(2014) Heights Vol. 62, No. 1

Page 60

himpapawid. “Salamat, Alab,” hiyaw ni Agwa nang paulit-ulit. “Salamat, kaibigan!” Sinubukang habulin ni Alab si Agwa kahit munting liyab lamang siya’t hangin na siya. Nakita niya muli ang bilog na bilog na buwan sa langit kung saan alam niyang masaya na si Agwa’t sumasayaw kasama ang kanyang mga kapatid. Kung kaya lamang umiyak ng mga anak ng apoy, lumuha na siya. Ngunit mapagbigay ang buwan sa mga mabubuting nilalang tulad niya. May ipinaihip sa kanyang gantimpala. May naganap muling milagro—isang makikita lamang natin dito. “Alab,” bulong ni Inang Buwan. “Humayo ka, Alab.” Sumiklab ng dilaw si Alab. Sumabog ng pula. Naging purong asul na tilamsik siya. Iniwan ng batang apoy ang delaryong sahig. Lumipad siyang walang tulong ng mga hibla ng hangin. Bumulusok siya patungo sa himapapawid. Hinabol si Agwa sa langit. Nagmistula siyang bulalakaw mula sa lupa. Pataas, pataas lamang ang punta. Isang silakbo ng busilak na liwanag. Isang ulan ng tilamsik. Isang paputok ang namulaklak sa langit—malakas at maganda tulad ng pinapangarap niya. At sa muli, nagkita ang dalawa, bagaman iba na ang anyo nila. Sumaboy ang mga tilamsik ni Alab na agarang sinalo ng mga anak ng tubig sa bawat ulap at alon. Naramdaman nila ang pagmamahal at pag-asa na nanunuot sa kanyang init. Agaran ding nawala ang ilaw ng mga tilamsik dahil sa malamig na hangin ng gabi. Puwera na lamang sa isa na sinalo ni Inang Buwan. Si Agwa naman ang nautal at napaluha sa nangyari: iniluklok ni Inang Buwan ang piraso ni Alab sa kanyang tabi kung saan naging bituin siya sa langit. Kaya kung mapapatingala ka’t mapapatanong kung bakit may bituin na minsan dilaw, minsan pula’t minsan asul, si Alab lamang iyon, ang dating batang apoy, na nakikipagkuwentuhan kay Agwa kung nasasaan man siya napunta o anuman ang kanyang anyo ngayon.

48


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.