ANG
Kabisera Sentro ng Katotohanan
Opisyal na Pahayagan ng Misamis Occidental National High School TOMO VII BLG.I - HUNYO-NOBYEMBRE - Rehiyon X - Dibisyon ng Oroquieta City
P8 Agham
Likas ng mga Pilipino ang pangingisda, kaya naman naging bahagi na ng ating buhay ang pagkain ng mga seafoods. Bukod sa pagiging masarap at sagana sa lasa, taglay din ng mga pagkaing-dagat ang iba’t ibang sustansiyang kinakailangan ng ating katawan.........
BAGONG
INDEKS P4 OPINYON
PATAKARAN
PINAGKAIT NA SUPORTA P10 LATHALAIN
LASAP SARAP P20 ISPORTS
PAMBIHIRA KARIVERA!
Benepisyong HPS para sa extracurricular, binawi ng DepEd, ‘more academically sound approach,’ isusulong
Ni: Danilyn Serana
Sa Division memorandum No. 2903, s2025, binawi ng Department of Education (DepEd) Oroquieta ang pagbibigay ng Highest Possible Score (HPS) sa mga mag-aaral na sasali sa extracurricular activities upang masiguro na hindi napababayaan ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral. Nakasaad sa nasabing memorandum na kukuha pa rin ang mga bata ng alternatibong summative at performance tasks na may patas na puntos imbes na pagkalooban ng diretsahang HPS sa kanilang missed activities. “In lieu of the earlier provision suggesting the automatic awarding of the highest possible score obtained in the class for all summative test and performance task administered during the contest period, a more academically sound and policy-alligned approach shall be observed,” ani DepEd. Dahil dito, nagbigay ng opinyon ang mga mag-aaral at itinuturing ang bagong sistema bilang “challenge” sakanila. “Makaingon gyud ko nga challenge gyud sya sa amoa nga mga moapil ug extracurricular kay we need to balance both academics and kung unsa amoang apilan
which is okay raman sab it is for our own good man sab pero lagi dili gyud malikayan nga mastress, time management nalang gyud ang best option,” wika ni Hannah Edioma, batang mamamahayag. Dagdag pa rito, kahit na umano nasa pagsasanay ang mga magaaral, mayroon pa rin silang natututunan at malalaman na ang mga leksyon.
“Nakasabot raman mi nganong gi-change siya kay para pod naa mi ma-learn bisan ug naa mi sa training dayun dili mi ma behind sa klase, naa gihapon mi take aways,” saad ni John Steven Earl Cajes, batang atleta.
Kaugnay pa rito, marami na ang hindi ipinagpatuloy ang extracurricular matapos ilabas ang naturang memo dahil mas priyoridad nila ang pag-aaral. “Daghan ang mangundang kay mas priority nila ang school and like mas prefer nga mosulod sa klase bitaw dayun naa manggud poy ubannga dili sila ganahan matunga ilang time kay ma out of focus maong kailangan gyud nila i-sacrifice ang isa,” sambit ni Joshua Lafable, researcher Sa kabilang dako, nanawagan naman ang mga mag-aaral na magkaroon pa sana ng konsiderasyon at maintindihan ang sitwasyon ng bawat mag-aaral lalo na sa panahon ng deadlines o pasahan ng gawain.
‘Teachers, accountable to students suicide attemps’ - Guidance Counselor Dibuho ni Zhyantrell Fegi Ni: Danilyn Serana
Isinaad ni Clint Hatague, Guidance Counselor ng Misamis Occidental Science Technology High School (MOSTHS) na may pananagutan ang mga guro sa mga suicide attempts ng mga mag-aaral lalo na’t isyu ngayon ang iilang estudyante na kinitil ang buhay matapos makakuha ng maliit na marka o grado. Sa pahayag ni Hatague, ang mga guro ang ikalawang magulang ng mga mag-aaral kung kaya’t may obligasyon silang gabayan ang mga ito at lapitan kung may napapansing kakaiba sa kanilang ikinikilos. “Teachers are accountable when we are talking about students thinking of suicide attempts especially your question is all about
having a failing grade so teachers should communicate to their students,” saad niya. Dagdag pa ni Hatague, kinakailangan magkaisa ang lahat sa pangangalaga ng mental health dahil ito’y mahalaga rin katulad ng pisikal na kalusugan. “We should work as one when it comes to mental health, we should
always be there to be a support system,” paalala niya. Sa kasalukuyan, sinisimulan na ang mga programang pang interbasyon sa mental na kalusugan sa iilang bahagi ng siyudad ng Oroquieta.
