(2014) Heights Vol. 61, No. 2

Page 18

Sa Hangin at sa Pagkalumbay Sa pagbitaw mo sa akin ng tanong—Bakit ako ang kinahulugan mo—hindi maunawaan saan natagpuan ang hindi pagkaunawa sa mga bagay na tunay at mahiwaga, tulad ng paglalakbay ng hangin sa pagitan ng ating mga daliri—hindi nakikita ngunit nararamdaman ang lahat at bawat pagsalat sa ating balat. Bakit hindi tayo maging tulad ng amihang malaya sa pag-indak at pagbagtas sa lahat ng nawawari at hindi nitong ating haraya’t salamisim? Sapagkat ganito rapat ang tinatawag mong pag-ibig: hagayhay na bumabayo sa paroroonang sa huli at huli lamang matatanto, tumatangay sa atin mula sa alapap mo tungo sa totoong alapaap na ang makakaalam lamang ay tayo. Ngunit pinili mong hindi sumabay at hindi sumayaw. Narito ako, naiwan nang ganap, inuusal ang pagkalumbay nang dahil sa lahat ng mga maaaring hindi natin sabay tatahakin. At sa pagsabi ko sa iyo rito na marami na ang aking kalungkutan kaysa sa aking alam hawakan, sinasabi ko na sa iyo: patawad, narito na ang hanging banayad na paroroon sa aking pagkadala.

6


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.