richell isaiah s. flores
ukol sa mga pangyayari nitong hunyo hindi na bago sa iyo ang bagyo pati ang pagragasa ng bahang pumapasok sa inyong bahay. hindi na bago sa iyo ang lumakad sa silong ng payong na hinahangin, para bang mawawasak at bibigay sa loob ng tatlong ihip. hindi na bago sa iyo ang mabasâ at kung kailanganin, lumangoy tungo sa pinakamalapit na lupa. sanay ka nang masiraan ng sasakyan. sanay ka na sa laro ng langit at lupa, ang pag-angkat ng init ng araw sa tubig ng Pasipiko palapit sa iyong bayang hindi na bago sa bagyo hindi na bago sa iyo ang dagat sa bawat bagyo, nasa isip ang amang pumalaot, kahit sinabihang mataas ang alon. kunwari’y kasundo mo ang dagat, at kung maaraw, nakabilad ang daing kasama ang maalat na simoy ng hangin. pinahango ang sinampay dahil sa patak ng ulan. narito na naman. pero hindi na bago sa iyo ang bagyo. hindi na bago sa iyo ang dagat. nakabalik na ang amang nasa bangka, wala na namang húli. pero hindi na bago sa iyo ang bagyo. hindi na bago sa iyo ang dagat. may bago siyang kwento
73