
1 minute read
Mabini Colleges, may 97.22% passing rate sa 2022 PNLE
Ni: Clark James N. Abihay
Matapos isagawa ang Philippines Nursing Licensure Examination (PNLE) sa testing centers ng National Capital Region (NCR), Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legaspi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga noong nakaraang Nobyembre 12-13, 2022, inilabas na ang resulta para sa naganap na PNLE noong ika-29 ng Nobyembre, taong 2022.
Advertisement
Nakamit ng College of Nursing and Midwifery ng Mabini Colleges ang 97.22% passing rate kung saan 35 mag-aaral ang nakapasa at ngayon ay mga rehistradong nars na.
Pinangunahan ang nasabing pagsusuri ni Board of Nursing Chairman Carmelita C. Divinagracia, Merle L. Salvani, Zenaida C. Gagno, Leah Primitiva S. Paquiz, Marylou B. Ong, at Elizabeth C. Lagrito.
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) sa loob ng 24,903 na mga nag-exam, 18,529 (74.40%) ang mga nakapasa.
Nanguna sa listahan ng mga nakapasa si Abigail Garganta Ramirez na galing sa Saint Paul University - Dumaguete na nakakamit ng 90.00% na resulta at sinundan ng 89.80% mula naman sa West Visayas State University La Paz.
Dagdag ng PRC, lahat ng mga matagumpay na nakapasa sa PNLE ay dapat na magregister at sign in sa Roster of Registered Professionals.