Laban, Kaibigan
Ni Christian Bañega Sa baitang na ito nasusukat ang aking tyaga at talino. Talino na tila’y naglaho pagtungtong ng kolehiyo. Bakit ba naging ganito? Tila ba’y hindi nakasasabay sa agos ng mundo.
Laban, Kaibigan. Mga katagang pinanghahawakan sa loob at labas ng silid-aralan. Pasensya na kung hindi ko maipakita ang bunga ng aking pinagaralan. Dahil tila may isang harang sa aking tinatahak na daanan. Para bang naglalakad sa masukal na gubat. Kasabay ng walang katapusang kulog at kidlat. Sana’y panaginip na lang ang lahat. Ngunit masyadong masungit ang reyalidad. Lumalaban ka pa ba, Kaibigan? Nakakapagod man, ngunit hindi pa ito ang katapusan. Tumayo ka at baguhin ang iyong kapalaran. Nagsisimula pa lang tayo sa tunay na laban.
Kaibigan, ‘wag panghinaan ng loob. Tayo’y may kanya-kanyang lakas at talino. Maramin rin ang sumusuporta at nakaalalay sa iyo. Hindi mo man sila makita, nakikita naman nila ang dedikasyon mo. Dedikasyon na tapusin ang laban na ibinigay sa iyo.
14 | ALIMANTAK 14 | ALIMANTAK
Kuha ni John Harvee Cabal Debuho ng Pahina ni Darwin Escaro