Hulyo 2022 - Enero 2023
Ol. V1 Issue #1
Ang Opisyal na Pahayagan Pang Mag-aaral ng Sta. Cruz Elementary School
aging aktibo ang pagsisimula ng implementasyon ng Brigada Eskwela sa paaralan ng Sta. Cruz noong Agosto 1, 2022.
ni Kate Emerald T. Osorio
Nilahukan ng iba’t ibang mga indibidwal, mga pribadong sektor at kawani ng gobyerno ang isinagawang programa. Ang unang araw ng Brigada Eskwela ay maagang sinimulan ng isang parada. Dumalo ang mga miyembro ng Barangay Council, Sangguniang Kabataan ng Sta. Cruz, Barangay Health Personnel at Workers Alumni, opisyales ng GPTA, mga magulang, guro at punungguro. Sa kick-off ceremony na ginawa, inihayag ng paaralan ang pangangailangan ng suporta at mga donasyon upang mapaganda at maihanda ang paaralan sa darating na face-to-face na pasukan. Hindi naman nag-atubili ang mga dumalo sapagkat alam na rin nila ang kakailanganing gawin at kakailanganing dalhin.Sa mga araw ng implementasyon, inilahad ng Brigada Eskwela Coordinator na si Gng. Rowena C. Catayoc ang
ni June L. Alsonado
magiging takbo. Sa unang araw na paglilinis at pagdisinfect ng mga silid aralan ng mga miyembro ng Barangay Council, Sangguniang Kabataan, BHW, 4p’s,... >Hintay sa pahina 4
ni Princesslyn Y. Guinayon
ktibong nilahukan ng mga sabik na Isang pormal na programa ang mag-aaral ng Sta. Cruz ang naghudyat ng pagsisimula ng mga ginanap na School-Based Simultaneous gawain at laro na lalahokan ng mga Girl/Boy Scout Camporal 2022 sa scouts. Iba ang kagalakan at sigla ang Mababang Paaralan ng Sta. Cruz ipinakita ng mga bata sa muling noong ika –3-4 at ika – 10-11 ng Disy- pagbabalik ng scouting activities sa embre. paaralan... >Tapos sa pahina 3 Sinalihan ng mga kabataan mula Kinder hanggang ikaanim na baitang ang iba’t ibang mga paligsahan. Bawat laro ay may kaukulang pabuya lalo na sa Kinder hanggang ikatlong baitang na maglalaro ng kalahating araw habang ang boy at girl scout ay mananatili at maglalaro pa kinabukasan.
ga guro kasama ang punongguro ng Sta. Cruz Elementary School ay nakilahok sa unang District Research Congress ng Tagoloan East District noong ika 16 ng Nobyembre, 2022. Ito ay sinalihan ng mga guro na experto sa pananaliksik na sina G. Devon Glen P. Justol, Gng. Jonahlou G. Caballeda, Gng. Rowena C. Catayoc, Dr. Jay Pe L. Paculanan, G. Jeffry P. Salcedo, at G. Benedict Solomon Gallentes. Ang mga nasabing guro at punongguro ay nag-uwi ng karangalan sa larangan ng pananaliksik... >Abang sa pahina 4
ni Joshriel S. Balakid
inawang “mandatory” ngayon ang pagkakaroon ng mga gulayan sa paaralan basi sa tema ng idinadaos ngayong buwan ng nutrisyon. Sa temang,”New Normal na Nutrisyon, Samasamang Gawan ng Solusyon.”, binigyan ng halaga ang kaalaman sa “backyard gardening” sa bahay at pati na ang “school gardening” o gulayan sa paaralan. Mas patok ngayong kainin ang mga instant na pagkain dahil sa instant itong ihanda pero instant din ang iyong pagkawala. Ang programang ito ang ginawang tugon ng Department of Health (DOH)
para ibalik ang nakagisnan kung saan madali, sariwa, masarap at masustansya ang maihahain sa hapag kainan sapagkat malapit lang ang pinagkukuhanan. Para maipatupad ang nais na “Gulayan sa Paaralan” ng paaralang Sta. Cruz, nakipagkoordina ang Gulayan sa paaralan in-charge ng paaralan na si Ginang Victoria B. Llumpera sa Department of Agriculture (DA) para mabigyan ng iba’t ibang mga variety ng mga gulay. Nariyan ang upo, patola, kalabasa, talong, okra, pechay, string beans, saluyot, malunggay, sili, luya, at cucumber na sinimulang itanim ng mga kabataan at inalagaan. >Dugtong sa pahina 4
ni Arabela Yori J. Sacabin
a pahintulot ng District Supervisor na Ang pagpili ng mananalo ay si Dr. Nilda M. Mejos at punongguro nahati sa dalawang kategorya ito ay na si Dr. Jay Pe L. Paculanan matagumpay ang Category A (Kinder-Grade 3) at na naidaos ang paligsahan ng may pin- Category B (Grade 4-Grade 6). Ang akamagarbong Futuristic at Robotic na mga kalahok sa bawat kategorya ay hinayaang rumampa isa-isa upang kasuotan noong ika 30 ng Setyembre, maipakita sa mga hurado ang kanilang 2022. Ito ay bilang panapos na palatun- kakaiba at magagarang kasuotan para tunan para sa pagdiriwang ng “National sa patimpalak na ito. Science Month”. Nasungkit ni __________ mula Ang mga kalahok sa naturang sa Ikatlong Baitang Madasalin ang patimpalak ay mga mag-aaral na mula titolong Mr. Robotic at Ms. Futuristic Kindergarten hanggang ika-anim na 2022 sa Category A. Si Ian Hope baitang. Ang bawat kalahok ay ipinakita Francisco naman ang nanalo bilang Mr. Robotic 2022 at Jitci Rhine Marang kanilang pagka malikhain sa kanilang cellana ang Ms. Futuristic sa Category mga kakaibang kasuotan upang mapili at B na parehong nagmula sa Ika-Anim mahirang na Mr. Robotic and Ms. Futuris- na Baitang Love. tic 2022 at mapili rin bilang Best Costume. Pagkamangha at aliw ang naibigay ng mga kalahok sa mga nanood ng patimpalak lalong-lalo na ang mga magulang at guro na sobrang ipinagmamalaki ang ipinamalas na lakas ng loob na tumuntong sa intablado at inirampa ang kanilang kasuotan. Ayon naman sa tagapangasiwa ng patimpalak na si Gng. Bernadith M. Labrador at Gng. Rowena C. Catayoc “isang matagumpay na aktibidad ang naidaos sa unang pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral sa faceto-face.”
Saya at Ngiti sa Teachers’ Day ni Chellyn A. Zambas
indi masukat ang saya ng mga guro ng Sta. Cruz Elementary School ang sorpresang handog ng SPG officers at mga mag-aaral para sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day noong ika 5 ng Octubre, 2022. Nagkaroon ng maikling programa na pinamunuan ng SPG President Jetci Rhine Marcillana bilang pagpupugay sa mga gurong nagsilbing pangalawang magulang ng mga kabataan sa loob ng paaralan. Sinorpresa ng mga kabataan ang mga guro sa kanilang dancing skills na suot ang mga maskara ng mga mukha ng kanilang paboritong guro. Ang sorpresang ito ay ikinagalak naman ng lubos ng mga guro. Nagbigay din ang mga mag-aaral ng regalo gaya ng mga bulaklak, keyk, palumpon ng school supplies, sulat pasasalamat at yakap ng pagmamahal at respeto. Sa pagtatapos ay nagkaroon ng konting salo -salo ang mga guro handog ng mga SPTA officers.
ni Jeriel Frea Vego
mani ng samot-saring papuri ang Drum and Lyre Corps ng Mababang Paaralan ng Sta. Cruz sa naganap na Tagoloan Town Civic Parade sa pagdiriwang ng taonang piyesta ng lungsod noong ika 31 ng Enero, 2023 dahil sa magandang kasuotan ng mga kalahok nito at sa kanilang mahusay na pagpapkita ng galing sa pagsayaw at pagtugtog ng mga instrumento na nagbigay ng kagalakan sa publikong nanood. Ikinagalak din ng mamamayan ng Tagoloan ang pagbabalik ng Town Civic Parade na kung saan ay nabigyan ng pagkakataon ang ibat-ibang sector at organisasyon ng komunidad na maiparada ang sarili at makilala sa publiko.
Sa pamumuno at suporta ni Mayor Atty. Nadya B. Emano-Elipe at ng miyembro ng Sangguniang Bayan naibalik ang partisipasyon ng mga paaralan sa mga aktibidad ng lungsod at isa na rito ang inaabangang taonang Town Civic parade. Naiparada ng bawat kalahok na paaralan ang kanilang Drum and Lyre Corps kasama ang mga faculty and staff ng bawat paaralan. Sumabay din sa parada ang mga magulang ng mga mag-aaral. Pagkatapos ng parada ay nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na ipakita ang kanilang angking galling sa pagsayaw at pagtutog sa isinagawang exhibition show.
Tapos
Mula sa Pahina 1 ni Arianne Reign Omasdang
akatanggap ng mga school supplies ang paaralang elementarya ng Sta. Cruz mula sa isang pribadong kompanya na Taiyo Nippon Sanso Ingasco Philippines Inc. Reading Materials na mula sa FDC Misamis Power Inc. Ang dalawang stakeholders na mga ito ay mga masugid na taga suporta sa mga programa ng paaralan. Bilang paghahanda sa pagbubukas ng pasok sa paaralan na fac-to-face malaking tulong ang naiambag ng mga stakeholders na ito sa mga batang papasok na walang mga kagamitan sa pag-aaral. Ayon sa kanilang mga tagapangasiwa ng kompanya layunin nila ang makapagbigay ng kaunting tulong sa mga bata na makapagtapos ng pag-aaral at maging katuwang sa mga programa ng Department of Education. Para naman sa FDC Misamis Power Inc. nakatuon sila kakayahan ng mga bata na makapagbasa kaya mga kagamitan sa pagbabasa ang kanilang ibinigay bilang tugon sa dumadaming bilang ng mga bata na hirap sa pagbabasa.
Malaki ang pasasalamat na ipinabot ng punongguro sa mga ibinigay sapagkat ito ay ay malaking tulong upang mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabasa at para rin may maidagdag na kagamitan ng mga bata sa kanilang pagpasok sa eskwela.
Mga larong kagaya ng planting rice, water relay, paper blowing ang nilahukan ng kid at twinkler scout sa Kinder at unang baitang habang mat traverse, planting rice, water brigade at scout law relay naman sa Kab at Star Scout para sa ikalawa at ikatlong baitang .Isinabak naman ang mga girl scouts mula sa ikaapat, ikalima at ikaanim na baitang sa clothesline, centipede walk, sack race, lumber jack, water relay at artworks. Naranasan naman ng boy scouts mula sa parehong baitang ang scout law relay, knot tying relay, stage race, message relay, bandaging, improvised flagpole raising, flying trapeze, messenger of peace at film viewing sa kasaysayan ng Boy Scout. Layunin ng aktibidad ang matuto at mahasa ang kani – kanilang mga sariling kakayahan at maihanda sa mga darating na responsibilidad na kahaharapin sa lipunang ginagalawan. Magandang training kung ituring ng mga manonood ang nasabing gawain. Ayon sa kanila isang hindi malilimutang karanasan ang pagiging isang scout sa murang edad. Ikinatuwa at inaasahan pa nilang mangyayari ulit ito sa susunod pang taon.
Dugtong
Mula sa Pahina 2 ni Mary Jhorcy L. Achacoso
inimulan ng Gardenia Bread Factory ang unang araw ng Feeding Program sa nakaraang buwan ng Pebrero hanghang Hulyo, 2022 sa pamamagitan ng maikling programa sa paaralan. Masaya na tinanggap ng ating masigasig at intelehenteng punong guro, Doc. Jay Pe L. Paculanan ang biyaya galing sa Gardenia para sa mga kabataan. Pinangunahan din ito sa kasipagan ng ating Teachers’ Club president ,Gng. Ruth L. Sollano. Pinagpatuloy na naman ito sa buwan Oktubre , 2022 hanggang ngayon taon. Namamahagi sila ng libreng tinapay para sa mga mag- aaral na nabibilang sa Nutritonal Health Status na Severely Wasted at Wasted.Sila ang mga batang tinaguriang Malnurished at naging recipients. Nagpapapatuloy din SBFP O School – Based Feeding Program na pinangunahan sa katiyagaan ng ating school coordinator, Gng. Elizabeth P. Ocampo.Masaya rin na tumatanggap ang mga kabataan ng freshmilk mula Enero at magpatuloy ito hanggang Marso ngayong taon. Sinubaybayan din ng mga guro sa bawat grado ang takbo sa pag – unlad ng kanilang timbang at taas. Ipinagmalaki naman ng paaralan maunlad sa resulta ng kanilang Nutritional Status.
“ Binibigyang diin ko sa lahat ng mga Nagpapasalamat nang malaki ang ating bata ang importansya ng pagkakaroon paaralan sa pangangalaga ng mga ng agarang mapagkukuhanan ng mga mapagbigay na Organisasyon ng Feed- gulay at root crops. ing Program tulad ng sa Gardenia. Hindi lang sila makakakuha ng pagkakain, pwede pa nilang pagkuhanan ng income. Ang gulayan sa paaralan na mangyayari ay gagawing paligsahan upang makaisip pa ng maraming ideya sa pagsasagawa nito,” kanyang sinabi.
Hintay
Mula sa Pahina 1 Misamis Oriental (PIE-MO) ng mga mga magulang at mga mag-aaral. Di- Emergency at First Aid Kit para sa nagdagan din ito ng Brigada Plus na paaralan. libre ang pagpaputol ng buhok ng mga Ang pang-apat, panglima at pang lalaki. -anim na araw ay sinalihan ng Jesus is the Way Church, Basic Ecclesial ComAng pangalawang araw ay di- munity, 4 P’s, Sta. Cruz Alumni, Sta. naluhan ng mga volunteers mula sa Cruz Parish Choir, Sta. Cruz HabalPurok 3 at 4. Nagsagawa rin Disaster Habal Organization at ng Petron CorPreparedness Orientation ang Munici- poration. pal Disaster Risk Reduction Management Office. Isang programa ang tumapos sa anim na araw na implementasyon kung Ang pangatlong araw ay sinali- saan binigyan ng mga parangal ang han ng Department of Public Works mga lumahok. and Highways (DPWH) kabilang ang Corbox Corporation, volunteers gallMasasabing produktibo ang ing sa Purok 5 at 6, Bureau of Fire Pro- pagpapatupad ng Brigada Eskwela. Sa tection (BFP), at Philippine National panayam mula sa punongguro, isa itong Police (PNP). Namigay rin sa araw na malaking tulong sa mga guro at iyon ang Phividec Industrial Estatekabataan upang hindi na sila mahirapan sa darating na pasukan.
Sa patimpalak na nangyari, nanguna ang ikaanim na baitang gamit ang mga sirang mga gulong na siyang pinagtaniman ng mga halaman. Sumunod naman ang ikalimang baitang at huli ang ikaapat na baitang. Tuluyan nang naisakatuparan ang Gulayan sa Paaralan pero mas inaasahan pang madadagdagan pa ito at maipapaganda para maging direktang pagkakakuhanan sa School-Based Feeding Program (SBFP) na mayroon ang paaralan.
Abang
Mula sa pahina 1 Sa Oral defense sa kategoryang “Teaching and Learning (English)” nakuha ni G. Jeffry P. Salcedo ang unang gantimpala para “Best Oral Presnter” at unang gantimpala din ang nakamit ng tambalang G. Devon Glenn P. Justol at Gng. Jonahlou G. Caballeda para sa “Best Oral Presenter” sa Filipino. Hindi rin nagpahuli ang punongguro na si Dr. Jay Pe L. Paculanan na nag uwi din ng unang gantimpala bilang “Best Oral Presenter” para sa kategoryang “Human Resource”. Si Gng. Rowena C. Catayoc din na lumahok para sa kategoyang “Governance” ay napili na “1st Best Oral Presenter” Isang malaking tagumpay para sa mga kalahok na mula sa Sta. Cruz Elementary School na nagbigay ng karangalan sa paaralan upang makilala ito sa kagalingan ng mga guro sa larangan ng pananaliksik at sa paggawa ng aksiyon sa mga problema sa loob ng paaralan at maging sa silid aralan.
Ang Opisyal na Pahayagan Pang Mag-aaral ng Sta. Cruz Elementary School
Punong Patnugot Alodia Mikaelle T. Padillo Pangalawang Punong Patnugot Princess Chivie Q. Banggo Patnugot ng Balita Kate Emerald T. Osorio Patnugot ng Lathalain Princess Sophia Samalik Patnugot sa Isport Chellyn A. Zambas Tagadibuho Earon Jay N. Salvacion Layout Artist Mr. Jeffry P. Salcedo Kontributor Ernest John Timcang Emmanuel Pontillas June L. Alsonado Alfred John C. Pablo Hance Christian C. Matinez Princesslyn Y. Guinayon Joshriel S. Balakid Zeny Grace N. Bulado Jeriall Frea Vego Mary Jhorcy Achacoso Vin Cedric Aleonar
Earon Jay N. Salvacion
ni Princess Sophia Samalik
Dr. Jay Pe L. Paculanan
alaki ang naging pagbabago ng Edukasyon sa panahon ng pagsasalakay ng Covid -19 sa buong mundo. Ang Departamento ng Edukasyon ay ang lubos na apektado.Ngunit sa pamamahala ng malawak na karunungan ng dating Kalihim ,Leonor Magtolis Briones ay nagpatuloy pa rin ang edukasyon sa mga mag-aaral sa buong Pilipinas. Malinaw na ipinaalam ng DepEd na may malaking tungkulin ang mga magulang sa Blended Distance Learning. Malugod nating sinusunod ang mga Health Protocols na siyang alituntunin ng Kagawaran ng Kalusugan. Sa Panahon ng pandemya, naging guro na sa tahanan ang mga magulang. Sa pamamagitan ng printed Self Learning Modules ay matagumpay na nagpatuloy pa rin ang pag –aaral ng mga mag-aaral sa SCES. Sa gabay ng ating napakatalinong punong guro, Doc Jay Pe L. Paculanan naimplementa naming ito nang husto at matiyaga ring nasunod ng mga magulang ang pagkuha at
pinatupad ng Departamento ng Edukasyon ang programang K -12 simula nang pormal itong nilagdaan at inapubrahan. Mula sa anim na taong elementarya noon, nadagdagan ng universal kindergarten ngayon kung saan lahat ay dadaan bago tanggapin sa unang baitang. Mula sa 4 na taon sa sekondarya noon, naging anim na taon na ngayon, apat na taon sa junior high school at dalawang taon sa senior high school. Ang layuning maisakatuparan ang mga hangarin ng programa ay hindi naging madali dahil sa samu’t saring mga opinion at reklamo mula sa mga mamamayan at maging sa mga sikat na personalidad. Ilang taon ang ginugol upang mapag-aralan at
mabigyang pansin ang mga pangangailangan upang tuluyang maikumpleto ang implementasyon. Binitiwan ni Senador Trillanes ang mga salita na ang pagpapatupad ng programang K to 12 sa bansa ay parang isang dagat na hindi sinisisid ang pinakailalim nito. Para sa kanya hindi isang solusyon bagkos pahirap lamang lalong lalo na sa mga naghihirap ng mga mamamayan. Sa kabila ng kanyang mga pagtutol at pag-aagam-agam, tuloy pa rin ang pagbabagong ginanap sa sistema ng edukasyon ng bansa. Sinasabing isa sa mga kabutihang dulot ng makabagong sistema ang pagbibigay ng pagkakataon para sa mga mag-aaral at estudyante na mahasa sa iba’t ibang larangan ang field of specialization na mayroon sila.
Tagapayo G. Jeffry P. Salcedo Gng. Ma. Teresita G. Jamisola Kasangguni
pagsauli ng mga modyuls sa ating paaralan. At hindi naman maiiwasan dahil na rin sa mga mahahalagang kadahilanan, lalo na sa naghahanapbuhay na magulang. Sa ganitong sitwasyon,naipakita nang higit ang pagmamalasakit ng magaganda at matatapang na mga guro sa SCES sa pagkakaroon na lamang ng Home Visitation upang maihatid ang modyuls. Kung kaya, hindi umuobra ang covid 19 sa paghadlang ng pag-abot ng mga mag-aaral sa maliwanag na minimithi sa buhay. Hanggang sa nagwakas ang dalawang taon na paghihintay at ngayon ay nagkaroon na ng face to face classes ang ating paaralan.
ni Jeriell Frea Vego
Ayon naman sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na kung nais pa nilang magpakadalubhasa, maari nilang ipagpapatuloy ang nasimulang larangan pagdating sa kolehiyo. Dahil dito pinagtibay pa at isinusulong ang malawakang pag –iimplementa ng programa sa bansa. Lingid sa kaalaman ng iba, ginagawa na ng gobyerno ang lahat ng makakaya mabago lang ang nakasanayang sistema … Tapos sa pahina 6
ni Arrian Reign Omasdang ni Michaela Rose F. Ceniza
adalas nating mapakinggan na ang kahirapan ay hindi hadlang sa magandang kinabukasan. Ito ba ay toto o kaya’y hanggang sa isip lang ba ito? Mataas ang paghahangad ng mga magulang para sa kanyang mga anak kahit anong diskarte sa buhay para sa kanila ay walang impossible, mga paghihirap at sakripisyo tinitiis para matamo ang pangarap sa mga anak na maihaon sa kahirapan at mabigyan ng magandang buhay. Ang tanging bagay na pang habang buhay na pamana sa magulang para sa kanilang anak ay tanging “Edukasyon”. Lahat kaya ng mga magulang sa mundo pare-pareho ang hangad para sa anak. May mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ang hindi nararamdaman ang pag aaruga ng magulang. Tuwing may PTA meeting walang makakadalo, hindi makasasali sa anumang mga paligsahan at patimpalak sa paaralan dahil walang moral support na pinakaimportante sa lahat. May mga bata na natutulog sa klase kahit umaga pa. Ang bata ay matagal matulog sa gabi dahil nanonood pa nang palabas sa telebisyon. Ang pagtulog sa Klase sa loob ng silid aralan ay isa lamang sa maraming dahilan kung bakit ang isang mag.aaral ay makakuha ng mababang grado at maging dahilan na ang bata ay hindi makatapos sa pag-aaral. Hindi natin naikakaila na pinapabayaan na ng magulang ang kaniyang anak. Hindi inalagaan sa tuwing nangangailangan ang kabataan sa tama at wastong gabay ng magulang kahit sa simpleng pagpayo na matulog ng maaga dahil may klase pa. Hindi nadarama ang pagmamahal at malasakit bilang isang ama at ina.
akasanayan na ng mga Pilipino ang magkaisa lalo na sa mga panahong nagigipit at nahihirapan. Ngunit kung titimbangin gaano pa talaga nila ibinibigay ang kanilang pakikiisa? Isa sa mga ititinuturing na mga “hard times” ng paaralan ang paglipas ng buwan ng Agosto kung saan ang dating pinagpagurang mga silid – aralan ay mistula ng nilipasan ng taon. Tumubo na ang mga mataas na damo, kumapal na ang mga alikabok at kumupas na ang mga makukulay at nakakaingganyong mga pintura sa loob at labas ng paaralan. Balik na naman sa unang hakbang ang mga guro upang gawing kaaya-aya ang paaralan. Upang matugunan ang taonang problema, ipinatupad ang Brigada Eskwela upang matulungang maihanda ang mga paaralan sa darating na pasukan. Sa Distrito ng Tagoloan, nakilahok ang paaralang Sta. Cruz sa implementasyon nang may layunin at hangarin. Bilang pakikiisa sa Temang “ Pagkakaisa Para sa Handa, Ligtas at Matatag na Paaralan Tungo sa Magandang Kinabukasan” na sisimulan mula Agosto 1 hanggang Agosto 26, inimbitahan ang iba’t ibang mga personalidad at indibidwal. Ang pinagsanib pwersa na pinamumunuan ng punongguro at mga kasaping mga guro, mga magulang, opisyales ng Barangay at GPTA, Barangay Health Workers (BHW), Church Volunteers, Alumnus, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) ay ebidensya lamang na nagpapakita ng pagsulong sa
kahalagahan ng edukasyon sa ating komunidad. Makikita sa kanila ang pagkakaisa sa pamamagitan ng pagkukumpuni ng mga silid-aralan, pagpipinta sa loob at labas ng paaralan, paglilinis sa kapaligiran at paglalandscape. Hindi rin mawawala ang mga donasyon galling sa mga stakeholders tulad ng Taiyo Nippon Sanso Ingasco Phil. Inc., Philippine Senter Inc., Corbox at Petron Corporation na nagbigay ng Emergency at Health Aid Kit para sa mga guro at sa paaralan, mga garbage cans at materyales para sa pagpapaganda gaya ng mga pintura. Nakatatak na sa isipan ng marami kung ano ang dapat na isinasagawa sa programa subalit tila yata may kulang pa sa “information drive” sa isinasagawa ng paaralan upang mapalawak ang koordinasyon at partisipasyon ng mga nakararami lalong lalo na sa mga malalapit na residente. Higit na mas mainam kung lahat sana ay magtutulong tulungan. Sa Brigada Eskwela, kabalikat at katulong ng mga guro ang mga magulang, mga mag-aaral, mga personahe, mga stakeholders ang paglilinis at pagaayos ng mga dapat ayusin sa paaralan. Sana sa mga susunod pang mga taon ay mas marami pang mahihikayat na magbigay ng tulong, suporta at donasyon. Kinakatok ang mga puso ng lahat sa pakikiisa sa ganitong mga gawain kung hangarin rin ng lahat na mapabuti at mapaunlad hindi lang ang paaralan kundi pati na ng komunidad.
Tapos Mula sa pahina 5 ng bansa. Sa ngayon nga isinusulong na pati ang pagpapabago sa sistema ng administrasyon. Sa halip na umasa tayo sa gobyerno sa maari nilang magawa, mas mainam kung sa ating sarili may naitutulong din tayo upang mapagaan ang mabigat na suliraning kinakaharap ng bansa.
magpapabuti sa kalagayan ng mga mamamayan. Sa datus na nakalap panghuli na ang Pilipinas sa mga
bansang nagdagdag ng ilang taon sa kanilang edukasyon. Ang isang professional dito sa atin ay maituturing na under profession pagdating ng ibang bansa. Kumilos na tayo at huwag maHindi sapat ang pagbibigay lang kontento lang sa kinalakihan. Ang ng mga opinyon, reklamo at paggawa pagbabago ay kaakibat na upang tayo’y ng mga isyu, bagkos tumulong tayo umasenso. kung ano man ang nakikitang
Ni: Arrian Reign Omasdang ang -apat syang anak nina ginoong ricardo g. Paculanan sr. At ng namayapang ina na si ginang salilang a. Lactao. Bata pa lamang siya ay pinagkalooban na ng dios ng kakaibang kakayahan , talino at talento na angat sa kanyang mga kababata. Ito ang kwento ng tagumpay sa buhay ng magaling na punong guro ng mababang paaralan ng sta. Cruz. Siya ay nagtapos ng elementarya sa binyinan elementary school noong 1998 ,sa sekondarya naman ay noong 2002 at sa kolehiyo naman ay sa university of science and technology. Lubhang isang prestihiyosong paaralan ng si- masipag syang mag-aral kungkaya nagpatuloy yuda ng cagayan de oro , xavier uni- at gusto pang abutin ang mas mataas pa na versity sa kursong, bachelor of ele- hakbang at natapos din nya doctor of philosomentary education,” science and phy planning and management sa university of health major noong 2008.” Pagkata- science and technology of southern philippos ng kolehiyo ay nagpatuloy sya ng pines. Siya si doc. Jay Pe L. Paculanan. Siya mga graduate studies noong 2013 ng ay tatlumpu’t walong gulang, nag-iisa sa Master of arts in educational planning buhay at binata na ipinanganak noong ika - 4 ang management sa mindanao ng Ener0, 1985 sa lungsod ng Binitinan,
Ni: Zeny Grace N. Bulado
aihahalintulad ang isang sayaw sa isang buhay ng tao. Ito’y pangkaraniwang talento pero sa paghubog ng kasanayang ito dito tumatatag ang paninindigan, disiplina at tiwala sa sarili. Sinasabing ang pagsayaw ay may buhay, makabuluhan at may patutunguhan. Ito’y isang libangan at talento na pinagkaloob ng Diyos sa atin. Dito nililinang ang isang katangiang humihimok upang maipamalas at maipagmalaki sa buong sambayanan ang kakayahan. Subalit tulad ng isang buhay ng tao, puno rin ng pagsubok ang pagsayaw ngunit kahit ganito, pilit paring tumatayo at lumalaban sa buhay. Ang mithiing abutin ang mga
ng isang kinahihibangan ngayon ng mga bata maging ng mga nakakatanda ay ang online game. Naging patok ang paglalaro ng online games nang magsimula ang pandemic dahil sa hindi makalabas ang mga tao at ito ang naging libangan o pampalipas oras ng mga nasa loob ng bahay. Kabilang sa mga online game na ito ay ang Mobile Legends, gta at rules of survival.
hangarin ang siyang nagpapatibay at nagpapalakas upang ipagpatuloy ang nasimulang naisin sa buhay.
Balingasag, Misamis Oriental. Bago pa sya itinalaga sa ating paaralan ay marami na siyang iba’t – ibang paaralan na napaglingkuran. Kaugnay ng maraming karanasan sa mga paaralan ay katumbas naman ang mga iba’t-ibang gantimpala at karangalan. Habang siya ay nagpatuloy na nag-aral, siya ay unang nagturo bilang teacher 1 sa mga paaralang elementarya ng lapu lapu , hulyo 26, 2010- oktubre 14, 2012, Camuayan. Sa Hermano, Balingasag Misamis Oriental noong oktubre 15, 2012 hanggang Enero 30, 2015. At naging Teacher 2 nong Pebrero 1 hanggang disyembre 30, 2015. Inilipat sya noong Enero 8, 2019 hanggang Pebrero 2, 2021. Malaki ang tiwala nya sa sarili kaya sa mga kompetisyon ay hindi pahuhuli.noong 2017, naging outstanding teacher sa araw ng parangal,2018, naging international presenter of research in 3rd action research and learning, sa taong 2020, Brigada Eskwela winner ( small school category) at sa 2021 naging panalo din sa Brigada Eskwela na naman, (3rd placer in medium school category) Si ginoong Paculanan ay unang itinalaga bilang punong guro sa Malagana, Elementary School, Malagana Claveria, misamis oriental pebrero 3, 2021 hanggang nobyembre 15, 2021 bilang principal 1. Hangang siya ay inilipat sa ating paaralan. At ipinagpatuloy ang pagkamit ng tagumpay sa kanyang pamumuno.
Para sa isang samahang nabuo ng mga mag-aaral sa paaralang Sta. Cruz dahil sa pagsasayaw, paninindigan ang naging isang mithiin at hangarin ng bawat kasapi ng pangkat. Ito ang naging pudasyon para sa matagumpay na layunin. Ang hangarin ng bawat miyembro na abutin ang mga mithiin ang siyang gumagabay para sa pagkamit nito. Sa bawat pag-indak at paggalaw ng katawan ay nagbibigay ng kasiguraduhan at pag-asa na may liwanag na nagdadala sa ka- pag-aaral ang atupagin, hindi nila tungo sa tagumpay. nasasagot ang mga modules at mga gawaing ibinibigay ng mga guro para maipagpatuloy ang pag-aaral kahit nasa bahay lang. Hindi maipagkakaila na kahit Ni: Joshriel S. Balakid saang sulok o lugar ay laganap ang Madaling makilala ang mga batang nahihi- internet café. Wala ring lakas ng bang sa online game. Ang mga batang ito ay loob ang mga guro na magreklamo nagpapakita ng ilang mga sintomas tulad ng sa mga ito na malapit sa paaralan. pagalaw ng mga daliri na wari’y pumipindot Ang tangi lang magagawa ay ng mouse o keys. Kapag walang ginagawa magbantay at bigyan ng paalala ang naman o hindi naglalaro, ang mga batang ito mga mag-aaral na pumupunta dito. ay nakatingin sa kawalan. Ang Mahirap ilayo ang mga batang nakaaalarmang sintomas ay ang pagpapakita “addict” na sa ganito ni mga magulang at guro ay walang magagawa. ng kawalan ng interes sa pag-aaral. Pataas nang pataas ang bilang ng mga batang naloloko sa larong ito. Sa halip na
ni: Princess Chivie Q. Banggo
Marami ang mga estudyante na nananabik sa Face to face classes noong kagimbalgimbal pa ang pandemya.Mas nais nilang matuto sa loob mismo ng paaralan. Higit sa lahat ang kanilang mga magulang ay sobrang sabik na rin dahil sa ganitong paraan, magtapos na rin ang kanilang responsibilidad bilang gurong magulang sa tahanan. Nagkaroon ng limited face to face ang ibang piling paaralan tulad ng sa ating paaralan sa Sta.Cruz. Hanggang sa nagbigay na ng Amendatory Order To Do 34.2022 na ang Departamento ng Edukasyon na maghihintulot na pagpasok ng mga kabataan sa paaralan nang pisikal sa 5 araw. Sa ika 22 ng Agosto, 2022,unang araw ng pagbukas ng face to Face Classes, masaya na pumasok sa paaralan ang mga mag-aaral na tila bang hindi natulog. Dumating kami sa paaralan nang napakaaga. Abalang – abala sa paghahatid ang mga magulang sa mga mag-aaral lalo na ang nasa kinder at Grade 1. Sa panahong iyon,wala pa tayong bagong gwardiya sa umaga. Kung kaya,ginamit ng ating magaling at matalinong punong guro , Doc Jay Pe L. Paculanan ang kanyang inisyatibo. Sa kabila ng pagiging punong guro, ginampanan din niya ang tungkulin ng isang gwardiya sa may Entrance na bahagi ng gate.Pinangunahan niya ang implementasyon ng Health Protocols. Kabilang sa pagpasagawa ay masigasig
ding tumulong si Gng Jocelyn Redondo. Nasunod ng mga estudyante at ng mga magulang ang mga batas pangkalusugan. Tulad rin ng ibang magaaral, ako rin ay masyadong excited sa pagbukas ulit ng klase. Pagpasok naming sa school campus, masaya naming sinalubong ang aming dating mga kaklase at mga kaibigan.Sobrang saya naming nagkukuwentuhan at nagbibiruan.Napansin ko rin na karamihan sa amin ay tumangkad at tumaba.Agad naming hinanap ang aming pangalan sa silid – aralan.Dahil sa dalawang taon kaming hindi nakapasok ay tila bang maihahalintulad namin ang sarili namin na parang kabayo. Sa umpisa ay parang nahiya pa kami at hindi nagtagal ay lumabas ang tunay katangian na pagkalikot . Sa nangyaring ito,dapat natin pasasalamatan ang Panginoon sa kanyang nagging plano. Kahit may may matinding pagsubok ay nalampasan din. Niligtas Niya ang mga kabataan sa sa SCES ngayon, normal tayong nakabalik eskwela.Masasabi natin na malaki ang kaibahan kapag nandito tayo sa paaralan.Ang presensya ng mga guro natin ang may malaking epekto sa ating pagkatuto kung ihahambing sa modyul na ginamit natin sa tahanan.
ni: Alodia Mikaelle T. Padillo
Ang mababang paaralan ng Sta. Cruz sa bagong pamamalakad ni Ginoong Jay Pe L. Paculanan ay nakapagtala ng mga pagbabago sa Mababang Paaralan ng Sta. Cruz. Isa sa ipinagmamalaki nito ay ang
Araling Panlipunan Park kung saan nakapagbibigay ito ng magandang atraksyon sa paaralan. Ang lugar na ito ay napakalinis at punong puno ng buhay sapagkat ang mga kulay ng mga upuan, lamesa ay napakatingkad. Iba’t-ibang kulay ang bubungad sa mga mata ng mga bata na nakabubuhay sa kanilang damdamin na mag-aaral ng mabuti. Hindi lamang ang magagandang mga kulay ang makikita sa AP Park, mayroon din itong mga tinawag nating “beach umbrella” na kung saan ang mga bata ay ma/naprotektahan sa init ng araw. Nakalagay ang mga ito sa sentro/ gitna ng mga mesa. Ang mga halaman at puno din ay binigyan ng preskong hangin ang mga bata na umu-upo sa
lugar na ito.Dito ginagawa ng bata ang kanilang takdang aralin o kung anu-anumang mga gawaing pampaaralan. Dito din sila nananghalian kasama ng kanilang kaibigan o magulang. Nagpapasalamat ang mga guro at mga magulang kasama ng mga bata dahil ang ideya na ito ay galing at ibinahagi ng Punong Guro na si Ginoong Jay Pe L. Paculanan. Hindi rin maikaila sa mga mata ng bata ang saya at pasasalamat sa Punong Guro. Matatawag na matagumpay ang proyekto na ito at ang pagbabago na matagal ng ina asam-asam sa mababang paraalan ng Sta. Cruz. BANAT! STA.CRUZ.
ni: Emmanuel Pontillas
a kusina, hindi maiaalis ang isang sangkap na nagdadagdag ng aroma at lasa ng pagkain. Karaniwan makukuha mo lang ito sa likod ng bahay sa “backyard garden” dahil hindi talaga ito malilimutang itanim. Tanglad sa tagalog, Lemon Grass sa Ingles kung tawagin ang tanim na may pambihirang galing. Sa nakalap na mga impormasyon, ang tanglad ay isang klase ng damo na karaniwang ginagamit upang matanggal ang lansa ng pagkain. Ang mga dahon ay pahaba at may mga tusok tusok kaya hinay-hinay sa pagkuha nito. Sangkap ito na ngmula sa bansang Sri Lanka, India at isla ng Java. Sa mga tsaa, tinolang manok o isda, lechong baboy, lechong kawali, lechong manok, nandiyan palagi ang tanglad hindi lang sa epekto nito sa panglasa pati na rin sa sustansya at kemikal na maaaring makuha.
Taglay ng halaman na ito ang ilang uri ng langis gaya ng lemon grass oil, verbena oil, indian molissa oil at may methyl heptenone at terpenes. Ang buong tanim ay talagang mapapakinabangan sapagkat makukuha mo mula sa dahon hanggang sa ugat ang alkaloids, saponin, a-sitosterol, alcohol, ketone, flavonoids, chlorogenic acid, caffeic acid, pcoumaric acid at sugars. Kung ikaw ay nagigipit at kulang sa budget, maaring sa natural na gamot ka muna komunsulta dahil baka ito’y maagapan pa. Ang pagtatae, pananakit ng ngipin, hirap sa pag-ihi, pananakit ng sikmura, pananakit ng likod at rayuma ay pwedeng gamutin gamit ang halamang ito na ang alam lang natin ay ihalo sa pagkain. Susundin lamang natin ang tamang proseso upang tama ang maisasagawang gamutan. Sa panahong naghihigpit tayo ng sinturon, mayroong mga alternatibo na hindi lang magsasalba ng ating bulsa, bagkos tayo pa ay gagaling at ang pakiramdam ay giginhawa.
ni Alfred John C. Pablo
indi buo ang araw kapag hindi natingnan, nacheck ang status, nakapaglike o dislike, nakapagpost at nakapagcomment sa facebook at iba pang social media sites. Naging parte na ang paggamit ng mga ito sa buhay ng karamihan. Laganap na talaga ang modernisasyon subalit may mga saliksik na lumabas na nagpapahayag ng mga hindi mabubuting epekto sa sobrang paggamit ng facebook at ilan pang mga social media sites kagaya ng twitter, instagram at iba pa. Sa ginawang pag-aaral ni Dr. Larry Rosen, isang professor mula sa California State University, lumabas sa kanyang pananaliksik noong Agosto 2011 ang naging kinahinatnan ng mga kabataang kanyang pinag-aralan. Sa isang libong mga kabataang pinasagutan niya ng mga survey at sa tatlong daang inobserbahan niya na kasalukuyang nag-aaral, lumabas ang
hindi mo mapapaniwalaang naging resulta. Ang mga kabataang aktibo sa paggamit ng Facebook at iba pang social media sites ay nagpapakita ng mga psychological disorders kagaya ng pagiging agresibo at hindi pakikihalubilo sa mga tao. Kasama na rin ang pagpapakita ng mga ugaling hindi na ikinokonsidera pa ang magiging epekto nito sa iba. Ang pagiging “overdose” sa teknolohiya ang nagreresulta ng palagiang pagliliban sa klase at pagkakasakit kagaya ng pananakit ng tiyan, hindi makatulog ng mabuti, palaging may inaalala at ikinababahala at malungkutin. Dagdag pa niya ang mababang iskor sa mga pasulit lalo na sa mga high school at mga mag-aaral sa kolehiyo na palagiang itsinetsek ang facebook minu-minuto. Makakalimutin rin sila pagdating ng pag-aalala sa mga talakayan. Mababa ang nagiging reading retention sa ganitong kadahilanan lamang.
Ang saliksik ay bukas para sa panibago na namang pag-aaral upang matingnan ng mabuti at masolusyonan sa kasalukuyan.
ni: Ernest John Timcang
ahat ba tayo ay nag-aalmusal sa umaga? Alam ba natin na ang almusal ay ang pinakamahalagang pagkain ng araw? Siguro kahit na alam na alam natin ito, hindi rin natin pinakikinggan dahil sa iba’t ibang mga kadahilanan. Napakaraming mga gawain, gustong maging slim kung kaya’t binabawasan ang calorie intake sa hindi pag-aalmusal, nagmamadali sa trabaho, ilan lang itong mga paliwanag kung bakit isinasakripisyo at isinasantabi natin ito. Sa isinulat na artikulo ni Andrea Anne Del Rosario, pinag-usapan niya ang mga epekto kapag nilalaktawan mo ang iyong almusal na kinuha niya mula sa mga iba’t ibang pananliksik na ginawa ng mga grupo ng eksperto.
Sa isang pag-aaral ni Dr. Leah Cahill, mas madaling magkaroon ng hypertension na humahantong sa clogging ng arteries ang mga taong iniiwasang mag-almusal. Nailalagay ang mga ito sa panganib na maaring humantong sa pagkakastroke. Mataas naman sa panganib na magkaroon ng uri-2 diabetes ang hindi pagaalmusal. Sa 46, 289 na kababaihang lumahok sa pananaliksik na isinagawa sa halos anim na taon, lumabas na mas peligro ang mga hindi nag-aalmusal sa type 2 diabetes kaysa sa mga gumagawa nito. Samantala, ang pagnanais na bumaba ang timbang sa paglalaktaw ng almusal ay kabaliktaran naman ang nangyayari. Sa halip, tumataas ang iyong timbang sa tuwing hindi nagaagahan sapagkat sa pagkain nito naiiwas tayo sa labis na pananabik para sa matamis at matabang pagkain. Magiging matindi ang iyong pagnanais na kumain ng marami dahil sa taas na lebel ng iyong gutom na magreresulta sa pagsobra sa nararapat mong calorie intake sa buong mag-araw.Kung gusto mo namang mapanatili ang iyong masayang mood at mataas na lebel ng enerhiya sa buong mag-araw, kinakailangang kumain ka ng iyong almusal. Lumabas sa pag-aaral ng
mga Briton sa 144 na mga taong sumailalim, ang isang grupong hindi binigyan ng almusal matapos ang magdamag na pagaayuno ay nagpapakita ng pinakamataas na antas ng pagkapagod. Dinagdag pa ang pagbaba ng kasanayan sa memorya. Sa isang banda, nagiging mapanganib sa kanser ang mga taong nilalaktawan ang almusal. Ayon sa pananaliksik ng Cancer Research ng UK, ang sobrang timbang o peligro sa pagbuo ng kanser. Matatandaan na dumadagdag sa timbang ang hindi pagkain ng almusal. Isa pang tinutukoy na epekto ang pagkakaroon ng migraines o pananakit ng ulo sanhi ng hindi maayos na presyon ng dugo. Ang pagkalagas naman ng buhok ay epekto rin nito dahil ang almusal ay pinaniniwalaang nagpo-promote ng paglago ng mga follicles ng buhok lalo na kung ang almusal ay sagana sa protina. “Health is wealth”, wika nga nila. Habang maaga pa, kumbinsihin ang sarili. Ihain na ang almusal sa kusina.
ni: Allodia Mikaelle T. Padillo
arami ngayon ang nahihilig sa mga minadaliang pagkain na pinasarap ng mabuti at sinahugan ng kung anu-anong sangkap. Ito ang mga pagkaing mula sa mga tinatawag na “fast food chain”. Kung gaano kabilis nilang ihanda ang pagkain gayun din ang mabilisang pagtakilik nito ng masa. Kaya nga nagsulputan ang mga fastfood chains sa halos lahat ng sulok ng bansa kagaya ng Jollibee, McDonalds, Greenwich, KFC at marami-rami pa. Sulit nga ba ang mga pagkaing ito dahil sa mabilis na paghanda at masarap na lasa? Sa ginawang pag-aaral ng mga eksperto mula sa ipinalabas nilang artikulo sa kanilang website (www.dailyfitnesscenter.com), ang mga pagkaing mula sa mga fastfood chains ay mataas sa fats, sodium, MSG ( monosodium glutamate) at asukal. Bukod pa riyan, mayaman ito sa calories.
Kapag sobra ang calories na iyong kinakailangan araw-araw, nagreresulta ito sa sobrang taba o obesity sa ingles. Ito ang itinuturing na pinakadahilan sa mataas na bilang ng mga obese sa U.S. Pag-usapan naman nating ang Insulin at Type 2 Diabetes. Sa mga ganito rin ba ito makukuha? Ayon sa ulat ng isang pag-aaral noong 2005 na ginawa sa loob ng 15 taon, nagiging mataas ang resistance ng isang tao sa insulin kapag madalas itong kumain sa mga kainang ito. Sila ang tinatamaan madalas ng hypertension, dyslipidemia, at cardiovascular disease o sakit na may kinalaman ang puso. Hindi kagaya ng mga prutas at gulay, ang mga pagkaing ito ay nagtataglay ng maraming fat at cholesterol kung kaya’t sa ginawang pag-aaral ni Dr. Gary Plotnick ng Unibersidad ng Maryland Medical Center, sa loob lang ng tatlo hanggang limang oras, ang takbo ng ating blood vessels ay nagiging abnormal dahilan upang magka heart
attack at magka stroke ang isang tao. Sanhi rin ng depresyon at adiksyon ang mga pagkaing ito ayon sa ulat ng “Public Health Nutrition” at “Current Drug Abuse Review”. May mga sangkap na inihahalo sa mga pagkaing galing sa fast food chain na nakapagdudulot ng depresyon. Kapag nasimulan ring kumain ng mga ito pabalik balik ding kumakain dahil sa ito ay parang bawal na gamot na kahit bawal ay sadyang masarap balik balikan. Sa isang kasabihan, ‘kumain na para bang dito nakasalalay ang buhay natin dahil dito nga”, mauunawaan na may malaking kontribusyon ang anumang ipinapasok natin sa ating katawan. Kung nagnanais tayong humaba pa ang ating buhay, gawin natin ang tama at iwasan ang nakakasama.
ni Alfred John C. Pablo
akamandag ang lakas ng ating mga manlalarong babae sa Isports na badminton. Tagumpay nila’y natamo mula Silangan hanggang Kanluran ng Tagoloan. Mapalad na naipanalo ng ating mga potensyal na atleta na sina Zenny Bulado,Maria Katiana Ramos at Arabella Yuri Sacabin ang laro na ito. Masaya na ipinagmamalaki ng SCES ang nakamit na unang gantimpala ng tatlo sa naganap na District Athletic Meet. Sadyang sumabay sa hangin ang magandang kapalaran sa raketang pinapalopalo ni Zenny bulado sa kanyang shuttle cock sa Single Round kung kaya ay nasungkit niya ang unang pwesto. .
Tagumpay Nakamit Sa Tagolan Dual Athletic Meet Ni: Chellyn A. Zambas
ni Vin Cedric Aleonar
asarap ang tagumpay na nakamtan kung nagsimula ito sa kahirapan. Ito ang buhay ni WeightLifter, Hidilyn Diaz. Siya ay ipinanganak noong Pebrero 20, 1991 at lumaki sa Zambongga City sa mahirap lamang na angkan.Siya ay hindi sinadyang mapalad na nadiskubre mismo ng kanyang pinsan dahil sa brusko niyang tibay at lakas at naipakilala sa isang weightlifter na si Elbert Atilano na naging una niyang coach. Nakakatuwang isipin na putol ng puno ang pinaka unang barbell. Hindi inaakala ni Hiedi na ang pang-araw –araw pala nya na hamon sa buhay ang pagbubuhat ng mabibigat na galon galong tubig ay tulay
Naging inspirasyon ito ng kasama pang dalawa na sinaMaria Katiana Ramos at Arabella Sacabin na ayaw din pabibitin.Kagaya ni Zenny, nangunguna rin ang dalawa sa Double Round.Kaya, malaking karangalan ito ng ating paaralan. Sana matularan ito ng iba. Kahit hindi sila nakapag – ensayo ng mataas na panahon, nagtagumpay pa rin sila sa laban dahil sa kanilang determinasyon. Ito ay paraan upang maihihikayat ang mga mag-aaral sa SCES sa paglalahok sa susunod na Palaro.
pala sa masarap niyang tagumpay. Sa pakikipaglaban sa larangan ng sports ay marami siyang mahirap na napagdaanan ngunit hindi siya sumuko. Hanggang dito nya natagpuan ang kanyang the ONE. Nakilala niya ang kanyang magaling na coach na si Julius Naranjo na taga Guam.Magaling din si Coach Julios sa pagtuturo ng puso; Na Magmahal..Naging malapit sila sa isat isa hanggang sa sila na.Sa tulong ng kanyang pinakamamahal na coach Julios ay nasungkit ni Heidi ang ginto. Siya ang kaunaunahng Filipino World and Olimpic Champion Weight Lifter noong Hulyo 26, 2021.Tingnan nyo naman ang kapalaran: Julious : July - Hulyo. At higit sa lahat hindi lamang sa larangan ng sports siya kilala , pati na rin sa mga tv. commercials Nagdala si Heidi ng malaking karangalan sa Pilipinas, katulad ng laki ng kanyang katawan ngunit sexy naman.Taas nating ipagmalaki sya. Sadyang makulay ang buhay ni Ms. Heidi dahil sa kasagsagan ng napakabigat na binubuhat,naging magaan na lamang ito dahil may coach na nagpapalambot sa kanyang puso sa loob ng matigas nyang katawan. Hindi lamang ginto ang kanyang nasungkit,pati na rin ang puso ni coach Julios. At yan ang tinatawag nating destiny. Kaya silang dalawa ay nakapagdesisyon at masayang nag-iisang dibdib noong Hulyo 26, 2022 sa Baguio City.
Umani ng iba’t ibang panalo ang mga mag-aaral sa larangan ng isports ang paaralang elementarya ng Sta. Cruz sa naganap na Dual Athletic Meet sa paaralan ng Tagoloan Central noong ika-13 ng Enero, 2023. Nakamtan ng mag-aaral mula sa Sta. Cruz Elementary School ang panalo sa isport sa badminton (women single at double category) na kung saan sila ang magiging kalahok sa Unit Athletic Meet. Sa pangunguna ng kanilang coach na si G. Devon Glenn P. Justol. Sa larangan naman ng larong Basketball ipinamalas ng dalawang kalahok na sina Emmanuel Pontillas at Henry Ihong ang kanilang angking galing sa larong ito. Nagtagumpay naman silang mapabilang sa mga magiging kalahok sa susunod na antas ng laro. May isa ding nakapasok na mag-aaral sa larong Football at siya ay si June L. Alsonado na siyang kaisa-isang kalahok na nagmula sa Silangang Distrito ng Tagoloan. Tagumpay rin ang dalawang manlalaro na sina John Ezekiel Joven at Ian Hope Francisco na mapabilang sa koponan ng larong Volleyball. Pasok din ang apat na kalahok sa athletics na nagmula sa Sta. Cruz Elementary School sa susunod na antas ng laro sa pangunguna ng kanilang coach na si Gng. Bernadith M. Labrador. Hindi din nagpaiwan ang mga kalahok sa isport na Taekwondo dahil nakapasok sina Warren N. Nacasabog at Ace Joshua Banda sa Unit Athletic Meet. Dala ng mga batang ito kasama ng kanilang mga coach/ tagapagsanay ang pag-asa na manalo ulit at makausad sa susunod na antas ng palaro at maipagmalaki bilang magagaling na manlalaro sa kanilang napiling isport.
Ni: June L. Alsonado
ukod sa mga pisikal na mga benipisyo ng paglalaro ng basketbol ,nagdudulot ito ng kaliwanagan sa isip ng isang tao. Nakatatak na sa kulturang Pilipino ang husay at pagkahilig ng larong basketbol. Makakatulong ang paglalaro ng basketbol na mapabuti ang kalusugan ng cardiovascular,tibay ng kalamnan at koordinasyon. Bukod sa sayang dala nito ay may gampanin din ito sa ating kalusugan.Ipinaalala ng health experts na ang pag exercise at paglalaro ay isang paraan ng pangangalaga at pagpapaunlad ng pangangatawan ng mga estudyante. Ang basketbol ay isang larong pampalakasan na binubuo ng dalawang koponan ng limang manlalaro bawat isa.Layunin ng laro na maihulog ang bola sa net na nakasabit sa backboard sa bawat dulo.
Ni: Chellyn A. Zambas
Ang Cluster Meet ng East District Tagoloan ay isinagawa noong ika – 10 ng Enero, 2023, sa Mababang Paaraalan ng Mohon sa pakay na makapag pipili ng mga magagaling na manlalaro sa iba’t-ibang laro sa Larangan ng Isports. Ang mga hiyawan ng mga tagasuporta, ng kanikanilang pamilya at mga kaibigan ay umalingawngaw sa buong “Volleyball Court”. Sa Martes ng hapon naglalaro ang SCES na mga atleta at pinagpipilian sila sa paglaro para sa District Meet. Itinatalaga noong Ika-13 ng Enero, 2023, Biyernes sa SCES. Ang kupunan nila ay hindi na surpresa sa mga ganitong sitwasyon na kinapos sa
Noong Enero,2023 ay ginanap ang ating Distritong Paglalaro kasabay ang Kanlurang mag-aaral ng Tagoloan. Nagpakita ng kagalingan sa paglaro itong Henry Ihong at Emmanuel Pontillas ng Sta. Cruz ES. Sina Henry Ihong at Emmanuel Pontillas ng Silangang Distrito ng Tagoloan ang sasama sa paglalaro ng Unit Meet.Maganda ang ginawa ng mga batang ito dahil itoý nagsimbolo ng magandang kinabukasan. Sila ang mga batang magiging malayo sa bisyo tulad ng paggamit ng gadgets at druga. Sila ang mga batang pwedeng magiging pag-asa ng bayan.
Ni: Alodia Mikaelle T. Padillo
panahon ng pagsasanay. Ayon kay coach/ Ginang Cherryl A. Zambas na naramdaman niya ang pagpunyagi na ibinigay ng mga manlalaro, ang ng lakas sa loob lamang ng isang araw na insayo o pagsasanay para lamang manalo sa laro. Sa unang pareha ng paglaban ay SCES laban sa MOES sa 25-24, 25—9 na puntos. Ngunit hindi kapanipaniwala ang kagalingang ipinalabas ng kupunang SCES. Ang mga atleta ay nagtulungan sa paggamit ng mabagsik nilang lakas, pagkakaisa at matibay na tiwala sa sarili na manalo sa laban at hindi sumuko. Ang manlalaro natin ay determinado na masungkit ang pagkapanalo sa ikalawang pakikipaglaban. Ito naman ay laban sa MIS kahit na madali lang ang pagsasanay nila sa pagkatuto ng mga taktika, ang mga manlalaro natin ay lalong gumaling sa puntos na 25—8 at 25-12 at mapalad na nagwagi. Sa huling oras ng pakikiglaban ay matiyaga lamang ang pangkat ng SCES hanggang ang huling bola ay nakalaan talaga sa palad ng gating mga manlalaro sa puntos na 25-24 at 25-24. Sa lahat ng manlalaro natin ay talagang ibinigay nila ang kanilang kagalingan. Sabi ni coach, Ginang Cherryl A. Zambas sa aking panayam na ang kanilang pinakamagandang taktiko at sekreto sa pagkapanalo ay ang pagpukos lamang sa paglalaro at higit sa lahat ang katangian sa pagkakaisa at pagkamaginoo sa laro o “Sportsmanship”.
Takot , pag-alinlangan Bawat tao’y naramdaman Sa Covid 19 na nagmula pa sa China. Laganap sa buong mundo At naging pandemya. Totoo Kaya ito o Isa lamang biro? Patunay na ito ay kapanipaniwala Dahil marami ng buhay ang nawala. Lahat tayo ay apektado Sa hanapbuhay, mga Pilipino Lalong naghihirap Dahil sa Home Quarantine Marami ang walang pagkain. Nang ang vaccine ay natuklasan May natutuwa, may natatakot naman Hanggang sa umabot ang dalawang taon Paaralan muli ay nabuksan. Salamat sa Panginoon , tayo ay pinapatnubayan Pamumuhay sa gitna ng pandemya ay ating natutunan.
“Walang Pandemya na aarangkada, kung sa Diyos ay maniwala.” -Jitcie Rhine Marcellana “Harapin mo ang bukas sa mahirap na daan dahil matamis na gantimpala ang iyong makakamtan.” - Princesslyn Guinayon