Kahit maraming mata na ang nakamasid at humuhusga sa paraan ng pag-indak na sumisimbolo sa pagkakakilanlan nila hindi ito naging hadlang upang huminto t ipangalandakan ang tunay na kulay at ganda na mayroon sila
Iba t ibang kulay ang makikita Iba t ibang simbolismo ang dala Ngunit sa kabila ng pagkakaibaiba dito nagiging isa at nabibigyang buhay ang bandila Dahil sa mundong ating kinagagalawan kung saan kinakailangang umakto ayon sa nakasanayan isang maling galaw ay agad mong mararamdaman ang panghuhusga ng karamihan Kanya-kanyang ayos kanya-kanyang trip at kanya-kanyang paraan kung paano mapananatiling tuwid ang tindig ng bandila ng pag-ibig
YUNGIB NG NAKARAAN
Kung babalikan maraming beses nang nakulong sa mga masasakit na salita ang mga miyembro ng LGBTQIA Maraming beses nang tinakpan at pinagbawalang ipakita ang kanilang natatanging kasarian ngunit sa paglipas ng panahon sila ay untiunting nakalaya sa rehas ng panghuhusga Gamit ang iba t ibang paraan upang mapataas ang kumpiyansa sa sarili at mapanatili ang kaakit-akit na kulay ng bahaghari
Sa kabila nito ay may mga estudyanteng ipinakilala ang tunay na sila sa likod ng camera
Magmula sa daan papasok sa paaralan dala ang
kaisa-isang kaibigan ang cellphone kung saan matutunghayan ang isang magandang kwento Ang kwento kung paano ipinapakita ang tunay na kulay sa mata ng mga tao
RECORD EDIT POST Yan ang kapangyarihan na meron sila Gamit ang Social Media nagniningning sila nang hindi pinapansin ang sasabihin ng iba Gaya na lamang ng mga mag-aaral sa Paaralang Sekundarya ng Maligaya (PSM) na sina Christian Jay Belo at John Mart Lacorte na nakilala dahil sa kanilang mga sikat na bidyo na pinost sa social media Kung nagbabalak kayo na pumasok sa mundo ng social media wag kayong matakot na sumubok
Dapat lahat ay sinusubukan at dapat walang inuurungang laban kasi nga pangarap niyo ang itinataguyod niyo paalala ni Belo sa mga kapwa niya
LGBTQIA+ na nais pasukin ang mundo ng social media ngunit may pangambang baka sila ay ma-bash o hindi mapansin ng mga tao Sa kanilang paraan ng pagiging influencer hindi lang ang sarili nila ang kanilang natutulungan pati na rin ang kanilang pamilya dahil sa kinikita nila sa social media Tulad ni Lacorte na nagsimulang pasukin ang mundong ito noong kapanahunan ng pandemya hanggang sa sumikat siya at nagsimulang kumita ng pera na nakatulong sa kaniya at maging sa pamilya
NABUKSANG PINTUAN
Sa mga nagdaang buwan sa loob ng PSM hindi maipagkakailang unti-unting nabuksan ang nakasaradong pintuan para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ pagdating sa mga patimpalak ng kagandahan Malaya nang nakalalahok ang kahit na sinong estudyante na nais ipakita ang kanilang natatanging ganda Isa na rito ang naganap na patimpalak ng kagandahan na Lakan at Lakambini noong Buwan ng Wika kung saan ay may mga estudyanteng nakilahok kahit pa na taliwas ito sa puso ng tunay nilang pagkatao Wala naman yon sa gender e kung gusto mo talaga sumali sa isang contest na yon kahit na alam mong hindi siya akma sa gender identity mo ay pwede ka namang sumali pero nasa choice mo yon kung willing ka ba maging character yung lalaki ani Charles Niño Villaflor na isang mag-aaral sa PSM at miyembro ng LGBTQIA+ na sumali at hinirang bilang ikalawang pwesto sa patimpalak ng buwan ng wika bilang Lakan Kahit pa ang panlabas na anyo ay akma sa kanyang sinalihan at kabaligtaran sa kaniyang kagustuhan hindi ito hadlang upang ang tunay na sarili ay mapangalandakan At kahit iba man ang panlabas na anyo sa gustong ipakita at isigaw ng kanilang puso hindi ito naging harang para buong damdamin nilang maipagmalaki at itaas ang kanilang bahagharing watawat na hindi kailanman natumba sa harapan ng madla
Dahil pwede rin silang maging
model ng lipunan — hindi lang sa Ermita “
nina LUISSA UMEREZ, FIONA RIMANDO, NICA FERNANDEZ
Mahigit 55% ng populasyon ng mundo ang nakatira sa mga urban na lugar at ito ay nakatakdang tumaas sa 68% pagsapit ng 2050 Halos 40% ng mga naninirahan sa lungsod ay walang access sa ligtas na sanitasyon at malinis na inuming tubig Tinatayang 91% ng mga tao sa mga urban na lugar ang humihinga ng maruming hangin Ang hindi maayos na disenyo ng mga sistema ng transportasyon sa lungsod ay lumilikha ng mga banta kabilang ang mga pinsala sa trapiko sa kalsada polusyon
Free Sundays tugon para
sa tubig ay maaaring magdulot ng dehydration na posibleng magresulta sa sakit ng ulo pagkapagod at pagbaba ng konsentrasyon na ilan sa mga bagay na nakaaapekto sa pagganap sa klase Ang mas madaling access sa malinis na tubig ay nagbibigay ng mas mahusay na kondisyon para sa pag-aaral at araw-araw na gawain Dahil sa proyekto hindi na kailangan pang bumili ng bottled water ang mga mag-aaral sa kantina Mas nagiging malusog ang mga pagpipiliang tub g kaysa matatamis na inumin at nakatutulong din ito sa pagpigil ng po usyon mula sa mga disposable na plastik Sa huli ang inisyatibang ito ay hindi lamang proyekto ng paaralan ito ay konkretong hakbang tungo sa mas malusog mas sustainab e at mas produktibong kapaligiran para sa lahat ng magaaral Ang mga water fountains na ito ay may masusing sistema ng pagsala at sanitasyon batay sa pamantayan ng Department of Health Kinakailangang malinaw walang masamang amoy o lasa at ligtas mula sa delikadong mikrobyo o kemikal ang inuming tubig na ibinibigay sa mga eskwelahan Ito ang mga prinsipyong sinasaklaw ng Philippine National Standards for Drinking Water na sinusunod din sa mga pasilidad Bukod sa pagiging ligtas ang proyekto ay naglalayong bawasan din ang paggamit ng single-use plastic bottles Ang mga botelyang plastik na kadalasang gawa sa polyethylene terephthalate ay tumatagal ng daan-daang taon bago mabulok at malaking bahagi ng mga ito ay nauuwi sa mga estero ilog at karagatan bilang polusyon Sa pamamagitan ng hydration stat ons hinihikayat ang paggamit ng mga reusable tumbler na mas makababawas sa basura at gastusin ng mga mag-aaral Ayon kay April Joy Andres isang magaaral sa Paaralang Sekundarya ng Maligaya malaking tulong ang mga water fountain sa kanyang araw-araw na buhay Nagiging mas madali at komportable raw ang kaniyang paginom ng tubig lalo na kung dati ay limitado
NI JULIEANA VIEN RELUYA
nina SANCIA LETABA
GARCIA
Kyusi, paaralan –dengue busters!
nina ADRIAN MESIAS, ROI PARTIDA
Nagdulot ng pangamba sa buong Quezon City ang naitalang pagtaas ng kaso ng dengue
Batay sa datos ng Quezon City Epidemiology Surveillance Division (QCESD) mula Enero 1 nggang Disyembre 31 2025 naitala ang nakamataas na kaso na umabot sa 11 057 nagdulot ng 48 na bilang ng mga namatay
Naitala rin na ang mga lugar na nakaranas
unod-sunod na pag-ulan at pagbaha ang may akamaraming kaso dahil sa pamumugaran ng ok Bilang tugon sa outbreak agad na nagpatupad ang pamahalaan ng Lungsod Quezon ng mga hakbang upang makontrol ang pagkalat ng sakit Kabilang dito ang libreng dengue test at konsultasyon sa mga health center gayundin ang pinaigting na kampanya laban sa dengue sa pamamagitan ng 5S strategy Search and Destroy Seek Early Consultation Self-Protection Measures Supporting Fogging and Spraying at Sustain Hydration
Isinagawa rin ang mga clean-up drive sa mga paaralan at programang Bayanihan sa Estero upang mabawasan ang pagbaha at mapigil ang pagdami ng lamok
Sa kabilang banda mapalad ang paaralan dahil walang naitalang kaso ng dengue
11,057
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Launching Ceremony ng makabagong teknolohiyang aagapay sa pagkatuto
Sa panahon ngayon umiingay ang tanong sa isip ng maraming magaaral handa na ba ang edukasyon sa mundong pinamumunuan ng artificial intelligence? AI paano ba ako matututo sa panahong ito?
Sinagot ng Department of Education (DepEd) ang mga tanong na ito sa pamamagitan ng paglulunsad ng Project Accelerating Governance and Adaptive Pedagogy through Artificial Intelligence o AGAP AI na unang ipinakilala ni Pangulong Marcos nitong January 9 2026 sa Quezon City Science High School
Ipinakita ng programa na ang AI ay hindi kapalit ng guro kundi katuwang sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa loob at labas ng silid-aralan Dagdag pa ng pangulo na ang AGAP AI ay hango sa salitang agapay na naglalayong maging tulay sa pagitan ng edukasyon at makabagong teknolohiya
Itinataguyod ng proyektong ito ang AI literacy etikal na paggamit at kritikal na pag-iisip upang maging handa ang kabataan sa responsableng paggamit ng teknolohiya
Katuwang ang ASEAN Foundation at Google org isinulong ng DepEd ang mga AI skills training na target maabot ang hanggang 1 5 milyong mag-aaral guro at magulang upang matulungan sila sa wastong pag-unawa ng layunin ng AI-based Learning
Ipinapaalala ng AGAP AI na sa kabila ng bilis ng teknolohiya ang edukasyon ay nananatiling makatao may direksiyon at may kasamang agapay
Our goal is to promote outdoor activities, encourage healthy living, and uphold our environmentalcommitments – QC Mayor Joy Belmonte
gayunpaman pinangunahan pa rin ni Gng Pinky
Giducos guro sa PSM ang pagsasagawa ng cleanup drive at fogging operations Nilinis at tinakpan din ang mga lalagyan ng tubig na maaaring pamugaran ng lamok upang maprotektahan ang kalusugan ng mga mag-aaral at guro
Patuloy namang nagsasagawa ng information drive ang lungsod at ang paaralan upang hikayatin ang maagang pagpapakonsulta sa oras na makaranas ng sintomas ng dengue Binibigyangdiin ng mga opisyal na mahalaga ang pakikiisa ng bawat isa sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran upang tuluyang maputol ang pagkalat ng sakit at maprotektahan ang komunidad laban sa dengue
54% kaa nag den kab nag den Car Free Sundays 6:00 AM-10:00 AM SA TOMAS MORATO AVENUE
46%
23% na mas mataas kaysa noong 2024
M
Isang uri ng gamit ang Solar Panels na kung saan ay direktang inililipat ang sikat ng araw sa kuryente gamit ang semiconductor materyal na ginagamit sa mga de-kuryenteng circuit at mga bahagi na nagbibigay ng kuryente
Nag-aalok ang mga solar panels ng makabuluhang pakinabang pagtulong sa pagbabawas ng singil sa kuryente at pagpapababa ng mga carbon footprint o kabuuang dami ng greenhouse effect ang pagkakulong ng init sa atmospera Bukod pa rito mayroon silang mahabang buhay batay sa Department of Energy 20 taon noong 2007 ang lifespan o buhay ng mga solar panels samantalang aabot na sa 25-30 taon noong nakaraang taon 2025 ang panahong kaya nitong itagal Sa isang pag-aaral ng Solar Panels Philippines kabilang ang mga paaralan sa listahan ng mga gumagamit at nangangailangan ng Solar Panels
dinadamayan ito sa listahan ng mga Ospital
Pabrika at mga lupa tulad ng mga bahay at gusali
Kaya naman patuloy ang pagpapaigting at pagsulong ng Lungsod ng Quezon sa paggamit ng renewable at sustainable energy sa tulong ng Solar Panels
Noong 2025 sinimulan ng lungsod ang paglalagay ng Solar Panels sa mga Ospital kasama rito ang Rosario Maclang Bautista General Hospital (RMBGH) at Novaliches District Hospital (NDH) na umabot sa 216 at 290 Solar Panels na ginawang ganap na solar-powered hospitals Samantala tinatayang anim na city-owned schools naman ang solar-powered na binubuo ito ng Novaliches High School San Agustin Elementary School Manuel A Roxas High School Camp General Emilio Aguinaldo High School Quirino High School at Carlos P Garcia High School May pinagsamang kapasidad na 600 kilowattpeak (kWp) isang yunit na sumusukat sa pinakamataas na resulta ng kuryente ang mga solar panels na ibinahagi sa mga nasabing pampublikong paaralan Aabot naman sa 5 2 milyon pesos ang inaasahang matitipid ng mga Solar Panels kada taon malaking tulong sa tinatayang 117 milyon pesos na bayarin sa lahat ng pampublikong paaralan sa Quezon City base sa Special Education Fund (SEF) sa kabuuang 159 public schools na pinamamahalaan ng Schools Division Office (SDO) Sa kabila nito patuloy ang paglaganap ng Quezon City sa paglagay pa ng mga solar panels sa iba pang 19 eskwelahan bilang bahagi ng mas pinalakas na adbokasiya na labanan ang climate change ang pagbabago sa pandaigdigang klima at mapangalagaan ang kalikasan
NI RACHELLE VEGA
ni KURT FRANKIE
pampaaralan
pambansa
komunidad
AI bilang makabagong doktor sa moder nong panahon
ni ALLYSA MAGBIRO
Nahihilo? Nalilito? Meta AI, ano ba itong nararamdaman ko? Sa patuloy na modernisasyon at pagtaas ng presyo ng mga bilihin, abot-kaya pa ba ng mga mamamayan ang professional doctor’s fee? o aasa na lang muna kay ChatGPT?
Ang Artificial Intelligence (AI) na kadalasang ginagamit bilang katulong sa paggawa ay tila naging bahagi na ng kultura ng mga mamamayan Sa kasalukuyan hindi na lamang sa pag-aaral nagagamit ang AI kundi pati na rin sa pag-alam ng iba t ibang karamdaman
Maraming doctor influencers ang umusbong sa larangan ng healthcare tulad nina Dr Alvin Francisco Doc Willy Ong Dr Winston Tiwaquen o mas kilala sa tawag na Dr Kilimanguru” at marami pang iba na detalyadong naglalahad ng makabuluhang impormasyon tungkol sa kalusugan
Ngunit sa kabila nito base sa isinagawang pagsasaliksik ng Pew Research Center Organization 38% ng aktwal na populasyon ang nagsasabing kaya ng AI na magbigay ng akmang diagnosis pati na rin ang wastong paraan ng paggamot sa naturang sakit, dahilan upang bahagyang bumaba ang bahagdan ng mga pasyenteng nagpapakonsulta sa mga health professionals na kalimitang nauuwi sa self-medication o pagbili ng mga gamot na walang pahintulot o reseta ng doktor
Ang paggawa ng self-diagnosis na ito ay lubhang nakasasama sa tao lalo na t hindi aktwal na nakikita ng isang AI software ang pisikal na katayuan ng isang taong may karamdaman
Ngunit, paano nga naman kung cellphone load lang ang kaya ng mga mamamayan? Paano kung hindi kaya ng nabubutas na bulsa ang pambayad sa mga propesyonal na manggagamot?
Bagamat ang AI na libreng nagbibigay ng inisyal na findings patungkol sa sintomas na inilahad at itinanong ng isang tao hindi pa rin garantisado na ito ay makatotohanan at dapat paniwalaan
Sa kabilang banda tugon ng pamahalaan ang libreng check-up para sa mga tao na walang kakayanan at mayroong problemang pinansyal
Ito ay dahil ang isyu ay buhat na rin ng patuloy na pagtaas ng professional doctor at check-up fee na minsan ay hindi covered ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) nang mabawasan ang badyet nito para sa mga mamamayan
Gayon pa man, kahit patuloy na tumataas ang bayad sa pagpapakonsulta payo pa rin ng Department of Health (DOH) na pumunta sa lisensyadong doktor at magpakonsulta kung may nararamdamang kakaiba sa katawan
Health is Wealth ika nga nila mahal magkasakit Hindi masamang magtanong ngunit piliin natin kung sino ang sasagot ng mga katanungang bumabagabag sa ating isipan Ang AI ay patuloy lamang na magsisilbing gabay sa pagkatuto hindi dapat ipinagkakatiwala at ipinauubaya ang kasagutan sa mga karamdaman
ng mga mag-aaral sa PSM ang gumagamit ng AI para sa selfdiagnosis o pag-alam ng sintomas ng sakit
source: Ang Prekursor student survey
sa mga nararapat na tao
D opamine, Drama, at Digital Validation
Ang totoong mukha ng mental health online
ni NEHEMIAH GERMANO
Sa umuunlad na mundo ng social media, naging daan ang mga platapormang tulad ng TikTok, Facebook, at Instagram upang ipahayag ng karamihan, lalong higit ng mga kabataan, ang kanilang mga sarili Naging daan din ito para sumikat ngunit isa sa mga paksang madalas na naging usapin onlayn ay ang mental health tulad ng depression, anxiety, at iba pa
Bunsod nito maraming mga content ang naglipana online tungkol sa mental health at dahil din dito ay nakararamdam ang mga nakararanas nito na sila ay nakikita naririnig at validated Gayunpaman umusbong ang isang kontrobersyal na usapin online patungkol sa mga epektong dulot nito ang pagiging content o paggamit ng mental health ng isang tao para sumikat
Sa sikolohikal na aspeto ang validation ay mahalaga sa pagkatao ng isang tao Ayon sa psychology at neuroscience ang pakiramdam na nauunawaan at pagtanggap sa atin ay nagiging dahilan upang ma-activate ang reward system ng ating mga utak partikular ang mga dopamine pathways na binubuo ng mesolimbic system ito ang nag-uugnay sa Ventral Tegmental Area (VTA) at sa mga lugar tulad ng nucleus accumbens amygdala at hippocampus mga circuit na naglalabas ng dopamine o ang happy hormones kung kaya t naipapaliwanag nito ang pleasure na nararamdaman ng isang tao sa social media kapag nakakukuha ito ng matatamis na mga salita at maraming likes kahit na hindi naman kadalasang totoo ang mga ito Isang malaking tulong ang magagampanan ng
social media sa usaping mental health kung ito y gagamitin sa tamang paraan ngunit sa kasalukuyang sistema ng mga social media platforms kung saan ginagamit ang usaping ito para lamang sa clout ay posibleng maging dahilan pa ito sa paglala ng stigma sa mga taong totoong nakararanas nito May punto sa ating mga buhay na minsan na nating pinangarap ang sumikat ngunit hindi dapat gawing trend o hashtag ang mga seryosong usapin lalo na t nakaaapekto ang mga ito na maaaring magpababa sa kredibilidad ng mental health advocacy na ginagawa ng mga Local Government Units (LGUs) sa bansa at sa mga taong tunay na nakararanas nito
Ayon sa Pop Culture Dictionary nagiging clout chaser ang isang tao kapag ginamit niya ang partikular na bagay o usapin para sa likes views at virality
Sa istraktura ng social media ngayon hindi dapat niroromantisa ang mental health dahil sa perspektibo ng siyensya kung ang mental illness ay titignan ng mga tao bilang isang aesthetic o personality trait ay magiging hadlang ito sa mga taong maghanap ng propesyonal na tulong at gawing normal ang maladaptive behavior kung
saan maling coping mechanism ang nagagawa ng isang tao at nagdudulot lang ng paglala ng stress o depression na kanilang nararanasan
Bilang kabataan hindi naman masamang talakayin ang mental health sa social media basta ito y nagagawa nang tama makatutulong pa nga ang mga ito upang magbahagi ng kaalaman at maiwasan ang self-diagnosis pagdating sa mga ganitong usapin
Darating man ang araw na makamit ang kasikatan sa social media hindi ito dapat itayo sa paghihirap at seryosong pinagdaraanan ng iba
Ang mental health ay hindi palamuti ng personalidad o hakbang patungo sa pagsikat kundi isang tunay at sensitibong usapin na nangangailangan ng pag-unawa at respeto
Sa halip na gawing daan ng pagsikat gamitin nawa ang social media bilang ligtas na espasyo ng kaalaman pagunawa at tunay na suporta Sapagkat ang tunay na pagkilala ay hindi nasusukat sa dami ng nakatingin kundi sa lawak ng malasakit na naibabahagi
Mahalagang kilalanin na ang teknolohiya ay walang sariling intensiyon tao ang nagbibigay ng direksiyon sa paggamit nito Sa bawat pindot ng like share o follow may kaakibat na responsibilidad na alamin kung ang sinusuportahan ba natin ay nakapagpapalawak ng kaalaman o
Kaya t sa susunod na tanungin mo kung bakit ka nahihilo at nalilito kumonsulta
numero
kalusugan
kalusugan
Tingin mo, Cool ka LUNGs?
ni TAMIYA TORRECAMPO
Sa unang tingin, ang matatamis at makukulay na flavors ng vape na prutas, kendi, o tsokolate ay nagiging simbolo ng kasiyahan at pakikisama sa barkada Ngunit sa likod ng kaaya-ayang amoy at lasa, nakatago ang mapait na katotohanan hinggil sa epekto ng vape at sigarilyo sa katawan ng kabataan – isang isyung patuloy na tinututukan sa Paaralang Sekundarya ng Maligaya (PSM)
Patuloy na binibigyang-pansin ng pamunuan ng PSM ang isyu ng paggamit ng vape at sigarilyo sa kabataan matapos makapagtala ang Guidance Office ng humigit-kumulang isa hanggang dalawang vape device na nakumpiska sa loob ng isang buwan sa paaralan Bagama t hindi itinuturing na mataas ang bilang iginiit ng mga guro at guidance counselor na mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral ang epekto ng vape at sigarilyo sa katawan lalo na sa murang edad kung kailan patuloy pang umuunlad ang baga at utak ng tao Ang vape at sigarilyo ay parehong naglalaman ng nicotine na mabilis na nagdudulot ng adiksyon Sa mga kabataan ang kemikal na ito ay nakasasama sa pagunlad ng utak na nagreresulta sa mahinang konsentrasyon problema sa memorya at hirap sa pagkontrol ng emosyon o bugso ng damdamin Ang usok at aerosol na nalalanghap ay may taglay na mga lason at heavy metals na sumisira sa baga Ang mga ito ay sanhi ng matinding iritasyon at mga seryosong sakit sa baga gaya ng hika at Ecigarette or Vaping Associated Lung Injury (EVALI) – isang uri ng pinsala sa baga na partikular na nakukuha sa paggamit ng vape
Dahil sa nikotina tumataas ang presyon ng dugo at bumibilis ang tibok ng puso na nagbibigay ng labis na stress sa cardiovascular system Ang bisyong ito ay nagpapataas ng panganib ng heart attack at stroke habang pinahihina ang immune system laban sa mga impeksyon Sa kabuuan walang ligtas na opsyon sa pagitan ng dalawa dahil pareho itong nagdadala ng panganib sa buhay Ang pag-iwas sa vape at sigarilyo ay ang pinakamahalagang desisyon upang mapangalagaan ang katawan at matiyak ang isang malusog na kinabukasan na malayo sa sakit Bilang tugon patuloy ang PSM sa pagpapatupad ng mga patakarang pangkalusugan kabilang ang guidance counseling at agarang aksyon sa tuwing may nakukumpiskang vape o sigarilyo sa loob ng kampus Nilinaw ng administrasyon na
layunin ng paaralan na palakasin ang kakayahan ng mga mag-aaral na tumanggi sa impluwensiya ng barkada at gumawa ng desisyong nakabatay sa kaalaman at pangangalaga sa sariling kalusugan
nagiging bahagi lamang ng problema Kung tunay na layunin ng social media na mag-ugnay at magbigay boses nararapat lamang na ito y magsilbing tulay patungo sa pagunawa at paggalang hindi entablado ng pagsasamantala Sa ganitong paraan, mas magiging makabuluhan ang digital na mundo hindi bilang salamin ng drama kundi bilang daluyan ng pag-asa
kalusugan
Autism sa mga bata, gadget ang may gawa?
ni CLOUD ROMAWAK
Napapansin ng ilan na tila mas marami ang kaso ng autism sa panahon ngayon kung ikukumpara noon Ayon sa mga eksperto, mahigit sa tatlong beses na mas mataas ang bilang ng mga naitalang kaso ng autism sa nakalipas na 20 taon kung ikukumpara sa dati Maraming nababahala sa kung ano ang nagdudulot ng pagdami ng kaso nito itinuturo ng ilan bilang dahilan ang pagbabago sa pamumuhay ng tao ngayon kung ikukumpara noon; mas laganap ang teknolohiya at maraming kabataan ang gumagamit ng gadgets sa murang edad
Ayon sa World Health Organization (WHO) ang Autism Spectrum Disorder (ASD) ay isang neurodevelopmental na kondisyon na maaaring magpakita sa iba t ibang antas at anyo kabilang ang mga kakaibang kilos o mga pag-uugali na nagdudulot ng kahirapan sa pakikihalubilo sa ibang tao Sinisisi ng ilan ang pamumuhay ng tao sa kasalukuyan partikular ang paggamit ng gadgets bilang posibleng dahilan ng pagtaas ng kaso ng ASD sa mga kabataan 81% ng mga batang may edad 13 pababa ay may sariling gadget at umaabot sa 8 oras ang ginugugol sa mga ito
Ayon sa mga eksperto may iba t ibang posibleng sanhi o dahilan ang paglitaw ng autism sa isang tao gaya ng genetics (namamana) edad ng mga magulang o mga gamot na iniinom habang nagbubuntis ang ina Gayunpaman binibigyang-diin ng mga eksperto na ang pagtaas ng naiuulat na kaso ng autism ay hindi nangangahulugang mas maraming bata ang nagkakaroon nito ngayon kumpara noon Sa halip mas maaga at mas madalas na itong natutukoy dahil sa mas malinaw na pamantayan sa diagnosis at mas malawak na kaalaman ng mga magulang guro at health workers Sa mga nagdaang taon mas pinaigting ang screening para sa autism sa mga paaralan at health centers Mas marami na ring guro at pediatricians ang may sapat na kaalaman upang makapansin ng mga palatandaan ng ASD sa murang edad Dahil dito mas maraming bata ang naipapasailalim sa pagsusuri at mas madaling napapansin ang mga sintomas Bagama t mayroong mga pag-aaral ukol sa kaugnayan ng paggamit ng gadgets at autism nililinaw ng mga eksperto na wala pang matibay na ebidensya na nagpapatunay na teknolohiya ang direktang sanhi ng ASD Ayon sa mga pagaaral ang autism ay karaniwang nagsisimula sa maagang yugto ng paglaki ng bata bago pa man nagkaroon ng matagal na exposure sa digital devices ang mga ito
Gayunpaman di maikakaila ang epekto ng gadgets sa paglaki at development ng isang bata lalo na sa mga batang may autism Sa isang panayam ibinahagi ni Nash Deniega isang estudyante mula sa Maligaya High School ang karanasan ng kaniyang pamilya sa pagpapalaki ng kaniyang kapatid na may autism Simula noong isang taon pa lang siya arawaraw siyang nanonood ng nursery rhymes sa TV at nakatutok sa cellphone at tingin ko nagpalala iyon sa behavior niya ani Deniega Nabanggit niya na may pagkakataon na inuulit-ulit ng kaniyang kapatid ang mga salitang naririnig at napapansin din niya na nahihirapan ang kaniyang kapatid na mag-concentrate Bukod dito idinagdag ni Nash na hindi lamang negatibo ang naging epekto ng gadgets sa kaniyang kapatid Nakatulong din ang gadgets sa pagbibigay ng stimulation at sa pag-develop ng kaniyang skills sa technology Kaya nga niyang gumamit ng YouTube at maglaro sa Roblox ani Nash Ayon naman sa mga eksperto maaaring magbigay ang gadgets ng pagkakataong matuto sa mga batang may ASD sa paraang mas komportable at angkop sa kanilang kakayahan Binibigyang-diin ng mga eksperto na mahalaga ang tamang gabay at ang therapy upang masiguro ang maayos na paglaki at tamang aruga sa mga batang nasa autism spectrum Para sa mga pamilya ng mga batang may autism ang mas mahalagang tanong ngayon ay hindi kung sino o ano ang dapat sisihin kundi kung paano mas mapabuti ang suporta at serbisyo para sa mga indibidwal na nasa autism spectrum Sa huli ang autism ay hindi bunga ng liwanag ng screen kundi ng mas malalim na hibla ng pagunlad ng tao Ang gadgets ay maaaring maging hadlang o tulay nakasalalay sa kamay na gumagabay at pusong umuunawa Higit sa paghahanap ng masisisi ang tunay na mahalaga ay ang paglikha ng mundong handang umunawa umalalay at yumakap sa bawat batang nasa autism spectrum
larawan mu a sa GMA INTEGRATED NEWS
kalusugan
MHS Blue Dra gons, na gpasiklab sa 3x3 basketball
nina LUCKY CIERVO, ALWIN ENCISO
Ayon kay Mark Aliño isa sa mga miyembro ng 3x3 team naging pundasyon ng kanilang kampanya ang tuloy-tuloy na ensayo at malinaw na sistema sa loob ng court Ang naging paghahanda namin ay tuloy-tuloy na training para laging handa ang katawan namin Nagbibigay rin sa amin si Coach Siva ng mga plays na dapat i-execute para maiwasan ang sari-sariling
lalo na sa pagsabay nito sa akademikong gawain bilang mag-aaral Dagdag niya malaki ang naitulong ng maayos na time management upang mapagsabay ang schoolworks at training nang hindi napapabayaan ang alinman sa dalawa Sa pamamagitan ng disiplina at tamang oras
iginiit ni Alido na natutunan niyang unahin ang mga gawain at maging responsable sa loob at labas ng paaralan Samantala nagdala rin ng karangalan ang 15-anyos na si Jhanica Barres matapos magtapos sa ika-8 puwesto sa Batang Pinoy 2025 sa General Santos City noong Oktubre 31 2025 Hindi lamang pamalo ang kanyang tangan sa laban inuwi rin niya ang medalya na nagbigaypuhay sa kanyang tagumpay Ayon kay Coach Gary P Villagracia ang Batang Pinoy ay isang malaking kompetisyon pambansang lebel na kompetisyon na ginaganap din taun-taon Kasabay ng kaniyang tagumpay nakalikom din ang iba pang manlalaro ng Quezon City ng tatlong bronze at isang silver medal na nagbunsod upang manatili sila sa ikaapat na puwesto sa pangkalahatang ranggo ng paligsahan
Kabilang ang Batang Pinoy sa mga pambansang paligsahan sa bansa na pinangangasiwaan ng Philippine Sports Commission (PSC) kung saan nagtatagisan ng husay ang mga atletang may edad 17 pababa at dinadaluhan ng libo-libong manlalaro mula sa iba t ibang panig ng Pilipinas Magkahiwalay na torneo ngunit iisang layunin pinatunayan nina Alido at Barres ang patuloy na pagusbong ng arnis sa hanay ng kabataang Pilipino
Ian ALIDO arawang kuha ni YURISH AQUINO
Jhanica BARRES
numero 1
Team
SEA Games
pampaaralan
pampaaralan
pampaaralan
pampaaralan
SDIBUHO NI MONICA FRADES
Pundasyon para sa Bagong Henerasyon
ANAMOS
Hindi lamang panalo ang hinahabol ng mga atletang kumakatawan sa paaralan, kundi ang pag-asang makausad sa kabila ng kakulangan at pagsubok Sa bawat laban, dala nila ang pangarap na kanilang paaralan at maabot ang mas mataas na antas ng kompetisyon
do ng Maligaya am may mga siyang walang kahit kulang ang ang pangarap na Pambansa ang ng ipagpatuloy g hirap p Tagumpay man ni Kirby n ng Maligaya High ll ang alang pag-unawa nagiging dahilan ng maayos ang ta ng pagiging atleta pagiging g rumespeto at sa kapwa g paraan ang bond ubuo hindi lang sa-
laro kundi sa mga karanasang sabaysabay nilang dinaranas Bukod sa samahan ng mga atleta mahalagang bahagi rin ng kanilang paglalakbay ang tulong ng mga gurong patuloy na umaalalay
Pagmamahal na Gumagabay
Ayon kay Gng Imee Gomez isang guro sa MHS minsan na niyang binilhan ng sapatos ang isa sa kaniyang mga estudyanteng kabilang sa track and field team Ikinuwento raw ng mag-aaral na sa kabila ng kaniyang pagsisikap sa ensayo at laban tila kapos ang kaniyang hakbang dahil sa luma at hindi angkop na sapatos Aniya kung mayroon lamang siyang maayos na kasuotan sa pagtakbo hindi lang daw sana bronze na medalya ang kaniyang maabot kundi mas mataas na tagumpay pa sa pista ng palakasan
Umaalalay na Pag-asa
Samantala ayon kay Precious
Allyson Poblete isang studentathlete mahalaga ang solicitations lalo na para sa mga atletang may limitadong kakayahang pinansyal
For me mahalaga ang solicit para sa isang athlete kasi bilang
student-athlete na financial unstable hindi biro ang mga bayarin sa amin pahayag ni Poblete
Hindi lamang pera ang naibibigay ng ganitong uri ng suporta kundi pag-asa lakas ng loob at paniniwalang may mga taong handang umalalay Kaya naman sa huli ang
samahan ng mga atleta at suporta ng mga guro ang nagsilbing pundasyon ng kanilang patuloy na paglaban
a mundo ng pampalakasan, hindi lamang lakas at liksi ang kailangan upang makamit ang panalo Isang masakit na reyalidad na kailangang harapin ng mga atletang Pilipino ang mga kakulangan sa kagamitan na kung saan ito ay dapat na nagmumula sa pamahalaan at hindi sa sariling bulsa ng mga manlalaro Ang hinahangad na makapag-uwi ng dangal ay kadalasang binabakuran ng kakulangan sa sapatos, bola, baston, at pasilidad
Sa Volleyball at Track and Field mahalaga ang dekalidad na sapatos para sa bilis at kaligtasan
Ngunit dahil sa mahal nito marami ang gumagamit ng pudpod na swelas o tumatakbong nakayapak sa semento na nagiging sanhi pa ng injury Ang ganitong sakripisyo ay bunga ng kawalan ng libreng kagamitan na mandato sanang ibigay ng estado sa ilalim ng Republic Act No 6847 (The Philippine Sports Commission Act)
Sa Basketball mailap ang suporta dahil madalas pang nag-aambagan ang mga manlalaro para sa bola at uniporme Gayundin sa Arnis na ating pambansang laro ayon sa Republic Act No 9850 kung saan ang kaligtasan ay nakasalalay sa mamahaling body armor at headgear Dahil sa kakulangang pinansyal marami ang suma- sabak sa ensayo nang kulang ang gamit inila- lagay ang sarili sa panganib alang-alang sa pagmamahal sa sports Maging ang mga nasa larangan ng Billiards ay hindi ligtas sa sistemang ito Bagama t kilala ang Pilipinas sa paglikha ng mga kampeon ang mga nagsisimu- lang manlalaro ay kailangang gumastos para sa sariling cue stick at pambayad sa table fee sa mga pribadong bilyaran dahil sa kawalan ng pampublikong training centers Ang talento ay nagiging limitado sa kung sino lamang ang may sapat na salapi para tustusan ang kanilang kagamitan Ang sariling sikap ay pasanin pati ng mga kampeon Noong 2019 napilitan si Hidilyn Diaz na humingi ng tulong pinansyal sa social media dahil sa kakulangan ng pondo para sa kanyang Olympic training Nakapanlulumong makita ang isang world class athlete na tila namamalimos ng suporta para sa nutrisyon at pagsasanay Kung ang isang gold medalist ay kinailangang maglabas ng sariling pera paano pa ang mga batang atleta lalo na sa mga probinsya na walang boses at walang pondo?
Madalas nating purihin ang pagiging madiskarte ng mga Pilipino ngunit isa lamang itong panakip sa malawak na butas ng ating sistema Ang paghingi ng pera sa magulang o pagtitipid sa baon para makabili ng knee pads ay hindi dapat maging normal Ito ay dapat na obligasyon ng mga ahensya alinsunod sa layunin ng Republic Act No 11470 (The National Academy of Sports Act) na magbigay ng de-kalidad na pasilidad at kagamitan Hindi dapat ipagwalang bahala ang sikolohikal na pasanin ng ganitong sistema Sa halip na pokus sa diskarte ang atleta ay ginagapang ng kaba na baka masira ang tanging gamit na mayroon siya Ang mental na paghahanda ay lalamunin lamang ng pagaalala sa kakulangan ng allowance at pamasahe isang bigat na hindi dapat pasanin ng isang kabataang ang tanging hangad ay magbigay ng dangal sa bayan Dito rin natin makikita ang unti-unting pagkamatay ng pangarap ng mga atleta Maraming mahuhusay na manlalaro ang hindi na nagpapatuloy dahil sa taas ng gastusin at sa self-provide na sistema Ang talentong dapat sana ay kinikilala na sa buong mundo ay nananatili na lamang sa madidilim na eskinita dahil ang pintuan ng tagumpay ay tila nakabukas lamang para sa mga may kakayahang bumili ng ticket papasok Ang tunay na malasakit ay wala sa mga post sa social media kundi sa polisiya at budget na abot hanggang sa mga lokal na sports club at pampublikong paaralan Hangga t walang sapat na pondo para sa mga batayang kagamitan ang pagiging atleta ay mananatiling isang pribilehiyo ng iilan sa halip na karapatan ng lahat ng may talento Sa huli ang tagumpay ng ating mga atleta ay bunga ng kanilang sariling kayod hindi ng sistema Ang bawat medalya ay simbolo ng pagsisikap sa kabila ng kakulangan sa suporta Panahon na upang itigil ang pagpuri lamang sa kanilang pagiging madiskarte at palitan ito ng tunay na pondo at kagamitan upang wala nang hadlang sa kanilang pangarap
HATING KAPATID
NI MARIA JANINA TOLEDO
Hindi lahat ng laban ay nagsisimula sa kalaban Sa iisang court, araw-araw na hinaharap ng mga atleta ang isang hamong hindi nakikita sa talaan ng puntos, ang kakulangan ng espasyo para sa sabay-sabay na gustong hangarin
Sa gitna lumilipad ang bola ng volleyball Sa unahan tuloy-tuloy ang ensayo ng basketball Sa gilid tahimik ang arnis Iisa ang court ngunit sabay-sabay din ang mga problemang hinaharap ito ay patunay na may mga isport na patuloy na lumalaban kahit nasa laylayan
Hindi madaling mag-ensayo sa ganitong set-up May mga sandaling kailangang maghintay magbawas ng galaw at makibagay Sa ganitong kalagayan mas ramdam ang pagod na hindi
lang sa katawan kundi pati sa pasensya
Sa kakulangan ng espasyo parang isang kumot na natutong mamaluktot ang mga atleta Walang pumapalakpak kapag may nag-adjust Walang nakapapansin kapag may tumigil para sa iba Pero sa likod ng bawat tahimik na kilos may sakripisyong ginagawa
Ang court ay nagiging lugar hindi lang ng pagsasanay kundi ng pagsubok Dito nasusukat ang pasensya disiplina at tibay ng loob ng bawat atleta Dito nasusubok kung sino ang kayang magpatuloy kahit hindi patas ang sitwasyon
Hindi nawawala ang hirap Hindi rin nawawala ang tensyon Ngunit sa bawat araw ng ensayo unti-unting nauunawaan ng mga atleta na hindi sila nag-iisa sa laban na pare-pareho silang humaharap sa parehong limitasyon
Sa huli kahit hindi kalakihan ang court at magulo ang sitwasyon Ang mga atletang patuloy na lumalaban dito ay patunay na kahit na hindi madali ang laban hindi sapat ang kakulangan para sukuan ang pangarap