American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR)
2021
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR)
e-ISSN : 2378-703X Volume-5, Issue-10, pp-125-137 www.ajhssr.com
Research Paper
Open Access
KAKAYAHAN NG MGA GURO SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO NG SENIOR HIGH SCHOOL Jamie A. De Guzman1, Baby S. Abagon2 1
(Lauis NAtional High Scholl, Philippines) (Graduate School, President Ramon Magsaysay State University, Philippines)
2
ABSTRACT : Ang guro ang isa sa nakakaimpluwensya sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral. Nilayon ng pag-aaral na ito na malaman ang kakayahan ng mga guro sa pagtuturo at pagkatuto ng mga magaaral sa Asignaturang Filipino ng paaralang Pamibian Integrated School ng Candelaria at Taltal Integrated School ng Masinloc Zambales, 2019-2020. Ang Pananaliksik ay gumamit ng palarawang pamamaraan sa pamamagitan ng mga bahagdan, weighted mean, ANOVA at Likert Scale. Karamihan sa mga tagatugon na guro ay nagtapos ng BSIT/AB,tatlo hanggang limang taong nagtuturo, dayalek sa tahanan ay tagalog. Karamihan sa mga tagatugon na mag-aaral ay kumukuha ng TVL, libro na nakasulat sa Filipino ang kinagigiliwang basahin, at tagalog ang dayalek na sinasalita. Ang kakayahan sa pagtuturo sa kasanayan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ng mga guro ay mahusay at napakahusay naman sa kabatiran sa paksa, wastong saloobin , pananaw sa pagtuturo at sa propesyon at personalidad ng guro. Ang kakayahan sa pagkatuto ng asignaturang Filipino ng mga mag-aaral ay napakahusay sa pagpili ng wastong salita, wastong gamit ng mga salita, pagbuo ng pangungusap at sa panitikan.May makabuluhang pagkakaiba ang kakayahan sa asignaturang Filipino ng mga mag-aaral sa track na kinabibilangan ng mga mag-aaral, babasahing kinagigiliwan at dayalek na ginagamit sa tahanan. KEYWORDS: Babasahing Kinagigiliwan, kakayahan,Kasanayan, Dayalek, at Track na Kinabibilangan
I.
PANIMULA
Ang guro ang pinakamahalaga pagdating sa tinatawag na school-based factor na nakaiimpluwensya sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral. Ang kahinaan sa akademikong perpormans ng maraming magaaral sa mataas na paaralan, pampublikong pagsasanay at pampribadong paaralan ay nagdulot ng mahalagang atensyon sa mga mananaliksik sa larangan ng Educational Management. Sa mga nakaraang pag-aaral patungkol sa akademikong perpormans ni AL-Mutairi (2011) na may indikasyon na may mga salik na nakaiimpluwensya sa nasabing perpormans. Ang pag-aaral na ito ay nagdulot sa kasalukuyang mananaliksik na pag-ibayuhin ang pag-aaral na ito, maraming pagkakataon na kung bakit ang akademikong perpormans ng mga mag-aaral pagdating sa asignaturang Filipino ay nahuhuli o mababa ang nakukuhang marka ng mga mag-aaral. Sa mga nakikitang pagtuturo ng mga guro ang kakayahan nila sa larangang ito ay binibigyang – pansin. Maaring isa itong salik at dahilan kung bakit naaapektuhan ang akademikong perpormans ng mga mag-aaral. Sang –ayon kina Adunola (2011) at Ganyaupfu (2013) ang pagtuturo ay kolaboratibong paraan sa pagitan ng mag-aaral at ng tagapagturo. II. PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang kakayahan ng mga guro sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino ng paaralang Pamibian Integrated School ng Candelaria at Taltal Integrated School ng Masinloc Zambales, 2019-2020. Layunin din na matugunan ang mga tiyak na katanungan: 1. Ano ang propayl ng mga guro ayon sa : 1.1 Kursong Natapos; 1.2 Bilang ng taon sa pagtuturo; at 1.3 Dayalek na ginagamit sa tahanan? 2. Ano ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa : 2.1 Track na kinabibilangan; 2.2 Babasahing kinagigiliwan; at
AJHSSR Journal
P a g e | 125