan.
Nagsagawa ng Gift Giving Activity ang Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) Department bilang maagang pamasko sa mga estudyante ng Francisco B. Agbayani Elementary School (FBAES), Bolaoen, San Fabian noong Disyembre 13, 2023.
Nabigyan ang halos 100 estudyante ng naturang paaralan ng tsinelas, pagkain at mga kendi at biscuits na labis ikinatuwa ng mga magulang at mga guro.
“Masarap po, ngayon lang po ako nakatikim ng ganito,” saad ni Twinkle na G1 na estudyante sa FBAES.
Pinangunahan ang naturang aktibidad ni Ginoong Napoleon Collado, Ulong Guro VI ng ESP Dept. kasama ang iba pang mga guro ng departmento at mga piling estudyante ng ESP Club.
“Nais naming tumulong at lahat ng ito ay para sainyo. Sana ay kahit papaano ay makatulong ang lahat ng ito para sa inyo”, wika ni Collado.
Nagpasalamat din ang departmento sa mga donasyon at sa mga estudyanteng sumuporta at nakiisa sa ‘Piso mula sa Puso’ at ‘Pera sa Basura’ na pawang mga proyekto ng departmento.
Samantala, kaakibat ang naturang aktibidad sa taon-taong isinasagawang Outreach Program ng ESP Department.
CPP, VAWC, tinalakay
ni Gianne Carla P. Dizon
Pinaigting ang kamalayan ng mga piling estudyante at mga guro sa Reorientation Program ng Child Protection Policy (CPP) at Violence against Women and Children (VAWC) noong Oktubre 28, 2023 sa San Fabian National High School gymnasium.
Nagsilbing tagapagsalita si Atty. Ma. Jessica Louise Tibay, Legal Officer School Division Office (SDO) Pangasinan II, na aktibong pinakinggan ng mga piling magaaral mula sa Supreme Secondary Learner’s Government (SSLG), Boys Scout of the Philippines (BSP), Girls Scout of the Philippines (GSP) at kanilang mga tagapayo.
“Masaya yung event tapos maganda at maayos din yong school na pinagganapan. Very organized yong flow and mechanics nong contest, at hindi rin nagkaroon ng problema noong kasagsagan ng contest. Overall, maganda and masaya naman yung experience ko,” wika ni Alvarez.
Inihayag naman ni G. Jeric F. Gurtiza, kanilang coach, sa pamamagitan ng isang facebook post kung gaano siya kaproud sa kaniyang mga estudyante na sina Alvarez, Juguilon at Malicdem.
Ibinahagi ni Atty. Tibay ang DepEd Order No. 40 series of 2012 o ang Child Protection Policy (CPP) kung saan nakasaad ang pagtutok sa kaligtasan at karapatan ng bawat mag-aaral at batang Pilipino.
Ipinagbabawal sa ilalim ng panukalang ito ang child abuse, discrimination against children, child exploitation, violence against children in school, corporal punishments, at any acts of abuse by another learner.
Kaugnay nito, tinalakay din
ang DepEd order no. 55 series of 2013 kung saan binigyang pansin ang lumalaking kaso ng bullying at kung paano ito matutuldukan sa loob ng paaralan. Samantala, ipinaliwanag din ni Atty. Tibay ang proteksyon naman ukol sa mga kabataan at mga kababaihan ang usapin sa Republic Act (RA) 9262 o ang Violence Against Women and Children (VAWC). Nakapaloob sa naturang batas ang pagpigil sa Physical, Psychological, Sexual abuse at Economic Abuse na nagreresulta sa Battered Woman Syndrome.
Pinayuhan din ni Atty. Tibay ang mga estudyanteng nakakaranas o nakakakita ng mga karahasan na lumapit o i-repot sa mga guro, guidance counselor designate, school head o sinumang school personnel ang mga pangyayari.
4 BALITA Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng
Mataas
ng San
Dibisyon ng
II, Rehiyon I TOMO XXXIV BLG. I AGOSTO 2023- MARSO 2024
Pambansang
na Paaralan
Fabian
Pangasinan
Maam
DAHAN-DAHAN LANG! Maingat na pinapagulong ang bola ng mga miyembro ng SFNHS DLC bilang bahagi ng kanilang team building. Fb Page:
SFNHS DLC
OPEN FORUM. Pagkatapos ng talakay ni Atty. Ma. Jessica Louise Tibay, nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na makapagtanong upang malinawan sa kaniyang naging paksa ukol sa CPP at VAWC. Diana Marie Garcia
Salapingao NHS, Mangaldan Integrated School, at Judge Jose De Venecia Sr. Technical-Vocational Secondary School.
Para sa mga kabataan ng Kuwatro Distrito. Hinimok ni Con. Christopher De Venecia ang mga Punongguro at guro ng mga piling paaralan na pataasin ang computer literacy ng mga kabataan sa tulong ng mga makabagong teknolohiya. Fb Page: Christopher De Venecia
BALITA 5 MAKAKALIKASANG AGENDA
SFNHS nakiisa sa Nationwide Tree Planting ng DepEd
ni Gianne Carla P. Dizon
Pagpapatayo ng TLS, sinimulan na
Christian Sion
ni
Aktibong nakilahok ang mga piling mag-aaral, guro at pamunuan ng San Fabian National High School (SFNHS) sa sabay-sabay na pagtatanim ng 236,000 puno sa iba’t ibang panig ng bansa.
Bahagi ng inisyatibo ng Department of Education ang ‘DepEd’s 236,000 Trees – A Christmas Gift for the Children’, kung saan nakapagtanim ang mga lumahok ng 18 seedlings ng fruit bearing at native trees tulad ng anonas, langka, kasoy, balimbing, at guyabano noong Disyembre 6, 2023 sa bakanteng lote sa likod ng gusali ng Grade 7 Curriculum.
“This project serves as a gift from the Department to ensure a clean and green environment for Filipino children and future generations,” ani ng Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio.
Layunin ng tree-planting activity na isulong ang environmental preservation at responsibility sa mga Kabataang Pilipino kung saan nilahukan ito ng 47,678 na pampublikong paaralan sa buong bansa at isa na ang SFNHS dito.
“Priority program ng ating Department ang pagtatanim ng mga puno para sa susunod na henerasyon dahil maraming benefits ang makukuha natin dito,” wika ni
Upang matugunan ang kakulangan ng silid-aralan, sinimulan na ang pagpapatayo ng Temporary Learning Space sa San Fabian National High School noong Enero 6, 2024.
Binubuo ng apat na silid ang naturang make-shift na may habang 9 metro at lapad na 7 metro na pinondohan ng Central Office sa pamamagitan ng Sangay ng Pangasinan II, ng Php 720, 000.00.
Ayon kay G. Johnny E. Pedralvez, Ulong Guro III at School Facility in-charge, ang itinatayong TLS ay gagamitin ng mga mag-aaral ng Grade 9 na dating nasa DPWH Classrooms, PLAN-Philippines Classrooms, Classrooms na pinondohan ng MOEE.
Ang mga nabanggit na
KAPIT LANG, MALAPIT NA. Sinisigurong maganda ang pagkakalapat ng mga bakal para sa bubong ng itinatayong Temporary Learning Space na inaasahang matatapos sa Marso 2024.
klasrum ay tinuturing ng dilapidated dahil na rin sa kalumaan at hindi na ligtas pang gamitin. Dagdag pa ni G. Pedralvez, ‘for demolition’ na ang mga nasabing klasrum kung saan papalitan ng bagong gusali na may apat na palapag na binubuo ng 20 silid na hinihintay pang maibigay ang budget mula sa Central Office upang masimulan ang konstruksyon. Sa kasalukuyan, class shifting pa rin ang pinapatupad sa paaralan dahil sa kakulangan ng mga klasrum.
Pagputol ng 2 acacia sa paaralan, aprubado ng DENR-CENRO
ni Roxanne Sanado
Inaprubahan ng Department of Environment and Natural Resources- Community Environment and Natural Resources (DENR-CENRO) ang paghingi ng permiso ng San Fabian National High School na putulin ang 2 acacia na apektado sa pagpapatayo ng Temporary Learning Space.
Bago ang pagpapatayo ng naturang pasilidad, bumuo ng resolusyon ang paaralan sa pangunguna ni Dr. Dennis P. Cabrera, Punongguro II at mga Ulong Guro sa iba’t ibang Departamento ng paaralan kasama sina Kapitan Nestor Q. Narvasa, Pangulo ng SPTA at G. Gil E. Gutierrez, Pangalawang Pangulo ng SPTA.
Nakasaad sa Tree
Cutting Permit No. 02052024005 ang pagbibigay ng permiso sa pamunuan ng SFNHS mula sa DENR-CENRO kung saan nauunawaan ng naturang ahensya na makakasagabal at hindi ligtas para sa konstruksyon ng TLS ang nasabing 2 acacia.
Hinggil sa permit, bilang kapalit ng mga pinutol na puno, magtatanim ng 100 seedlings ang paaralan sa panahon ng tag-ulan at naatasan ding i-turn over sa ahensya upang maitanim ang mga ito.
Nabanggit din sa kasulatan na tanging rehistradong chainsaw lamang ang maaaring gamitin sa pagputol ng mga kahoy alinsunod sa RA 9175 o Chainsaw Act of 2002.
Samantala, matapos ang pagputol ng mga kahoy ay tuloytuloy na ang pagpapatayo ng TLS na inaasahang matatapos sa Marso 2024.
BILANG NG MGA PUNONG NAITANIM SA BAWAT SCHOOLS DIVISION OFFICE (SDO) SA REHIYON 1
ALAMINOS CITY 750 BATAC CITY 380 CANDON CITY 700 DAGUPAN CITY 714
URDANETA CITY 600
VIGAN CITY 401 REGIONAL OFFICE 6
28, 505
Kabuoang bilang ng naitanim na puno sa Rehiyon Uno datos mula sa Education Support Services Division
SFNHSians, nakiisa sa satellite registration ng COMELEC ni Decerie Ferrer
Nakiisa ang mga magaaral ng Senior High School sa San Fabian National High School sa isinagawang Satellite Voters Registration ng Commission on Elections (COMELEC) para sa 2025 Midterm Elections noong Pebrero 12.
Target na mairehistro ang mga mag-aaral edad 18 pataas kasama na ang may kaarawan bago o sa mismong araw ng May 12, 2025. Napili ang paaralan bilang isa sa mga satellite registration area upang hindi na mahirapan pa ang mga mag-aaral na pumila sa kanilang main office paliwanag ng COMELECSan Fabian.
Kaugnay nito, karamihan sa mga dumalo ang mga estudyanteng unang beses pa lamang o bagong rehistro na dadagdag sa listahan ng mga inaasahang magiging botante sa susunod na Midterm Elections.
Ayon sa tanggapan ng COMELEC- San Fabian, magtatagal ang registration hanggang September 30, 2024.
G. Reymundo D. Alvarrez, HT-III na MAPEH Department na nanguna sa naturang aktibidad.
Ginawa ang hakbang upang maipakita ang pagbibigay prayoridad sa kalikasan na sumasalamin sa ipinangako ni VP Duterte.
Target ng DepEd na maisalin sa Green Sanctuaries ang mga school grounds na sumisimbolo ng pagkakaisa laban sa Climate Change at Environmental Degradation para sa pagpapanatili ng maganda at luntiang kinabukasan para sa mga mag-aaral.
“Nakakapagod po siya pero over all maganda pong experience since makakatulong po ito sa ating kapaligiran,” pahayag ni Faith Micayla B. Abacco, GSP at BSP Member. Hinikayat naman ni G. Alvarez ang estudyante na ugaliin ang pagtatanim na dapat simulan sa kanilang mga tahanan at maging aktibo sa pagsama sa mga aktibong nakakatulong sa kalikasan at sa kapwa nila kabataan. Sa pagtatapos ng aktibidad, nagpasalamat si Dr. Dennis P. Cabrera, Punongguro II ng paaralan, sa mga piling mag-aaral mula sa BSP, GSP, SDRRMC, CAT at School Paper Organ at mga guro sa iba’t ibang departamento.
SFNHSians, umariba sa Divion Math Fest
MATHhanda. Masigasig na nag-iensayo ang mga kinatawan ng paaralan sa Modulo Art upang makuha ang inaasam na tagumpay. Kenji Difuntorum
ang mga mag-aaral ng San Fabian National High School sa Division Mathematics Recreational Games Festival na ginanap sa Benigno V. Aldana National High School, Enero 10. Humakot ng mga parangal ang mga kinatawan ng paaralan sa iba’t ibang patimpalak sa: Damath (Grade 7 - Champion, Grade 11 - Champion); Modulo Art (Grade 7 - Champion, Grade 8 - 4th Place, Grade 9 - 5th Place, Grade 10 - 3rd Place); Tower of Hanoi (Grade 9 - 3rd Place, Grade 10 - 9th Place, Grade 11 - 4th Place); Sudoku (Grade 9 - 3rd
Place, Grade 10 - 8th Place, Grade 11 - 4th Place); Rubiks (Grade 8 - 5th Place); Magic Square (Grade 7 - 9th Place,Grade 8 - 4th Place, Grade 11 - 4th Place); at, Math Quiz (Grade 7 - 2nd Place, Grade 8 - 8th Place, Grade 9 - 8th Place).
Samantala, nagsilbing tagapagsanay ang mga kaguruan sa Mathematics Department.
BSP School-Based camporal, matagumpay
ni Fernando T. Ungria
Matagumpay ang isinagawang Boy Scout of the Philippines (BSP) School-Based Camporal sa San Fabian National High School (SFNHS) noong Enero 13-14, 2024.
Tampok sa dalawang araw na scouting ang iba’t ibang gawain na sumukat sa kasanayan, husay at diskarte ng mga scouts na pinangunahan ng mga Rover Scouts ng paaralan. Kabilang sa mga isinagawang aktibidades ang training ukol sa Base Method, First aid/types of wounds, Herbal medicines, Animal insects, Shelter making, Fire building at Sign and symbols; Zumba, bonfire activity, talent night, flag making, at team building.
Sinukat din ang kakayahan ng mga scouters sa pamumuno kung saan hinati sila sa limang grupo sa pangunguna ng mga troop leaders. Layunin ng naturang aktibidades na makahubog ng isang mamamayang may disiplina, may malasakit, mabuting ehemplo at mapagkakatiwalaan.
Pinangunahan nina G. Reymundo D. Alvarez, at G. Gerry Fernandez kasama ang mga piling guro sa MAPEH Department ang isinagawang camporal.
dumaan sa isang pagsubok tungkol sa pagtitiwala ang mga baguhang Scouts.
Ang Opisyal
Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fabian Dibisyon ng Pangasinan II, Rehiyon I TOMO XXXIV BLG. I AGOSTO 2023- MARSO 2024
na
BATANG SFNHS, MATHgaling!
PARA SA SUSUNOD NA HENERASYON. Handog ng San Fabian National High School ang mga punong itinanim sa mga susunod na mga mag-aaral ng SFNHS sa isinagawang Nationwide Simultaneous Tree Planting Activity ng DepEd.
ni Danniel Langit
Umariba
MAGTIWALA KA LANG! Habang nakapinid,
Fernando T. Ungria
Diana Marie Garcia
Diana Marie Garcia
LA UNION 1,930 LAOAG CITY 1,445 PANGASINAN I 3,305 PANGASINAN II 5,900 SAN CARLOS
760 SAN FERNANDO
ILOCOS SUR 5,000 ILOCOS NORTE 3,848
CITY
CITY 2,766
Mga beteranong mamamahayag sa bansa, nagsanib-pwersa kontra fake news
ni Gianne Carla P. Dizon
POWERHOUSE! Laban sa ‘misinformation’ at disinformation, sanib-pwersa ang mga beteranong mamamahayag ng Pilipinas sa isang proyektong ‘Media & Information Literacy’.
Kaalaman sa dyornalismo, pinalawak
Fb Page: Media and Information Literacy
Nagsama-sama ang ilan sa mga sikat at beteranong mamamahayag ng bansa at mga guro ng University of the Philippines (UP) Diliman para sa pagluliunsad ng Media and Information Literacy (MIL) channel upang tugunan ang problema sa misinformation o fake news noong Oktubre 6, 2023.
Pinangunahan ang naturang proyekto nina Kara David, Howie Severino, Karmina Constantino, Connie Sison, Ivan Mayrina, Bianca Umali, Jeff Canoy at Atom Araullo kung saan ang bawat isa ay may paksa sa pamamagitan ng inilathalang video sa Youtube.
Nakapaloob naman sa proyektong ito ang pagbabahagi ng mga video tutorials at mga modyul para sa mga guro kung saan magiging daan upang maiwasan ang misinformation, pagsasagawa ng factchecking at ang mahalagang gampanin ng mga dyorno sa lipunan.
“Gusto naming tulungan ‘yong mga guro at bigyan ng lessons sa MIL at the same time ‘yong mga estudyante,” wika ni David na Chairman ng UP Journalism Department.
Bukod dito, ipinahayag din ni Dr. Portia Padilla ng UP College of Education, karamihan sa mga estudyante hindi nakakaunawa ng
simpleng binabasa, at lalong lalala kapag pinagsama ang learning crisis at ang information crisis, na siyang nagpapahirap sa kaguruan sa basic education lalo sa Senior High School kung saan itinuturo ang MIL.
Kaugnay nito, layunin din ng proyekto na mapalaganap ang paggamit ng wikang Filipino hindi lamang sa gobyerno at media kung hindi pati na rin sa pagtuturo.
“Yong wikang pambansa natin bigyan ng pagpapahalaga kasi mas madaling maintindihan ng mga bata ang kanilang mga leksyon kapag mother tongue nila ang ginamit”, wika ni David.
Samantala, inaasahang makakatulong ang mga video sa kanilang youtube channel, mga resources para sa mga guro at mga paaralan sa pag-aaral ng MIL.
Sa kauna-unahang pagkakataon Programa sa paggunita kay Bonifacio, isinagawa
ni Gianne Carla P. Dizon
Idinaos ang kauna-unahang paggunita sa ika-160th araw ng kapanganakan ni Andres Bonifacio sa De Venecia Sports and Clinic Center, San Fabian noong Nobyembre 30 ,2023. Nagbigay pugay ang mga opisyales sa bayan sa pangunguna ni Mayor Marlyn E. Agbayani kasama si 4th District Board
Member Marinor B. De Guzman.
“Si Andres Bonifacio ay buong tapang na nakipaglaban sa mga kastila hindi lamang upang palayain ang bansa sa kamay ng mga namumuno kundi upang palayain din sa kahirapan, ito rin ang pangako sa ating mga mamamayan ng bayan na hawak ng pamahalaan”, saad ni Agbayani. Inalala din niya ang kabayanihang ipinakita ni Bonifacio at kung paano ito maisasagawa sa
MDRRMC San Fabian, 23rd Gawad KALASAG awardee
ni Diana Marie Garcia
Pinarangalan ng pinakamataas na pagkilala at parangal ang bayan ng San Fabian sa 23rd Gawad KAlamidad at Sakuna LAbanan SAriling Galing ang Kaligtasan (KALASAG) ng Office of the Civil Defense (OCD) noong Disyembre 11 2023.
Nakatanggap ng parangal sa ilalim ng ‘Beyond Compliant’ Local Government Unit (LGU) ang bayan ng San Fabian para sa Calendar Year 2022.
Pinangunahan ni Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDDRMC) Chairman, Mayor Marilyn E. Agbayani gayundin ang pamumuno ni LDRRM Officer Engr. Lope N. Juguilon.
“This achievement will never be possible without the support of our MDRRM Councils, SB Members, Department Heads and Offices, and the MDRRMO staff,” pahayag ng MDRRMO San Fabian sa kanilang facebook post.
Samantala, ang Gawad KALASAG ay ang pangunahing taunang parangal sa bansa ng OCD para sa kontribusyon sa larangan ng pagbawas at pamamahala sa panganib sa kalamidad at makataong tulong ng mga lokal na pamahalaan.
modernong panahon ngayon.
“Magtulungan tayo, walang imposible kung tayong lahat ay magkakaisa, sama-sama tayong maglakbay para sa kaunlaran ng bayan”, dagdag pa niya. Hinikayat naman ni De Guzman na tularan at maging inspirasyon si Bonifacio sa mga manggagawa at mga mamamayan.
“Tulad ng tema, meron tayong pananagutan kahit wala tayo sa posisyon, kahit ordinaryong tao lang tayo, meron tayong pananagutan”, saad ni De Guzman. Samantala, nagkaroon ng
UNA SA REHIYON
Video Presentation tungkol sa buhay at ambag ni Bonifacio sa kasaysayan at kalayaang tinatamasa ng mamamayang Pilipino.
Kasama rin sa programa ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), kaguruan ng San Fabian 1, San Fabian 2 at mga kawani at organisasyon sa San Fabian.
Naging punong abala ang pamunuan ng San Fabian National High School sa naturang pagdiriwang.
“...meron tayong pananagutan kahit wala tayo sa posisyon,
ni Audrey Anne I. Ymasa Nadagdagan ang kaalaman ng mga patnugot ng ‘Ang Puting Buhangin’ (APB) at ‘The White Sands’ (TWS) sa isang linggong School-Based Training on Campus Journalism sa San Fabian National High School noong Disyembre 18-22, 2023.
Layunin ng training na madagdagan ang kaalaman ng mga campus journalist at makapaghanda sa mga Press Conferences para sa Taong Panuruan 2023-2024.
Bukod dito, binigyang-diin ni G. Arnel P. Doloque, tagapayo ng APB, ang tunay na kahalagahan ng dyornalismo at responsibilidad ng mga batang dyorno sa gitna ng umiiral na malawakang disinformation at misinformation sa social media. Pinalawak ang kasanayan ng mga mamamahayag ng dalawang publikasyon sa paaralan sa pagsulat ng balita, balitang isports, lahatalain, kolum, editoryal, lathalaing pangagham at teknolohiya, pagkuha ng larawan, editoryal kartuning, pag-uulo at pagwawasto ng balita, Mobile Journalism at Radio Broadcasting. Samantala, tuloy-tuloy ang pagsasanay ng mga kinatawan ng APB at TWS tuwing Sabado para sa nalalapit na Division Schools Press Conference 2024.
Red Wednesday, idinaos sa San Fabian Parish Church ni Gianne Carla P. Dizon
Inilawan ng pula ang harap ng St. Fabian Parish Church habang nagsuot ng pula ang mga nakibahagi sa Red Wednesday noong Nobyembre 29, 2023.
Pilot Implementation ng MATATAG Curriculum sa R1, matagumpay
ni Gianne Carla P. Dizon
Matagumpay ang implementasyon ng bagong MATATAG Curriculum para sa limang pilot schools sa La Union ng Rehiyon Uno noong Setyembre 25, 2023.
Kabilang ang Cabaruan Integrated School, Caba Central ES, Acao ES, Casacristo National High School, at Don Olarte Memorial NHS na pawang mga paaralan sa La Union na napili sa buong Ilocos Region. Bago ang implementasyon, binisita ni Department of Education (DepEd) Usec. Gina O. Gonong kasama ang iba pang opisyales ng
Naging sentro ng aktibidad ang temang “Embracing persecuted, oppressed and Christians in need” kung saan layunin nitong balikan ang mga alaala ng mga Kristiyanong pinahirapan at pinatay. Kaugnay nito, nanawagan si Archbishop Socrates Villegas na itigil na ang pagdanak ng dugo, terorismo, karahasan, patayan at maging simbolo ang pula ng pagmamahal. MOJO, tampok sa Campus Journ Division Training ni Maria Regina Genetrix Almazan
DepEd R1 ang mga nasabing paaralan noong Setyembre 22, 2023.
Ang Matatag na Kurikulum ng K to 12 ay nakatuon sa paglinang ng isang buo at ganap na Pilipinong may kapaki-pakinabang na literasi na magagamit sa kanyang pangaraw-araw na gawain upang maging “globally competetive” at “future ready”. Samantala, nangangahulugan
ang salitang MATATAG ng: MA – Make the curriculum relevant to produce jobready, active and responsible citizens; TA – Take steps to accelerate delivery of basic education facilities and services; TA – Take good care of learners by promoting learner well-being, inclusive education, and a positive learning environment; and G – Give support to teachers to teach better.
SFNHS, wagi sa Darayat Culinary Contest
ni Ryza Pinlac
Inuwi ng mga kinatawan ng San Fabian National High School ang unang puwesto sa Students’ Category at ang ikalawang puwesto naman sa Teachers’ Category sa ginanap na Darayat Culinary Contest noong January 10. Sa inihandang ‘Tokwa Pinakbet ng San Fabian’ nina Alfredo III S. Narag, Rex Carlo Baltazar at Jhessel Ann Roca, nakuha nila ang unang parangal.
Nakamit naman nina G. Raymund I. Sanggalang, Gng. Rosemarie Dispo at Gng. Marjorie Esguerra ang ikalawang puwesto sa kanilang ‘Oyster Sisig ng San Fabian’. Layunin ng naturang patimpalak na itampok ang mga produkto sa bayan ng San Fabian bilang pangunahing sangkap sa lulutuing putahe.
Itinampok ang MOJO o “Mobile Journalism” bilang isang bagong potensyal na patimpalak sa Division Schools Press Conference (DSPC) 2024 sa ginanap na pandibisyong pagsasanay sa pamamahayag sa Manaoag National High School noong Nobyembre 10, 2023. Binubuo ng limang campus journalists ang nasabing patimpalak kung saan ang bawat isa ay may kaniya-kaniyang tungkulin tulad ng pagbuo ng balita, opinyon, lathalain at explainer sa pamamagitan ng pagkuha ng bidyo gamit ang cellphone na may nakalaang oras. Leadership training, dinaluhan
CHEF MUNA PANSAMANTALA. Hindi libro o chalk ang hawak nina Maam at Sir kundi mga kagamitang panluto at mga sangkap na gagamitin para sa Darayat Culinary Contest. Raymund Sanggalang
ng mga piling SSLG ni Febbie Gay Garcia Nilahukan ng mga piling opisyales ng SSLG ng San Fabian National High School ang leadership training ng PHINMAUpang noong Hulyo 19, 2023. Naging sentro ng pagsasanay ang 5Ps (Position, Permision, Production, People Development, at Personhood) at ang kakayahan ng bawat lider na makapagpatupad ng mga batas at alituntunin na susundin ng kanyang kapwa mag-aaral.
6 BALITA Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fabian Dibisyon ng Pangasinan II, Rehiyon I TOMO XXXIV BLG. I AGOSTO 2023- MARSO 2024
Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fabian Dibisyon ng Pangasinan II, Rehiyon I
““
Kontra sa maling pamamahala, kaagapay sa pagtataguyod ng kapayapaan at katotohanan; at, kailanman hindi kalaban ng bayan!
Sa loob ng humigit
tatlong dekada, ang Patnugutan ng "Ang Puting Buhangin" (APB) ay nananatiling may integridad, etika, at malasakit sa interes at boses ng mamamayan.
Puti para sa walang kinikilingan, totoo, obhektibo at malayang pagbabalita. Hanggang sa ga-buhanging detalye ay aalamin at susuriin para sa tapat at komprehensibong paghahatid ng tama at totoong impormasyon sa publiko.
LUPON NG PATNUGOT
Punong Patnugot
Gianne Carla P. Dizon
Katuwang na Patnugot
Audrey Anne I. Ymasa
Princess Cunanan
Tagapamahalang Patnugot
Carla Mae S. Genese
Fernando T. Ungria
Tagapamahagi
Jira Avril Manipon
Zaikka Mae Usoria
Bea Doctolero
Febbie Gay Garcia
Irish Angel Toralba
Franklin Jay Garcia
Patnugot ng Balita
Janzen B. Santillan
Patnugot ng Lathalain
Zea Ma Bautista
Patnugot ng Opinyon
Anangel Irish Tercenio
Patnugot ng Agham at Teknolohiya
Keziah Malaque
Patnugot ng Isports
Faith Gabriel Costales
Direktor ng Dibuho
Mary Daniela Fernandez
Katuwang na Tagaguhit ng Kartun Jim Garcia
Direktor ng Potograpiya
Diana Marie Garcia
Katuwang na Tagakuha ng Larawan
Kenji Difonturom
Tagapag-anyo ng Pahina
Arnel P. Doloque
Tagapagsaliksik
Jericho Lagera
Ryza Pinlac
Zariah Gutlay
Jimver Kate Tercenio
Lhiz Luken
Jed Gabriel Ramos
Tagapagbalita Pangradyo
Roxanne Sanado
Chen Dismaya
Decerie Ferrer
Danniel Langit
Christian Sion
Jeremy Centino
Mga Tagapayo
Emma S. Cruz
Arnel P. Doloque
Konsultant/ Ulong Guro
Johnny E. Pedralvez
Kritiko/ Punongguro
Dr. Dennis P. Cabrera
EDITORYAL
EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION, IBALIK SA PULANG PETSA
May nais ka bang ibahaging kuwento, opinyon, larawan, o likahang-sining? Magpadala lamang ng iyong mensahe sa aming Facebook page: i-search ang, Ang Puting Buhangin o i-scan ang qr code sa itaas. Hihintayin
SULAT SA PATNUGOT
Mahal na Patnugot, Pagbati po sa bumubuo ng APB! Sana po ay bigyangpansin ang aking sulat na ito. Marami po akong napansing pagbabago sa ating paaralan. May maganda at may kailangan pa po ng pagbabago. Sa tulong po ninyo ay umaasa akong mababasa po ito ng kinauukulan.
EDITORYAL
Nakapagtataka kung bakit hindi ginawang holiday ng palasyo ang Pebrero 25 o anibersaryo ng EDSA People Power Revolution gayong ginawa namang holiday ang Chinese New Year kahit natapat ito sa weekend. Natatakot ba ang kasalukuyang pamahalaan at nahihiya sa ginawa ng diktaturyang pamahalaan ng Pangulong Ferdinand Marcos? Mahigit 2 milyong sibilyan, kasama ang mga militanteng grupo at relihiyosong samahan ang nakibaka sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue na kilala ngayong EDSA noong Pebrero 22-25, 1986 kung saan pangunahing layunin nito ang pababain sa panunungkulan ang kasalukuyang Pangulong Ferdinand Marcos at ihalal na maging bagong pangulo si Corazon “Cory” Aquino. Ito ang mapayapang demonstrasyon ng mamamayan na nagtagal ng apat na araw at tinawag na Himagsikan ng Lakas ng Bayan, Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ,EDSA 1, EDSA People Power at Yellow Revolution. Ang himagsikang ito ng milyong mamamayang Pilipino ay nagresulta sa pagbaba ng puwesto ni Pangulong Marcos at pagtatapos ng kanyang 20 taong pamahalaang diktatorya.
Bakit nga ba may EDSA People Power noon? Nag-ugat ito sa tatlong dahilan: Una ang diktaturyang pamahalaan ng Pangulong Ferdinand Marcos; pangalawa, ang pagpatay kay Benigno “Ninoy” Aquino Jr.; at pangatlo, ang dayaan noong snap elections. Ito ba ang ikinakatakot at ikinakahiya ng pamahalaan ngayon? Hindi ba’t nararapat lamang na bigyan ng espesyal na araw sa kalendaryo at gawing holiday ito ng kasalukuyang pamahalaan upang gunitain ang naging malayang himagsikan at ang paninidigan ng mga nakipaglaban para sa demokrasya na ngayon ay tinatamasa rin nila?
Isang palaisipan din kung bakit ginawang holiday ang Chinese New Year gayong ito ay pumatak sa weekend na katulad sa EDSA. Kung kayang bigyan ng puwang sa hanay ng mga holiday sa sarili nating bansa ang pagdiriwang ng ibang lahi bakit hindi nabigyan ng isang araw upang gunitain ang kaganapan na kusang kilos ng sambayanan na ang tanging layunin ay magkaroon ng mapayapang pagbabago. Ang paliwanag ng palasyo, nirerespeto pa rin daw nila ang paggunita sa naturang kaganapan ang problema nga lang pumatak daw ang February 25 sa araw ng Linggo.
Kung maaalala, noong 2018 sa administrasyong Duterte, pumatak din ng araw ng Linggo ang anibersaryo ng EDSA, pero idineklara pa rin itong special non-working holiday. Samakatuwid, dapat pula ang petsang 25 sa buwan ng Pebrero dahil hindi ito tungkol sa labanan ng dalawang makapangyarihang pamilya noon, ito ay araw ng mga Pilipinong may paninindigan at pagpapahalaga sa demokrasya. Isantabi ang personal na hidwaan at huwag kalilimutang ang EDSA ay ang taong bayan, wala ng iba!
Karapatang maghayag, 'wag ipagkait
Naglabas ng report ang Committee to Protect Journalists (CPJ) na pangwalo ang Pilipinas sa pinakamasamang bansa para sa mga mamamahayag. Sunod-sunod ng mamamahayag ang namatay at nasaktan sa Pilipinas ngunit, ni kailanman ay hindi ito binibigyang aksyon ng gobyerno. 'Di kaya, dahil hindi gumagawalaw ang gobyerno ay takot silang mabunyag ang kanilang kasamaan?
Sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr., tatlong mamamahayag na sina Rey Blanco ng Mabinay, Percy Lapid at Cresenciano Bunduquin na pawang pinapatay at hindi pa nalulutas ang kaso hanggang ngayon. Nagpapatunay lamang ito na tila walang balak na bigyang hustisya ang pagkamatay ng mga mamamahayag at hanggang sa mabubulaklak na salita na lamang sila. Hanggang kailan pa ba hahayaan ng gobyerno na hindi ligtas ang kalagayan ng mga mamamahayag sa sarili nating bansa?
Dagdag pa rito, marami pang mamamahayag ang patuloy na sinusubukang tanggalan ng kakayahang maghayag ng katotohanan. Gaaano pa ba karaming mamamahayag ang hinihintay na mamatay ng gobyerno?
Ako, bilang isang batang dyorno na nagsisimula pa lamang at may adhikaing itaguyod ang katotohanan at malayang pamamahayag, ay nangangamba rin
na maaaring matulad ako sa sinapit ng mga batikang mamamahayag ng bansa. Alam kong habang ginagawa ko ang aking tungkulin sa publiko ay tila nakabaon na sa hukay ang aking mga paa ngunit kung may programa o batas talaga ang gobyerno na proteksyunan kaming mga mamamahayag, ang pangambang ito ay mapapalitan ng tapang na maisiwalat ang totoo at tamang impormasyon para sa madla. Sa kabilang banda, hindi naman umano pinapabayaan ng gobyerno ang media, ayon sa Malacanang ay gumagawa na umano sila ng mga programa upang masiguradong maproteksyunan at malayang makapaghayag ang media. Dagdag pa rito, hindi umano hinahayaan ang mga krimen na sangkot sa pagkamatay ng mga mamamahayag.
Gayunpaman, tila wala pa ring pagbabago, kahit nang maupo sa posisyon ang bagong Pangulo na si Bongbong Marcos Jr.. May
mamamahayag pa ring namatay na hanggang ngayon ay 'di pa nabibigyan ng hustisya. Patunay lamang ito na maiba man ang mamahala sa atin ay wala pa ring magbabago, kaligtasan para sa mga mamamahayag ay 'di talaga binibigyang aksyon. Kailan kaya balak itong iprayuridad ng mga nakaupo sa posisyon? Balak ba ng ating pamahalaan na isa-isang mapaslang ang mga mamamahayag na ninanais lang imulat ang mga mata ng mamamayang Pilipino sa katotohanan? Nararapat na talagang iprayuridad ng ating gobyerno ang kaligtasan ng ating mga mamamahayag dahil kung papapatagalin pa ay unti-unti ng mawawalan ng boses ang katotohanan, maraming Pilipino na naman ang mapagkakaitang malaman ang kasamaan ng mga nakaupo sa itaas. Isa pa, hustisya para sa mga mamamahayag na kinitlan ng buhay at 'wag ipagkait ang malayang pamamahayag.
Maganda po sa paningin na ginagawa ang ‘Magalang Bow’ ng mga kapwa ko estudyante sa sinumang makakasalubong na nakatatanda sa amin. Ngunit, marami pa rin ang hindi sumusunod dito. Ang ilan sa kanila, kahit na makabangga na nila ang mga guro sa paaralan ay parang hangin lang at walang nakitang guro. Nakakatuwa rin po na bumabalik na ang sigla sa paaralan dala ng nagkapandemya ay matagal ding nahinto ang mga gawain sa labas ng silid tulad ng Intramurals. Kaya lang po, padami nang padami ang mga ginagawa namin sa loob ng silid-aralan. Totoo po pala ang academic burnout! Naiintindihan ko naman po na para sa ikatututo namin ang mga iyon.
Panghuli po, sana magkaroon na po tayo ng mga bagong building para po bumalik na tayo sa dating whole day ang klase. Minsan po kasi nagagabihan kami sa pag-uwi at ‘yong iba naman po ay madilim pa kung umaalis ng bahay para lang hindi po ma-late sa 6:30 na klase.
Maraming salamat po sa pagkakataon na mailimbag ang liham na ito. Mabuhay po ang APB!
Lubos na gumagalang, ADP, G8
ANNEno na?
AUDREY ANNE I. YMASA
““
... maiba man ang mamahala sa atin ay wala pa ring magbabago, kaligtasan para sa mga mamamahayag ay ‘di talaga binibigyang aksyon. Kailan kaya balak itong iprayuridad ng mga nakaupo sa posisyon? Balak ba ng ating pamahalaan na isa-isang mapaslang ang mga mamamahayag na ninanais lang imulat ang mga mata ng mamamayang Pilipino sa katotohanan?
XXXIV BLG. I AGOSTO 2023-
TOMO
MARSO 2024
7
ka namin, kaibigan!
CAMPUS JOURNALIST
OPINYON
Dagdag pasahod sa mga trabahador, pahirap sa mga maliliit na negosyo
Ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawang Pilipino ay kailangan ng bigyang atensyon dahil sa lumalalang pagtaas ng presyo sa mga bilihin, masaklap sa Pilipino na patuloy itinataas ang mga bilihin ngunit pagtaas ng mga sahod nila’y hindi nabibigyang pansin.
Kamakailan lang panukala ng senadong dagdag P100 sahod para sa mga Pilipinong trabahador. Sa mahal ng bilihin ngayon, tunay ngang kailangan ng dagdag sahod, ngunit paano naman ang mga negosyong sapat lang ang kinikita? Kapos na nga ang kita, mababawasan pa.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Laguesma, medyo mabigat ang dagdag na P100 lalo na’t mahigit 900,000 ang nasa kategorya ng micro, small at medium enterprises. Kawawa nga naman ang mga employers kung tataasan ang sahod ng mga manggawa lalo na kung maliliit lamang ang negosyo nila. Higit pa rito, hindi naman kalakihan ang kita nila dagdag pa ang tax na binabayaran nila sa gobyerno, kaya saan pa nila kukunin ang dagdag sahod sa mga Pilipinong trabhador?
Isa pa, kung tataasan ang sahod ng mga manggagawang Pilipino ay baka mapilitang magsara SME’s at mas kumunti ang mga alok na trabaho. Dahil dito, mas mahihirapan maghanap ng trabaho
ang mga Pilipino at mas titindi ang paghihirap. Ngunit, kung hindi tataasan ang sahod ng mga manggagawang Pilipino, paano sila aasenso? Lalo na’t sobra ang presyo ng mga bilihin ngayon at posible pang tumaas, kung sakaling mas tumaas ang presyo ng bilihin at hindi tataas ang sahod ng mga manggagawang Pilipino ay posibleng magutom ang lahat. Kaya ang pagtaaas ng sahod ng mga Pilipinong trabahador ay kailangan na ngayon. Dahil, kung itataas ang sahod sa bansa ay mababawasan din ang mga Pilipinong napipilitang magtrabaho sa ibang bansa para lang sa mas mataas na sahod, bababa rin ang tiyansang may masamang mangyari sa kanila sa ibang bansa. Mawawala na rin ang problema nila sa pang-araw-araw na gastusin. Sa kabilang banda, hindi pa handa ang ating bansa ang magsagawa ng dagdag, lalo na’t halos lahat ng negosyo rito’y maliliit. Kung ibaba sana ng gobyerno ang presyo ng bilihin ay mas makakabuti, sa ganitong paraan
Thumbs up sa Catch-Up!
Nakapag-catch-up na ba ang lahat?
Sinumulan na ng DepEd (Department of Education) ang bagong proyektong “Catch-Up Fridays” noong Enero 12. Ang proyektong ito ay magaganap tuwing Biyernes, kung saan ang gagawin lamang ng mga estudyante ay ang mag-aral magbasa at matutong magsulat ng sanaysay. Makakabuti ito para sa mga magaaral upang mahasa ang kanilang kakayahan sa pagbabasa at mas higit na mapaunlad ang kanilang bokabularyo.
Ayon sa DepEd, kasama ang Pilipinas sa mga bansang may mababang Literacy rate na mas lalong bumaba nang nagsimula ang pandemya. Nararapat lang talaga na magsagawa ng catch-up Fridays, dahil dito mababawasan ang rate ng non-readers sa ating bansa. Maaagapan din ng mas maaga ang kahirapan ng mga Pilipino kung matututo silang magbasa, lalo na’t ito pa man din ang pinakaimportante pagdating sa pag-aaral. Isa pa, may pag-asang magkaroon na ng pagbabago sa resulta ng PISA. Ang PISA
(Programme for International Student Assessment) ay isang test para sa mga 15 anyos. Ang test na ito’y tungkol sa kakayahang magbasa, kakayahan sa agham, mathematics. Ngunit, ayon sa Deped, mababa pa rin ang resultang nakukuha ng bansa sa test na ito, kahit dalawang beses nang nagsagawa ng PISA test. Patunay lamang ito na Malala na talaga ang lagay ng mga kabataan padating sa pagbabasa at pagkakaroon ng kritikal nap ag-iisip.
Tama lang talaga na magsagawa ng Catch-up Fridays dahil malulutas nito ang problema ng mga batang Pilipino pagdating sa pagbabasa.
Sa kabilang banda, marami naman ang nagrereklamo dahil maapektuhan ng proyektong ito ang klase tuwing Biyernes, nahuhuli na nga ang mga estudyante sa mga aralin at halos kulang ang oras para sa mga aralin, babawasan pa ito. Inamin na mismo ni VicePresident Sara Duterte na hindi perpekto ang sistema ng edukasyon sa ating bansa, ngayon mas lalo
‘di na kailangan ang nasabing pagtaas ng sahod. Tulad na lamang sa United Arab Emirates (UAE), ang sahod ng mga trabahador doon ay halos pareho lamang sa bansa natin ngunit ‘di sila nagkakaproblema sa salapi dahil abot kaya ang mga presyo ng bilihin doon, ‘di tulad sa Pilipinas. Kaya, kailangan gumalaw muna ang gobyerno at pababain ang mga presyo ng bilihin dahil, dito naman nagsisimula ang problema sa pananalapi. Dahil sa taas ng presyo ng bilihin, mas malaking halaga ang kinakailangan ng mga Pilipino. Kahit taasan ang sahod ng mga manggagawang Pilipino kung hindi naman bababa ang presyo ng bilihin sa merkado ay wala lang din silbi ang dagdag sahod. Maghihirap lang ang mga SME’s.
Unahin ang makakabuti para sa mga trabahador at employers, kasama rito ang pagbaba ng mga bilihin upang sa gayon hindi maging kawawa ang mga maliliit na negosyo sa gagawing dagdag sahod. Hindi naman kasi patas kung tataas ang sahod ng mga trabahador at
ZEAsat
ZEA MAE BAUTISTA
Kailangan gumalaw muna ang gobyerno at pababain ang mga presyo ng bilihin dahil, dito naman nagsisimula ang problema sa pananalapi. Dahil sa taas ng presyo ng bilihin, mas malaking halaga ang kinakailangan ng mga Pilipino. Kahit taasan ang sahod ng mga manggagawang Pilipino kung hindi naman bababa ang presyo ng bilihin sa merkado ay wala lang din silbi ang dagdag sahod. hahayaang malugi at maghirap ang mga employers, isaalang-alang din sana ang mga negosyante lalo na sa may maliliit na negosyo.
pang babawasan ang araw ng pagaaral ng mga estudyante.
Ayon naman sa Deped, kailangang gawan ng paraaan upang pagkasiyahin ang lahat ng subjects sa loob ng apat na araw, na lubhang imposible dahil kulang ang oras na mayroon ang mga estudyante at guro sa eskwelahan sa kadahilanang kulang ng mga pasilidad para sa ibang estudyante, dahil dito nagkakaroon ng Set A at Set B. Kaya kung kukunin pa ang Biyernes para sa Catch-up Fridays ay mahuhuli ang mga bata sa mga aralin na kailangan nilang matapos. Gayunpaman, mas kailangan pa rin ng ating bansa na masagawa ang Catch-up Fridays dahil malaki ang maitutulong nito sa atin lalo na sa mga kabataan.
Kung ito’y maisasagawa bababa ang rate ng non-readers sa ating bansa at tataas na rin ang Literacy rate natin sa PISA. Dagdag pa rito, hindi na mahihirapan ang mga batang Pilipino sa paglaki nila, wala ng malilinlang dahil sa kakulangan sa kakayahang magbasa, maiaahon din sa hirap ang ibang Pilipino.
Sa manlulupig ‘di ka pasisiil
Hihintayin pa ba nating pati ang kalupaan natin ay sakuping muli ng mga dayuhan kung ngayon pa lang ay nakikitaan na tayo ng ibang bansa na kayang-kayang lupigin at sakupin?
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na napapanahon na upang magkaroon ng pagbabago sa istratehiya kontra Tsina sa West Philippine Sea (WPS). Tama lang na magpalit na ng istratehiya ang ating bansa dahil walang nangyayaring pagbabago sa sigalot sa WPS. Hanggang ngayon ay nawawalan pa rin tayo ng karapatan sa sariling atin. Tama lamang ang gagawin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpalit ng sa tingin niya ay makabubuti sa bansa at teritoryo natin dahil hindi na madadaaan sa usap-usap lang ang Tsina. Matagal na natin itong ginagawa, kahit noon pang termino pa lang ni dating Pangulong Duterte ay parati tayong nakikipag-
usap ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago. Ang mga Tsino ay patuloy pa ring inaangkin ang hindi naman sa kanila. Nakikipag-usap na ngayon ang Pangulo sa mga karatig bansa sa Indo-Pacific Region at sa iba pang bansa upang humingi ng tulong laban sa Tsina. Kinakailangan na talagang gawin ng gobyerno ang lahat ng kanilang makakaya habang hindi pa tuluyang nasasakop ng Tsina ang WPS. Malaking kawalan sa ating bansa kung maaagaw ng Tsina ang WPS. Sa kabilang banda, kahit tayo’y patuloy na minamaliit ng Tsina ay patuloy pa rin naman tayong nakikipag-usap, hindi ba’t dapat nadala na tayo noong si Pangulong Duterte pa lamang
ang nakaupo? Maraming beses niyang binisita ang Tsina upang makipag-usap ukol sa WPS ngunit ni kailanman ay tila walang nagbago.
Gayunpaman, ang nararapat gawin natin ngayon ay ang ipaglaban ang sariling atin. Hindi upang makipaglaban sa karagatan kundi ipagpatuloy ang pagtindig at paggawa ng ingay. Kalampagin ang mga natutulog sa upuan upang kumilos at gumawa ng agarang aksyon dahil sa bandang huli, pare-pareho tayong maghihirap.
Kailangan ng palakasin ang ating bansa upang matigil na ang pagmamaliit sa atin ng mga Tsino. Sa mga manlulupig, tayong mga Pilipino ay hindi pasisiil kailanman!
BOSES NG SFNHSIANS
MARY DANIELA FERNANDEZ Nagsagawa ng sarbey ang APB sa 100 SFNHSians tungkol sa kanilang kasiyahan sa pagganap sa mga tungkulin ng mga lider sa bansa. Narito ang resulta:
PRESIDENT: FERDINAND MARCOS JR.
VICE PRESIDENT: SARA DUTERTE
SENATE PRESIDENT: JUAN MIGUEL ZUBIRI
GIANNEnong bago?
GIANNE CARLA P. DIZON
Kung ito’y maisasagawa bababa ang rate ng non-readers sa ating bansa at tataas na rin ang Literacy rate natin sa PISA. Dagdag pa rito, hindi na mahihirapan ang mga batang Pilipino sa paglaki nila, wala ng malilinlang dahil sa kakulangan sa kakayahang magbasa, maiaahon din sa hirap ang ibang Pilipino.
RonDIANA
DIANA MARE GARCIA
Kalampagin ang mga natutulog sa upuan upang kumilos at gumawa ng agarang aksyon dahil sa bandang huli, parepareho tayong maghihirap.
SARBEY SA SIYETE
Bilang mga nakababata sa SFNHS at babad na sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya; Kapag may narinig/ napanood/nabasa kang balita, ano ang una mong ginagawa?
Hindi dapat paniwalaan agad ang mga napanood o narinig dahil may posibilidad na ito ay gawa gawa o peke lamang. Kailangan nating suriin muna ang balita bago ito ipagkalat.
-Wincess Jean Peralta, G7-STE
Kapag narinig ko ang isang balita hinihintay ko munang maipalabas sa TV lalo sa 24 oras baka kasi hindi totoo. Tsaka hindi dapat basta-basta nagpapaniwala at nagsi-share ng balita na hindi nasuri.
-Kenjie Tanagon, G7-Almond
hindi naman kailangan maniwala agad sa mga ganyan lalo na kung hindi naman ito galing sa legit sources.
-Jabriel Anne Vergara, G7Auburn
Hindi agad-agad pinaniniwalaan ang isang balita dahil kailangan munang mag-verify ng impormasyon, suriin ang credibility ng source, tingnan ang konteksto, at mag-fact-checking upang matiyak ang katotohanan ng balita.
-Kyla Kate Pascual, G7-Aqua
Saan ka naman, kumukuha/nakakakuha ng balita?
8
Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fabian Dibisyon ng Pangasinan II, Rehiyon I TOMO XXXIV BLG. I AGOSTO 2023- MARSO 2024
““
““
““
ZAIKKA MAE USORIA
SPEAKER: MARTIN ROMUALDEZ 45% 55% 67% 33% 57% 43% 48% 52%
HOUSE
KOMENTARYO
Lisensya muna!
ni Anangel Tercenio
Matapos ang termino ng paghahari ng mga dyipney, may nagtatangka bang pumalit sa pwesto nito? Nang umuso ang modernisasyon sa transportasyon ay dumarami ang pakalat-kalat na kakaibang mga sasakyan. Ang pagkawala ng lehitimong hari ng kalsada ay nagbunga ng mga mapagpanggap at naghaharihariang mga sasakyan.
Talamak sa social media ang iba't-ibang videos na nagpapakita ng mga gumagamit ng e-bike nang hindi iniisip ang kanilang paligid. Karamihan dito ay mga draybers na nagdudulot ng aksidente sa daan at ilan naman sa mga ito ay mga nagpapakita ng kayabangan na parang sa kanila ang daan. Wala namang mali sa paggamit ng mga bagong sasakyan, ang dapat lang na gawin ay i-respeto ang batas pati na ang mga kapwa motorista.
Pinapayagan ang mga klase ng mga sasakyang ito na makapag-operate kahit na wala silang lisensya at hindi rehistrado ang sasakyan. Ang katotohanang ito ay malaking kamalian na agad sapagkat hindi nito nasisigurado ang kaligtasan ng dryaber pati na rin ang mga gumagamit ng ibang sasakyan. Hindi rin patas ito sa ibang motorista sapagkat habang sila ay sumusunod sa batas ay siya namang pang-aabuso ng mga e-bike drivers sa kanilang kalayaan.
Ang pagmamaneho ng mga ito ay hindi dapat gawing "free pass" upang maging sagabal sa daan, kailangan ding isipin nila ang kalagayan ng iba. Bilang isang responsableng drayber, dapat silang makiisa na dapat muna silang idaan sa masusing proseso bago magparada sa daan.
PAGKAING PANGKAISIPAN
Lahat ng bagay ay pwedeng mawala sa iyo ngunit hindi ang edukasyon.
Kahit kailan walang makakanakaw nito sa iyo. Kaya naman, dapat bigyang halaga ang pag-aaral. Isapuso ang mga turo ng inyong mga guro at pangaral ng inyong mga magulang.
Ang ugat ng karunungan ay mapait subalit ang bunga ay matamis. Walang madaling simula. Lahat tayo ay nagsisimulang nahihirapan at nadadapa ng maraming beses. Ngunit kapag natutong tumayo sa sariling mga paa at pinahalagahan ang mga dinanas, balang-araw mapapakinabangan mo ito sa pagkamit ng iyong mga minimithi sa buhay.
Maliit man na butil ng kaalaman ang dulo nito ay malaking kaginhawaan. Tandaan ang lahat ng mga pangaral ng mga guro at magulang. Kung minsan iyong mga bagay na hindi mo inaakala na mahalaga ay siya palang magliligtas at magpapaunlad sa iyo.
-ANG PUTING BUHANGIN
OPINYON
paRYZA bayan
RYZA PINLAC
““
Paano na lang magkakaisa ang sambayanang Pilipino kung ang dalawang may mataas na katungkulan sa bansa ay hindi nagkakasundo at nagkakaisa?
May mga batang nanonood, itigil na ang bangayan!
Paalam UNITEAM na nga ba?
Noong nakaraang eleksyon ay nabuo ang tandem na Marcos-Duterte o mas kilala sa tawag na UNITEAM. Subalit, sa mga nakaraang linggo ay nagkakalabuan ang relasyon ng dalawang pamilya.
Nagsalita ang dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa kasalukuyang Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sinasabi nito na siya raw ay isang drug addict. Ginantihan naman ito ni Marcos Jr. at sinabing epekto lamang ng gamot na Fentanyl na iniinom ni Duterte kung bakit siya inaakusahan ng ganoon. Ang mga patamang ito ay nangangahulugang wala na ang unity sa dalawang pamilya. Malala pa rito ay walang may alam kung ano ang katotohanan at kung sino ang paniniwalaan.
Lalong nag-init ang isyu nang dumagdag ang isa pang
Duterte na si Sebastian Duterte, kasalukuyang Mayor ng Davao City. Kaniyang sinabi na kung walang pangarap at pagmamahal si Marcos Jr. sa bansa ay dapat na itong bumaba sa puwesto. Ang atakeng ito ni Baste ay nagpapalabas na nais niyang umalis si Marcos Jr. sa pagkapresidente. Mayroon kayang tinatagong agenda ang mga Duterte kung bakit biglaan nilang sinisiraan si Marcos Jr.? Hindi malabong ginagawa nila ito upang mailuklok nila si VP Sara sa pagkaPangulo upang maipagpatuloy ang nasimulan ng kanilang ama. Hindi pa ba sapat ang isang Duterte na minsan nang pinamunuan ang Pilipinas?
Samantala, ang alitan ng dalawang pamilya ay dapat na matigil sapagkat hindi ito makatutulong sa bansang kanilang pinamumunuan. Mas maraming problema ang Pilipinas na dapat
Bullying, Hadlang sa Edukasyon
na pinagtutuunan ng pansin tulad ng Charter Change na mainit na usapin sa Kongreso at Senado, ang mga mangingisdang pinagtatabuyan sa West Philippine Sea, ang patuloy na at hindi natigil na inflation, at ang nakaambang masamang epekto ng climate change.
Ang mga adbokasyang ipinangako ay dapat hindi mapako nang dahil lamang sa bangayan ng dalawang magpartido. Dapat nilang unahin ang kanilang pinangakuan ng maganda at nagkakaisang bayan dahil walang maidudulot na maganda kung ang mga nakaupo ay walang pagkakaisa at walang pagmamahal sa kanilang nasasakupan. Paano na lang magkakaisa ang sambayanang Pilipino kung ang dalawang may mataas na katungkulan sa bansa ay hindi nagkakasundo at nagkakaisa?
Ang mababang ranggo ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA) ay hindi nangangahulugang dulot ito ng mahinang istratehiya ng pagtuturo kundi may mas malalim pang rason. Isa sa tinitignang dahilan ang talamak na bullying.
ANANGEL ng masa
ANANGEL IRISH TERCENIO
Ang pangunguna ng Pilipinas sa isyung ito ay hindi maipagmamalaki dahil imbes na sa kagalingan nakikilala ang Pilipinas ay kabaliktaran ang nangyayari dito; nakikilala ang Pilipinas sa rason na hindi kaaya-aya.
FEBBIElis aksyon
FEBBIE GAY D. GARCIA
““
Dahil na rin sa kakulangan ng disiplina ng mga kapwa ko magaaral kaya naman bilang mga opisyales ng SSLG, nagkaroon ng masinsinang pagpupulong ukol sa mga maaaring gawin upang masulosyonan ang suliranin sa mga comfort rooms sa paaralan.
Ano nga ba ang epekto ng bullying sa mga esudyante na nagiging hadlang para maipakita ang kabuoan ng kanilang potensyal?
Napag-alaman ng PISA na isa ang bullying sa mga dahilan kung bakit kulelat ang mga Pinoy. Ang bullying ay isang problema sa bansa na hirap lutasin dahil sa mataas na kaso nito at pagkawala rin ng disiplina at respeto ng ibang tao. Ayon sa PISA, isa sa tatlong estudyante na may edad na 15 taong gulang ang nakararanas nito. Ayon pa rito, ang pambubully ay nangyayari sa iba't ibang paraan tulad ng pagnanakaw, paghahamon ng away, pagkakalat ng chismis, at pagtatago o pagsira ng gamit ng estudyante. Kung magpapatuloy ito, ano na lamang ang magiging epekto nito sa emosyonal, pisikal, at mental na kalusugan ng mga mag-aaral?
Maraming mga kabataan ang nawawalan ng kumpyansa sa kanilang mga sarili dahil sa mga nararanasang pambubully. Kaya madalas, ang mga biktima ay nawawalan ng interes at motibasyon na gawin ang nakasanayan nilang aktibidad.
Samantala, naitala ng PISA noong 2019 ang
pinakamaraming bilang ng pambubully kung saan lumabas na anim hanggang 10 na teenagers ang nakararanas nito. Dagdag pa rito ay sa mahigit 7, 000 na 15 anyos na estudyanteng Pilipino, 65% dito ay nabubully nang ilang beses sa loob ng isang buwan. Nakababahala dahil kahit gaano pa karami ang seminar, slogan, o pagbabahagi ng kamalayan ay hindi pa rin nawawala o nababawasan ang isyu ng bullying sa mga paaralan sa Pilipinas. Nasabi ni Sen. Sherwin Gatchalian sa naganap nilang Senate Committee on Basic Education noong Pebrero 2023 na 17.5 milyong estudyante ang nakararanas ng pambubuly sa bansa. Ang bilang na ito ay dapat na magawan ng agarang aksyon at hindi dapat isawalang-bahala sapagkat ang epekto nito sa mga kabataan ay malala, maaari silang magkaroon ng mental illness at trauma na habang-buhay nilang bibitbitin. Nagiging hadlang sa mga batang Pilipinp na makapagpokus sa kanilang pag-aaral ang bullying kaya't dapat na pagtibayin ang mga programa at batas ma makapagpoprotekta sa mga kabataan laban sa bullying.
Mahirap na Masaya
Maaari ding magtalaga ng mga nakatataas sa bawat paaralan na hawakan ang mga kaso ng bullying at kumbinsihan ang mga estudyante na huwag matakot magsumbong at huwag ipagpatuloy o gagawin ang pambubully sapagkat walang magandang benepisyo ang madudulot nito. Anyayahan ang bawat isa na huwag manahimik lamang kung may nalalamang kaso ng bullying. Pakinggan at intindihin ang mga biktima ng pambubully kung magkukuwento at huwag ibaling sa kanila ang sisi kung bakit sila nabubully. Ang pangunguna ng Pilipinas sa isyung ito ay hindi maipagmamalaki dahil imbes na sa kagalingan nakikilala ang Pilipinas ay kabaliktaran ang nangyayari dito; nakikilala ang Pilipinas sa rason na hindi kaaya-aya. Ang estado ng Pilipinas ay dapat sa akademiko tumataas at hindi sa mga bagay na naglalagay sa atin sa kahihiyan at masamang paningin. Lagi nating tutukan ang pagkatao at makataong pag-uugali ng bawat esudyante. Tayo ay makinig, makibahagi, at makiisa para matigil na ang bullying.
Mahirap ang maging student leader pero masaya ang tumulong at mabigyan ng boses ang aking mga kapwa estudyante!
Isang pambihirang karanasan sa paaralan ang maging isang student leader lalo na kung makakamit mo ang pinakamataas na posisyon, ang pagiging isang Pangulo ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG).
Nang ako’y naluklok sa posisyon bilang Presidente, alam kong malaki at mabigat ang naghihintay na responsibilidad sa akin. Isang hamon na buong puso kong tinanggap at paisa-isa ay bibigyang katuparan ang mga binitiwan kong plataporma noong panahon ng pangangampanya.
Bilang pangulo, naranasan ko ang humarap sa maraming tao; makipaghalubilo sa lahat ng uri ng estudyante, kilala man ako o hindi; gayundin, ang makipag-usap sa mga guro sa paaralan, at maging isa sa taong bumubuo ng kanilang pagpupulong kung kinakailangan.
Sa ilang buwang pamumuno ko, nagawa kong
iparating sa kinauukulan ang hinaing ng katulad kong estudyante. Ito ang magkaroon ng maayos at malinis ng palikuran ang aming paaralan. Hindi kasi napapanatili ang kalinisan sa loob ng mga CR kung kaya umaalingasaw na ito maaga pa lamang. Dahil na rin sa kakulangan ng disiplina ng mga kapwa ko mag-aaral kaya naman bilang mga opisyales ng SSLG, nagkaroon ng masinsinang pagpupulong ukol sa mga maaaring gawin upang masulosyonan ang suliranin sa mga comfort rooms sa paaralan. Nakakatawa mang isipin, ngunit nais kong maalala ako ng aking mga kamag-aral bilang lider na nagpatupad ng kanilang matagal nang minimithing malinis at mabangong CR. Dahil isa naman talaga ito sa dahilan ng aking pagtakbo. Bagaman ako'y may kapangyarihan, masasabi kong ito ay limitado pa rin. Nagawa ko ang
aking tungkulin, iyon ay iparating ang nakikita kong problema sa aming paaralan, ngunit ito ay hindi naging sapat upang magawan ng agarang aksyon. May ilan kasing aktibidad at mga programa na hindi na sakop ng SSLG higit lalo ako bilang Pangulo. Ngunit sinusubukan pa rin naming mag isip ng alternatibong paraan kung saan papayagan ng paaralan ang mga target naming proyekto. Masarap sa pakiramdam na ako ay nagiging bahagi ng hakbang na ninanais ng mga kapwa ko mag-aaral ngunit kalakip din nito ang hirap at sakripisiyo ko, at ng aking mga kasamahan sa pagpapatupad nito.
Hinihiling ko na sana, sa bawat pagtatapos ng araw, malaman ng aking kapwa estudyante, na lahat ng aming ginagawa, pagbabawal sa mga bagay-bagay, ay para rin sa kanilang kapakanan at kaligtasan sa loob ng paaralan.
Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fabian Dibisyon ng Pangasinan II, Rehiyon I TOMO XXXIV BLG. I AGOSTO 2023- MARSO 2024
9
““
Pag-alaala
sa mga Iconic na linyahan ng Imbestigador ng Bayan!
“Hindi namin kayo tatantanan!”
“Excuse me po!”
Sinong makakalimot sa mga linyang ito ng batikan at beteranong mamamahayag ng bansa na si Mike Enriquez (Miguel Castro Enriquez)? Ito ang mga linyang nagmarka at minahal ng bawat mamamayang Pilipino na kanilang naging lakas at boses sa pagharap ng katiwalian at pagkamit ng hustisya; mga linyang naging repleksyon ng personalidad ng nag-iisang Imbestigador ng Bayan.
Nagimbal at nalungkot ang lahat nang kumpirmahin ng GMA Network, Inc. sa isang balita ang kaniyang pagpanaw noong Agosto 29, 2023 sa edad na 71. Sa loob ng mahigit 50 taon, umikot ang kaniyang buhay sa serbisyo publiko kung saan siya kinilalang haligi ng industriya ng Philippine Radio Broadcasting at ng GMA Network. Isa siya sa mga anchor ng flagship newscast ng GMA na “24 Oras” at naging host ng long-running GMA Public Affairs program na “Imbestigador.” Naglingkod din bilang President ng RGMA Network, Inc., naging Senior Vice President at Consultant for Radio Operations ng GMA Network. Siya rin ang pinahamahabang naging anchor ng mga programa ng DZBB na “Super Balita sa Umaga” at “Saksi sa Dobol B.”
Bukod sa kaniyang mga natamong tagumpay at parangal na talagang hinangaan ng buong sambayanan dahil sa kaniyang angking tapang at dedikasyon sa pagbabalita. Bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig ay tila bala ng baril at talim ng itak na nagpapakaba sa mga gumagawa ng krimen. Dito nagkaroon ng buhay ang kaniyang mga pamosong linya. Ngunit, naitanong mo na rin ba minsan sa iyong sarili kung saan nagmula ang mga tanyag at iconic na linya ng nagiisang Mike Enriquez?
“Hindi namin kayo tatantanan!”
Marahil kung ilalarawan ng nakararami si Enriquez, siya’y matapang. Ngunit sa kabila ng kaniyang katapangan, may pusongmamon siya sa mga bata —mga batang biktima ng karahasan.
“Issues about children are very close to me personally, because my wife and I do not have kids. We’ve been married for 28 years and we don’t have and will never have kids,” pahayag ni Enriquez sa isang panayam sa kaniya noong 2005.
Kaya naman nang minsang nagkaroon ng coverage ang kaniyang team sa kaso ni Kaye Lazaro, isang batang natamaan umano ng ligaw na bala na kalaunan napag-alamang ang bala ay galing pala sa isang pulis, namutawi sa kaniyang bibig ang mga katagang, “hindi namin kayo tatantanan”.
“I personally handled that story, and I saw Kaye’s condition. I told my staff, hindi natin ito tatantanan until we find that guy. And we did. Ever since then I said this is what Imbestigador is all about,” paliwanag ni Enriquez.
Mula noon, naging tag line na ng programang ‘Imbestigador’ ang kaniyang pahayag. Bagay na naging hamon sa buong produksyon na magkaroon ng resulta sa nilulutas nilang problema sa programa na kasisimula lamang nang ipinalabas noong 2000 ang tungkol kay Kaye Lazaro.
“Excuse me po!”
Marami na sa kabataan ngayon ang nakakalimot na sa tinatawag na GMRC o Good Manners and Right Conduct. Bagay na hindi nawala sa mga pagpapahalagang natutunan ni Enriquez mula sa kaniyang mga magulang na kahit na may edad na siya ay isinasabuhay pa rin niya nang siya ay nabubuhay pa.
“Bata pa kami sinanay na kami na kapag inuubo ka o kapag nababahing ka dapat mag-e-‘Excuse me po’ ka. GMRC ‘yon, good manners and right conduct. Akala ng mga tao arte ‘yon o gimik, hindi po. Hindi, no way. Parang kapag nagmamano sa nakatatanda, hindi gimik ‘yon. Totoong paggalang ‘yon.”
Ito ang naging tugon ni Enriquez sa isang panayam sa kaniya ng Rappler (2020) kasabay ng 20th special Anniversary ng Imbestigador kung saan binigyang linaw niya na ang kaniyang pagbibitaw ng mga katagang excuse me po ay tungkol sa pagpapahalaga sa GMRC.
Anghel sa Giyera: Bayani hanggang sa huling hininga
“Wala na kunoy terorista ya akaloob ed Kibbutz ‘mi. Akatanggap si alagak na message diad kila Net (May nakapasok ng mga terorista sa Kibbutz, Mommy. Nakatanggap ang alaga ko ng mensahe mula kina Net).”
Ito ang pinakahuling voice message na ipinadala ni Angelyn Aguirre sa kaniyang ina sa kasagsagan ng pag-atake ng mga grupo ng terorista sa Kibbutz Kfar Azar na nagsimula noong Oktubre 7, 2023. At sa mga sumunod na araw dumating ang pinaka-ayaw na balitang matanggap ng kaniyang ina, patay na si Angelyn kasama ang kaniyang among 70 taong gulang matapos silang pagbabarilin ng mga Hamas sa isang bomb shelter na kanilang pinagtaguan.
Isang dedikadong tagapag-alaga, mapagmalasakit sa kanyang tungkulin, isang bayani na nagpamalas ng katapangan na sa kabila ng panganib ay nanatili sa kanyang pasyente; at, kahit may pagkakataon pa siya upang tumakbo pinili niyang manatili at itinaya ang sariling buhay huwag lamang maiwan ang matandang kaniyang inaalagaan. Pitong taon ng caregiver si Angelyn sa Israel matapos itong kunin ng kaniyang ate Erlinda na isa ring OFW sa parehong bansa. Siya’y 32 taong gulang at tubong Bantag, Binmaley, Pangasinan na binigyan ng pagkilala at Hero’s Welcome nang maiuwi ang kaniyang mga labi sa bansa.
Alaala’t Pangarap ng isang Anghel
si Aguirre at bumalik na rin agad sa Israel para magtrabaho. “Ang pangarap niyang magka-anak ay hindi na din matutupad, ‘yon sana ang gustonggusto niyang mangyari," ani Wilma Bandong, panganay na kapatid ni Angelyn.
Lubos naman ang pagdadalamhati ng tiyahin ni Angelyn sa kinasadlakan ng kaniyang pamangkin. Ayon kay Violeta Peralta, 5 taon pa lamang si Angelyn ay inaalagaan na niya ito hanggang sa nangibang bansa na nga ito.
Sa paglisan ni Angelyn, iniwan niya ang mga alaala ng kanyang kabutihan at kabayanihan. Ang kanyang pangarap ay hindi man natupad, ngunit ang kanyang marka sa puso ng kanyang pamilya ay nananatiling buhay.
“Napakasakit. Di ko matanggap. Kahit na sinong magulang, hindi niya matatanggap na mawawalan siya ng anak.”
Erlinda Aguirre Ina ni Angelyn
Pagkilala sa Kabayanihan
Sa gitna ng pagdadalamhati, bumabalot ang alaala ng isang taong puno ng kabutihan, kagandahangloob, at pagmamahal. Ang buhay ni Angelyn Aguirre ay isang salamin ng pagmamahal sa pamilya, ngunit ang kaniyang maagang pagpanaw sa Israel ay nagdulot ng matinding lungkot at hinagpis sa kaniyang mga mahal sa buhay.
Ulirang kapatid, matulungin, masayahin at mapagmahal. Ilan lamang ito sa mga paglalarawan ng kaniyang pamilya na lubos na nasaktan sa kalunos-lunos niyang sinapit sa ibang bansa.
"Napakasakit. Di ko matanggap. Kahit na sinong magulang, hindi niya matatanggap na mawawalan siya ng anak,” pahayag ni Erlinda, ina ni Angelyn. Magbabakasyon sana si Angelyn sa Disyembre sa susunod na taon at pinaplanong mag-umpisa ng pamilya matapos siyang ikasal nang Setyembre noong isang taon. Isang linggo lang nanatili sa bansa
Sa isang bansang nababalot ng takot at kaguluhan dulot ng pag-atake ng militanteng grupo ng Hamas sa Israel, naging simbolo si Angeline ng kabayanihan at kabutihang-loob.
Labis na paghanga ang isang lokal na opisyal sa Jerusalem sa kadakilaan ng Pinay nurse na kabilang sa mga nasawi sa pagatake ng militanteng grupong Hamas sa Israel. Sinabi ni Jerusalem Deputy Mayor Fleur Hassan Nahoum, na nagpakita ng "unimaginable honor in the face of evil" si Angeline Aguirre.
"Despite having a chance to flee the Hamas terror attacks, Angeline showed unbelievable humanity and loyalty by remaining Nira's side during the violence, resulting in both of them being brutally murdered by Hamas," ayon kay Nahoum.
Ang kaniyang pagkamatay
ay hindi lamang simpleng pagkawala ng buhay, bagkus isang tanda ng katapatan. Ayon kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, itinuring na nila si Angeline bilang bahagi ng kanilang pamilya. Ang kanyang sakripisyo at katapatan sa pag-aalaga sa kanyang pasyente ay isang halimbawa ng tunay na pagkakaibigan at pagmamalasakit, na nagdulot ng pagkilala mula sa pamahalaan ng Israel. Bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan, tiyak ang tulong at suporta na ibibigay sa pamilya ni Angeline. Hindi lamang ang Israel ang nagpapahalaga sa kanyang kabayanihan, pati na rin ang ating sariling pamahalaan ay nagbigaypugay at tulong sa pamilya ni Angeline. Una nang bumisita si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Admin Arnell Ignacio kasama si Department of Migrant Workers (DMW) OIC Hans Leo Cacdac upang magbigay-pugay sa bayaning si Angelyn at nagpaabot na rin ng tulong sa halagang P220-K. Sa gitna ng kaguluhan at panganib, isang liwanag ng kabayanihan at pagmamalasakit si Angeline Aguirre. Ang kanyang kuwento ay patunay ng tapang at kabutihan ng puso ng isang Pilipino, hindi lamang para sa sariling pamilya kundi pati na rin sa kanyang pasyente at sa ngalan ng mapusong serbisyo. Ang kaniyang alaala ay mananatiling inspirasyon sa ating lahat na magpakita ng kabutihan sa kabila ng anumang hamon ng buhay.
“Sa gitna ng kaguluhan at panganib, isang liwanag ng kabayanihan at pagmamalasakit si Angeline Aguirre.
Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fabian Dibisyon ng Pangasinan II, Rehiyon I TOMO XXXIV BLG. I AGOSTO 2023- MARSO 2024
10 LATHALAIN
nina Janzen B. Santillan at Zea Mae Bautista
Manila Times Al Jazeera
ni Zea Mae Bautista
Facebook: Angelyn Aguirre
LATHALAIN 11 LAST TRIP! Panaghoy ni
Haring Dyip
ni Lhiz Luken
Sa hinahaba-haba ng aking byahe, saksi ako sa samu’t saring kwento at pakikipagsapalaran ng iba’t ibang tao. Ngunit sa likod ng bawat kwento ay ang mapanghamong realidad ng napipintong paglaho ko sa iba’t ibang kalsada. Ang bawat kilometrong aking tinatahak ay maaaring maging huling ikot na ng aking gulong at ang bawat busina ay tila awit ng paalam.
Kung ako’y biglang magkaroon ng kakayahang magsalita, marahil ang una kong sasabihin ay ang aking pasasalamat sa bawat isa na sumakay at sumuporta sa akin sa buong panahon ng aking paglalakbay. Ngunit hindi ko maiwasang ipahayag ang aking labis na kalungkutan at pangungulila sa balitang aking pagwawakas bilang hari ng kalsada.
May pag-asa pa kaya, silang ‘di makabasa?
ni Zea Mae Bautista
Nagbabasa ka pa rin ba sa gabi? Pinapabasa ka pa rin ba ng mga magulang mo? O abala ka nang nagsiselfon, kausap o ‘di kaya’y kalaro mo na ang mga kaibigan mo?
Habang ako’y pauwi sakay ng aming tricycle, napatingin ako sa kawalan at wala sa sariling binabasa ang kahit anong makita kong nakasulat. Bigla kong naalala ang napagkuwentuhan namin ng aking guro sa Filipino 7.
Samu’t saring suliranin ang kinakaharap ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas tulad ng kakulangan sa mga klasrum, libro at iba pang kagamitan sa paaralan ngunit mas nakababahala ang patuloy na paglobo ng mga mag-aaral na hirap magbasa at umunawa. Isang palaisipan pa rin sa aking guro kung papaanong hayskul na sila ay hindi pa rin makabasa.
Dali-dali kong binuksan ang aking data at sinaliksik ang sinabi niyang istadistika tungkol sa ranking ng ating bansa pagdating sa pagbasa.
Ayon sa resulta ng Program for International Student Assessment (PISA) 2022, sa pagbabasa, 24% ng mga estudyanteng Pilipino ang nakakuha ng score sa Level 2 o mas mataas, habang ang average ng OECD ay 74%. Ito ay nagpapahiwatig na ang mga magaaral na Pilipino ay nahihirapan sa pag-unawa ng mga kumplikadong teksto at pagtukoy ng mga implicit na impormasyon.
Totoo nga ang sinabi niya sa akin, MAY KRISIS SA EDUKASYON sa ating bansa. Hindi ko maunawaan noong una ang kaniyang tinutukoy dahil
“Totoo nga ang sinabi niya sa akin, MAY KRISIS SA EDUKASYON sa ating bansa. Hindi ko maunawaan noong una ang kaniyang tinutukoy dahil ang alam kong krisis ay tungkol lamang sa ekonomiya, ‘yon pala ay mayroon din sa Edukasyon.
ang alam kong krisis ay tungkol lamang sa ekonomiya, ‘yon pala ay mayroon din sa Edukasyon. Isa sa nakikita niyang dahilan ang ‘zero dropout’ na pumipigil sa mga gurong tulad niya na hindi ipasa ang mga estudyanteng hindi nagpapamalas ng interes sa pag-aaral at kahit pa hindi makabasa. Dahil dito, nakakapaghayskul ang mga mag-aaral na nakapagtapos sa elementarya na hindi man lang makabasa. Bunga nito, dagdag pasanin sa mga guro lalo na sa Grade 7 ang pagtuturo sa mga batang hindi nalinang ang kasanayan sa pagbasa.
Tandang-tanda ko pa ang tinuran niya, “Sa halip na nakapokus na sa pagtuturo ng aralin ang mga gurong tulad ko ay kailangan ko pang gumawa ng interbensyon para sa kanila dahil hindi naman sila matututo nang maayos at wala silang kakayahan na unawain ang leksyon kung wala silang kakayahang bumasa.”
Talagang nahihirapan ang mga batang ito sa pag-unawa ng mga komplikadong aralin dahil noong elementarya pa lamang ay hindi na natuto ng mga kailangang kasanayan na dapat ay nalinang at naituro na tulad ng pagbabasa. Makapasa man sa elementarya ang mga mag-aaral na ito ay bumaba naman ang kalidad ng kanilang pagkatuto.
Naalala ko tuloy nong ako’y nasa elementarya pa lamang, lagi akong pinagbabasa ni Mama sa hapon at bago matulog sa gabi. Kaya nagtataka rin ako kung paanong hindi sila maalam sa pagbabasa at sinisi pa ng ilang magulang ang paaralan kung bakit hindi makabasa ang kanilang mga anak.
Ngunit hindi lang dapat sa paaralan o sa mga guro ibunton ang paninisi sa mababang kalidad ng pagkatuto at malaking bilang ng mga mag-aaral na hindi makabasa dahil dapat sa tahanan pa lamang ay naituro na ang kasanayan sa pagbasa na papaunlarin o lilinangin na lamang ng paaralan upang mapataas ang antas ng
komprehensyon ng mga mag-aaral katulad ko.
Malapit na kami sa barangay namin at nakita ko na naman ang poster ng bansang pangarap kong mapuntahan.
Pero sa ngayon, sa pagbabasa ko muna idadaan at tutuparin ang pangarap ko na iyon dahil sabi niya sa akin, sa pamamagitan daw ng pagbabasa ay maaari kong puntahan ang mga lugar na naisin ko gamit ang aking imahinasyon.
Naalala ko pa, ang sabi niya halos lahat ng bansa ay pasulong kung ang pag-uusapan ay pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon habang ang Pilipinas ay paurong kaya kinakailangan ang puspusang sikap at tiyaga ng DepEd at ng bawat magulang upang maisalba ang mga magaaral na hindi marunong bumasa.
Buti na lang at may CatchUp Fridays na para sa aming mga mag-aaral upang mahasa ang aming kasanayan sa pagbabasa at pag-unawa upang mabigyang solusyon ang suliraning ito ng bansa. Kinakailangan na putulin ang pinakaugat nito habang maaga pa lamang. Sa tahanan pa lang ay huwag hahayaang lumabas ang mga bata na hindi marunong bumasa.
Oo, nga pala. Nakarating na kami at maayos na rin sa wakas ang streetlight sa tapat namin. Sana katulad ng naayos na ilaw, ay mabigyan din ng agarang solusyon ang krisis sa edukasyon sa ating bansa dahil sa pamamagitan nito, ang tulad kong mag-aaral ay mas magiging produktibo at handang makipagsabayan sa agos ng ating makabagong panahon. At masasabi pa rin nating, may pag-asa pang ang bawat bata ay nakakabasa at may kakayahang umunawa.
Dahil maliwanag na sa harapan namin, tara, samahan mo akong magbasa!
Ang aking mga gulong na nagtutungo sa bawat kanto, daanan, at eskinita, nagbibigay-daan sa mga tao na may iba’t ibang direksyon sa buhay. Mula umaga hanggang sa gabi, ako’y naglalakbay sa kalsada na puno ng mga kuwento ng pamilya, trabaho, at pangarap. Sa bawat paghinto at pasada ko, ako’y nagiging saksi sa mga masasayang kwento ng tagumpay at sa mga lungkot na kwento ng pagsubok.
Ngunit sa likod ng mga ito, ang aking puso ay puno ng lungkot at pangamba sa tuwing iisipin ko na ang aming operasyon ay papalitan ng bagong sistema. Hindi ko alam kung ito na ba ang huling ikot ng aking mga gulong, kung ito na ba ang dulo ng aking mga kwento.
Sa bawat pag-ikot ng aking mga gulong, hindi lamang ako ang naglalakbay patungo sa dulo ng landas, kundi ang aking tagapagmaneho rin. Siya, ang aking gabay at tulay sa bawat araw, na tanging umaasa sa akin upang mabuhay at magkaroon ng kabuhayan. Nararamdaman ko ang bigat ng kanyang mga pasakit at pagod. Ang bawat pasada namin ay tila isang laban, isang pakikibaka para sa kinabukasan ng kaniyang pamilya. Ang bawat butil ng gasolina na aking ininom ay para rin sa kanya, para sa bawat araw na kanyang kinakaharap.
Ngunit sa paglipas ng mga araw, ang aming huling biyahe ay patungo na sa wakas. Ang kanyang panaghoy ay nagsisilbing himutok ng kanyang pangarap na hindi na matutupad. Ang aking puso ay sumasabay sa kanyang lungkot, sa bawat hikbi at bawat sigaw ng kanyang damdamin.
Ang mga tao, ang kanilang mga mukha, ang kanilang mga kwento, mga biyahe ng pangarap at pangungulila, lahat ay bahagi ng aking makulay na alaala. Bawat busina ko, bawat liko sa kalsada, tila ba’y huling paalam at pasasalamat sa bawat isa na sumakay at nagtiwala sa aking serbisyo.
Sa aking paglisan, ang aking pag-asa ay maiiwan sa bawat pasahero na sumakay sa akin—ang pag-asa na sa kabila ng pagbabago, ang daan ay patuloy na magiging bukas para sa mas magandang kinabukasan, at ang bawat paglalakbay ay may kaakibat na kuwento.
Hindi pa tapos ang laban. Hindi pa dapat sumuko. Ang aking mensahe sa bawat isa’y isang paalala na ang pag-phase out ay hindi ang wakas, bagkus ay simula ng bagong yugto. Ang aking boses ay sumisigaw ng pag-asa at patuloy na pakikibaka para sa mas maganda at maayos na kinabukasan.
“
Hindi pa tapos ang laban. Hindi pa dapat sumuko. Ang aking mensahe sa bawat isa’y isang paalala na ang pag-phase out ay hindi ang wakas, bagkus ay simula ng bagong yugto. Ang aking boses ay sumisigaw ng pag-asa at patuloy na pakikibaka para sa mas maganda at maayos na kinabukasan.
Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fabian Dibisyon ng Pangasinan II, Rehiyon I TOMO XXXIV BLG. I AGOSTO 2023- MARSO 2024
Arnel Petero
12 LATHALAIN
Natatanging ni Leslie
Darayat Festival Jingle, Handog ng Kompositor ng Bayan mga Kamay
Ang bawat nilalang ay may kaniya-kaniyang katangian na maaaring maganda o pangit sa paningin ng iba. Ngunit madalas ang nakikita lamang ng ating mga mata ay ang panlabas na kaanyuan at hindi ang kagandahang loob ng isang tao.
Mabigat. Malaki. Lomolobo. Ilan lamang ito sa mga katangian ng pambihirang mga braso at kamay ni Leslie Narval, 18 taong gulang. Bagay na mula pagkabata ay naging ugat ng pangungutya at panghahamak sa kaniya ng mga tao. Sa kabila nito, pinipili pa rin niyang maging mabuti kapalit ng kasamaang ipinapakita at ipinaparamdam sa kaniya.
Naglalaro sa pitong kilo ang kaniyang mga kamay na nagiging malaking suliranin ni Leslie sa pang-araw-araw na gawain tulad ng pagpasok sa paaralan kung saan siya ay Grade 12 na sa kasalukuyan. Ngunit pinabigat pa ito ng panghahamak sa kaniya ng mga tao. Madalas ay kinikimkim na lamang niya ang sakit at hindi kailanman pumasok sa anumang away dahil iyon ang bilin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na labis na nasasaktan sa kalagayan ng kanilang dalagang anak.
“Hindi ko naman po sinisi ang Diyos po. Talagang ganun talaga na siguro ang ibinigay sa amin,” umiiyak na tugon ni Aling Gina, nanay ni Leslie na tinuturong dahilan ang pagkain ng alimango nang siya ay naglilihi kaya nararanasan ng anak ang mabully ng mga tao.
Ngunit ayon sa ekspertong tumingin kay Leslie, siya raw ay mayroong kondisyong kung tawagin ay macrodactyly kung saan ang mga kamay at daliri ng tao ay lumalaki dahil sa overgrowth ng tissue at buto na maaaring nakuha sa unang trimester ng pagbubuntis.
ng mga gawaing bahay tulad ng paglilinis sa loob at labas ng bahay, paghuhugas ng pinggan, paglalaba at maging pag-iigib na aniya ay kusang ginagawa niya upang makatulong sa kaniyang mga magulang. Bukod sa makapagtapos ng pag-aaral, pangarap niya ring balang-araw matigil na ang pambubully ng mga tao sa kaniya dahil wala umano itong naidudulot na maganda. Sa kabila ng lomolobong kondisyon ng kaniyang mga braso at kamay, nanatili ang pagmamahal ng kaniyang mga magulang. Sa katunayan, pinaglaanan ng malaking pera ang kaniyang ika18 na kaarawan. Sa gabing iyon, naranasan niyang maging prinsesa suot ang mga gowns na akala
Malaki man kung ituring at hindi normal, malaki rin naman ang naitutulong ni Leslie sa kanilang tahanan. Siya ang gumagawa
niya’y sa pangarap na lamang niya maisusuot dahil sa kaniyang kondisyon; at, naramdaman din niya ang tunay na pagmamahal at pagtanggap mula sa mga taong mahahalaga sa kaniya.
Tunay na tayo ay magkakaiba ngunit tayo ay kabilang sa iisang lipi na may isip at puso. Maaaring tayo ay magkaiba sa panlabas na anyo at kondisyon ng katawan ngunit hindi kabawasan ang pagtanggap at pagmamahal sa kapwa tao kahit sino at ano pa man siya. Nasa ating mga kamay ang pagpapala, gawin nating makabuluhan ito tulad ng mga
PAPEL NI KUYA ARNEL
(Kuwento sa Likod ng Matatag at Masipag na Larawan ng Isang Ama)
Madilim pa man ay nasa paaralan na. Tangan-tangan niya ang walis at dustpan patungo sa lugar na kaniyang lilinisan. Pagsikat ng araw, naroon pa rin siyang nagdidilig ng mga halaman, nagwawalis at pinupulot ang mga kalat upang malinis at maayos nang daratnan ang paaralan ng mga guro’t mag-aaral.
Siya si Kuya Arnel, 47 taong gulang, ang isa sa masisipag na dyanitor sa paaralan. Siya ang katuwang ng mga guro’t mag-aaral sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa buong paligid. Maaasahan din siyang tunay dahil isang tawag lang sa kaniya ng mga guro ay mabilis na aksyon ang kaniyang tugon. Hindi maipagkakailang pinagkakatiwalaan siya ng karamihan sa mga guro.
Naging siklo na ng buhay niya ang paggising nang maaga, maghahain ng almusal at pagkaing babaunin, aasikasuhin ang anak, ibibilin ang anak sa kaniyang nakakatandang kapatid, papasok sa trabaho, susunduin ang anak, magluluto, matutulog at uulitin muli ang nakagawian kinabukasan.
Walang katuwang sa buhay kaya naman kailangan niyang hatiin ang kaniyang katawan at oras bilang ina at ama sa kaniyang nag-iisang anak.
Bago pa man siya makapasok sa pagiging dyanitor ay nagdedeliver siya ng karne ng manok ngunit hindi kalakihan ang sahod at aminadong hirap siya sa buhay na lalong humirap nang iwan siya ng kaniyang asawa. Ngunit tila naging
mabait sa kaniya ang tadhana at siya’y pinagkalooban ng biyayang trabaho na makakatulong sa kanilang dalawa ng kaniyang anak.
“Pinagsasabay ko ang pagtatrabaho ko habang pinapaaral at binubuhay kong mag-isa ang anak ko. Ngayon, Grade 3 na siya kaya nagpapatuloy ako sa trabaho ko kahit mahirap kasi kawawa naman ‘yong bata ‘pag walang pinag-aralan, wala siyang magandang buhay kung ‘di ko mamahalin ang trabaho ko,” dagdag pa niya.
pagmamahal ng anak sa kaniyang ama. Nong ganap na walong taong gulang na ang kaniyang anak ay pinagpili siya ng DSWD kung sino ang sasamahan niya kung sa kaniyang ama o ina. Sa mga puntong iyon ay kabado si Kuya Arnel dahil alam niyang naghahanap ng kalinga ng isang ina ang kaniyang anak sa matagal na panahon at baka ang ina rin ang piliin. Ngunit pinagpala pa rin siya sapagkat sa huli, siya ang pinili ng kaniyang anak.
na tagapaglinis ng kalat ng mga mag-aaral; hindi lamang siya dyanitor na inuutusan at nagbubuhat ng mga
“Natan la so oras ya ipanengneng ed amin, Darayat Festival, Darayat Festival!” (Ngayon na ang tamang panahon upang ipakita sa lahat, Darayat Festival, Darayat Festival!)
Ito ang bahagi ng kantang Darayat Festival na lalong nagpasigla sa kauna-unahang pagdiriwang ng sariling pista ng bayan ng San Fabian. Kilala mo ba kung sino ang nasa likod ng mga salitang bumubuo sa kantang ito na nagbibigay anyaya sa mga turista at mamamayan ng San Fabian na dumalo at makisaya sa kapistahan?
Bago natin siya kilalanin. Alamin muna natin kung papaano nabuo ang kaniyang binuong awitin.
Alam mo bang ang liriko ng kantang ito’y binuo lamang sa loob ng higit limang minuto? Tunay na kahanga-hanga hindi ba? Ito ay sinimulang isulat ng kompositor noong February 6, 2023 nang malaman niyang magkakaroon ng patimpalak sa pagbuo ng jingle na gagamitin sa pista. Bagama't hindi naging madali ang paggawa ng tono ng kanta, dahil sa kakulangan ng oras hindi na umabot sa araw ng deadline. Ngunit hindi niya akalaing mabibigyan pa siya ng pagkakataon ng Darayat Festival organizer, nang malaman nilang mayroon nang nagawang kanta ang kompositor. Hiniling nilang mapakinggan ito at sa unang salang pa lamang ay nagustuhan agad ito ng mga hurado.
flag ceremony at may programa sa paaralan sa kaniyang isinulat na “San Fabian
National High School Hymn”. Maaaring naging o kasalukuyang guro mo siya sa English 7 at 8. Tama! Siya si G. Aurelio C. Laroco, Master Teacher I ng English Department.
“Isang hamon para sa akin ang paggawa ng kantang ito, dahil sa kakaibang genre nito. Ngunit ayaw kong pahindian ang mga taong may paniniwala sa akin, at malaking karangalan bilang kompositor na magamit ang aking likha sa isang pista na tulad ng “Darayat Festival",” pagbabahagi ni G. Laroco.
Ayon pa sa kaniya, sadyang ang buhay natin sa mundong ito ay maikli lamang. Ito ang isa sa mga naging dahilan niya sa pagbuo ng kantang ito, upang mag-iwan ng isang alaala sa kanyang bayan, na kahit man siya ay pumanaw, ay magsilbing entablado sa buhay niya ang kantang kanyang binuo, at siya ay maalala ng bawat taong makakarinig nito.
mabibigat na bagay; dahil, bukod sa papel niyang ito sa paaralan, may papel siyang ginagampanan bilang larawan ng masipag at matatag na haligi ng tahanan―siya si Kuya Arnel.
Naging kasagutan si Wyhan Kleesha G. Domingo, G10 STE, dahil sa kakayahang maglapat ng tono sa bawat kanta. At pagkalipas ng tatlong araw, nabuo na ang tono ng jingle. Ang tono ng kanta ay isang masaya at masiglang saliw na angkop sa pagdiriwang ng kapistahan. Ibinase ang kantang ito sa kung ano ang nakapaloob sa salitang “Darayat" na mula sa mga salitang Pangasinense na “DARAlusan” o kabukiran at “DaYAT" o dagat. Nangingibabaw ang tema nito na paanyaya at pagpapakilala sa yaman at gandang taglay ng kabukiran at karagatan sa bayan ng San Fabian.
Ngayong alam mo na ang kaligiran ng kanta, ito na ang tamang oras
Lubos ang galak ng kanyang puso nang matagumpay na naisagawa ang kanta dahil na rin sa mga butihing guro ng SFNHS at ng mga taong sumuporta at nagtiwala sa kaniyang kakayahan. At ayon sa kanya, hindi nya ito ginawa upang maging malaki ang kanyang ulo, at dalhin ng may kayabangan, kundi maging siya pa rin kung sino siya sa totoong buhay, na isang karaniwang tao, mamamayan ng San Fabian, at butihing guro ng paaralang SFNHS.
Minsan na niya tayong pinahanga sa galing at may pusong obra niya sa kaniyang awiting binuo para sa ating paaralan. Ngayon, binigyan niya muli tayo ng rason upang magdiwang at ipagmalaki ang kaniyang handog para sa buong bayan, ang himig na magbibigay kasiyahan at anyaya sa lahat na makisayaw at makikanta, at magpapaalalang, galing sa SFNHS ang kompositor ng Darayat Festival!
Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fabian Dibisyon ng Pangasinan II, Rehiyon I TOMO XXXIV BLG. I AGOSTO 2023- MARSO 2024
Sir Marvin Borja
nina Bea Doctolero at Fernando T. Ungria
ni Faith Gabriel Costales
nina Gianne Carla P. Dizon at Jericho Lagera
Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fabian Dibisyon ng Pangasinan II, Rehiyon I
LATHALAIN 13
Tifanny: SAKALAM si Maam!
TEHnatangi ng Ikatlong Lahi
Sa likod ng malulutong na tawa at matamis na ngiti ay nagtatago ang pighati na kaniyang dinadala—mga pagsubok na kaniyang kinakaharap sa loob at labas ng komunidad na kaniyang ginagalawan.
Siya si Christopher “Tifanny” M. Perigo, 18, Grade 12 HUMSS . Siya ay isang prawd na miyembro ng LGBTQIA+ Community at kasalukuyang may hawak ng titulong Ms. Q & A 2023 ng San Fabian National High School. Bukod dito, siya rin ang Treasurer ng Supreme Secondary Learner Government sa Taong Panuruan 2023- 2024.
Bago makamit ang mga ito ay dumaan sa butas ng karayom si Tifanny. Tinanggap niya ang mga pang-aapi at pangungutya mula sa taong kung tawagin ay ‘homophobic’. Maging sa kaniyang grupong kinabibilangan ay hindi siya pinalagpas ng mga masasakit na salita at minsan pa’y naging tampulan ng katatawanan.
Ningning ng Korona
“Anak ‘wag kang susuko. Alam kong kaya mo ‘wag kang matakot basta alam mo sa sarili mo na may kakayahan ka, hayaan mo lahat ng mga ibinabato nila sayo. Balang araw lahat ng mga taong pilit ibinababa ka, makakain at makakain lang din nila lahat ng binitiwan nilang mga salita laban sa iyo.”
Ito ang di malilimutang payo mula sa nanay ni Tifanny na wagas ang suporta sa kaniyang pagsali sa beauty pageant.
Hindi lang isa kundi limang beses siyang sumali sa nasabing pageant. Taong 2019 nang una siyang sumabak bilang isa sa mga kinatawan ng Grade 7 sa beauty pageant na Ms. Q & A sa paaralan. Bigo man sa unang rampa niya sa entablado ay hindi siya nawalan ng pag-asang makukuha rin ang koronang kaniyang inaasam.
Sa ikalimang beses niyang pagsama, tila umayon ang mga bituin sa kaniya at nasungkit na niya ang titulong Ms. Q & A 2023. Napawi ang lahat at nasuklian ang lahat ng kaniyang pinagdaanan at ininda bago makuha ang korona.
Boses ng Lider
Bullying. Diskriminasyon. LGBTQIA+. Ang mga ito ang nagbigay ang mundo ng pagiging estudyanteng-
pa lamang sa Junior High, naranasan kong ma-bully at ma-discriminate kung kaya natakot akong magsalita,” pagamin niya. Ilan sa mga ‘di niya malilimutang panghuhusga sa kaniya ay ang pagtatanong sa kaniyang kakayahan kung bakit siya nakapasok dahil hindi raw umano siya ‘honor student’ at hindi kilala sa buong campus kaya sino raw ang boboto sa kaniya.
Dagdag pa niya, “ngayon na nagkaroon ako ng lakas ng loob na harapin ang mga taong nanghahamak sa akin, naging boses din ako ng mga mag-aaral na walang kakayahang magsalita higit lalo ang mga mag-aaral na kasapi sa LGBTQIA+.”
Sa kasalukuyan siya ang Treasurer ng SSLG at gamit ang posisyong ito ay naging bahagi siya sa mga programang nangungunang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Kuwento pa niya, nong siya’y nasa Grade 7 pa lamang ay bahagi na siya ng Supreme Student Government, bilang Grade 7 Representative.
Legasiya’t Inspirasyon Ang kasarian ay hindi dapat maging hadlang sa pag-abot ng mga pangarap, kabilang na ang pagiging isang beauty queen o ang pagiging lider sa paaralan. Hindi dapat nalilimitahan ng kasarian ang iyong kakayahan o ambisyon.
Patunay lamang si Tifanny na kahit kabilang sa ikatlong lahi ay hindi naging hadlang sa pagtamo ng titulo at kahit na may mga tradisyonal na pananaw sa kung ano ang inaasahan sa isang koronasyon, isa ang Ms. Q & A sa mga beauty pageants na nagbibigay ng plataporma sa kaniya para ipakita ang kagandahan, talino, at kaniyang adbokasiya.
Samantala bilang estudyante at namumuno sa paaralan, ang kasarian ay hindi naging hadlang sa kakayahan niyang mamuno. Ang pagiging bakla o anumang kasarian ay hindi dapat maging basehan ng kahusayan sa pagiging lider. Ang mahalaga, pinatunayan ng kuwento ni Tifanny ang kakayahan, dedikasyon, at integridad niya bilang isang tao sa pagganap ng kaniyang tungkulin. Ito ang legasiyang iiwan niya sa kaniyang huling taon hindi lang bilang isang reyna at lider kundi bilang isang mag-aaral ng SFNHS na nagsilbing inspirasyon sa lahat ng mga mag-aaral na nabibilang sa ikatlong lahi.
WALA KAYO SA KALINGKINGAN NG TITSER KO SA MATH!
Nakakita ka na ba ng buntis na guro na naghahalo ng semento para sa ginagawa niyang bahay? OO, sariling bahay. Siya lang naman ang ‘All-in-one’ titser ko sa Math, si Maam Sarah Jean S. Nabua. Sa kaniyang mga pamamaraan sa pagtuturo, hindi matatapos ang araw na wala kang matutunan sa kaniya. Tiyak, gaganahan kang pumasok arawaraw sa kaniyang klase dahil mahusay magturo si Maam kung saan ginagawa niyang simple ang mga komplikadong problem solving at pinapadali ang pagsagot sa mga equations tulad ng paghahanap ng halaga ni X.
Bukod sa husay niya sa pagtuturo ay kahanga-hanga rin ang mala-teleseryeng kuwento ng kaniyang buhay. Hindi mo aakalaing pinagdaanan niya ang butas ng karayom para lamang maabot ang kinalalagyan niya ngayon.
Lumaki siya sa buhay na payak kung saan itinaguyod sila ng kaniyang tatay sa pagkoconstruction worker kaya naman maalam siya sa mga mabibigat na gawain. Kaya nang nagpatayo sila ng kanilang bahay, naging parte siya nito.
“Noong ginagawa naman ang bahay naming mag-asawa, tumutulong talaga ako kahit buntis ako since mga kapatid ko rin naman ang kasama kong gumagawa. Naroon kasi ung fulfillment na bahagi ako sa paggawa ng bahay namin lalo na at masayang magtrabaho kasama ang aking mga kapatid, parang bonding na rin
naging madali ang buhay nila noong kabataan niya, nangarap siyang makapagtapos bilang Engineer o Certified Public Accountant upang makatulong sa kaniyang mga magulang at kapatid, ngunit hindi iyon natupad. Wala umano sa isip niya ang magturo. Kaya naman nahinto siya sa pag-aaral, at nagbalik lamang sa kolehiyo noong 2012 at kumuha ng kursong Bachelor of Secondary Education sa tulong ng kaniyang asawa. Hindi naging madali ang pag-aaral niya noon dahil pinagsasabay niya ang pagiging ina at asawa.
“Asawa ko na ang nagpaaral sa akin that time. Kaya naman, para masuklian ko ang pagsasakripisyo niya, talagang ginalingan ko rin sa pag-aaral. Siya ang isa sa naging inspirasyon ko kung bakit ako nakapagtapos noong 2016 at naging cum laude.”
Sa taong ding iyon, bago pa
nakuha na siyang Math teacher sa Mother Goose Special Science School Inc., Dagupan Branch; at, naipasa niya rin ang pagsusulit sa pagiging propesyunal na guro. Talagang, kahanga-hanga ang galing ni Maam dahil buntis pa siya noong nagawa niya ang mga ito! Makalipas ang halos isang taon na pagtuturo, nakapasok naman siya sa San Fabian National High School at sa kasalukuyan, isa na siyang Teacher III. Isa pang hinahangaan ng maraming estudyante sa kaniya, ang pagiging glowing niya araw-araw kahit pa marami siyang ginagawa sa paaralan at sa kanilang bahay. “Marami talagang trabaho bilang guro at isali na rin natin ang pagiging magulang ko sa apat na bata. Dahil na rin siguro magandang relasyon ko sa pamilya at mga katrabaho ko na nagrereflect sa mukha ko. Isa rin sa dahilan ay ang pagiging conscious ko sa kung anong maaaring makita ng iba sa akin. Ang mindset ko kasi ‘pag pumapasok ako sa school or basta lumalabas ako sa bahay, is that “I’m an Influencer”, meaning ano mang appearance or emotion ko na ipinapakita sa ibang tao ay nakakahawa, kaya gusto ko ang kahawaan nila sa akin ay di lang ung youthful appearance na nakikita nila sa akin kundi pati na rin ung pagiging diligent, cheerful at approachable ko or ung mga positive emotions and attitudes ko.”
“Noong ako’y nagsisimula pa lamang sa Junior High, naranasan kong ma-bully at ma-discriminate kung kaya natakot akong magsalita. Ngayon na nagkaroon ako ng lakas ng loob na harapin ang mga taong nanghahamak sa akin, naging boses din ako ng mga magaaral na walang kakayahang magsalita higit lalo ang mga magaaral na kasapi sa LGBTQIA+.”
‘Tiffany’ Miss Q&A 2023, SLG Treasurer
Dahil nga
Kung sa pagtuturo ang pag-uusapan, wala kang maipipintas sa kaniya. Kahit tulog ata si Maam ay kaya niyang magkuwenta nang mabilis. Kung sa kuwentong buhay naman, talagang inspirasyon siya sa nakararami higit lalo sa mga kabataang tulad ko. ‘Yan si Maam Sarah! Ang sakalam kong guro sa Matematika!
Pahinga, Pamilya Muna!
Pagod, ‘yon ang araw-araw kong nararanasan bilang parte ng Special Science Class (SSC). Sa dami ng gawain mapapaisip ka nalang talagang sumuko. Ngunit, alam kong kung gaano ako kapagod ay doble ang pagod na nararamdaman ng mga magulang kong kumakayod sa ibang bansa.
Dahil sa simula nang
pakiramdam yakap nila’y ko na. Ang mga magulang ko ang inspirasyon ko, kaya nang nakuha ko ang “With High Honor”. Ngunit, sa pinakahihintay kong recognition ay hindi inaasahang mabigyan ako ng tiyansang makitang muli ang aking magulang, ngunit kapalit nito’y hindi ako makakadalo sa pinakaasamasam kong recognition.
Gayunpaman, pamilya pa rin ang aking pinili, medal ko’y hindi tutumbas sa panahong makakasama ko ang mga magulang ko.
June 8, 2023 saktong alas kwatro ng umaga, araw ng flight naming patungong UAE. Nang makarating sa airport ay doon ko na lang napagtantong totoo nga talaga ang lahat, hindi ito panaginip. Kada hakbang hila-hila ko ang maleta kong puno lang ng mga tuyo, agamang, mangga at iba pang ulam galing Pilipinas.
Nang ako’y makarating sa UAE, isa lang ang pumasok sa aking isipan “ Ang init!” ngunit balewala ito
ng makita ko ang mga magulang kong kumakaway sa waiting area ng airport dala ang isang piraso ng bulaklak, wala na akong sinayang pang oras at agad ko silang niyakap nang mahigpit, sa wakas matapos ang apat na taon na pagtitiis nayakap ko na rin ang mga magulang at kapatid ko. Lalo pa akong nasiyahan ng malaman kong may naghihintay na paborito kong sopas sa amin, kay tagal na ng huli kong natikman ang luto ni mama. Pagkalabas ko, ako’y namangha sa taas ng mga gusali, ang kalsada ay malawak din at walang kable naka sabit-sabit ‘di tulad sa Pilipinas. Isa sa mga pinaka ‘di ko makakalimutang tourist spot sa UAE ay ang Burj Al Arab isang seven star hotel. Napakaganda rin ng Burj Khalifa, ito ang pinakamataas na
building sa buong mundo, nang masilayan ko ito ay lubha akong namangha kasabay nito ay ang patugtog sa Burj Khalifa at ang nakaka-amaze na dancing fountain sa tabi nito. Pinakamasaya sa lahat ay ang roadtrip, lalo na nang ikutin namin ang 7 states ng UAE. Akala ko’y okay na lahat ngunit mayrooon akong nagig isang problema, pagkain. Marahil ay dahil iba ang pagkain sa Pilipinas at sa UAE, ang pagkain kasi sa UAE ay maanghang at lasang lasa mo ang mga sangkap ‘di tulad sa Pilipinas na matamis. Ngunit, isa sa mga nagging paborito ko ay ang Chicken Mandi, isa itong Arabic food ito ay mura at masarap. Ang bakasyon kong ito ay punong puno ng kasiyahan at aral. Pagbalik ko sa PIlipinas, may napagtanto ako, sobrang layo ng Pilipinas sa UAE sa iba’t ibang aspekto. Matapos akong magsaya ay kailangan ko na namang bumalik sa pagiging masipag na estudyante, nakakalungkot mang umuwi ngunit kailangan at pangako ko sa aking sarili na babalik ako roon ulit, at sana’y pag balik ko isa na akong matagumpay na Doktor.
TOMO XXXIV BLG. I AGOSTO 2023-
MARSO 2024
ni Audrey Anne I. Ymasa
ni Lhiz Luken
ni Zea Mae Bautista
#SeaTheChange
SFNHSians nakiisa sa pagtataguyod ng malinis at ligtas na karagatan
nina Febbie Gay Garcia at Irish Angel Torralba
KOLABORASYON
Boluntaryong nakiisa ang mga piling guro at mag-aaral ng San Fabian National High School sa International Coastal Cleanup Day (ICC) ng Department of Environment and Natural ResourcesEnvironmental Management Bureau 1 (DENR- EMB 1) noong Setyembre 22, 2023, sa mga dalampasigan ng San Fabian.
Sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 470, serye ng 2003 na nilagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo na kung saan ang ikatlong Sabado ng Setyembre ay itinalaga bilang araw ng ICC sa Pilipinas.
Isinagawa ng DENR- EMB1 at LGU ng San Fabian ang naturang aktibidad sa magkakahiwalay na lugar tulad ng dalampasigan ng Mabilao, Bolasi, Nibaliw at Sabangan.
Sentro ng aktibidad ang temang “Clean Seas for Healthy Fisheries” kung saan binigyang diin ni Mayor Marlyn Agbayani ang mga proyekto na nakahanay sa pangangalaga ng karagatan tulad
ng pagkakaroon ng coastal clean-up drive.
Lahat ng klase ng basura ay pinulot ng mga volunteers kung saan inipon ang mga ito at pagkaraan, dumaan ang mga ito sa Waste Analysis and Characterization Study (WACS) sa pangunguna ng EMB-1 Ecological Solid Waste Management Section personnels. Nakapukaw pansin din ang dami ng mga lumahok sa cleanup drive mula sa mga pribado at publikong sektor sa munisipalidad ng San Fabian na karamihan ay mga mag-aaral at guro.
“Dahil ang pagiging mamamayan ng isang bansa ay may kaakibat na tungkulin sa kaniyang
Pagsasanay sa BFA, BLS, itinuro ng BFP-San Fabian
Pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP)- San Fabian ang pagsasanay ukol sa Basic First Aid (BFA) at Basic Life Support (BLS) training para sa mga piling mag-aaral ng San Fabian National High School noong Nobyembre 10, 2023.
Tinuruan ang mga magaaral ng tamang pamamaraan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) at ng iba’t ibang uri ng pagbebenda at mga alituntuning sinusunod sa pagbibigay ng paunang lunas.
Pangunahing layunin ng naturang pagsasanay na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kalahok sa pagbibigay ng first aid o paunang lunas sakaling mayroong aksidente, sakuna o sa panahon ng kalamidad.
“Nag-focus talaga ako sa training lalo na sa pagbibigay ng First-Aid kasi napakahalaga nito dahil hindi nating masasabi kung ano ang
Mga Interaktibong aparato, ibinida sa EXEL Exhibit
ni Gianne Carla P. Dizon
Ibinida ang iba’t ibang interaktibong teknolohikal na aparato sa isinagawang Experience and Expand Learning (EXEL) Exhibit sa San Fabian National Highschool (SFNHS) noong Disyembre 7, 2023.
Pinangunahan ang naturang exhibit ng Science Department kung saan nakipagugnayan sila sa Lakbay Karunungan Tours.
“The main purpose of the EXEL Exhibit is to explore the wonders of Science..It is learning by doing and students enjoyed the different processes involved in every station of the exhibit”, wika ni Ginang Wilma Olivar, guro sa Science.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga estudyante mula G7 hanggang G10 kasama ang kanilang mga guro.
Dagdag pa nito, naipamalas ng mga estudyante sa naturang exhibit ang kanilang mga natututunan sa loob ng silid-aralan partikular na sa asignaturang Agham.
Ayon naman sa coordinator ng Lakbay Karunungan Tours, ito ay isang paraan upang mas madagdagan ang karunungan ng mga estudyante.
“Marami silang matututunan na mga aral bukod sa bago sa paningin ay talagang magkakaroon din sila ng bago at hindi malilimutang karanasan”, ayon kay Ginoong Roland Suyat, coordinator ng Lakbay Karunungan Tours.
Samantala, binigyang linaw ng Science Department na boluntaryo ang pagbili ng ticket sa halagang P250.00 na aniya ang kikitain sa exhibit ay mapupunta para sa pag-aayos ng kanilang opisina.
Kaugnay nito, ayon pa kay Suyat inaasahang magaganap taon-taon ang naturang exhibit.
maaaring mangyari sa atin at sa kapwa natin,” pahayag ni Diana Marie Garcia, G8 STE.
Naniniwala naman si Acting Municipal Fire Marshal, FInsp. Armando G. Ramos, na ang nasabing pagsasanay ang magmumulat sa mga mag-aaral lalo na sa kahalagahan ng pagiging handa at alerto pagdating sa oras ng pangangailangan ng kanilang kapwa at ng bayan. Ang nasabing training ay isa lamang sa serye ng isinagawang
Reoryentasyon na Pagsasanay hatid ng GAD at ESP Department ng paaralan.
ginagalawan. Ang paglilinis ng kapaligiran ay may malaking tulong sa pagpapaunlad ng bansa,” wika ni Gng. Gloria Fernandez, Ulong Guro III ng Aral-Pan Department na nagvolunteer sa nasabing aktibidad.
Kasama sa paglilinis ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Local Government Unit at iba pang pampribadong sektor sa bayan, at mga mamamayan sa mga nabanggit na barangay.
Gayundin ang iba’t-ibang clubs at ang kanilang club advisers, kabilang na rito ang Youth for Environment in School’s organization (Yes-O), Supreme Student Learner Government (SSLG), at Barkada Kontra Droga (BKD).
School-based NCSM ‘23, idinaos
ni Gianne Carla P. Dizon
Ginanap ang Schoolbased National Science Club Month (NCSM) 2023 upang bigyang parangal ang mga estudyanteng nagwagi sa iba’t ibang patimpalak kasabay ang panunumpa ng mga opisyales mula G7 hanggang Senior Highschool (SHS) ng Science Club noong Oktubre 18, 2023.
Pinarangalan ang mga estudyanteng nanalo sa iba’t ibang patimpalak katulad ng Quiz Bee (STE), Quiz Bee (Regular), Slogan making, Poster making, Essay-writing at Photo Treebute na mula G7 hanggang SHS ang mga lumahok.
Habang, nanumpa naman ang mga nagwaging bagong opisyal ng Science Club G7, G8, G9, G10 Curriculum at SHS kasabay nito ang Science
Officers ng Junior Highschool (JHS) na pinamunuan nina G. Alexander Hadloc at Bb. Kimberly S. Abesamis.
Pinangunahan ang nasabing programa ni Ginoong Jose O. Biason, HT-III ng Science Department katuwang ang iba pang guro sa Science.
Layunin ng NCSM na mapaghandaan ang nalalapit na Science Fair sa Nobyembre at lalo pang mahubog ang galing at talento ng mga estudyante para sa mga sumusunod pang mga paligsahan tulad ng Regional at National Science Fair na tinatayang magaganap sa Disyembre at Pebrero.
‘Para
kay Muning at Bantay’ inilunsad ng APB
ni Zea Mae Bautista
Upang mabigyan ng makakain ang mga aso at pusang walang tirahan at makain inilunsad ang Stray Feeding ng ‘Ang Puting Buhangin’ (APB) noong Agosto 18.
Pinuntahan ng APB ang mga hayop na makakasalubong higit lalo ang mga lagalag sa Nibaliw East, Nibaliw Center at Nibaliw West- Vidal handog ang pinaghalohalong gulay, kanin, at dog food.
“Masaya sa pakiramdam na naging bahagi ako ng advocacy. Marami kasing mga strays na napapabayaan talaga at marami ring iresponsableng owner, as a cat and dog owner medyo sensitive sa akin ‘yong ganong kalagayan,” ani ni Irish Angel Toralba na nagrekomenda ng naturang adbokasiya na sinangayunan ng lahat.
Bago ito, sa halip na magsagawa ng culminating program sa isinagawang pagsasanay sa mga bagong manunulat ng APB, napagkasunduan ng patnugutan na magkaroon ng adbokasiyang ‘stray feeding’.
tagapagtaguyod ng katotohanan kakambal nito ay paggawa ng
kabutihan. Kaya naisipan ko, bakit hindi tayo magkaroon ng adbokasiya na malapit sa bawat isa sa atin,” pahayag ni G. Arnel P. Doloque, tagapayo ng APB.
Nagkasundo ang bawat miyembro na magkaroon ng isang makabuluhang adbokasiya at inisaisa ang mga maaaring isagawang aktibidad sa buong Taong Panuruan.
"Masaya sa pakiramdam na naging bahagi ako ng advocacy. Marami kasing mga strays na napapabayaan talaga at marami ring iresponsableng owner, as a cat and dog owner medyo sensitive sa akin ‘yong ganong kalagayan."
Irish Angel Toralba APB, Advocacy Coordinator
14 AG-TEK Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fabian Dibisyon ng Pangasinan II, Rehiyon I TOMO XXXIV BLG. I AGOSTO 2023- MARSO 2024
nina Gianne Carla P. Dizon at Jericho Lagera
PARA SA KARAGATAN. Nagsama-sama sa paglilinis sa dalampasigan ang mga kawani ng LGU at iba’t ibang sangay ng pamahalaan maging mga mag-aaral sa pagpupulot ng mga kalat.
Janzen B. Santillan
LIGTAS ANG MAY ALAM. Lumahok ang mga piling mag-aaral ng SFNHS sa isinagawang Basic First Aid at Basic Life Support training hatid ng BFP-San Fabian. Jericho Lagera
PARA KAY BANTAY. Mula sa puso, nagsama-sama ang mga patnugot ng APB para sa stray feeding bilang bahagi ng adbokasiya ng patnugutan. Diana Marie Garcia
AgHAm! Namangha at naaliw ang mga mag-aaral at mga guro sa Exel Exhibit sa San Fabian National High School Maam Remy Serrana
Gintong Kamalayan sa Autism Spectrum
ni Keziah Malaque
“Having grown up with two autistic siblings taught me the concept of purpose. Autism awareness isn't just an advocacy for me, but a lifelong mission.”
Ayon ito kay Miss Universe Philippines 2023, Michelle Dee na ibinahagi sa buong mundo ang kanyang lifelong advocacy ukol sa autism awareness. Bunsod nito, isa siya sa mga tinanghal na gold winners para sa voice for change ng Miss Universe 2023.
Ang Autism Spectrum Disorder (ASD) ay isang developmental disorder na pangunahing nakaapekto sa pakikipag-ugnayan at interaksyon ng isang tao. Ayon sa Autism Prevalence: Statistic and Facts, tinatayang 75 million ang mayroong ASD na kung tatayahin ay 1% ng populasyon ng mundo.
Ayon kay Mia Dacumos, isang nephrology, ang sakit na ito ay hindi pareho ng Intellectual Disability. Gayumpaman, may ilang indibidwal na may ASD na maaaring may problema sa kanilang kognitibong abilidad, ang ilan sa kanila ay wala nito at ang iba ay may sobrang taas na IQs.
Tinawag itong ‘Spectrum’ dahil ang sintomas ng autism ay maaaring iba-iba sa iba’t ibang tao. Ang taong mayroon nito ay maaaring may ibang sintomas sa iba pa, tulad ng kung paanong ang spectrum ay maraming kulay. Ito ay maaring mamana, kung kaya't ang ilang kumbinasyon ng gene ay maaaring magpataas ng panganib sa isang bata. Isa ring risk factor ang isang bata na may mas matandang magulang kung saan mas mataas na panganib ng pagkakaroon ng autism.
Kabilang din ang mga babaeng buntis na na-expose sa ilang partikular na gamot o kemikal ay may malaking posibilidad na magkaroon ng autistic na anak.
Guyunpaman, Ang mga sintomas ng disorder maaaring mild hanggang malala. Karaniwang nakikita ang sintomas ng taong may autism sakanilang early childhood at pag pasok nito sa eskwelahan, sa pagkakataon na inaasahan ng mga magulang at guro na ang mga bata ay mas makipag-interact. Habang ang ibang mga sintomas ay makikita kalaunan sa buhay ng bata. Ang mga taong may ganitong sakit ay humaharap sa maraming mga hamon sa kanilang pagtanda.
Wala pa ring kilalang treatment o gamot para pagalingin ang autism. Gayunpaman, may ilang mga paraan kung saan pwedeng makatulong ang iba’t ibang interbensyon sa isang bata — na mabawi at mapabuti ang social interaction at development. Maaaring gamutin ng doktor ang ilan sa mga sintomas na nauugnay sa ASD. Gamit ang mga iniresetang gamot o prescribed medicines.
Ang mga naturang gamot ay pwedeng makatulong na bawasan ang paulit-ulit na pag-uugali, mga problema sa atensyon, pagkairita, aggression, hyperactivity, pagkabalisa at depresiyon. Maaaring ding i-refer ang mga batang may autism spectrum disorder sa mga doktor na dalubhasa sa behavioral, psychological, educational, o skill-building therapies.
Sa kabuoan, mahalaga para sa mga tao na mas malaman ang autism. Dahil isa ito sa mabuting hakbang para mabigyan ng espesyal na pangagalaga at maprotektahan ang mga mayroon nito. Kailangang itaguyod ang pagpapalawak ng kamalayan ng mga taong hindi pa mulat sa kondisyong ASD.
AG-TEK
Komentaryo BAWAL ANG LABIS!
Higpitan ang paggamit ng cannabis
ni Audrey Anne I. Ymasa
Matagal ng walang pagbabago sa Health system sa ating bansa kaya pahirapan ang paggamot sa mga malalalang sakit tulad na lamang ng epilepsy, kung maaaprubahan ang paggamit ng gamot na marijuana o cannabis sa ating bansa ay magkakaroon ng lunas para sa mga sakit na hanggang ngayon ay wala pa ring gamot.
Kamakailan lang ng aprubahan ng House Committee on Dangerous Drug at House Committee on Health ang panukalang batas o ang pagpayag sa paggamit ng gamot na marijuana. Ngayong aprubado na ang paggamit ng marijuana bilang gamot, magagamit kaya ito nang tama? Paano makakasiguradong hindi malululong sa gamot na ito ang mga Pilipino?
Ang marijuana ay isang gamot na maaaring gamutin ang malulubhang sakit tulad ng epilepsy, Alzheimer’s at iba pa, ang paggamit ng gamot na ito ay tanyag sa iba’t ibang bansa tulad ng Canada at Thailand. Kung sa ibang bansa ay pinahihintulutan ang paggamit ng marijuana, napapanahon na ring payagan ito sa Pilipinas. Dahil, malaki rin ang maitutulong ng gamot na ito sa Health System ng ating bansa.
Dagdag pa rito, higit 900,000 na Pilipino ang mayroong sakit na epilepsy at ayon sa mga doktor, mabisang gamot ang marijuana laban sa epilepsy. Kung maaaprubahan ang gamot na ito, maaaring bumaba ang bilang ng mga
Pilipinong nahihirapan dahil sa sakit na epilepsy. Ang epilepsy ay isang sakit sa central nervous system na nagdudulot ng seizures na nagiging dahilan bakit hindi normal na namumuhay ang mga may epilepsy ngunit, sa tulong ng marijuana ay maaari itong malutas.
Sa kabilang banda, maaring magkaroon ng problema sa paggamit ng marijuana may posibilidad kasing magkaroon ang isang tao ng sakit na psychosis, ito ayisang mental illness na nakukuha sa paggamit ng marijuana. Mas lalong delikado pa ito sa ating bansa dahil marami ang lulong sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Kung himdi ito matututukan ng mabuti ng gobyerno ay maaring marami ang gumamit ng marijuana sa maling paraan.
Ngunit, ipinaliwanag na ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao Del Norte 2nd Rep. Robert Ace Barbers na para lamang sa medisina at hindi para sa recreational o pangliwaliw tulad ng mga sakit na insomnia, matinding pagkabalisa at kanser
ang marijuana. Isa pa, may multa na ang sinumang magtatangkang gumamit ng sobra-sobrang marijuana, kaya wala nang dapat pang ikatakot ang lahat na may malululong sa marijuana. Subalit, ang maliking tanong, matututukan kaya ng gobyerno ang paggamit ng marijuana sa larangan ng medikal na gamutan?
Alam naman ng lahat na hindi pa ganoon kalakas at katatag ang sistema sa ating pamahalaan. Sa lawak ng Pilipinas paniguradong makapupuslit pa rin ang mga adik ng marijuana. Kaya, mahigpit na pagbabantay ng gobyerno ang pinakaimportante, dahil nakasalalay sa kanila kung magagamit ng tama ang marijuana o magagamit lang sa maling paraan. Gayunpaman, kailangan ng ating bansa ang mabago ang Health Sysytem natin kaya na ang pag-apruba ng marijuana sa Pilipinas.
Samakatuwid, paghihiit at pagbibigay atensyon sa paggamit ng marijuana ang dapat iprayuridad kung nais itong maipatupad. Malaki man ang maitutulong nito sa ating bansa, pag-iingat pa rin ay dapat gawin.
ANT #555, KILALANIN! Diskobreng Pinoy:
ni Keziah Malaque
Oh LANGGAMazing!
Marami sa atin, kung makakakita ng langgam ay tinitiris o kaya naman ay winawalis nang hindi makagat o hindi na mapuksa ang anumang pagkain na nasa lapag. Ngunit ibahin mo si Mikey Bustos, Filipino-Canadian at isang content creator, na ginawang libangan ang paghahanap at pagkolekta ng iba’t ibang species ng mga langgam.
Sa katunayan siya ang kauna-unahang pinoy na nakadiskubre ng ika-555 na species ng mga langgam sa Pilipinas kung saan ang langgam na ito kailanman ay hindi pa nakikilala sa bansa, ayon kay Dr. Dave General, isang myrmecologist sa UPLB Museum of Natural History.
Ito ang ‘Meranoplus bicolor’ o mas kilala sa tawag na ‘bicolored shield ant’. Ito ay non-invasive species kung saan hindi ito nakapipinsala. Nakikita rin ito sa mga karatig bansa tulad ng Indonesia, Malaysia at Singapore.
“Cute but tough looking ants with a peachy body fuzz, a heartshaped gaster, a unique red and black bumpy body, and two protruding spikes that jutted out of their backs,” paglalarawan ni Bustos na ibang-iba sa mga pangkaraniwang langgam na ating nakikita.
Ayon pa sa kaniya, natuklasan niya ang langgam na ito sa kanilang bakuran kung saan ay nagaalaga at nagpaparami siya ng colony ng iba’t ibang uri ng langgam.
Samantala, ibinahagi rin niya ang isa pang uri ng langgam na kanyang nakolekta ay nasa ilalim pa ng beripikasyon, na naniniwala siyang maaaring ito ay isang bago at hindi pa kilalang uri ng langgam.
"So far Dr. Dave General has told me that the ant we've caught... doesn’t look like anything he’s seen in Southeast Asia," ibinahagi ni Bustos. Naniniwala si Bustos na
ang "potensyal na bagong uri ng langgam" ay tila galing sa genus na ‘Crematogaster’.
Sa kaniyang pagkakatuklas ng uri ng langgam na ito, umaasa siya sa mga susunod na henerasyon ng mga ant kepers at entomologist at kaniyang binigayng motibasyon ang mga batang Pilipino na malinang ang kaalaman at magalugad pa ang biodiversity ng bansa.
“The Philippines is a wealth of biodiversity and habitat for many creatures. It’s important for Filipinos because we got to protect our home. We only have one nation and this place is really a paradise of life,” saad niya.
Tunay ngang ang Pilipinas ay mayaman sa kalikasan kung saan marami pa ang hindi nalalaman at natutuklasan sa tulong ng Agham. Bilang isang Kabataang Pilipino,
dapat itong maging isang hamon na tumuklas lalo na sa ating kalikasan upang mas mabigyan ng malawak na kaalaman at mas maprotektahan ang mga natatagong yaman ng ating kalikasan. Tulad ni Bustos, siya’y patunay na ang diskobreng pinoy ay talagang kamangha-mangha at maipagmamalaki sa mundo.
"The Philippines is a wealth of biodiversity and habitat for many creatures. It’s important for Filipinos because we got to protect our home. We only have one nation and this place is really a paradise of life."
Mikey Bustos Filipino-Canadian, content creator
Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fabian Dibisyon ng Pangasinan II, Rehiyon I TOMO XXXIV BLG. I AGOSTO 2023- MARSO 2024
15
IG: Michelle Dee
Fb: Mikey Bustos
, Sore Eyes, Red Flag!
Kaugnay nito,upang makontrol ang biglaang pagtaas ng biktima ng naturang sakit, naglabas ang paaralan ng abiso na pansamatalang huwag munang pumasok ang sinumang may nararamdaman sintomas ng sore eyes at mayroon ito upang hindi na makahawa pa.
Ikinabahala ng pamunuan ng San Fabian National High School ang mabilis na pagdami ng bilang ng mga magaaral na nagka-sore eyes noong Setyembre 11-15, 2023. Sa loob lamang ng limang araw ay nakapagtala agad ng humigit 200 kaso mula Grade 7 hanggang Grade 12. Sa karamihan ng mga kaso, ang sore eyes ay nagiging sanhi ng impeksiyon sa mata. Ang mga sintomas nito ay maaaring magsimula sa pamumula ng mata na isa sa mga pinaka karaniwang sintomas ng sore eyes. Ang pagkakaroon ng pakiramdam na may lamang buhangin sa mata na maaring kasunod nito ang pangangati, pamamaga, at pamumula ng mata. May mga pagkakataon din na may pagtutulo ng malabnaw na likido mula sa mata na maaaring green, yellow o puti ang kulay nito.
Ang sore eyes o Acute Conjunctivitis ay isang kondisyon kung saan may virus o bacteria ang mata, ayon sa isang facebook post ni Doc Liza Ramoso-Ong. Isa itong karaniwang sakit sa mata na nagdudulot ng pamumula, pangangati, at pagtutulo ng likido mula sa mga mata. Ito ay isang kondisyon na maaaring sanhi ng virus, bacteria, o allergy.
SEENtomas
Maaaring nakakairita sa pakiramdam ang pagkakaroon ng sore eyes, pero hindi ito laging nakakaapekto sa paningin. Kaya lang, nakakahawa ito. Kaya makakatulong kung alam ng bawat isa kung paano nagkakaroon ng sore eyes at paano ang wastong pagbibigay lunas dito.
Maaari ding magdulot ng ilang mas hindi komportableng sintomas ang sore eyes. Ilan sa mga sintomas kung paano nagkakaroon ng sore eyes ang isang bukol sa harap ng iyong tainga. Kasama din
contact sa mga kamay na may dala ng mikrobyo patungo sa mata,
o sa pamamagitan ng respiratory droplets mula sa isang taong may impeksiyon. Ang paggamit ng mga maruming kamay na may hawak na bagay na may mikrobyo, pagsinghot ng mga respiratory droplets mula sa isang taong may sore eyes, o pakikipag-ugnayan sa mga bagay na nahawahan ng mikrobyo ay maaaring magdulot ng sakit na ito. Ayon sa website na hellodoctor, maaaring masuri ng doktor kung ang sore eyes ay sanhi ng allergen, bacterium, o virus. Ibabatay ng doktor ang kanilang diagnosis sa pagsusuri sa mata, kasama ang mga sintomas at history ng pasyente. Gayunpaman, maaaring mahirap pa ring malaman ang sanhi. Ito ay dahil pwedeng pareho ang mga sintomas kahit na magkaiba ang mga sanhi.
Sagot
bilang ng mga mag-aaral sa SFNHS na nagka-sore eyes sa loob lamang ng limang araw.
pinagtutuunan ng paggamot sa sore eyes ay ang pagpapaginhawa sa sintomas nito. Maaaring imungkahi ng doktor na mag-apply ng mainit o malamig na compress ng ilang
beses sa isang araw. Gamit dito ang basang tela para linisin ang iyong mga talukap, at paggamit ng artificial tears. Sa pangangalaga, karaniwan ang pagpapahinga sa mata at pag-iwas sa mga bagay na maaaring makairita dito. Maaari ring magamit ang eye drops o mga patak na mabibili sa botika para sa pangangalaga ng mga sintomas. Ngunit, sa mga kaso na nagpapatuloy ang mga sintomas o tila lumalala, mahalaga ang konsultasyon sa doktor upang mabigyan ng tamang gamot o payo hinggil sa kondisyon ng mata.
Walking Pneumonia o Walking Pandemya?
Bakas pa rin ang takot na dulot ng pandemya bunsod ng Covid-19 sa mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo higit lalo nang pumutok ang balitang dumarami ang bilang ng mga kasong may kaugnayan sa respiratory illnesses. Dahil na rin sa hindi mawari at pabago-bagong panahon kaya marami ang nagsilipanang sakit na may sintomas katulad ng Covid-19. Ito ang bagong kinakatakutan ng lahat, ang walking pneumonia.
Ang walking pneumonia ay dulot ng pathogen mycoplasma bacteria na galing sa bansang China. Matatandaang ang Covid-19 virus ay nagmula rin sa bansang nabanggit kaya naman naalarma ang publiko. Bagaman mga bata ang karaniwang apektado nito, ayon sa Department of Health (DOH), kahit sino ay maaaring tamaan ng naturang sakit na hindi rin umano bago ang mga kasong ito sa bansa. Dahil dito, naglabas ng advisory ang DOH ukol sa pagpapalakas ng "public health measure" kabilang ang boluntaryong pagsusuot muli ng facemask sa pampublikong lugar
makaraan ang pagtaas ng mga kaso ng respiratory Illnesses at ang pagkakaroon ng apat na kaso ang sakit simula noong ika25 ng Nobyembre 2023.
inuubo ka pa rin. So kung kayo po ay inuubo na ng matagal; bukod sa tuberculosis, baka meron na kayong
Ayon sa pagsusuri, kapag ang taong may sakit na ito ay sumailalim sa chest x-ray magkakaroon ito ng findings sa baga ngunit wala pa ring nararamdaman ang taong may sakit. Ayon pa kay Eric Tanyag, Health Undersecretary, kaya pa rin umano ng may sakit na makapaglakad at makapagtrabaho ngunit isa ng banta sa kalusugan ng ibang tao dahil maaari na siyang makahawa. Ayon kay Tayag, "Ang kaibahan ng mycoplasma pnemonia ay tatlong linggo na
Higit sa lahat, ang malinis na pangangalaga ng mga kamay at pagsunod sa tamang mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon ay napakahalaga. Ang pagsunod sa mga payo ng mga eksperto sa kalusugan ng mata ay magiging mahalaga upang maiwasan ang higit pang mga kaso ng sore eyes at iba pang sakit sa mata. Bagama’t ang sore eyes ay lubhang nakakahawa, madali itong gamutin at pangasiwaan. Kumunsulta sa doktor kung paano nagkakaroon ng sore eyes, at ang paggamot dito.
Paano makaiiwas sa Bagsik ng kagat ni Bantay at Muning?
Nakagat ka na ba ng aso o ng pusa?
virus at hindi bagong uri ng sakit ang walking pneumonia. Mayroon nang gamot para rito, Bukod sa pagsusuot ng mask, laging maghugas ng kamay, maaring pumila ang publiko para sa bakuna sa influenza na libreng ibinibigay ng DOH at sa ilang pagkakataon
Nang hindi na maulit ang
bawat isa at upang maiwasan ang
din na sumunod sa abiso ng DOH tulad ng pagsusuot ng facemask upang hindi na maulit ang katakot-
Itinuturing na endemic ang sakit na rabies sa Pilipinas. Ang rabies ay isang virus na nakukuha sa laway ng aso, pusa, daga at iba pang hayop. Ito ay karaniwang naipapasa ng hayop sa tao sa pamamagitan ng kagat, kalmot, o pagdila sa sugat. Ayon sa website ng Hello Doctor, bawat taon, 200-300 Pilipino ang namamatay dahil sa rabies. Ito ay dahil sa katotohanang hindi lahat ng tao ay mulat sa dapat gawin sa kagat ng aso. At mayroon ding kakulangan sa tamang healthcare sa bansa. Kaya naman mahalaga para sa bawat isa na maging mulat sa dapat gawin upang maiwasan ang rabies. Mahalaga ang pamamahala sa kagat ng aso at pusa sa pagpapababa ng panganib ng impeksyon sa pamamagitan ng paglilinis ng sugat at pagpapagaling nito nang wasto at lubos. Gayunpaman, pagdating sa mga pinsalang dulot ng mga hayop, kailangan mong humingi ng medikal na tulong dahil kung hindi magagamot, pwedeng mauwi sa napakaseryosong problema ang mga impeksyon tulad ng pagkamatay. Narito ang mga dapat gawin kapag nakagat ng aso o ng pusa: 1.) Hugasan ang sugat gamit ang sabon at tubig sa loob ng 10 minuto. 2.) Lagyan ng povidone iodine ang sugat. Huwag lagyan ng ointment 3.) Huwag lagyan ng bawang, suka, patis o toyo ang sugat. Hindi ito nakagagamot at baka magdulot pa ng tetanus. 4.) Dalhin kaagad ang pasyente sa ospital o Animal Bite Center tulad ng PGH sa Taft Avenue, San Lazaro Hospital sa Tayuman, Manila, RITM sa Alabang at mga malalaking ospital. 5.) Hulihin ang aso at obserbahan ito ng 10 araw. Kapag nagpakita ang aso ng senyales ng rabies (naglalaway at nagwawala), dalhin ito sa ospital (tulad ng RITM) para ma-eksamen ang utak ng hayop.
16 AG-TEK Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fabian Dibisyon ng Pangasinan II, Rehiyon I TOMO XXXIV BLG. I AGOSTO 2023- MARSO 2024
Top 5 sakit ng SFNHSIANS Inalam ng Patnugutan ng ‘Ang Puting Buhangin’ ang kabuoang bilang ng kaso ng mga pangunahing sakit na dinaramdam o madalas na isinasangguni ng mga mag-aaral ng San Fabian National High School sa School Clinic. 1 2 3 4 5 Masakit ang ulo Masakit ang tiyan Sinisipon Masakit ang ngipin Inuubo 179 56 24 59 46
ni
G7G8G9G10G11G1263 52 34 35 59 68
nina Zaikka Mae Usoria at Jira Avril Manipon
Keziah Malaque
Clip Arts: Canva
ni Carla Mae Genese
AG-TEK
Almusal ka muna!
nina Keziah Malaque at Fernando Ungria
“Mali-late na ako kaya hindi na ako nag-aalmusal bago pumasok.”
Ito ang madalas na tugon ng mga mag-aaral ng San Fabian National High School. Bunsod ito ng maagang pasukan ng mga pangumagang klase sa pagitan ng 6:30 ng umaga hanggang 11:45 ng tanghali. Kaya naman karamihan sa mga mag-aaral ay pumapasok na hindi nakakapag-almusal. Ayon sa pag-aaral, ang almusal ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw. Ang pagkain ng almusal araw-araw sa tamang oras ay bahagi ng mahusay na pag-uugali sa nutrisyon. Ito rin ang pambawi sa mga oras na tayo ay tulog sa gabi at ‘di kumakain. Ito rin ang paunang nagbibigay lakas para simulan natin ang araw nang buong sigla. Para sa mga estudyante, napakahalaga nang agahan dahil maraming benepisyo ang makukuha
SA TINGIN MO?
Dahil sa paglabag sa vape law na naglalayong protektahan ang mga menor de edad, panahon na ba para tanggalan na ng business permit at manufacturing license ang mga vape firm?
rito. Isa na rito ang pagpapalakas at pagpapagana ng utak. Dahil ang utak ng tao kadalasan nakadepende sa glucose para sa kailangang enerhiya lalo pa’t marami ang gawaing mental at pisikal sa loob ng paaralan.
Bukod dito, ayon sa isang facebook post ni Doc Willie Ong, maraming benepisyo ang makukuha sa pagkain ng almusal. Tulad ng mga sumusunod:
Para lumakas
Parang kotse na kulang sa gasolina, ang ating katawan ay manghihina kapag wala tayong pagkain. Kailangan ng utak natin ang pagkain para gumana. Tandaan natin na halos 10 oras nang walang laman ang ating tiyan pagdating ng umaga. Kaya dapat lang na lagyan ng pagkain o enerhiya sa umaga.
Para tumalino
Ang mga batang kumakain ng almusal ay nakakakuha ng mas mataas na grado sa eskuwelahan kumpara sa mga batang gutom. Mas alerto, matalino, at mabilis sumagot ang mga batang busog, kumpara sa hindi nag-almusal. Bigyan lamang ng masustansyang almusal ang mga bata tulad ng itlog, gulay, isda, kanin, gatas, yogurt o cereals.
Para sumigla
Ang hindi kumakain ng almusal ay hirap mag-concentrate o mag-focus sa trabaho o sa paaralan. Pagdating ng alas-10 ng umaga ay parang balisa na sila. Wala nang sigla. Ito’y dahil naghahanap na ng pagkain ang katawan. Kaya para hindi aantokantok sa paaralan, kumain ng almusal.
LUmUlUbong epekto ng teenage pregnancy
ni Keziah Malaque Iba na ang henerasyon ngayon kung hindi marunong magtiis maagang mabubuntis at kung hindi marunong maghintay maagang magiging nanay at tatay.
Dala ng kuryusidad at kawalan ng wastong kaalaman at tamang paggabay mula sa mga magulang o nakatatanda—ilan sa mga dahilan kung bakit isa ang maagang pagbubuntis sa mga suliraning kinasasangkutan ng mga kabataan.
Hindi nakatataba ang pagkain ng almusal
May maling paniniwala na papayat ka kapag hindi ka nagalmusal. Sa katunayan, lalo ka pang tataba kapag hindi ka nag-almusal! Bakit? Ang mga taong hindi nagalmusal ay mas gutom sa tanghalian, kaya siguradong mapaparami ang kanilang makakain. At mas kukuha ka ng sobrang daming kanin, ulam at panghimagas.
Samakatuwid, kung gusto ninyong maging malusog at masigla ang inyong katawan, kumain ng masustansyang almusal sa tamang oras. Maghanda ng almusal nang mas maaga sa karaniwang oras ng pagpasok – Bakit hindi subukang gumising ng mas maaga para makakain ng almusal.
Idineklara ng National Economic and Development Authority (NEDA) at Commission on Population and Development (POPCOM) na ang teenage pregnancy ay isang national emergency.
Ayon sa POPCOM, taong 2020 nakapagtala ang Pilipinas ng 56, 428 kaso ng mga nanganak na
batang babae edad 10-17 kung saan 51 bilang ng nanganak dito ay edad 10-12. Sa kabila ng nakababahalang bilang ng mga kabataang maagang nagdadalang-tao, hindi pa rin maikakaila na kaakibat nito ang mga masamang epekto ito sa pisikal at mental na kalusugan ng mga bata. Isa ay ang malaking tyansa na magkaroon ng problema sa kalusugan ng bata at ng nanay gaya ng body impairments, respiratory diseases at marami pang iba. Habang nagbubuntis, mataas ang tiyansang magkakaroon ng iron deficiency anemia. Ang anemia sa panahon ng pagbubuntis ay nagpapataas ng
panganib ng premature birth, low birth weight, postpartum depression. Ang epekto nito sa aspetong emosyonal ng isang tao ay hindi rin dapat balewalain. Maraming kabataan ang natatakot na ipaalam sa kanilang mga magulang ang kanilang kalagayan. May mga pagaalala sila hinggil sa responsibilidad ng pag-aalaga sa isang anak sa murang edad. Bukod pa rito, ang social stigma na kaakibat ng pagiging buntis sa maagang edad ay maaaring magdulot ng pangmatagalang epekto sa kanilang kalusugang pangkaisipan. Sa ganitong sitwasyon, mahalagang magkaroon ng tamang
edukasyon upang maintindihan nila ang mga banta at epekto ng maagang pakikipagtalik. Kailangan din ng maayos na access sa impormasyon tungkol sa reproductive health at kontraseptibo upang maprotektahan ang kanilang kalusugan. Ang pagbibigay ng suporta ay mahalaga upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga kabataan at ang lomolobong epekto ng teenage pregnancy.
SALBABIDA: Pagsaklolo at Pag-ahon sa Panganib
ni Zariah Gutlay
Hunyo 7, 2023, ilang araw na lamang ay magtatapos na sana sa ikapitong baitang si John Tyrvee Naraja sa San Fabian National High School ngunit sa isang di inaasahang pangyayari, siya’y nalunod sa ilog ng Cayanga dahilan upang bawian siya ng buhay sa murang edad.
Paano ba maiiwasan ang pagkalunod? At kung ikaw ay may nakitang nalulunod, ano ang mga hakbang na dapat mong gawin?
Ang kaso ni Tyrvee ay isa lamang sa halos 10, 000 bilang ng mga namamatay dahil sa pagkakalunod taon-taon ayon sa Philippine Life Saving Society.
Ayon pa sa World Health Organization, ang pagkalunod ay parang "silent epidemic" at isa sa mga pangunahing dahilan ng kamatayan sa buong mundo para sa may edad 1 hanggang 24. Higit sa 90% ng mga namamatay dahil sa pagkalunod, na umaabot sa tinatayang 236,000 kada taon, ay nangyayari sa mga bansang may mababa at katamtamang kita, kasama na rito ang Pilipinas.
Sabi naman ng Philippine Coast Guard, karamihan sa mga insidente ng pagkalunod ay nangyayari sa open water na karamihan ay mga turista o mga nakatira malapit sa tabing dagat ang
biktima.
Pag-ahon sa Panganib Ayon kay Dr. Tranquilino Elicaño Jr., unang-una, kailangan ay matutong lumangoy. Ikalawa, huwag magsu-swimming kapag lasing o makatapos kumain. Ikatlo, iwasang mag-swimming sa tubig na masyadong malamig at malalim sapagkat maaaring magdulot ng pagka-pulikat. Ikaapat, huwag da-dive o lulukso sa tubig sapagkat maaaring may mga matutulis na bato o matigas na kahoy doon. Ikalima, huwag iiwan ang mga bata sa bathroom o sa pool sapagkat maaari silang malunod kahit na mababaw ang tubig. Ikaanim, kung sasali sa anumang water sports magsuot ng life jacket.
Saklolo sa Nalulunod
Dagdag pa niya, kapag may nakitang nalulunod, nararapat na: Alisin kaagad ang nalunod sa tubig; Kung may mga foreign body sa kanyang bibig, tulad ng pustiso, putik o mga damo, alisin ito; I-check kung humihinga o may pulso pa ang biktima; Isagawa ang artificial respiration at external cardiac massage; Maaari ring isagawa ang cardiopulmonary resuscitation (CPR) hanggang sa makarecover ang biktima.
Bida ang May Alam Ang kawalan ng kaalaman sa tamang gawain sa pagresponde sa isang nalunod ay maaaring mauwi sa trahedya. Mahalaga ang tamang kaalaman at pag-iingat upang maiwasan ang pagkalunod. Iwasan ang mga ilog na may malakas na agos ng tubig at maging maingat sa mabilis na current sa ilalim ng tubig dahil ito ay hindi nakikita at maaring maging mapanganib. Mahalaga ring bantayan ang lahat ng kasama, lalo na ang mga bata, habang nasa tubig. Pinapayuhan din ang lahat na mahalagang magkaroon ng wastong kaalaman sa paglangoy para sa kaligtasan at kasiyahan. Sa kasalukuyan, marami na ang nagtutungo sa ilog, dagat at mga resorts dala ng panahon ng tag-init. Ang dagat at ilog ay walang limitasyon para sa mga naglalangoy at nagnanais maligo, kumpara sa mga pool na mayroong limitadong lawak at hindi umaagos ang tubig. Sa pag-iingat, mas napag-iiwasan ang sakuna at mas napapamahal ang karanasan sa pagligo nang hindi nagiging sanhi ng anumang trahedya.
Dibisyon
TOMO XXXIV BLG. I AGOSTO 2023- MARSO 2024
Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fabian
ng Pangasinan II, Rehiyon I
17
59 41
H I N D I O O
Nag-aalmusal ka ba?
95% 5% -Oo -Hindi
Febbie Gay Garcia
18 ISPORTS
ASIAN GAMES 2023: KABUOANG MEDAL NG PILIPINAS
Laro ng Lahi, tampok sa WTD ng Pang II
ni Jeremy Centino
Upang palakasin ang samahan sa pagitan ng mga guro, pinangunahan ng School Division Office (SDO) ng Pangasinan II ang pagdiriwang ng World Teachers’ Day sa Binalonan Pangasinan noong Oktubre 2, 2023.
Nagkaisa ang mga guro mula sa iba’t ibang distrito upang makilahok sa serye ng mga tradisyunal at makabagong laro, na inorganisa ng mga nakatalagang paaralan.
Ilan sa mga itinampok na laro ay ang mga sumusunod: Tug of War, Longest line, Patintero, Calamansi Relay, Trip to Jerussalem, T-shirt Relay, Balloon Ko, Iputok Mo, Chug the Bottle, Sack race, Eating Banana at Tumbang Preso.
Gilas Pilipinas, naghari sa Asian Games ’23
Makasaysayan ang pagkakasungkit ng gintong medalya ng
Pilipinas ang koponan ng Jordan, 70-60, sa kanilang laban sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China noong
Nanguna sa pagkapanalo ng Gilas sina Justin Brownlee na nakapagtala ng 20 puntos at 11 rebounds habang mayroong 14 puntos at 11 rebounds naman si Ange Kouame.
Naging maganda agad sa umpisa ng bugso ng laro kung saan nakuha agad ng Gilas ang bentahe na tinapos ang first quarter sa iskor na 17-12, pabor sa Pilipinas.
Sa ikalawang quarter naman, naging mainit ang palitan ng puntos kung saan muntik pang makaungos ang Jordan dahil sa huli nitong layup para sa iskor na 31-31 ngunit hindi kinonsidera ng mga referee.
Tila nagising ang Jordan nang magsimula ang third quarter, binasag ni Rondae Hollis-Jefferson sa kaniyang jumper shot upang makuha ang dalawang puntos na kalamangan ngunit hindi nagpatinag ang tropang Gilas na nagpakawala ng tatlong tres at talunin sa puntos na 20 to 10 ang Jordan. Umanngat ang Pilipinas ng 10 sa naturang quarter, 51-41.
Pinangunahan pa rin ni Jefferson ang Jordan sa fourth
quarter upang mabawasan ang kalamangan ng Pinas ngunit hindi naging mabait ang Gilas sa sunod-sunod na basket nina Scottie Thompson at Kouame para mapanatili ang sampung lamang, 60-50. Tila kontrolado na ng Gilas ang laro sa nalalabing 55.4 segundo kung saan naghahabol ng puntos ang kalaban ngunit tinapos ng Gilas ang bakbakan sa final score na 70-60.
Kaugnay nito, isang mirakulo umano ang pagkapanalo ng koponan ayon sa kanilang Head Coach Tim Cone.
"After beating Iran by a point, and finding a way to, that miraculous game against China by one point. It’s just like, unexplainable, the feelings that we all have at this point, seemingly coming from nowhere to win this gold medal," pahayag ni Cone sa isang post-game interview.
Matatandaang taong 1962 pa nang huling maiuwi ng kuponan ng Pilipinas ang gold medal sa men's basketball sa Asian Games nang talunin ang China.
HILA!. Buong lakas na naghilaan ang mga guro ng Pangasinan II bilang bahagi ng selebrasyon ng Araw ng mga Guro
Sir Carlo Francis Palma
Balitang Kinipil
Pangasinan Heat, Magpapasiklab sa MPBL
ni Jeremy Centino
Opisyal nang kalahok bilang pinakabagong team ang Pangasinan Heat sa Maharlika Pilipinas Basketball League nang sinelyuhan ang kontrata sa Lingayen, Pangasinan, noong February 7. Kasama sa contract signing sina MPBL Commissioner Kenneth Duremdes, Pangasinan Heat franchise owner Cezar Quiambao, Gov. Ramon Guico III, Pangasinan Heat team manager at Alaminos City Mayor Arth Bryan Celeste, Atty. Glenn Gacal at Vice Gov. Mark Lambino at miyembro ng Pangasinan Heat na inaasahang magpapasiklab sa taong ito.
ni Faith Gabriel Costales
Napanatili ng Creamline Cool Smashers ang titulo bilang Reyna ng Premier Volleyball League- AllFIlipino Conference sa Best of 2 match matapos putulan ng pakpak at padapain ang Choco Mucho Flying Titans, 2-0, noong Disyembre 17 sa Mall of Asia Arena.
Inangkin ng Cool Smashers ang panalo kontra sa Flying Titans sa Game Two kung saan markado ang apat na puntos ni Captain Ball, Alyssa Valdez sa fifth set kasama ang nagpanalong huling atake.
Bumida naman sa pagkapanalo ng CCS matapos pumalo si Tots Carlos ng 26 points habang may 21, 14 at 11 markers sina Jema Galanza, Bernadette Pons at Pangs Panaga, ayon sa pagkakasunod.
Sa fifth set ng Game 2, naging gitgitan ang laban ng Creamline at Choco Mucho kung saan palitan ng puntos ang dalawang kuponan. Ngunit napanatili ang matibay na depensa ng Creamline at tinapos ni Alyssa Valdez sa kaniyang pamatay na atake,15-12, na siyang naging daan upang maiuwi nila ang kampeonato.
Sa unang set ng laro nakuha ng Choco Mucho ang panalo, 25-22 na siyang nagpakaba sa Creamline. Ngunit nanumbalik naman ang husay ng Creamline nang kanilang maipanalo ang ikalawang set sa iskor na 25-20 kung saan nahirapan ang kalaban sa malalakas na tira at matibay nilang depensa. Itinuloy-tuloy naman ng Creamline ang panalo sa ikatlong set ng laro, 29-27 sa pinagsama-samang lakas at husay nina Tots Carlos, Pangs Panaga, Gema Galanza at Kyle Negrito.
Ngunit pinahirapan pa ng
Choco Mucho ang Creamline sa ikaapat na set sa iskor na 25-22 na siyang naging hamon upang mas palakasin pa ng Creamline ang kanilang depensa. Ngunit sa fifth set,
itinakas ng CCS ang kampeonato at hindi na hinayaan pang makuha ng kalaban ang bola.
"The healthy competition is always be there, nice to play again with them, nice to bring out the best of each other," saad ni Alyssa Valdez sa isang post-game conference.
Dagdag pa niya, napanatili nila ang kanilang composure dahil sa kanilang pagmamahalan sa isa't isa; ayaw nilang masayang ang kanilang pagod; at, one point at a time sapagkat hindi nakukuha sa mabilisan ang mga bagay-bagay.
Matatandaang bago ang huling pagtutuos, tinalo ng Creamline ang Choco Mucho sa Game 1, 25-23, 19-25, 26-24, 25-22, upang maangkin ang kanilang pang-pitong PVL championship.
Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fabian Dibisyon ng Pangasinan II, Rehiyon I TOMO XXXIV BLG. I AGOSTO 2023- MARSO 2024
18
datos mula sa Opisyal na website ng Olympics.com
Kabuoang bilang ng medalyang nasikwat ng Pilipinas
Gilas Pilipinas matapos ang 61 taon. Ito ay nang pataubin ng
Oktubre 6, 2023.
Matapos ang humigit anim na dekada,
ni Faith Gabriel Costales
Creamline pinataob ang Choco Mucho sa PVL Championship ‘23
screenshot mula sa Fb post ni JV Garcia
Reyna ng PVL. Inangking muli ng Creamline Cool Smashers ang titulo sa All Filipino Conference- Philippine Volleyball League noong Disyembre 17, 2023. Spin.ph
SIGE,
MAINIT NA BAKBAKAN. Buong pusong inilaban ng Gilas Pilipinas ang titulo kontra sa kuponan ng Jordan. ESPN
Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Fabian
Dibisyon ng Pangasinan II, Rehiyon I
HARI NG BADMINTON. Matagumpay na naangkin ni John Loyd Viado ang kampeonato sa Badminton- Singles sa Municipal Meet 2023.
Fb: John Loyd Viado
ISPORTS
EDITORYAL
Battledore Smashers, Over-all Champ sa Municipal Meet ‘23
ni Franklin Jay Calica
Dinomina ng Battledore Smashers ang badminton court upang maiuwing muli ang titulo
bilang Over-all Champion sa Municipal Meet 2023 sa Judge Jose De Venecia Sports and Civic Center, San Fabian, Pangasinan noong Disyembre 12-13, 2023.
Humakot ng gintong medalya sina John Loyd Viado (Single B), Jon Marc Lu at Dominador Santiago Jovellanos (Doubles), April Mae Serrano (Single A), Juanita Magliba (Single B), at Janel Disu at Allysa Ferreria (Doubles) na aabante sa Congressional Meet sa Enero 2024.
Samantala, kinapos man para maka-ginto sa naturang palaro, inuwi pa rin nina Woody Jr. Imbornal (Single B), Elijah Joshua Dumo at Spencer Garcia (Doubles), Jasmine Imbornal (Single B), at Irish Nathalie Velasquez at Crist Ferreol (Doubles) ang
PANTAY DAPAT
Bawat parangal na nakakamit ng mga mag-aaral sa iba’t ibang patimpalak na kanilang nilalahukan ay para sa karangalan ng buong paaralan. Ngunit madalas nagkakaroon ng hindi pantay-pantay na npagpapahalaga ang ilan sa mga kaguruan sa natatamong tagumpay ng mga mag-aaral lalo na kung hindi naman pang-akademiko ang sinalihan.
Tuwing may patimpalak, madalas mas pinapahalagahan ng ilang mga guro ang mga lumalaban sa mga patimpalak na matematika, siyensiya at iba pa na pangakademiko ngunit, pag dating sa mga patimpalak na isports, ang iba’y wala man lang silang kasaya-saya. Hindi ba’t dapat pantay-pantay ang pagpapahalaga ng mga guro sa mga estudyanteng nakikipaglaban para sa paaralan? Kung tutuusin hindi ba dapat mas pahalagahan ang mga estudyanteng sumasabak sa isports?
Dahil, ‘di tulad sa mga pang-akademiko na ginagamitan ng isip, ang isports ay ‘di lang ginagamitan ng isip kung hindi pati rin ang buong pangangatawan. Ang mga training nila ay mas higit namang mahirap dahil araw-araw umuuwi silang may pasa o ‘di kaya naman pagod na pagod.
Sa kabilang banda, mahirap din naman ang pag-iensayo sa mga akademikong kompetisyon, laging kailangang mag-memorize ng sandamakmak na papel o aralin. Hindi lang nila kailangang kabisaduhin ito dahil kailangan din nila itong magamit lalo na sa matematika, maraming formula ang kailangan imemorya. Kaya, marahil mas pinapahalagahan ang mga patimpalak na ito dahil maraming oras din ang ginugugol ng mga estudyante sa pag-aaral.
Ngunit kung iisipin nating mabuti, itinataya hindi lamang ang katawan ng mga atleta kung hindi pati kanilang buhay dahil maaaring mapahamak sila sa kalagitnaan ng kanilang laban. Hindi lang pawis, kundi pati dugo ang nakataya sa tuwing sumasabak sila sa arena bago makuha ang mga medalya na walang silang ibang hinangad kung hindi ang maitaas ang bandila ng paaralan.
Sa halip kasi na bigyang-halaga ng mga ibang guro ang mga atleta ay mas lalo pa nilang pinapakitang walang-wala ang isports sa mga pang-akademikong kompetisyon, madalas pagkatapos ng kompetisyon ay hindi masiyadong napapansin ang mga atleta, hindi nga sila minsan napo-post sa mga Facebook page ngunit pagdating sa mga ibang patimpalak lahat napo-post. Hindi naman ito makatarungan, parehong nagsasakripisyo ang mga kinatawan ng paaralan.
Ang kailangang gawin, pahalagahan ang lahat ng estudyanteng kumakatawan sa paaralan. Ano man ang sinalihan, dapat pantay-pantay ang pagpapahalaga ng mga guro. Hindi lang ang isang kategorya o asignatura ang pahalagahan dahil pare-pareho naman silang gumugugol ng kanilang mga oras at nagpapagod para lang ipanalo ang kanilang mga kinakatawang paaralan.
ikalawang puwesto na sisikapin anilang maging mas malakas at magaling sa susunod nilang pakikipaglaban.
Habang nagtapos sa ikatlong puwesto naman sina Prince Erestingcol, Matt Gabriel (Single A), at Krisca Urice Paloma (Single A). Bago ang matagumpay na placements ng Battledore Smashers dumaan muna sila sa matitinding trainings, tune-up games at kompetisyon sa labas ng bayan at probinsya. Aminado naman si G. Jomar Maramba, isa sa mga coach ng team na aminadong
manlalaro upang lalong mailabas ang potensyal na kagalingan sa bawat laban.
“Yong eagerness ng mga manlalaro to learn and to play kitang-kita yon sa kanila so in return shinoshoulder namin yong ibang expenses ng mga bata,” pagbabahagi ni G. Maramba sa isang interbyu.
Matatandaang noong nakaraang Municipal Meet ang Battledore Smashers na dating Poona Smashers sa ilalim ni G. Alfredo Embuido ang tinanghal ding over-all champion kung saan nilimas ng koponan ang lahat ng unang puwesto sa bawat
SFNHS Paddlers hawak pa rin ang korona sa Municipal Meet
ni
Irish Angel Toralba
Pinainit ng SFNHS Paddlers ang laro sa kabila ng malamig na panahon, matapos nilang pagharian at pagreynahan ang table tennis sa San Fabian Municipal Meet 2023 noong December 12, 2023 sa San Fabian National High School (SFNHS).
Pinaglaruan ng koponan na parang bata ang mga kinatawan ng nag-iisang nakatunggali mula sa Binday National High School sa Men’s at Women’s Division ng Table Tennis kung saan inangkin nila ang lahat ng gintong medalya.
Pinatunayan ng Paddlers na sila ang hari at reyna ng Table Tennis sa San Fabian nang madepensahan nila ang kanilang korona sa nakaraang taong Municipal Meet matapos nilang paulanan ng mga smash ang mga katunggali para magkapeon sa singles at doubles. Ayon naman kay Coach Arsenio Tersol, talagang pinaghandaan nila ang kanilang laban kung saan boluntaryong nag-iensayo ang mga manlalaro araw-araw sa tuwing may bakante silang oras.
“Ako po ay tuloy-tuloy na naglalaro, hindi tumitigil, at ako po ay nanonood nang mga bidyo sa iba't ibang platforms upang mas lumawak po ang aking kaalaman sa isport na ito. At sa palapit na congressional meet, ay tuloy tuloy pa rin po ang aking pakikipagtraining sa paaralan kahit na bakasyon,” pahayag ni Teody Rico Maxion, G8 STE at isa sa mga rookie ng Paddlers.
Upang makamit ng Paddlers ang titulong kampeon, puspusang ensayo ang kanilang pinagdaanan para sa naganap na laro sa Municipal Meet.
ni Princess Cunanan
Namayagpag ang galing ng mga piling mag-aaral ng Grade 9 at 10 sa ginanap na Mass Demo kasabay ng paglulunsad ng Galaw Indak Pangasinan II, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Physical Education Day 2023 noong Disyembre 1, 2023 sa San Fabian National High School gymnasium. Napanganga sa galing ang mga hurado at manonood sa ipinamalas na husay ng mga kinatawan mula sa Grade 9 kung saan itinanghal silang kampeon nang maungusan nila ng malaking puntos ang mga mananayaw mula sa Grade 7 at Grade 8. Ginamit ng mga nagtanghal mula sa G7-9 ang musika at mga steps ng Galaw Pilipinas.
Samantala, namangha naman ang mga manonood at hurado sa linis ng presentasyon, maayos na formation at maliliksing galaw ng mga mananayaw mula sa Grade 10 na nagdala sa kanila upang hiranging kampeon sa kabila
ng magandang pagtatanghal ng mga kinatawan mula sa Grade 11 at 12. Ginamit naman ang musika at choreography ng Galaw
Indak Pangasinan II sa naturang patimpalak kung saan pormal na inilunsad ito sa pangunguna ni Dr. Lilibeth Daus, EPS sa MAPEH, at ng buong kaguruan sa MAPEH Department sa pangunguna ni G. Reymund D. Alvarrez, HT-III. Nagsilbing tagapagsanay sa mga naturang dance exercise ang mga guro sa MAPEH sa bawat kurikulum.
“Ang school na walang MAPEH ay boring,” ito naman ang binigyang diin ni Dr. Daus matapos
nitong purihin at pasalamatan ang SFNHS sa pagtataguyod ng mga inobatibong proyekto ng Division gaya ng paglulunsad ng naturang Dance Exercise sa paaralan. Samantala, ang Galaw Indak Pangasinan II ay isang dance exercise na pinaghalong aerobics, taeebo, sport movements at basic steps ng Pangasinan Folk dance. Layunin nitong maikintal ang kahalagahan ng pisikal na gawain sa pamamagitan ng sayaw kasabay ng pagpapakita ng kultura at sining ng Pangasinan.
ROOKIE PERO ‘DI PAHUHULI. Pinatunayan ni Teody Rico Maxion na kahit baguhan sa Table Tennis, kaya niyang iuwi ang kampeonato para sa SFNHS sa ginanap na Municipal Meet 2023.
Diana Marie Garcia
TOMO XXXIV BLG. I AGOSTO 2023- MARSO 2024
19
Galaw Indak Pangasinan
Grade 9, 10, namayagpag sa Mass Demo;
II, inilunsad
MABISBISKEG!
Team Biskeg, sumilat ng 2 medalya sa Pencak Silat sa Batang Pinoy
2023
ni Diana Marie Garcia
Nagdiwang ang buong San Fabian National High School (SFNHS) nang makasilat ng dalawang medalya ang Team Biskëg sa Pencak Silat sa Batang Pinoy at Philippine National Games 2023 sa Ayala Malls, Manila Bay, Basketball Gym noong December 17-22, 2023. Matagumpay na nasikwat ni laban,” tugon ni Maraña. Santos. Dagdag pa nila, lalo pa nilang pagbubutihin sa mga susunod nilang laban lalo sa nalalapit na mga Sports Meet at susubukin anilang makapasok sa susunod na Batang Pinoy.
SA AMIN NA ‘TO!
Makapigil-hiningang
ibinuslo ni Feona
Princess Almacen ang bola para sa kampeonato laban sa koponan ng MNHS sa naganap na Municipal Meet sa Landas, Mangaldan Pangasinan.
Arnel Petero
ISPORTS
Matatandaang dalawa sila sa sampung mag-aaral mula sa SFNHS na Batang Pinoy at Philippine National Games Qualifier matapos dominahin ang isinagawang Provincial try-out noong Oktubre 14-15, 2023.
Binubuo nina Maraña, delos Santos, Eraño Pantua, Josh Codilan, Mark Gil Casipit, Justine Genodiala, Jeann Basto, Rhona Mae Nabua, Alezaida Marie Fernandez, Nisha Burgundy Borbon at Whyncess Eunice de Guzman ang Team Biskëg. Samantala, nagsilbing trainor naman nila ang Pesilat Alumnus, Engr. Jherome Arceo at coaches sina G. Marvin Borja at Bb. Marvelyn Borja.
DELOS SANTOS
Lady Ballers giniba ang MNHS sa sariling court
ni Faith Gabriel Costales
Giniba ng Lady Ballers ang mala-pader na depensa ng koponan ng Mangaldan National High School (MNHS) sa Championship ng Basketbal 5x5 (Girls) nang mailusot ang makapigil-hiningang iskor na 50-44 noong Enero 17 sa Congressional Meet sa Brgy. Landas, Mangaldan, Pangasinan.
Kayod-kalabaw si Princess Feona Almacen bilang Captain Ball at sinikap na maipasok ang kaniyang mga tirada sa second half na umapula sa nag-aapoy na tirada at pagkasira ng depensa, at nagpatahimik sa mga supporters ng kalaban.
Maagang ipinaramdam ang maiinit na mga tiradang tres ng kanilang Kapitana na siyang nagpakaba sa Lady Ballers at nagpahirap para hindi hayaang makalapit ng puntos, kung saan nagtapos ang 1st half sa iskor na, 34-24, lamang ang MNHS. Napanatili pa rin ng MNHS ang kalamangan sa unang bahagi ng 2nd half kung saan nag-iinit pa rin ang mga kamay ng kanilang captain ball na panay ang puntos kung kaya naging hamon sa mga coaches ng Lady Ballers at inaral ang kilos at taktika ng kalaban.
Lalong pinagtibay nina Angielyn Basto at Trixie
Lomandas ang pagbabantay sa Kapitana ng kalaban at hindi hinayaan pang makapuntos muli kung kaya napilay ang mataas nilang kalamangan habang abala sa paggawa ng puntos sina Gutierrez, Almacen, Dela Cruz at Clarize Gaming upang mahabol ang puntos at makaungos ng apat. Sa mga huling minuto ng laro, nagtuloy-tuloy ang paggulong at pagpanig ng bola sa panig ng Lady Ballers hanggang sa makuha ang kalamangan na anim at hindi na pinayagan pang makuha ng kalaban ang bola hanggang sa kahuli-hulihang segundo ng laro.
“Disiplina sa sarili at sa loob ng court, yon lagi ang binibilin namin sa kanila,” ani Bb. Jelyn Liwanag, kasamang coach ni G. Ericson B. Suratos.
Samantala, sila ang magiging kinatawan ng 4th District sa Pangasinan II Division Meet na gaganapin sa kaparehong lugar sa Pebrero.
DO OR DIE
Maging una sa balita at impormasyon!
I-scan ang qr code o magpunta sa https://www.facebook.com/AngPutingBuhangin
SFNHSians dinomina ang Pencak Silat; 19 ginto, 3 tanso, sinilat
SFNHS Basketball Men dinipensahan ang titulo kontra MABILAO NHS sa Municipal Meet
ni Faith Gabriel Costales
Hari pa rin ng basketball ang koponan ng San Fabian National High School (SFNHS) sa bayan ng San Fabian matapos madipensahan ang titulo laban sa Mabilao National High School (MNHS) sa kanilang Do or Die match sa Municipal Meet 2023 sa SFNHS noong Disyembre 13, 2023.
Naging leksyon sa SFNHS ang pagkapahiya sa sariling homecourt sa harapan pa mismo ng kanilang mga tagahanga matapos angkinin ng MNHS ang Game 1, 68-82. Pinahirapan sila ng matitinding tres at jumper shoot ni Fernandez ng MNHS dahilan upang matambakan ng malaki at mapako sa baba ang SFNHS.
Dahil sa twice to beat na advantage ng SFNHS inaral nina G. Rezel dela Cruz at G. Jimer Dela Cruz, mga coaches, ang mga naging galawan ng kabilang team at untiunting ipinasok ang mga malalakas sa grupo upang matapatan ang kalaban.
Sa pagsisimula ng laro, tila ayaw patalo sa isa’t isa at nagpalitan lamang ng puntos ang mga kuponan. Nag-init ang labanan nang sa mga huling minuto ng laro ay nakalamang ng 4 na puntos ang MNHS at hinabol
ito ng SFNHS sa tulong ng backto-back shoot ni Baltazar, upang maitabla ang laro, 12-12. Hindi naman nagpatinag ang MNHS sa ikalawang kwarter at tinumbasan ang shooting ng SFNHS. Sa mga huling sandal ay nag-init ang mga kamay ni point guard Fernandez na nagbaon ng dalawang tres para mailayo ang kalamangan at makuha ang first half, 25-20. Itinuloy-tuloy ng MNHS ang magandang laro at sinikap maagaw ang korona sa SFNHS sa pamamagitan ng pagkuha ng walong puntos na kalamangan, 47-35. Pinagsama-sama na ni Coach Rezel ang kaniyang best 5 para dipensahan ang kanilang titulo.
Sa huling kwarter ay pumanig ang bola sa SFNHS kung saan nakapasok ng 12 puntos si Villarico at upang maabutan ang kalaban sa mga unang minuto ng
huling bakbakan. Sa kasamaang palad ay nagkaroon ng injury si Fernandez ngunit hindi ito naging dahilan upang makapampante ang SFNHS.
Nagpalitan ng puntos ang magkabilang team na nagpatindi ng sigawan ng mga manonood ngunit naging kontrolado na ng SFNHS ang laro. Pilit na hinabol ng kalaban ang kalamangan ngunit huli ng nagtuloytuloy sa paggawa ng puntos ang SFNHS dahilan upang tapusin ang laro at angkinin ang kampeonato, 6257.
“Kabado ako noong una dahil nakita ko kung gaano kagaling ang nakalaban namin, pero malaki ang tiwala ko sa mga players natin na kaya nilang ipanalo, lalo pa’t home court tayo,” ani G. Dela Cruz.
Magiging kinatawan ng San Fabian ang SFNHS sa Congressional Meet sa Enero, 2024.
Nangibabaw ang husay sa pakikipaglaban at disiplina sa Pencak Silat ng mga kinatawan ng San Fabian National High School matapos sumilat ng 19 ginto at 3 tanso sa Pangasinan II Division Meet sa Mangaldan, Pangasinan noong Pebrero 15.
ni Jim Garcia Bunga ng matinding pagienasayo bilang paghahanda, naging posible para sa Team Biskëg na makalikom ng 19 gintong medalya sa isang araw na pakikipagbuno at pagpapakitang gilas habang may dagdag tatlong tanso pang nakuha ang koponan.
“Kung hindi lang siguro nainjury at sobrang napagod ‘yong tatlong bata baka nakuha pa natin yong tatlong ginto,” ani Bb. Marvelyn Borja.
Samantala, tuloy-tuloy ang training ng mga atleta para sa nalalapit
na R1AA Meet sa Marso kung saan target ng grupo na muling makaginto upang makapasok sa Palarong Pambansa kung saan noong nakaraang taon, naging pambato ng Rehiyon Uno si Nisha Burgundy Borbon.
“Kung hindi lang siguro nainjury at sobrang napagod ‘yong tatlong bata baka nakuha pa natin yong tatlong ginto,”
Bb. Marvelyn Borja Coach
Ang Opisyal na Pahayagang Filipino
..
..
MARAŇA