Skip to main content

Ang Balita issue of May 2022

Page 1

BOLYUM 1, NUMERO 4

MAYO 2022

TAMPOK

Kaakit-akit sa parada M

ATAPOS ang dalawang taon na walang Mardi Gras sa Sydney dahil sa pandemya, ang Filipino Lesbian and Gay Community (Flagcom) at mga kaibigan ay muling umani ng isang parangal sa 2022 Sydney Gay and Lesbian Mardi Gras. Noong 2020, nagkamit ang Flagcom ng isang parangal bilang Best In Costume (Pinakamaakit-akit Soot) sa parada na ginanap sa Oxford Street, Sydney. Sa Marso 5 ngayong taon, mula sa ginanap > TULOY SA p3

BALITA

Sa mahihirap ANG isang proyekto nangangalang ‘DIGS’ (Do In Good Service) ay nagpapatakbo ng mga pantry ng pagkain sa mahihirap na pamilya sa mga distrito sa buong Pilipinas nang ilang buwan na. Ang DIGS ay inayos, binuo at pinamamahalaan ng mga broadcaster ng Radio Bandila program ng station ALIVE 100.5 FM sa northwest Sydney at Radio Rizal program ng station 2BACR 100.9 FM sa southwest Sydney. “Ang aming ika -apat na misyon ng pamamahagi ng pagkain ay nasa Tacloban, Leyte sa tulong ng lokal na Rotary Club ng

MIRIAM SOLO-SCOTT

Ika nga: ‘wonder woman’ si nanay

> TULOY SA p3

OPINYON

Huwag na sana Pananaw ni RUBEN AMORES ANG pinakamalaking balakid sa pag-unlad ng ating tinubuang lupa ay ang napakalaganap na kurapsyon. Ito ang pesteng nambubulok sa bansa ay sanhi ng patuloy > BUONG PANANAW SA p2

M

Ulat ni MARILIE BOMEDIANO

atinding kahirapan ang naranasan niya sa kanyang kabataan hanggang sa maagang pagtandang buhay. Nakayapak na lumalakad ang bata sa eskwela, at nakikipagpalitan ng gulay and prutas upang makabili ng sariling gamit sa paaralan. Nang lumaki siyang dalaga, nagtrabaho si Miriam bilang house maid para makatulong sa ama at ina. Dalawang beses ikinasal, dalawang beses nabigo siya sa diborsyo. Nakaranas pa siya ng abuso sa buhay. Gayon man, si Miriam Solo Scott, 55, ay nagtagumpay bilang nagi-isang ina sa apat na supling. Day job siya sa araw, taxi driver sa gabi: bumebenta

pa ng balut at kakanin sa taxi upang dagdagan sa sahud na iuuwi sa pamilya. Guminhawa ang buhay ni Mariam at ng kanyang supling magmula nang lumipat lahat sila sa Australia, salamat sa kagandahang loob ng kanyang dating asawa na si Paul Scott. Ngayon ay may-ari na si Mariam ng maunlad na negosyo sa Sydney na nangangalang Chocolate Day Spa, sa Croydon Park NSW. Ang tawag kay Miriam ng ilang mga nakakakilala sa kanya ay ‘wonder woman’. Bukod doon, iginawad sa kanya ng Narra Cooperative ang titulo na ‘Model Mother of the Year 2021’. n


2 ANG BALITA

SABI NAMIN, SABI NINYO sop-r-r-r-resa, mahal ko. Na elek ang asaw mo bilang el p-r-r-r-residente!

Binabati kita, darling ko. Eto ngayon ang listahan ng pangako mo sa mga botante.

