Skip to main content

(2010) Vol. 57, No. 2

Page 95

*** Nagsuot siya ng puting kamisetang Bench at ng maong na Levi’s. Inilabas niya sa kaniyang kuwarto ang dalawang maletang bumubulwak sa kagamitan. Sa may mesa sa harap ng salamin, ibinaba niya ang liham niya kay Bong at ang singsing na may nakaukit na mga sumpa at pangako. Natuluan ng luha ni Me-Ann ang liham. Marahang pinunasan ito ng kaniyang makikinis na mga daliri. *** Ipinatong niya sa kaniyang ulo ang korona ng mga samu’t saring dahon, patpat at bulaklak. Sinuklay niya ang kaniyang balahibo sa katawan gamit ang napulot niyang sanga ng puno. Nagpatuyo siya sa ilalim ng sinag ng araw. Ikinampay niya ang kaniyang buntot para matuyo. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa puno ng mangga kung saan una niyang nasilayaan ang kaniyang irog. *** Sinarado niya ang gate ng kanilang bahay. May naghihintay nang taksi para sa kaniya. Tinulungan sya ng tsuper na isilid ang mga maleta sa likod ng taksi. Pinagmasdan niya nang huling sandali ang kaniyang naging tahanan. At sumakay na lang siya sa taksi. “Sa terminal po ng bus sa may Cubao.” *** Nakita niya kung gaano kaganda si Luisa, ang diwata ng kagubatan. Suotsuot niya ang puting roba at koronang tadtad ng diyamante. Maputla pa siya sa sinag ng buwan. Hinawakan nila ang isa’t isa at sumumpa sa ilalim ng puno ng mangga na magmamahalan magpakailanpaman.

84

heights


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook