
4 minute read
Mathletes ng LPSci hakot-parangal sa International Stage
Muling naghari ang mga Mathletes ng Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) nang kanilang ibulsa ang siyam sa mahigit 50 medalyang nasungkit ng Sangay ng Las Pinas sa naganap na International Math Kangaroo Competition (IKMC) 2023 noong ika-18 ng Marso.

Advertisement
Ang IKMC ay itinuturing na isa sa pinaka prestihiyosong pandaigdigang kompetisyon sa Matematika na naglalayong payabungin ang talento at interes ng mga kabataan sa naturang larangan.
Nagpamalas ng pambihirang bilis sa pag-sagot at talas ng pag-iisip ang mga kinatawan ng LPCNSHS sa problem solving, gayundin sa iba’t ibang larangan ng Sipnayan tulad ng Geometry, Abstract Reasoning, Logic at Basic Algebra.
Ang mga nagkamit ng parangal sa IKMC 2023 ay ang mga sumusunod na mag-aaral:
Junior Division
Miguel Alejandro Datiles; Silver Award
Dwayne Lyndon Gutierrez; Silver Award
Glendyll Frias; Silver Award
Jan Russell Gaad; Bronze Award
Tagapagsanay: G. Gabriel Estrella at Bb. Krizia Caole
Intermediate Division
Tenju Doi; Silver Award
Trisha Jerafusco; Bronze Award
Ranier Anthony Belarmino; Bronze Award
Tagapagsanay: G. Joel Ferrer at Gng. Rosita Taloza
Senior Division
Justine Raphael Gaad; Silver Award
Alisha Ulah; Bronze Award
Tagapagsanay: G. Galford Cristobal
Binigyan ng pagkilala ang mga mag-aaral na ito sa isang awarding ceremony noong ika-23 ng Mayo sa Cultural Center of the Philippines kung saan tumanggap sila ng mga medalya at sertipiko.
Kaugnay nito, ipinaabot ng Kagawaran ng Edukasyon sa isang facebook post ang kanilang pagpuri sa 1,310 Pilipinong nagwagi sa IKMC dahil sa ipinakita nilang pagsisikap at dedikasyon sa kabila ngnapakaraming matatalinong bata na sumali sa aktibidad na ito.
Anila, ang kompetisyon na ito mismo ay tanda ng kapangyarihan ng matematika na makapagbigay inspirasyon sa mga kabataan na hamunin at hubugin ang kanilang murang kaisipan.
Tinatayang nasa 10,000 mga mag-aaral mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Pilipinas ang lumahok sa edisyong ito ng IKMC.
Posibilidad, Pagkakataon, Pagbabago
Ganito inilarawan ni Bb. Aprilyn G. Miranda, Senior High School Guidance Advocate ng Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) ang career talk hinggil sa Architecture at Design na inilunsad ng King Mongkut’s University of Technology Thonburi (KMUTT) mula sa Bangkok, Thailand nitong Marso 20.
Mainit na pagpapaunlak ang ipinamalas ng LPCNSHS sa KMUTT sa pangunguna ni Gng. Genovie G. Tagum, Ikalawang Punongguro ng Senior High School katuwang si Bb. Miranda.
Hinikayat ng KMUTT ang mga Lapisyano na pasukin ang mundo ng architecture sa Thailand sa pamamagitan ng pag-aalok ng scholarships na pumakaw sa atensyon ng mga mag-aaral.
“We believe that successful design education should aim to produce not only competent and skillful designers but also creative practitioners who have sociocultural awareness and environmental possibilities,” saad ng KMUTT.
Ang Career Talk na ito ay nagsilbing pagbubukas ng bagong oportunidad at posibilidad para sa mga mag-aaral na nais maging arkitekto sa mga programa ng unibersidad.
Karagdagan, bahagi ito ng proyekto ng Guidance Services ng paaralan, alinsunod sa Career Guidance Program (CGP) ng Kagawaran ng Edukasyon upang tulungan ang mga mag-aaral na gumawa ng mapanuring desisyon tungkol sa kanilang mga pagpipiliang kurso.
“Magandang chance iyon na makita ng mga student kung what is in there outside the Philippines, opportunities talaga ito. Mas nabubuksan ang isip nila na may ganito pala, posible na magkaroon ng financial aid. Napakahalaga na naeexpose ang mga bata sa ganiyan,” giit ni Bb. Miranda.
Maalalang nauna nang bumisita ang KMUTT nitong Enero sa LPCNSHS upang talakayin ang mga programa at scholarship na kanilang handog sa mga Grade 12 students na nais kumuha ng mga kursong may kinalaman sa Agham at Pag-iinhinyero.

Samantala, plano ni Bb. Miranda na paigitngin ang mga programang gaya nito sa paaralan sa pamamagitan ng taunang pagdaos nito alinsunod sa CGP.
“Active labor market programs including measures like skills training, job search assistance, wage subsidies, public works programs, and entrepreneurship promotion should be further strengthened.”
Ito ang panawagan ng Senior Economist on Social Protection and Jobs Global Practice ng World Bank na si Yoonyoung Cho sa kanilang ulat noong ika-22 ng Marso na isulong ang mas dekalidad na mga trabaho para sa kabataang Pilipinong higit na naapektuhan ng pandemya.
Nabatid ng ahensya na ang kalidad ng mga trabaho ay nananatiling alalahanin sa bansa, lalo na sa mga kabataang Pilipinong napilitang kumuha ng mga part-time jobs bunsod ng pandemya.
Nasiyasat din ng bangko na ang trabaho ng mga kabataan noong nakaraang taon ay nanatiling mababa kahit pa muling nakabalik ang ating labor market sa estado nito bago mag pandemya.
“With the strong rebound of the economy, employment indicators appear to have returned to pre-pandemic levels, but the quality of jobs remains a concern particularly for young people,” hayag ng World Bank.
Karagdagan, ayon sa kanilang ulat na “The Philippine Jobs Report: Shaping a Better Future for the Filipino Workforce” ay marami sa mga kabataan ang humantong sa mga trabahong may maliit na sahod matapos sumadsad ang bilang ng high productive jobs dahil sa pandemya.
Binanggit ng World Bank na mahigit kalahati ng populasyon ng kabataang edad 15 hanggang 24 ang wala sa lakas paggawa at ang antas ng kahirapan sa pagtatrabaho ay mas mataas para sa kanila bago pa man ang pandemya noong 2019.
Samantala, Inamin naman mismo ng pinuno ng National Economic and Development Authority na ang trabaho na nililikha taun-taon ay halos part-time at nauuri bilang mahina.
Pinaburan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pasya ng Department of Education (DepEd) na muling ikasa ang blended learning bilang tugon sa matinding pagtaas ng temperatura ngayong tag-init, ayon sa pahayag nito noong ika-2 ng Mayo.
Dulot ng krisis sa klima, pumanig ang CHR sa paalala ng DepEd na maaaring ilunsad ang blended learning modality o magkahalong face-to-face classes at distance learning sa mga paaralan.
“CHR supports DepEd’s decision to pursue blended and ADM learning to promote a safe learning environment for children pursuant to the Convention on the Rights of a Child, and a safe working environment for faculty and staff in line with international labor standards,” ulat ng CHR.
Ayon sa ahensya, habang inaatasan ng DepEd ang mga paaralan na bumalik sa face to face noong 2022, ang pag-implementa ng blended learning kasunod ng mga ulat ng mga estudyanteng nagkakasakit dahil sa init ay nagpakita ng kapuri-puri na pagtugon at kakayahang umangkop ng departamento sa krisis at pagbabago.
“Displaying commendable responsiveness and adaptiveness, DepEd adjusted their perspective on blended learning arrangements following reports of students experiencing heat-related health issues,” tugon ng human rights body.
Pinahahalagahan ng CHR kung paano iniwan ng DepEd ang pagpapasya sa pagpapatupad ng blended learning sa mga pinuno ng paaralan, sapagkat maaaring may iba’t ibang karanasan at kapasidad ang bawat paaralan sa pagharap sa init ng tag-araw.
“Respecting the context of each school helps these learning institutions maximize students’ access to their right to education,” giit ng CHR.
Binigyang-diin ng CHR ang ulat ng International Labor Organization noong 2019 na ang matinding temperatura dahil sa pagbabago ng klima ay nagbabanta sa kaligtasan ng mga taong naninirahan bansang nanganganib sa climate change.
Bilang tugon, agarang aksyon tulad ng pagiimplementa ng mga programa at pagbibigay ng tulong pinansyal ang hirit ng World Bank upang malutas ang malaking dagok na ito para sa mga kabataan.
°C 50 °C
Highest Computed