
1 minute read
Hanggang Kailan?
from ICON 2019
by Pauliworld
ISINULAT NI ALYSSA E. REYES
Ang masaktan ay hindi maiiwasan Paulit-ulit na karanasan na hindi malilimutan Sapagkat ito ang nagsisilbing aral Na kinapupulutan ng pangsariling dangal
Advertisement
Huwag iwasan ang masaktan, Dahil ito ang sumisimbolo sa katapangan Hayaang ito ang magsilbing guro Sa mundo nating sadyang magulo
Huwag magpapabulag sa gulo ng mundo Dahil lahat ng bagay ay may pangkaloobang kapayapaan Katotohanan ang magdadala sa atin sa kapayapaan Ngunit hanggang kailan ang kasiguraduhan ng katotohanan?
Hanggang sa nasasaktan nga ba?