I-SCAN ANG QR CODE NA ITO
Drainage System sa MONHS, sumasailalim sa renobasyon Ni: Danilyn Serana
Patuloy pa ring inaayos ang drainage system ng Misamis Occidental National High School matapos umani ng mga reklamo ukol sa pag-apaw ng tubig, basura at masangsang na amoy nitong mga nakaraang taon. r Ayon kay Clemente Enguito, isang empleyado, malaki umano ang binago sa drainage system upang masolusyonan ang mga nasabing hinaing. “Dako gyud ug kabag-ohan kay para dili na magbaha, makuha na ang mga basura dayun wala napoy mabaohan kay lisod nagyud kaayo
ug magpadayon pa ang ingon ani,” wika ni Enguito. Bukod pa rito, ang proyekto ay aktibong sinusubaybayan ng mga enhinyero lalo na ang konektadong lagusan nito na nasa plaza ng Oroquieta. “Ang kaning drainage diri gikan sa skwelahan connected ni siya
padulong sa plaza dayun sa gikan sa paggama hantod sa kung mag testing naa gyuy engineer,” sambit ni Enguito. Sa ngayon, hindi pa tiyak kung kailan matatapos ang pagsasaayos ng sistema sa drainage ngunit umaasa ang karamihan na ito’y magiging epektibo.
upang magpatuloy sa opisyal na facebook page/account ng Ang Kabisera. Saksihan ang iba’tibang mga tampok na istorya at mga kwentong kapupulutan ng aral sa loob ng pahayagan at paaralan
ANG
Kabisera Punong Patnugot Danilyn Serana
Patnugot sa Balita Danilyn Serana
EDITORYAL
Patnugot sa Opinyon
PONDOHAN ANG PAHAYAGANG PAMPAARALAN
Genevieve Ritcha
Patnugot sa Lathalain Noelyn Miquiabas
Patnugot sa Agham at Teknolohiya Resty Alcala
Patnugot sa Isports Lawrence Jay Tizon
Punong Taga-Anyo
Haven Charlz Denis Delos Santos
Punong Dibuhista
Zhyantrell Marleigh Fegi
Punong Tagalarawan Lyf Dapin
Mga Taga-Anyo Mariane Glee Salabas Althea Jan Vicente
Tagapayo Ronbel Lagata
Kasangguni Dia Marmi Bazar Fearlly Serato Sharry Mangao
Tagapamahala sa Pamamahayag sa Paaralan Juliet Gonzales
Punong Guro, SHS Nessie Elizabeth Buac
Punong Guro, JHS Ricky Boy Junio
Punong Gurong Tagapag-ugnay Julieto Indonto
Alinsunod sa Republic Act 7079, Section 8 ng Campus Journalism Act of 1991, na dapat pondohan ang Campus Press. Naging pundasyon ito ng malawakang journalism resources na magpapatatag sa kalayaan at katatagan ng pamamahayag sa mga paaralan. Hindi natin dapat ito ipagsawalang-bahala sapagkat ang pag-unlad ng pahayagang pampaaralan ay kaakibat ng paghubog sa mga kabataang mamamahayag na magiging tinig ng katotohanan sa kinabukasan. Sa panahon ng makabagong teknolohiya at mabilis na pagbabago, kinakailangang makasabay ang kampus na publikasyon sa modernisasyon upang manatiling epektibo sa paghahatid ng impormasyon. Ang teknolohiya ay nagsisilbing pangunahing kasangkapan sa pagpapalaganap ng balita at pagpapayabong ng kaalaman sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng sapat na suportang pampinansyal, mapauunlad ang kakayahan ng mga magaaral na
mamamahayag at mapapanatili ang malayang pamamahayag sa loob ng paaralan. Ayon sa Section 9 ng RA 7079, dapat ilabas ng pamunuan ng paaralan ang pondo sa loob ng labinlimang (15) araw matapos ang huling araw ng enrollment. Ito ay upang magamit agad ng editorial board ang pondo sa operasyon ng publikasyon. Gayunpaman, maraming paaralan ang tumigil sa
‘‘
Pondong ipinagkait sa pahayagan ay tinig ng katotohanang sinasakal nang dahan-dahan” pagsunod dito dahil sa DepEd Memorandum No. 143 s. 2017 o No Collection Policy, na nagdulot ng malaking hamon sa mga studentjournalists at advisers kung saan kukuha ng pondo para sa mga proyekto at kompetisyon. Sa kabilang banda, ayon sa DepEd Order No. 52 s. 2009,
Dibuho ni Zhyantrell Fegi
pinapayagan ang ParentTeachers Association (PTA) na mangolekta ng boluntaryong kontribusyon mula sa mga miyembro at sa labas na pinagmumulan kung ito ay para sa kapakanan ng mga magaaral at ng paaralan. Dapat magtulungan ang local government unit, administrasyon, at mga stakeholders upang masuportahan ang kampus na publikasyon dahil ito ay hindi lamang
samahan, kundi isang institusyong naglilinang ng kritikal na pag-iisip at komunikasyon ng kabataan. Konkretong hakbang dito ang pagbibigay-daan sa PTA at mga lokal na opisyal na makapagbigay ng boluntaryong kontribusyon. Maaari ring maglunsad ng fund-raising activities, makipag-ugnayan sa mga local media o pribadong
sektor, at gumamit ng mga makabagong paraan upang makalikom ng pondo. Sa ganitong paraan, matitiyak na may sapat na pondo ang publikasyon para sa paglalathala, pagsali sa kompetisyon, at pagpapahusay ng kagamitan. Hindi lamang ito usapin ng salapi kundi ito ay usapin ng pagpapalakas ng boses ng kabataan at ng patuloy na paglinang ng mga kasanayan sa pamamahayag. Sa pagpapatupad ng RA 7079 at DepEd Order No. 54 s. 2009, maipagpapatuloy natin ang diwa ng campus press freedom at maipagmamalaki nating may puwang pa rin ang katotohanan sa bawat pahina ng paaralan. Sa huli, dapat pondohan ang pahayagang pampaaralan sapagkat ito ang sandigan ng katotohanan, boses ng kabataan, at puso ng malayang pamamahayag. Sa pag-alok ng sapat na pondo at suporta, pinapalakas natin hindi lamang ang pahayagan, kundi ang kinabukasan ng mamamayang may kamalayang mapanuri at pusong handang maglingkod sa bayan.
LATHALAIN 09
Opisyal na Pahayagan ng Misamis Occidental National High School TOMO VII BLG.I - HUNYO-NOBYEMBRE - Rehiyon X - Dibisyon ng Oroquieta City
Isang larong kapalit ay buhay, sistemang marahas na salamin ng lipunang hindi patas. Ni: Kayla Ritcha
Ni: Noelyn Miquiabas
“SQUID GAME”, seryeng kinagigiliwan ng karamihan mula noong 2021. Nagmula sa bansang Korea na layuning hindi lamang magbigay aliw kundi maghatid ng kamalayan sa mga manonood patungkol sa mga pangyayari sa lipunan. “ This show isn’t about literal survival games, but a mirror reflecting human resilience, ethical struggle, and emotional truth, ” Bitiw ni Jo Yu-ri sa isang panayam, player 222 ng palabas. Matutunghayan ang samot-saring karahasan na nararanasan ng mga tauhan. Mga dukhang baon sa utang na ang tanging solusyon ay pagsali sa laro para sa matatamong salapi kahit kapalit ang sariling pagkatao. Inaabuso ng mayayaman ang mga taong walang kapangyarihan upang matugunan ang sariling kasiyahan ni hindi alintana
“SaliksikSik ”
kahit pa nagdadalang tao, kailangang magsakripisyo para sa nakaabang na liwanag sa dulo. Aniya ng aktres, “ Natutunan ko kung gaano ka importante ang pagiging kalmado at maunawain, kahit sa mga sitwasyong akala mo’y wala nang pagasa. Ipinapakita sa palabas ang hindi lamang kalupitan, mayroon ding kabutihan at sangkatauhan sa madidilim na mga sandali. ” Kahit na puro trahedya ang masisilayan sa bawat eksena, hindi maikubling buhay pa rin ang kabutihang taglay ng bawat isa, ang
pagtutulungan kahit na sila rin ay nahihirapan. Sa mundong ginagapang ng walang kasiguraduhan, may mga buhay na itinataya hindi dahil sa katapangan, kundi dahil sa kawalan ng pagpipilian, kung kaya dapat palaging gawin ang nararapat, hindi sa paraan ng laro o pagsasakripisyo, kundi sa pagpupursige na walang kapahamakang nakakubli sa daang tinatahak tungo sa paglaya.
Boom-boom-boom tunog ng tambol,Ting-tingting ingay ng lyer,Kasabay ng hiyawan at palakpakan, ganyan sinalubong ng Oroquieta City ang 2025 Division Festival of Talents (DFOT) at Science and Technology Fair na ginanap noong Octobre 08 sa Misamis Occidental National High School (MONHS). Hindi lamang talento sa sining ang namayagpag, umangat din ang talino at husay sa pananaliksik. Sa bawat proyekto, lumitaw ang tunay na layunin, ang tumuklas, magsuri, at maghatid ng konkretong solusyon para sa ikauunlad ng lipunan, gamit ang taglay na kaalaman ng bawat kabataan. “We desire to make a meaningful contribution to the community by providing solutions to real-life problems,” ani Crissa Baliton, nakasungkit ng ikatlong pwesto. Layunin ng kanilang pangkat na bumuo ng ‘Upcycled Microhydropower System,’ isang nakakamanghang proyekto kung saan ang mga lumang gamit tulad ng electric fan, plastik, metal, at iba pa ay muling pinapakinabangan bilang bahagi ng generator, na makatutulong upang mas mapabuti ang paggamit ng kuryente sa mga lugar na may kakulangan nito. Sa pamamagitan ng pagiging siksik sa pananaliksik, natuklasan nila na maaaring buhayin muli ang mga sirang kagamitan, hindi lamang upang lumikha ng makabagong bagay kundi upang mas mapaunlad ang lipunan na walang halong pang-aabuso sa kalikasan. Dagdag pa ni Crissa, “dama po namin ang kaba at takot dahil ito ang unang pagkakataon naming sumabak sa ganitong patimpalak, at naiinis din sa paulit-ulit na pag-iiba ng araw ng mismong patimpalak.” Maraming pagsubok ang hinarap ng pangkat, mula sa limitadong oras hanggang sa mga suliraning lumitaw habang binubuo ang proyekto. Sa kabila ng walang kasiguraduhan ay hindi sila pinaghinaan ng loob, sa halip ay itinuring nila ang bawat hamon na isang motibasyon upang mas pag-ibayuhin ang nasimulan. Bagaman hindi nakuha ang unang pwesto, nagpapasalamat pa rin ang pangkat sa pagkakataong makaharap ang mga prestihiyosong hurado, na siyang Ni: Kayla Ritcha nagbigay ng dagdag na kompyansa sa bawat isa. Kung mabibigyan ng pagkakataon muli, tatanggapin nila ito nang buong puso, dahil sa karanasang ito mas naging handa sila upang harapin ang mga hamon sa hinaharap. Tulad ng bumbilya, ang sinag na dala ng malalawak na isipan ng mga kabataang siksik sa pananaliksik. Bawat inobasyon ay nagsilbing liwanag na siyang nagbigay solusyon sa mga hamon ng buhay, nagpapaalala na ang tunay na talento ay hindi lang sa paggawa, kundi sa pagbibigay ng pag-asa at paghahangad na mapabago ang ekonomiya.
Dibuho ni Zhyantrell Fegi
PLUMAKATA Ni: Kayla Ritcha
Ilang dekada na ang lumipas, samot-saring pagbabago ang umusbong sa larangan ng panitikan, ngunit, nananatiling buhay ang akala’y unti-unting naglaho sa mga panahong inihip ng hangin. “ As a writer, maingun jud nako nga alive pa until now ang pagsusulat kay naa pamay gina held nga contest like presscon where ginapakita sa mga kabatanunan ang ilang talent sa pagsulat, either to inform or entertain, pero sa karun nga generation mabantayan nako nga naay mga kalahian” bitiw ni Accel Mira, student journalist ng Misamis Occidental National High School. Sa kasalukuyan, patuloy na nagbibigay sinag sa isipan ng karamihan lalong lalo na sa mga kabataan ang mga nakaraang
nakasanayan, gayun paman, hindi maiwasan ang mga pagbabago na siyang ating matutunghayan. Noon ay utak at talento ang puhunan, at sa pag usbong ng Artificial Intelligence (AI), panibagong sistema na ayon sa iilan ay makatutulong, ngunit, mas nananaig ang masamang bunga at tila palaging inaasahan ito ng karamihan sa lahat ng kanilang ginagawa. Dagdag pa ni Mira, “ Napagtanto ko na marami sa kabataan ngayon ang naiimpluwensyahan ng AI na kahit simpleng paggawa ng
sanaysay ay umaasa rito, pero kahit na ganoon ay naniniwala pa rin akung mas nananaig ang mga taong ginagamit ang kanilang sariling kakayahan gaya na lamang ng mga Journalist.” Sa gitna ng impluwensya ng makabagong sistema, ang isang makata ay di nagpapatinag sa ano mang pagiiba, tanging pluma ang sandata at nananatiling buhay ang diwa na siyang daan patungo sa isang matatag na ekonomiya. Lawrence Jay Tizon
ANG
SCAN ANG QR CODE NA ITO upang magpatuloy sa opisyal na facebook page/ account ng Ang Kabisera. Saksihan ang iba’t-ibang mga tampok na istorya at mga kwentong kapupulutan ng aral sa loob ng pahayagan at paaralan
isports PAMBIHIRA KA
Kabisera Sentro ng Katotohanan
Opisyal na Pahayagan ng Misamis Occidental National High School TOMO VII BLG.I - HUNYO-NOBYEMBRE - Rehiyon X - Dibisyon ng Oroquieta City
2025 SEA GAMES THAILAND
NAKUPO. Naitala ni Shaira Hope Rivera ang kanyang pangalawang tansong Medalya sa SEA GAMES matapos makuha ang panalo sa doubles rubber kontra Vietnam sa ginanap na quarter finals ng Women’s team even tennis’s sa 2025 SEA GAMES.
Philippines VS Vietnam
RIVERA! Hinasa ng pag-asa
Ni: Lawrence Tizon
Nanglumipas ang panahon, ang munting ibon na nangangailangan ng gabay noon ay pumapagaspas patungong kadakilaan na ngayon. Sa Mga Numero
Sa Mga Numero
Bronze: Women’s Team Event (Philippines)
One Sports
Si Shaira Hope Rivera o kilala sa tawag na Shai, ang pangatlong babae ng Rivera na unti-unting nag iiwan ng pangalan sa Philippines Women’s tennis pagdating sa palakasan. Dahil sa pursigido nitong manalo, naitala niya ang kanyang ikalawang tanso na medalya sa larangan ng Southeast Asian games (SEA GAMES) matapos matalo nito si Thụy Thanh Trúc ng Vietnam via 6-2, 6-2 singles na Pinilit ang desisyon sa doubles match na kanilang napanalunan ni Alexa Milliam, at masiguro ang medalya sa Koponan sa isinagawang 2025 SEA GAMES sa Thailand noong Desyembre 9-20, 2025. Unang natutong maglaro si Rivera sa Oroquieta courts sa Misamis Occidental sa edad na siyam kung saan ang korte ay nasa likod mismo ng bahay Alam mo ba? kung Nakupo ng bansang Pilipinas ang kanilang unang saan siya gintong medalya sa Women’s singles tennis sa SEA GAMES noong 2025 matapos talunin ni Alex Ealas ang pambato ng Thailand na si Mananchaya Sawangkaew sa 2025 SEA GAMES.
lumaki na kalaunan ay nagpatuloy sa paglalaro sa Monkayo Central Elementary School, Davao De Oro sa edad na sampu. Isa siya sa naging iskolar sa Philippine Tennis Academy (PTA) na isa sa naging rason upang sa paglipat niya sa De La Salle Santiago Zobel kung saan siya nag tapos ng junior at senior highschool upang lalong mahubog ang kakayahan niya sa laro sa tulong ng PTA support. Paglaon ay nag-aral ito sa Ateneo de Manila University sa kurso na Bachelor’s of Arts in literature bilang varsity ng paaralan. Dito siya unang naka sali sa 2019 SEA GAMES sa Manila na sa kasamaang palad ay wala siyang napanalunang medalya. Dito niya rin naranas ang kanyang 20222023 SEA GAMES kung saan nakakuha rin ito ng Tansong Medalya bago paman lumipat ito sa University of West Alabama (UWA) sa U.S. na ngayun ay 26 taong gulang na para sa mas mataas na antas ng mga pagkakataon sa kolehiyo sa tennis at akademya na nagpapatunay sa kasabihang walang mahirap abutin kung maypagsisikap at tatag sa damdamin.
SCAN ANG QR CODE NA ITO
upang magpatuloy sa opisyal na facebook page/account ng Ang Kabisera. Saksihan ang iba’t-ibang mga tampok na istorya at mga kwentong kapupulutan ng aral sa loob ng pahayagan at paaralan
Ni: Danilyn Serana
INDEKS
MONHS, hinablot ang panalo kontra MOSTHS;
Titulong Kampeon sa Volleyball Men’s nakupo Ni: Khent Danilyn Serana Ni: Cabatingan
Tinibag ng Misamis Occidental National High School (MONHS) Spikers ang pambato ng Misamis Occidental Science and Technology High School (MOSTHS) sa Men’s Volleyball matapos ungusan ang 2 sets lead nito via 3-2 sa ginanap na Division Meet Championship sa MONHS Covered court noong Agusto 29, 2024.
Pitos ibinulsa ang panalo kontra Digal sa chess Ni: Khent Cabatingan
Dinomina ng Misamis Occidental National Highschool (MONHS) nasi Aron John Pitos sa kanyang unang round matapos macheckmate ang King ng Mobod Integrated School na si Cyril Digal sa 2025 Division Meet sa larangan ng chess nitong ika-6 ng Agosto 2025.........
Lyf Dapin
Solidong spike at depensa, kasabay ang kalkuladong pagsalo sa bola ang ipinamalas ng koponan ang tuluyang nagpabagsak sa 2 sets lead na pamumuno ng kalaban. “Wala mi ning surrender, kay kabalo mi nga naa pay chance kung wala pa nahuman ang dula,” wika ni Carl Sarigumba na Team Captain ng MONHS. Agad nagpakawala ng solidong jump serve at spike ang koponang MONHS sa unang set, subalit madali lang itong nakukuha ng kalaban na agad namang ipinamalas ang magkasunod na spike at nakuha ang panalo sa unang set, 0-1.
Sinubukan ng koponan na makabawi sa ikawalang set, ngunit patuloy pa rin ang pangunguna ng kalaban dahil sa tinatag na depensa nito at atake na bigong masalo ng mga manlalaro, 0-2. Bumuwelta ng magkasunod na spike at serve ang koponan sa ikatlong rawnd na nagawang makalusot sa depensa ng kalaban. Sinubukan ng kabilang groupo na bawiin ang nawalang punto ngunit huli na ito nang makupo ng koponan ang panalo sa set, 1-2. Tinangkang tapusin ng kabilang koponan ang laro, ngunit nagawa ng MONHS na makasabay sa mga
pinakawalang atake ng kalaban at nakuha ang panalo sa set matapos ang all 20 deadlock sa laro, 2-2. Mas uminit ang tensyon sa laban ng magpalitan ng spike at toss ang magkabilang koponan hanggang sa maitala ng MOSTHS ang 3 points lead sa huling set na lalong nagpasabik sa laro, 11-14. Tuluyang natapos ang laro nang nagawa ng koponan na makakuha ng limang magkasunod na punto at maitala ang 16-14 sa huling set ng lato at makuha ang titulong kampeon sa laro.
INUTAKAN. Nakuha ng MONHS chess player Aron John Pitos ang kanyang unang panalo sa Division Meet Chess kontra Cyril Digal ng MIS matos nagawa nitong macheckmate ang king ng kalaban.