1 minute read

Balete drive

ISINULAT NI CENA MARIE B. GILLANA

Kakapit nang mahigpit sa bakal na hawakan bago kumawala at magwala at mawala sa kawalan. Munting banaag lamang ang tanglaw, binaliktad na ang saplot ngunit naliligaw pa rin. Alumpihit sa lilim ng Balete, humihinga, humihingal, at naghihingalo. Kalaban mo ang paanyaya ng diyablo na ang tanging mga bulong ay ang kumawala, magwala, ‘pagkat wala kang mararating. Walang sinisino ang ligaw na bala hangga’t di nakadadaplis ng bagong biktima, ngunit namamanglaw ang liwanag hangga’t may aninong naaaninag kahit iyang siga ay nagmula pa sa tabakong sinindihan ng kapreng humihithit sa talahiban. Huwag kang matakot na kumawala at magwala at mawala sa kawalan. Hindi ka nag-iisa sa kadiliman.

Advertisement

This article is from: