nicko reginio caluya
Alinlangan Tanaw tayo sa gitna ng maaliwalas na umaga tangan ang manghang dala ng hangaring hindi matinag tumingala ang bawat mukhang humanga, hindi inaalintana ang tindi ng sikat ng araw. Humingang malalim, tayo na naghahabilin ng pagkulimlim. Sapagkat isang iglap: paghagilap, paghagilap. Kita nila tayo na tuluyang gumuho patungo sa pagluhod, pagtungo, paghahabol sa ating nag-iisang anyo. Nauwi tayo na yari sa abo at alikabok. Kumakalat. matapos ang ika-11 ng Setyembre 2001
4