KURO-KURO

Pananaw in RUBEN AMORES

Huwag na sana sa kurapsyon tayo makikilala

EDITORIAL JAIME K PIMENTEL Editor SA katapusan, ang pinakamahalaga sa anumang halalang pederal ng Australia ay kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi lamang kung ano ang natupad sa lumipas sa unang isang daang araw - ang itinuturin natin na ‘honeymoon period’. Ang sukatan ng tunay na tagumpay ng isang halalan ay sa unang taon ng isang nakaupo na gobyerno ng Australia tulad ng pinamamahalaan ng mga ministro nito at pinangunahan ng Prime Minister. Ang katuparan ng mga pangako na hinamon sa mga botante sa init ng nakaraang kampanya ay ang tunay na panukala, sa palagay namin. Ang sandali ng katotohanan ay yun sandali na ang pangako sa mga botante ay naihatid. O hindi na natupad, at nasira. n

BATO BATO SA LANGIT MAGMULA nang madeklara ang eleksiyon Federal sa Australia para sa Mayo 21, hindi na ako mapakali. Totoo po ito walang biro. Lalung-lalo na ang mga tao ay parang walang malay sa nangyayaring kurapsyon sa gubyerno na Australya. Sa ayaw natin at sa gusto, tanggapin na ntin na may kurapsiyon dito. At para sa akin, ito ang pinakaimportanteng isyu. Iyong ibang isyung climate change, aged care, housing affordability ay importante din. Pero ang kurapsiyon ang pinakakritikal. Sa ating mga Pilipino, alam natin ang negatibong epekto ng kurapsyon. Walang pag-unlad ang bansa, walang transparency at accountability. Ang mga pulitiko ay mga ipokrito. Kunwari, kumakandidato sila para magsilbe sa mga tao. Pero sa totoo lang, ang bulsa lang nila at ng kanilang kaalyado ang kanilang pinupuno. Kaya sa eleksyon sa Sabado Mayo 21, dapat alam na natin kung aling partido ang magbubuo ng Federal ICAC. Iyong ICAC na malakas at may kapangyarihang bumalik nang mga ilang taon, ‘yung puwede bumalik kahit na isang dekada. Sa kasalukuyan, ayaw ni PM Scott Morrison na gawing batas ang ICAC kahit na ipinangako niya noong eleksyon 2019 na kung

ANG pinakamalaking balakid sa pag-unlad ng ating tinubuang lupa ay ang napakalaganap na kurapsyon. Ito ang pesteng nambubulok sa bansa at sanhi ng patuloy na paghihirap ng mga nakakaraming kababayan, lalo na ang mga walang padrinong politiko, kakayahan o sikmurang mangurakot. Ang kurapsyon ay anumang pagkakaroon ng mga benepisyo dahil sa paggamit ng hindi nararapat o makatarungang kalamangan o bentahe. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit palaging kulang ang serbisyo, imprastraktura at iba pang magagamit para sa kapakanan ng mga tao. Dahil sa kurapsyon, maraming pondo ang hindi tamang nagagamit na pangserbisyo sa mga tao kundi ibinubulsa ng mga politikong kurap at mga kasabwat sa pangungurakot. Ang kurapsyon ay napakamalaganap at maraming tao ang naging manhid na sa tamang etika o moralidad. Dahil sa laganap at malalaking kurapsyon, nawala ang katapatan sa pampublikong serbisyo at naging lantaran ang pagkuha ang mga komisyon o S.O.P. Kaya tuloy nawalan ng pag-asa at respeto sa sarili ang mga nasa laylayan ng lipunan dahil sa pag-aakala nila na wala silang kakayahang makapagbago ng kabuhayan. Patuloy na lamang ba tayo na naghihintay ng ayuda o nagbebenta ng boto o sarili para mabuhay? Kailan kaya mawawala ang kurapsyon para makabangon naman ang bansa? Hindi ba nakakahiya na sa kurapsyon tayo nakikilala? n

Pananaw ni FELIX ORCULLO

Hindi po biro, may kurapsyon din dito mananalo ang LNP, itatatag niya ang Integrity Commission o Federal ICAC. Pero ang nangyari, pagkatapos nang tatlong taong panunungkulan, wala pang anino ang ICAC. Kesyo, nagsubo naman daw ang LNP ng draft ICAC. Kesyo, hindi naman daw interesado ang mga tao. Hindi totoo iyan. Nagsubo nga sila ng draft ICAC, pero ang ICAC na gusto ni Morrison ay walang lakas at ang gusto ay huwag ibilang ang mga pulitiko na maeeksamen ng ICAC. Iyon daw mga naglilingkod sa bayan o public servants lamang ang dapat imbestigahan. At ngayon, ang pinakahuling dahilan? Ayaw daw ng Labor na suportahan ang kanilang bersiyon ng ICAC. Helo? Paano naman susuportahan ng Labor ang ICAC ng LNP e walang naming kapangyarihan at puro public servants lamang ang gustong maimbestigahan, puwera ang mga pulitiko. Anong klaseng ICAC iyon?

Maraming nang nahuling mga kurap na pulitiko sa NSW, Labor at LNP. Pero pinipintasan ito ni Morrison dahil ito daw ay Kangaroo Court, dahil si Gladys Berejiklian daw ay nagbitiw sa pagiging Premyer dahil sa ICAC. Ang katotohanan, kaya nag-resign si Gladys ay dahil nabunyag ang kanyang relasyon sa kurap na MP sa Wagga Wagga na si Daryl Maguire at na-compromise ang puwesto niya. Pero wala namang sinasabi si Morrison na nahuli ng NSW ICAC ang mga pulitikong Labor na sina Obeid at MacDonald dahil sa kurapsiyon. Ang ICAC sa NSW ay napatunayang pinakamahusay. Kaya ito ang gustong tularan ng Labor para maging Federal ICAC. Lahat ng States at Territory sa Australya ay may ICAC, sa Federal lang ang wala. Bakit kaya? Ano kaya ang ikinatatakot o itinatago ni Morrison? Bumoto tayo nang mahusay kung hindi, baka para na tayong hindi umalis sa Pilipinas. n


ANG BALITA 3

Lahok ng Flagcom ay pinaka-fabulous > MULA SA p1

na parada sa Sydney Cricket Ground, nakamit ng Flagcom ang titulo na Most Fabulous Mardi Gras Entry (Pinakamaakit-akit na Lahok). Tinalo ng Flagcom ang may higit-kumulang 220 ng kalahok sa parada. Ipinamalas ng Flagcom ang sigla, kulay at kasaysayan ng Ati-Atihan: Ang kanilang suot ay nanggaling pa sa Pilipinas sa kabutihang loob ni Melody David. Ang disenyo and gawa ng batikang Mardi Gras fashion designer Rene Rivas. Ang kanyang disenyo ang syang ginamit ng Flagcom directors na sina Charles Chan at Albert Prias. Wika ni Chan matapos tanggapin ang karangalan sa Flagcom: “Isang pasasalamat sa bumubuo ng Flagcom family at kay Rene dahil sila ang mga taong nagsakripisyo para marating namin ang tugatog ng tagumpay.” n

LARAWAN: Charles Chan, Mardi Gras parade manager Emily Santiago, at ang fashion designer Rene Rivas.

DIGS sa mahihirap > MULA SA p1

2022 MAY DAY RALLY SA SYDNEY Ang mga manggagawa at samahang Pilipino ay nakibahagi sa matatag at mapayapang rally sa mga lansangan ng Sydney noong Linggo, Mayo 1, 2022. Ang malaking rally ay binubuo ng maraming mga organisasyon ng manggagawa mula sa buong Australia. Ito ay bahagi ng isang pagsisikap sa mundo na magbigay pugay sa mga manggagawa at upang suportahan ang kanilang mga pananaw. Ang mga delegado ng Sydney rally ay nagtipon sa Sydney Town Hall Square at nagmartsa hanggang sa Maquarie Street sa tapat ng NSW Parliament House upang ipahayag ang kanilang mga pananaw at alalahanin. n Picture by ANNA PIMENTEL

ANG BALITA

Publishers JIMMY LOPEZ MILLIE MARCIAL JAIME K PIMENTEL Address: 5 Warby Street, Campbelltown

Business Manager JIMMY LOPEZ 0478 540 889

Advertising

MILLIE MARCIAL 0450 073 591

Editor

JAIME K PIMENTEL 0423 358 747

Correspondents

MARILIE BOMEDIANO SERNA LADIA DANNY PERALTA

Columnists

JOSEPH ORBASE RUBEN AMORES FELIX ORCULLO

Proofreader FELIX ORCULLO

Circulation

JIMMY LOPEZ

Kandaya,” sabi ng broadcaster ng Radio Bandila at hinuhukay ang prime financier Joseph Orbase. . “Ang utos at kontrol ng buong operasyon at ang buong proseso at pananalapi ay ginawa dito sa Australia gamit ang aming mga contact at assets sa Pilipinas nang walang gastos sa kanila.” Ang ikalimang misyon ay ginanap sa Bacoor, Cavite, kasama ang mga kasosyo na sina Ark K9 at Arangkada Cavite. “Ito ay isang gawain sa pagunlad,” ani Marilie Bomediano, broadcaster ng Radio Bandila . “Ang mga pantry ay magaganap sa buong Luzon, Bisaya at Mindanao.” n

MULA SA AKING PUSO

Pananaw ni MARILIE BOMEDIANO

Tandaan natin ang ugnayan sa Timor Leste KINAPANAYAM ko si Gerald Kenneally, anak ng yumaong Irish-Australian na si John Patrick ‘Paddy’ Kenneally, tubong Youghal, County Cork, na lumaban bilang 2/2nd Independent Company Australian commando sa Timor Leste (East Timor) noong World War II at kalaunan ay naging outspoken champion ng Timorese. Ang kanyang ama ay namatay ay namatay edad 93 taon. “Laban sa lahat ng pagkakataon, ang matapang na grupong ito ng mga kalalakihan ay nagsagawa ng hit-and-run campaign na matagumpay na nailihis ang mahigit 10,000 tropa ng kaaway mula sa mga labanan sa Kokoda at Guadalcanal,” ika nya. “Dahil sa kakulangan ng mga suplay ang mga sundalo ay umasa sa suporta mula sa mga tao ng East Timor na nagbuwis ng kanilang buhay upang tulungan ang mga Australyano na nangangailangan ng pagkain, tirahan at impormasyon. Sinabi pa ng isang sundalo na kung hindi dahil sa tulong na ito ang 2/2nd ay hindi magtatagal ng isang linggo laban sa mas maraming pwersang Hapones,” dagdag pa nya. Kaugnay nito, inihayag ni Consul-General Luciano Valentim da Conceicao, diplomat at bayani ng Timor Leste na ang History of East Timor ay isasama na sa senior secondary curriculum ng Australya upang mapanatili ang kaugnayan ng dalawang bansa bunga ng kanilang shared history at legacy. Naniniwala ako na nararapat alalahanin ng Australia ang mga nawalang buhay ng East Timorese at ang pagkakaugnay nito sa nakaraan at kasalukuyang pamana ng Australia. n

Tawag ng Children’s Festival ANG mga tagapamahala ng Children’s Festival ay nanawagan sa mga grupo ng mga bata para gumanap sa mga kapistahan sa taong ito na naka-iskedyul sa Hunyo, Agosto, at Setyembre 2022. Ang mga Children’s Festival ay bumalik pagkatapos ng dalawang taong pag-urong dahil sa Covid 19 pandemya. Ang Sydney Children’s Festival 2022 ay magsisimula sa 11:00 hanggang 4pm sa Linggo, Agosto 26, sa Pyrmont Park, Darling Harbour. Ang MacArthur Multicultural Children’s Festival ay sa susunod sa Linggo, Agosto 2, sa Koshigaya Park Campbelltown. Ang Canterbury-Bankstown Children’s Festival ay gaganapin sa Linggo, Setyembre 11, sa Abel Reserve, Revesby. Para sa mga detalye, makipagugnay sa kim.vo@childrensfestival. org.au. n


4 ANG BALITA

SPORTS

Kai handang maglaro sa NBA AYON kay Adelaide 36ers basketball team coach CJ Bruton, ang kanyang 19-taon-gulang, 7ft 3in senter Pilipino Kai Sotto (sa larawan) ay handa nang maglaro sa NBA, ang National Basketball Association sa America. “Kakain ako ng popcorn habang pinapanood siya at nagpapadala sa kanya ng ilang mga mensahe habang siya ay nasa NBA,” ani Bruton kasunod ng career-night 21 points ni Sotto sa pagkatalo ng 36ers, 93-85, sa Brisbane Bullets. Sa kabila ng pagkatalong iyon, ito ay isang gabi na alalahanin para sa prospect ng Philippines na si Kai Sotto habang naitala niya ang isang career-high 21 puntos. Kahit na19-gulang palamang itong 2.18-meter center ay guma-

JC Bruton, coach ng Adelaide 36ers, ay hanga sa kanyang Pilipino 7ft 3in senter

Tinalo ng Filipinas ang Fiji, 7-2 at 8-0 SA pamamagitan ng kamangha-manghang katumpakan at football savvy, Filipinas, ang national women’s soccer football team ng Pilipinas, ay tinalo ang Fiji, 8-0, sa Western Sydney Wanderers FC Football Park sa Blacktown noong Lunes, Abril 11, 2022. Ang kaganapan ay isang internasyonal na palakaibigan bilang paghahanda sa pakikilahok ng Pilipinas sa ika-31 na South East Asian Games sa Hanoi, Vietnam, sa Mayo 2022.. Ito ang pangalawang laro ng mga koponan nang mas mababa sa isang linggo kung saan ang Filipinas ay hinagupit ang Fiji, 7-2, sa duon din lugar noong Huwebes, Abril 7. Dumalo ang Filipinas sa Australia sa loob ng isang linggo bago ang matchup kasama ang Fiji, na nagse-setup ng

kampo sa Sydney kasama ang kanilang head coach na Australiano na si Alen Stajcic. Sa 31st Sea Games, ang Filipinas ay mapapangkat sa host at defending champion Vietnam, Indonesia, at Cambodia. “Magsusumikap kami upang matiyak na bumalik kami sa mga antas kung nasaan kami sa panahon ng Asian Cup,” sabi ni Stajcic. Nanatili doon hanggang sa unang bahagi ng Mayo bago lumipad papuntang Hanoi para sa kanilang unang laro sa Linggo, Mayo 8, 2022. Sa araw ng pagsulat na ito, ang Filipinas ay umaasang maglaro ng tatlong higit pang mga tugma at manatili sa kanilang Western Sydney Camp nang dalawang linggo bago lumipad patungo sa Vietnam. n

INNA PALACIOS: Filipinas goalkeeper

wa ng pinaka-praktikal na outing sa kanyang karera overseas sa 17.34 minuto mula sa bench. Ang 21-point haul ni Sotto ay isang team-high sa gabi, ‘yun ay lumampas sa kanyang point-average na 7.2 points bawat laro. Humanga si Bruton sa pag-unlad ni Sotto sa kanyang unang panahon sa Adelaide 36ers. Iyon ang dahilan kung bakit naniniwala siya na si Kai Sotto ay nasa tamang landas patungo sa kanyang panaginip sa NBA. “Dapat ay medyo pupunta siya sa lalong madaling panahon, kung hindi sa taong ito, tiyak na sa susunod na taon at magkakaroon kami ng pag-uusap na iyon at magpapadala rin kami sa kanya ng isang larawan,”sabi ni Bruton. n


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Ang Balita issue of May 2022 by AngBalitaAustralia - Issuu