Skip to main content

Ang Daluyan Tomo 1, Isyu 1 T.P. 2023-2024

Page 1

GTDLNHS, nakiisa sa Catch-Up Fridays’ Program ng

DepEd; Mini Library sa bawat klasrum, inilunsad

ni: Amielle Moccy P. Felasol

Nakibahagi ang Mataas na Paaralang Pambansa ng General Tiburcio De Leon sa programa ng Department of Education na Catch-Up Fridays’ ngayong araw Enero 12, 2024, alinsunod sa Memorandum No. 001, s. 2024.

Kaugnay nito, naglunsad ang School Parents-Teachers Association (SPTA) ng Proyektong Mini Library na humihikayat sa gentinians bumuo ng mini library sa kani-kanilang klasrum.

Inaanyayahan ang mga magulang, guro at mga mag-aaral na magbigay ng mga donasyong libro

magbigay ng mga donasyong libro at iba’t-ibang babasahin upang mabuo ang reading corner sa bawat klasrum.

Sinisikap ng proyektong ito na makatulong sa pagpapataas ng interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa, makabuo ng kaaya-ayang espasyo sa mas makabuluhan pagkatuto atmagamit ang mga donasyong libro tuwing Catch-Up Friday.

Ang Catch-up Fridays ay naglalayong palakasin ang mga pangunahing kasanayang panlipunan at iba pang kaugnay na kasanayan

Daluyan Staffers, wagi sa

DSPC 2024

ni: Joe Vincent Triño

Buong pagmamalaking tinanggap ng mga manunulat at mamamahayag ng Ang Daluyan ang kanilang mga karangalan sa natapos na Division School Press Conference 2024 na may temang “The Role of Campus Journalism in Fostering DepEd MATATAG: Addressing Literacy, Chartering a New Path” noong ika-16 ng Pebrero, 2024 sa Valenzuela National High School.

Hindi nagpaawat ang Gentinians sa pakikipagtagisan ng galing sa pagsulat, pagguhit at pamamahayag nang makasungkit sila ng apat na medalya mula sa Indibiduwal na kategorya at dalawang parangal sa Pangkatang Kategorya.

“Hindi naging madali ang napagdaanan ng mga staffers sa ta ong ito, bukod sa mahirap

Pagbabasa:

magtugma ang mga iskedyul namin sa trainings at critiquings, marami ang baguhan kaya dapat talagang tutukan.” saad ni Bb. Genesis Joy B. Pira, School Paper Adviser ng Ang Daluyan.

Aabante sa Regional Press Conference 2024 sina Katrina Shamille De Jesus (10-Pearl), Ikalawang Puwesto sa Pagsulat ng Kolum at Jane De Venecia (10-Pearl), Ikatlong Puwesto sa Pagsulat ng Artikulong Agham at Teknolohiya kasama ang iba pang nanalong kalahok sa buong dibisyon ng Valenzuela.

Nasungkit naman ni Cristan Andrei Delina (10-Diamond) ang Ikaapat na Puwesto sa Pagsulat ng Balitang Isports at John Lawrence Francisco, Ikalimang Puwesto sa Pagguhit ng Editoryal Kartun.

LATHALAIN

6

na kinakailangan upang maisakatuparan ang layunin ng batayang kurikulum sa edukasyon. Ang inisyatibong ito ay mahalaga sa National Reading at Mathematics Programs na mga kritikal na subprograma ng National LearningRecovery Program (NLRP) na nakasaad sa DO 013, S. 2023.

Ipinatupad ng DepEd ang programang ito sa lahat ng antas ng elementarya at sekondarya, pati na rin sa mga community learning centers sa buong bansa. Itatakda para sa gawaing “Drop Everything and Read” (DEAR) ang lahat ng araw ng

biyernes sa buong buwan ng Enero.

Sa pagbisita sa GTDLNHS nina Dr. Marita Aquino, Dr. Arnold Gatus, Dr. Winnie Tugade, Regional and Division Monitoring team sa tulong nina Dr. Cesar C. Villareal at Dr.Ramona Villanueva, punongguro at katuwang na punongguro ng paaralan, kasama ang mga puno ng kagawaran ay inobserbahan ang mga klase sa umaga sa naging daloy ng pagsasakatuparan sa unang araw ng biyernes ng Catchup.

TOMO 1 ISYU 1 DALUYAN Agosto 2023 - Marso 2024 ang Daluyan ng KATOTOHANAN at BALANSENG pamamahayag NASA PAGBASA ANG PAGASA Sama-samang nagbasa ang mga mag-aaral mula sa Grade Love, ang mga Mag-aaral ay kinunan ni G. Alvin Garzon, sa kanilang Mini Library na proyekto DepEd sa GTDLNHS
pahina
Heneral Tiburcio; Magiting, Matapang! EDITORYAL pahina 4
Friday ng DepEd tuwing Biyernes ISPORTS AGTEK pahina 9 pahina 10 Generals Arnis Athletes, Papalo Para Sa Division Meet Arnis Competition Lagusan; Apple Vision Pro
Pag-Catch-Up
Pagpapagal ay napawi, tagumpay ay inani! Buong galak na ibinandera ng Daluyan Staffers ang kanilang mga parangal sa natapos na Division School Press Conference 2024.

BALITA BALITA

Gentinians Wagi sa Unang AMA Brain Olympiad, ikatlong puwesto nasungkit

Inangkin ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Hen. Tiburcio De Leon ang ikaapat na puwesto sa unang season ng AMA Brains Olympiad na ginanap sa Luxent Hotel sa Quezon City noong Huwebes, ika-29 ng Pebrero 2024 matapos ang naging serye ng elimination round.

Ang koponan ay binubuo ng mga mag-aaral mula sa Senior High School ng GTDLNHS na sina John Kenneth Pamesa at Lawrenz Matthew Garcia mula 12 -STEM Einstein, Maria Gelian Nava mula 11 - STEM Wise, at Precious Anne Abujan mula 12 - ICT Liskov.

Nilahukan ang patimpalak ng 275 na paaralan mula sa iba't ibang parte ng Pilipinas, noong Disyembre 2023, at umabante sa "Quarter Final at Semi Finals" na parehas namang isinagawa noong Enero 2024 sa magkaibang araw kasama ang kanilang tagapagsanay na si G. Darryl Bayona.

Ang 11 na grand finalists ay matapang na humarap sa full identification "Question and Answer" format sa eliminasyon, kung saan gumamit sila ng whiteboard at markers para sa kanilang mga kasagutan.

Gayunpaman, ang Team Generals ay napabilang sa limang top schools na umusad para sa National Championship round na ginamitan

naman ng “Buzzer System” format.

Isa raw sa naging importanteng armas na baon nila ay ang kanilang tagaang preparasyon na binuo ng kanilang Gurong Tagapayo G. Bayona.

Pag-amin ni Garcia, "kung hindi nakahanap ng [review] materials si sir [Bayona] at tiniyaga kaming rebyuhin, yun ang aming key factors ng aming pagkapanalo."

Payo niya sa susunod na lalahok kung sakalin magkaaron ng season 2, "No pressure. Sana makarating kayo sa top 10, at makuha ang hindi namin nakuha o mas mataasan [yung] samin, continue the legacy na naumpisahan namin sa season 1."

Inilahad sa AMA Brain Olympiad ang mga katanungang patungkol sa iba't ibang paksa sa larangan ng Agham, Sipnayan, Teknolohiya, Kasaysayan, Literatura, Pilisopiya, Musika, at Sining, at ang mga napapanahong isyu ngayon sa kasalukuyan.

Nagbigay pasasalamat rin ang Team sa punong-guron Dr. Cesar Villlareal, sa SHS Focal Person Dr. Jaime Boy Allegre, sa lahat ng SHS Coordinator, mga guro, kaklase, pamilya, kaibigan, at sa buong baranggay ng General Tiburcio De Leon sa walang tigil na sumuporta.

MULA SA PAHINA 1

Nakamit naman nina Arsher Roey Ampon (12-STEM Einstein), Gillian Jacinto (12-HUMSS Durkheim) Sweet Rissha Mae Ramirez (12-GAS Darwin), Raizon Jay Tizon (8-Empathy), at Joe Vincent Triviño (12-HUMSS Aristotle) ang Pangkalahatang Ikalawang Karangalan sa Online Publishing. Unang pwesto para sa Pagsulat ng Editoryal at Lathalain.

Nakuha rin nina Chrizelle Andrei Bautista (11 - STEM WISE) , Jenny Rose Medalla (11 - HUMMS WEBER) , Rod Henry Cruz (10-Diamond), Amielle Moccy Felasol (7-Lapu-Lapu), at Keira Cheska Conopio (10-Pearl) ang Pangkalahatang Ikatlong Pwesto sa Collaborative Desktop Publishing.

Sa pagbalik sa paaralan, buong galak na ibinalita ng Ang Daluyan Staffers kasama ang mga nagwaging mamamahayag ng The Genzette kay Dr. Cesar C. Villareal, punongguro ng paaralan, ang mga tropeyo at medalyang kanilang natanggap sa natapos na Pampinid na Palatuntunan sa DSPC 2024.

Samantala, inaasahan naman ang mga Intensive trainings sa mga darating na sabado ng Marso at Abril bilang paghahanda sa RSPC 2024 na gaganapin sa Lungsod ng Pasay sa ika-12 ng Abril 2024.

Brigada Ekswela 2023: Bayanihan para sa Matatag na Paaralan, Tara na

Opisyal nang sinimulan ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Heneral Tiburcio De Leon ang Brigada Eskwela na may temang “Bayanihan Para Sa Matatag na Paaralan, Tara Na, Magbrigada Na Tayo!” ngayong araw ika-14 ng Agosto, 2023.

Pinangunahan ito ng ating Punongguro na si Dr. Cesar C. Villareal at katuwang na Punongguro Dr. Ramona A. Villanueva,kasabay ng pagpapabatid ng mainit na suporta ng mga kawani ng Barangay ng Gen. T. De Leon, mga guro, magulang, mag-aaral, at iba pang mga kasapi na taospuso ang pagpapaunlak sa programa.

Matagumpay na inilunsad ang mga programa sa pangunguna ni Gng. Jackie Ramos, Brigada Eskwela Coordinator sa pakikipagtulungan ni Gng. Ofelia Angeles, GPTA President.

“Likas sa mga Pilipino ang pagiging matulungin at may puso sa paggawa” saad ni Dr. Ramona Villanueva, Katuwang na Punongguro ng paaralan.

Ang programa ay may layuning hikayatin ang mga Gentinians na boluntaryong makiisa sa pagpapaganda at pagbibigay ng panibagong mukha sa sintang paaralan.

Be the ONE

Be GREAT Be a VOLUNTEER

Coordinating Council at Application for Recognition, inilunsad ng SSLG

Tinipon ng Supreme Secondary Learner's Government ang lahat ng pangulo ng iba’t ibang samahan at organisasyon ng paaralan noong ika-21 ng Nobyembre, 2024 sa Audio-Visual Room upang talakayin ang nilalaman ng Interim Guidelines of the Learner Government Program (LPG) 2023 – 2024 Article 12 at ipaliwanag ang Application for Recognition.

Inilatag ni G. Arnielson Calubiran, tagapayo ng SSLG ang alituntunin ng LPG na na kinakailangang magtatatag ng School Coordinating Council.

Ipinaliwanag ni G. Arnielson Calubiran, tagapayo ng SSLG ang mga gampaning maiaatas sa Council Comittee. Binigyang-linaw rin ang tamang proseso sa pagpapatupad at pagsagawa ng iba’t-ibang aktibidad sa loob at labas ng paaralan.

Dumalo sa pagpupulong ang mga pangulo sa iba’t ibang samahan at organisasyon ng paaralan na bibigyang pagkilala at halaga ang iba’t -ibang gawain na inihanda ng mga clubs sa ating paaralan. dito ang isinasagawang pagsasaayos sa magiging Booth Festival ng mga clubs sa Multipurpose Hall upang maipakita at maipakilala ang kanya kanyang organisasyon.

ni: Joe Vincent Triño ni: Kyle Martin Aguilar
22
ni: Arsher Roey Ampon Be the One, Be Great, Be a Volunteer. Pakikiisa ng Gentinians sa pagpapanatili ng kainisan at kaayusan ng paaralan sa pagbabalik eskwela. Koponan ng Gen. Tiburcio De Leon sa AMA Brain Olympiad hawak ang kanilang tropeyo at titulo. Kuhang larawan ni G. Darryl Bayona, Gurong tagapayo ng team GTDLNHS. Pagkakaisa at pagtutulungan. Nagsama-sama ang mga pangulo ng iba-ibang orga nisasyon at samahan ng GTDLNHS sa pagtataguyod ng Coordinationg Council at Application for Recognition.

BALITA BALITA

“Maging seryoso sa pagsasagawa ng drill” – Dr. Cesar C. Villareal Paghahanda ng GTDLNHS sa di-inaasahang sakuna

Binigyang-diin ng punongguro ng Gen.T. De Leon NHS na si Dr. Cesar C. Villareal na ang pangunahing dapat pagtuunan ng pansin sa paghahanda sa mga di inaasahang sakuna sa paaralan ay seryosohin ang mga isinasagawang drill.

Sa pangunguna ng School Disaster Risk Reduction and Management isinagawa nitong ika-18 ng Marso, 2024 sa Audio -Visual Room ng paaralan ang Preparatory Meeting for Division Monitoring in School-Based Mandatory Unannounced Earthquake and Fire Drill Implementation na dinaluhan ng mga guro.

Ipinaliwanag ni G. Darryl Bayona, SDRRM Coordinator ang layunin ng

pagpupulong alinsunod sa pagkakaroon ng Division Monitoring ng Mandatory Unannounced Earthquake and Fire Drill.

“Gagawin po nila ito, una dahil kailangang makita kung talaga bang iniimplementa natin ang Mandatory Unannounced Earthquake and Fire Drill, ikalawa, naghahanap po ang ating City Government ng Most Resilient School pagdating sa disasters or calamity, saad ni G. Bayona. Ang isasagawang mga drill ay pagpapatuloy ng mga nasimulang drill noong nakaraang taon bilang tugon sa DepEd order kaugnay sa nasabing gawain, na kinakailangang magsagawa ng dalawang beses na unannounced drill kada buwan, tuwing unang at ikatlong linggo.

unang at ikatlong linggo.

Ayon naman kay Dr. Villareal, 6,000 learners ang Gentinians na kinakailangang maging handa. Kaya’t mahalaga ang pagpupulong na ito upang masiguro na maipabatid sa lahat ng mga guro at mag-aaral ang kinakailangang gawin sa mga di inaasahang sakuna sa paaralan.

“Pinakamahirap i-manage ang malalaking school, kabilang ang Gen. T NHS lalo pa at walang evacuation area,” dagdag pa ni Dr. Villareal.

Gayunpaman, mananatiling evacuation area ang T. Mercado at Matimyas. Umaasa naman ang punongguro na magkakaroon ng maaayos na komunikasyon sa mga stakeholders upang maisakatuparan ng maayos ang drill.

GTDLNHS, nakiisa sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Aktibong nilahukan ng Mataas na Paaralang Pambansa ng General Tiburcio De Leon ang pagsasagawa ng 4th Quarter

Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na inilunsad ng Civil Defense of the Philippines. Sa pangunguna ng School Disaster Risk Reduction Management Council (SDRRMC) kasama ang Batang Emergency Response Team (BERT) sa pamumuno ng Punongguro na Mr. Darryl Bayona at Mrs. Grace Baluca, at ang Incident Commander na si Dr. Cesar Villareal noong ika-siyam ng Nobyembre sa ganap na 9:00 nang umaga.

Ang aktibidad na ito ay isang paghahanda para sa sakunang lindol na maaari nating maranasan na tinatawag nating “The Big One” na may malakas na paggalaw ng lupa. Ito ay hindi natin maiiwasan ngunit maaari tayong maka-iwas sa malalang epekto nito.

Sa pagtunog ng sirena ay hudyat na ang mga mag-aaral sa

gsasawa ng “DUCK, COVER and HOLD” kasabay ng pagpila nila sa itinalagang lugar.

Ang mga piling mag-aaral na mayroong karamdaman ay hindi muna ipinalahok sa nasabing drill at pansamantala silang inabisuhan na magsagot ng kanilang modyul upang hindi magkaroon ng malalang kondisyon sa kanilang kalusugan.

Ayon sa nurse ng paaralan na si Nurse Nevin, may 14 na mga mag-aaral ang nagkaroon ng hindi inaasahang naramdaman habang isinasagawa ang NSED. Agad namang rumisponde at nagbigay ng agarang tugon ang mga miyembro ng Medical Team.

Base sa naging ebalwasyon ng Pangulo ng Batang Emergency Response Team (BERT) na si Carl Suganob, mas naging maayos ang gawaing ito kumpara sa mga nakalipas na pagsasanay.

Dahil agatang nabigyang pansin ng Batang Emergency Response Team (BERT) ang mga

ang mga Baitang Pito (7) sa evacuation plan o drill na mayroon ang Paaralan. Nagkaroon nang sapat na kaalaman ang bawat isa patungkol sa paghahandang ito dahil sa pagpapa-igting ng pagsasanay noong mga nagdaang araw.

Ipinakilala rin sa pagpupulong ang bagong SDRRM Coordinator na si Gng. Marivic Pangan, Head teacher VI mula sa Science Department.

“Inaasahang mas lalong [maging] knowledgeable, [at] lalong maging maalam ang bawat istudyante sa kanilang obligasyon at sa kanila ring kaligtasan” saad pa ng Pangulo ng Batang Emergency Response Team (BERT) na si Carl Sunganob.

33
Sarah De Leon Ligtas ang may alam. Pakikiisa ng GTDLNHS sa Fire Prevention month, pagiingat at paghahanda upang sunog ay maiwasan.
ni: Arsher Roey Ampon
ni:
Handang Gentinians,Handang Komunidad. Pakikiisa ng GTDLNHS sa Nationawide Simultaneous Earthquake Drill noong ika-siyam ng Nobyembre 2023

RESULTA NG PISA 2022

16% MATEMATIKA

23% READING COMPREHENSION

24% AGHAM

PATNUGUTAN

JOE VINCENT TRIVIÑO Punong Patnugot

CHRIZELLE ANDREI BAUTISTA

Pangalawang Patnugot/ Tagakuha ng Larawan

JENNY ROSE MEDALLA Tagapamahalang Patnugot

SWEET RISSHA MAE V. RAMIREZ

Taga-anyo at Tagalapat

ARSHER ROEY R. AMPON Patnugot ng Balita

ROD HENRY CRUZ Patnugot ng Lathalain

CRISTAN ANDREI DELINA Patnugot/Tagasulat ng Isports

KATRINA SHAMILLE DE JESUS HIAM BARTOLOME Kolumnista

SOPHIA NICOLE LAZARO Tagasulat ng Lathalain

AMIELLE FELASOL

SARAH JANE DE LEON

KYLE MARTIN AGUILAR Tagasulat ng Balita

RAIZON JAY TIZON

JOHN LAWRENCE FRANCISCO

KEIRA CHESKA CONOPIO Dibuhista

JANE DE VENECIA Tagapagsulat ng Artikulong Agham at Teknolohiya

BB. GENESIS JOY B. PIRA Gurong Tagapayo

G. ALVIN D. GARZON Katuwang na Tagapayo

GNG. FE R. VALEZA Puno ng Kagawaran VI

DR. RAMONA A. VILLANUEVA Katuwang na Punong-Guro

DR. CESAR C. VILLAREAL Punongguro IV

Pagbabasa: Pag-Catch-Up ng

DepEd tuwing Biyernes

Sa wakas, nakakuha na tayo ng plano mula sa Kagawaran ng Edukasyon tungkol sa malaking problemang kinakaharap ng bansa sa hanay ng edukasyon. Ang Pagbabasa. Magandang malaman na nagbibigay na ng inisyatibo ang Departamento sa suliraning ito. Noong ika-12 ng Enero, inilunsad ng DepEd ang “Catchup Fridays” isang programa na naglalayong linangin ang kakahayan ng mga mag-aaral sa pagbabasa sa mga pampublikong paaralan. Mainam na lunas upang gamutin ang sakit ng lipunan na ito.

Maraming mga estadistika ang nagdidiin sa problemang ito. Tulad sa inilabas na resulta ng Program for International Student Assessment 2022 (PISA), lumabas na ang Pilipinas ay ikatlo sa huli sa buong mundo na nakakuha ng mababang marka. Malinaw na indikasyon ito para tawaging nahuhuli ang sistema ng edukasyon sa ating bansa.

“Maganda ang konsepto ng programang “Catch-up Fridays” solusyunanparaang illiteracy na bumabalot sa malaking porsyento ng bansa.”

Magsisilbi itong pagsananay upang matuto ang lahat ng magaaral na magbasa nang may pag-unawa. Ngunit gaya ng maraming programa, nagkaroon ito ng problema sa pagpapatupad. Ibinaba ang memorandum sa mga guro dalawang araw bago ito maisakatuparan. Hindi naging maganda ang naging unang araw nito dahil hindi nakapaghanda ang guro para rito at patuloy pa ring nangangapa sa mga materyal na ipapabasa ng mga guro sa mga mag-aaral. Gayunpaman, isa itong malaking hakbang para sa ating pamahalaan na bigyan ng sapat

na pansin ang ganitong isyu sa bansa. Hindi kaya ng DepEd mag-isa ito dahil marami ang mga mag-aaral sa iisang klase at hindi kayang tutukan ng isang guro lamang.

Sana sa pag-andar at tuloy-tuloy na progreso ng programang ito ang pagsibol ng mga bago pang programang tutupok sa mga problemang nakabalot sa paglinang sa kakayahan ng mga estudyante. Pagpapatayo at pag-aayos ng sapat ng silid-aralan.

Palawakin pa sana ng pamahalaan ang patugon sa suliraning ito ng bansa. Huwag lamang magtuon sa isang makrong kasanayan na pagbasa, mainam na bigyan ng higit na pansin ang iba pang aspeto lalong higit sa matematika at siyensya.

MENSAHE SA PATNUGUTAN

“Kahanga-hanga ang progresibong ginagawa ng publikasyon dahil natitiyak nila na mapagkakatiwalaan ang mga balita na kanilang inilalahad. Napapanghawakan din nila ang 3M ng Pahayagan; makapagsulat, makapag-ulat at makapamulat.Nabibigyang pagpapahalaga ang mga karangalang iniuuwi ng mga Gentinians sa sintang paaralan. Nagkakaroon din ng tuon ang bawat programang nagaganap sa loob ng paaralan na para sa ikauunlad at ikayayabong ng mga mag-aaral. Natutuwa ako na may publikasyong tulad nito dahil nagkakaroon ako ng update sa bawat kaganapan sa paaralan.

Nakamamangha rin na napatutunayan ng mga manunulat ang kanilang sarili hindi lamang sa loob ng paaralan, maging sa mga patimpalak na kanilang sinalihan ay talagang maipagmamalaki silang “Tatak Gen. T” at pinatutunayan nilang tayo ang “HomeoftheChampions” maging sa larangan ng pamamahayag dahil taas-noo nilang binibitbit at iniuukit ang pangalan ng paaralan.

Nakaeengganyo na sumali sa ganitong organisasyon dahil may mga aktibidad silang nakapagpapahikayat sa mga mag-aaral na mamulat sa pamamagitan lamang ng pagsusulat at nais kong maranasan ang ganitong karanasan.”

4 opinyon

Baka MATATAG na! For a change?

Mula pa noon, salat na sa kamangmangan ang ating mga ninuno na kahit sa simpleng mga bagay ay kanilang pinaniniwalaan at minsan pa’y kanilang sinasamba Ngunit sa paglipas ng panahon, maituturing pa rin ba tayong salat kaalaman at bulag sa katotohanan.

Bilang estudyante, nakikita ko naman ang pagbabago sa sistema ng edukasyon subalit sapat na nga ba ang pag-unlad na ito upang masabing tayo ay maalam na?

Ngunit kahit na nakikita na ang pag-unlad, tayo pa rin ay naiiwan sa laylayan kumpara sa libo-libong bansa. Nitong mga nakaraang buwan, lumabsa sa pag-aaral na tayo ay nakakuha ng mababang bahagdan sa asignaturang Matematika at Agham, ganun din sa Reading Comprehension.

Akala ko ba nagpatupad na

Hindi lang I.D. ang Identity!

Kamay sa dibdib, yuko, sabay bira ng “Magandang Araw po” ang ngayo’y naging pagkakakilalanlan na ng Gentinians sa masasalubong na mga guro, staff, at bisita sa loob at maging sa labas ng paaralan.

Opo, isa ako sa mga mag-aaral na tamad na tamad at pangit na pangit kapag bumati ng “Good morning” tuwing umaga sa aming klase dahil para lang kaming batang paslit na hindi nagkasabay-sabay at magkaunawaan, partida sa pagbati pa lamang.

“Goooood Morningggg ma’am...” ang haba at walang kagana gana, parang hindi high school kung maituring ng mga guro. Nakakasira ito ng araw sa ating mga guro at walang pagbibigay respeto sa kabuuan.

Ngunit nitong 2022, pagbaliknamin sa paaralan mula sa pandemic, itinuro itong bagong pagbati, masaya at iba para sa aking paningin, bagong pamamaraan na mayroong kahintulad sa mga Hapon. Kamay sa dibdib, yuko, “Magandang araw po!”

Tila nga hapon na raw ang mga mag-aaral ng Gen. Tiburcio De Leon National High School sa ganitong pamamaraan ng pagbati, ngunit para sa mga estudyante ito ay paraan ng pagpapakita ng respeto at disiplina sa mga taong bumubuo ng paaralan.

Ang paraan at istilo ng ganitong pabati ay nagmula sa ating kagalang-galang na punong guro Dr. Cesar C. Villareal, upang

ang Bise Presidente Sara Duterte ng tinatawag na MATATAG Curriculum, na makatutulong upang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Isa pa sa binigyang tuon nito ay ang pagbabawal ng mga gawain sa mga guro upang matutukan ang kalidad ng kanilang pagtuturo.

Nakadidismaya sapagkat wala pa ring makitang pagbabago sa edukasyon na mayroon tayo. Maganda ang mga plataporma na kanilang pinapatupad ngunit hindi ito nagiging tuloy-tuloy at matatag.

Sa kabila nito, nakaaalarma ang ganitong mga usapin sapagkat paanl tayo makatutulong upang maiangat ang ating ekonomiya at maging inspirasyon pa sa mga susunod na henerasyon.

Isa pa sa paraang naisip ng Department of Education (DepED), ang pagpapatupad ng tinatawag na “Catch-up Fridays’ kung saan

ni:

IDENTIDAD

maging daan sa pagbigay galang ng mga mag-aaral tungo sa lahat ng tao, mapa kapwamag-aaral, guro man ito o non-teaching staff, o mga bisita mula sa ibang lugar.

Ang pagbating ito ay nakasanayan na ng halos lahat ng mag-aaral sa Gen. Tiburcio De Leon NHS.

Sa katunayan, pati sa labas ng paaralan e ganito: Kamay sa dibdib, yuko, “Magandang Umaga/ Tanghali po!” Ibang iba at malalamanmong taga-GTDLNHS itong mag-aral na ito kapag nakita mo agad ang ganitong pagbati.

Oha! Instant I.D nga! Bagong pagkakakilalanlan bukod sa school I.D

Ako ngayon ay kasalukuyang nasa ika-labing dalawang baitang at nasa work immersion institution na. Ang mga staff ng Material Recovery Facility, kung saan ako naka-deploy, ay mangha rin sa amin, lalo na kapag umaga. Sabay-sabay: Kamay sa dibdib, yuko, “Magandang Umaga po!”

Ang ganitong simpleng pagbati ay isa lamang sa mga daan para magpakita ng paggalang at pagrespeto sa lahat. Maiging ipagpatuloy pa ito at maging siyang tatak nga ng Gen. Tiburcio De Leon NHS ito.

Maliit na kilos pero grabe kung magpahayag. Ito ang isa sa ating pagkakakilalanlan: Kamay sa dibdib, yuko, “Magandang Araw po!”

may layunin din itong mapatatag ang ating mga reading comprehension.

Good news ito para sa tulad kong estudyante sapagkat ito upang mahasa at mapalawak ko pa ang aking pag-unawa upang maging mulat sa iba pang kaalaman at maging bukas sa lahat ng suhesyon ng masa.

Subalit sa paglipas ng panahon, sino nga ba talaga ang nagkulang? Ang mga nasa taas ba? o tayo mismo ang nagpabaya at hindi binigyang oras ang ganitong bagay.

Kung sino man ang may pagkukulang ay wala na tayong magagawa kundi bumangon muli at punan ang mga agwat na nawala sa atin. Mahalagang mag patupad ng ganitong mga Curriculum ngunit siguraduhing lahat ay nakasasabay at gawaing tuloy-tuloy.

ni:

ni:

Bilang mga nasa taas, mahalagang huwag lamang gagawa basta-basta ng mga curriculum bagkus gumawa ng mga tunay na makakatulong upang maiangat ang sistema ng ating edukasyon. Maging bukas sa kung ano nga ba ang tunay na kailangan ng ating ng ating mga mag-aaral. At baka sa susunod ay maging MATATAG na ang pundasyon ng ating edukasyon at hatid ay pagbabago sa lahat. Itanim natin ang kaalaman at hayaang ang susunod na henerasyon ang mag-ani ng karunungan.

Bababa na ba ang hari ng kalsada?

Isa sa mga pinakakilalang sasakyan, at isa ring malaking bahagi sa kultura ng Pilipinas, ay ang jeepney. Sa sobrang laki ng halaga nito sa bansa, ay binansagan itong “Hari ng Kalsada” dahil maraming mga Pilipino ang gumagamit at nagmamaneho ng jeepney araw-araw para makapunta sa ibang lugar, at dahil na rin sa simple at makulay na itsura nito.

Kaya, bakit kailangan ng jeepney modernization?

Ang jeepney modernization ay tumutukoy sa programa ng gobyerno kung saan papalitan nila ang mga lumang jeepney sa mga bagong mini-buses. Ito ay isinasagawa upang mas maging ligtas ang byahe ng mga komyuter.

Nag-simula ang jeepney modernization program noong 2017, sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) Department Order 2017001. Ang pangunahing layunin ng programa ay palitan ang mga lumang jeepney ng mga modernong jeepney. Ang basehan sa pagtanggal ng jeepney ay ang mga ginawa sa higit 15 taon na ang nakalipas.

Paulit-ulit na rin ang deadline ng konsolidasyon para sa jeepney phaseout mula 2017 hanggang kasalukuyang taon. Sa ngayon, ang itinakda na araw ng katapusan ay sa ika-30 ng Abril, taong 2024.

Nag-abiso pamahalaan na sumali sa kooperatiba ang mga drayber upang matulungan sila sa gastusin at sa pag-ipon ng pondo para sa bagong jeepney.

Ang makukuhang benepisyo ng mga sasali sa kooperatiba ay bank financing at mahigit 200,000 hanggang 300,000 pesos na subsidya galing sa gobyerno.

Ang halaga ng isang bagong gawa na mini-bus galing Tsina ay nagkakahalaga ng dalawang milyong pesos. Pero, nitong Enero lang, gumawa ang Francisco Motors ng sarili nilang modernized na jeepney, na nagkakahalaga ng 985,000 pesos.

Kung tutuusin, ay maganda naman ang ideya nila ang gawing makabago ang jeepney, dahil isa rin ito sa mga sanhi ng pagkarumi ng hangin sa Pilipinas. Marami ring mga jeepney na luma na ang mga ginagamit nilang parte at makina, na makakadisgrasya pa sa pasahero at drayber.

Paano naman kaya ang pamumuhay ng mga nagmamaneho ng jeepney?

Mainam din na sumali ang mga drayber sa kooperatiba, ngunit hindi pa rin sapat ang kooperatiba para lang mabuhay ang mga drayber dahil sa hindi pa makabili ng bagong jeepney, may posibilidad rin na marami rin silang mga utang na binabayaran at iba pang malalaking gastusin sa araw-araw.

Sa paglalahat, tama ang programa, at may mali sa pag-gawa at pag-sasagawa. Napilitan na rin ang pamahalaan na i-usog ang araw ng katapusan ng konsolidasyon dahil nga sa hirap ng buhay ng mga nagmamaneho ng jeepney. Maganda na isagawa ito kapag ang ekonomiya ng Pilipinas ay umayos-ayos na. Hindi mataas ang bilihin, sapat na sweldo, at mababang inflation rate.

Sa kabila ng lahat ng ito, tutol pa rin ako sa jeepney phase-out.

Katrina Shamille De Jesus
Hiam Bartolome
Arsher Roey Ampon SIPAT PAGBABAGO
5 OPINYON / KOLUMN

Matapang!

Pagpupugay, pagtaas ng noo, at karapat-dapat na ilagay ang iyong pangalan sa ating mataas na paaralan. Itinalaga ang busto ni Heneral Tiburcio de Leon noong ika-29 ng Agosto 2023 sa GTDLNHS multi-purpose hall.

Nagsimula ang pangalan ng paaralan mula sa taong nagngangalang Heneral Tiburcio de Leon o mas kilala bilang “Heneral Tibo” noong kapanahunan ng mga kastila bilang unang Heneral ng Katipunan. Ang kaniyang pangalan ay naging tanyag sa kadahilanang isa siya sa taong tumulong para sa ating kalayaan. Para sa dagdag kaalaman, siya ay ipinanganak sa Valenzuela na ang ngalan noon ay Pugad-baboy o mas kilala na ngayon bilang Barangay Gen. T. De Leon. Mula sa kaniyang magulang na sina Pedro De Leon at Florencio Gregorio. Si Heneral Tiburcio ay nagpakasal kay Maria Lazaro. Sa bunga ng kanilang pagmamahalan, nagkaroon sila ng tatlong anak na sina Sixto, Tiburcio at Perfetua. Simmental, si Heneral Tibo ay umanib sa sikretong samahan na Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan (K.K.K.). Kung saan ito ang grupo ng tao na umaalsa laban sa mga Espanyol na sumakop sa ating bansang Pilipinas. Noong 1896, siya ang naging lider at nag-utos sa mga rebelde ng Visayas kasama si Dr. Pio Valenzuela na isa rin sa prominenteng tao rito sa Valenzuela.

Maliban dito, ang kaniyang talino sa pakikipaglaban at pagiging malupit ay isa sa naging susi upang sila ay magtagumpay sa himagsikan. Nagtapos ang kabayanihan ni Heneral Tibo noong siya ay naging usapan

at palihim na nag-utos ang isang Pari na ipapatay siya. Namatay siya noong Mayo 11, 1898 at dinala ang kaniyang katawan sa San Bartolome, Malabon. Natakot ang mga kastila na maaari niya muling pangunahan ang isang digmaan ang mga Katipunero sa Timog Bulakan. Inilihim at hindi ikinwento sa iba ang pagkamatay ni Heneral. Hindi nalaman nino man ng isa sa kamag-anak ni Heneral ang kaniyang bangkay at ito’y nanatilingnanatilong namayapa. Natakot ang mga kastila na maaari niya muling pangunahan ang isang digmaan ang mga Katipunero sa Timog Bulakan. Sa ating paaralan, isang kabutihang loob mula kay Brgy. Kagawad Rolando “Zell” Dela Cruz na binigyan ng paglililok ang ating Heneral upang hindi makakalimutan ang kaniyang kagitingan sa ating bayan. Sana, patuloy natin na pangalagaan ang kaniyang pangalan at pinapakita na ang taos-pusong pagsasakripisyo para sa kalayaan na dating hindi sa atin pinadama, ay ating ipapakita. Napakalaking pagpapahalaga kay Heneral Tibo na makalipas ang ilang taon, hindi pa rin natin nakakalimutan ang kaniyang mga ginawa at sa puso ng mga Gentinians, siya ay palaging madarama.

Sa kasalukuyan, unti-unti nang nagiging moderno ang ating mundo. Pinapalitan na natin ang mga bagay na hindi makabago. Subalit, paano kung sa proseso ng ating pag-unlad, mayroon tayong maiwan?

Napapanahong isyu ngayon ang pagpapatanggal ng mga dyip at pagpapalit dito ng mas modernisadong transportasyon. Maraming tao ang hindi sang-ayon dito, kabilang na ang mga tsuper at mga komyuter.

Marangal ang trabaho ng mga tsuper, sila’y nagtiya-tiyaga para sa karampot na salaping iuuwi sa kanilang mga pamilya, upang matustusan ang kanilang pangangailangan na magiging pundasyon ng kanilang magandang kinabukasan.

Tinitiis nila ang pangangalay ng kanilang mga braso’t kamay bunga ng maghapong

pamamasada, ang nagtataasang presyo ng gasolina, at idagdag mo pa ang napakamahal na presyo ng mga bilihin sa merkado na halos ‘di na makatao.

Ika nga ng iba, “Maraming pagbabago, mas modernisado.” Ngunit aanhin natin ang pagiging moderno? Kung maaapakan naman natin ang ating kapwa tao, kung maipagkakait natin sa kanila ang kaligayahan na dapat nating matamasa, at kung maiiwan naman natin sila sa mabilis na takbo ng pagbabago ng mundo.

Subalit kahit anong opinyon ng bawat isa, nasa nakatataas pa rin ang pasya. Sana nga sa pagpapasya’y kanilang isuot ang sapatos ng mga kapos upang malaman nila ang kanil- ang kalagayan at ang puso nila’y mahaplos.

Sa huli, lahat tayo ay pantay-pantay. Ang katayuan ng isang tao ay hindi batayan kung paa

no natin sila pakikitunguhan. Kung ang tagumpay ng isa ay tagumpay rin ng lahat, kapag ang isa’y napabayaan at napag-iwanan, lahat tayo’y maaapektuhan. Kung ang nais natin ay ang kaunlaran, huwag tayong magmistulang mga alimangong naghahatakan pababa, bagkus ay magkaisa’t magmahalan.

Lathalain 6 Heneral Tiburcio; Magiting,
ni: Rod Henry Cruz ni: Sophia Nichole Lozano

ARIBA PILIPINA!

Pagkilala sa buwan ng kababaihan

“We are Gentinians, of course, we value women” saad ng mga SSLG officers noong ikapito ng Marso 2024 para sa kickoff start para sa buwan ng mga kababaihan. Nagkaroon ng munting parada ang paaralan na pinamagatang “Womens Month March” bilang panimula para sa buwan ng mga kababaihan. Pinangunahan ito ng mga GTDLNHS Supreme Student Learner Government Officers katuwang ang kanilang SSLG adviser na si Ginoong Calubiran at ang iba’t ibang kinatawan ng kilalang club sa paaralan na may temang “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan Patutunayan!” Ito rin ay kabilang sa kanilang programang pinangalanang Honoring and Empowering every Rights of Women o mas kilala bilang H.E.R. Naging makulay at mga malikhaing sulatin ang makikitang hawak ng mga mag-aaral na nakakapagbigay ng mas malakas na tiwala sa sarili para sa mga kababaihan. “Babae ako, hindi babae lamang!”, “Women are the real architects of the society.” ito ang mga katagang maaaring mabasa sa mga plakard na naipakita ng mga mag-aaral para sa munting parada. Nagsimulang umikot ang mga ito mula sa multi-purpose hall hanggang sa iba’t ibang gusali na ng paaralan ang kanilang nadaanan kung saan nagsasabi rin sila ng mga munting mensahe sa kanilang mga babaeng madaraanan.

Nagsuot ang mga sumali ng lilang damit ang mga estudyante bilang simbolo ng pagdiriwang para sa mga babae ngayong buwan. Para naman sa mga guro, naipakita nila ang kanilang buong suporta sa mga kababaihan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga munting laso sa kanilang mga lanyards. Abangan din sa mga susunod pang mga araw ang maaring kaganapan ng paaralan para sa mga babae. Tulad ng booth fest kung saan pwede magtinda ang mga Gentinians na mayroong kaugnayan ngayong Women’s Month na magiging fund racing ang maaaring makalap na pondo nito.

Kung mahilig ka rin sa pagsulat at doon mo nailalabas ang iyong mga nararamdaman magkakaroon din ng Spoken Word Poetry na gaganapin sa ika-13 ng Marso sa SSLG Office kasabay ang Poster Slogan na gaganapin sa GTDLNHS Student Lounge. Inaasahan na maging matagumpay ang mga aktibidad na gagawin sa mga nasabing araw. Lalo na ito rin ay isang hakbang upang maipakita ang pagpapahalaga sa mga babae.

PANGALAWANG MAGULANG

Guro, apat na letra ngunit ang mga leksiyong naituro ay sobra-sobra

apat na letra sa alpabeto ngunit ang kahalagahan ay libu-libo

sila’y aking hinahangaan sapagkat buo ang puso sa pagtuturo.

Mga gurong nagturo ng Matematika sa mga inhinyero humasa sa pangangatwiran ng mga abogado ipinaalam sa mga doktor ang siyentipikong mundo nagturo saatin kung paano makipagkapwa tao maging masikap, matiyaga sa pag-abot ng mga mithiin sa pagtupad ng mga pangarap sila’y kaagapay natin.

Unang pagtapak pa lang natin sa eskwelahan ang paggabay at pagtuturo saatin ay kanila nang napaghandaan.

Minsa’y sa hirap ng pag-aaral ay gusto na naming sumuko pero salamat sayo aming guro pinatatag mo ang aming puso na magpatuloy at harapin ang mahirap na proseso. Sila’y hindi lamang nakabase sa katawagang “guro” sila’y maituturi na nating nanay, tatay mula sa ating pangalawang bahay na tinatawag na paaralan nating mga kabataan. Minsan nga’y nagbibigay pa ng pampasiglang salita upang lahat ay maging masaya dahil bilang isang ina at ama kinasusuklaman nila ang malungkot na presensya.

Sabi nga ni Padre Jose Burgos, “Mag-aral kayo, pakinabangan ninyo ang mga paaralan ng bayan hanggang sa kung ano ang maibibigay ng mga ito. Laging maging Pilipino, isang edukadong Pilipino.” Ngunit, hindi mabubuo ang isang paaralan kung wala ang mga guro kung walang mga guro, wala ring mga piloto, abogado, arkitekto, inhinyero at iba pang mga trabaho ng mga tauhan sa iba’tibang mga larangan. Ma’am, sir, pasensya kung

madalas ay nagiging makulit kami lubos kaming nagpapasalamat sainyo sapagkat patuloy nyo kaming iniintindi pangako namin na sa bawat leksyong inyong sinasabi ay natututo kami.

Ayon nga sa mga katagang iniwan ni Gregoria De Jesus na “igalang ang mga nagpamulat ng isip pagkat kung utang sa magulang ang pagiging tao, ay utang naman sa nagturo ang pagpapakatao.”

Kaya aming mga guro manatili kayong mga buhay na bayani dahil naririto lang kaming mga saksi sa pagod at hirap na inyong dinanas mga kalyo sa maghapong pagsusulat sa kada gabing kayo’y napupuyat sa kakaturo ang boses nyo’y namamalat makamit lamang ang aming mga pangarap. Salamat po sa pagtitiwala at suporta dahil sainyo kakayahan nami’y nahasa nagkamit pa ng mga parangal mula sa iba’t-ibang panig ng bansa at hindi namin iyon magagawa kung hindi dahil sa inyong pagtiyatiyaga.

Sa aming nalalapit na paglisan dito sa aming pangalawang tahanan babaunin namin ang mga kaalaman at masasayang karanasan upang maging proteksyon sa susunod pang mga hamon na aming kakaharapin sa pag-abot ng mga pangarap namin.

7
ni: Rod Henry Cruz ni: Sophia Nicole Lozano

LPA at Shear Line: Hindi pa Bagyo Ngunit Humagupit na

sa Milyong Katao

Tinatayang mahigit isang milyong katao ang naapektuhan at nasalanta ng pinagsamang Low Pressure Area at Shear line na nagdulot ng matinding pagbaha at pagguho

Sa kabuuan, 245,610 pamilya mula sa rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao at Caraga ang apektado ng Shear line at LPA, dalawa naman ang naitalang patay sa Eastern Visayas, samantalang isa ang sugatan.

Ang Shear line ay isang sistema na lagay ng panahon na nabubuo kapag nagtagpo ang malamig at mainit na hangin.

Napinsala rin ang sektor pang-agrikultura dahil sa pinagsamang lakas ng Shear line at LPA. Ayon sa NDRRMC, mahigit kumulang 5,000 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan at umabot ng ₱119.89 milyon ang pinsala sa pananim at agricultural infrastructure.

Nag-abot naman ang gobyerno ng ₱65.3 milyon na tulong para sa mga nasalanta ng matinding pag-ulan. Ayon sa PAGASA, hindi na nakakaapekto ang Shear line sa Eastern Section ng Southern Luzon. Samantala, magdudulot pa rin ng ulan ang Hanging Amihan sa main land Cagayan, Isabela, Aurora at hilagang bahagi ng lalawigan ng Que zon sa susunod na 24 oras.

Asin pwede pa lang itanim?

“Cloud Seeding”, sa panahon ng El Niño

Malawak at masagana ang kabukiran sa aming bayan. Bughaw ang kulay na aking natatanaw sa mga ulap at araw na sumasayaw. Subalit sa tuwing dumadaan ang mga problema, tila ba ako’y pinanghihinaan. Sapagkat inaalala ko ang kalagayan ng aming mga magsasaka sa ilalim ng alapaap.

“Kung may itinanim, tiyak na may aanihin,” ngunit paano kung dahil sa isang malaking suliranin ay maubos ang kanilang mga pananim?

El Nińo, Isang hindi pangkaraniwang pagtaas ng temperatura ng Karagatang Pasipiko lalo na sa mga bansang malapit sa ekwador. Kalbaryo para sa mga magsasaka sa Region 2 na apektado ng El Nińo na dahilan ng pagkaubos at pagkamatay ng kanilang mga pananim.

Paano kaya kung magtanim na lamang ako ng asin sa ulap? Tiyak na magbubunga ito at kapakinabangan sa iba. Oo, tama ang pagkakaintindi mo! Maaari na nating maitanim ang mga asin sa alapaap.

Alam mo ba? Ayon sa Assistant Weather Services Chief ng PAGASA na si Engr. Lorenzo Moron, “Ang asin ay hygroscopic” na nangangahulugang may abilidad itong sumagap ng halumigmig sa mga ulap o

tubig sa paligid.

Alam natin na ang Pilipinas ay isang bansang mayaman sa agrikultura, kaya buti na lang ay nandiyan ang asin upang magpaulan muli sa mga bukirin. Maitatanim natin ang bawat asin sa mga ulap na magbibigay ulan sa mga lugar natin.

Ito ay itinatawag na “Cloud Seeding”, hindi ito isang mahika kundi isang proyektong pangmasa. Isa itong mutating measure kung saan lilipad ang eroplano ng may taas na dalawang kilometro para magbuhos ng asin sa mga ulap. Ito ay nasa ilalim ng pamamahala ng inisyatiba ng Department of Agriculture, Bureau of Soils and Water Management, Philippine Air Force at ang National Irrigation Administration ng Region 2.

Bukod pa rito, gumagamit muna ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng Doppler Radar bago simulan ang operasyonn para malaman kung may moisture o seedable ba ang ulap. Gayundin ay ipinagaaralan din ang direksyon ng hangin upang matansya ang tamang pagbagsak ng ulan. Ang halaga naman sa pagsasagawa ng operasyong ito ay umaabot ng 80,000-100,000 pesos sa isang

araw.

Magastos at maproseso man ang paggawa ngunit malaki naman ang naiibigay na tau long nito sa mga nagtutuyot na lupain sa Pilipinas. Bilang resulta, batay sa ulat ng DA Region 2, naging matagumpay ang unang ginawang cloud seeding operations sa mga bayan ng Tugegarao City, Ilagan, Isabe la, Nueva Viscaya at Cagayan dahil sa pagkakaroon muli ng pag-ulan sa mga nabanggit na lugar na ito.

Sa ganitong paraan, tunay ngang makatutulong ang asin sa pagpapalago sa mga kabukiran. Maging sa mga magsasaka na aking inaalala, hindi na sila muling mahihi rapan sa tuwing mamamatay ang kanilang mga pananim. Ang kalangitan ang magsisilbing kapatagan upang muling maging magaan ang buhay ng pangkalahatan, lalong lalo na sa tuwing nag tutuyot ang lupa.

Sabi nga nila, “Magtanim ay di biro” kaya kung ang saka han ay hindi na muling kaku lay ng luntian, pag-asa ang asin kahit daanan man ito ng tagtuyot na ating inaasahan. Ang pagtatanim sa alapaap ang magbibigay buhay sa bawat sakahan ng ating ban sa patungo sa kinabukasan.

8
AGTEK
ni: Cristan Delina ni: Jane De Venecia

Lagusan; Apple Vision Pro

Nagsimula ang lahat sa mga makalumang telepono, at ngayon ay tila ba napakabilis ng panahon at mayroon ng tinatawag na “virtual reality”. Hindi magkamayaw ang karamihan sa bagong labas na Apple Vision Pro. Ganoon na lamang ba ang pagkahumaling ng sambayanan sa “virtual reality” o isang paraan lamang upang matakasan ang katotohanan?

Dati-rati ay abot-tenga ang kasiyahan ng mga kabataan sa tuwing pinapayagan ng ina na makapaglaro sa labas, ngayon naman ay nakakunot pa ang noo sa tuwing pinaglalaro sa labas. Babad na babad ang mga mata ng kabataan ngayon sa kanilang “smartphones” at tuluyan ng nilamon ng teknolohiya.

Nagsisilbing tulay ang teknolohiya upang mas mapadali ang komunikasyon at iba pang mga gawain, ngunit sa paglipas ng mga taon ang teknolohiya, partikular ang internet ang nagiging buhay ng karamihan.

Napag-iiwanan na ang matamis na nakaraan at patuloy namang pinaghahandaan ang kinabukasan.

Kamakailan lang ay naglapag ng panibagong produkto ang Apple Computer Incorporation ng Apple Vision Pro noong ikalawa ng Pebrero taong kasalukuyan. Nagbibigay ang Apple Vision Pro ng makabagong pamamaraan upang maipakita ang mga bagay gamit ang Augmented Reality o Virtual Reality. Tampok sa Apple Vision Pro ang mga spatial video, spatial picture at mga nakakaengganyong kapaligiran. Ang taong gagamit ng Apple Vision Pro ay masisilayan nang buo ang virtual environment na madalas na nakikita sa mga smartphones, tablet at computer. Maaaring ma-navigate ang virtual na katawan sa virtual world sa pamamagitan ng mata, kamay at boses ng taong gagamit nito.

Sa paglago at paglaganap ng teknolohiya, tunay ngang kamangha-mangha ang nagagawa ng makabagong teknolohiya, ngunit kailangang tandaan na hindi lagusan ang virtual reality upang makapagtago sa tunay na buhay.

Lason ang Kalaban sa

Musmos na Katawan

Ang lason sa katawan ay isang malakas na kalaban, subalit paano na lamang kung ito ay magsisimula bago pa ang iyong kapanganakan?

Isa sa mga pinangangambahang sakit sa lipunan ang Human Immunodeficiency Virus (HIV) sapagkat ito ay walang kapalit na anumang lunas pero alam mo bang maaari din itong makaapekto at makuha ng isang musmos pa na bata? Sa mga sanggol, nagsimumula ang HIV habang sila ay nasa; sinapupunan pa lamang, ipinagbubuntis, o kaya naman sa pag-inom ng gatas ng bata mula sa suso.

Dahil sa mga epektong ito ay binigyang pagpapahalaga ng National Institutes of Health ang Anti-retrorial Therapy o kilala sa tawag na ART sa pagtalo ng sakit na HIV. Ang ART ay isinasagawa sa mga sanggol na nagkakaroon ng HIV sa pagkapanganak pa lamang nito.

Ayon sa NIAID Director na si Jeanne Marrazzo, ang mga ebidensyang nakalap sa pag-aaral ng lunas na ito ay magbibigay sa atin ng tulong upang malimitahan ang pag

debelop ng HIV sa katawan.

Kamakailan lamang ay sinimulan na ng mga eksperto ang pag-aaral na ito sa mga lugar o bansa ng Brazil, Haiti, Kenya Malawi, South Africa, Tanzania, Thailand, Uganda, United States, Zambi, at Zimbabwe upang malaman kung epektibo ba ang therapy na ito. At ayon sa lumabas na resultang Conference on Retroviruses and Opportunistic Infection, tatlo sa mga bata ang nakararanas ng HIV suppression “within six, eight, and 20 weeks” sa pagsisimula ng ART.

Ang ART ay maituturing na isang bayani lalo na sa batang nakaligtas sa sakit na dulot ng HIV. Kaya naman ang trial na ito ang nagpatunay na anumang sakit na maiinda ay siguradong may nakatagong solusyon para sa bawat isa.

Ito ay magsisilbing daan para sa mga magulang na nawawalan na ng pag-asa at sa mga sanggol na paniguradong may hinahangad pang pagbabago at kinabukasan sa kanilang buhay. Mananatiling may kapakinabangan ang bawat kabataan para sa kahit anumang lason na mayroon tayo sa katawan.

Mulberry para sa Katawang Healthy!

Alam mo ba na ang inaasam mong malusog na pangangatawan ay maaari mo lamang matagpuan sa kapaligiran? Oo, tama ka ng naiisip! Malay mo pa nga ay mayroon kayo nito sa inyong bakuran! Maliit lamang kung ito ay ituring subalit higante naman sa tindi nitong galing. Tinatawag itong mulberry na sagot sa katawang healthy.

Kung ito ay susuriin, ang mga mulberries ay sinlaki lamang ng ating hinlalaki ngunit sobrang dami nitong gamit. Ito ay makikita sa San Fernando, Pampanga at sa pagkagat mo nito ay tiyak na mapapatamis-asim ka sa kilig. Ito ay kulay pula sa tuwing ito ay maasim at malakulay itim o lila naman kapag ito ay matamis.

Sa loob naman ng mulberry ay ang halos dalawang daang miniberries na may dalang Iron, Potassium, at Fiber para sa ating katawan, kasama na rin dito ang Vitamin A at Vitamin E. Bukod pa rito, maaari mong kainin ang mga mulberries sa; paghalo nito sa kanin, paggawa ng salad o kaya naman ay gawin itong juice.

Sa katunayan, ang mga maliit na prutas na ito ay may mga dalang benepisyo sa ating kalusugan. Ang mga “antioxidants” na mayroon ang mulberries ay nakatutulong sa pagbaba ng cholesterol, pag-iwas sa pagkakaroon ng stroke at higit sa lahat ay upang malabanan ang pagkakaroon ng cancer sa katawan.

Hindi pa riyan nagtatapos ang hatid na tulong ng mulberry sapagkat kahit sa dahon nito ay mayroon pa ring benepisyo. Ang dahon nito ay nagbibigay tulong sa paglunas ng Diabetes Type D.

Ayon sa mga eksperto, ang prutas na ito ay isang beses lamang tumutubo sa Amerika kaya naman masuwerte ang Pilipinas sapagkat ito ay pang-all year round. At kung naisip mong bumili nito, 50 Pesos lamang ang isang tasa nito.

Tunay na maituturing nating “ang mulberries ay cure mula sa nature” sapagkat nagbibigay sa atin ito ng malalakas na pangangatawan sa kabila ng daang sakit. Mulberry ang magiging sandata ng lahat para sa pagsugpo ng mahinang katawan sa bawat laban.

AGTEK
9
ni: Jane De Venecia
ni: Jane De Venecia

10 10 ISPORTS isports

“Huling Heneral sa bakbakan”

Kapitan Jennalyn Desulat, nagwagi ng unang puwesto, kasama ang kanyang gurong tagapayo G. Edison Advincula sa entablado at ang iba pang nakakuha ng puwesto sa extra light-weight secondary girls para gawaran ng parangal sa Division Athletic Arnis Competition.

Generals Arnis Athletes, Papalo Para Sa Division Meet Arnis Competition

Malagatilyong kasado na susugpo ang arnisador ng Gen. Tiburcio De Leon National High School sa 2024 Division Athletic Meet Arnis Competition, Miyerkules ika-21 ng Pebrero, ala-una ng tanghali sa Activity Center ng GTDLNHS.

Lalaban ang mga piling atletang Gentinians upang katawanin ang ikalawang kongreso katuwang ang manlalaro ng Mapulang Lupa National High

ni: Arsher Roey Ampon

Unti-unti nang sumisibol ang mundo ng digital..

Hindi maitatanggi ang kagalingan ng mga Valenzuelano sa larangan ng ESports, nandiyan sina Danerie James “Wise” Del Rosario ng Barangay Coloong, Salic “Hadji” Imam ng Barangay Paso De Blas, Patrick James “E2MAX” Caidic ng Barangay Lawang Bato na lumupig at dumakip ng medalya para sa bansa sa sikat na larong Mobile Legends: Bang Bang, at marami pa.

ni: Arsher Roey Ampon

School, at Valenzuela National High School. “Malaki ang pag-asa po [makarating sa National level], dahil alam po naming ibibigay namin ang aming best”, ani Jenalyn Desulat mula sa GTDLNHS, kapitan ng Congressional 2. Dagdag pa niya, malaki ang kumpyansa ng koponan na makatungtong sa National Meet dahil puspusan ang kanilang pagsasanay at

paghahanda para rito. Haharapin ng Congressional 2 ang koponan mula sa Congressional 1, Valenzuela Private Sports Association 1 at 2.

Muling maghaharap ang sinumang magwagi ngay ong araw para hablutin ang kampeonato at makuha ang pribelihiyongmaipakilala ang Lungsod ng Valenzuela sa 2024 RegionalAthletics Meet na gaganapin sa Caloocan City.

Birtuwal Na Bakbakan sa

Hindi tulad ng nakasanayan nating mga sports o palakasan na ang mga manlalaro ay nagtutuos gamit pisikal na lakas. Ang E-Sports ay matatawag nating mind games.

Palarong Pampalakasan

Tulad ng chess, ang E-Sports ay gumagamit din ng kognitibong abilidad tulad ng time reaction, critical thinking, problem solving, at may bonus pa na teamwork at sportsmanship

Ngunit, ang malaking kinaibahan nito ay online games o video games ang mga larong pinagtatagisan nila tulad ng Tekken, Valorant, Call of Duty Mobile, League of Legends: Wild Rift, at iba pa.

Dahil sa pag-usbong ng mga online games na ito, nagsilitawan din ang mga kompetisyon o tournament sa loob at labas ng bansa na naging bahagi na rin ng SEA Games ang E-Sports. Kamakailan lang ay nagkaroon ng E-Palarong

Pambansa na kung saan nilahukan ng mga manlalaro sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas, ito ay naglalayong mabigyan pa ng oportunidad ang mga gamers na makilala at ma-grow.

Matagal ng mayroong ganitong palahok ang iba nga ay milyon-milyong dolyar na premyo at ang iba ay may kasamang bahay at tsikot. Mas lalo itong umingay ng sumapit ang pandemya nahinto ang pisikal na laro at mga okasyong nagpapamalas ng pisikal na lakas, bilis at talento na kinakailangan ng physical contact. At dito na pumasok ang eksena ng E-Sports.

Marami ang nagsusulong na ihanay ang klase ng larong ito sa mga kilalang pampalakasang paligsahan tulad ng Olympics at sa Pilipinas, sa Larong Pambansa.

Sa katunayan, may mga unibersidad ding nag-aalok ng kursong naglilinang sa abilidad sa pagsalang sa E-Sports, nariyan ang Lyceum of the Philippines University.

Sa pagdidiin, ang mga Pilipino ay nag-uuwi ng iba’t ibang tropeyo at nakilala ito sa buong mundo tulad ng apat na sunodsunod na panalo ng PIlipinas sa Mobile Legends: Bang Bang World Championship Series. At patuloy pa itong nagpapasalubong ng mga parangal.

Kaya maiging pagtuunan ng pansin ang esksena sa larangan ng E-Sports, dahil sa patuloy na paglago nito sa bansa at paniguradong kayang dominahin ng mga Pilipino ang buong mundo sa larang ito.

ISPORTS isports

Aming Atleta, may School Works ka pa!

ni: Arsher Roey Ampon

Hindi na nga bangko sa court ang iinit..

Kamakailan, inanunsyo ng Ateneo de Manila University Blue Eagles na hindi makasasampa sa kurto si Forthsky Padrigao upang depensahan ang kanilang titulo sa nalalapit na UAAP men’s basketball. Sa inilabas na pahayag ng Ateneo, ika-22 ng Hulyo, 2023, hindi makakapaglaro ang atleta dahil hindi niya nagawang madagit ang academic requirement ng Unibersidad sa taong pampaaralan 2022-2023.

Nakalulungkot ito para kay Padrigao at sa kanyang mga masugid na tagahanga. Ngunit patas ba ito?

“Ito ang kagandahan sa Ateneo. ‘Di puwede magpabaya ng academic ang athletes”, komento ng isang netizen sa post tungkol sa balitang ito.

Nakadidismayang makarinig ng mga ganitong balita ngunit hindi na ito bago sa Ateneo.

Matatandaan na hindi rin pinaglaro sa UAAP sina Thirdy Ravena sa men’s basketball, at sina Michelle Morante at Ana

Gopico sa women’s volleyball dahil sa parehas na dahilan.

Maraming nagsasabing ito ay hindi makatarungan para sa mga manlalaro ngunit mas matimbang para sa Ateneo ang pang-akademikong performance ng mag-aaral.

Bakit nga ba Ateneo lang ang mahigpit tungkol dito sa dinadami ng mga bigating Unibersidad?

Mistulang partida na nga ito upang maagaw ang titulo mula sa kanila.

Sa mataas na paaralan naman ng General Tiburcio De Leon, ipinatutupad din ito ng ating mga gurong tagapayo.

Sa isang panayam kay Ginoong Ronel Villapando, inamin niya na lagi niyang tinitiyak na nakakamit ng kanyang manlalaro ang mataas na grado.

At para sa tanong na “patas ba ito?”, masasabi na ito ay patas at makatarungan dahil ang mga estudyanteng atleta pagkatapos ng laro o ensayo ay isa ring mag-aaral na kinakailangang tumalima sa paaralan upang masiguro ang kinabukasan sa labas ng bakbakan.

Sana tularan ito ng iba pang paaralan sa bansa maliit o malaki na hindi takot malagay sa alangin ang karera masiguro lang ang pag-aaral ng kanilang mga atleta.

At para sa ating pinakamamahal na atletang nagbibigay sa atin ng tagumpay sa ating mga paaralan, maiging mabalanseh natin ang pag-aaral at ang papabibigay ng dangal.

Generals Dance Sport Team, Sumikwat ng Puwesto

ni: Jenny Rose Medalla

Iniuwi ng mga atletang mananayaw ng General Tiburcio De Leon National Nigh School ang mga puwesto gamit ang matitikas na tindig at mga swabeng galaw sa 2024 Division Meet Dance Sports Competition na iginanap noong ika-20 ng Pebrero, sa Valenzuela National High School.

Sumingkit ng ikatlong puwesto sa kategoryang Latin sina Annburr A. Balondo at Michael Yojhan C. Geronimo, pinakamataas na puwestong nakamit ng Generals sa kompetisyon.

“Babanat kami next year”, taas-noong pagbigkas ni Balondo.

Kinapos ang Generals na makatungtong at makapasok sa Regional Meet Dance Sports Competition.

Natatanging ang kampeon lamang ng naturang kategorya ang sasabak sa Regionals bilang kinatawan ng lungsod ng Valenzuela.

Puspusan at masinsinang pag-eensayo ang kahaharapin ng mga mananayaw ng Generals upa ng makalusot at makapasok sa susunod na Regional Meet.

Mga nagwagi sa National Arts Month 2024, pinarangalan

ni: Cristan Andrei Delina

Binigyang pagkilala ang mga nagsipag wagi sa naganap na National Arts Month 2024 na may temang “Ani ng Sining, Bayang Malikhain” na pinangunahan ng MAPEH Department noong Pebrero 29, 2024 sa Mataas na Paaralan ng General Tiburcio De Leon National High School. Sa paggawa ng Festival Mask ay nasungkit ng mga mag-aaral mula sa ika-pitong baitang na sila Carl Saver M. Agustin (Unang Puwesto), Kailey Yvonne Bernardino aIkalawang Puwesto), Prince Joseph Gloria (Ikatlong Puwesto) at Aeron Russel Ocampo (Ikaapat na Puwesto).

Pag dating sa Coffee Painting Contest ay hindi nagpatalo ang mga mag-aaral mula sa ika-walong baitang na sila Tiffany Ais na nakamit ang unang puwesto, sina Zaira Jana B. Cabahug at Leticia Wilma R. Sucion sa ikalawang puwesto at sina Quincy Ice P. Diaz at Shamira Nicole M. Kantuna naman sa ikatlong puwesto.

Nagpakitang gilas naman ang mga mag-aaral mula sa ikasiyam na baitang sa naganap na Festival Dance Contest. Nag champion ang 9-St. Joseph, 1st runner up ang 9-St. James, 2nd runner up ang 9-St. Stephen, at 3rd runner up naman ang 9-St. Domenique.

Kung boses lang din ang

usapan ay hindi naman nag pahuli ang mga mag-aaral na sila Kylle Zeath R. Tendecia (champion), Joshua Matthew U. Basta (1st runner up), Princess Lubastro (2nd runner up), Charlenn Mae

Lastimado (3rd runner up).

Hindi naman nagpahuli sa hatawan ang Z’pride Group at nag champion, 1st runner up ang Ofel Warriors Group, 2nd runner up ang Sheki-Sheki Group, at 3rd runner up ang mga grupong Diamond Group, 7 even Group, at Turqcool Group.

Sa larangan ng Acoustic Band ay nag champion ang grupong M & B, 1st runner up ang Band Land, at 2nd runner up naman ang K-Haze. Pagdating sa Festival Doll Making Contest ay nasungkit ng mga mag-aaral mula sa 9-St. Joseph na sila Sarah Bella B. Aton (1st runner up), Ashley B. Robles (2nd runner up), at Lance Gabriel Pike (3rd runner up). Rumampa patungong champion sila Zyanie Esodel

Laplana (10- Jade), Prince Troy De Sesto (10- Topaz), at Carl Xyrille Flaviano (10- Chrysolite). 1st runner up sila Fiona Antonette Acerrador (10- Opal), Alexander Pascual (10- Ruby), at Ram Espinosa (10- Tanzanite). 2nd runner up naman sila Angela Trixie Collado (10- Pearl), Mark Joseph Palaganas (10- Diamond), at Mark Christian De Leon (10- Tanzanite).

11 11
Dance Festival, National Arts Month. Makukulay at mahuhusay na pagpapakitang-gilas ng mga mag-aaral mula sa Baitang 9 bilang pakikiisa sa National Arts Month Celebration

Lakas ng isang tigre ang ipinamalas ng arnisador na si Jenalyn Desulat mag-aaral ng GTDLNHS sa pagsungkit ng gintong medalya patungong Regional Athletic Meet upang maging kinatawan ng Valenzula City sa kapatagan ng mga nagsisipaghusayan na arnisador.

Magmamartsang puno ng tindig si Jenalyn Desulat, arnisador ng Gen. Tiburcio De Leon NHS at kapitan ng Congressional 2, patungong Regional Athletic Meet upang maging kinatawan ng Lungsod ng Valenzuela sa larangan ng Arnis na gaganapin sa lupain ng Caloocan City.

Aabante si Desulat patungong panrehiyong palaro matapos kunin ang ginto sa extra Light-Weight Secondary Girls sa 2024 Division Athletic Meet Arnis Competition na ginanap ng umaga sa GTDLNHS Activity Center, ika-22 ng Pebrero.

“Ready na ‘ko mag-train para sa NCR,” buong loob na pag-amin ni Jennalyn. Natatanging si Desulat lang ang Generals na babandera para sa lungsod ng Valenzuela matapos bigong makapasok ang iba.

“Mas lamang yung lungkot kasi lahat kami nag-practice. Alam naman namin na ginawa namin yung best namin, pero meron talagang time na hindi sapat, kaya ako lang ang nakapasok,” pagbahagi niya.

Kaagapay ng ibang pang manlalarong nakasungkit ng unang puweto sa iba’t ibang distrito, muli silang lalaban sa Marso para sa Regional Athletic Meet na pangangasiwaan ng Caloocan City.

Ginawaran ang lahat ng mga nanalo sa Wes Arena, barangay ng Punturin, ika-23 Pebrero ng umaga.

12 na Pilipinong Nag-uwi ng Olympic Medals

Kapitan Desulat, Wagi Ng Ginto; Tiket Sa Regionals Sinigurado atletanG PilipiKNOWS

Hidilyn Diaz (Ginto at Pilak) - Binuhat ng atleta ang Pilipinas para sa kauna-unahang ginto ng bansa sa larangan ng Weightlifting noong 2020 Tokyo Olympics. At pilak naman para sa 2016 Rio de Janeiro Olympics.

Anthony Villanueva (Pilak) – Boksingero mula Laguna na sumikwat ng unang pilak ng bansa para sa Men’s Featherweight Division noong 1964 Tokyo Olympics.

Mansueto “Onyok” Velasco (Pilak) – Solidong sumuntok ang dating boksingero na ngayon ay aktor para makamit ang pilak sa Men’s Flyweight Division sa naganap na 1996 Atlanta Olympics.

Carlo Paalam (Pilak) – Taas-noong namaalam ang boksingero na tubong Bukidnon nang masungkit ang pilak na medalya sa Men’s Flyweight Division noong 2020 Tokyo Olympics.

Nesthy Petecio (Pilak) – Kauna-unahang Pilipinang boksingero na nag-uwi ng pilak para sa Women’s Featherweight Division sa 2020 Tokyo Olympics.

Teofilo Yldefonso (Tanso) – Sinisid ng atleta ang pinakaunang medalya ng Pilipinas sa Men’s 200M Breaststroke noong 1982 Amsterdam Olympics at muling umarangkada sa 1932 Los Angeles Olympics na kapwa nakakuha ng tansong medalya.

Simeon Toribio (Tanso) – Nilukso ng atleta tubong Zamboanga ang Men’s High Jump noong 1932 Los Angeles Olympics para mag-uwi ng tanso sa bansa.

Miguel White (Tanso) – Manluluksong mula sa Legazpi na nag-uwi ng tanso sa Men’s 400M Hurdle noong 1936 Berlin Olympics.

Jose Villanueva (Tanso) - Manilenyong boksingero na sumungkit ng tanso sa Men’s Bantamweight Division noong 1932 Los Angeles Olympics. Ama ni Anthony Villanueva na nag-uwi rin ng olympic medal sa larangan ng boksing.

Leopoldo Serantes (Tanso) – Muling pinanumbalik ng boksingerong tubong Bicol ang alab ng puso ng mga atletang Pilipino dahil matapos ang 24 na taon ay nakasungkit muli ang bansa ng Olympic medal sa 1988 Seoul Olympics.

Roel Velasco (Tanso) – Sumuntok nang buong puso ang boksingero mula Negros Occidental para makakuha ng tansong medalya Men’s Light Flyweight Division noong 1992 Barcelona Olympics.

Eumir Marcial (Tanso) – Baguhang boksingero na agad sumalang sa 2020 Tokyo Olympics at nakakamit ng tansong medalya sa Men’s Middleweight Division.

isports12
PUGAY PARA SA MEDALYA

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook