2 minute read

PARA SA BATA DepEd pinasinayaan ang DPAP

Next Article
PARA SA GINTO

PARA SA GINTO

Koneksyon. Kalidad. Kaunlaran.

Ito ang pinagtibay ni Assistant Secretary for Administration Christopher Lawrence Arnuco sa paglulunsad ng DepEd Partnership Assistance Portal (DPAP) nitong ika-23 ng Mayo sa DepEd Central Office.

Advertisement

Ang DPAP ay isang pangkalahatang portal na naglalayong paglapitin ang mga paaralan at mga pribado at pampublikong organisasyon.

Sa tulong ng DPAP, mas madaling matutugunan ang mga pangangailangan ng mga institusyong pang-edukasyon sa bansa.

“Through your support and assistance we are able to discuss resource gaps in the delivery of quality basic education,”

Pinasalamatan din ni Arnuco ang mga patuloy na sumusuporta sa tunguhin ng kagawaran.

“The Department of Education is grateful for our partners who join in the tireless promotion of the education agenda of no less than Vice President and DepEd Secretary Sara Duterte,” wika niya.

Samantala, hinikayat naman ni Arnuco ang publiko na makiisa sa kanilang layunin.

This plan will only come into fruition if all of us here work together to make it happen,” aniya.

Pinaunlakan din ni Arnuco ang PLDT, Gabay Guro, at Metro Pacific Investment Corporation sa pangunguna sa unang yugto ng pagbuo ng “portal”.

Iginiit ng Asst. Secretary for Administration na naninindigan ang DepEd sa layunin nitong magpatupad ng kurikulum na lumikha ng responsable at handang mamamayan, pagbutihin ang mga pasilidad, at isulong ang kapakanan ng mga estudyante at guro.

Kaugnay nito, inilahad sa programa na nakatatanggap ang DepEd ng pinakamalaking hati sa nationalbudget ngunit mas mababa pa rin sa inirerekomendang investment para sa edukasyon.

DepEd bukas sa hirit na ibalik ang April-May summer break

Bagamat naunang ibinahagi ng Department of Education (DepEd) na hindi nila ibabalik ang bakasyon ng mga paaralan sa Abril at Mayo kahit lumalala ang tag-init sa bansa, bukas ang kagawaran na ikonsidera ang mungkahi ni Sen. Win Gatchalian at ng ilan pang mga grupo patungkol dito.

”We will take note of the suggestions and study the matter,” ani DepEd Spokesman Michael Poa sa mga reporters bilang sagot sa mga katanungan ukol sa mungkahi ng senador.

Matatandaang hinihimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang ahensya na ilipat ang bakasyon ng mga paaralan matapos maiulat na isinugod sa ospital ang mga estudyante ng isang paaralan sa Laguna dulot ng matinding init na kanilang natamo sa pagsasagawa ng fire at earthquake drills.

“Kailangan ibalik ‘yan sa dati (We need to bring it back) … It’s time to bring it back, especially now that it’s normal already,” ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian.

Maraming estudyante ang nawalan ng malay dahil sa gutom at dehydration dahil sa matinding init sa araw kung saan sinasabing umabot sa 39 hanggang 42 degrees celsius ang temperatura.

Kasabay nito, nagpakita din ng suporta ang Alliance of Concerned Teachers matapos igiit ang kanilang isinagawang online survey kung saan ibinahagi ng mga guro ang hindi magandang epekto ng matinding init sa pag-aaral ng mga bata.

Binigyang-diin naman ng DepEd na maaaring magsuspinde ng klase ang mga regional offices at mga pinuno ng paaralan kung sakaling hindi na makakayanan ang kondisyon sa paaralan, tulad ng pagkakaroon ng matinding init.

“Subject to reportorial requirements with the division office, our school heads/principals have always had the discretion to suspend in-person classes if the environment is no longer conducive to learning. That’s on a case-to-case basis,” ayon kay Poa.

This article is from: