richell isaiah s. flores
xiv (2) nasaan na ang sugo ng Panginoon na itataas ang kamay sa gitna ng lupa siyang pagpapalaing maghati ng isla ngunit bakit sa halip ng pagpapala nanumbalik ang isang salot sa tubig, pula ang bumabalot. ang paraon ay tumango sa mga bagong Ehipsiyo handa nang bitiwan ang Lupang Pangako hindi Israelita ang bagong sugo sapagkat siya'y paraong tinuturing na panginoon sambahin ka ng mga inutil – ‘di nilang umaani ng mga butil – ‘di nilang nananaghoy sa tahanan – ‘di nilang nawasak ang kalooban – ‘di nilang napagbintangan paraong makapangyarihan kaawaan mo ang aming bayan Israelitang mamamayan kaawaan mo ang aming bayan
75