

FILIPINO TIME
Mabigat na Pasanin ng Pinas sa Pag-abot ng SDG

na siyang nagtamo ng karangalang Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para kilalanin ang mga serbisyong kaniyang inalok para sa mga mamamayan ng lungsod Quezon Isang magandang halimbawa ng patuloy na tumutugon


REIGNing Letters
Basang-basâ
ni REIGN EVORA
nilahad ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Mayo 2025 na 29% o tinatayang 25 milyong estudyante ang nakapagtapos ng sekundarya na hindi marunong magsulat, magbasa, at hindi lubos na nakauunawa ng kanilang binabasa Isang estadistikang dapat sana y ikinahiya at ikinabahala ng pamahalaan Mayroong agarang solusyon ngunit hindi ganap na pinapalalim ang pag-implementa rito at patuloy na gumagawa ng magkakamukhang programa sa mabilisang pamamaraan
Paulit-ul t kong naririnig ang Department of Education (DepEd) na may bagong programa taon-taon upang tugunan umano ang krisis sa literacy Ngunit sa totoo ang hindi kakulangan sa programa ang problema kundi ang kawalan ng tunay na malasakit sa mga taong hindi marunong bumasa Ginagawa ang mga proyektong ito hindi para baguhin ang sistema kundi para lamang masabing may nagawa Hindi tinatamaan ang ugat ng problema tinatakpan lamang ito ng mga panandaliang programa Maraming naging aksyon ang pamahalaan upang masolusyonan ang problema sa literacy katulad na lamang ang reading month na sa tingin ko y short-term lamang at hindi napapalalim ang layon ng programa Tanging pamimigay lamang ng module o ilang araw na remedial lessons ang is nasagawa nang walang malinaw na monitoring sa progress ng mga bata Maging ang Literacy Remediation Program (LRP) at ang Academic Recovery and Accessib e Learning (ARAL) Program ay umaasa nang malaki sa mga volunteer teachers at education workers Ayon sa mga nilabas na memorandum malinaw na ang mga guro ang nangunguna sa mga pagbasa
idinadagdag pa ito sa dati nang mabigat na gawain ng mga guro Hindi r n maikakaila ang kakulangan ng papel ng gobyerno sa isyu na ito ngunit hindi makatarungang ibunton lamang natin ang sisi sa kanila dahil ang mga programang katulad ng ARAL at LRP ay nangangailangan din ng aktibong pakikilahok at paggabay ng mga magulang Hindi sapat ang oras na nilalaan para sa mga pabasa sa loob ng eskwelahan kung kaya t mas mainam na pagtuonan din ito ng mga magulang upang malunasan Sa kabila nito may mga pagkakataon naman na hindi nagiging ganap ang pagkatuto ng mga estudyante dahil ang kanilang mga magulang mismo ay walang sapat na kakayahang bumasa at parehong apektado sa nabigong s stema Hangga t patuloy na tinatrato ng pamaha aan ang kr sis sa edukasyon bilang isyung kayang takpan ng mga panandaliang programa mananatili tayong bansang may diploma ngunit walang tunay na kakayahang bumasa Kung talagang nais ng pamahalaan na ayusin ang problema ng literacy hindi mga recycled na solusyon ang kailangan kundi ang pagsasaayos ng sistema isang polisiya
Gayunpaman hindi sapat na ang pamahalaan lamang ang kumikilos gayundin hindi rin naman makatarungang iatang ang buong bigat ng problema sa mga guro na boluntaryong nangunguna sa mga programang ito Nararapat na samasamang magtulungan ang bawat isa upang maisaayos ang nakababad na problema Sapagkat hangga t nananatiling basa ang konsensiya ng mga may kapangyarihan patuloy pa ring nakalubog ang paa ng mga mag-aaral sa matagal nang suliraning panlipunan Ika nga isang buong komunidad ang kailangan upang hubugin ang isang bata–masyado na silang babad iahon naman natin sila
Kung patuloy natin silang lulunurin sa bulok na sistema kung saan hindi sila marunong magbasa at limitado lang ang kaalaman, unti-unti nating nilulubog ang kabataan sa kamangmangan.
MAKASA

na mayroong pagbaha sa tuwing tinatamaan ng bagyo Sa kabila noon tila kahit sa unting ulan ay labis na ang nararanasang pagbaha at kasabay nitong lumulutang ang mga ebidensiya


Ligtas ang may alam
ng lindol
panahon ngayon, makasisiguro ba tayong handa na ang mga tao o isang trahedya ba ang ating matatamo? Nitong buwan ng Oktubre masusing isinagawa ng PSM ang Disaster Preparedness Briefing hindi lang para sa mga estudyante kundi pati na rin para sa mga magulang Napapaloob dito ang mga dapat gawin bago habang at pagkatapos ng sakuna Kasama na rin dito ang pagtuturo sa mga mag-aaral kung saan sila dapat pumunta sa oras na ang paglindol ay nangyayari habang sila y nasa klase Bilang estudyante na naging parte ng nasabing briefing naging malaking tulong ito sa kin upang mag ng handa sa mga kalamidad Nagkaroon ako ng mas malawak na kaalaman sa mga dapat dalhin dapat gawin at dapat alalahanin Sa parehong paraan binigyan pa kami lalo ng mas hands-on na impormasyon dahil sa mga nangyaring earthquake drill Gayunpaman hindi pa rin maipagkakaila na may mga kakulangan ang mga plano Habang nangyayari ang earthquake drill ay may isang gusaling nataga an sa pagbaba dahil kinailangan pa nilang mag-find your height isang
aksyon na hindi na dapat inaalala habang nasa panganib H ndi rin maisasawalang bahala ang mga lantarang sira sa mga gusali at pati na rin ang covered court na kinakalawang Ang malala pa ay wala rin namang open area paglabas ng ating eskwelahan dahil puno na rin ng iba t ibang imprastraktura at mga sasakyang nagpapasikip ng daanan Isa pa sa aking ikinababahala ay ang pagtitipontipon ng mga mag-aaral sa loob ng covered court habang lumilindol Siksikan at pinapaligiran ito ng mga lumang gusali na hindi natin masisiguro kung kaya bang makipagkompetensya sa lakas ng lindol Dagdag pa rito ang kakulangan ng mga hard hat May ibang mga pangkat na kompleto sa hard hat at may ipinamahagi rin namang mga kagamitan na makatutulong sa oras ng sakuna ngunit dahil sa kakulangan ng pondo hindi ito sapat para sa isang buong klase kung kaya t malaking porsyento sa mga mag-
aaral ang gumagamit nalang ng libro o helmet na yari sa basahan Hindi malayo sa katotohanan na hindi kasing epektibo ng isang basahan ang hard hat sa tingin ko kung mabagsakan man ang ulo ng nagsusuot ng basahan ay hindi maganda ang magiging resulta Sa kabilang dako gumagawa pa rin naman ang paaralan ng paraan upang pigilan ang maaaring maging trahedya Nagkakaroon ng iba t ibang renobasyon sa mga gusali at patuloy na pinaaalahanan ng mga guro ang mga mag-aaral tungkol sa pagiging handa Kung susuriin hindi ko pa masasabi na tunay na handa ang ating paaralan sa maaaring mangyaring lindol ngunit patuloy pa rin silang nagpupursigi upang ang trahedya ay hindi natin matamo Hindi lamang mga kinauukulan ang dapat gumalaw nararapat na ikaw mismo ang magsiguro sa iyong kapakanan at sa parehong paraan ay huwag mahiyang magbahagi ng kaalaman tungkol sa mga kalamidad



Bilang isang mamamahayag
Matatandaang unang sumibol ang labis na panunuligsa laban sa korapsyon matapos mailabas ng mga patibay sa pagkukulimbat ng pondo Ito ay angyari nang maipakita si Sarah Discaya isang ontractor na dating nagta-trabaho sa Department f Public Works and Highways (DPWH) at ang aniyang nakapagtatakang kayamanang umabot anggang sa 31 bilyong piso na ayon sa Philippine enter for Investigative Journalism (PCIJ) ay akuha nila mula sa mga flood-control projects sa nang tatlong taon ni Pangulong Ferdinand Marcos r (PBBM) sa puwesto Kung susuriiin hindi isang iro ang bilyon-bilyong ninakaw na pondo para ang sa kanilang kagustuhan Ito ay isang malaking ilang na ipinagkait na para dapat sa kapakanan g ating bayan Mula sa 2024 State of the Nation Address SONA) buong ipinagmalaki ng Pangulo ang agkakumpleto ng humigit-kumulang 5 000 flood ontrol projects ngunit sa mga nagdaang bagyo ay muling nilamon ng baha ang Pilipinas tila naglaho ng mga ginawang paghahanda sa bagyo aralisado ang mga lungsod lampas-tao ang baha t may mga pamilyang nakulong sa bubong ng anilang bahay Kung kaya t ito ang isa sa mga naging rason upang mamulat ang madla sa naging koneksyon ni Discaya at sa nasabing mga proyekto Nang humupa ang ulan bakas ang mga wasak-wasak na tahanan at nawalang kabuhayan Ang proteksyon na kinakailangan ay hindi man lang maramdaman dahil sa kabila ng matagal at maraming paghahanda malubha pa rin ang naging pinsala ng pagbaha Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) tinatayang nasa 1 504 571 pamilya o 5 431 358 katao ang naapektuhan sa 4 537 barangay Kaya t makaturangan lang na kwestyunin kung nasaan na napunta ang mga pinangakong lunas sa patuloy na pagbaha Lumalabas na hindi lang flood-control projects ang naglaho kundi pati na rin pala ang mga ipanggagastos dito at ang mga buhay ng tao Hindi rin nakaligtas ang edukasyon laban sa korapsyon kung ang baha ay kumikitil ng kabuhayan ang katiwalian sa edukasyon naman ay kumikitil ng kinabukasan Tulad ng libo-libong proyekto na ipinangako sa flood control ang target na 1 700 silid-aralan 22 lamang ang naiulat na naipatayo matapos ang taon sa nalalapit na pasukan Proyektong ipinangako sa oras ng pangangailangan ay napapako Sa bansang kulang ang mga silid-aralan dahil sa katiwalian ay tulad ng pagnanakaw ng kinabukasan ng kabataan at ng bayan Mga dapat ay silid ngayo y sa bulsa nila y nakasilid
d buho n MONICA FRADES

ALANANG
g papuri sa Pilipino, ngunit ito lamang ay isang malaking
p sa mga Pilipino
ging matatag ngunit ito g pagtakpan ang mga na ginagawa ng ating g matatag ang mga anak silang ganoon pang magbulag-bulagan g nagpapalunod sa
syu ng flood control
an ng mga Discaya ang
ging sangkot sa lihim na ndi pati na rin sina Ako
Elizaldy Zaldy Co at tin Romualdez na siyang
a mga naging anomalya nang mawala ang pangyarihan Kaniyag ang kanilang mga matuligsa ng labis na ang nalulunod sa scaya ang pagbubunyag on ay si Romualdez na anggap ng suhol mula sa at spokesperson ni do ang pang-aakusa ni sinabing kilala lamang
a sa medya at hindi pa rsonal Sa kabila nito umaba sa pwesto si use Speaker sa kung tunay nga siyang parte sa katiwalian na n na lang bibitiw sa tila ba tinakasan ang
s si Co ng bansa habang
ng lantad na katunayan mbat ng yaman ng mga kaniyang pagtakas ang mga sangkot tulad ni w ng P100-bilyong
icameral conference na
BBM Dagdag pa niya rito
uno ng pera ang siyang
ldez at sa Malacañang
rehas lang sila ng naging a mga Pilipino para sa mga walang kapararakan
dahil ito lang naman ang
di lamang sila ang gumagawa ng trahedya
Habang naghihirap ang mga Pilipino sa hindi sapat na pasahod sa araw-araw Hindi dapat kailanman mawala sa ating isipan na may mga nagpapayaman sa pondong dapat sa atin nakalaan Babalik kay Discaya at ang kaniyang pagnanasa sa sobra-sobrang bilang ng mga sasakyang hindi rin naman nagagamit nang lubusan Umabot sa 28 luxury cars na nagkakahalagang mahigit-kumulang 405 milyong piso na naging rason din kung bakit siya naging preso
Ang marubdob na pagnanais sa mga ariarian na higit na kahit nagmula sa maling paraan ay hindi nararapat makalimutan ng mga mamamayan hanggat walang nananagutan
Sloth Matapos mabunyag ang mga patuloy na panloloko ng pamahalaan Nagkaroon ng matinding antayan kahit lumabas na ang mga lantarang katibayan na sumusuporta sa kaso ng katiwalian
Sa lahat ng mga nabanggit na pangalan puro lamang senate hearing at kung ano pa man ang nangyayari sa ating pamahalaan Noong Setyembre pa ng taong 2024 nagsimula ang ingay ng floodcontrol projects ngunit ngayong 2025 ay si Sarah Discaya pa lang ang tuluyang nabilanggo sa kabila ng iilan pang mga opisyales na nagkaroon din ng koneksyon sa anomalya ng flood-control Totoong kinakailangan nang masusing pagiimbestiga sa isang malaking kaso lalo na t sa sitwasyong ito ay hindi lang iisang tao ang naapektuhan kundi lahat ng mga Pilipino Gayunpaman sa bagal ng pananagutan sa ating bansa ay nauuna pang makatakas ang mga dapat managot habang ang mga mamamayan ay patuloy na nalulunod sa baha na dala ng korapsyon Walang tigil pa rin ang pagtawag sa mga Pilipino bilang mga matatatag na kung tutuusin ay nagiging matatag lang dahil kailangan nating magtiis sa mga panloloko at kakulangan ng ating pamahalaan hanggat walang pananagutan
Wrath Nagalit ang mga Pilipino sa mga panlilinlang ng mga nakaupo sa puwesto na siyang nagtulak upang magawa ang Trillion Peso March na may layuning managot ang mga nagbulsa ng pondo Sunod-sunod na mga rally ang nangyari at samotsaring mga Pilipino ang nakilahok para lang tuluyang mapuksa ang katiwalian sa ating bansa Ang pinakakailangan ng taumbayan ay ang pagiging bukas at mapanagutan ng mga nakaupo sa pamahalaan Ang tunay na diwa ng pamumuno ay tungo sa kabutihan ng mamamayan at ng bayan hindi pananamantala t panlilinlang Nakakapagod maging matatag sa bayang mapanlinlang Hindi ito kawalan ng lakas kundi hinaing para sa hustisya t dignidad ng mga Pilipinong pinagsamantalahan Sa kabila noon hindi nakakapagod tumira sa Pilipinas Ang tunay na nakakapagod ay mabuhay sa ilalim ng pamahalaang puno ng kasinungalingan at mga gahamang hindi magawa ang kanilang responsibilidad nang may integridad


KATEapangan
Kalayaan ay karapatan
KATE BERIDA
ni

ulungan sa paligid, pangungutya, at mga mapanghusgang tingin ang nakapukol sa taong paulit-ulit
hinahampas ng paniniwala ng lipunan Ipagpapatuloy mo ba ang pagtapak sa damdamin nila, o isa ka sa nagnanais ng katarungan at pagtanggap sa kung sino sila?
Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang DepEd Order 32 s 2017 noong ika-29 ng Hunyo 2017 Ito ay patungkol sa GenderResponsive Basic Education Policy na may layuning isama ang mga prinsipyo ng pagkakapantay-pantay ng kasarian sa basic education Pinoprotektahan d n nito ang lesbian gay bisexual transgender queer atbp (LGBTQIA ) mula sa iba t ibang paraan ng karahasan lalo na sa loob ng paara an Bagama t malinaw na nailunsad ang mga programa na ito hindi pa rin ramdam ang kalakip nitong probisyon dahil nakararanas pa rin ng diskriminasyon ang mga estudyante lalo na sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community Isa sa mga pangunahing dahilan ay ang pananaig ng tradisyunal na pamamalakad ng paaralan tungkol sa paraan ng pagrerepresenta ng sariling pagkakakilanlan Isa itong malaking dagok sa pagkamit ng kanilang karapatan kung ang mismong institusyon na dapat tumutulong para makilala ng isang bata ang sarili ay hindi sumusuporta sa kanila Ayon sa ilang mga estudyante sa Paaralang Sekundarya ng Maligaya (PSM) na miyembro ng LGBTQIA nawawalan umano


sila ng pagkakataon upang yakapin ang sarili nilang kagustuhan sa kanilang katawan Labag sa kalooban nilang ipagupit ang buhok na pinahaba sa matagal na panahon nang dahil lang sa kinasanayan Ayon kay Christian Jay Belo sa ika-9 na baitang Pero sa totoo lang papagupitan ko kasi hindi ako papayag na masisira kinabukasan [at pag-aaral] ko dahil lang sa buhok Handa silang magsakripisyo para sa edukasyon Handa nilang itago ang kan lang pagkatao para lang matuto Mahabang buhok lang para sa iba ngunit para sa kanila ay ang pagkakaroon ng karanasan bilang taong pinangarap nila H ndi lang ito tungkol sa pagpapahaba ng buhok tungkol din ito sa pagkakaroon ng kalayaang ipakita sa iba kung sino sila Sa ganitong klase ng kalakaran sa mga paaralan gaya ng haircut policies nagiging tahimik na patalim ito laban sa malayang pagpapahayag ng pagkatao para sa mga estudyante Hindi nasusukat sa haba ng buhok ang katalinuhan at mas lalong hindi nakababawas ng dignidad ang pagkakaroon ng kaibahan sa kinasanayan Sa loob ng paaralan madalas akong makakita ng batang walang kapanatagan
ni ERICH AHRIANE GRABOSO
ang puso t isipan mga mukhang nagpapanggap na ayos lang kahit gustong ilabas sa kahon ang ikinukubling pagkatao K tang-kita ko ang bakas ng takot at kamalayan sa kanilang mga mukha sa takot na mahusgahang muli ng lipunan at sa kamalayan na hindi sila tanggap ng karamihan Kailangan nila ng mga taong tunay na poprotekta sa karapatan nila mga taong tatanggapin kung ano sila at titingnan sila nang walang pandidiri at pagtataka sa mga mata Kung ako ang tatanungin tunay ngang wala akong makitang epekto ng DepEd rder 32 s 2017 Ang mistula sanang sandata ng DepEd laban sa diskriminasyon ay tila pinupurol ng tradisyunal na paniniwala Progresibo naman ang naging hangarin makaestudyante ang adhikain subalit ang ilan ay hindi makasabay sa pagbabagong panlipunan kaya nagiging balakid na lang
Pagtutulungan ang nakikita kong paraan para makamit ang kalayaan sa paghahayag ng sariling pagkakak lanlan na kung tutuusin ay karapatan naman nating lahat Tulungan mismo ng paaralan ang mga kabataan na tignan ito bilang hakbang tungo sa mabuting pagbabago at sirain ang maling pananaw tungkol sa totoong tunguhin ng usaping ito Ang ikalawang tahanan ng mga bata ang dapat humahasa sa pagkilala at pagpapatibay ng sarili hindi para maging isang ugar na humuhubog ng mga taong sumasabay lang sa agos upang matanggap ng lipunan Sa kabila nito naniniwala akong lahat tayo ay may karapatang mamuhay nang walang pag-aalinlangan sa p pagpapakita kung sino tayo tayo bilang tao Naniniwala wala akong hindi-

Ang AI ay tumutukoy sa kakayahan ng mga makina at kompyuter na magsagawa ng mga gawain na karaniwang ginagawa ng isipan ng tao mula sa pagsusulat pagsagot ng tanong hanggang sa pagbibigay ng impormasyon sa loob amang ng ilang segundo Bilang isang estudyanteng mamamahayag na may pananagutang maghatid ng impormasyong may katunayan naninindigan akong ang pagkatuto ay hindi dapat inaasa sa mga sistemang nilikha rin lamang ng tao Sa unang tingin kaakit-akit ang AI sa larangan ng edukasyon Batay sa pangunahing ulat ng Instructure s 2025 State of Higher Education report na isinangguni sa Philippine Media makikita kung gaano na ka alim ang pagkasanay ng mga estudyante sa paggamit ng iba t ibang AI at software tulad ng Google at Dola (dating kilala bilang Cici) Tinatayang 63% ng Filipino students ang gumagamit ng generative AI (tulad ng ChatGPT) para gumawa o mag-generate ng mga text habang 58% ang gumagamit nito para sa pagsasalin ng teksto Isang patunay na unti-unting nagiging normal ang pagbatay sa teknolohiya kaysa sa saril ng pagsisikap ngunit ang ganitong kasanayan ay may mabigat na kapalit nawawalang kakayahan sa pag-unawa at pagiisip Kapag ang AI ay nagiging shortcut sa halip na

nakabababa ng pagkatao ang pagpapakatotoo bilang sarili mo Ikaw na tao ay may layang gamitin ang karapatan mo
dibuho ni SHAUN CAP STRANO
sang tanong lamang ang patuloy na bumabagabag: Nakatutulong ba ang Ar tificial
kasangkapan ang pagkatuto ay napapalitan ng pagdedepende Sa halip na unawain ang leksiyon ang kabataan ay nasasanay na sa agarang sagot Mabilis nga ang pagkalap ng impormasyon ngunit kapos naman sa pag-unawa Sa isang bansang patuloy na humaharap sa krisis sa kalidad ng edukasyon ang mga ganitong madadaling daan ay hindi lunas kundi isang sakit na mahirap gamutin Madami ang namuong katanungan sa isipan ng taumbayan gaya na lamang ng kung paano ito maiiwasan Tumingin ka sa salamin Ang solusyon ay nasa iyong harapan Ikaw mismo ang kasagutan Kailangan mo ng katapangan na gagamitin mo sa pagdiskubre ng iyong sarili Kung ako ang tatanungin mas pipiliin kong mahuli at mahirapan kaysa makaangat ako sa pandurugas Nasa atin pa r n ang huling pindot nasa atin ang desisyon kung aasa na lamang ba tayo sa artipisyal o sa orihinal Bilang estudyante nakikita ko ang hirap ng ibang mga paksa sa iba t ibang asignatura Gumagamit din ako ng AI oo ngunit kailan-
dibuho ni ALPHARHO QUEZADA

MALING TURO
Pagkakait sa Reporma sa Edukasyon, Pagdadamot sa Kapakanan ng Mga Guro at Estudyante

Hindi na bago ang hinaing ng mga guro sa labis na tungkulin sa kabila ng kaunting pasahod Gayundin ang suliranin ng mga magaaral sa tambalan ng mahihirap na gawain at paghahabol ng maaagang deadline na susuklian ng mababang marka Itong karaniwang problema sa araw-araw na sistema ng edukasyon ay repleksyon lamang ng matagal nang pagkakait sa dekalidad na repormang makabubuti sa lahat at magdudulot ng mga komplikasyon sa hinaharap ng bansa
Sa kabila ng mandato ng 1987 Constitution na dapat makatanggap ang sektor ng edukasyon ng pinakamalaking badyet bawat taon kataka-taka pa rin kung bakit hindi maabot ng bansa na magkaroon ng maayos na sistema ng edukasyon Taon-taon din nalalaman ng buong bansa na hindi tayo nakasasabay sa pamantayan ng buong mundo dahil sa mababang resulta ng mga pagtataya tulad ng Programme for International Student Assessment (PISA) Hindi lamang ito nagpapakita ng kahihiyan sa atin bilang isang bansa kundi nagpapakita ito ng kakulangan ng mga inisyatiba upang tunay na umangat ang antas ng edukasyon Sinasabi ng Second Congressional Commission Education (EDCOM II) na hindi nagagamit ang badyet nang buong-buo Halimbawa na lamang ni EDCOM II executive director Karol Mark Yee For the entire decade that has passed many of our learners have been going to school but not having textbooks Giit niya ₱1 bilyon lamang ang nagagamit bagamat ₱12 bilyon naman talaga ang binibigay na pondo mula 2018 hanggang 2022


Malinaw na may kapabayaan sa bahagi ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagtugon ng pangangailangan ng mga mag-aaral at mga guro kahit nasa harapan na nila ang perang nakalaan dito Ang pondo kung nasa tamang paglalaan ay malaking tulong upang mapabuti ang kalagayan at matugunan ang mga butas sa araw-araw na karanasan ng mga estudyante at guro Tulad na lamang ng malnutrisyong iniinda ng 1 7 milyong estudyante sa Pilipinas at problema ng mga guro sa mas maayos na suporta sa kalusugan Sa Paaralang Sekundarya ng Maligaya (PSM) karamihan sa mga guro ay masaya ngunit 5 sa 10 lamang ang nakararamdam na sila ay nasa tamang kalusugan batay sa isinagawang sarbey ng Ang Prekursor Ayon sa nakararami nasisiyahan sila sa kalikasan ng kanilang trabaho subalit hindi pa rin naisasantabi ang pagod dahil sa dami ng gawaing higit pa sa pagtuturo Ibig sabihin lang nito halos walang kinalaman ang kasiyahan sa kalusugan Masaya lamang ang mga guro pero karamihan ay katamtaman lang ang pagiging malusog
Samantala 6 sa 10 mag-aaral sa PSM ang naaapektuhan sa kalusugang pangkaisipan at kagustuhan sa pag-aaral dahil sa mga terror teachers Giit naman ng mga guro ang mga terror teacher ay produkto lamang ng nakapapagod na pakikipagsapalaran nila sa araw-araw Patunay lamang ito na parehong biktima ng kapabayaan ng mga polisiya sa edukasyon ang parehong guro at estudyante Sa kabila nito sinisisi pa rin ng publiko ang mga guro at kinukutya ang kabataang Pilipino dahil sa mabababang resulta sa international assessments Kung titimbangin sumasalamin lamang ang kakulangan ng mga mag-aaral at guro sa kawalang-kakayahan ng pamahalaan at sektor ng edukasyon na maglaan ng solusyon para dito Kung palaging nakatatanggap ng trilyon-trilyong pondo ang sektor ng edukasyon dapat lamang tugunan ang kakulangan sa silidaralan limitadong kakayahan sa pag-aaral at hirap sa pagpapatuloy ng pag-aaral Samakatuwid mali ang itinuturong may sala sa krisis ng edukasyon
Hindi guro ang may kasalanan sa pagiging pagod at lalong hindi estudyante ang dapat sisihin sa mababang marka at kawalan ng gana sa pagkatuto Ang ugat ng problema ay matagal nang malinaw maling pamamahala mabagal na implementasyon ng mga reporma at kawalan ng pananagutan sa paggamit ng pondo ng edukasyon Kung taon-taon ay trilyon ang inilalaan sa sektor na ito marapat lamang na makita ang malinaw na resulta sapat na silid-aralan kumpletong aklat suportadong kalusugan ng guro at makataong karanasan sa pagkatuto ng estudyante Hindi sapat ang pondo kung hindi ito sinusuri binabantayan at inilalagay sa tunay na pangangailangan ng mga nasa paaralan Panahon nang itigil ang kulturang paninisi at simulan ang kulturang pananagutan Kung may turo mang kailangang ayusin ito ay ang paulit-ulit na paninisi sa mga guro at pag-iwas ng pamahalaan sa sariling pagkukulang Ayusin ang sistema bago tuluyang masira ang kinabukasan Ayusin ang turo
ahagi ng kultura ng mga Pilipino ang pagiging matatag at madiskar te . Hindi lamang ito nasasalamin tuwing may sakuna, kundi sa araw-araw na pamumuhay. Hindi ito likas. Bagkus ito'y produkto ng pamahalaang kulang na kulang ang supor ta sa mga mamamayan.
Ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) ang mga guro ay nahaharap sa matinding pressure na ipasa ang mga estudyanteng hindi pa handa dahil ang promotion at dropout rates ay direktang konektado sa performance evaluation ng paaralan at ng guro mismo Sa dami ng papel at dokumentasyon mas mababang evaluation at bawas sa bonus hindi maipagkakaila na mas pipiliin ng mga guro ang nakabubuti sa kanilang sarili
Madalas ang sariling oras at pera pa ang kailangan nilang isakripisyo para sa mga home visits remedial classes tutorials case files at parent conferences Sa aking palagay mabigat na ang tungkulin ng mga guro sa pagtuturo pa lamang kaya ang ganitong dagdag na gawain ay hindi na dapat nilang pasanin Sa halip na ito ay tutukan at ayusin ng pamahalaan pwersahang ipinapasa sa mga guro ang problemang lampas sa kanilang kakayahan Ang pondong dapat sana y magpapagaan sa buhay ng mamamayan ay napupunta sa bulsa ng mga nakaupo lamang
Samantala ang estudyante ay umaangat ng baitang nang walang sapat na pundasyon Kapag hindi makasabay ang mag-aaral siya ang tatawaging tamad o mangmang Ngunit walang batang tunay na natututo sa sistemang hindi binibigyan ng sapat na pansin ang kanyang pangangailangan Wala ngang left behind sa papel milyon naman ang naiiwan sa kulang na kaalaman
Ayon din sa EDCOM II may bilyon-bilyong pondong hindi nagagamit nang maayos at mga repormang hindi naipapatupad Sa tingin ko ang problema ay hindi kakulangan sa pondo dahil ang edukasyon ang isa sa pinakamalaking bahagi ng kabuuang pondo ng bansa kundi maling pamamahala Matagal na rin nilang itinanggi ang umiiral na maling gawi kaya wala talagang maayos na hakbang na ipinatupad upang itigil ito Ang tunay na paglutas sa isang problema ay nagsisimula sa pagtanggap na ito ay umiiral sa halip na balewalain lamang Ang pagbabawal sa mass promotion sa papel ay walang saysay kung hindi babaguhin ang performance metrics babawasan ang
administrative burden ng guro palalakasin ang early
education at maglalaan ng sapat na suporta para sa mga batang may learning disabilities Higit sa lahat ang tunay na reporma sa edukasyon ay nagsisimula lamang kapag handang managot ang pamahalaan sa sarili nitong pagkukulang Sa kasalukuyang sistema parehong biktima ang guro at estudyante Sa huli lahat ng Pilipino lamang din ang magbabayad dito sapagkat ang bansang pumapasa lamang sa papel ngunit tunay na bagsak sa edukasyon ay bansang walang maayos at matibay na kinabukasan
Hindi pa huli ang lahat para mapagtantong nahuhuli na tayo


dibuho SHAUN CAPISTRANO


MAKABAGONG
ni BRYLE LEUS



Ang BAwat Pilipino ay KAilanman hindi DApat maging banyaga sa sarili nitong pantig
Mu a sa konsepto ng makalumang ABAKADA ang pahayag na ito ay isang paala a na bago pa man ang makabagong anyo ng wika at sining nakaugat na ang ating identidad sa mga titik na unang humubog sa ating kamalayan Makabago man ang anyo nananat ling tanong kung kailan haharapin at patatawarin ng lipunan ang sarili nitong hinubog
Taon-taon naging bahagi na ng ating kultura ang paghihintay sa mga pelikulang handog ng bayan tuwing D syembre ang Metro Man la F lm Festival (MMFF) Sa mga nagdaang taon tila nababago ang kinagisnan ng pamilyang Pinoy mas nagiging makabuluhan ang mga kuwentong
at Faye sa pelikulang Enteng Kabisote hanggang sa mga bagong pelikulang handog ng MMFF unti-unting nahuhubog ang mga pelikula mula sa payak na aliw tungo sa mas mala im na pagsasalaysay na sumasalamin sa pamilya kultura at kamalayang
ito binigyang-buhay muli ng mga pelikula ang napaglumaang mga pantig ang dating mababaw ay pinalalim at ginawang makabuluhan muling pinagbuklod ang pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng mga kuwentong may puso at saysay Isa sa mga patunay nito ang pelikulang
ay maaaring maging daluyan ng wagas na damdamin Madalas isipin na ang isang taong may Down Syndrome ay limitado sa pagpapahayag ng emosyon subalit pinabulaanan ito ng pelikula sa pamamagitan ng pagpapakita na ang kondisyon ay hindi sagabal sa talento pangarap at kakayahang magmahal
Sa huli ipinapaala a ng pelikula na ang pagmamahal ay hindi lamang nasusukat sa mga salitang inuulit-ulit may mga pagkakataong kahit ang paulit-ulit na Mahal k ta ay nawawalan ng saysay kapag ang tunay na damdam n ay tuluyan nang nagwakas
Laging may pag-asa Kapag natutunan mong mahalin at piliin ang saril mo doon nagsisimula ang panibagong yugto ng buhay Sa pelikulang UnMarry inilantad ang pait ng sang pagmamahal na patuloy ipinagla aban kahit matagal nang bumitiw ang kabilang panig Ipinapakita nito kung paano sa isang bansang patuloy na inuusa at ipinipilit ang hulma ng masayang pamilya ang pag-ibig ay nagiging tanikala hindi dahil sa kawalan ng damdamin kundi dahi sa mga paniniwalang matagal nang inukit ng lipunan

gen z slang
Wika ‘to, hindi typo
ni JANE FERNANDEZ
"Awit sa'yo, g, 'pag homies niyo nag-iingay wala kaming ebas." "Anong salita 'yan!?”



Wala na sa diksyunaryo ang kahulugan kundi nasa kabataan ito’y tinatawag na ' young stunna words ang wikang pinauso ng mga GenAlpha at Gen Z sa Pilipinas na kinawiwilihan ng nakararami at sumisikat ngayon sa social media
Kakasa ka kaya sa isang magulo at nakalilitong mundo ng aray mo g chill ka lang ya? Kung oo sasabay tayo sa flow
Sa kasalukuyang panahon buhay na buhay ang wika dahil sa mga kabataan na binigyang buhay ito sa pamamagitan ng pinaikli pagbabaliktad ng mga letra at pag-iimbento ng mga bagong salita Naging mabenta sa mga tao lalo na sa mga kabataan dahil sila ang henerasyon na lumaki sa TikTok AI at memes
Kung dati ang salitang salamat po ang maririnig at sinasambit sa panahon ngayon iba na matsalam na Ang salitang kuya ay pinaikling ya o ya ang amo ay oma at ang idol ay naging dol Di nalang pinaikli kundi binawasan pa ng letra Kapag mayroon kang mga tropa na solid sa yo simula noon tawag diyan mga day one s na kasama mo sa zero days
" 'ya, saan ka galing?"
"Sa hood, sah "









Sa hood ngunit ang totoo ay galing lang sa kanto ng mga barangay aray ko Isa sa mga sumikat at nagpasikat ng mga young stunna words ay si Waldy unang nakilala sa tiktok na dinumog ng mga kabataan dahil sa kaniyang angking galing at walang ka-effort-effort na pagpapatawa sa mga naka-re-relate sa kaniya Nakuha niya ang kiliti ng mga GenAlpha at GenZ na sumasabay sa uso at kung ano ang sumisikat sa ‘internet ay kanilang gagawin Bukambibig ng nakararami 6-7 numerong binigyang-diin kahit walang malalim na ibig sabihin Nagsimula lang ito sa kantang Doot-doot ng isang American rapper na si Skrilla dahil nabigyan ng atensyon at naging katatawanan ito sa mga kabataan ay ginawan nila ito ng meme at edits sa tiktok na nagkaroon ng samu t saring kahulugan
Karamihan sa young stunna words ay galing sa African American Vernacular English (AAVE) hip-hop culture, memes at internet slang Ang iba ay pinaikling salita ang iba ay lumang salita na binigyan ng bagong meaning Pagdating sa Pilipinas iniangkop ito sa local humor kaya nagiging relatable at madaling gamitin
Ayon sa sarbey ng paaralan ng Paaralang
Sekundarya ng Maligaya (PSM) mahigit-kumulang 40% na mga estudyante ang paminsan-minsan madalas at palaging gumagamit ng mga young stunna at brainrot words Sa bawat silid-aralan ay alingawngaw ang bawat binibigkas ng mga mag-aaral aray ko dehins ka nagkakamali g uy eabab ganyan ‘ pag walang bitaw oma na kahit di nila maintindihan ang ibig sabihin ay patuloy nila itong sinasambit dahil sa nakatatawa t nagiging humor na rin ng iba pang kabataan
Sa patuloy na pagbabago ng henerasyon ay gayundin ang wikang ating nakasanayan at nakagisnan hindi naluluma kundi nag le-level up sa bawat taon na lumilipas Tuluyan mang nag-iba ang salitang ginagamit ay hindi pa rin nawawala kung saan ito nagmula Patunay lamang na ang wika ay nagbabago at sumasabay sa uso na siyang nagiging daan para sa mabisang pagkakaunawaan ng mga tao
Sa bawat henerasyon ay mayroong new version’ ang wika dahil sa bawat bigkas ng bibig ng mga kabataan ay nakakubli ang kanilang buhay na kinalakihan Sila ay sumasabay lamang sa pagbabago dahil ito ang tanging permanente sa mundo
ni FRANCINE ROBLES
Umaaraw, umuulan
Ang buhay ay sadyang ganyan
“Umaaraw Umuulan” ng River maya
indi na bago sa mga Pilipino ang humarap sa paghihirap lalo na sa panahon ng sakuna Sa nakalipas na taon, sunod-sunod na bagyo ang dumaan sa bansa Kasabay nito, hindi lamang mga lansangan ang nilunod ng baha, kundi pati ang pagasa ng mga mamamayan, lalo na sa gitna ng mga usaping bumabalot sa mga flood-control projects ng pamahalaan
Kilalang-kilala na sa ating kultura ang tinatawag na Filipino Time ang palagiang pagkaantala sa napagkasunduang oras Subalit tila hindi na lamang ito sa mga personal na lakad naisasabuhay kundi pati na rin sa mga anunsiyo ng suspensyon ng klase Para sa mga guro ng Paaralang Sekundarya ng Maligaya (PSM) hindi biro ang pagpasok sa trabaho tuwing may malakas na ulan lalo na kung saka lamang inaanunsiyo ang suspensyon kapag sila ay nasa biyahe na
Hindi mo maintindihan Kung ba't ikaw ang napapagtripan Ng halik ng kamalasan





Makulimlim na paghihirap






Snina NEHEMIAH GERMANO, FRANCINE ROBLES, BRYLE LEUS
a pagsikat ni haring araw, hindi na bago sa aming tahanan ang gumising nang may mainit na pandesal sa hapag-kainan Nakaugalian na kasi ng aming mga magulang ang tipunin kami bago magsimula ang araw Sa pagitan ng usok ng bagong timplang kape at dahan-dahang paggising ng bahay, laging naroon ang pandesal payak, mainit, at sapat
Nang minsang itanong ko kung bakit bukod sa kape ay iyon at iyon pa rin ang inihahain sa hapag simple lang ang sagot ni Mama:
“ Yun lang ang kaya
Doon nagsimulang magbukas ang aking isipan kung bakit napakalaking bahagi ng pandesal sa umaga ng bawat Pilipino Hindi lamang ito tinapay ito ay salamin ng kasaysayan at pamumuhay ng karaniwang tao
Nag-ugat ang pandesal noong panahon ng kolonyalismong Espanyol noong ika-16 na siglo mula sa tinapay na tinatawag na pan de sal o “tinapay na may asin Dala ng mga Espanyol ang trigo isang sangkap na hindi likas sa Pilipinas na nagbigay-daan sa paggawa ng mga unang tinapay tulad ng pan de suelo Noon mas crusty ang pandesal at hinuhurno sa mga pugon na pinapainit ng kahoy Sa kabila ng pangalan nito unti-unti itong naging mas matamis habang inaangkop sa panlasa ng mga Pilipino
Sa paglipas ng panahon hindi na lamang panlasa ang isinasaalangalang sa pandesal kundi pati na rin ang kalusugan Dito umusbong ang malunggay pandesal isang masustansyang bersyon ng tradisyunal na tinapay Lumaganap ito kasabay ng pagpapatupad ng Philippine Food
Fortification Act of 2000 na naglalayong dagdagan ng sustansya ang mga pangunahing pagkain ng Pilipino upang tugunan ang kakulangan sa nutrisyon lalo na ng mga bata Ayon kay Ate Joan na higit limang taon nang tindera ng malunggay pandesal, malaking tulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin ang kita mula rito Isa raw sa dahilan kung bakit patok ito sa mga Pilipino ay dahil bukod sa abot-kaya masustansya rin Sa murang halaga nakakabili ang isang pamilya ng pagkaing may dagdag-lakas at dagdag-pag-asa payak man ngunit may saysay
Pinatutunayan din ito ng mga guro Sa apat na guro na aming nakapanayam mula sa Paaralang Sekundarya ng Maligaya lahat sila y tumatangkilik sa benepisyo na makukuha nila sa malunggay pandesal kumpara sa karaniwang tinapay
C h r i s t m a s Christmas l i s t n i m a m a t s e r list ni mam at ser
ni ANNE RENTINO
Sa bawat gurong nagsusumikap, nariyan ang mga mitihiing nais matupad Pangarap na sana'y balang araw may sukli ang pagod at pagpupunyagi na sana ngayong kapaskuhan bigyang dangal at simpatya silang mga naghubog sa'tin ng pag-asa.

Para sa kanila ito ay abot-kamay na pagkaing hindi lamang nakakabusog kundi nakatutulong din sa lakas at pokus ng mga magaaral lalo na sa mahabang oras ng klase at pagsusulit
Isa sa mga gurong ito si Gng Imee Gomez na buwan-buwan ay hinahain ang malunggay pandesal sa kaniyang advisory class tuwing kasagsagan ng periodic exam Para sa kaniya ang malunggay ay isang miracle leaf” isang dahong hitik sa bisa at biyaya Aniya ito ang nagiging fuel ng mga estudyante tuwing may exam: sa isang kagat ng pandesal ay may kasamang lakas ng loob linaw ng isip at paalala na may naniniwala sa kanilang kakayahan
Sa pagsasanib ng pandesal at malunggay nabuo ang isang functional food isang pagkaing hindi lamang panawid-gutom kundi katuwang sa kalusugan Para sa maraming Pilipino lalo na sa mga mas mulat sa pangangailangan ng katawan ang malunggay pandesal ay patunay na kayang umangkop ng tradisyon sa hamon ng makabagong panahon nagbabago ang anyo ngunit nananatili ang diwa Hanggang sa kasalukuyan nananatiling buhay ang pandesal sa kulturang Pilipino Mula sa pagiging kapareha ng mainit na kape hanggang sa mga modernong bersyon nitong may malunggay at keso dala pa rin nito ang kuwento ng pagtitiyaga kahirapan at pagkakapitbisig ng pamilya sa araw-araw na laban ng buhay Kaya marahil tulad ng sabi ni Mama “iyon lang ang kaya Ngunit sa likod ng simpleng tinapay na iyon ay ang kasaysayan ng isang bayan isang bayang marunong bumangon magtiis at magsimula muli Kaya minahal ko ang pandesal hindi lamang dahil sa lasa nito kundi dahil sa pinanggalingan nito At sa bawat pagbuka ng liwayway habang muling sumisingaw ang amoy ng mainit na pandesal sa aming hapag-kainan nauunawaan kong minsan sapat na ang kaya” upang maitawid ang gutom mairaos ang araw at masalubong ang bukas na may pag-asa