(2014) Heights Vol. 62, No. 1

Page 66

christian benitez

Mga Tagpong Hindi Nasasaksihan ng Tungkung Langit Tinatalunton niya ang kahabaan ng lungsod nang walang nakikilala sa kanyang maaliwalas na mukha o sa bakas na iniiwan ng kanyang mga mahinahong yabag sa lupa: sa naipong tubig-ulan sa kalsada, mga saluysoy na bumabasag sa mga salamin ng abong kalangitan. Pinaghahanap ang mukhang ito ng mata ng bagyo, ngunit muli at muli, napupuwing ang bagyo sa kariktan nito. * Patuloy pa rin ang pakikipagtaguan niya mula sa kanyang minsang sinamba at minahal, mula sa anino ng mangingibig sa nakaraang tinatakbuhan, lunurin man ang bawat kanto ng siyudad at lamunin man ng tubig ang mga sulok na hindi rapat maabot kailanman: mawalan na ng silbi ang mga kanal, daanan na ang mga ito ng tubig-itim at tubig-patay, ngunit hindi pa rin siya patitinag mula sa bathalang nalulumbay. * Habang nagluluto ng hapunan para sa isa, Hindi ako pahuhuli, ang awit niya sa sarili, sabay ng marahang pagkulog na tila pagkulo ng buong langit sa narinig. Isang kidlat ang tumama kung saan sa sansinukob, sinilaban ng kung anumang pagkapikon galing kung saan. Mahinhing sagot niya rito: Kahit babae ako, at ano pa’t nagpatuloy lamang siya sa kanyang paghihiwa ng gulay.

54


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.