(2017) Heights Vol. 65, No. 1

Page 34

christian benitez

Sapagkat Mangyari Lamang Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmahal nang makita ng lahat ang mukha ng pag-ibig. Ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan sa mga malabo ang paningin. Mangyari lamang ay tumayo rin ang mga nagmahal at nasawi nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani. Ipadama ang pait ng kabiguan habang ipinagbubunyi ang walang katulad na kagitingan ng isang nagtaya. Mangyari lamang ay tumayo ang mga nangangambang magmahal nang makita ng lahat ang kilos ng isang bata. Ipamalas ang katapatan ng damdamin na pilit ikinukubli ng pusong lumaki sa mga engkanto at diwata. Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmahal, minahal at iniwan ngunit handa pa ring magmahal nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan. Ipamalas ang katotohanang nasaksihan nang maging makahulugan ang mga paghagulgol sa dilim.

"Mangyari Lamang", Rico Abelardo

At sa mga nananatiling nakaupo matapos Magsipagtayuan ng lahat ng mga nagmahal, Ay marahan ding tumayo, sa kabila Ng itatagal ng pag-unat ng mga binti Mula pagkakaupo. Sapagkat hindi nangangalay Ang pagmamahal, magagawa ang maghintay 19


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.