1 minute read

Talumpati Talumpati

Next Article
BAGWIS:

BAGWIS:

Advertisement

Marami akong natutunan sa kursong Filipino sa Piling Larangan (Akademiks). Maliban sa mga paksang paano gumawa ng Bionote hanggang sa Talumpati, natutunan ko rin na ang pag-aaral ng Filipino sa piling larangan ay hindi lamang tungkol sa pag-unawa at pagsasalita ng wika. Ito ay naglalayong bigyan ng kasalukuyang konteksto sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga akademikong teksto, pag-aaral ng mga konsepto, at pagsasagawa ng mga pananaliksik. Lubos na namanga ang manunulat sapagkat naalala niya ang mga nagtatrabaho sa iba’t ibang lugar na kinakailangan gumawa ng mga Adyenda at Katitikan ng Pulong. Sa kaniyang karanasan, hindi naging madali ang paggawa ng mga sulatin na ito at sa pamamagitan nito, natutunan ng manunulat ang kahalagahan ng kritikal na pag-iisip at analitikal na kakayahan.

Sa konklusyon, Ang Filipino sa Piling Larangan (Akademiks) ay nagpapalawak ng kanilang kaalaman, pagpapalalim ng kanilang kritikal na pag-iisip, at nagpapalaganap ng kulturang Filipino. Napagtanto ng awtor na ang asignaturang FPL ay makatutulong at mananatiling isa sa mga hakbang sa isang manunulat upang makamit ang tagumpay.

This article is from: