Liway ng Dapithapon, Lihim ng Bukang Liwayway Marahil ilang beses nang dumungaw Sa kaisipan, sa kapanatagan— Mga salitang nagpupumilit maghanap ng kahulugan. Alingawngaw. Pumapaimbabaw. “Ano ang kalagayan ko bukas?” “Kailan yaong ako ang nasa itaas?” “Saan dadalhin ng oras?” Siguro alam ko— hindi, sigurado. Sa araw-araw mong paglayag sa dagat ng buhay, Binuo ang araw ng ligaya ng tanikalang balakid, Ngunit ito ka’t tumitindig, Nagsasagwan. Siyang tunay. Subalit sa nagniningas na parolang paroroonan, Hindi naging madali ang kung anong kinalalagyan, Gayunpaman, ito ang karangyaan– Ang turo ng kasanayan. Siguro hindi nga sigurado, Pero alam kong bukas ay ‘di selyado. Ang kapalaran. Ang kinabukasan. Ang pagdududa’y ‘wag ibunton, Sa oras na hindi pa natatanaw. Mas matakot ka kung hindi sumang-ayon ang galaw, Sa kabila ng pagsusumikap araw-araw. Hindi madaya ang tadhana, sinikil lamang tayo ng kapangyarihan. 2 | ALIMANTAK