Ang
Libay
PARA SA KALIGTASAN. Tinalakay ni School Nurse Grace Refuncion, mula sa PCEHS ang tamang pangangalaga ng kalusugan ng mag-aaral bilang pagsasagawa ng CatchUp Friday noong ika-2 ng Pebrero, 2024 Kuha ni: Kurt Ganaden
Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Pasay City East High School TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - MAYO 2024
IWAS SAKIT Pangangalaga sa kalusugan, ibinida sa Catch-up > NI ELCY GONGAY Fridays Orientation
B
inigyang diin ni Nurse Mary Grace Refuncion, School Nurse ng Pasay City East High School (PCEHS) ang wastong pag-aalaga ng kabuuang pangkalasugan bilang pagsasagawa ng Catch-Up Fridays sa PCEHS na dinaluhan ng mga Grade 8 learners ng paaralan. Ginanap ang naturang implementasyon sa gymnasium ng paaralan sa ganap na ika-9 ng umaga na binuksan ni Gng. Penafrancia Canonoy, Mathematics Teacher ng paaralan.
Ayon kay Nurse Grace dapat laging mag hugas ng mga kamay lalo na kung laging nasa labas ng bahay at maraming hinahawakang mga bagay. “Syempre sa mga hinahawakan natin ‘di natin alam maraming mga bacteria dyan, kung ano ano pa naman hinahawakan natin kaya dapat after, tayo ay nag huhugas ng kamay” Ani Nurse Refuncion. Pinaalalahanan din ni Nurse Refuncion ang mga mag-aaral na palaging uminom ng vitamins bilang depensa sa mga viruses at sakit na maari nilang makuha.
“Dapat uminom tayo ng vitamins araw-araw upang ‘di tayo magkasakit, lalo na yung mga napupunta sa clinic natin, madalas masasakit ang ulo pati ‘yung katawan daw nila masakit” dagdag pa ni Nurse Refuncion. Gayundin, kasama sa itinuro ni Nurse Refuncion ang pagkakaroon ng 8 hanggang 10 oras na tulog, uminom ng maraming tubig, umiwas sa mga masasamang bisyo gaya ng pag-inom ng alak, maligo araw-araw, iwasang humiram ng mga gamit tulad ng suklay, ugaliing pagsuot ng tsinenals o sapatos,
mga nilalaman
Opinyon
Lathalain
Kumportableng pag-aaral, karapatan ng mga mag-aaral.
06
Agham
Isports
Nagsulat para Mamulat
ANSOCIETY
10
14
Silangan Archers, Hataw sa Unang Salang sa Division Meet
20
Punong Patnugot ng Ang Libay, Lumahok sa paglulunsad ng MATATAG Curriculum > NI LORENZ DELGADO AT HAILEY RATO
P
ormal na inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon noong Agosto 10, ang MATATAG Curriculum para sa mga Kinder hanggang Grade 10 (K to 10) sa ilalim ng K to 12 Program. Inilunsad ang MATATAG Agenda bilang bagong direksyon ng DepEd sa pagresolba sa mga hamon sa Basic Education.
KASAMA SA PAGTATAG. Dinaluhan ng patnugot ng Ang Libay at iba pang magaaral ng Pasay City East High School ang paglulunsad ng MATATAG Curriculum na ginanap noong ika-10 ng Agosto, 2023 Larawan mula sa: DepEd Philippines
Isa sa mga layunin sa MATATAG Curriculum ay ang “Makabansa.” Ayon kay Gng. Jocelyn Andaya, “Layunin ng makabansa na maikintal sa murang kaisipan ng mga magaaral ang malalim na pag-unawa sa sarili at kolektibong pagkakakilanlan bilang isang Pilipino na nakaugat sa kaniyang pagiging bahagi ng komunidad, bayan, lungsod, lalawigan at maging rehiyon.” Matapos ipaliwanag ni Gng. Andaya ang mga layunin ng MATATAG Curriculum, iniabot ni Bise Presidente Sara Duterte ang gabay ng MATATAG curriculum sa mga piling guro, magulang at magaaral. Mapalad ang mag-aaral at Punong Patnugot ng Ang Libay na si John Matthew Mendoza kasama ang iba pang mga guro
at mag-aaral ng Pasay City East High School na makiisa at maging bahagi ng nasabing paglulunsad. Ayon sa Bise Presidente “MATATAG, “Bansang Makabata, Batang Makabansa” meaning, DepEd’s programs and reforms are intentionally tailored to produce competent, job ready, active, responsible and patriotic citizens.” Ipinahayag ni Sec. Duterte ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa mga tumulong at sumuporta sa kaniya na gawing posible ang MATATAG curriculum para sa mga batang Pilipino. Sa panayam kay John Matthew Mendoza, Punong Patnugot ng Ang Libay na dumalo sa pagdiriwang, naging masaya at makabuluhan ang nasabing paglulungsad. Aniya, “Naging masaya, makabuluhan at makasaysayan yung paglulungsad dahil mapalad ako na maging parte nito. Isang karangalan din bilang mamamahayag ng aming paaralan ang makadaupang palad ang ating Bise Presidente at Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Hon. Sara Duterte. Nais ko pong pasalamatan ang SDO Pasay, dating punongguro ng aming paaralan na si Dr. Felina Patagan at SSLG Adviser na si Gng. Jocelyn Facelo sa pagpili sa akin na maging kinatawan ng Silangan at ng buong Batang Pilipino.”
takpan ang ilong at bibig sa tuwing babahing at marami pang iba. Kaugnay nito, kasabay ng Grade 8 students sa gymnasium ng paaralan, nakiisa rin ang mga grade 10 learners sa kani-kanilang mga silid-aralan upang magsagawa ng Catch-Up Friday bilang pagsunod sa implementasyon ng programang ito. Dagdag pa rito, ang naturang programa ay naglalayong maglaan sa mga mag-aaral ng kaalaman at bigyan sila ng pahinga upang mapangalagaan ang kanilang kabuuang kalusugan.
PCEHS, nag-uwi ng unang pwesto sa 42nd PCSPCC > NI ELCY GONGAY
M
atagumpay na nai-uwi ng Pasay City East High School (PCEHS) ang unang pwesto para sa pangkalahatang kategorya sa katatapos na 42nd Pasay City Schools Press Conference and Contest na may temang “The Role of Campus Journalism in Fostering DepEd MATATAG: Addressing Literacy, Characting a News Path” na ginanap sa Epifanio Delos Santos Elementary School nitong Enero 27, 2024. Nakamit ng PCEHS ang unang pwesto para sa Collaborative Desktop Publishing, Pagsulat ng Kolum, at Kartuning habang ikalawang pwesto sa Paguulo’t Pagwawasto ng Balita, ikatlong pwesto para sa Pagsulat ng Lathalain, at Pagsulat ng Balitang Isports, at ikaapat na pwesto naman para sa Pagsulat ng Editoryal, Pagsulat ng Balita, at Pagsulat ng Balitang Agham. Samantala, kapwa naman nag-uwi ng parangal ang Pasay City National High School na siyang kinilala bilang champion habang pumangalawa naman ang Pasay City South High School na nakakuha ng ikalawang pwesto sa pangkalahatang kategorya sa 42nd PCSPCC “In this field, there are no winners or losers, there are just learners” pahayag ni Gng. Imelda Boquiren, Educational Program Adviser na siya ring nagbukas ng programa sa DSPC. Kaugnay nito, ang patimpalak ay may 20 na kategorya, kasama ang pang grupo at indibidwal ng Pagsulat ng Balita, Pagsulat ng Balitang Isports, Pagsulat ng Balitang Agham, Pagsulat ng Lathalain, Pagsulat ng Editoryal, Pagkuha ng Larawan, Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita, Collaborative Desktop Publishing at Radio Broadcasting, sa Filipino at English. Dagdag pa rito, ang naturang patimpalak ay naglalayong linangin ang bawat talento ng mga batang manunulat at ito na rin ay magsisilbing panimula ng kanilang pagsabak sa tunay na buhay bilang mga mamamahayag.