Skip to main content

Ang Kamalayan┃Tomo 2 Isyu 1

Page 1


kamalayan

TOMO 2|ISYU 1

Agosto 2024-Enero 2025

ang

Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino

Dibisyon ng Lungsod Quezon, NCR

MATATAG curriculum, ikinasa na sa Baitang 7 sa PSMA

NI CLARIZE HEART PALAÑA

Ipinatupad na ng Department of Education (DepEd) sa buong bansa ang MATATAG Curriculum sa Kindergarten, Baitang 1, 4 at 7 ngayong Taong Panuruan 2024-2025 alinsunod sa DepEd Order No. 10, series of 2024. Ayon sa DO No. 10, nakaangkla ang bagong kurikulum sa “MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa” kung saan ay isinaayos ang mga kasanayang pampagkatuto ng bawat asignatura upang matiyak ang lohikal na pag-unlad gayundin ang pagbibigay-tuon sa mga 21st century skills habang pinapabuti ang foundational at numeracy skills upang maging handa ang mga mag-aaral sa oras na sila ay naghahanapbuhay na. (sundan sa pahina 3)

NAKIKIPAGKARERA SA HAMON

Sektor ng edukasyon, kulang pa rin sa pamumuhunan

PAyon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), ang Pilipinas ay naglalaan ng 3.6% ng Gross Domestic Product (GDP) nito na mas mababa sa 6% na itinakda na international standard dahilan bakit hindi sumasapat ang pondo para sa edukasyon lalo na ngayong mas

malala ang mga nagdaang hamon ng T.P. 2024-2025. Kabilang dito ang pagarangkada ng MATATAG curriculum sa ilalim ng DepEd Order no. 10 series of 2024 na inilunsad noong Agosto 2023 ng nagbitiw na kalihim ng DepEd na si Bise Presidente Sara Duterte. Kalakip nito ang 45 minutong

alokasyon sa pagkatuto at pagtuturo, National Reading Program (NRP), National Mathematics Program (NMP), at Catch-Up Friday (CUF) na naglalayon umanong paunlarin ang kakayahan ng kabataan sa pag-iisip, agham at teknolohiya, at matematika.

Kaugnay nito, matatandaang inanunsyo rin ng DepEd ang pagbawas ng 15 araw sa school calendar sa ilalim ng DO no. 009,

ipagpatuloy sa pahina 02

TANGKILIKIN.

Isa si Mark Justine Perocillo sa mahigit

1,500

Pinagtagpi-tagping

Populasyon ng SHS sa PSMA, patataasin

mabot sa 1,504 ang populasyon ng mga mag-aaral para sa Taong Panuruan 2024-2025 sa Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) kung saan 1,010 ang estudyante sa Junior High School (JHS) habang 494 naman ang Senior High School (SHS) batay sa datos ng Registrar’s Office.

“What we are promoting right now is to promote the school to be known the Melchora Aquino High School, the Senior High School, because it is established originally to accommodate the Senior High School of Tandang Sora National High School, but with the statistics that we have, the number of the enrollment of Junior High School

NI MIEL DESIREE BUNNAO

outnumbered the Senior High School population.” pahayag ni Dr. Lorna C. Mendoza, Punongguro II Kaugnay nito, upang maparami ang bilang ng mga mag-aaral sa SHS ay palalakasin ang career guidance program, pagkakaroon ng mga bagong guro sa SHS na eksperto sa kanilang espesyalisasyon, at paghikayat ng paaralan sa iba pang mga karatig na JHS na paaralan tulad ng Tandang Sora National High School (TSNHS) at Sauyo High School (SHS) na sa PSMA piliing mag-aral.

Bagamat handa ang paaralan sa paglobo ng populasyon sa susunod pang mga taon, hangad ni Dr. Mendoza na mapanatili ang one-shift ng klase at isang silid-aralan sa bawat pangkat.

LATHALAIN PAHINA 8-9
AGTEK PAHINA 14
OPINYON PAHINA 5
MGA NILALAMAN
Habulan sa Silid-Aralan
Maskara, Nababalot ng Hiwaga
Saribuhay sa Salapi: Koneksyon ng Kalikasan at Pera
NI ANTOINE CLYDINE LICONG
Dannah Lei Mantilla
MelQuinian na patuloy na naniniwala sa kalidad ng edukasyon sa PSMA.
KUHA NI Francis Ladrillo

BALITA

PSMA, Overall Top Performing School sa Filipino sa CD6SSPC

2024

inatunayang muli ng mga delegado ng Ang Kamalayan, Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) ang kanilang kahusayan matapos dominahin ng 18 MelQuinian ang iba’t ibang indibidwal na kategorya sa idinaos na 2024 District VI Secondary Schools Press Conference sa Culiat High School (CHS) nito lamang Nobyembre 8-9.

Sa ikatlong taon, matagumpay nilang naiuwi ang parangal na Overall Champion sa Top Performing School (Filipino) matapos magkamit ng 131 puntos habang Overall 2nd Runner-Up Top Performing School para sa pinagsamang puntos ng English at Filipino na umabot sa 139 puntos.

NI CLARIZE HEART PALAÑA

Kaugnay nito, nakapasok din sa 2025 Division Secondary Schools Press Conference ang Tatak Sambayanan, ang opisyal na TV Broadcasting Team ng nabanggit na publikasyon matapos sungkitin ang Overall Champion at dominahin din ang iba pang special awards.

Pinarangalan din bilang 3rd Place ang Pahinang Balita ng Online Desktop Publishing Team.

Dumagdag sa listahan ng lumahok na paaralan ang FEUDiliman, Saint Anthony Academy of Quezon City, Apolonio Samson National High School at Talipapa National High School dahilan para ang dating walo lamang ay 12 na ngayong taon na siyang mas nagpahirap sa takbo ng patimpalak.

Indayaw MelQuinians, kampeon sa Street Dance Competition

atlong araw bago ang pasko ay matagumpay na iniuwi ng Indayaw MelQuinians ang kampeonato sa idinaos na MaSKulayan Ang Kahusayan: Street Dance Competition 2024 na inorganisa ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Tandang Sora. Layunin nito na ipagdiwang ng mga kabataan ng Brgy. Tandang Sora ang kanilang pagkamalikhain at talento sa pamamagitan ng pagsayaw habang binibigyang-diin ang mga pangaral at prinsipyong ipinakilala ng bayaning tinagurian bilang "Ina ng Katipunan" na si Tandang Sora. Pinangunahan ang

Sektor ng... mula sa p. 1

s. 2024 upang mapabilis ang pagbabalik ng old school calendar sa bansa.

Bunsod ito ng matinding init ng panahon na naramdaman sa bansa nitong buwan ng Abril at Mayo na nagresulta sa madalas na suspensyon ng face-to-face classes.

Samantala, mas naging hamon ito sa mga guro’t magaaral dahil mas minadali umano ang klase kung saan tila karera na ang pagtuturo at pag-aaral sa kanila.

Dagdag pa rito, hamon din sa edukasyon ang sunodsunod na suspensyon ng klase dulot ng mga

Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino

humagupit na bagyo gaya ng Bagyong Enteng, Bagyong Karina, Bagyong Leon, Bagyong Niña, Bagyong Odette, at Bagyong Pepito.

Sa kabila nito, nananatiling kulelat ang Pilipinas pagdating sa Programme for International Student Assessment (PISA) na kaunaunahang creative-thinking assessment sa ilalim ng Organization for Economic Cooperation and Development’s (OECD) PISA.

Matatandaang nag-rank 64 ang Pilipinas sa PISA 2022, pangalawa sa pinakahuli sa lahat ng bansang lumahok kung saan naka-14 na puntos lamang ang mga mag-aaral na may edad labing-lima.

Ipinapakita nito ang napakalaking agwat ng highest-performing at lowestperforming na bansa na may 28 na puntos.

Bilang aksyon ng DepEd, magpapadala umano sila ng kompyuter sa 200 schools sa buong bansa para sa susunod na PISA.

“The learning crisis should be a wake-up call for policy makers to abandon the business-as-usual approach and ensure that those who need assistance should have them,” paliwanag pa nina PIDS president Aniceto Orbeta Jr., visiting research fellow Vicente Paqueo, at consultant Mark Vincent Aranas.

Balik-alindog ng PSMA, sinisimulan na

aaliwalas na eskwela tungo sa mas progresibong MelQuinians.

Unti-unti nang sinisimulan ang kabuuang rehabilitasyon ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) ngayong Taong Panuruan 2024-2025 sa ilalim ng ikatlong Punongguro nito na si Dr. Lorna C. Mendoza na layuning bawasan ang suliraning kinakaharap ng PSMA kaugnay sa gusali at mga pasilidad.

“I requested for an entire school buildings and

they approved dahil nakita nilang kailangan,” ani Dr. Mendoza matapos makipagugnayan sa Schools Division Office (SDO) ng Lungsod Quezon. Dagdag pa ni Dr. Mendoza, isinasagawa ang nasabing proyekto para na rin sa kaligtasan ng external at internal stakeholders ng paaralan.

Kaugnay pa nito, magmumula sa Special Education Fund ng Quezon City Local Government Unit (LGU) ang badyet na ilalaan para sa nasabing proyekto.

Samantala, wala pang nabanggit na petsa kung kailan uumpisahan ang rehabilitasyon ng gusali ayon kay Congressional District 6 Administrative Officer Atty. Mark Anthony Aldave. Maaalalang nagkaroon ng muling pagpipinta ng mga palikuran at pagpapalit ng mga bagong gripo nitong Oktubre habang nagkabit naman ng mga solar light sa grounds na planong ikabit sa buong paaralan para sa maliwanag na umaga tuwing flag raising ceremony.

SK Chairman Julles Apo kaagapay si Kapitan Marlou Ulanday ng nasabing barangay.

Samantala, nagsilbing tagapagsanay naman ng mga nagwaging mananayaw si G. Joseph Zeus Limbo kasama si Bb. Mary Catherine Mañibo bilang tagapayo.

"Ang kanilang pagkapanalo ay bunga ng pagpapagal at pagpupursige sa kanilang mga ensayo, isama mo pa ang kanilang dedikasyon upang makapagbigay karangalan sa ating paaralan. Lubos ko pong ipinagmamalaki ang MAHS students. Mahusay!", pahayag pa ni Bb. Mañibo.

Bagong curriculum sa SHS, ipatutupad na sa T.P. 2025-2026 -

Plano ng Department of Education (DepEd) na gawing 5 hanggang 7 na lamang ang dating 17 na asignatura ng mga estudyante sa Senior High School (SHS) sa pamumuno ni DepEd Secretary Sony Angara ay ipatutupad na sa Taong Panuruan 2025-2026.

Batid na layon ng nasabing curriculum na mapataas pa ang tiyansa ng mga mag-aaral na ma-hire ng mga employer.

"Yung core subject na irerequire natin sa senior high school ay lilimitahan natin sa

Angara

five to seven subjects; communications, Philippine history, a little bit of math and science, life skills, attitude towards work," ani Education Secretary Sonny Angara.

Dagdag pa ng kalihim na ibibigay lang nila ang basic curriculum at bahala na ang mga paaralan kung ano ang nais nilang i-alok na electives lalo na sa mga private sector. Samantala, inalmahan naman ito ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika)

NI PRINCESS ALLEN MADRIAGA

kasama ng 200 guro sa Fipilino at iilang mga pampubliko't pribadong paaralan dahil hindi kasama ang Filipino sa matitirang asignatura na hindi nalalayo sa nangyari noong 2013 dahil naman sa CMO No. 13. "Actually, ang plano diyan 2026 pa i-implement ‘yan pero tinatarget namin ngayon 2025. Although nakikiusap ‘yong ibang mga eskwelahan na napakahirap daw no’n. So i-phase natin ang implementation,” saad ni Angara.

NI KYLE NATHAN NICOLAS

Kung dati ay may piling asignatura na dalawa o tatlong beses lamang nagkaklase kada linggo gaya ng Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) at MAPEH, sa ilalim ng MATATAG curriculum ay papasukan na ng mga magaaral ang walong asignatura kada araw na nagdulot ng matinding adjustment sa guro at estudyante.

Kaugnay pa nito, tatawagin na bilang Values Education ang dating ESP habang ang MAPEH naman ay hinati sa dalawa kung saan ay pinagsama ang Music at Arts bilang isang asignatura gayundin ang Physical Education at Health.

Samantala, limang araw na rin mayroong klase sa Values Education katulad ng iba pang asignatura sa Baitang 7 kung saan mayroon ding diskusyon na hindi na lamang tungkol sa paghubog sa kanilang sarili bagkus ay inilalantad na rin sila sa usapin tungkol sa kapwa at kalikasan na susundan ng mga pagkatuto na gawain matapos ang diskasyon.

Dagdag pa rito, ang pokus ng gawain sa kurikulum ay nakaayon sa Structure of Observed Learning Outcome (SOLO) kung saan pinauunlad ang Higher Order Thinking Skills (HOTS) ng bawat mag-aaral upang mawakasan ang learning gap na dulot ng pandemya.

Sinunod na rin ang pormat ng iskedyul ng klase ng nasabing bagong kurikulum sa iba pang baitang kung saan ay maaaring magpatupad ng 45 minuto hanggang 60 na minutong alokasyon sa bawat alokasyon sa bawat asignatura batay sa konteksto o sitwasyon ang mga paaralan.

Tiwala naman ang DepEd sa tagumpay ng programa na inaasahang fully implemented na sa Taong Panuruan 20272028 sa kabila ng mga kontrobersiyang hinarap nito gaya ng kakulangan sa learning materials na gagamitin at kahandaan ng mga guro na ipatupad ang nilalaman nito.

Nicolas, tutulak pa-Parañaque para sa RSPC 2025

Itinanghal bilang Rank 10 - Top Performing School sa Filipino ang Paaralang

Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) sa pangunguna ng Ang Kamalayan matapos sumungkit ng panalo sa apat na indibidwal na kategorya at dalawang tropeyo sa TV

Nakamit ni Kyle Nathan

Nicolas ang 2nd place sa Pagsulat ng Balitang

Pampalakasan na kanyang magiging pasaporte upang tumulak sa Parañaque kung saan naman gaganapin ang Regional Schools Press Conference (RSPC) ngayong Pebrero 26-28, 2025.

Kaugnay pa nito, nagpakitang-gilas din sina Miel Desiree Bunnao sa Pagsulat ng Balita matapos makuha ang 8th place; si Clarize Heart Palaña naman ay inuwi ang 9th place sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita samantalang 10th place naman ang tinanggap ni Jhona Althea Katte Sutana sa Pagsulat ng Kolum.

NI ANTOINE CLYDINE LICONG

Broadcasting Filipino sa katatapos lamang na 2024 Division Secondary Schools Press Conference (DSSPC) nito lang Disyembre 6-7 sa Quezon City High School at Disyembre 14 sa Don Alejandro Roces Sr. Science & Technology High School.

Hindi rin nagpahuli ang TV

Broadcasting na binubuo ng mga News Anchors na sina

Marc Steven Dula at Karen Lamera, Tristan Cabatingan bilang Technical Director at apat na News Presenters na sina Denver Maneja, Antoine Clydine Licong, Sophia Lorraine Pingol at Tricia Dador matapos masungkit ang parehong 5th place sa Best DevCom at Best Technical Application.

Humigit-kumulang na 80 pampubliko at pribadong paaralan ang lumahok ngayong taon.

Multi-Purpose Court, Dambana ni Melchora, tampok sa ika-213 kaarawan ni Melchora Aquino

Sa ilalim ng temang

“Panibagong Yugto ng Galing at Pagkakaisa”, idinaos ang seremonya ng pagsasalin at inagurasyon ng multi-purpose covered court at pagpapasinaya sa Dambana ni Melchora sa Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) kasabay ng pagdiriwang sa ika-213 na anibersaryo ng kaarawan ni Melchora Aquino nitong Enero 6. Nagpahayag naman ng kani-kanilang mensahe sina Schools Division Superintendent Carleen S. Sedilla, CESO V, Quezon City Vice Mayor Gian Sotto, Councilor Banjo Pilar, Councilor Vito Sotto Generoso, Councilor Vic Bernardo, Brgy. Tandang Sora & Council sa

Rotary Club of Pasong Tamo-Banlat Tandang

Sora, PSMA, makasaysayang pumirma sa MOA

pangunguna ni Kapitan Marlou C. Ulanday, SK Chairman Julles Apo, Parent-Teacher Association (SPTA) President Jinky A. Baje. Lubos naman ang pasasalamat ni Dr. Mendoza kay Congresswoman Marivic Co-Pilar na nanguna at sa lahat ng naging bahagi upang maisagawa ang nasabing proyekto na aniya'y isang natupad na pangarap.

"Today is not just about opening a new structure. It is about celebrating a dream that we have all shared”, paliwanag pa ni Dr. Mendoza na ang covered court ay simbolo ng pag-asa at pagkakaisa kaya dapat na ito'y pangalagaan at gamitin upang magbigay ng

Samantala, taos-puso namang nagpasalamat ang buong pamunuan ng PSMA sa bagong yugtong ito na makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng paaralan. HABULAN

NI PRINCESS ALLEN MADRIAGA

pangarap nilang magkaroon ng covered court at natupad na ito, ito na yung pinakamalakas na tinig ko para sabihin sa inyo na itatawid ko kayo at kasama ko kayo sa lahat ng pangarap niyo at maabot natin nawa ito," saad pa ng Kongresista. Nagpatuloy ang selebrasyon sa kaarawan ng nasabing bayani kinabukasan kung saan nakilahok ang mga guro at ilang estudyante sa pa-zumba sa umaga na sinundan ng pagbubukas ng iba’t ibang booth na inihanda ng mga club at organisasyon, palarong Pinoy at volleyball exhibition game sa pagitan ng SPTA at piling guro ng paaralan.

Makasaysayang idinaos sa pagitan ng Rotary Club of Pasong Tamo-Banlat Tandang Sora at Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) ang pagpirma sa isang Memorandum of Agreement (MOA) nitong Nobyembre 6.

Ipinahayag ni G. Mark Andrew Valdoz na isa mga pangunahing benipisyo ng partnership sa rotary club ay ang pagbibigay ng karagdagang pondo para sa mga programa sa PSMA. Senyales ang paglagda na ito ng bagong balikatan tungo sa pagsakatuparan ng mga proyektong mapakikinaba-

ngan ng bawat MelQuinian. Kaugnay nito, palalawigin ang Gulayan sa Paaralan sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo ng organisasyon para sa pagpapaunlad nito at paglalagay ng hydroponics, isang alternatibong paraan ng pagtatanim gamit ang tubig. Kumatawan sa PSMA sina Dr. Lorna C. Mendoza,

Punongguro II at G. Mark

Andrew Valdoz, School Partnership Focal Person habang sa panig naman ng Rotary Club of Pasong Tamo ay sina Melody Grace Arcilla (Pangulo), Carolyn Tabangcura (nagdaang Pangulo), Polonio Dualos (susunod na Pangulo) at Bb. Gigi Alcala, (nagdaang District

Secretary).

NI MIEL DESIREE BUNNAO
KUHA NI: VHEA NICOLE ESPLANA
GUPIT-KASAYSAYAN. Masayang pinangunahan ni Congresswoman Marivic Co-Pilar ang ribbon cutting ceremony para sa bagong tayong multipurpose court.
KUHA NI Denver Maneja
LAGDANG BAYANIHAN. Pormal na lumagda sa isang kasunduan ang PSMA at Rotary Club of Pasong Tamo-Banlat Tandang Sora.
LARAWAN MULA SA Melchora Aquino High School FB Page

MAHS-PROGRESIBO. MAHS-PROGRESIBO.

Taas-noong ibinahagi ni Dr. Lorna C. Mendoza, Punongguro II ng

Taas-noong ibinahagi ni Dr. Lorna C. Mendoza, Punongguro II ng

Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) ang mga

Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) ang mga progresibong proyekto at hakbang upang maipagpatuloy ang progresibong proyekto at hakbang upang maipagpatuloy ang pag-unlad ng paaralan.

paaralan.

makakatamo ng quality education na sabi nga nila ay isang napakailap na pangarap, pero uumpisahan po natin ‘yan sa Melchora Aquino High School at ang mga magsisitapos ng Senior High School ay tunay na job ready na siyang vision ng Department of Education,” paghahangad ni Dr. Lorna C. Mendoza, Punongguro II, sa kaniyang kauna-unahang State of the School Address (SOSA) na idinaos nitong

Aquino (PSMA).

Binigyang-pansin ni Dr. Mendoza ang pagdaragdag ng mga pasilidad tulad ng mga laboratoryo, reading nook, at Mathematics Park.

Sa kasalukuyan, pinagkalooban ng Schools

Division Office (SDO) ng lungsod Quezon ang klinika ng dalawang kama, mga kagamitan para sa Science and Mathematics laboratory, habang may sapat namang mga kagamitan sa

para sa ICT laboratory.

“We also have the ICT laboratory, the installation of TV and whiteboard. Meron pong mga karagdagang tv sets kung saan ilalagay po natin sa ating mga laboratory rooms at bibigyan po natin ng TV yung ating mga recovery sections para mas mamotivate po sila na mag-aral,” dagdag pa niya.

Inaasahan din ang pagkakabit ng kurtina sa klinika at mga kabinet para

Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino

sa science and mathematics laboratory, magkaroon ng dalawang ICT laboratory, mailipat ang registrar’s office at magkaroon ng solar lights sa perimeter fence ng paaralan.

“Marami po tayong teachers pero hindi aligned yung kanilang specialization but with the granted request po ng Melchora Aquino, tayo po ay nabigyan ng sapat na mga guro na magtuturo ng mga asignatura na kanilang specialized,” pinasalamatan pa ng Punongguro ang SDO sa positibo at mabilis na pagtugon sa kahilingang mabigyan ng mga bagong guro sa Senior High School na nahahanay sa kanilang espesyalisasyon.

Sa kasalukuyan, sinimulan na ng Mathematics Club at Math Department ang Math Park habang tuluyan naman nang binuksan ang silidaklatan, Science and Mathematics Laboratory, at ICT Laboratory.

Kamakailan lamang ay naglagay ang Department of Public Order and Safety ng pasilidad para sa bike parking na mapapakinabangan ng mga mag-aaral upang masigurong ligtas ang kanilang mga bisikleta.

BALITANG KINIPIL

PSMA, nagdaos ng kauna-unahang School-Based Press

Conference

NI MARK RUSSEL BIGCAS

Nilahukan ng mahigit 80 mag-aaral ang Buhay. Mulat. Malay. 1.0 (BuLatLay 1.0), ang patimpalakpagsasanay sa Filipino sa kauna-unahang SchoolBased Press Conference na pinangunahan ng Ang Kamalayan, opisyal na pahayagang pang-magaaral ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA).

Kasabay ng BuLatLay 1.0, idinaos din ng The Luminary ang patimpalak na Inspiring New Knowledge in Student Journalists Through the Art of Reporting the Truth (INKSTART) na parehong may temang “Campus Journalism’s Role in Nurturing Social Awareness and Consciousness Among MelQuinians”.

Samantala, nagsilbing namang hurado sa bawat kategorya ang mga dating miyembro ng nasabing mga publikasyon na ngayo’y alumni.

Distribusyon ng libreng PE uniform sa PSMA, pinangunahan ni Cong. MCP

Damang-dama ng mga

MelQuinian ang “Alagang MCP” matapos nilang pormal na matanggap nito lamang Setyembre 20 ang kanilang libreng PE uniform na handog ni Congresswoman Marivic Co-Pilar sa mismong programa ng distribusyon nito sa silid ng 12-ICT sa Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA).

Mainit na tinanggap ang butihing kongresista ng

buong pamunuan ng PSMA sa pangunguna ni Dr. Lorna C. Mendoza, Punongguro II kasama ang kaguruan at magaaral.

Kaugnay nito, binigyangdiin naman ni Co-Pilar sa kanyang mensahe na hindi nagmula sa congressional fund ang kanyang adbokasiya para sa edukasyon, ito ay nagmula sa kanyang sariling bulsa.

“That is the legacy that I want to leave. Lingkod-bayan ay hindi nag-iinteres sa kaban ng

bayan, ang tunay na lingkodbayan ay iniisip ang kapakanan ng bayan”, paglilinaw pa ng kongresista. May kabuuang 1,168 na libreng PE uniform ang naipamigay sa mga magaaral na tiyak na makatutulong sa kanilang maginhawang pag-aaral. Samantala, sinaksihan din ang makasaysayang programa ng buong konseho ng Barangay Tandang Sora sa pangunguna ni Kapitan Marlou Ulanday.

Dambanang handog kay Melchora, pinasinayaan na

Opisyal nang binuksan ang dambana ni Melchora “Tandang Sora”

Aquino nito lamang Enero 6 sa mismong ika-213 araw ng anibersaryo ng kanyang

kapanganakan sa Paaralang

Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) kasabay ng

Turnover at Inauguration

Ceremony ng Multi-Purpose

Court na pinangunahan ni Congresswoman Marivic CoPilar.

Sa mismong programa ay binigyang-diin ni Dr. Lorna C. Mendoza, Punongguro II ang pagalala sa katapangan at kagitingang ipinamalas ni Melchora Aquino bilang isang bayani. Nag-ugat ang pagsasakatuparan ng plano dahil sa kanyang pagmamalasakit na mabigyan ng maayos na lugar ang estatwa ng nasabing bayani kung saan hinango ang pangalan ng PSMA. "Pagdating ko rito, yung

estatwa nakatiwangwang lang, walang harang, natataman ng mga dumadaan”, paliwanag pa ni Dr. Mendoza. Layunin aniya ng dambana na makapagbigay ng respeto, pagpapahalaga at magsilbing inspirasyon si Melchora upang mas makilala ito ng bawat MelQuinian.

P12B tapyas sa budget ng DepEd, digitization ng ahensiya madidiskaril

NI

Nitong nagdaang Disyembre 2024, nagpahayag ang mga mambabatas ng desisyong tapyasan ang budget ng Department of Education (DepEd) ng may halagang Php 12 bilyong piso na magdidiskaril sa hangaring computerization program ng nasabing ahensiya na may kabuuang Php 10 bilyong pisong alokasyon. Ayon kay 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez, layunin ng hakbang na tiyakin ang paggamit ng pondo dahil batay sa ulat ng Commission on Audit (COA) na nagpapakita ng mababang paggamit ng badyet para sa ICT equipment noong 2023.

Sa kabilang banda, ipinahayag ni Education

Secretary Sonny Angara ang pagkabahala ukol dito na inaasahan sana para sa computerization program na kung matuloy ay maaaring magpalala sa digital divide ng mgamag-aaral.

Tinitiyak ng Kongreso na may sapat na pondo para sa mga pangunahing pangangailangan ng DepEd, tulad ng guro at imprastruktura, habang pinapalakas ang pananagutan sa paggamit ng pondo.

BUNNAO
PRECIOUS NICOLE ALAYON
NI JESSABEL UMAYAN
SUPORTA. Magiliw na tinanggap ni Carl Magno Lanoba mula sa 12-GAS ang kanyang bagong libreng PE uniform.
KUHA NI Vhea Esplana
KUHA NI Vhea Esplana
pag-unlad ng

kamalayan ang

OPISYAL NA PAHAYAGANG

PANGMAG-AARAL NG

PAARALANG SEKONDARYA NG

MELCHORA AQUINO

Agosto 2024-Enero 2025

PAMATNUGUTAN

Taong Panuruan 2024-2025

ANTOINE CLYDINE LICONG

Punong Patnugot

PRINCESS ALLEN P. MADRIAGA

Ka-Patnugot

MIEL DESIREE C. BUNNAO

Tagapamahalang Patnugot

MARK CHRISTIAN S. SANICO

Tagaanyo ng Pahina

MIEL DESIREE C. BUNNAO

PRINCESS ALLEN P. MADRIAGA

Patnugot sa Balita

ROWENA S. SURIGAO

PATRISIA DAHLIA G. DAGAL

Patnugot sa Opinyon

ALLEN FELICITY S. PEREZ

REYNAZ B. GONZALES

JEAN C. DURAN

Patnugot sa Lathalain

PRECIOUS NICOLE L. ALAYON

JESSABEL S. UMAYAN

Patnugot sa Agham

MARK RUSSEL C. BIGCAS

KYLE NATHAN A. NICOLAS

Patnugot sa Isports

JOHN CARLO O. TORRES

DANNAH LEI M. MANTILLA

Tagaguhit ng Kartun

VHEA NICOLE S. ESPLANA

AERA JAYCHEL D. DELOS REYES

ALTHEA MAE N. BUGAL

FRANCIS L. LADRILLO Tagakuha ng Larawan

CLARIZE HEART B. PALAÑA

TRICIA U. DADOR

MARIA SHANIAH E. MISMANOS

JHONA ALTHEA KATTE F. SUTANA

ERMEL G. SERRAN

DENVER L. MANEJA

ANGELA A. MERCED

ARVINCE JOHN P. SALVADOR

XHEDRYC NEO P. EVANGELISTA

JOHN ALLEN PEREZ

ROFARENZ GARCIA

Mga Kontribyutor

SHERWIN C. TEVES Tagapayo

JOHNRICK N. SALAMERO Tagapag-ugnay, Filipino

DR. LORNA C. MENDOZA

Punongguro II

DR. MICHAEL A. NAZARETH

Tagamasid Pandistrito

MA. NIMFA R. GABERTAN

DR. RYAN C. ATEZORA

Tagamasid Pansangay

CARLEEN S. SEDILLA, CESO V Tagapamanihala

EDITORYAL

Habulan sa Silid-Aralan

ng plano ng Department of Education (DepEd) na bawasan ang school calendar ng 15 araw para sa taong 2024-2025 ay nagresulta ng maraming kontrobersiya at mga tanong tungkol sa kalidad ng edukasyon. Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, sisimulan ang klase sa July 29 at matatapos ito sa March 31, 2025, na magiging 165 araw na pasok mula sa dating 180 hanggang 220 araw na payo ng gobyerno. Ang ganitong pagbabawas ng araw ng klase para sa taong panuruan 2024-2025 sa ilalim ng Matatag Curriculum ay nagdala ng pangamba sa sektor ng pagtuturo at pagkatuto.

Bagama't ang layunin ng DepEd ay maiwasan ang matinding init tuwing Abril at Mayo, marami ang hindi sigurado na ang ganitong pagbabawas sa araw ng pasukan ay maaaring magdala sa kanila sa kanilang layunin o magsisilbing hamon dahil sa

asignatura at araw ng klase, ano na lang ang inaasahang matututunan ng mga magaaral mula sa klase?

Upang mabawi ang mga nawalang araw ng pagpasok, isinasaalangalang ng DepEd ang paggamit ng online classes tuwing Sabado at Linggo. Ngunit, sapat na nga ba ang paggamit sa araw ng pahinga, mahabol lang ang bawat pahina? Ang ganitong pagsasaalang-alang ng araw para sa sarili at pamilya upang mapunan ang mga kulang at deadline ng mga gawaing pampaaralan ay magbubunga ng hindi magandang epekto sa relasyon nila sa pamilya at sarili.

Bukod dito, ang naitalang mababang performance ng mga estudyanteng Pilipino sa Program for International Student Assessment (PISA) noong 2022 ay nagbibigaydiin sa kakulangan sa kalidad ng edukasyon sa bansa. Sa kabilang banda naglaan naman ang DepEd ng "Essential Learning Competencies" sa ilalim ng bagong Matatag Curriculum at kalauna'y inilabas ang DepEd Order No. 012 series of 2024 na nagpahintulot sa mga paaralan na baguhin ang class schedules batay sa kanilang partikular na pangangailangan at kapasidad na maaaring magpagaan sa mabigat na krisis ng edukasyon sa bansa.

Nais kong ipabatid ang problemang na kinakaharap ng paaralan kaugnay sa kuryente. May mga panahon kasi na nawawalan ng kuryente ang iilan sa mga silid na minsa'y sumasabay pa sa init ng panahon. Nagsasanhi ito ng antala sa talakayan at dahil dito, nahihirapan kaming mga estudyante na iproseso ang magkakasunod na talakayan na dapat ay nasa iba't ibang iskedyul. Umaasa ako na maaksyunan ang nasabing isyu at huwag sanang hayaan na humantong ito sa pangmatagalang suliranin.

Nagmamahal, Alanis Abalos

Ang ganitong pagsasaalangalang ng araw para sa sarili at pamilya upang mapunan ang mga kulang at

Mahalagang isaalangalang kung ang pagbawas ng mga araw sa kalendaryo ng paaralan ay magsisilbing solusyon o magpapalala lamang sa sitwasyon. Ang kalusugan, kagalingan, at kalidad ng

Naiintindihan ko ang iyong nais iparating. Buong puso itong binibigyang pansin dahil hindi basta-basta ang problema sa kuryente gayong sa panahon ngayon teknolohiya na ang nagpapagana sa karamihan ng gadyet at appliances. Hindi rin biro ang init na nararanasan sa bansa, lalo na kung biglang mawalan ng kuryente sa gitna ng talakayan. Huwag kang mabahala dahil ginagawan namin ng paraan upang maipabatid ito sa tagapamahala ng paaralan.

edukasyon ang dapat na pangunahing prayoridad, kaya’t mahalaga na magkaisa ang DepEd, mga guro, magulang, at buong komunidad sa paghahanap ng mas balanseng solusyon na hindi isinasakripisyo ang pagkatuto at kapakanan ng mga mag-aaral at guro.

Patuloy na magmumulat, Patnugot

*mula sa Department of Budget and Management (DBM)

2.94%

itinaas na bahagdan ng badyet ng DepEd para sa FY 2024 at FY 2025

98.53% bahagdang natapyas para sa DepEd Computerization Program

1.47%

bahagdang nawala sa aprubadong badyet ng DepEd vs panukala

MAHAL KONG PATNUGOT,
MAHAL NA TAGASUBAYBAY,

Sinimulan na nitong Oktubre 1, ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kandidatong nakatakdang sumabak sa May 2025 National and Local Elections (NLE). Karamihan sa mga kumandidato ay mga kilalang tao o mga dati nang nakaluklok sa kapangyarihan, ngunit may ilan ding baguhan na nagtatangkang sumibol sa larangan ng politika. Ngunit, talo ba ng karanasan ang kagustuhang maisaayos ang bayan?

Agarang umaksyon ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagsala ng mga pangalan sa talaan ng mga kandidato. Isa sa mga pangunahing layunin nito ay linisin ang listahan upang mapigilan ang mga nagnanais lamang tumakbo para sa pansariling interes o magsilbing panlito sa mga boboto. Gayunpaman, kapansin-pansin ang tila pagbalewala sa ilang mga bagitong kandidato, na waring ikinakahon sa ideyang sila ay kulang sa kakayahan. Bagama't may kakaunting karanasan ang mga baguhang kandidato pagdating sa pinasok na larangan, malalim naman ang pagkakaunawa sa mga usapin patungkol sa mental health, gender equality, sex education, at LGBTQ+ Rights na madalas na sinusuportahan ng mas nakababatang henerasyon. Ang mga ito ay patunay lamang na kailangan na ng Pilipinas ng lider na mauunawaan ang

ipinaglalaban ng mga kabataang Pilipino.

Sa kabila ng pagsuporta ng mga bagong lider sa mga nabanggit na isyu, taliwas naman ang mga naunang naluklok dito. Isa sa mga halimbawa nito ay ang pumutok na isyu sa Maynila kung saan umani ng batikos ang kasalukuyang Bise Alkalde ng Maynila na si Yul Servo matapos nitong tanggalin sa posisyon si SK Federation President Juliana Rae "Yanyan" Ibay bilang Chairperson ng Committee on Youth and Sports Development ng Manila City Council. Sa kabila ng malinaw na mandato ng SK Reform Act (Republic Act No. 10742) partikular na sa probisyon na nagsasaad ng kanyang mga karapatan at tungkulin bilang SK President, si Ibay ay inalis sa posisyon nang walang sapat na paliwanag. sang buwayang gawain ang pagpapatalsik sa may nagawa at napatunayang konsehal. Bakit nga ba ganito na lang kung patalsikin ng mga nasa itaas ang mga nasa ibaba

Ligtas na Pasilidad, Isulong

nito? Dahil ba takot silang ito ang mga kabataang kalaunang uupo sa kanilang silya ngayon o baka naman ang mga kabataang ito ang nagpapaalala sa kanila na hindi sila habambuhay ang nasa tuktok ng tatsulok.

Panahon na upang palitan ng makabagong ideya at persepsyon ang senado sa bansa sa pamamagitan ng pagpili sa mga kabataang lider—na maaaring magdala ng mga bagong solusyon sa matagal nang problema ng kanilang komunidad. Iilan sa mga huwarang kabataan ay ang pinakabatang Alkalde ng Cabugao, Ilocos Sur na si Josh Edward Cobangbang. Sa edad na 21 ipinakita niya na ang kabataan ay maaaring maging epektibong lider ng kanilang komunidad sa pamamagitan ng mga programa na nakatuon sa turismo, kalusugan, at edukasyon. Isa pa rito, si Sarah Elago na dating kinatawan ng Kabataan Partylist sa Pilipinas. Kilala siya sa pagtutulak ng mga adbokasiya para sa karapatan ng kabataan, edukasyon, at pagsugpo sa human rights violations. Bilang isa sa pinakabatang mambabatas, siya ay naging boses ng mga marginalized sectors.

Ito lamang ang mga patunay na upang makasabay sa pagbabago ang Pilipinas, kinakailangan natin ng makabagong pag-iisip at solusyon sa makalumang problemang kinakaharap ng bansa. Sa darating na eleksyon, patunayan natin na hindi natin sinayang ang isang botong babago sa bu- hay ng milyon-milyong Pilipino.

Oras na ng pagba bago. Bigyan ng tsansa ang mga bagong kandidato na maglilingkod dala ang makabagong paninindigan at integridad sa gobyerno.

NI PATRISIA DAHLIA DAGAL

Ang paaralan ang itinuturing na pangalawang tahanan na tinutuluyan ng mga mag-aaral. Naggugugol ang mga ito nang mahabang oras sa pagaaral kung kaya't napakahalagang masiguro na ligtas ang bawat isa sa loob nito. Ngunit hindi maipagkakaila na

Nagsimula ang aking pagmumulat sa mundo ng pamahayagang pangkampus noong Agosto 2022 na siyang naging hudyat din ng pagsilang ko sa Ang Kamalayan, opisyal na pahayagang pangmagaaral ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA). Bilang pioneer na SPA, masasabi kong kasangkapan lamang ang pamahayagang pangkampus kung paano itatrato ng mga mamamayan ang kanyang bayan.

anumang uri ng aksidente. Kabilang ang Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) sa napakaraming paaralang may ganitong uri ng suliranin. Bagaman ang paaralan ay itinatag noong 2020, nangangahulugang limang taon pa lamang ito ay makikita na sa mga gusali ang pagkasira at mga depekto.

Lagpas na ang kakayahan nito na maging simbolo lamang ng karunungan o tamang-asal dahil sa mahabang panahon ay napatunayan nitong kayang pakilusin ang isang bayang magrebolusyon lalo na kapag talamak ang paniniil sa mga karapatang pantao. Mahalaga ang pagkakaroon ng panig. Nakatutulong ito upang baguhin ang inaasahan at magwagi ang kabutihang panlahat. Walang pagbabago kung pipiliin ng bawat isa ang maging neutral lalo na sa nagbabagong panahon.

kalamidad tulad ng paglindol na siyang tuluyang magpapabagsak sa pader at sisira sa buong gusali. Kung magkataon, maraming mga estudyante ang mapapahamak. Kung kaya't bago pa man ito tuluyang mangyari, dapat nang kumilos ang paaralan at magsagawa ng pagkukumpuni at pagpapatibay ng mga gusali dahil maraming buhay ang nakasalalay dito.

napakadelikado lalo na kapag

Isa rin sa mga makikitang suliranin ay ang pagtagas ng tubig tuwing malakas ang ulan. Ang mga tubig ay naiiwan sa sahig sa mga matataas na palapag dahil hindi ito maayos na nakadadaloy. Dahil dito ay nagiging madulas ang daan na maaaring magresulta ng aksidente sa mga taong dumadaan. Marahil ito ay mahirap mapigilan dahil 'di naman natin kontrolado ang lakas ng pag-ulan pero marapat pa ring gumawa ng solusyon upang ito ay

maiwasan katulad ng pagpapaayos ng mga dinadaluyan ng tubig. Kamakailan lamang, inaprubahan na ng School Division Office of Quezon City (SDO-QC) ang request ng ating paaralan para sa rehabilitasyon ng mga gusali nito matapos silang magtungo upang inspeksyunin ang kalagayan ng mga ito upang masiguro kung dapat na nga ba itong ipasaayos. Ang kaso nga lang, patuloy pa rin itong pinoproseso. Nangangahulugan lamang na maghihintay pa rin tayo at wala pa ring eksaktong panahon kung kailan ito uumpisahan at tuluyang maisasagawa.

Isang magandang bagay para sa ating paaralan ang pagtugon nila sa suliranin at pag-apruba sa inaasahang solusyon. Pero sa ngayon, wala tayong ibang pagpipilian kundi patuloy pa ring pagtitiyagaan ang kasalakuyang kondisyon nito. Sana nga lang ay masimulan na ito sa lalong madaling panahon.

NI SHERWIN TEVES
NI ROWENA SURIGAO
LINAWIN NATIN
GUHIT NI
John Carlo O. Torres
DISENYO NI
Mark Christian Sanico
KINULAYAN NI
Dannah Lei Mantilla

Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino

Balanseng pagkatuto at kaligtasan

Tapos na ang taong 2024 at panibagong taon naman ang ating haharapin pati rin itong bagong Department of Education (DepEd) Order no. 22. Binago ng nasabing ahensiya ang kanilang guidelines para sa pagdedeklara ng suspensiyon ng klase at trabaho sa mga pampublikong paaralan sa panahon ng bagyo, lindol, at iba pang emergency.

Kumpara sa dating panuntunan ng suspensyon ng klase tuwing may bagyo, tanging kindergarten na lamang ang kanselado ang pasok kapag nagdeklara ng Signal No. 1 sa bansa habang hanggang Baitang 10 naman ang suspendido kapag itinaas ito sa Signal No. 2. Lahat naman ng antas ang walang pasok kapag Signal No. 3 at higit pa.

Kung susuriin ang nasabing memo, hindi na awtomatiko ang suspensyon at palaging nasa kamay na ito ng lokal na pamahalaang nakakasakop gayundin ng mismong dibisyong nangangasiwa rito.

Patuloy pa ring ipatutupad ang iba’t ibang Alternative Delivery Mode (ADM). Protektahan ang mga estudyante at iprayoridad ang kaligtasan lalo na yaong mga nakatira pa sa malalayong lugar.

SBer months na ber months ngunit naging mainit ang usapin patungkol sa inaprubahang bersyon ng Appropriations Bill ng Bicameral Conference Committee na nagsasabing binawasan ang pondo ng Department of Education (DepEd) sa darating na 2025 na nagkakahalagang 11.57 bilyong piso. Ito ay nakababahala dahil maaari itong magresulta sa lalong paglubog ng edukasyon dito sa ating bansa at tuluyang hindi pagresolba sa krisis sa pagkatuto na nararanasan natin dito sa Pilipinas.

Itong usapin ay dapat nating bigyang-pansin dahil marami ang apektado rito. Una na rito ang mga mag-aaral na hindi kayang suportahan ang mga gastusin pagdating sa mga pang teknolohiyang kagamitan at patuloy na umaasang makahabol sa digital age kaya't ganoon na lamang ang paghahangad na maibalik pa ang mahigit 10 bilyong piso na nakalaan sa computerization program. Kabilang din ang ilang eskwelahan na nagkukulang sa mga kagamitan tulad ng mga upuan, electric fan, libro, at iba pang kagamitan na kailangan ng magaaral at paaralan. Katunayan nga ay nagbigay ng pahayag ang House Deputy Minority Leader Act Teachers Partylist Representative France Castro, aniya malinaw daw na manipestasyon ito ng mga anti-education at anti-poor family. Mukhang mas gusto ng ilang mambabatas na naghain ng pagbabawas ng pondo sa DepEd na mas lumubog ang ating bansa pagdating sa usaping edukasyon. Dahil sa halip na abutin natin ang recommended education budget ng United Nation na 6% ang Gross Domestic Product (GDP) ay tila ipinagkibit balikat lang ito ng pamahalaan na imbis na tugunan ay lalo pang binawasan.

Nagbigay naman ng pahayag si Pangulong Bongbong Marcos Jr., aniya patuloy na pinag-iisipan at hinahanapan ng paraan upang maibalik ang pondo na naibawas sa DepEd. Napirmahan na lahat-lahat ng pangulo ang pondo ng DepEd ngunit hanggang ngayon hindi pa rin naibabalik ang tinapyas na pera para sa edukasyon ng ating bansa.

Samantala, naglabas naman ng ulat ang Commision on Audit (COA) na nagsasabing may naiwang proyekto na unusable digital infrastructure project ng DepEd na

a isang mundong madalas pagharian ng kawalangkatarungan, ang kwento ni Mary Jane Veloso ay patunay na may liwanag pa ring sumisikat kahit sa pinakamadilim na yugto ng buhay. Siya’y isang Pilipinang naloko, nadakip, at matagal nang nag-aantay ng kanyang kapalaran sa bitayan ng Indonesia. Ang kasong tila nakaukit na sa bato at natabunan na ng panahon ay muling nakaahon.

Abril 2010, si Mary Jane ay nirekrut ni Maria Kristina Sergio upang maging isang domestic servant sa Malaysia. Nagbayad siya ng 20,000 piso para sa mga gastusin sa papeles, umaasa sa pangakong makakapagbigay siya ng mas magandang buhay para sa kanyang pamilya. Ngunit sa kanyang pagdating sa Kuala Lumpur, sinabi ni Sergio na wala nang bakanteng trabaho at ililipat siya sa Indonesia. Dala ang bagong maleta na binigay ni Sergio—kasama ang iilang kasuotan—inaresto si Mary

Jane sa salang drug trafficking matapos makitaan ng heroin sa kanyang maleta. At ang parusa, death penalty. Matagal siyang namuhay sa anino ng kamatayan, nagaantay ng araw na tila katapusan na ng lahat ng pagasa. Ngunit sa kabila nito, ang kanyang pamilya, mga tagasuporta, at ang gobyerno ng Pilipinas ay hindi bumitiw. Sa pamamagitan ng matiyagang negosasyon at mahigpit na diplomasya sa pamahalaan ng Indonesia, muling narinig ang kwento ni Mary Jane—na siya ay

biktima, hindi kriminal. Ang tuloy-tuloy na panawagan mula sa iba’t ibang sektor ay naging tulay upang maantala ang bitay at mabigyan siya ng pagkakataong patunayan ang kanyang pagiging inosente.

Kung noon ay tila nakaukit na sa bato ang kanyang hatol, ngayon ay patunay na ang diplomasya at pagkakaisa ay may kapangyarihang buksan ang pinto ng pag-asa. May puwang ang paguusap, ang pangunawa, at ang tunay na hustisya na nagbibigay ng patas na pagtrato sa lahat.

nagkakahalagang ₱1.064 bilyong piso na sinabing nasayang lang dahil hindi ito nagtagumapay, maaring isa ito sa mga dahilan kung bakit binawasan ang pondo ng DepEd dahil tila hindi nagagamit nang maayos ang nasabing pondo.

Dapat isipin ng pamahalaan na kung may pondo para sa confidential funds at sa mga pinapatayong imprastraktura ay dapat mayroon din para sa kinabukasan ng mga kabataan.

Kaya’t tayo ay makiisa sa mga nakikipaglaban para sa pondo ng edukasyon. Ang nangyaring pagtapyas sa budget ng sektor na siyang pinakapundasyon ng ating lipunan ay isang senyales ng patuloy na pagyurak sa karapatan ng bawat kabataang Pilipino na magkamit ng disente at dekalidad na edukasyon. Huwag nating hayaang malibing sa nakaraan ang perang para sa ating kinabukasan.

MALAY-METER

Para sa akin mas magandang ayusin nalang nila kung sino ang naka-upo, hindi yung budget mismo ang babawasan nila kasi possible na maapektuhan ang quality ng edukasyon ng mga bata dahil maaring mabawasan ang supply at kagamitan ng school.

Gaya ng school sa mga ganitong lugar kinakailangan talaga ng mga kagamitan lalo na ang mga laptop dahil hindi lahat ng estudyante ay may ganoong kagamitan sa bahay tapos kailangan din ito sa mga libro, upuan, kaya hindi talaga siya okay sa akin.

Sabi nga nila mas kailangan nating maging globally competitive so kailangan natin ng means and ways sa lalo ng panahon ngayon ng AI, so nakakalungkot pero alam naman nating very resilience ang mga pilipino so alam nating magagawan natin ng paraan.

Ilang administrasyon na ang nagdaan, at sa wakas, si Mary Jane ay nakabalik sa Pilipinas. Nitong nagdaang Pasko, muling nakapiling niya ang kanyang pamilya—isang tagpong minsan ay mala-teleserye. Kasalukuyan siyang nakakulong sa Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City, kung saan ipinagdiwang niya ang kanyang ika-40 kaarawan. Ang kanyang kaso ay nagbibigay ng aral na kapag nagkakaisa ang isang bansa sa panawagan para sa hustisya, may pagkakataong mabago ang takbo ng kapalaran. May puwang ang pag-uusap, ang pang-unawa, at ang tunay na hustisya na nagbibigay ng patas na pagtrato sa lahat.

Hindi pa tapos ang laban ni Mary Jane, ngunit sa bawat hakbang ng kanyang pamilya, ng gobyerno, at ng mga Pilipino, isang bagay lang ang malinaw, hindi natutulog ang hustisya at hindi dapat ito ipagkait sa walang sala. Tayo’y patuloy na manindigan, hindi lang para sa kanya, kundi para sa lahat ng biktima ng pang-aapi at baluktot na hustisya.

TINIG NG MASA Buhay, Hindi Bitay
NI GNG. JOANNE KRISTINE RAMOS
NI JAMAICA ROMERO
SA TRUE LANG
NI ALTHEA SUTANA
USAPANG REALIDAD
NI ERMEL SERRAN
Budget sa Edukasyon, aksyunan
NI ROWENA SURIGAO
PATAS DAPAT
GUHIT NI Dannah Lei Mantilla

LISA, MY FRIEND!

amilyar ba kayo sa katagang iyan? Na si Mang Tommy ng Pepito Manaloto ang nagwika. Oops! Hindi sila ang bida ngayon sa ating kwento. Handa ka na bang malaman kung sino ang itatampok natin sa storya? Siya ay isang hayop na madaling masaktan, may mataas na katayuan sa kanilang bayan, madaling lapitan, siguro? At mayaman sa salapi na hindi ko alam kung saan niya kinuha.

Sa lilim ng luntiang mga dahon ng Banahaw nakatago ang confidential funds, ay este ang isang hiwaga: si Fiona, ang marangyang ibon na may-ari ng isang pugad na nakapatong sa sanga ng puno ng mangga.

Kaya pa ba?

Hindi ka ba nagtataka kung bakit ka kilala? Kung bakit ka magaling at matalino sa mga mata nila? Isang banggit lamang sa apelyido mo’y puro karangalan mo na ang bukambibig nila, ang saya diba? Parang kada patimpalak sa paaralan ay kasali ka, kaya mo pa ba?

Sobra na ata ang kagalingan mo at tinanggal mo na sa iyong bokubolaryo ang salitang pahinga dahil sabi mo ay sayang lamang ang oras mo rito, hinay-hinay lang dahil hindi ka robot para sagarin ang katawan mo at hindi na makapagpahinga. Bakas sa mga mata at katawan mo kung paano mo nakuha ang markang 95, 96, 97 na… kaya namang ibigay ng isang guro kung malakas ka rito o sipsip na sinasabi nila, ngunit hindi ka ganito dahil patas ka.

Ngunit sa likod ng mga parangal at papuri sa’yo nagagawa mo pa rin kuwestyunin ang kakayahan mo. Sa likod ng mga medalya at sertipiko, mayroong isang pahinga na sa huling hantungan lang matatamasa.

Siya'y sagana sa pagkain at kayamanan, at ang kanyang tahanan ay laging bukas para sa masasayang salu-salo ng kanyang mga kaibigan na tigre, unggoy, at marami pang ibang hayop.

Isang araw, puminsala ang super bagyong Carina sa bansa, maraming tao ang hinanap ang presensya niya dahil nais nanghingi ng tulong sa kanya. Ngunit, nabalitaan na lamang nila na wala na ito sa bansa at lumipad na papuntang Germany!

Kalaunan ay umuwi rin naman ito at naglabas ng isang kwentong pambata at humihingi ng 10 milyong piso sa gobyerno upang maipamahagi ang mga libro sa mga batang naroroon sa mga liblib na lugar.

Nakatawag ito ng pansin sa isang mambabatas na si Lisa, isang agila na may matalas na paningin pagdating sa paninindigan sa bansa at walang inuurungan. Hinanap nito si Fiona at ipinatawag upang bigyang diskusyon ang kaniyang hinihinging pera. Naligaw ata si Fiona at kung saan-saan na siyang lupalop ng usapan napupunta.

Ungkatan ng past pa nga, e’. ‘Di makamove on yarn?

Nagsalita si Lisa at sinabing hindi niya gusto ang sagot ni Fiona dahil ito'y pasikot-sikot pa. Sumagot naman si Fiona at sinabing kung hindi gusto ni Lisa ang sagot niya ay at least sumasagot siya.

Habang paalis si Fiona ay tumugtog ang “shimenet like, shimenet like, sualala” at lahat ay napasayaw sa liriko. Bakit kaya hindi na lang kunin ni Fiona sa confidential funds ang 10 milyong piso?

Nakakalungkot namang isipin na ang “academic achiever” na estudyante hindi na kinakaya ang pressure na mas galingan pa dahil baka mataasan at masapawan ng iba.

Naitanong mo na rin ba sa sarili mo kung sino ka ba kapag wala kang sertipiko at medalya? Ano na lamang ang tingin ng mga tao sa’yo kapag bumagsak ka dahil hindi mo na kaya, titigil na ba o susubukang magpahinga? Hindi sa lahat ng oras ikaw ang bida.

Palagi na lang palaisipan sa ito kung sino ka kapag walang medalyang nakasabit sa leeg mo na siya ring dahilan kung bakit ka nahihirapan. Ang sarap sa tenga ng mga tunog ng medalya kapag nag-uumpugan kada galaw mo, pero ang bigat sa leeg ‘no?

Alam ko ang gusto mong marinig na salita galing sa iba “Proud ako sa’yo” diba? Pero mas maganda siguro kung galing ito sa mga magulang mo, ang hirap naman ng kahilingan mo na kahit si Santa hindi kayang ibigay ito. “Buti pa si ano kaya naman diba” diyan ka siguro nasanay kaya kahit ikaw mismo hindi naniniwala sa sarili mo.

Bawasan mo kaya? Hindi medalya at sertipiko ang tinutukoy ko rito, kundi ang pressure at pagod kada pagpasok ay dala-dala mo. Hindi sayang sa oras ang pagpapahinga. Matalino ka at kahit anong maging kalagayan mo may mga taong maniniwala pa rin sa’yo. Lagi mo lang tatandaan na hindi sa taas ng grado nasusukat isang katalinuhan ng isang tao kundi sa tamang desisyon at pag-uugali nito.

BULAG, PIPI, AT BINGI

a tuwing tayo ay nakaririnig ng kwento, hindi natin maiwasang magbigay ng reaksyon ukol dito, dahil minsan ay kakaiba ito sa ating pandinig at hindi madalas na mangyari.

Noong bata pa ako, hindi mabigat na problema ang aking pasan, iniisip ko lamang

noon kung paano si ina'y matatakasan. Ang sabi sa akin noon, ang mga bata ay lapitin ng mga “imaginary friend,” may mga kalaro tayong hindi pala totoo, minsan ay may pangalan pa nga e’.

May ipinakilala ako sa aking mga kalaro, si Rosa, bakas sa mukha nilang tila ba'y natatawa, ano bang nakatatawa? Pangit ba si Rosa? May mali ba sa kanya? Tumakbo ako papalayo kasama si Rosa, nasaktan ako at hindi na nakipaglaro pang muli.

Sabi sa akin ni Inay, umaatake lang ang hayop tuwing gabi, bakit kahit tirik pa ang araw ay naglilibot na ito? Ako pa ang natiyempuhan no'n. Mali rin ang aking Inay, hindi ito isang uri ng hayop, ito ay isang tao!

Dahil ba't musmos lamang at kulang-kulang ako, kukumpletuhin niyo na ang mga salitang bulag, pipi, at bingi. Bulag na kahit kadugo niyo na ay ayaw niyong paniwalaan. Pipi na tila ba'y may busal ang mga bibig at ayaw ipakawala ang nangyari, at bingi na kahit sumisigaw na ang biktima ay tila ba'y walang naririnig.

“Alam niyo bang base sa isang datos sa 35 na porsyentong babae na nakaranas ng karahasan, 10 lamang na pursyento ang nagsusumbong. Sa mundo, kahit totoo ang sinabi mo, kung hindi normal ang nangyarI, mananatili silang bulag, pipi, at bingi.” Class dismissed!

LARAWAN MULA SA Google
KUHA NI Aera Jaychel Delos Reyes
KUHA NI Althea Mae Bugal
DISENYO NI Mark Christian Sanico

Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino

“Saksak puso, tulo ang dugo”

LATHALAIN

TOMO 2|ISYU 1

NI ALLEN FELICITY PEREZ

“ angit lupa impyerno”

LPamilyar ka ba sa larong langit lupa? Paboritong laro ng mga bata at palagi mong naririnig sa kalsada. Takbuhan, sigawan, at hiyawan ang kadalasang nangyayari kapag nilalaro ito. Matanong ko lang, sino ang magiging taya at tatakbo para makaligtas kung gobyerno at mismong presidente na ang gagawa nito, magpapataya ka ba? O sasabihing taym pers muna?

Laganap sa kahit saang lugar ang patayan, meron sa mga bahay, barangay, at gobyerno. Halos tatlo sa sampung porsyento lamang ang nabibigyan ng hustisya ayon sa mga datos na inilalabas kada taon

Isang halimbawa na lamang dito ay ang EJK o Extra Judicial Killing na isinagawa noong panahon ng ating dating Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan ay ipinapapatay niya ang mga drug dealers sa bansa, ngunit kung titignan halos hindi ito nababawasan. Nasaan ang totoong hustisya?

Karamihan sa mga namatay sa operasyon ng EJK ay sina Carl Arnaiz, Jerhode Baltazar, Oliver Dela Cruz, at ang estudyanteng si Kian Delos Santos. Sila ay mga biktima lamang, walang ginagawang masama ngunit pinatay dahil napagkamalan lamang. “May exam pa po ako bukas”

Nasaan at paano ang hustisya sa mga biktima? Kung ang mismong nagpapapatay ay matapang pa at ayaw panagutan ang kasalanan niya. Sinabi pa ng dating pangulong Duterte na hindi niya pananagutan ang mga namatay kung kaya nagkaroon ng “Kian Bill” para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

“Patay Buhay”

Ilan pa kayang inosenteng tao ang papatayin para mabuhay ang totoong mga may kasalanan? Paano na lamang ang mga namatayan na kahit anong hustisya ang hingin nila wala pa ring nangyayari. Patuloy pa ring mamamatay ang hustisyang hinihingi ngunit patuloy na nabubuhay ang mga gumagawa ng kasamaan.

uli nating pasukin ang mundong salungat sa kung ano ang nasa ibabaw— mundong pilit na iniiwasan subalit paulit-ulit din tayong nilalapitan. Sa edisyong ito ng Kilabot to the Bones, paniguradong mas kapana-panabik at mas nakapaninidig-balahibo.

Isa si Regine Sucgang ng 12 - ICT Animation sa mga estudyanteng nakaranas ng kababalaghan sa palikuran ng PSMA. “Grade 10 ako nang una akong makarinig ng umiiyak na bata sa ikatlong palapag ng unang gusali.” Ayon kay Regine, makalipas ang dalawang taon, muli siyang nakaranas ng pagpaparamdam sa banyo. “Bago ako pumasok sa CR ay nakasara ‘yung isang pintuan kaya’t inakala kong may tao. Nagsalamin lang ako noong mga oras na ‘yon pero parang may batang umiiyak. Palakas nang palakas at palapit nang palapit sa kinatatayuan ko.” Dulot ng pagaalala ni Regine sa kung sino man ang humihikbi sa loob, napagdesisyunan niyang mangialam. Unti-unti niyng binuksan ang pintuan at lumuwa sa kanya ang katotohanan— walang tao.

Galing naman mula sa isang anonimus na mag-aaral ng ikalabindalawang baitang ang susunod na sender. “Hindi ko alam kung ako lang pero natatakot talaga akong gamitin ang CR sa unang palapag. Napapadalas kasi ang pagkarinig ko sa sobrang linaw na iyak ng isang babae sa tuwing nakasarado ang palikuran para sa mga guro.”

Idagdag din natin si Nicole Shane Reyes ng 10 - Bonifacio at Pati na rin si Shan Patrick Bambilla ng 10 - Aquino at ang kanilang karanasan sa kaparehong banyo. Pinanindigan daw sila ng balahibo matapos makakita ng isang anino at hindi niya mawari kung ano ito, Ayon kay Shan, tila nasa anyo raw ito ng isang maliit na bata.

“Umalis ka na sa pwesto mong patayan!”

Paano magkakaroon ng hustisya ang mga biktima kung patuloy na namamayagpag ang kasamaan? Papayagan mo na lang bang maging taya ka ng gobyerno o taym pers muna at mananahimik sa bahay niyo? Laro muna tayo ng langit lupa, ngunit iba ang patakaran, ‘wag kang maingay para hindi ka madamay. Tumakbo ka lang at iwasan ang mga taya, dahil kapag hindi mo ginawa ikaw na ang susunod na magiging biktima.

“Taya! ‘Wag kang madaya, ikaw na yung taya!”

Matapos magtungo ng ikalawang palapag, si Leannarich Magtira ng 8 - Celerio ay nakaranas ng isang pagpaparamdam na hindi niya malilimutan. “Habang dumadaloy sa balat ko ‘yung malamig na hangin, may tumatawag sa palayaw ko, hindi pamilyar ang boses kaya medyo nangilabot ako. Noong una ay hindi ko ito pinapansin pero parang bawat hakbang ko parang palakas nang palakas ‘yung tawag sa’kin. May nakita akong anino na parang tumakbo kaya maski ako ay napatakbo na rin palayo.”

Mula naman kay Jeyanna Dela Peña ng 8 - Amorsolo ang susunod nating kuwento. “Nauna akong umuwi sa mga kaibigan ko pagtapos ng aming pagsasanay sa journ room. Halos wala nang tao dahil nagsiuwian na ang mga guro at estudyante. Maski mga janitors at guard ay nasa baba. Sa fire exit ako dumaan at pagpasok ko roon, kakaiba ang pakiramdamo ko— parang sumisikip ang dibdib ko, nahihirapan huminga, at parang ang sikip ng handang dadaanan ko. Nang makarating ako sa hagdan ng ikalawang palapag ay may napansin akong nakaputing polo at itim na pantalon na lalaki, Bigla itong nawala kaya mas lalong bumigat ang pakiramdam ko."

Ang pagpaparamdam ng mga hindi natin nakikita subalit ating naririnig at nararamdaman sa hindi malamang dahilan ay hindi na lang pala sa gabi nangyayari, maaaring sa mapahapon, araw, o umaga. Sabi nga sa kanta ng Cup of Joe na “Multo”: "Hindi na makalaya, wala mang nakikita~”. Hindi nga ba natin sila nakikita?

Nandito kami ngayon sa aming nilipatang bahay. Luma, sira-sira, at nakakatakot ang itsura.

Sabi nila may dalawang uri raw ng gutom. Una ay ang literal na gutom, walang laman at kumakalam ang sikmura. Pangalawa ay hindi lang gutom kundi uhaw rin sa hustisya.

NG SIKMURA

SAng katarungan kung minsan ay nasa panig ng may kapangyarihan at may kayamanan.

a pagpasok ng Nobyembre, dumaraan ang undas, maraming mga tradisyon ang ginagawa, tulad ng pagtirik ng kandila sa mga namatay at ang paghahanda ng pagkain. Maraming katatakutan ang nagaganap. Para sa iba, ang talagang nakakatakot ay ang mga multo, halimaw, engkanto, at iba pa. Ngunit, sa ating lipunan, ano nga ba ang talagang nakakatakot?

“Gutom na kami” Narinig mo ba ‘yon? Agad akong nagabot ng pagkain ngunit, ito'y kanilang itinapon.

“ “Ayaw namin niyan!”

“Ano bang gusto niyo?”

“Gusto namin ng HUSTISYA!”

Totoo pala talaga ang nakikita ko sa mga palabas na may humihingi ng hustisya sa mga lumang bahay, pero hustisya kaya saan ang hinihingi nila? Ah, oo nga pala, sa ating bansa, kahit ano pang hustisya ang iyong inaasam kung wala ka namang pera ay mapupunta rin ito sa wala.

Dahil na rin sa hirap ng buhay, ang iba ay pinipili na lang na isa walang bahala ang nangyari. Subalit, may iba pa ring naghahanap ng katarungan para sa mga namatay.

Nakanginginig balahibo na malamang ang hustisya ay para lamang sa mga may pera. Tila ba'y walang lugar ang mahihirap sa ating bansa dahil inaalisan tayo ng karapatan para mabuhay at makapagsalita.

NI MARIA SHANIAH MISMANOS
NI JEAN DURAN
GUHIT NI Dannah Lei Mantilla
GUHIT NI Dannah Lei Mantilla

Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino

Ikaw ba ay adik, hindi sa droga kundi sa sweets? O ‘di kaya’y hindi mapakali kapag walang nangunguyang sweets na dumudikit sa ngipin?

Ito ang tanghulu, gawa sa prutas na ibinalot sa sugar syrup na pinakuluan na agaran ding inilulublob sa tubig na may yelo para ma-achieve ang sweet, sour, crunchy tanghulu bago kainin.

Unang kinagiliwan ang tanghulu sa bansang Tsina dahil sa akma ito sa kanilang klima na taglamig.

Sweet ngunit maaring ilagay ang iyong kalusugan sa panganib. “Tanghulu or Candied fruit, is a high-sugar treat that can lead to blood sugar spikes… Frequent consumption may contribute to health issues such as tooth decay, insulin resistance, and cardiovascular diseases.” ani ni Dr. Thomas Dwan doktor sa Infectious Disease Public Health.

Hinay-hinay baka mamatay huwag kalimutan na ang matamis ay maaring magdulot ng sakit. Kumain ng tamang tamis upang hindi nagkadiabetes.

KURYENTE-MAZING!

Beep, Beep! Ingay sa Paligid, Kuryente ang Hatid

Laging puyat at masakit ang ulo dahil sa animo’y manok na bunganga ng iyong tsismosang kapitbahay, isama mo pa ang ingay ng sasakyan sa labas ng inyong tahanan. Dagdag mo rin ang init tuwing brown out na talaga namang nakaka-stress! Ngunit paano kung pwedeng maging kapaki-pakinabang ang ingay sa paligid? Ang ingay na nakakairita’t nakakabingi ay magiging ELECTRI-Cool!

Ito ang imbensyong tinawag na Project S.T.E.M. (Sound To Energy Mechanism For Electrical Use), isang project proposal na likha ng mga Grade 12-STEM students na sina Kent R. Arao, John Allen T. Perez, at Liam Gabriel D. Pu-od ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) na kanilang tinalakay kasama ang kanilang Research Paper Adviser na si G. Jeffrey L. Soliman sa Legislative Building ng Quezon City Hall noong Disyembre 21, 2024 at itinanghal na Grand Winner kung saan ay nag-uwi sila ng Grant Prize na Php100,000.00.

Ang patimpalak ay nilahukan ng iba’t ibang paaralan sa Lungsod Quezon tulad ng Quezon City Science High School (QCSHS), San Bartolome High School (SBHS), Quezon City University at marami pang iba. Ang Project

Laging sakit sa ulo at sakit sa bulsa ang araw-araw na pag-iisip ng mauulam, dagdag pa ang mahal na gastusin sa mga sangkap at bigas. Ngunit paano kung magkakaroon ang mundo ng abot-kayang gawang siyentipikong butil ng bigas? Ang simpleng bigas ay magkakaroon ng bagong struktura, ulam at rice all-in-one ang ariba!

Mula sa karatig bansa sa Asya, likha ng South Korea ngayon ay dadako sa Pilipinas. Inobasyon ng siyensiya na solusyon sa ating problema, alamin ang “beef rice” na mas masustansya’t magaan sa bulsa.

Ayon sa journal ng Matter, ang beef rice ay bigas na hinaluan ng mga selula ng laman at taba ng baka. Ito ay mas kaakit-akit sa inyong kalamnan dahil sa malakulay rosas nitong taglay galing sa cell culture medium ng baka. Ang beef rice ay nag-iiwan ng katagang, mas matigas man sa karaniwang bigas, sa sustansya naman ay mas mataas. Talagang nakakagutom ang inobasyon na ito dahil sa aroma ng baka, almonds, at coconut oil pa lang ay maglalaway ka na. Sa pamamagitan ng pagbabalot ng gelatin sa butil ng bigas na mula sa isda ay napapakapit nito ang mga selula ng karne na susundan ng paglalagay ng stem cells ng laman at taba ng

S.T.E.M. ay layuning i-convert ang ingay upang maging kapakipakinabang na enerhiya. Gamit ang piezoelectric discna may kakayahang i-convert ang ingay bilang isang electric energy matapos ang conversion ay dadaan na ito sa isang wire na kokolektahin ng lithium-ion battery na kayang tumagal ng limang taon. Matapos makolekta ng baterya ang kuryenteng ito ay dadaloy ulit sa isang wire na nakakonekta naman sa outlet at ready to use na!

Ang isinagawang proyekto ng Quezon City Youth Department Office (QCYDO) upang maghanap ng Young Innovators sa lungsod ay talaga namang asTECH! Ito ay hindi lamang magbibigay-daan para maipakita ang talento ng isang QCitizen kundi solusyon din sa mga problemang panlipunan. Ang project proposal ng tatlong MelQuinian ay patunay na kapag ginamitan ng siyensya’t teknolohiya ay inobatibong solusyon ang dala.

baka sa loob ng butil ng bigas. Mala-glue ang atake ng gelatin ng isda! At pagkatapos ay pinapatubo ang bigas sa isang petri dish sa loob ng lab. Mula sa mahabang proseso, patungo sa kamangha-manghang resulta, ayan ang bunga ng siyensiya.

Ang hybrid na ito ay hindi lamang para sa pagpapagaan sa mga bulsa ngunit nagsisilbing pagkain na rin para sa mga astronaut, military at lalo na sa panahon ng taggutom. Makikitang may maliliit na butas ang butil ng bigas na kung saan ay kakaiba sa natural na bigas. Layunin ng inobasyon na ito na mas mapalago ang mga selula at nutrisyon ng bigas kabilang na rin ang planong pagbubuo ng ready-to-eat meal packages para sa mataas na benta sa mga pamilihan.

Patuloy na mag-eksperimento para sa mundong mas nababalot pa ng siyensiya at teknolohiya ngunit mas maging maingat sapagkat ito ay maaaring makasira pa. Siyensiya ay patuloy na umuusbong sa tulong na rin ng pag-usbong ng teknolohiya.

NI JOHN ALLEN PEREZ
NI JOHN ALLEN PEREZ
LARAWAN MULA SA Pinterest
LARAWAN MULA SA Reuters at IStock
KUHA NINA Aera Jaychel Delos Reyes
Sa ikalawang beses ay muling namayagpag ang PSMA sa Innohub 2024: The Search for Quezon City’s Young Innovator matapos tanghalin sina Kent R. Arao, John Allen T. Perez, at Liam Gabriel D. Pu-od, pawang Grade 12-STEM students bilang Grand Winner at iuwi ang Grant Prize na PHP 100,000.00.

LUMUKLOK SI DAGLOC

Dagloc, sumipa ng pilak sa Division Taekwondo pahina 16

Ang tubig ay buhay ngunit maaari ring makapatay. Batay sa 2022 Quezon City

Health Department Data on Mortality, pang-29 ang Acute Gastroenteritis sa mga nangungunang nakamamatay na sakit. Sa halip na mapawi ang uhaw ay kamatayan ang nagawa nitong ipataw. Ngunit ito ay matutuldukan na dahil sa bagong ordinansa sa Lungsod Quezon na naglalayong magtatag ng isang water testing laboratory.

Alinsunod sa Quezon City Ordinance No. SP-3346, series of 2024 ay opisyal nang magkakaroon ang lungsod ng sarili nitong

Water Testing Laboratory na pangangasiwaan ng Quezon City Health Department. Batay sa ordinansa, itataguyod ng nabanggit na laboratoryo ang isang mabisang surveillance at monitoring mechanism para sa dekalidad na tubig na maiinom ng bawat QCitizen. Kaugnay rin ito sa mandato ng lungsod sa pagsisiguro sa pagkakaroon ng malinis na tubig na magagamit sa iba’t ibang pangangailangan ng bawat residente nito at pagsusulong sa Sustainable Development Goals (SDG) 6 ng United Nation (UN) na

may kinalaman sa “Clean Water and Sanitation”.

Ayon sa WHO, ang malinis na tubig ay pangunahing pangangailangan upang maiwasan ang mga sakit tulad ng diarrhea, cholera, at typhoid fever. Layunin nitong matukoy ang mga posibleng kontaminasyon at maprotektahan ang kalusugan ng mga residente, kaya’t ito’y isang daan patungo sa mas ligtas na komunidad. Ang pagkakaroon ng ganitong establisimyento ay isang proactive na hakbang upang maiwasan ang mga ganitong problema.

Hindi na matatakot ang mga QCitizen na pawiin ang kanilang uhaw dahil ang water testing laboratory na ito ay magsasagawa ng pagsusuri

sa pH levels, bacterial contamination, at kemikal ng tubig. Kung may problema, agad itong maaaksyunan upang maprotektahan ang kalusugan at tiyakin na sumusunod ang mga water suppliers sa kalidad ng tubig. Sa kabuuan, ang proyektong ito ay isang hakbang patungo sa mas maayos at ligtas na kalusugan para sa lahat ng mamamayan ng Quezon City. Sa ganitong paraan, ang bawat isa ay mas kampante na sa paggamit ng tubig, mula sa pag-inom hanggang sa mga pang-arawaraw na gawain na tiyak ay magiging mas ligtas at mas malinis.

Chiropractic therapy, pampalubag o pampahirap?

Is this true stone? — este bone!

Makikita ngayon sa iba't ibang social media platform ang nauusong "chiropractic therapy" o pagpapalagutok ng buto.

Kaliwa't kanan ang nag-aalok nito kung saan may hatid umanong magandang benepisyo ang serbisyong chiropractic therapy para sa mga pasyenteng may iniindang sakit sa katawan.

Ayon kay Dr. Ronald Samaniego, isang licensed chiropractor at doctor of physical therapy ay napapagaan ng chiropractic therapy ang pananakit ng katawan at naiaalis nito ang ilang problema sa gulugod.

Tulad na lamang ni Usain Bolt, isang sprinter mula Jamaica na nagtamo ng anim na medalya sa Olympics at tinaguriang "Fastest Man in the World," ay iniinda ang kanyang scoliosis mula noong siya'y bata pa. Umasa si Bolt na chiropractic therapy ang sasagot sa sakit ng kanyang gulugod kung saan ay nakakaapekto ito sa kanyang performance.

Sa pamamagitan ng chiropractic therapy at sports rehab techniques, agad na naka-recover si Bolt at naging bahagi na rin ito ng kanyang training bago sumabak sa karera.

Bukod sa mga atleta ay benepisyal din ito sa mga nakaranas ng aksidente na may neuromuscular at musculoskeletal injury.

Ngunit ang ganitong klaseng therapy ay nararapat na i-konsulta sa lisensyadong doktor dahil kailangan munang suriin ang pasyente bago isagawa ang chiropractic therapy.

Kung susubukan ay nararapat lamang na kumonsulta sa lisensyadong doktor o therapist upang masigurado ang kaligtasan dahil sure to the bone na it is pampalubag at hindi pampahirap!

agtek

a isang survey noong September 2022 ng Pulse Asia, lumitaw na 9 sa 10 Pilipino ang naniniwala na problema sa bansa ang fake news, samu't saring balita ang nababasa na animo'y virus sa bilis ng pagkalat nito na sinlakas naman ng turbo fan ang mga impormasyong kapanipaniwala, mala-ibon naman dahil wala pang isang araw ay alam na buong bansa ang walang kasiguraduhang balita, walang ligtas maging ang mga usapin tungkol sa siyensiya't teknolohiya kaya halina't sabay nating sagutin kung ito ba'y Agtek o Japeyk?

HMPV, panibagong problema o panibagong meta?

Putok na putok ngayon ang balita na may panibagong sakit ang nagsisimula nang kumalat sa Tsina at posibleng magdulot ng isa na namang pandemya. Ayon sa Financial Express, ang respiratory virus na human metapneumovirus (HMPV) na inisyal na nadiskubre noong 2001 na may sintomas na katulad sa COVID-19 kung saan tinitira ng virus ang respiratory system ng biktima ay tumaas base sa datos mula Disyembre 16 hanggang 22 subalit sa pagpasok ng taon ay tinawag na fake news ng Embahada ng Tsina ang kumakalat na balita sa social media. Hinggil sa posibleng bagong yugto ng pandemya, ito ay JAPEYK.

Oplan alis pawis sa high tech na paraan

Sa nakakasawang init dito sa bansa ay ang paglago naman ng negosyo ng mga kompanyang nagbebenta ng iba't Ibang uri ng pampapresko tulad na lamang ng turbo fan. Tunay na AGTEK ang uring ito ng electric fan na pinaliit na bersyon, may lakas ito na tulad ng blow hair dry kung saan umaabot ng 8 hanggang 12 na oras ang battery life nito na patok na patok lalo na sa mga komyuter at mga mag-aaral na sa pampublikong paaralan kung saan walang air conditioner at maliit lamang ang espasyo sa loob ng klase.

Think before you click, hindi lahat ng nakikita sa social media ay totoo dahil maaaring meta lang 'yan. Maging mapanuri sa panahon ng digital, ang mababasa'y maaaring Agtek kung saan may siyensya at teknolohiyang paliwanag o baka na-Japeyk ka at nadala sa mabubulaklak na salita, matutong kumilatis at magbasa lamang sa mga reliable source.

NI JESSABEL UMAYAN
NI JESSABEL UMAYAN
LARAWAN MULA SA Google at Sports Illustrated
MGA LARAWAN MULA SA Google

TOMO 2|ISYU 1

MALAY AGHAM

Batang

Makabansa, Hindi

Batang Maagang

Maging Nanay

NI ROWENA SURIGAO

akaaalarma ang pahayag ng Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa ukol sa tila abnormal na pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy sa Pilipinas. Delikado sa mga kababaihan ang maagang pagbubuntis at maaari rin nitong ilagay sa peligro ang buhay ng batang dinadala. Sa murang edad, nahaharap na sila sa responsibilidad na kadalasang mahirap gampanan, habang pinapasan ang posibilidad ng pangmatagalang epekto sa kanilang kalusugan, edukasyon, at kinabukasan.

Base sa datos ng DOH, umabot na sa 59 kada 100,000 populasyon ang mga kabataang nabubuntis noong 2024, mula sa 39.39 noong 2020. Ang pagtaas na ito ay nakaugnay sa iba't ibang salik tulad ng kakulangan sa edukasyon, impluwensiya ng lipunan, at kawalan ng sapat na gabay. Sa likod ng mga numerong ito ay mga buhay na apektado—mga batang ina na maaaring dumanas ng malalang kondisyon tulad ng eclampsia, preterm delivery, o systemic infections, at mga sanggol na maaaring ipanganak na may mababang timbang o seryosong kondisyon gaya ng perinatal mortality o ang pagkamatay ng sanggol sa panahon ng panganganak.

Nararapat lamang ipasa ang Senate Bill No. 1979 o kilala rin bilang “Prevention of Adolescent Pregnancy Act” upang isulong ang Adolescent Reproductive Health Education sa mga paaralan o komunidad. Mababawasan din nito ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV o Human Immunodeficiency Virus sa bansa na umabot na sa 3,409 kaso at 1,038 dito ay nasa edad 15 hanggang 24 ayon sa DOH.

Bigyan natin ang kabataan ng tamang kaalaman, wastong gabay, at sapat na suporta upang mapanatili ang kanilang mga pangarap at kinabukasan. Ang pag-iwas sa teenage pregnancy ay hindi lamang responsibilidad ng iilan, kundi ng buong lipunan. Sabi nga ng mga matatanda, "Ang dalagang hindi marunong maghintay ay maagang magiging nanay”, kaya naman para sa mga kabataan hindi lamang sa kababaihan, matutong kontrolin ang sarili para maiwasan ang habambuhay na pagsisisi.

Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino

SSaribuhay sa Salapi: Koneksyon ng

Kalikasan at Pera

ari-saring larawan, sari-saring buhay na hindi lamang sa totoong buhay mararamdaman ngunit pati na rin sa perang nakakamtan. Napaisip ka na ba kung anong saysay ng mga halaman at hayop na nakalimbag sa mga pera? Mayroon nga bang ibig sabihin ang mga larawang ito?

Sa paglipas ng panahon ay patuloy na nagbabago ang mga itsura ng bawat pera sa bansa, mas pinapaganda ang kalidad hindi lamang para maging kaakit-akit sa mga mata ng mamamayan kundi para na rin sa ilang mga paalala o adbokasiya na may koneksyon sa mga ito.

Ngunit ano nga ba ang Saribuhay sa Salapi? Una muna nating alamin pinagmulan ng salitang saribuhay. Ang saribuhay ay hango sa dalawang salitang “sari-sari” na nangangahulugang iba-iba at “buhay” o anomang specie na humihinga. Sa Ingles ito ay tinatawag na biodiversity na tumutukoy naman sa iba't ibang uri ng buhay na nilalang sa isang partikular na lugar. Samantala, ang salapi naman ay isang kasangkapang ginagamit sa pagbabayad, pagbili o pakikipagkalakan. Ang pinagsamang salitang ito ay tumutukoy sa mga halaman at hayop na makikita sa pera sa kasalukuyan.

Sa mga perang nagdaan sa ating mga palad, nasubukan mo na bang alamin ang mga halaman at hayop na nakalagay rito? Simulan natin ang pagpapakilala sa mga barya. Para sa perang parehong may simbolo ng halaman na tanging sa Pilipinas lamang matatagpuan ang Walingwaling o Vanda Sanderiana sa isang sentimo at Tayabak o Strongylodon Macrobotrys sa limang piso.

Ang Katmon o Dillenia Philippinensis na matatagpuan sa 25 sentimo at Kapa-kapa na makikita sa isang piso, sila ay parehong uri ng halaman sa Pilipinas na endemic.

Tampok naman sa limang sentimo ang Kapal-kapal baging o Medinilla Magnifica habang sa 50 sentimo ay Kapok o Ceiba Pentandra, isang mahalagang kasangkapan sa paggawa ng tela. Dumapo naman sa sampung piso ang ting pambansang agila na may siyentipikong pangalang Pithecophaga jefferyi na nagpapahiwatig ng katapangan at katatagan. Sumisimbolo sa kasaysayan at pamana ng lungsod ang 20 piso kung saan ay nakaukit ang Nilad Plant na siyang isa sa itinuturing na pinagmulan ng Maynila.

6%

*mula sa Philippine Statistics Authority (PSA)

bahagdang itinaas ng teenage pregnancy sa bansa mula taong 2019 at taong 2023

Talakayin naman natin ang mga bahagi ng Saribuhay sa mga papel na pera. Para sa 20 peso bill; Asian Palm Civet o Paradoxurus hermaphroditus at Banaue Rice Terraces. 50 peso bill; Giant Trevally o Caranx ignobilis at Taal Lake. 100 peso bill; Whale Shark o Rhincodon typus at Mayon Volcano. 200 peso bill; Maliputo o Caranx ignobilis at Batanes Hills. 500 peso bill; Blue-naped Parrot o Tanygnathus lucionensis at Puerto Princesa Subterranean River National Park. 1000 peso bill; South Sea Pearl o Pinctada maxima at Tubbataha Reefs Natural Park. Lahat ng nabanggit ay tumutukoy sa mga likas na yaman ng Pilipinas, kasama na rito ang mga tourists spot na talagang karapat-dapat na ipagmalaki. Talagang nakakamangha at napakaganda ng ating likas na yaman. Dahil dito, maraming environmental advocates at content creators ang nagpapakita ng interes sa usaping ito at isa na riyan si Celine Murillo. Ayon din kay Murillo, kaya may mga halaman sa bawat salapi ay upang magbigay ng kamalayan na ang mga halaman na ito ay “endangered” o malapit nang mawala lalo na kung hindi iingatan.

Malaki ang papel ng 'Saribuhay sa Salapi' sa ating buhay dahil sabi nga ni Murillo, ito ay isang natatanging paraan ng pag-uugnay sa kalikasan at kultura. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng imahe ng iba't ibang halaman at hayop sa mga salapi ay nagiging daan ito upang mapataas ang bilang ng mga taong mas nagiging malay sa ating kalikasan. Ang diskusyong ito ay gabay sa mga Pilipino na maging tagapag-ingat ng ating yaman, hindi lamang sa usaping pampera ngunit para na rin sa ating inang kalikasan.

3,343

bilang ng mga batang babaeng edad 15 pababa na nanganak noong 2023

NI PRECIOUS NICOLE ALAYON
MGA LARAWAN MULA KAY
Celine Murillo, Sherwin Teves at Google

8 MelQuinian Taekwondo players, sumipa ng medalya sa District Athletic Meet

NINA ARVINCE JOHN SALVADOR AT XHEDRYC NEO EVANGELISTA

Taglay ang pundasyon ng reputasyon na naitatag noong nakaraang taon, patuloy ang paghakot ng mga parangal ng PSMA Taekwondo Team.

Nagbulsa ng panalo ang mga pambato ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) sa ginanap na District VI Athletic Meet Taekwondo Tournament na ginanap sa New Era High School (NEHS) nitong Oktubre 12.

Kumubra ng pinagsamang tatlong

gintong medalya sina Frich Dagloc, Jesa Milmao, at Clifford Carolino sa Poomsae at Kyorugi Individual Category na pare-parehong pumasada sa Division Meet. Kaagad na sinibak ni Dagloc ang bata ng Culiat High School upang kopoin ang

unang gintong medalya para sa PSMA.

Kaugnay nito, sinipa

Bitbit ang dedikasyong umapak sa Division, ipinamalas ng tro- pang MelQuinians ang kanilang gigil kontra CHS.

Pumuslit ng 3rd place ang Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) nang itakas ang 2113 panalo at sibakin ang Culiat High School (CHS) sa mismong balwarte nito lamang Oktubre 12 sa District Athletic Meet Basketball 3x3.

Bumira ng 13 puntos si Laurence Chacon upang igiya ang PSMA sa quarterfinals.

Kumamada ng lay-up si Chacon upang isarado ang kabanata at umabante sa quarterfinals.

Nawala sa tono ang tempo ng CHS bunsod upang maibalato ang 7-0 run sa PSMA, 20-12.

Kumayod naman ng 6 puntos si Lester Torres kaakibat ang 3 puntos ni Cedrick Banut kapos upang ihatid ang CHS sa quarters.

Nagrehistro ng maagang 3-0 ang PSMA nang humarabas ng mga lay-up si Chacon na nagmitsa upang makontrol ang laro.

Rumesbak ang CHS tampok ang counted foul bunsod upang masagitsitan ang PSMA at agawin ang liderato, 4-3.

Nang dahil sa sunodsunod na matatalim na opensa ng tropang MelQuinians, namaga ang agwat sa 10-5.

Naging suki ng fouls ang CHS upang mairegalo ang mga turnovers sa PSMA.

Sa kabilang dako bigo naman ang PSMA sa quarterfinals matapos nitong sumadsad sa Sauyo High School dahilan upang isuko ang kanilang kampanya sa torneyo.

Cortez, humampas ng ginto kontra Esagunde sa District Men’s Badminton Finals

Tikas ng opensa at tatag ng depensa, ang puhunan para kampeonato’y makuha!

Kumulimbat ng panalo si Jerico Cortez sa District VI Athletic Meet Men’s Badminton Singles Championship matapos dispatsahin ang pambato ng Ismael Mathay Sr. High School (IMSHS), 21-15, 19-21, 21-13 dominante nitong Oktubre 12 sa Emilio Jacinto National High School (EJNHS) covered court. Nagsilbing alas para kay Cortez ang kanyang pagkapanalo para umarangkada sa Division level.

Nasa momentum nang sinimulan ni Cortez ang laban matapos makapagningas ng kalamangan, 9-14, dahilan para mahirapan makahabol si Julian Brent Esagunde ng IMSHS.

Tuluyan nang napamaga ng pambato ng PSMA ang iskor dahilan para malugmok sa bentahe ang IMSHS, 21-15.

manalo, bumakas ang pambato ng IMSHS dahilan para umalagwa sa tempo si Cortez, 5-9.

Naging mauga ang depensa ni Cortez dahil sa mga dropball ni Esagunde na naging susi para malugmok siya sa bentahe, 1921.

Hindi naman nagpatinag si Cortez matapos puntiryahin ng corner-shot ang IMSHS sa 3rd set, 18-11, na nagbigay-daan para sumadsad ang momentum nito.

Tuluyan ng yinurakan ni Cortez ang laban nang binitawan ni Esagunde ang kanyang huling tirada na naging hudyat ng kanyang pagkapanalo, 21-13. Bumida rin sa kani-kanilang torneyo ang iba pang kasama ni Cortez gaya nina Jhanuarie Sinahon, Vhea Nicole Esplana at Jaff Anes na bumulsa ng tatlong tanso.

Sa kabila nito, hindi naman nagtagumpay si Cortez na sumikwat ng panalo sa katatapos lamang na Division Athletic Meet.

Sa kabila ng hindi maugang depensa sa unang laro kontra TSNHS, hindi ito tumalab matapos mabitawan ng PSMA ang momentum nang makaharap nila ang NEHS sa iskor na 25-19 at 25-17. Putol ang sumpa ng PSMA matapos maipanalo ang laro. IT TAKES...

Sa mas pinalakas na depensa, tinapos ito ng PSMA nang humataw ng matitikas na palo sina Morales at Nathaniel Paguirigan na may pinagsamang 11 puntos kaagapay ang 4 puntos nina Perez at Nilo Frias Jr. sa iskor na 29-27 na nagbukas ng pinto upang sila'y makapasok ng semi finals kontra New Era High School (NEHS).

NI MARK RUSSEL BIGCAS
SELYADO ANG GINTO
NI KYLE NATHAN NICOLAS
SALAG AT GINTO
Kasama si Bb. Rovilyn Megano bilang coach ay ibinida ng 8 MelQuinian Taekwondo players ang kanilang nakamit na medalya.
KUHA NINA Althea Mae Bugal
APAT DAPAT
Masayang inihandog nina Vhea Nicole Esplana, Jerico Cortez, Jaff Anes at Jhanuarie Sinahon ang kanilang tagumpay sa District VI Athletic Badminton Tournament 2024.
KUHA NI
Aera Jaychel Delos Reyes
HINDI PAPATALO
Pinatunayan nina Prince Laurence Fornoles, Laurence Chacon, John Louis Obusa at Brian Jay Fernandez ang kanilang husay sa basketball matapos dominahin ang CHS sa mismong balwarte nito.

isports

TOMO 2|ISYU 1

LUMUKLOK SI DAGLOC

Dagloc, sumipa ng pilak sa Division Taekwondo

Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino

Agosto 2024-Enero 2025

PSMA Table Tennis Team, dinispatsa ang TSNHS; 2 ginto, 1 pilak sinikwat

Sumukbit ang Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) ng dalawang ginto at isang pilak na medalya kontra Tandang Sora National High School (TSNHS) sa Men's & Women's District Athletic Meet Table Tennis

Tournament na idinaos sa Emilio Jacinto National High School (EJNHS) noong Oktubre 12.

Buena mano ang naging panalo ni Stephanie Corzon matapos makubra ang ginto sa Women's Table Tennis Single A Match at mabigay sa PSMA ang unang medalya sa torneyo. Tumikada ng 11-4, 12-10, 10-12 at 1118 na iskor si Corzon kontra Zhalyn Bayking ng TSNHS.

Sa kabilang dako, itinuloy ni Regine Sucgang ang momentum ng PSMA matapos siyang magdagdag ng ginto sa pag-arangkada niya kontra Jellian Eva ng TSNHS sa Women's Table Tennis Single B Match sa iskor na 1311, 11-8, 11-8.

Samantala, tumirada naman ng pilak si Dyan Tapiador laban kay Albert Paguirang mula ulit sa TSNHS na nagrehistro ng 9-11, 6-11, 11-6 at 1-11 na iskor.

Binuhay man ni Tapiador ang pagasa ng PSMA sa ikatlong set matapos tumarak ng 11-6 na panalo sentro ang cross-court kill nito ay namayagpag pa rin ang husay ni Paguirang at tuluyang binaon si Tapiador sa huling bahagi ng laban.

Humataw ng pilak ang Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) sa Division Poomsae Taekwondo sa bisa ng husay ng pambato nitong si Frich Dagloc noong Disyembre 14 sa Camp Crame High School (CCHS).

Pinadapa ni Dagloc ang higit sa limang paaralan sa Quezon City sa Poomsae Taekwondo

kontra Esagunde

habang tumarak ito ng 6.853 na puntos saelimination round at 7.051 na puntos sa finals round.

Napunan ni Dagloc ang unang pattern na Taegeuk 7 sa elimination round at kumamada ito ng 6.853 na puntos.

Habang bitin naman ang pagsasagawa ni Dagloc ng geumgang pattern sa finals round na rumehistro ng 7.051 na

IT TAKES TWO TO TANGO!

Sumpa kontra TSNHS, pinutol ng PSMA

agpamalas ng mainit na laban ang pambato ng Paaralang Sekondarya Melchora Aquino (PSMA) sa ginanap na Congressional District VI Athletic Meet Men's Volleyball sa iskor na 25-16, 29-27 kontra Tandang Sora National High School (TSNHS) na ginanap sa Culiat High School (CHS) noong Oktubre 5.

Sa muling paghaharap ng dalawang koponan ay nagpakita na agad ng determinasyon ang parehong grupo na makuha ang puwesto upang makapasok sa finals.

Must win ito para sa PSMA dahil sa sunod-sunod nitong pagkatalo kontra TSNHS sa nakalipas na dalawang taon.

puntos dahilan upang maiuwi ang pilak na medalya.

"Looking forward ako next year na makuha yung gold sa Division dahil pangarap ko makapag-regionals at nationals”, pahayag pa ni Dagloc.

Matinding comeback ito para kay Dagloc matapos pumwesto ng parehong tanso para sa poomsae solo at trio.

Unang set pa lang ay mainit na agad ang labanan matapos pumoste si Joselito Morales na pumalo ng 4 puntos kaagapay ang 6 puntos nina Kyle Nathan Nicolas at Ralph Vincent Philip Perez.

Humagupit naman ng sunodsunod na ispayk at mas pinatibay na opensa ang PSMA na umabot sa 9 puntos na kalamangan na nagpatuloy sa kampanya kontra TSNHS.

Bitbit ang tempo sa 2nd set, naghabulan ang parehong koponan na umabot sa match point.

Mas uminit pa ang laban nang magungusan ang dalawa na tila nagbigayan ng iskor matapos ang tatlong sunodsunod na tabla.

ipagpatuloy sa pahina 15

NI DENVER MANEJA
BADMINTON PAHINA 15
NINA ANGELA MERCED at DENVER MANEJA
MGA NILALAMAN
Cortez, humampas ng ginto
LIKSI AT BALANSE.
Buong tapang na ibinida ni Frich Dagloc ang kanyang mga sipa at porma para sa Division Poomsae Taekwondo.
KUHA NINA
Althea Mae Bugal at Rofarenz Garcia NI JESSABEL UMAYAN
KUHA NI Vhea Nicole Esplana

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook