IKA-31 NG AGOSTO, 2017
Hanggahan sa pakikipag-usap “KUYA, pahingi ng barya.” Tila mayroong sinisingil na utang ang isang batang nakita ko. Ibinigay ng isang lalaki ang kaniyang tinapay sa bata nang walang pagaatubili at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakad. Ngunit ihinagis lang ng bata ang tinapay sa kanal at umalis. Kasama sa kultura nating mga Filipino ang konsepto ng pakikiusap. Nakatutulong ang paghingi ng tulong, simpatya, awa, at iba pa upang lumutas ng anumang suliraning tinatahak natin sa pangaraw-araw na buhay pati na rin sa bansa. Makikita natin ang kakayahan ng pakikiusap noong EDSA Revolution kung kailan nakiusap ang mga pari at iba pa nating mga kababayan upang itigil ang diktadurya. Ayon pa sa isang blog ni Michael “Xiao” Chua, isang historyador at propesor ng De La Salle University, “pinakamabisa sa Pinoy ang pakiusap, nanggagaling sa kalooban ang pakiusap.
Editoryal MULA SA PAHINA 4
nakapangingilabot na ang pagkumpirma raw na ito ay dumating matapos mapatay ang binata. Paanong hindi kukuwestiyunin ang kampanyang ito? Pinaputukan sa ulo, hindi lang isang beses, ang nakahandusay nang kapwa Filipino: tatlong armadong pulis “laban” sa isang menor de edad. At sa kabila ng nakalululang alokasyon para sugpuin ang problema ng droga ngayon 2017 (sa PNP, P111.6 bilyon; sa Philippine Drug Enforcement Agency, P1.8 bilyon; sa Dangerous Drugs Board, P125.1 milyon; Office of the President’s Confidential and Intelligence Funds, P2.5 bilyon; National Intelligence Coordinating Agency, P793.7 milyon; Department of Health Treatment and Rehabilitation Centers, P2.6 bilyon),
Arsobispo MULA SA PAHINA 1
ang mga pinaghihinalaang gumagamit at nagtutulak ng droga na sumuko ngunit kadalasang nauuwi ito sa pagpatay ng mga suspek. “Pumapalakpak ang kababayan at sumisigaw nang may ngiti, ‘Dapat lang!’ habang binibilang ang bangkay sa dilim. Kapag nanindigan para sa dukhang na-tokhang, tiyak na maliligo ka sa mura at banta,” wika ni Villegas sa isang liham pastoral na pinamagatang “Ang Kampanya ng Konsensiya.” Inutos ni Villegas na patunugin ang mga kampana sa mga simabahan sa LingayenDagupan sa loob ng 15 na minuto tuwing ikawalo ng gabi mula ika-22 ng Agosto hanggang ika27 ng Nobyembre, upang magsilbing paalala sa hindi makatarungang pagpaslang sa mga biktima ng EJK. “Ang tunog ng
Hindi makaaakyat ang isang bansa patungo sa kaunlaran kung ang tanging mga batas lamang na nagsisilbing hagdan patungo rito ay pinarupok ng mga lumalabag dito. Kaya hindi bumaril ang militar kasi ang mga tao ay nakaluhod, nakikiusap.” Isa pang halimbawa si Mary Jane Veloso na nailigtas mula sa death penalty dahil sa pakiusap nating kapwa niya Filipino. Kasalungat nito ang Presidential Decree No. 1563 o Anti-Mendicancy Law na itinatag pa noong 1978. Sinasabi ng batas na bawal manghingi ng limos, na isang uri ng pakikiusap. Isa sa mga dahilan ng pagpapatupad ng batas na ito ay dahil sa “there is an immediate need to provide appropriate services
to enable mendicants to meet their basic needs and develop self-reliance.” Isang pormal na paraan lamang ito upang sabihin na walang manlilimos kung walang nagbibigay ng limos. Bukod pa rito, ginagamit na rin ang exploitation ng mga bata upang makapanlimos. Kung iisipin, madaling mamuhay sa Filipinas dahil tiyak na mayroong tutugon sa mga pakiusap ng mga Filipino. Noong nalabag ng aking pamilya ang batas trapiko sa Dubai, agad kaming binigyan ng tiket at
hindi na pinakinggan ang dapat naming pakiusap, o maaaring sabihing palusot. 400 dirham ang kailangang multa—mahirap, ngunit tama. Sa Filipinas, 200 pesos at pakiusap, sapat na para makalusot sa nalabag nabatas trapiko. Naabuso na ng mga Filipino ang konsepto ng pakikiusap at bihasa na tayo sa kung paano gamitin ito. At dahil sa kahiligan natin sa paggamit nito, wala tayong ipinagkaiba sa mga inirereklamo nating kurakot na mga opisyal ng gobyerno. “Koneksiyon,” sabi nga nila. Pakikiusap din naman ang kanilang paraan upang makagawa ng mga bagay na sa kanila lamang papabor. Walang susunod sa batas na mayroong mga butas dahil kaya itong lusutan. At hindi makaaakyat ang isang bansa patungo sa kaunlaran kung ang tanging mga batas lamang na nagsisilbing hagdan patungo rito ay pinarurupok ng mga lumalabag dito.
kakatwiranan ng mga awtoridad ang kamatayan ng isang Filipino gamit ang mga “intelligence reports” mula sa social media—ang internet platform na pinipugaran ng mga kasinungalingan, fake news, trolls, at hackers. Pinakamasahol sa balitang ito: patay na si delos Santos bago ang “kumpirmasyon”—na, kayhirap ulitin, batay sa social media. Mayroong mali. Tinumbok ito ni Arsobispo Socrates Villegas nang sabihin niya: “Ang opisyal na pumatay ay may parangal. Ang pinatay ay sinisisi. Hindi na makapagpaliwanag ang mga bangkay sa bintang sa kanila ‘Nanlaban kasi.’” Noong Marso lang, ipinangako ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang malinis na kampanya kontradroga isang “bloodless campaign” na idinisenyo para masawata ang mga “high-value target.” Nangyari na nga, walang dugong dumanak mula sa malalaking pangalang
iniuugnay sa ilegal na droga. Karamihan pa sa kanila ay naabsuwelto, kahit iyong nahuli mismo sa raid sa imbakan ng droga. Kung hindi kasinungalingan ang “bloodless campaign,” malinaw itong kapalpakan. Sa nangyari kay delos Santos, saksi ang bayan na imbes na huminto ang karahasan, lalo pang tumapang ang mga utak-pulbura at gatilyo na nagkukubli sa loob ng uniporme—silang pumapatay base sa mga nakalagay sa social media, basta mahirap ang target, basta nanlaban kahit sa loob lamang ng kanilang isipan. Isa pa, nakadidismaya ring isipin na hinintay pa ng ating mga mambabatas na bumaha ng dugo sa mga kalye ng Kamaynilaan bago pagpasyahang magpulong upang paimbestigahan ang kapabayaan ng PNP. Nilagdaan ng mga miyembro ng mayorya noong ika-20 ng Agosto ang isang resolusyong
sisiyasat sa mga ilegal na operasiyon ng pulis kabilang na ang pagpaslang kay delos Santos. Nakasaad din sa dokumento ang isinusulong na pagrerebisa ng R.A. No. 8551 o Philippine National Police Reform and Reorganization Act of 1998 kung saan nakapaloob ang tungkulin ng PNP Internal Affairs Service (IAS). Kinondena ng mga senador ang mabagal na pagkilos ng IAS upang imbestigahan ang kaso ng mga nagkakasalang miyembro ng PNP. Kung hindi lamang naging bulag at bingi ang bayan sa simula ng madugong kampanya, wala na sanang buhay na nasayang sa ilalim ng rehimeng hindi kinikilala ang Konstitusiyon. Hindi kamay na bakal o parusang kamatayan ang kailangan ng bansa sa kasalukuyan kundi responsableng kapulisan na lubog sa aral ng moralidad at pangangalaga sa buhay ng tao.
kampana ay tinig ng Diyos na sana ay gumising sa konsensiyang manhid at bulag. [A]ng bagting ng kampana ay tawag ng paggising sa bayang hindi na marunong makiramay sa ulila, nakalimutan ng makiramay at duwag na magalit sa kasamaan,” sabi niya. Kasamang namatay sa isang operasiyon kontra droga sa Caloocan ang Grade 11 na mag-aaral na si Kian Loyd de los Santos matapos siyang paghinalaan ng pulisya na sangkot sa ilegal na droga. Kasabay ng paghingi ng simpatiya ni Villegas sa mga namatayan sa laban kontra droga, nanawagan naman si Luis Antonio Cardinal Tagle, arsobispo ng Maynila, na makinig sa mga kwento ng mga Pilipino upang tunay na maintindihan ang realidad ng laban kontra droga sa bansa. “Families with members who have been destroyed by illegal drugs, [who] have been killed in the drug war especially
the innocent ones must be allowed to tell their stories. Drug addicts who have been recovered must tell their stories of hope,” sabi ni Tagle sa isa pang liham pastoral. Dagdag pa niya, mapaminsala ang problema sa illegal na droga ngunit hindi dapat ito ituring bilang krimen o political na isyu lamang. “It is a humanitarian concern that affects all of us. Given the complexity of the issues, no single individual, group, or institution could claim to have the only right response,” wika ni Tagle. Hinimok ni Tagle ang mga parokya sa buong bansa na tularan ang “Sanlakbay,” programa ng arkidiyosesis ng Maynila na kung saan nakikipagtulungan ang mga simbahan sa lokal na pamahalaan at pulisya sa drug rehabilitation. Nanawagan din siya sa mga parokya na mag-alay ng dasal sa mga Misa mula ika-21 ng Agosto hanggang ika-29 ng Agosto para sa
mga kaluluwa ng namatay sa laban kontra droga, mga nagdadalamhating pamilya at para sa pagbabalik-loob ng mga pumatay sa kanila. Naitala ang pinakamataas na bilang ng patay sa isang araw noong ika-15 ng Agosto kung saan 32 drug suspek ang namatay sa “One Time Big Time Operation” sa Bulacan. Ipinagtanggol ng hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Ronald de la Rosa ang kaniyang mga tauhan at sinabi na mas mainam na buhay ang pulisya sa bawat operasiyon. Sinabi naman ni ng Pangulong Rodrigo Duterte na ligtas mula sa legal na parusa ang pulisya at hukbong sandatahan sa pagsasakatuparan nila sa kaniyang laban kontra droga. Inulat ng Human Rights Watch na humigitkumulang 7,000 na Filipino na ang namatay at 2,000 sa mga ito ang nauugnay sa PNP sa laban kontra droga ni Duterte.
Opinyon 5
Sa pagitan ng sining at realidad ISINASALAMIN ng pelikulang “Respeto” ni Treb Monteras ang mga kasalukuyang pangyayaring may kaugnayan sa ilegal na droga, karahasan at krimen sa bansa. Gamit ang panitikan at musika, ikinuwento ni Monteras ang pakikipagsapalaran sa buhay ni Hendrix, isang binatang rapper na lumaki sa hirap ng buhay sa Maynila. Isa lang ang pangarap ni Hendrix: ang makakuha ng respeto mula sa mga miyembro lokal na underground rap battle na mag-aahon sa kanya sa hirap. Normal para sa kanya ang regular na ronda ng mga pulis sa kanilang komunidad, pati na ang mga kaibigang bigla na lang nawawala matapos dakpin ng mga awtoridad. Ngunit binago ang buhay niya ng mga salita ng isang makata, si Fortunato Reyes, biktima ng dahas ng Batas Militar. Siklo ng pang-aabuso at karahasan sa kasaysayan ang sentro ng pelikula. Nakapanlulumo man, makatotohanan ang kuwento ng ”Respeto.” Salaysay pa nga ni
Sana kasabay ng pagtatak ng pelikula sa gunita ng audience, manatili rin sa kanilang huwisyo na kung may mga aktwal pangyayaring akmangakma sa mga eksena ng ”Respeto,” Monteras sa isang panayam, nagkaroon mismo ng aktuwal na engkwentro ang pulis at mga pinaghihinalaang drug pusher malapit sa lugar ng kanilang shooting. Hindi iyon arte, kundi totoong pangyayari. Umani ng mga parangal ang “Respeto” sa ika-13 Cinemalaya Independent Film Festival, isa sa mga pinakamalaki at pinakatinatangkilik na film festival sa bansa. Kabilang sa napanalunan ng obra ang Audience Choice Award. Minsan, wala pa rin tayong takas sa pagkasakal sa atin ng sining dahil minsan, dito natin nakikita ang katotohanan. Sana kasabay ng pagtatak ng pelikula sa gunita ng audience, manatili rin sa kanilang huwisyo na kung may mga aktwal pangyayaring akmang-akma sa mga eksena ng ”Respeto,” malamang na may mga problema ring tinatalakay sa pelikula na kailangang bigyan ng pansin sa totoong buhay.
Simbahan MULA SA PAHINA 7
nakapagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan si Lagarejos sa halagang P120,000. Kung mapatunayang may sala, maaari siyang makulong hanggang 12 taon. Bagaman nagpiyansa ang pari, nilinaw ni Cruz na walang ginastos ang Simbahan dito. Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development ang biktima at ang 16-taong gulang na bugaw na tinaguriang “children in conflict with the law” dahil sa paglabag sa RA 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006. Ang kaso ng bugaw ay may P1 milyon hanggang P2 milyon na multa, at parusa na habangbuhay na pagkabilanggo. Tumangging magbigay ng karagdagang detalye ang Marikina WCPD dahil
sa pagiging confidential ng kaso. Hamon sa mga layko Bagaman naging mabilis ang pagtugon ng Simbahan sa kaso ng human trafficking laban kay Lagarejos, ikinalungkot ni Dy-Liacco ang pagkukulang sa pakikiisa ng mga layko laban sa nasabing isyu. “[They have acted] according to the protocol, offering assistance immediately to the victim and her family, immediately withdrawing the accused from public ministry and placing him on strict restrictions,” wika ni Dy-Liacco. Dagdag pa niya, kung may pagkukulang sa aksiyon ang Simbahan sa mga ganitong isyu, kinakailangang tumulong din ang mga layko dahil mas marami sila kaysa sa mga lider ng Simbahan. “I think we, as laity, can do more, and more active and concrete contributions from more of us will strengthen the fight against human trafficking,” wika ni DyLiacco. S.B. GARCIA at L. O. GARCIA