


OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG PAARALANG SEKUNDARYA NG STA. LUCIA
“ ” , inilunsad ng administrasyong Marcos| Ashton John D. Almorte
Opisyal na nailunsad ang kampanya sa pamamagitan ng isang kick-off rally na idinaos noong
Enero 28, 2024 sa Quirino Grandstand sa Maynila. Ang rally ay dinaluhan ng nasa 400,000 katao, kasama sina Vice President Sara Duterte at Manila Mayor Honey Lacuna.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong
Marcos na ang kampanyang ito ay hindi lang basta isang slogan, kundi isang brand of governance na magsisilbing gabay sa pamahalaan upang mapanatili ang kapayapaan at pag-unlad ng bansa.
“It is an invitation to all of us to think about being a Filipino and view the nation from a renewed perspective. It is a call for transformation. The transformation of our idea of being a Filipino, and the transformation of our economy, of governance, of society,” dagdag pa niya.
Nanawagan naman ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) sa mga Pilipino na suportahan ang kampanya ng administrasyong Marcos para sa patuloy na progreso at pagkakaisa ng bansa.
“I urge my fellow Filipinos to fully support the national government’s Bagong Pilipinas campaign.
This is a multi-sectoral effort that seeks to bring all of us together as one nation regardless of ethnicity, religion, economic status or personal beliefs,” sabi ni OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr. sa isang pahayag.
Samantala, binatikos naman ng ilang progresibong grupo ang idinaos na rally na para sa kanila ay pagsasayang sa pera ng mga mamamayan na para bang walang krisis na kinakaharap ang bansa.
Pinuna rin ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang rally na may kinalaman umano
sa Quirino Grandstand. Ang sabi ng
Communications Office o PCO, wala
kinalaman sa tulak para sa People’s Initiative. Mawalang galang po, pero sino po ang niloko ninyo?" sabi ni Senador Hontiveros sa isang privilege speech.
Itinatag ang “Bagong Pilipinas” bilang brand of governance and leadership ng administrasyong Marcos nang malagdaan ang Memorandum Circular No. 24. Kabilang ang Build Better More program at ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino program sa mga programang bahagi ng kampanyang isinusulong ng administrasyong
Setyembre 2022 ay nilalayon ng administrasyong Marcos na gumawa ng 1 milyong housing unit bawat taon at inaasahang babagsak na ang bilang ng mga informal settler sa bansa
| Ashton John D. Almorte
Sinimulan ng Department of Education (DepEd) ang programang “Catch-up Fridays” bilang bahagi ng MATATAG Agenda noong Enero 12, 2024 upang matugunan ang mga kakulangan sa kasanayan ng mga grade school at high school student.
Sa programang ito ay ilalaan ng mga paaralan ang bawat Biyernes na araw ng pasok para sa pagbabasa, at edukasyon sa pagpapahalaga at kalusugan.
Sa memorandum na inilabas ng DepEd noong Enero 10, 2024, nakasaad na ang bawat Biyernes sa school year ay magiging araw para sa Catch-up Fridays.
Sa mga araw ng Catch-up Fridays, isasagawa ang National Reading Program (NRP) sa unang kalahati ng schedule, samantalang nakalaan naman para sa Values, Health, and Peace Education ang nalalabing oras ng schedule. Kasama rin ang Homeroom Guidance Program (HGP) sa pagsasagawa ng Catch-up Fridays. Ayon sa DepEd, makatutulong ang Catch-up
Fridays upang mapalakas at mapaunlad ang iba’t ibang kasanayang kinakailangan ng mga mag-aaral para sa curriculum.
Ang programang ito ay hindi graded dahil ang pangunahing layunin lamang nito ay pagtibayin ang edukasyon ng mga mag-aaral.
Maiuugnay ang pagsasagawa ng learning program na ito sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2022 rankings kung saan ipinapakita na may kinakaharap na hamon ang mga Pilipinong mag-aaral pagdating sa pagbabasa, sipnayan, at agham.
Hinihikayat ng DepEd ang mga guro na makibahagi sa mga collaborative session upang mas maging epektibo ang pagpapatupad ng Catch-up Fridays.
Isinagawa ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang tatlong araw na nationwide tigil-pasada simula noong Nobyembre 20, 2023.
“Nagsama-sama ang iba’t ibang asosasyon ng masang tsuper at operator upang kondenahin ang napipinto at tuluy-tuloy na phase-out sa mga traditional PUJs sa pamamagitan ng sapilitang konsolidasyon. Masaker ito sa aming kabuhayan sa pamamagitan ng pang-aagaw sa aming prangkisa, upang magbigay-daan sa monopolyo kontrol ng malalaking korporasyon sa transportasyon”, pahayag ni Steve Rajo, Secretary General ng PISTON.
Ayon kay Rajo, sa gagawing tigil-pasada mayroon silang 20 protest areas sa Metro Manila, partikular na sa Quezon City sa Novaliches, Litex, Philcoa maging sa Alabang, sa mga probinsya ng Southern Tagalog, Bicol at Cebu.
Ginawa ang nasabing tigil-pasada bilang protesta sa nakatakdang implementasyon ng PUV Modernization Program at deadline para sa franchise consolidation.
Binigyang diin ng PISTON na pahirap, palpak, at hindi makatao ang PUVs Modernization Program. Nakapaloob sa PUV franchise consolidation na magsasama-sama sa isang kooperatiba ang iba't ibang PUJ franchise holder para payagang pumasada ngunit
kailangang palitan ng air-conditioned jeepney vehicles ang traditional jeepney unit o kaya'y e-modernize na sasakyan.
Una nang sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na makipag-usap sa tanggapan para masolusyonan ang mga hinaing sa transportasyon. Dagdag pa niya, walang phaseout ngunit
Muling isinagawa ang Annual Gift Giving ng Paaralang Sekundarya ng Sta. Lucia noong ika-11 ng Disyembre 2023.
Dalawang mag-aaral mula sa bawat pangkat ang napiling mabigyan ng Noche Buena packs bilang pamaskong handog.
Nabigyan ang mga piling mag-aaral mula Baitang-7, Baitang-8, Baitang-9, at Baitang-10 kasama ang kanilang mga magulang sa pangunguna ng punongguro ng paaralan na si Gng. Marissa F. Duka, kasama ang mga Department Head, Grade Level Head, at Grade Level Chairperson.
Naging posible ang proyektong ito sa tulong ng mga donasyon mula sa Mother of Perpetual Help School, at iba pang mga sponsor kabilang ang ilang mga guro, magulang, alumni, at anonymous donor.
kailangang mag-consolidate ang mga pampasaherong jeep upang matiyak na magiging mas maayos ang serbisyo ng sasakyan ng mga commuters.
Nagpakita naman ng pagsuporta sa welga ng PISTON ang UP Transport Group (UPTG).
Uy
| NayelieIsinagawa ng Paaralang Sekundarya ng Sta. Lucia (PSSL) ang Oath-taking and Induction Ceremony na dinaluhan ng lahat ng lider ng paaralan noong Nobyembre 28, 2023.
Pinangunahan ni Ma'am Mary Joy Valenzuela, na Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Adviser ang programa sa pamamagitan ng isang
Nationalistic Song at sinundan ng panalangin ni Ma'am Sharon Almorte, SPTA Board Member. Nagbahagi ng mensahe ang butihing punong guro
ng PSSL na si Ma'am Marissa F. Duka, masipag na
Barangay Kapitan ng Sta. Lucia, Hon. Ruel S. Marpa at School Public District Supervisor na si Sir Jeffrey De Guzman na tiyak nagbigay inspirasyon at kapupulutan
ng aral ng bawat estudyante at gurong lider. Ang bawat opisyales ng iba't ibang organisasyon at clubs ng paaralan ay sabay-sabay na nanumpa sa
pangunguna ng kanilang Inducting Officer at Barangay Kapitan, Hon. Ruel S. Магра. Matapos nito binati ng kapitan ang mga ganap na lider ng paaralan at naghandog muli ng mensahe para sa pagtatapos ng programa sina SPTA President, Mrs. Amelita Ambinoc at Faculty Club President, Ma'am Famela Roque. Nagkaroon na ng ganap na mga lider ang PSSL at tungkulin ng mga ito ang paglingkuran ang kanilang mga kapwa mag-aaral at manungkulan nang may katapatan at kasipagan ngayong taong panuruang 2023-2024.
| Ashton John D. Almorte
Sa mga Filipino category ay nagwagi ng ikalawang puwesto ang Punong Patnugot ng Ang Ningning na si Emerson Javillonar sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita. Ika-apat na puwesto naman sa Paglalarawang Tudling ang Kartunista na si James Harry Abella, ika-anim na puwesto sa Pagsulat ng
Lathalain ang Patnugot ng Lathalain na si Mharriane
Kylex Louise Mangalindan, at ika-anim na puwesto sa Pagsulat ng Agham ang Patnugot ng Agham na si
Cailin Hailey
Bacani. Nag-uwi rin ng parangal sina Yesha Bautista na ika-siyam na puwesto sa Pagsulat ng Agham, at Yaazeen Ross Tecson na ika-anim na puwesto sa Mobile Journalism. Kinilala rin ang mga mamamahayag ng The Flambeau sa mga English category. Nagwagi ng unang puwesto sa kanya-kanyang kategorya sina
Hanz Louise Delos Santos sa Photojournalism, Aljur El Lintag sa Editorial Cartooning, at Dianne Mission sa Copyreading and Headline Writing. Ika-anim na puwesto naman sa Mobile Journalism si Laurice
Sama-samang ipinagdiriwang ng bawat mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Sta. Lucia (PSSL) ang naganap na ika-40 Foundation Day ng kanilang inang-diwa noong Disyembre 12, 2023. Naghanda ang iba't ibang clubs at organisasyon ng kanilang paaralan ng mga booths na siguradong nagbigay ng katuwaan at kagalakan sa mga estudyante na naging dahilan upang maging mas espesyal ang araw. Alay ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ang Dedication Booth, Disco Booth naman ang handog mula sa English Club, Shooting Gallery Booth mula sa Filipino, Souvenir Booth mula sa Science, at Kiss Mark Booth mula sa EsP.
Mula naman sa iba pang club at department ng PSSL, nagkaroon din ng Photo Booth na handog
AP Club, Marriage Booth mula sa TLE, Videoke Booth mula sa MAPEH, Minute to Win it mula sa Math, at Pica-Pica Booth mula sa Faculty. Bahagi rin ng isinagawang pagdiriwang ang School Public District Supervisor, Sir Jeffrey De Guzman na dumalo sa ribbon cutting ng foundation day. Naging posible at matagumpay ang pagdiriwang na ito sa tulong ng bawat grade level chairperson, grade level chairman, club, organization adviser, at officer at dahil
Nagkaroon ng kani-kanilang mga inihandang sorpresa ang bawat pangkat at baitang sa PSSL na siyang tumatak at ikinagalak ng bawat guro. Nagkaroon ng proyekto ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng paaralan na naging paraan upang magpasalamat sa kanilang mga guro. Isa sa kanilang naging proyekto ang "Wall of Love", kung saan ang mga estudyante ay nakapagsulat ng mga pagbati para sa kanilang mga minamahal at pinahahalagahang guro.
Nailunsad din nila ang proyektong "Boto ko para sa Paboritong Guro" na layunin nito ang maging daan na maipadama ang pagmamahal ng mga estudyante sa mga guro sa pamamagitan ng pagboto sa paboritong guro.
Naipakita at naipahayag ng mga mag-aaral ng PSSL na taos-puso nilang minamahal ang kanilang mga guro sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito.
Apat na unibersidad sa Pilipinas ang nakapasok sa Quacquarelli Symonds (QS) World University Rankings in Asia sa unang pagkakataon.
Sa QS World University Rankings: Asia 2024, nakapasok sa rank 551-600 ang University of San Carlos (USC) sa Cebu at ang Polytechnic University of the Philippines (PUP), samantalang nakapasok sa rank 701750 ang Far Eastern University (FEU) Manila, at nakapasok naman sa rank 801+ ang Mindanao State University (MSU).
Ang University of the Philippines (UP) naman na nasa rank 87 noong 2023 ay umangat sa rank 78 at nanguna sa 16 unibersidad sa Pilipinas na nakapasok sa rankings.
Nangunguna ang Peking University sa China sa 856 na unibersidad sa Asya na nasa listahan.
Ang mga ranking ay nakabatay sa mga indicator na academic reputation, employer reputation, faculty/student ratio, international research network, citations per paper and papers per faculty, staff with a Ph.D., proportion of international faculty and students, at proportion of inbound and outbound exchange students.
Apektado ang mga residente ng CALABARZON dahil sa nilabas smog o vog galing sa main crater ng Taal Volcano noong Setyembre 22, 2023
Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), 122 residente ng CALABARZON ang na-ospital dahil sa pagkakalanghap ng vog na naglalaman ng sulfur dioxide na toxic umano sa katawan.
Pangangati ng mata, ilong, at lalamunan ang maaaring maging epekto ng pagkalanghap ng vog, delikado rin ito sa respiratory system at pwedeng mahirapan sa paghinga, lalo na ang mga taong may asthma, at heart o lung disease.
Na-detect ng satellite monitor ang ulap ng sulfur dioxide
| Lorin Joyce E. Jerusalemsa kanlurang bahagi ng Taal Lake. Naitala ang upwelling ng mainit na volcanic fluids sa main crater na nagdulot ng vog, 2,400 metro ang taas, at pagsingaw na napadpad sa timog-kanluran ng Bulkang Taal.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang linggo pa lamang ng Setyembre 2023 ay naapektuhan na ang Batangas dahil sa vog na kumakalat sa lugar na nasa 3,400 tons per day, habang noong Setyembre 21, 2023 naman ay umabot sa 4,569 tons per day.
Apat na bayan ang nakaranas ng zero visibility dahil sa smog, ito ay ang Tuy, Balayan, Lian, at Nasugbu.
of goods between Europe and Asia,” saad ni PEZA director-general Tereso Panga. Ayon kay Panga, siguradong magkakaroon ng epekto sa kalakalan ang suspensyon ng mga ruta lalo na’t ang delay sa pag-aangkat ng mga produkto ay maaaring magdulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at maaari pang makapagpataas ng inflation rate sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Dahil sa suspensyon ng mga ruta sa Red Sea, nilipat ng ilang mga shipping line ang ruta ng kanilang mga barko sa Cape of Good Hope at inaasahang magdaragdag ito ng nasa 10 pang araw sa biyahe.
Matatandaang sunod-sunod na pag-atake ang isinagawa ng mga rebeldeng grupo sa Red Sea, bunga ng pagputok ng digmaan sa pagitan ng Israel at Gaza noong Oktubre 2023.
| Ashton John D. Almorte
Ihahatid na ng India ang BrahMos cruise missiles sa Pilipinas bilang bahagi ng kontratang nilagdaan noong 2022. Ayon kay Indian Ambassador to the Philippines Sham bhu Kumara, bagama’t wala pang timeline ay sisikapin nilang madala na sa bansa sa lalong madaling panahon ang mga missile. Noong 2022, sa pamamagitan ni dating Defense
Secretary Delfin Lorenzana ay
nilagdaan ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang isang kasunduan para sa pagkuha ng missile system na nagkakahalaga ng ₱18.9 bilyon. Ayon kay Lorenzana, ang BrahMos missiles umano ang makatutulong upang mapigilan ang anumang pagtatangka laban sa soberanya ng Pilipinas. Kaugnay nito, sa isang talumpati ay ipinahayag din ni Kumara ang suporta ng India para sa Pilipinas sa usapin tungkol sa West Philippine Sea.
Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte na sya ring kalihim ng Department of Education (DepEd) noong ika-20 ng Enero, 2023 ang paglulunsad sa edukasyon ng “Matatag” curriculum na nakasentro sa key competencies at foundational skills ng mga mag aaral mula kinder hanggang high school o grade 10. Ang matatag curriculum, na tinatawag ding “Matatag K-10, isang revised basic education curriculum sa ilalim ng K-12 program na sumasaklaw sa kindergarten hanggang Grade 10. Ito ay naglalayon na makabuo ng mga karampatang, handa sa trabaho, aktibo, responsable at makabayang mamamayan. Layunin din nitong alisin ang siksikan sa kurikulum at ayusin ang mga misplaced learning competencies para mapabuti ang sistema ng edukasyon sa bansa. Ang nasabing curriculum ay naglalaman ng literacy at numeracy skills, balance cognitive, higher level thinking skills, Intensified values education, at peace education na nakabase sa international curriculum. Nilinaw ng kagawaran ng edukasyon na hindi nila inalis ang “Mother Tongue-
based subject” at ipinasok ito sa five core subjects para sa mag aaral ng mga grade 1 na nakafocus sa literacy at numeracy.
Ang bagong nilalaman ng kurikila ay ang subject na “Makabansa”, tumatalakay ito sa kultura, kasaysayan, kalusugan at lipunan para mas lalo pang mapalalim ang pagkakakilanlan bilang isang indibidwal at bilang isang Pilipino. Ang pagdaragdag ng asignaturang ito ay magbibigay daan para buhaying muli ang pagpapahalaga ng kabataan sa sariling bansa at magsisilbing solusyon sa pagkalimot nila sa pag-uunawa sa kasaysayan ng sariling bansa.
Ang isa pang bago sa kurikulang ito ay ang “peace education” na layuning mas makilala ang sarili, at maging handa ang mga magaaral padating na mga kalamidad at trahedya, naglalaman din ito ng mga usapin tungkol sa human security at pagbibigay solusyon sa mga ito.
Kasabay ng pag unlad ng mundo, ay kinakailangan ng sapat na edukasyon na angkop para mabisang maihanda ang mga mag-aaral sa
pagsulong ng lipunan. Ang MATATAG curriculum ay magsisilbing resolbasyon para patuloy na pagbabago ng mga pangangailangan. Naglalaman ito ng mga dapat matutuhan ng mga mag-aaral na tutugon sa mga hamon na kinakaharap ng kasalukuyang kurikulum ng K to 12, kabilang ang mga maling prerequisite na kakayahan sa pagaaral, hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan, at kawalan ng balanse sa mga pangangailangan sa pag-iisip.
Ang paglulunsad ng “Matatag” curriculum ay isang makabuluhang hakbang na magbubunga ng bago at upgraded na sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Sa pamamagitan nito’y masasalamin ng mga mag aaral ang kanilang pagkilala sa bawat sarili pati sa bansang Pilipinas, kasama na rito ang mas malalim na pagkilala ng mga kabataan sa kultura ng pilipinas lalo na sa panahon ngayon. Kasama na rin ang mga bagong kasanayan na matutunan sa paaralan na hindi lamang naglalayon na ituro ang kapayapaan at kahandaan mula sa kalamidad bagkus ay sinusubukan din nitong magkaisa ang mga mag-aaral sa pagtutulungan at
pagtutulungan tungo sa pag-unlad ng isang ligtas at maayos na lipunan sa hinaharap. Hangad ng pamahalaan na mapaganda ang international score ng bansa lalo na sa asignaturang STEM (Science, Technology, Engineering, Mathematics), hindi dapat na umasa lagi sa pamahalaan, mahalagang magkaisa ang mamamayan upang suportahan ang mga reporma sa kurikulum at edukasyon na makakabuti sa bansa. Sa pamamagitan ng kolektibong pagsisikap at suporta, ay magagawang matugunan ang tunay na pangangailangan ng mga Pilipinong mag-aaral at guro.
May mga hamon din sa ilalim ng kurikulang ito, tulad ng pangangailangan para sa mga angkop na pamamaraan para sa pagpapatupad nito sa paaralan. Ang mga paaralang inclusive ay nahaharap sa mga hamon tulad ng mga patakaran ng pamahalaan na hindi pa ganap na nagpapatupad ng inclusive education, kakulangan ng mga pasilidad at imprastraktura, at mga technical problems sa pagpapatupad ng inclusive education. Ang mga mag-aaral sa isang kurikulum
ng programa ng MATATAG ay nahaharap sa mga hamon tulad ng hindi tamang pagpapatupad, limitadong access sa mga impormasyon at oras. Ang kahandaan ng guro, kabilang ang mga saloobin, emosyon, kaalaman, at pag-uugali, ay isa ring hamon
Ngayong halos dalawang taon na siyang
Pangulo ng Pilipinas, inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kampanyang “Bagong Pilipinas” ng kanyang administrasyon. Maaaring pamilyar ang pamagat ng kampanya dahil hango ito sa campaign jingle na ginamit niya noong tumatakbo siya sa halalan para sa pagkapangulo noong 2022. Isinagawa ang kick-off rally ng kampanya noong Enero 28, 2024 sa Quirino Grandstand sa Maynila. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na ang kampanyang ito ay humihikayat sa mga Pilipino upang magkaroon ng bagong pananaw sa ekonomiya at pamamahala ng bansa.
Matatandaang noong nangangampanya pa lang siya noong 2022, bukambibig ni Pangulong Marcos ang salitang “pagkakaisa”. Tila ipinaparating niyang nilalayon niya ang pagbuo ng isang pamahalaan na magiging daan upang magkaisa ang bansa, anuman ang estado ng bawat indibidwal sa lipunan.
Sa kick-off rally pa lang ay marami na ang pumuna sa kampanyang ito ni Pangulong Marcos. Kabilang na rito ang ilang mga progresibong grupo na nagsasabing ang rally ay pagsasayang lamang ng pondo.
Kung tutuusin, hindi naman siguro kailangan ng
isang malaking rally, tulad ng isinagawa sa Quirino Grandstand, upang iparating sa mga mamamayan ng bansa ang layunin ng administrasyon na bumuo ng pamahalaang magtutuloy o magpapabuti pa sa kaunlaran at kapayapaan ng bansa. Mas mainam pa nga kung mapapansin na lamang ito ng mga tao dahil ito na nga ay ganap na naisagawa at natupad ng namamahala.
Hindi man maiiwasan ang hindi pagsang-ayon ng ilan sa mga ginagawa ng pamahalaan dahil maaaring hindi umaayon ang mga ito sa kanilang pananaw na politikal, dapat ay sikapin pa rin ng naihalal na lider na paunlarin, pangalagaan, at panatilihing mapayapa ang bansa sapagkat ito ang kanyang tungkulin bilang napili ng mga mamamayan sa ilalim ng demokrasya. Bagama't umaaksyon at kumikilos ang pamahalaan, talagang mayroon pa ring magkakaroon ng hinaing dahil isang malaking hamon ang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng bawat indibidwal sa bansa.
Sa loob ng higit pa sa isang taon, may mga nasimulan na ring mga makabuluhang proyekto ang administrasyon ni Pangulong Marcos. Isa na rito ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino program na nasimulan noong 2022. Layunin ng programang ito
na puksain ang suliranin ng pagkakaroon ng informal settlers sa bansa. Gayunpaman, nakakatanggap pa rin ang Pangulo ng pambabatikos na madalas ay naiuugnay sa kasaysayan ng kanilang pamillya, lalo na sa kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na naging pinuno ng bansa hanggang sa mapatalsik sa puwesto matapos ang People Power Revolution. Kapansin-pansin naman na marami ang naantig sa ipinangakong “unity” ni Pangulong Marcos noong siya’y nangangampanya pa lamang para sa pagkapangulo. Maituturing na “landslide victory” ang pagkapanalo niya nang may nasa 31.6 milyong boto. Ngayong halos dalawang taon na sa puwesto ni Pangulong Marcos, maaaring ang ilan sa 31.6 milyong botanteng ito ay nadismaya dahil hindi naabot ang kanilang inaasahan, at ang ilan naman ay nananatili pa ring nakasuporta.
Sa kabila ng lahat, si Pangulong Marcos ang pinuno ng ating bansa ngayon at may tungkuling siyang dapat gampanan. Bukod sa pagsisilbi sa Pilipinas at sa mga mamamayan nito, kailangan niyang mapanindigan ang pangako niyang pagkakaisa at isang “Bagong Pilipinas” para sa bawat Pilipino.
Mahal na Patnugot,
Sa kasalukuyang administrasyon, batid natin na mayroong iba't ibang programang ipinatutupad higit na sa sektor ng edukasyon. Ipinararating ko sa pahayagan ang aking pag-aalala sa magiging kalagayan ng mga mag-aaral sa ilalim ng mga programa ng bagong administrasyon; at kung patuloy bang mapapangalagaan ang mga karapatan at maririnig ang boses ng mga estudyanteng katulad namin sa ilalim ng MATATAG Curriculum. Lubos akong umaasa na mabibigyang sagot ang katanungan ito. Maraming salamat.
Lubos na sumasaiyo, Jomari D. Endraca
Jomari,
Tunay na malaki ang pagbabago sa sektor ng edukasyon sa kasalukuyang panunungkulan ng bagong administrasyon. Patuloy na sinisikap ng pamahalaan, katuwang ng mga paaralan tulad ng ating inangdiwang PSSL na makapagbigay ng de kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral. Ito ay sa pamamagitan ng paglulunsad ng iba't ibang programa na nagsusulong ng karapatan at kabutihan ng mga estudyante at ng mga guro. Sana ay iyong nabatid ang sagot sa iyong katanungan at ang hakbang na ginagawa ng pamahalaan at ng ating paaralan.
Lubos na gumagalang Emerson A. Javillonar
Ayon sa deped.gov.ph ang DepEd
MATATAG Curriculum ay iprinesenta ng Bise
Presidente at Kalihim ng Edukasyon na si
Sarah Z. Duterte noong
ika-30 ng Enero nakaraang taon na akronim
ng "MAke the curriculum relevant to produce job-ready, Active and responsible citizens; TAke steps to accelerate the delivery of basic education services and provision facilities; TAke good care of learners by promoting learner well-being, inclusiveness learning, and positive learning environment; and, Give support for teachers to teach better".
Sakop ng kurikulum na ito ang mula Kindergarten hanggang ika-sampung baitang. Dito mas bibigyang
pokus ang foundational skills kagaya ng literacy, numeracy, at socio-emotional skills ng estudyante. Magkakaroon din ng dagdag na asignatura kagaya ng makabansa at peace education.
Sa pamamagitan ng mas pinaigting na kurikulum, kami ay naniniwalang lubos itong makatutulong sa atin at sa pag-aaral natin. Ang mga bagong asignatura kagaya ng makabansa na tatalakayin ang kasaysayan, kultura, at ang ating lipunan na makatutulong sa bawat mag-aaral na mas makilala ang bansang sinilangan, kung ano ito at ang bumubuo rito. Isa pang asignatura ay ang "peace education" na hindi lang patungkol sa kapayapaan ng bansa at kahandaan
MATATAG stands for
sa trahedya at sakuna kundi pati na rin sa kapayaaan sa loob ng sarili.
Sa DepEd MATATAG, mas magkakaroon ng pagkakataon ang bawat estudyante na pag-aralan ang mga asignaturang hindi lamang patungkol sa akademiks, kundi patungkol din sa iba pang salik na nakakaapekto at makatutulong sakanilang umunlad bilang isang tao.
Sa huli, isa lang naman ang layunin at patutunguhan natin. Ito ay ang magkaroon ng komprehensibo, abot-kaya, maayos, at mataas na kalidad na uri ng edukasyon. Bilang ang edukasyon ang mahalagang pundasyon at solusyon para sa maunlad at magandang kinabukasan.
" MA ke the curriculum relevant to produce job-ready, active and responsible citizens; TA ke steps to accelerate the delivery of basic education services and provision facilities; TA ke good care of learners by promoting learner well-being, inclusiveness learning, and positive learning environment; and, G ive support for teachers to teach better"
Sa nalalapit na pagtatapos ng taong panuruan, ang mga mag-aaral ay mahaharap nanaman sa isang hamon: ang paghahanap ng mura at de kalidad na paaralan kung saan kanilang ipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral.
Kamakailan lamang, pumutok ang isang balitang ikinagulantang ng mga estudyante, mga magulang, pati na ng mga guro. Ito ay ang pagtatanggal ng gobyerno ng pagkakaroon ng senior high school sa mga local at state universities, gayundin ang mga school vouchers na nagpapababa ng tuition fee ng mga mag-aaral. Ano kaya ang magiging epekto nito sa darating na taong panuruan? Makabubuti nga ba ang maidudulot nito sa mga kaguruan, mag-aaral at maging sa kanilang mga tagapagtaguyod?
Ayon sa Philippinesbasiceducation.com, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamababang kalidad pagdating sa larangan ng edukasyon. Ito ang kadahilanan sa likod ng pagpapatupad ng programang K-12. Ito ay inilunsad upang maihanda ang mga estudyante sa pagtungtong ng kolehiyo. Matapos ipatupad ang programang ito ay nagsimula ring magkaroon ng Grade 11 at 12 sa mga local at state universities para mag mag-alok ng mas magandang kalidad ng edukasyon para sa mga kabataan.
Tugon ng iba, ang pag-aalis ng vouchers ay para sa pagkakaroon ng pantay pantay na oportunidad para sa bawat isa. Mababawasan ang gastusin o hindi na kailangan pang magbayad ng mataas upang makapag-aral sa mga local at state universities dahil mayroon namang mga public schools na itinatag ang gobyerno.
Sa kabilang banda, ang mga magulang na naghahangad ng maningning na kinabukasan at nagnanais sanang pag-aralin ang kanilang mga anak sa mga pribadong paaralan, partikular na sa mga local at state universities ay ininda ang pagkawala ng mga ito maging ng mga vouchers. Mapipilitan ang iba na pag-aralin ang kanilang mga anak sa iba' t ibang mga public schools kung saan di hamak na mas mababa ang kalidad ng edukasyon kumpara sa mga pribadong paaralan na pinangangambahang isasara na.
Maraming mga guro ang mawawalan ng trabaho, magkakaroon ng kakulangan sa pasilidad dahil sa pagdami ng mag-aaral sa mga pampublikong mga paaralan, at higit sa lahat ay
pagdaan ng panahon, maraming beses nang hinangaan ang Pilipinas dahil sa kagandahang taglay nito na siyang humahalina sa mga turista mula sa iba't ibang panig ng mundo. Hindi maikakailang nasa ating bansa matatagpuan ang mga lugar na talaga namang humihikayat sa mga turista upang dito'y bumisita.
Isa na rito ang Chocolate Hills na matatagpuan sa Bohol. Nakahahalina ang naturang tourist spot sapagkat tinatayang mahigit isang libong burol ang bumubuo dito, na nag-iiba ng kulay batay sa panahon: kulay tsokolate tuwing tag-init, habang kulay luntian naman twing tag-ulan.
Ang Chocolate Hills ay kinikilala ng UNESCO bilang bahagi ng World Heritage List. Batay sa Proclamation 1037 na inilabas noong July 1, 1997 ni dating Pangulong Ramos, idineklara ang Chocolate Hills bilang National Geological Monument and Protected Landscape.
magkakaroon ng pagkalugi sa mga pribadong sektor ng edukasyon.
Samakatuwid, ang pag-aalis ng Grade 11 at 12 sa mga local at state universities at ang pagtatanggal ng mga vouchers ay malaking dagok di lamang para sa mga mag-aaral kundi maging sa mga magulang at mga kaguruan.
Tumindig! Bumoses tayo upang maulinigan ang hinaing nating mga mag-aaral, gayundin ng mga magulang, at ng mga kaguruan. Bumoses tayo upang gumawa ng hakbang ang ating pamahalaan at matugunan ang suliraning ito. Ang ating samasamang pagtindig at kooperasyon ay ang magiging daan upang ang mga estudyanteng gaya natin at ang mga suliraning ating kinahaharap ay mabigyang pansin at matugunan.
Tayo ang maging instrumento upang magkaroon ng oportunidad na makapag-aral, magkaroon ng de kalidad at murang edukasyon, at magkaroon ng magandang kinabukasan para sa mga mag-aaral at mga kabataan.
Batid ng DENR at DOT ang kontrobersiyal na resort. Sa katunayan, naglabas ng temporary closure order ang DENR laban sa naturang resort noong Setyembre 2023. Huwag lusawin ang biyayang kaloob ng kalikasan! Bagkus ay maging kaisa tayo sa patuloy na pagpapayaman nito upang mas maging kapakipakinabang sa mga susunod
Subalit kamakailan lamang ay naging laman ng balita ang naturang tourist attraction nang maisiwalat ang pagpapatayo ng resort dito ni Edgar Buton. Noong 2005 ay nabili nya ang limang hektaryang lupa na siyang sumasakop sa tatlong burol, at siya ngang pinagtayuan ng kanyang resort. Ang balitang ito ay nag-iwan ng katanungan sa isip ng marami nating kababayan. Bakit pinahintulutan ng lokal na pamahalaan na sumasakop sa kinalalagyan ng Chocolate Hills ang pagpapatayo ng resort dito? Dumaan nga ba sa tamang proseso ang nasabing aksyon? May nagawa nga bang paglabag sa batas ang ginawang ito ng may-ari ng resort? Ang isyung ito ay dumadaan ngayon sa imbestigasyon.
pang henerasyon. Hindi masama na hangarin nating sumulong at umunlad, subalit hindi rin dapat natin ilagay sa alanganin ang mga bagay o lugar na matagal na panahon nang nagbibigay karangalan at pagkilala sa ating bansa dahil lamang sa mga walang kabuluhang imprastraktura. Isaalang-alang natin ang kapakanan at kapakinabangan ng higit na nakararami at ang pansariling interes ay isantabi. Maging instrumento tayo upang ang kalikasan at mga yaman ng bansa ay maisalba at maprotektahan mula sa pagkasira. Huwag magpakagahaman at magpakasakim dahil sa huli, ang ating mga aksyon ang siyang magtatakda ng kinabukasan ng ating bansa, gayundin ng mga biyayang sa ati'y ipinagkaloob ng Maykapal.
Pagmamahal na walang makapapantay. Pagkalinga. Paggabay. Isang taong walang sawang nagmahal at nangaral sa munting batang nangangailangan. Isang tungkulin, isang mabigat na pasanin kung maituturing. Ang responsibilidad na ginagampanan, ilaw ng tahanan at ng paaralan.
Tahanan. Paaralan. Tahanan. Paaralan. Diyan na umiikot ang mundo niya. Isang ina sa tahanan, guro naman sa paaralan.
Ina. Ang pagiging nanay ay mailalarawan bilang isang hamon ngunit hindi isang problema. Ito ay ang siyam na buwang pagdala sa sanggol sa kaniyang sinapupunan. Ang pananatili sa tabi ng anak hanggang sa pagmulat ng mga mata nito. Paggabay hanggang sa masambit nito ang unang salitang kaniyang matututunan. Pagpapatahan sa tuwing umiiyak ito sa kalagitnaan ng katahimikan ng madaling araw. Pag-akay sa bawat munting mga lakad nito hanggang sa matuto itong tumayo sa sarili nitong mga paa at maglakbay nang hindi nadadapa. Ang pagiging ina ay ang paghawak sa kamay ng kaniyang anak, pagsama habang tinutuklasan nito ang mundo, pagturo sa daan na dapat tahakin nito, pangangaral kung ano ang tama at mali, ang dapat sa hindi. Pagmulat ng mga mata, umaga na. Hudyat ito na kailangan nang maghanda sa pagpasok niya sa trabaho. Ngunit bago ito, ginampanan niya muna ang papel bilang ina, bilang nanay sa kaniyang mga anak. Abala ito sa paghahanda ng makakain ng kaniyang mga anak, pag-aayos ng mga gamit na kakailanganin, at mga bagay na gagamitin. Ang bawat umaga ay puno ng seremonya para sa isang ina. Pagtapos asikasuhin ang kaniyang mga anak, sarili niya naman ang pagkakaabalahan. Oras na para maghanda at magturo sa paaralan, para sa isa pang responsibilidad na kaniyang ginagampanan. Ang pagiging guro.
Guro. Ang nagsisilbing lapis na panulat sa mga blankong papel ng bawat mag-aaral. Sila ang librong binabasa at napagkukuhanan ng bagong kaalaman. Ang bawat kaguruan ay ang tungko ng mga nangangarap sa bawat hakbang sa bahagdan ng minimithing kinabukasan. Ang bawat pagtayo sa harapan ay pagbabahagi ng kaaalaman at ang bawat kaalaman ay pagakyat ng mag-aaral sa hagdan ng pinapangarap na kinabukasan. Hindi riyan natatapos ang papel na kanilang ginagampanan, kalakip ng pagtuturong akademiko ay ang pagtayo at pagsisilbi bilang pangalawang magulang ng mga estudyante na siyang gumagabay at kaagapay ng mga magulang sa pagpapalaki at sa nararapat na daang lalakarin. Hindi
lamang nagtuturo ngunit isa ring tagapagpayo upang hindi maligaw sa landas na kanilang tatahakin at makamtan ang mithiin.
Pagkatapos asikasuhin ang anak ay magtutungo na sa paaralan ang ina upang punan ang pangalawang papel na ginagampanan, ang pagiging guro. Ito na ang oras para magbahagi ng bagong aralin at bagong aaralin ng kaniyang mga estudyante. Pantay na oras ang sangkap upang magampanan nang maayos ang dalawang nakaatang sakaniya. Ngunit, hindi mapagkakaila na may mga panahong hindi nagiging balanse ang oras dahil kailangang gawin ang dapat gawin bilang isang guro, na maliban sa pagtuturo ay kailangan ding asikasuhin ang
kakailanganin ipasa rito at ipasa roon.
Sa kabila ng hirap at pagsubok na kinakaharap, maituturing at hindi mapagkakaila ang katatagan at kasipagang mayroon ang isang ina na isa ring guro. Ang dedikasyon na kaharapin ang bawat araw na puno ng gawain, responsibilidad, at gampanin.
Ngayong buwan ng kababaihan, nararapat silang pasalamatan.
Hindi matatawaran ang kahusayang mayroon ang bawat isa sakanila. Ang naiambag nila sa ating lipunan at mundong ginagalawan ay hindi mapapantayan nino man.
Ang buwan ng Marso ay ang buwan ng kababaihan at para sa kababaihan. Ang mga salita ay hindi sapat upang mapasalamatan at
bigyang kahulugan ang ginagampanan ng bawat babae, ina, guro ng ating buhay. Sila ang tunay na ilaw na nagbibigay liwanag sa atin at sa buhay natin.
Nararapat lamang na sila'y pasalamatan, kilalanin, at pahalagahan dahil ang ginagawa at dulot nila sa atin ay tunay na hindi matatawaran.
Ang katibayan, kagalingan, at kakayahan nilang magawa ang mga bagay na malaki ang dulot sa atin at sa kapwa. Ang pagkalinga, pagmamahal, at pag-aarugang dapat nating pahalagahan at ingatan.
Ang kababaihan ang tunay na simbolo ng katatagan.
Education is the most powerful weapon we can use to change the world
VV Elementarya, sekondarya, at kolehiyo. Anim na taong pagaaral sa elementarya, apat at dalawang taon sa sekondarya habang apat o higit pang taon ang gugugulin upang opisyal na makapagtapos ng pag-aaral. Nakadepende pa ito sa kursong kukunin at kung makakahanap kaagad ng trabaho matapos ang kolehiyo. May mga pagkakataon pa na iba ang trabahong nakukuha kumpara sa kursong natapos.
Ngunit, hindi lahat ay mayroong sapat na kakayahan upang mapaaral ang kanilang mga anak. Masuwerte na ang mga anak na mayroong pribilehiyong makapasok sa paaralan na may laman ang tyan at kumpleto ang kagamitan.
Hindi lahat ay may kakayahan para pumasok sa paaralan. Kaya't hindi lahat ay nagkakaroon ng tyansang magkaroon ng bagong kaalaman.
Isa si Vivencio sa mga kabataang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa isang kadahilnanan, ang kahirapan. Apat na put walong taong gulang na siya ngungit ang pagsulat at pagbasa ng bawat letra ay mahirap pa rin sakaniya. Natigil sa pag-aaral noon ang hayskul na si Vivencio dahil bukod sa tawag ng pangangailangan, kinailangan niyang tumigil upang tulungan ang kaniyang magulang na kumayod at itaguyod ang kanilang pamilya.
Tanghaling tapat, imbis na si Vivencio ay nasa paaralan siya ay nasa gitna ng tirik na arawan upang tulungan ang pamilya na magsaka.
Nakikita na niya ang sarili noon sa kolehiyo ngunit hindi siya nakapagtapos ng sekondarya. Sa kabila nito, pinaalalahanan niya ang sariling magpatuloy lamang sa buhay. Apat na pung taong gulang siya noong pumasok sa kaniyang isipan na ipagpatuloy na ang kaniyang pag-aaral habang siya ay nagtatrabaho. Ngunit, posible nga ba ito? Ang bawat araw ay bagong pag-asa. Sa pagsapit ng bagong umaga, umusbong ang solusyon at alternatibo para ipagpatuloy ang natamasa sanang edukasyon noon. Ang sagot na aakay kay Vivencio sa kaniyang muling paglalakbay ay ang Alternative Learning System o ALS. Ang sistema ng pag-aaral
na ito ay angkop at mas magiging madali ang pag-aaral niya sa pamamagitan nito. Dahil dito malaya siyang makapag-aaral sa bakante niyang oras. Hindi rin kinakailangang magtungo siya araw-araw sa paaralan kaya't mapapanatili niya ang kaniyang trabaho habang siya ay natututo. Noong una, wala siyang lakas ng loob na magparehistro dahil sa kaniyang edad. Ngunit kalaunan napagisipan niyang hindi naman dapat ikahiya ito dahil wala namang nakakahiya rito. Mas nangibabaw sakaniya ang kagustuhang makapagtapos at mairaos ang kaniyang pag-aaral. Dahil sakaniyang isang taong pagsisikap, naipasa niya ang pagsusulit para sa sekondaryang lebel na nangangahulugang natapos na niya ang ika-sampung baitang. Ang susunod na ang hakbang niya ay ang Senior High School, siya ay pumasok sa Clarencio Calagos Memorial School of Fisheries sa ilalim ng TVL track na nakapokus sa Electrical Installation and Maintenance (EIM). Matapos ang dalawang taong pagtatatiyaga, nakamtan na niya ang EIM National Certification. Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Vivencio, maraming naging balakid ngunit dahil sa dedikasyong magpatuloy ay nalagpasan niya ito. Sa edukasyon, walang edad o kasariang pinipili. Kung mayroong sapat na kakayahan, sikaping pumasok sa paaralan. Isa lamang si Vivencio sa milyon-milyong nangangarap at may pangarap. Siya ang tunay at nabubuhay na halimbawa na lahat ng pangarap ay posibleng makamtan kung ito ay iyong pagsisikapan. Ang edukasyon ang kayamanan na madadala mo kahit san at hindi mananakaw mula sayo nino man. Patuloy na mangarap, patuloy na magsikap para sa pangarap.
Mga kalamnang walang laman. Almusal, tanghalian, at hapunan. Mapalad na kung maituturing ang isa tao kung magagawa nitong punan ang kalamnan tatlong beses sa isang araw. Dahilkung titignan at pakikinggan ang sikmura ng iba nating kababayan, maririnig natin ang sigaw ng mga sikmura nilang walang laman. Almusal. Umaga na't nagising ang estudyanteng si Juan upang maghanda at pumasok sa paaralan. Hindi gaya ng ibang estudyanteng may gatas at pandesal sa hapagkainan, si Juan ay nagtutungo sa paaralang walang laman ang tiyan. Sa kabila nito, nagagawa pa rin nitongaktibong makilahok sa paaralan. Tanghalian. Tirik na tirik ang araw at pauwi na si Juan sa kaniyang tahanan. Kumakalam na ang sikmura ngunit wala siyang magawa dahil kapos sa pera at hindi makabili kahit tig pi-pisong tsitsirya.
Hapunan. Gabi na at kung kanina'y para nang ipiniprito sa initan si Juan, ngayon nama'y nanginginig na hindi lang dahil sa lamig kundi dahil walang makain ni mainom kahit manlangmalinis na tubig.
Isa lamang ang pamilya ni Juan sa milyon-milyong pilipino na dumadanas ng kagutuman. Ang bilang ng pamilyang pilipinong nakararanas nito ay umaakyat na tila nasa hagdan, dahil sa mgaaraw na nagdaan ay lalo itong nadaragdagan. Ang kahirapan at kagutuman ay para na
Istrikta, palaban, at mahigpit. Ganyan kung ilarawan siya ng iba. Ngunit sa likod nito, siya ay isang masipag at responsableng punongguro na buong pusong tumayo hindi lamang bilang isang pinuno, kundi isa ring ina na umakay sa paaralan, bawat mag-aaral, at kaguruan.
Ang kaniyang karera bilang punongguro ay nagsimula noong kasagsagan ng pandemya, hindi naging madali, maraming pagsubok at dagok. Ngunit siya ang taong gumabay at umalalay sa Sekondaryang Paaralan ng Sta. Lucia, Marissa F. Duka.
Noong pagpasok niya, sa unang paghakbang tungo sa loob ng paaralan ay mayroon siyang kagalakan. Ngunit sa unang pagkakataon na siya'y pumasok sa loob, wala siyang nadatnan. Ang paaralan ay nagmistulang abandonado dahil ang bawat silid at ang paligid ay matamlay at walang kabuhay-buhay.
Nagsimula ang kaniyang paglalakbay sa pamumuno na hindi nasisilayan harap-harapan ang mga tao sa paaralan. Kaharap ang kaniyang gadyet, birtwal niyang nakakausap kaguruan..
Sa kabila ng hamon at problemang
kinaharap niya pagpasok pa lamang, hindi ito naging dahilan ng kaniyang pagkalugmok. Bagkus, tinignan niya ang bawat hamon bilang isang bagay na nangangailangan ng agarang solusyon. Naabot ng kaniyang kamay ang bawat mag-aaral upang hindi sila maligaw ng daan. Matapos ang mahigit dalawang taong birtwal na pagkikita lamang, na puro birtwal na pagkikita lamang ay umusbong na rin ang pagasa. Ang unti-unting pagbalik sa normal ng pagaaral. Nagsimula sa salit-salitan hanggang sa naging full blown face-to-face na ang uri ng pagaaral.
Kasabay ng pag-usbong ng pag-asa ay paglitaw ng problema, ang pasilidad at bawat silid ng paaralan. Dito muling sinubok ang kaniyang katatagan at kahusayan na pamunuan ang paaralan.
Sa tulong ng pondo na mayroon at sa pangunguna niya ay nasolusyunan ito. Lalo rin nitong nabigyan ng pokus ang paaralan bilang unti-unti na rin itong bumabalik sa normal na pamamaraan ng pag-aaral.
Sa kaniyang dedikasyon lahat ng problema
ay laging mayroong solusyon. Ang kaniyang pagsisikap para masiguradong ang paaralan ay laging nasa maayos at mabuting
sa paggabay, Inay.
May nagawa ka ba noon na iyong pinagsisihan?
Kung maibabalik ang nakalipas na, ano ang babaguhin mo sa nakaraan? Ika nga nila "you only live once", pero paano, paano kung biglang nagbago ang ikot ng mundo at binigyan ka ng pagkakataong bumalik sa nakaraan, ano ang babalikan mo?
Ang palabas na pinilahan sa sinehan, inabangan ng karamihan. Pinagbibidahan ng nag-iisang Marian Rivera na gumanap bilang si Mary sa pelikula, katambal ang kaniyang kabiyak na si Dingdong Dantes, bilang John. Ang palabas na pinamagatang Rewind. Ang pelikula ay patungkol sa wagas na pag-ibig para sa isa't isa ng dalawang nagmamahalan. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, para bang sila'y tinadhana dahil kilala na nila ang isa't isa noong bata pa sila. Tila ba mayroong taling nagdudugtong sa dalawang puso, dahil kahit anong mangyari uuwi pa rin sila sa isa't isa. Hanggang sakanilang pagtanda, ang isa't isa ang kanilang naging kasangga. Matapos ang ilang taong pagmamahalan na nagsimula noon pa man, umabot na sa sila sa kanilang patutunguhan — ang kasalan. Nanumpang kasama ang isa't isa sa hirap at ginhawa, sa kalungkutan at kasiyahan. Matapos silang makasal nagbunga ang kanilang pagmamahalan, isinilang ang kanilang nag-iisang anak na pinangalanang Austin na ginampanan ng batang aktor na
si Jordan Lim. Ang mga unang taon nila'y naging masaya, makulay, at may buhay. Ngunit sa paglipas ng taon, si John ay nagbago. Ang pagmamahalan nila'y nagbago. Ang bawat umaga na noo'y kasing tamis ng asukal, ngayo'y naging mas mapait pa sa ampalaya. Isang araw, sina Mary at John ay mayroong pupuntahan. Ito ay mahalagang pangyayari para sa kanilang anak. Sa kalagitnaan ng daan, sila'y nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Dahil dito, nangyari ang hindi inaasahan. Isang pitik, ang kaniyang kabiyak na si Mary ay binawian ng buhay habang siya ay natirang nananamlay. Ang bawat paggising ni John ay hindi naging madali simula noong nawala si Mary, tila ba nawalan siya ng rason para gumising pa. Ngunit isang gabi, nagmilagro ang langit sa kaniya ng may lalaking sumulpot na tinawag niyang 'Lods' na pinaniniwalaan ding ang Diyos, binigyan siya nito ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan. Sa kaniyang muling pagbalik, sinigurado niyang hindi na siya magkakamali. Itinama ni John ang kamalian ng nakaraan, ngunit kapalit nito ay ang kaniyang buhay. Ito'y kaniyang pinag-isipan at napagdesisyunan na ang nakaraan ay buong puso niyang babalikan.
Ang pelikula ay isang halimbawa ng tunay na
pagmamahalan ng dalawang nagmamahalan. Ito'y nagiiwan ng mahalagang aral na hangga't ikaw ay nabubuhay kasama ang iyong minamahal, siguraduhing ang bawat oras ay pahahalagahan, ang bawat kilos ay pag-iisipan. Ang buhay ay hindi mo mahuhulaan, hindi mo alam kung hanggang kailan ka tatagal.
Ipinakita rin dito ang pananampalataya sa Diyos. Ang katatagan ng paniniwala na mayroon pang pag-asa. Ang bawat pagsubok ay hamon ng Diyos upang lalong tumibay ang pananampalataya sakaniya. Anuman ang mangyari, ang Diyos pa rin ang malalapitan sa oras ng kagipitan. Sa kabuuan, ang pelikula ay nagpapakita ng pagmamahal sa kapamilya, sa asawa, katatagan ng sarili at ng pananampalataya sa Maykapal. Ngunit kung babalikan ang katotohanan, sa totoong buhay, hindi mo maaaring balikan ang nakaraan. Hindi mo magagawang itama ang bawat kamalian ng nakaraan. Kaya't nararapat at dapat iwasan ang mali hangga't maari upang walang pagsisihan sa huli. Ang bawat oras na kasama ang minamahal ay pahalagahan at ingatan na para bang ito ay kayamanan. Ituring na ang bawat araw ay ang huling pagkakataon upang maipadama ang pagmamahal at masabi ang nararamdaman sa iyong minamahal.
SA PILIPINO NG PAARALANG SEKUNDARYA NG STA. LUCIA
Sa lungsod ng Quezon, ang "isip-bata" o "mag-isip na parang bata" ay isang katawagan na tiningnan na may negatibong pananaw na nagpapahiwatig ng kawalang-gulang, pagiging ignorangte at walang karanasan. Ito ang dahilan kung bakit naghikayat ang Tang ng malaya at malikhaing pag-iisip sa programang Tang ‘Yan Ang Isip-Bata’ Kidnovator Camp, na nagpapalakas ng kilusan upang pangalagaan ang mga bata at ihanda sila para sa isang mas magandang kinabukasan. Ito ay tatlong araw na kaganapan na naganap sa Novotel, Araneta City, Cubao, mula ika-30 ng Setyembre hanggang ika-7 ng Oktubre, 2023.
Sa pakikilahok ng mga batang imbentor naipakita nila ang kanilang mga malikhaing ideya at napatunayan na kaya nilang gumawa ng mga imbensyon mula sa kanilang mga imahinasyon kahit sa murang edad. Kasama dito ang mga mag-aaral mula paaralang sekondarya ng Sta. Lucia mula sa dalawang klase sa ikapitong baitang, 7-Wisdom, at 7-Benevolence, na handang ipakita ang kanilang katalinuhan sa intelektwal.
Hinati sa mga grupo ang mga batang kalahok at ang bawat isa ay binubuo ng apat na miyembro. Kinailangan nilang makabuo ng mga malikhaing paraan upang magamit ang kanillang powdered drink, Tang pack, at ang sumunod ay mga kamangha-manghang imbensyon mula sa imahinasyon ng mga imbentor na nakakuha ng atensyon ng lahat ng nakakita sa kanila.
Ilan sa mga imbensyon na nagnakaw pansin
ay ang "Project Tanglaw" na ginawaran bilang Grand Winner na pinangunahan nina Jasmine Gimoro, Jeanine Faith Refran, Jindrich Queen Naomi Bernage, at John Raine Pablo.
Ito ay isang rebolusyonaryong lampara na pinapagana ng tubig-alat, magnesium, at carbon. Hindi lamang ito nagbibigay ng napapanatiling pag-iilaw ngunit nagpapakita rin ng potensyal sa paggamit ng mga likas na yaman para sa pang-araw-araw na pangangailangan. Ibinigay naman ang 1st Runner up sa "MUST (Multi Use Super Turbine)", nina Jaeden Grant Beraquit, Philip Miguel Madelo, Shaina
| Christine
Joy PatosNababahala si dating Senate President Franklin M. Drilon sa patuloy na paglala ng malnutrisyon sa mga batang Pinoy, kaya't pinangunahan niya ang 'Mingo Meals for Nutrition Program' sa Calinog, Iloilo. Ang programa ay layuning mapabuti ang kalagayan ng mga kabataan.
Si Drilon ay nakalikom ng P3.6 milyon na donasyon mula sa pribadong sektor, na gagamitin para pakainin ang halos 500 na mga bata sa isang buong taon. Ang unang batch ng mga makikinabang ay ang mga miyembro ng katutubong komunidad sa bundok ng Calinog sa Iloilo, na may kakulangan sa timbang at nagdaranas ng pagkabansot. Ang 'Mingo Meals for Nutrition Program,' isang kooperasyon ng pribadong sektor, ay naglalayon na suportahan ang nutrisyon ng mga bata upang labanan ang malnutrisyon, ayon kay Drilon. Nais niyang palakasin ang kalusugan ng mga batang ito sa mga mahirap na
komunidad.
Naging posible ang proyektong ito dahil sa tulong ng Daewoo Philippines at dedikasyon ng Negrense Volunteers for Change. Ayon kay Drilon, ang malnutrisyon sa bansa ay nasa nakababahalang antas, at kailangan ng agarang aksyon.
Sinasabi ng World Bank na ang malnutrisyon ay isang malubhang problema sa bansa sa loob ng halos 30 taon. Isa sa bawat tatlong Filipino na batang 5 taon pababa ay nagdurusa mula sa pagkabansot,
Walking Pneumonia: Ano nga ba ang sanhi sa kalusugan?
na. Mayroon pang lunas para rito at malaking porsyento
ng dibdib. Maliban riyan nagbibigay rin ito ng kapaguran. Maaring gumaling ang taong tinamaan ng
pulmonya sa loob lamang ng 10 araw, ayon sa Department of Health (DOH). Sinabi ng DOH Secretary Ted Hermosa na walang outbreak ng walking pneumonia sa bansa. Hindi ito bagong sakit o bagong uri kundi ito ay "common"
| Richlind VallenteBuwan ang siyang katuwang sa malimlim na gabi at isang kaibigang taglay ang mahiwagang kagandahan. Tila matagal na ng dumating sa mundo ang buwan na pinaniniwalaang isang dahilan sa nagbigay buhay sa atin. Magpasahanggang ngayon ay isa itong mahalagang instrumento upang maging maayos ang daloy ng ating buhay. Ang bagong aklat na "Our moon" ni Rebecca Boyle ay nagbibigay halaga sa naging papel ng buwan sa paghubog ng mundo na ating kinabibilangan. Sa simula pa lamang, ipinapangako ni Boyle na mapapaalam niya ang mga mambabasa sa mga epekto ng buwan, sa mga biolohikal at espiritwal na aspeto. Sa loob ng halos 300 pahina, ito ay matagumpay na natupad niya.
Dahil maraming iba't ibang paksa ang dapat talakayin, hinati niya ang aklat sa tatlong seksyon: ang pagbuo ng buwan, ang kultural na epekto nito, at kung paano binago ng modernong lipunan ang tingin sa buwan. Sa halip na sumunod sa isang striktong kronolohiya, lumalakad si Boyle sa ilalim ng tatlong malawak na payong ito.
Kabilang sa paksang natalakay sa nasabing libro ang misyon ng apollo na nagdala sa mga tao sa ibabaw ng buwan. Ang aklat ay paniguradong magugustuhan ng mga geologists, mga taga hanga ng buwan at casual na mambabasa. Halimbawa,
isinama ni Boyle ang bagong pananaliksik sa pagkabuo ng buwan 4.5 bilyong taon ang nakakalipas at ebidensiya nitong maaring nakalibing sa kalooban ng ating mundo. At sa kabila mg sinasabi ng mga larawan ng Apollo, nagliliwanag ng iba't-ibang kulay ang ibabaw ng buwan saad ng mga astronauts. “The Moon was not gray, but a landscape flecked with color,” isinulat ni Boyle . “Analysis of the Moon rocks has since found volcanic glass in every color of the spectrum", dagdag pa nito.
Ang buwan ay responsable sa penomenang high at low tide na pumilit sa laman dagat nating ninuno upang manirahan sa lupa. Ang mga kakayahang huminga sa hangin o mag-develop ng mga binti para sa paglalakad ay naging mga sinaunang tao na nasa lupa. Ilang milyong taong makalipas, nakatulong naman ang siklo ng pag alis at pagbabalik ng buwan upang maunawan ng ating ninuno ang konsepto gaya ng “becoming, birth, vanishing, death, resurrection, renewal, and eternity.”
Ito rin ang naging sentro ng kanilang kalendaryo upang malaman ang tamang panahon para mangaso, mag ani at magkaroon ng seremonya na bumubuo sa paniniwala at kultura ng isang komunidad. Ang buwan rin ang dahilan ng hindi pag-alis ng mundo sa sarili nitong axis dahil sa kabigatan. Naiwasan ng buwan na mapunta sa ibat-ibang lugar at magkaroon ng matinding pagbabago sa klima sa milyon-milyong
taon ang mundo. Ang buwan rin ang nagsilbing inspirasyon sa unang mga relihiyon, at ang pagaaral dito ay nagbunga ng unang siyensiya. Iniulat ni Boyle ang isang impresibong dami ng impormasyon. Ngunit sa halip na magtapon ng mga detalye sa mambabasa, inilalagay niya ang mga ito sa imahinadong mga karanasan ng isang bisita sa buwan. Ang resulta ay isang makulay na paglalakbay na ginagawang biswal ang mga sensasyon ng buwan, mula sa amoy nito hanggang sa hay fever na maaari mong makuha mula sa pakikisamok sa nakakairitang alikabok ng buwan. Ang mga unang tao ay dinala ang malayong buwan pababa sa lupa sa pamamagitan ng pagmamasid at sining. Ngayon, ipinupunta naman ni Boyle ang mga mambabasa sa buwan. Isa sa nabanggit na gamit ng buwan ay bilang kalendaryo. Naunawaan ng Stone Age Scots, Mesopotamians at Native Americans ang kapangyarihan ng lunar cycle, at nagtayo sila ng mga monumento upang subaybayan ang paglalakbay ng buwan sa kalangitan. Ngunit noong mga 45 B.C., si Julius Caesar ay nagdisenyo ng isang kalendaryo na nagpatalsik sa buwan mula sa mga tungkulin nito. Ngayon, karamihan ay tinitingnan ang araw bilang ating pang-araw-araw na orasan. Sa kasalukuyan, narito tayo sa isa pang sandali kung saan maaaring lalo pang bumaba ang paggalang at pakikisama sa buwan. Sa lalong
madaling panahon, babalik ang mga astronauts doon, kasama ang United State, China, at iba pang mga bansa upang magsuri ng lugar na pagtatambakan. Sa halip na ito ay maging pagsisikap para sa kabutihan ng buong sangkatauhan, ang mga pagtuklas na ito ay malamang na maging isang pambansang karera para sa agham na lupa, babala ni Boyle. Ang ating langit na kapitbahay ay itinuturing din bilang isang minahan, isang basurahan, isang pampasadahan para sa malalim na paglalakbay sa kalawakan, o isang destinasyon para sa pagtatatag ng pamayanan. Nangangamba siya na ang buwan ay maaaring mapunta sa mapanakamakapangyarihang batas ng kapitalismo.
Gayunpaman, ang buwan
pang target
Isang kamakailang pag-aaral ng mga eksperto mula sa University of the Philippines-Diliman College of Science's Institute of Environmental Science and Meteorology (UPD-CS IESM) ay nagpapakita ng agaran at pangmatagalang epekto ng climate change sa bansa, lalo na sa pagtaas at ang pagiging mas mapanganib ng mga bagyo.
Sa isang pag-aaral na inilathala noong Disyembre 16, 2023, natuklasan nina Dr. Rafaela Jane Delfino at Dr. Gerry Bagtasa, inihambing ang tatlong pinakanakamamatay na super typhoon sa kamakailang kasaysayan— tulad ng Haiyan o Yolanda noong 2013, Bopha o Pablo noong 2012, at Mangkhut o Ompong noong 2018— na ang mga bagyong maaaring tumama sa Pilipinas sa hinaharap ay may mas mataas na "cyclone damage potential" (CDP) kaysa sa naranasan natin kamakailan.
Ang panukat na tinatawag na "cyclone damage potential" (CDP) ay ginamit ng mga siyentipiko upang tukuyin ang potensyal na pinsala na maaaring idulot ng mga bagyo, batay sa kanilang laki at bilis ng hangin. Sa pag-aaral, ang mga eksperto ay nagtipon ng data mula sa mga nakaraang bagyo at isinama ang mga ito sa mga sitwasyon sa klima sa hinaharap.
Ang mga resulta ng kanilang simulasyon ay nagpapakita ng posibilidad na ang mga bagyong katulad ng Yolanda at Ompong sa hinaharap ay magiging mas mapaminsala at mapanganib. Sa isang projection, ipinakita na ang maximum na hangin ng isang bagyo ay maaaring umabot ng 37 porsiyento mas mataas kaysa sa orihinal na Yolanda noong 2013. Sa isa pang simulasyon ay nagpapakita na maaaring umabot sa 270 kilometro bawat oras ang maximum na bilis ng hangin sa hinaharap kumpara sa 205 kph sa kasalukuyan.
Higit pa, ang mga pag-aaral ay nagpapakita rin ng posibleng pagtaas ng maximum na bilis ng hangin sa 50 kilometro bawat oras para sa mga darating na bagyo, na nagpapalakas sa pangangamba sa kaligtasan ng mamamayan at imprastruktura.
Nagbibigay-diin ang mga resultang nakalap sa kahalagahan ng agarang pagkilos sa klima at paghahanda sa mga epekto ng climate change. “Tropical cyclones of such intensity and damage potential in the future will have serious implications with the increasing exposure and vulnerability in the Philippines,” sabi ng mga mananaliksik.
Sa gitna ng patuloy na pagbabago ng klima, mahalaga ang agarang pagkilos at pagtutok sa mga hakbang upang mapangalagaan ang bansa laban sa mga hamon ng mas mapaminsalang mga bagyo at iba pang epekto ng climate change.
larawan mula sa: https://www.researchgate.net/figure/Tachyzoites-of-Toxoplasma-gondii-Source-internet-images_fig1_324795202
| Christine Joy PatosAng ulam o putahe sa ating hapag-kainan ay nagbibigay enerhiya para sa produktibong araw na ating haharapin. Gayun rin ang proteksiyon sa anumang sakit. Sa ating lokal na pamilihan madalas na nakukuha ang sangkap para rito, isang malinis na lugar at bahagi na ng ating komunidad. Ngunit hindi porket nakuha natin ang ating sangkap sa maayos na kapaligiran ay maituturing na itong malinis.
maaring sila ay maging isa sa mga malalang kaso. Kailangan nating maging maingat sa paghanda ng ating pagkain upang maiwasan ang pagkakaroon ng parasito. Sa pamamagitan
Nahaharap sa isang pertussis outbreak ang Quezon City, isang nakababahalang pangyayari na nangangailangan ng agarang atensyon mula sa mga awtoridad para sa komunidad. Sa deklarasyon ni Mayor Joy Belmonte ay binibigyang-diin ang kalubhaan ng sitwasyon, dahil 23 na kaso na ang naiulat nitong ika-20 ng Marso, na may kalunus-lunos na pagkawala ng buhay ng apat na sanggol.
"As of March 20 this year, we already recorded 23 cases of pertussis. What is more heartbreaking is this acute infectious disease has claimed the lives of four babies,” ani niya.
Ang pertussis, na tinatawag rin bilang whooping cough, ay isang nakakahawang impeksyon sa paghinga na dulot ng isang bacterium na Bordetella pertussis.
Bagama't kahit sino ay maaaring magkaroon ng sakit, ang mga bata na limang taong gulang pababa ay mas madaling kapitan ng pertussis, lalo na kung hindi sila nakatanggap ng pagbabakuna at may mababang immunity.
Kapag ang isang nahawaang tao ay umubo o humatsing ay nakalantad ang mikrobyo sa ibang tao at ang sakit ay maaaring kumalat. Pito hanggang sampung araw pagkatapos ng pagkakalantad, nagdudulot ito ng mga sintomas na tulad ng trangkaso, lagnat, sipon, at ubo na nagiging makikilalang whooping cough.
Nakaaalarma naman ang muling pagdami ng mga kaso sa Quezon City, lalo na't hindi isang bihirang pangyayari ang pagdami ng mga impeksyon sa buong bansa; ang Department of Health ay nagulat noong Huwebes, March 21 ng nakakagulat na 453 kaso sa unang 10 linggo ng 2024, isang malaking kaibahan sa 23 kaso lamang sa parehong panahon noong 2023.
Kailangan nating agarang tugunan ang isyung ito at tiyakin na ang mga programa sa pagbabakuna ay aktibo at accessible sa lahat. Dapat gumawa ng maagap na mga hakbang upang makontrol ang pagkalat ng pertussis disease at maiwasan ang mga karagdagang trahedya.
Iniuugnay ng Ministry of Health ang pagtaas
ng mga kaso sa mga pagkagambala sa mga nakagawiang pagbabakuna sa mga primary health care center sa panahon ng pandemya ng COVID 19. Iniugnay ng DOH ang pagtaas ng mga kaso sa mga pagkagambala sa regular na pagbabakuna sa mga primary care center sa panahon ng pandemya ng COVID-19. Ang mga Awareness campaigns ay dapat palakasin upang turuan ang mga komunidad tungkol sa kahalagahan ng pagbabakuna at maagang pagtuklas ng mga sintomas. Ang mga health facilities ay dapat na mabilis na masuri at magamot ang mga kaso habang tinitiyak ang pagkakaroon ng bakuna para sa mga nangangailangan nito.
Sa pamamagitan ng pagbibigay priyoridad sa pagbabakuna at pagkilos nang sama-sama, maaaring itigil ang epidemyang ito at protektahan ang mga pinaka-mahina. Huwag nating hintayin na mas maraming buhay ang mawawala bago tayo kumilos. Ang oras para kumilos ay ngayon.
Nakararanas tayo ngayon ng mga senyales na magiging isa sa pinakamainit na taon sa ating kasaysayan ang taong 2024. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang epekto ng El Niño ang pangunahing dahilan sa pag-init ng panahon.
Sa panayam ni Department of Science and Technology (DOST) - PAGASA Assistant Weather Services Chief at Climate Monitoring and Prediction Section Chief na si Ana Liza Solis sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag niya na maaaring isa sa mga pinakamainit na taon sa ating rekord ang 2024. Sinabi ni Solis na patuloy pa rin ang epekto ng El Niño sa ating bansa, at may posibilidad na ang mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo, o ang tinatawag na mainit o tuyong panahon, ay maging isa sa pinakamainit na taon sa ating kasaysayan. Ayon kay Solis, sa mga taon ng El Niño, karaniwan nating naitatala ang pinakamainit na temperatura. At ayon pa sa prediksyon ng PAGASA, mas maaaring uminit ang temperatura sa mga buwang ito. Samantala, habang binabantayan ng PAGASA ang epekto ng El Niño, sinabi ni Solis na maaaring mas mababa sa karaniwan ang bilang ng mga bagyong papasok sa bansa ngayong taon. Mula sa 13 hanggang 19 na bagyo ang maaaring maranasan natin, at dahil sa patuloy na epekto ng El Niño, inaasahan na lamang ang dalawa hanggang limang bagyo mula Enero hanggang Hunyo. Subalit sa Hulyo hanggang Disyembre, maaaring tumaas ang
bilang ng mga bagyo, umaabot sa 11 hanggang 14. Samantala, inaasahan pa rin ng PAGASA na magsisimula ang tag-ulan sa ikalawang kalahati ng Mayo hanggang sa unang kalahati ng Hunyo.
Kaya naman hinihikayat ng ahensya ang publiko na maghanda para sa El Niño, tulad ng pagtitipid sa tubig at kuryente, at pag-iingat sa kalusugan sa mga mas mainit na temperatura. Binanggit din ng weather bureau na posibleng maranasan ang meteorological dry spell o tagtuyot sa Metro Manila sa susunod na buwan. At sa ibang bahagi ng bansa, tulad ng Cagayan Valley Region, maaaring lumampas pa sa 40 degree Celsius ang temperatura. Ayon kay Solis, maaaring magkaroon ng reduksyon sa pag-ulan sa Metro Manila mula 21 hanggang 60 porsiyento sa loob ng tatlong hanggang limang sunod-sunod na buwan. Sa kabuuan, ang mga datos at prediksyon ng PAGASA ay nagpapakita ng pangangailangan na paghandaan natin ang posibleng epekto ng El Niño sa ating bansa. Sa pagiging handa at pagtutulungan ng bawat isa, mas mapag-iingat tayo sa mga hamon ng klima at maaaring mapanatili ang kaligtasan at kagalingan ng ating mga komunidad.
https://en.wikipedia.org/wiki/Whooping_cough
| Richlind Vallente
Isa sa pinakatanyag na inumin sa buong mundo ay ang mineral o bottled water. Makikita ito kahit saan katulad ng tindahan, supermarket, convenience store, grocery, botika, water station, mga bus at jeepney terminal, restawran, food court at karinderya. Nagkakahalaga ito ng ₱15-25 samantalang ang tap water ay ₱1.75 lamang bawat litro. Nakasisiguro ka ba sa iyong inumin? Ayon sa research, ang bote ay nagdudulot ng nakakalasong kemikal na maaring makakaapekto sa kalusugan ng mga tao. Isa rito ang bisphenol A o BPA na maaring dumaloy sa dugo at makakapagdulot ng iba't ibang uri sakit sa katawan. Dagdag pa sa pagpapaliwanag ng survey, 30% lamang ang narerecycle at 70% ang nagsisilbing basura. Sa ilang mga refilling station ay hindi nakasisiguro kung ligtas ba ang kanilang ginagamit na tubig dahil sa mga chemical nito. Ginagamitan ng mga
chemical upang mas maging malinis ang tubig. Samantalang ang tubig na lumalabas sa gripo o tinatawag na TAP WATER ay mas napagtutukan ng mga investigator at ligtas na inumin kaysa sa bottled water na nabibili sa mga tindahan. Bakit? Dahil dumadaan ito sa istriktong pagsusuri o lisensyadong water laboratory test bago pa man ipinamahagi. Ginagamitan ng Calcium Hypochlorite na naayon sa Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW).
Ang lahat ng ito ay batay sa pananaliksik at survey lamang. Ito ay napatunayan na walang masamang epekto ang pag-inom ng tubig na galing sa gripo. Ayon din ng mga netizens, mas nakatitipid ito kaysa sa pagbili ng mineral water sa refilling station na nagkakahalaga ng 15-25 pesos. Kaya ano sa palagay niyo, Tap Water o Mineral Water? Isiping mabuti!
“Laman-Dagat pwedeng ikapahamak”| Yesha M. Bautista
Isa ka bang gen-z na mahilig pumunta at maligo sa dagat? Alam mo bang ang karagatan ay maari mong ikapahamak kapag nakakain ka ng mga pagkaing apektado ng red tide? Ano nga ba ang red tide? Ang red tide ay isang hindi pang karaniwang pangyayari na dulot ng pagtubo at pamumulaklak ng mga lumot sa karagatan kung saan ang mga algae o lumot ay nagiging napakarami kaya nababawasan ang kulay ng mga tubig sa baybayin kaya tinawag na “red tide”. Ang pagtubo ng mga lumot na ito ay maaari ring makapagdulot ng pagkaubos ng oxygen at maglabas ng mga lason na maaring makapahamak at magdulot ng sakit sa mga hayop lalo na sa mga tao. Ano nga ba ang masamang epekto nito? Maaaring mamamatay o may dalang sakit ang mga isda na kapag naibenta sa
pamilihan o nakain ay maaaring magkaron tayo ng sakit. Ayon sa Department of Health, delikado at maaaring ikamatay ang pagkain ng mga lamang-dagat na apektado ng red tide. “Red tide poisoning is a life-threatening syndrome associated with eating contaminated shellfish” – DOH. Maaari itong makuha mula sa red tide microorganisms na makikita sa ilang tahong, talaba at halaan. Ang lason ng red tide ay nakukuha mula sa pagkain ng mga apektadong tahong, talaba, tulya, halaan, at iba pang laman dagat na nasa kabibe o shell. Ang pagkakalasong ito ay nagdudulot ng panganib sa buhay na maaaring maranasan sa loob lamang ng 12 oras mula sa pagkakakain ng kontaminadong lamang-dagat. Ang pagdami ng organismong nagdudulot ng red tide ay nagaganap sa maraming lugar sa mundo kabilang na ang Pilipinas.
Ang red tide ay maaring ikapahamak at magdulot ng hindi maganda sa kalusugan ng mga tao at mga hayop isa sa mga puwedeng makalason sa iyo ay mga tahong at iba pangpagkain na apektado
sports ito. Kill them with success and bury them with a smile," ani ni Kaz Pascual.
Namayagpag si Nelwin Antofina matapos masukbit ang ikapitong pwesto laban sa ibat ibang paraalan sa Chess Division Meet 2024 na ginanap sa P. Bernardo Elementary School Cubao, noong February 16-17, 2024.
Pinatunayan ni Antofina ang kaniyang husay sa pag-aanalisa matapos sugpuin ang iba't ibang paaralan upang makuha ang inaasam na panalo.
Hindi nagpahuli ang kasama sa mga lumahok na sina Yesha Bautista (Top 16) Lorenz Andrei Claus (Top 30) at Jelyn Mae Somalinog (Top 32).
Determinado ang mga lumahok na makakamit ng mataas na pwesto dahil bukod sa pinaghandaan nila ito ay pinagiisipan nilang maigi ang bawat piyesang kanilang gagalawin.
Isa rin sa paghahandang kanilang ginawa ay ang pagsasanay araw-araw upang mas lalong mahasa ang kanilang mga
kakayahan sa chess at mas lalong tumalas ang kanilang mga isipan upang maigalaw nang tama ang bawat piyesa.
"Pagdarasal at consistent training, analyzing game and watching videos about chess", pahayag ni Antofina. Ito ang naging susi sa pagkamit ng kanyang tagumpay. Nakakamit man ng mataas na pwesto si Antofina, para sa kanya ay may kailangan pang paghusayan upang masungkit ang mas mataas na pwesto. "Sa laro ko ingame, more on analayzing, more focus ang kailangan" ani Antofina.
Bigo mang makapagtamo ng mas mataas na pwesto, nanatiling determinando at nagsilbing inspirasyon ito para sa kanila upang mas lalong magpursigi. Ayon nga kay Lorenz Andrei Claus (Grade 10 Chess Representative), "chess is just like life, sometimes we win or lose, and also to win in our life we need to think the best moves."
Sa dinami dami ng mga medalyang naiuuwi ng bawat atleta sa ating bansa ay ang ikinakaharap nilang kakulangan ng suporta mula sa gobyerno. Ngunit upang mas lalong palakasin at matugunan ang suportang kanilang hinihiling paano nga ba ito papaigtingin?
Hindi matatawaran ang sakripisyong ibinubuhos ng mga pilipinong atleta na nagbibigay karangalan sa ating bansa. Ang husay at determinasyon na kanilang ibinibigay ay nararapat bigyang pansin at bigyang suporta upang mas lalong magkaroon ng magandang resulta. Kung pakikinggan ang boses ng mga atleta tungkol sa kanilang mga pangangailangan at mga naging kakulangan ng pamahalaan ay tiyak na mas aani ng tagumpay ang mga ipinagmamalaki ng ating bansa.
Marami sa ating mga atleta ang humihingi ng tulong at suporta dahil sa kaakibat ng paghihirap at determinasyon na kanilang ipinapakita ay hindi mapantayan ng kakiting na halaga ng allowance ang pangangailangan nila.
Umamin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sya ay nahihiya dahil sa kakulangan ng suporta ng gobyerno sa mga atleta, maging sa kanilang mga taga sanay at pamilya. “Kung iniisip ko, sinasabi ko nga sa sarili ko, karamihan diyan hindi natin natulungan. Talagang kung saan-saan na lang kumukuha ng suporta, nakakahiya. Pero ganun pa rin ang resulta, ang ganda-ganda pa rin ng resulta, ang titibay pa rin. Nakaka-proud pa rin.” Pahayag ni pangulong marcos. Tunay na hindi magpapadaig ang ating mga atleta sa
kinakaharap na kakulangan sa suporta, maiuwi lamang ang mga medalya upang maibandera ang ating bansa. Tugon ni Pangulong Marcos ay nangako itong mas lalong paiigtingin ang suporta ng gobyerno para sa pagpapaunlad ng palakasan sa bansa. Sa kanyang pagsasalita sa welcome at awarding ceremony para sa mga medalist ng 19th Asian Games 2023, inihayag ng pangulo ang planong paglalagay ng mga modernong pasilidad para sa pag eensayo ng mga atleta. Sa pamamaraang ito ay magkakaroon ng sapat na lugar upang mag ensayo ang mga atleta.
Siguradong mabibigyan ng seguridad ang mga atletang nasusugatan sa pamamagitan ng pakikipagsundo ng PSC sa PAGCOR at sa iba pang ahensya upang palakasin ang medical scientific athlete services unit ng ating bansa.
Aniya rin plano ng pamahalaan na suportahan ang mga atleta lalo na ang Philippine team sa pamamagitan ng pagbibigay ng coaches,
| Marc Erasmus Mangalindan
Sa isang kahindik-hindik na pagbabago ng mga pangyayari, nagpahiwatig si Manny Pacquiao ng posibleng rematch kasama si Floyd Mayweather Jr. sa pagbisita sa Japan's Saitama Super Arena bilang bisita ng Rizin Fighting Federation noong Bagong Taon. Nagdulot ito ng mga spekulasyon tungkol sa matagal nang inaasahang pagpupulong sa kanilang laban noong 2015, na nananatiling ang pinakamayaman na laban sa boksing hanggang sa kasalukuyan. Ang paglabas ni Pacquiao ay nangyari nang direkta siyang hilingin ni Rizin CEO Nobuyuki Sakakibara na "mangyaring makipaglaban kay Floyd Mayweather" ngayong taon. hindi nag alinlangan si Pacquiao, tumango ito at nagpahayag siya na handa siya at pumayag, na nagpapahiwatig ng isang posibleng rematch na maaaring gumulat sa mundo ng boksing. sa kabila ng palitan, humingi ng paumanhin si Pacquiao para sa nakaraang pangako na labanan na hindi natupad. Nagpahayag siya ng pag-asa para sa isang malaking laban sa Japan sa susunod na taon, na nagpapakulay ng kuryusidad sa kung sino ang kanyang kalaban.
Sa kabila ng nakakagulat na pahayag, ipinahayag ni Pacquiao ang kanyang pananabik sa pagharap muli kay Mayweather. Pinasalamatan niya si Sakakibara at ang kanyang mga tagahanga para sa kanilang suporta, at pinahahalagahan ang kahalagahan ng kanyang ugnayan sa Rizin Fighting Federation at iba pang mga promosyon.
Ang kasiyahan sa mga salita ni Pacquiao ay nagpapakita ng tunay na pagnanais na bumalik sa ring
upang labanan ang kanyang datin karibal.Hanggang sa ngayon, walang opisyal na pahayag mula kay Floyd Mayweather tungkol sa posibilidad ng rematch, na nagpapabuntong-hininga sa mundo ng boksing sa kanyang tugon.
Ang pag-asa ng isang rematch sa pagitan ni Pacquiao at Mayweather ay nagpapabalik ng mga alaala sa kanilang pagkikita noong 2015, na ipinapanalo ni Mayweather sa pamamagitan ng unanimous decision.
Ang hindi tapos na kalikuan ng kanilang bangayan at ang kanilang pagnanais para sa pagbabawi ay nagpasigla sa mga spekulasyon tungkol sa posibleng mga maaaring maganap sa bagong kabanata.
Habang naghihintay sa sagot ni Mayweather, isinasaayos ni Pacquiao ang isang friendly match kasama ang Muay Thai superstar na si Buakaw Banchamek sa Abril ng taong ito.
Ang mga mahinhin na pahiwatig ni Manny Pacquiao tungkol sa rematch sa Japan kasama si Mayweather ay nagpakilig sa malaking kasiyahan sa komunidad ng boksing.
Ang posibleng banggaan sa pagitan ng dalawang higante, na nag-aalok ng pinakamayamang laban sa kasaysayan ng boksing, ay maaaring magbalik sa larangan.
Habang nangungulila ang mga tagahanga sa karagdagang mga kaganapan, ang nakasisilaw na pag-asa ng isang Pacquiao-Mayweather sequel ay patuloy na namumuno sa mga usapan sa mundo ng mga kombateng palakasan.
trainers,nutritionists at drivers na higit na makakatulong sa mga manlalaro na mas lalo pang paigtingin ang kanilang galing sa kanilang mga napiling larangan.
At upang tuluyang makamit ang ganitong layunin, ayon sa pangulo na ang Philippine Sports Commission (PSC) ay magpapatupad ng Five-Year Sports Development Plan para sa 2023 hanggang 2028, upang matugunan ang matagal nang
alalahanin ng mga atletang Pilipino sa pamamagitan ng paghikayat sa pakikilahok sa lahat ng antas ng pamahalaan at pribadong sektor. Naturingang bingi ang gobyerno sa mga hinahing ng mga atletang Pilipino at bulag sa katotohanang hindi sapat na nasusuportahan ang mga ito. Bagkus ang nakikita lamang ay ang kanilang mga naiiuwing tropeo. Hindi makakamit ng bawat atletang Pilipino ang kanilang mga panalo kung hindi dahil sa kanilang determinasyon sa pageensayo. Kung patuloy na walang imik ay mananatiling mahina ang ating mga pambato. Mas mararamdaman ng bawat atleta ang suporta ng gobyerno kung may pagbabagong magaganap sa paglalaan ng pera para sa mga atletang Pilipino at mas lalong makakalikha ng mga mahuhusay at talentadong atleta ang ating bansa na siguradong maiuuwi ang bawat panalo.
Dismaya man ang sumalubong hindi parin nawalan ng pag asa ang ang Sta. Lucia Highschool volleyball team
25-20,25-23 sa Volleyball Division meet 2024 sa Judge Juan Luna High School, February 10, 2024.
Nangunang magpakitang gilas upang makakuha ng puntos ang slhs team matapos magbitaw ng dumadausdos na spike.
Hindi nagpalamang ang kalabang koponan matapos tibayan ang depensang kinakailangan upang malamangan ang Slhs team.
Bumitaw ng di mapapantayang spike ang Slhs team upang masubukang mapantayan ang umaabanteng puntos ng kalaban.
Humina ang depensa ng SLHS team sa kalagitnaan ng nagiinig na laban.
"Ang naging kakulangan namin sa paglalaro kaya kami natalo ay Yung depensa, nahihirapang mahatid yung bola sa setter kaya nahihirapan ding gumawa ng play."Ani ni Jhay-em cuales.
Sa second Set, nangunang sumibak ng puntos ang Slhs team sa kagustuhang makawit ang panalo nang mag sunod sunod ang errors na nagmitsa ng pagkadikit ng laban.
"kasi dikit lang yung laban tapos kinabahan lang sila nung naglastpoint yung kalaban siguro dapat nagtiwala sila sa kakayanan nila na kaya pang lumaban time na yun, bumitaw kasi sila agad" Ani ng kanilang team captain jeonne sumalpong. Kinuha ito bilang pagkakataon ng SLHS team upang humaltak ng mga puntos upang tuluyang magahis ang SLHS team.
Sa kabila ng pagkatalo, nais ng SLHS Volleyball team na muling maibawi ang panalo mula sa LHS team, hindi man sila ang magiging dahilan ng pagbawi nito nais nilang gawing intrumento ang next batch na ilalaban sa susunod na volleyball division meet.
Hindi pinabayaan ng SLHS ang kanilang pinakitang husay noong nakaraang
Division Meet kung saan humakot sila ng pitong medalya at nakapasok sa NCR Meet.
Naguwi ang SLHS ng apat na medalya, dalawang gold, isang silver, at isang bronze sa Kyorugi (Sparring) Event sa tulong ng kanilang
Coach na si G. Jhon Mark M. Malamig at Coach, Gng. Gemma Lyn B. Gordo.
“Consistent training 3 times a week sa loob at labas ng paaralan. Ginawa naman nila ung best nila, pinakita naman nila yung improvements,” ani ni Coach, Jhon Mark Malamig.
Dinagdagan ng isa at ginawang dalawa ng SLHS ang kanilang NCR Qualifiers kasunod ng kanilang kauna-unahan at nag-iisang taekwondo player na umapak sa Regional level noong nakaraang taon na si Carl Daniel Juanta.
Sumunod sa yapak na ito si Jester Neil U. de Chavez mula sa baitang walo na sumungkit ng gintong medalya at umabante para sa NCR Qualifiers.
Humakbang din sa NCR Qualifiers si
Daphnhelie Ong mula sa baitang siyam na nagbulsa rin ng gintong medalya.
Kumubra rin si Tammy Jane Mojares ng baitang sampu ng pilak na medalya.
Hindi naman nagpaawat si Nathalie Faith
Dela Cruz ng baitang sampu at pumuslit pa ng tansong medalya.
Ayon naman kay Dela Cruz, naging motibasyon niya ang coach nila noong nakalipas na taon na si Coach Matt.
“Yung naging motivation ko is si coach matt na naging coach namin since 2022,” saad ni Nathalie Dela Cruz.
Sa kabilang dako naman ay alam na ni Coach, Jhon Mark Malamig ang kailangan pagtuunan ng pansin para mas lalong humusay ang kaniyang mga players.
“Skilled na naman sila, simula elementary lumalaban na sila. Polishing of skills and motivation nalang ang need iimprove,” pahayag ni Coach, Jhon Mark Malamig.