4 minute read

Krusadang Komyut: Mga Salaysay ng Paglalakbay

Mary Rose Maligmat and Piolo Cudal

Krusada kung ituring ng mga komyuter ang pakikipagsapalaran sa mga siksikang kalsada ng Maynila. Pakikidigma para sa pag-asang makasakay at pakikipagkarera sa oras ang madalas na tala sa epiko ng bawat biyahe.

Advertisement

Sa masalimuot na ekspedisyon nasusukat ang pananampalataya ng isang tipikal na komyuter. Tila Stations of the Cross ang pagpapalipat-lipat ng moda ng transportasyon.

Nagdarasal sa bawat hakbang na sana umikli ang pila. Sana bumilis ang daloy ng trapiko. Sana hindi umulan, at kung uulan man, sa awa ng Diyos nawa’y talsik lamang at walang baha.

Ngunit sa tuwing nakikipagbalyahan, mapapamura na lang sa kalawakan.

STATION 1: PITAKANG BUTAS

“Parang awa naman. Ang sakit sa bulsa,” napabulong sa hangin si Charmie ng BAJ 1-1D nang mabalitaan niya ang nagbabadyang fare hike sa LRT. Inanunsyo ng LRTA kamakailan na simula Agosto 2, ang minimum fare sa LRT1 at LRT2 ay 15 pesos samantalang 35 pesos ang maximum

Hindi na kasi sasapat ang inilaan niyang 500 pesos para sa pamasahe niya sa isang araw. Apat na sakay pa siya mula Bulacan hanggang PUP — jeep, P2P, MRT, at LRT. At kung kapos na sa oras, may tricyclepa.

Isa namang malaking “hindrance” para kay Alexa ng BAJ 1-1N ang pagtataas ng pamasahe sa pag-ahon mula sa ekonomikal na epekto ng pandemya, lalo na’t hindi ito katanggap-tanggap kumpara sa hindi magandang kalidad ng commutingexperience

Malaking kabawasan ito sa kanyang limitadong budget na nilalamon ng tumataas na inflation. Dagdag sa bigat ng bulsa ang gastos niya sa transportasyon, na naglalaro sa 170200 pesos, na dapat sanang tutugon sa iba pang mga pangangailangan.

Biyaheng pa-Baclaran naman si Arlin ng 3-2N nang sumakay siya sa LRT1. Tiniis niya ang pakikipagsiksikan para lamang makaalis sa tamang oras. Sa isa niyang biyahe, hindi niya namalayang nawala niya ang kanyang pitaka sa tren. Dahil dito, hindi siya natuloy sa kanyang pupuntahan sa kawalan ng pamasahe.

Masalimuot na nga ang siksikan tuwing rush hour, mayroon pang nakaambang na “rush hour rate” sa mga jeep, bus, at PUVs kung saan madagdagan ng hanggang dalawang piso ang pamasahe tuwing 5-8 AM at 4-8 PM maliban na lang kapag Linggo at holiday. Ito ay tugon sa walang maliw na oilpricehike

STATION 2: GULONG NA PAA

Tren ang naging primaryang moda ng transportasyon ng maraming komyuter, lalong lalo na ang mga magaaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), dahil sa tuloy-tuloy na daloy nito na isang kaginhawaan sa nakakasulasok at patigil-tigil na trapiko. Ngunit mula sa tren ay kailangan pa ng ibang magpalipat-lipat sa ibang moda.

Ginugugol ni Charmie ang tatlo hanggang apat na oras ng kanyang araw sa pagbiyahe. Malaking bahagi nito ay mga serye lamang ng paghihintay na makasakay. Bilang mula siya sa isang rural na lugar, limitado lang ang kanyang mga alternatibo.

Sa isang car-centric na lipunan, hindi napagtutuunan ng pansin ang mass transportation. Hindi tao ang nakagagalaw sa mga kalsada kundi mga sasakyan. Sa pagpabor ng gobyerno sa mga polisiyang car-centric, napagkakaitan ang mga komyuter na magkaroon ng maraming alternatibong moda, mabilis na daloy ng trapiko, at ligtas na lakaran.

STATION 3: PATINTERO SA LANSANGAN

Masalimuot na maituturing ang dinaranas ng isang komyuter sa loob ng pampublikong sasakyan, at ibang usapin pa ang paglalakad sa lansangan.

Isa sa mga iniinda ni Alexa ang tila pakikipagpatintero kay Kamatayan makatawid lang sa abalang kalye.

Bukod sa pagtawid, isang balakid pa ang paglalakad sa mga bangketang nagmimistulang obstaclecourse.

Ayon sa urban planner at arkitektong si Felino “Jun” Palafox, masasabing magulo ang urbanplanning ng Maynila dahil sa “discriminatoryzoning,” o ang walang habas na pagtatayo ng mga gusali, na siyang nagdudulot ng “lack of mobility” ng mga pedestrian. Dahil dito, hindi nabibigyang prayoridad ang pagdaragdag ng mga disente at makataong sidewalks at pedestrian lanes

Sa kabilang banda, ang kakulangan sa organisadong imprastraktura ang dahilan kung bakit hindi walkable ang mga kalsada at bangketa sa Maynila. Kung minsan kahati pa ang mga poste ng kuryente, mga sasakyang nakahambalang sa daan, mga nakabalandrang abubot, at mga baradong kanal.

At huwag kalilimutan ang mga mapagkakatiwalaang tulay — mga paikot-ikot, kinakalawang, umuugauga, at sobrang tayog tulad ng kakaibang footbridge na tinaguriang Mt. Kamuning sa Quezon City na sumusubok sa binti ng mga tumatawid.

Problema rin ang mga hindi konektadong underpass dahilan para maligaw ang ilang dumaraan na nais lamang tumawid sa kabila. Ibang usapin pa ang hindi pagiging inklusibo ng mga lagusang ito dahil sa kawalan nito ng mga elevator at mga ramp para sa mga Person with Disabilities (PWDs).

Ayon sa Republic Act 344 o sa mas kilala bilang Accessibility Law, dapat tiyakin na walang sagabal ang mga taong may kapansanan na magkaroon ng access sa mga pampubliko at pribadong gusali o establisyimento katulad ng mga underpass. Isang manipestasyon ang mga ito na malayo pa sa pagiging PWD-friendly ang bansa.

Ibang usapan pa ang kaligtasan sa mga bangketang ito. Lubos ang pagkabahala ni Myrah ng BAJ 3-2N sa tuwing nakakabalita siya ng holdapang nagaganap sa lugar na madalas niyang dinadaanan, lalo na’t minsan gabi na natatapos ang kanyang klase.

STATION 4: PAKIKIPAGKARERA SA ORAS

Mula sa mahabang paghihintay na humahantong sa matagal na biyahe, minsang lumiban sa klase si Charmie dahil walang masakyang jeep. Tinuturing niya itong malaking epekto ng sistemikong suliranin ng transportasyon sa kanyang pag-aaral.

Para naman kay Arlin, malakas humigop ng enerhiya ang pagkokomyut, dahilan upang maisantabi niya minsan ang mga gawain niya sa paaralan.

Sa kakulangan ng maayos na sistema sa transportasyon, nagsisilbi itong batikos sa pamahalaan sa kawalan nito ng pagpapahalaga sa abot-kamay na edukasyon at kinabukasan ng kabataan.

Pagkatapos ng lahat, paano uunlad ang isang tao sa akademya kung ang paglalakbay pa lang sa paaralan ay nag-iiwan na sa kanila ng milya?

STATION 5: NAKABIBINGING WANG-WANG

Isang ironya na ang mga nakatoka sa sistemang pangtransportasyon ay hindi man lang nakararanas ng pang-arawaraw na komyut. Kaya ang tugon ng mga komyuter: maglakbay kayo gamit ang aming mga sapatos.

Dapat ‘yong mga nasa taas maranasan nila ‘yong hirap ng isang commuter para alam nila kung paano masosolusyunan.

“Dapat ‘yong mga nasa taas maranasan nila yung hirap ng isang commuter para alam nila kung paano masosolusyunan,” sabi ni Charmie. Naniniwala siyang bulok ang sistemang pangtransportasyon ng bansa at dapat na madagdagan ng moda ng transportasyon sa mga rural areas na sasapat para sa ikagagaan ng biyahe ng lahat.

Nakikita ni Alexa bilang epektibong solusyon sa malalang trapiko ang decentralization ng Maynila na siyang maisasakatuparan kung pagtutuunan ng gobyerno ng pansin ang pagsasaayos ng sektor na ito.

Ang pagbuwag sa sistemang car-centric sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga polisiya at maayos na paggasta ng buwis ng taumbayan ang nakikitang unang hakbang ni Myrah.

“It upsets me that commuters are consistently singled out for blame for the country’s dysfunctional transportation system, despite the realitythattheyaremerelyvictimswho have no option but to put up with this kindofterriblesituation,” ika niya.

Sa hinaba-haba ng krusada at sa dinami-rami ng mga umarangkada, iisa lang ang kanilang panawagan: #MassTransportationNow

This article is from: