Skip to main content

Malate Literary Folio Tomo XXXVII Special Folio: Larawan ng Kasalukuyan

Page 54

Binhi ng Taumbayan Joshua Rich Valentin Saan ka man dalhin ng tawag ng bayan, sa mga makulimlim na siyudad man na napapalibutan ng manggagawang marahas na pinapagod, o sa dulo ng mundong ramdam ang bangis ng haciendero’t politikong magnanakaw ng lupa’t buhay ng magsasaka, nawa’y kanilang sigaw ay pumukaw sa pagliyab ng isang pusong daluyan ng dugong kasing-init ng mga araw, na tinitiis ng obrerong kontraktwal para lamang sa sahurang barat. Ito’y dahil isa kang binhing nagmula sa lahi ng masang anakpawis: hinubog ng daan-daang siglo ng pagpapahirap at pagaaklas, hinarap ang mga bagyo ng Kanong winarak ang ating mga bundok, pinalakas ng mga ninunong nagdaan at iwinagayway ang ating bandera. Ikaw ay didiligan gamit ang luha ng bayang binawian ng anak sa digma para ika’y matanim upang paglingkuran ang sambayanang ikaw na lang ang hinihintay—simulan mo na ang pamumulaklak ng iyong pakikibaka!


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Malate Literary Folio Tomo XXXVII Special Folio: Larawan ng Kasalukuyan by Malate Literary Folio - Issuu