1 minute read

BABALA:

Next Article
PARA SA GINTO

PARA SA GINTO

Pero syempre para hindi naman magmukhang bastos, maigi na lamang na i-greet mo sila with a smile tapos move on na sa buhay. Ganiyan lang naman talaga kasimple buhay kung iisipin. Lahat tayo’y mabubuhay nang tahimik kung magpapadala sa mga taong nagiging balakid sa ating ligaya.

Gaya lang din ng aking usual na routine sa araw, ako sa sari-sari store ni Aling Nena para magmeryenda. Tunay na ako ng kasiyahan dito dahil nakakain ko naman ang cravings ko dahil mura na, masarap pa!

Advertisement

At kapag dumilim na ang paligid, hudyat lamang ito na oras nang umuwi. Ewan ko at ewan mo rin, baka mapahamak pa ako kung lalo pang magpagabi. Madilim pa naman ang eskinitang dinadaanan, baka pa ako’y masagasaan. Ops! Knock on wood, ‘wag naman sana!

Bago ipikit ang mga mata sa oras ng pagtulog, napapaisip nalang talaga ako na sana mayroon nalang akong sasakyan para hindi na ako nagmamadaling maglakad pauwi. Mukha namang madali magdrive, kaso wala akong kotse.. ‘Di bale, itutulog ko na lamang ito at mahabang araw pa ang sasalubong sa akin bukas.

Hindi mapigilan ang pag-indak at pawang galak ang sinisigaw ng puso. Hindi maipaliwanag kung ano ba itong nararamdaman, basta para akong lumulutang. Ang liwanag ng paligid ngunit hindi naman ako nasisilaw. Kita ko ang mundo sa aking pagyuko at dito ko napagtanto, nakaangkas pala ako sa alapaap. Kasabay ng pagtangay ng hangin sa aking buhok, tinatangay rin nito ang mga problema sa buhay na pilit kong kinakalimot. May bigla akong narinig na pamilyar na boses “Gusto mo bang sumama?”

Dito ako biglang nagising at naghabol ng hininga. Panaginip lang pala ang lahat. Tinignan ko ang oras at pinatay na rin ang musikang naiwan ko palang tumutunog sa aking tenga. Kakaiba talaga ang epekto sa akin ng mga kanta ng Eraserheads at para talaga akong may sariling mundo. Kung hindi ka pamilyar sa mga kanta nila, isa lamang ang nais kong ipaalala. MASAKIT SA TENGA! Masakit sa tenga kapag hindi mo na napigilan tumigil na pakinggan sila dahil talaga namang nakakaadik ang kanilang musika!

JOHN

Bunsod ng alab ng ating puso, tayong mga Lapisyano ang tatahak ng landas tungo sa mga pintuan ng mga pangarap na kolehiyo. Mga salamin ng kinabukasang pinapangarap ang nagliliwanag sa hinaharap habang dahan-dahan tayong lumalapit ngunit, isang pagsubok muna ang ating haharapin bago tuluyang makamit ang ating inaasam. Ito ang mga College Entrance Test (CET).

This article is from: