SS GoMag Tagalog III

Page 1

Kung Saan Nag-uugnay ang Palakasan at Pananampalataya

2

Fabio Maciel

10 10

4

JosĂŠ LuĂ­s Vidigal Jacob Mulenga Portugal

6

Alexander Samedov

Jun Marques Davidson

12 14


PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: ARABE PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: BAHASA MALASIA PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: BANGLADESI

PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: VIATNAMITA PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: URDU PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: TAMIL

PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: BIRMANO

PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: TAGALOG

PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: HOLANDES

PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: ESPANYOL

PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:

INGLES (BRITISH)

PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: RUSO

PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:

PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:

INGLES (USA)

PORTUGES (EUROPEAN)

PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:

PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:

PRANSES

PORTUGES (BRAZILIAN)

PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: ALEMAN

PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: POLACO

PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: GRIYEGO PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: INDONESIYO PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: HAPONES/NIHONGO PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: KOREANO

PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: NEPALES PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: MANDARIN/

OPISYAL NA INTSIK

PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA: MALAGASI

PARA SA KARAGDAGANG PAGBABASA PUMUNTA SA:

SSGOMAG.COM


10

FAbio Maciel:

02

FotoArena/Getty Images

04

Napag-isipan ng Español na si Marcos Senna na si Kristo at hindi ang mga pangyayari sa buhay ang nagdudulot ng kapayapaan at ligaya

Jasper Juinen/Getty Images

Ang Brazilian goalkeeper na si Fabio ay dumaan sa maraming pagsubok, subali’t ang mga pasakit na ito ay silang umakay sa kanya kay Kristo

Marcos Senna:

14 Jacob Mulenga:

Jun Marques Davidson:

Si Jun Marques Davidson ng Japan ay maramot na hinabol ang tagumpay, ngunit natuklasan niya na ang layunin niya sa buhay ay higit pang mas malaki

Francisco Leong/Getty Images

Despite not playing soccer until he was in high school, Jacob Mulenga’s fast rise has caused him to depend on God

06

Alexander Samedov:

Derek Leung/Getty Images

Francois Nel/Getty Images

Nagsikap hinanap ng Ruso na si Alexander Samedov ang mga katanungan niya tungkul sa kanyang buhay at karera hanggang matagpuan ang bagay na nagbigay ng kasagutan na hinahanap-hanap niya sa lahat ng oras

1


2

FotoArena/Getty Images


Fabio Maciel Ang Brazilian goalkeeper na si Fabio ay dumaan sa maraming pagsubok, subali’t ang mga pasakit na ito ay silang umakay sa kanya kay Kristo

LatinContent/STR / Getty Images

A

ng tawag kay Fabio ng kanyang mga tagahanga ay “the blue wall”, ang wall o dingding na hindi kayang daanan ng bola at itinuturing siyang bayani. Subali’t para sa Brazilian goalkeeper Fabio Deivson Lopes Maciel na nagwagi na ng maraming titulo at nasama sa pambansang pangkat ng Brazil sa anu mang antas, ang daan sa mga titulo na ito ang pinakamahalaga. Noong 2007 ang kanyang karera ay naantala noong malagot ang ligamento ng kaliwang tuhod niya habang nilalaro ang pinakamahalang laro para kanyang kapisanan, Cruzeiro. Marami ang nag-akala na hindi na siya makakabalik. “Napakahirap ng panahon na iyon subali’t ang pinakamahalaga para sa akin ay mabago ko ang takbo ng aking buhay at ito’y lubhang kailangan para ang Panginoon ang magpalakad ng aking buhay na tila ba hindi ko pa siya pinahintulan.” ang sabi niya. Ang Panginoon ay siyang saligan ng aking buhay. Nakaragdag pa sa kanyang mga bagabag ay ang katotohanan na ang mga tao ay pinag-aalinlangan ang pinsala niya dahil ang kanang tuhod niya ang tumama sa poste ng gol, subali’t ang kaliwang tuhod niya ang napinsala.

Lalake at babae ay pinagsisilbihan ang mga sports teams bilang mga tagapagturo sa palakasan at tagapayo sa buhay at pananalig. “Pinagdududahan ng mga tao ang aking pagkatao, sabi nila ako ay nagsisinungaling, na talaga naman daw ako ay naalis sa pangkat.” ang sabi niya. Ang sama ng loob ko ang naglapit sa akin sa Panginoon. Ang sakit ng pinsala ko, ang pagkawala ng titulo ko, ang makita ang mundo na pinagdududahan ang pagkatao ko ang nagtulak sa aking pinakamalaki at pinakamagandang pasya ng buhay ko; ang tanggapin si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas ko. Ibinigay ko ang buong buhay ko sa kanya.” Bagama’t sinabi ng mga doctor na siya ay makababalik sa loob ng anim na buwan, siya ay bumalik sa palaruan matapos lang ang tatlong buwan. Sa sumunod na panahon, ang Cruzeiro ay minsan pang umabot sa finals, at sa oras na ito ang pangkat niya ang nanalo. “Marami ang nagsabi na hindi na ako makapaglalaro ng soccer at hindi na makababalik sa Cruzeiro.” sabi ni Fabio. Subali’t binalik ako ng Panginoon sa pamamagitan ng pagbibigay Niya ng pagkakataon na sundan ko ang kagustuhan Niya at nilagay Niya ako kung saan ako naroroon ngayon. Kahanga-hanga ang Panginoon. Tamang-tamang isang taon na ang lumipas pagkatapos ng mga pagsubok na dinanas ko, binalik Niya ako. Ang mga pasakit na dinaanan ko ay naging malaking tagumpay. Naglaro ako ng dalawang daang beses para Cruzeiro, isa akong kampeon at itinuring na pinakamagaling na goal keeper ng malaking torneo.” Isa pang titulo ang sumunod noong 2013 at si Fabio ay tinagurian na pinakamagaling na goalkeeper ng Brazilian Championship. Ang mga karanasan niya ang nagbigay daan na maunawaan na ang Panginoon ay tunay at Siya ang namamahala ng lahat ng bagay. “Ang lahat ng mga nangyari sa buhay ko ay plano ng Panginoon.” sabi niya. “Siya ang nagpasya ng lahat....Ang saligan ko sa buhay ay ang Panginoon. Naghintay Siya para ilagay ako sa mga lugar at binigyan ako ng mga bagay na hindi ko kailaman maabot isipin. Kahit sa panaginip hindi ko maabot isipin ang buhay at ang mapalad kong pamilya ngayon. Siya ay tunay na Panginoon na nagpapatupad nito.”

3


4

Francisco Leong/AFP//Getty Images


Jacob Mulenga Kahit na hindi naglaro ng soccer hanggang tumuntong siya ng high school, ang mabilis pumaitaas ni Jacob Mulenga ang sanhi ng kanyang pagtitiwala sa Panginoon

A

ng soccer kahit kailan ay hindi nangibabaw sa mga kinagigiliwan na palakasan ng pamabansang manlalaro ng Zambia na si Jacob Mulenga sa kanyang palakasan na listahan. Noong kabataan niya, inukulan lang pansin ang isang palakasan na may katulad sa motor racing. Ang mga karaniwang araw niya ay nagugugol sa pagpunta sa paaralan at ang mga Sabado at Linggo niya ay nagugugol sa palakasan na natutulad sa motor racing. Ang soccer ay hindi naging bahagi ng kanyang buhay hanggang sa mga huling taon ng kanyang pag-aaral. Kahit noon, bagama’t, sabi niya siya “ay nanonood lamang.” Ang soccer ay libangan lang. “Hindi ako naglaro para sa kanino mang mga pangkat ng kabataan o sa mga akademya-- naglaro ako sa paaralan para malibang.” ang gunita niya. “Natuto lamang ako talaga sa panonood ko. Marami akong natutunan sa panonood ko sa telebisyon.” Subali’t pagkatapos ng kanyang pag-aaral nagpasya siyang diribdibin na niya ang soccer. “Naiisip ko, OK ngayon bago ka magpasya kung ano ang gagawin mo sa buhay, maglaro ka muna ng soccer pansamantala at tingan mo kung ano ang mangyayari.” (Ang dating manlalaro at coach ng Zambia) Kalusha (Bwalya) nakita niya akong maglaro at sabi “Alam mo huhusay ang paglalaro mo.” Para sa akin pangarap lamang iyon. Binibiro ko ang mga kaibigan ko tungkol dito. “Isang araw maglalaro ako ng propesyonal soccer.” Kahit huli man ang paglalaro niya ng soccer sa kanyang karera, madaling pumaitaa ang antas niya. Nasali siya pambansang pangkat ng Zambia noong siya ay beinte anyos. Naka-puntos sa unang laro niya -- 1-0 ang pinanalo nila laban sa Togo sa World Cup qualifier. Mula doon nagpunta siya pangalawang laro ng World Cup qualifying matches sa Senegal at Mali at naging permanete na siyang miembro ng pambansang pangkat. Subali’t ang mabilis niyang tagumpay ay hindi nagbigay sa kanya ng tiwala. “Nakakatakot. Kinabahan ako. Ang lahat ay isang kakaibang bagong mundo sa akin.” ang sabi niya. “Hindi pa ako humarap sa ganoong karaming tao kailanman. Hindi ko pa nalalaman noon kung ano ang nararapat na gawin ng manlalaro ng national team. Naririnig mo ang tungkol dito; nababasa mo ang tungkol dito. Ngayon ilalagay mo ang sarili mo sa kalagayan na kung saan ikaw ay nakahandang tumanggap batikos. Lahat ng ginagawa mo--mabuti o masama--ay babatikusin at mayroon mga taong laging may sasabihin sa mga ginagawa mo.” Ngayon ay unti-unti ng napapalagay ang loob, gayon man, noong 2010 nakadalawang puntos siya sa dalawang laro sa Africa Cup. Subali’t sa dalawang sumunod na Africa Cups, noong 2012 at 2013, nagtapos ito sa kabiguan. Hindi

nakapaglaro isa man dito, kabilang ang 2012 na kung kailan ang Zambia ang nagwagi ng titulo. “Napakahirap talaga para sa akin, alam mo noong 2010 nagkaroon ka ng mahalagang papel sa Africa Cup at ngayon hindi ka magiging bahagi nito,” ang sabi niya. Napakalaking dagok ito para sa akin...masaya ka at pag meron nag-uusap tungkol doon, maalala mo na hindi ka naging bahagi niyon.” “Dati tinatanong ko ang Panginoon ng maraming beses. “Bakit nangyayari ito sa akin, lumalapit naman ako sa iyo, nagdarasal ako sa iyo.....at ang iba maayos sila? Ano ba ang ginawa ko para nararapat ito sa akin? ....Para sa akin lagi na lang bakit? Bakit ito? Bakit iyon? Huminto ka sa katatanong mo ng bakit. Una sa lahat ang nalaman ko.... ay hindi ikaw ang may kapangyarihan. Kahit gaano mo subukan, hindi ikaw ang hawak sa mga bagay na nangyayari... kung wala akong pananalig kay Jesus....nag-iba na sana ang landas ko.” “Alam ko na labis akong mapalad. Isa ako na may kakayahang gawin ang kahit ano sa soccer. Alam ko na ang aking kakayahan ay hindi nanggagaling sa akin. Nanggagaling ito sa itaas...ang Panginoon ay hindi ka dadalhin sa susunod na baitang kung hindi mo alam kung paano haharapin ang hirap.... kung gaano kataas ang narating mo magiging matindi ang hirap na haharapin mo.”

Ang mga taong manlalaro ng buong panig ng mundo ay nagtutulungan at nagbibigay ng lakas ng loob sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagsaalang-alang ng kanilang damdamin, isipan, pangkaluluwa at ang buong kapakanan ng kanilang pangangatawan, tulung-tulung nilang inuunawa na ang kanilang halaga sa sarili ay batay kung sino sila at hindi kung ano ang ginagawa nila. “Lahat ng bagay na itinayo na walang kinalaman sa Panginoon ay hindi karapat-dapat na itayo. Hindi ako uupo rito at magsisinungaling at magsasabihing, “Ako ay may ganap na pamumuhay, may takot sa Panginoon.” Marami akong mga bagabag sa buhay. Sinusubok ang aking pananalig.... Napakarami ng mga pagsubok ninyo. Marami ang mga bagay na dumarating sa iyo. Nais ninyong may maka-usap kayo. Naisip kapag inilapit mo ang sinoman sa pananalig kay Kristo, kailangan mo talaga silang tulungan na unawaan, “Makinig ka, ang Panginoon ang pinakamahalaga sa buhay mo. Marami kang mga pagsubok bilang isang Kristyano at mga bagabag...Subali’t alam mo sa kabila ng lahat, magwawagi ka.” 5



W E B S I T E : w w w. S p o r t s S p e c t r u m . c o m

Francois Nel/ S P O RGetty T S S P EImages CTRUM

00 7


Epsilon/Getty Images / Getty Images

umaki sa isang pamilya na magkaiba ang pananampalataya, naipasya si Alexander Samedov na mabubuhay siya sa sarili niyang paraan at ayon sa kanyang nalalaman. Hanggang dumating ang isang hindi magandang pangyayari at naging sanhi para hanapin ang mga kasagutan. Si Samedov ay representatiba siyang pang internasyonal ng Ruso ng U-21 at senior soccer ng national teams at naglaro rin siya para sa mga magagaling na Russian club teams, nagsimulang nagkaroon ng pangamba ng kanyang karera niya sa soccer at sa kanyang buhay. At noon nagsimula ang mga tanong niya, una munang namuo sa isip at hanggang maisa-bibig niya ang mga ito. “Nabanggit na sa una, namuhay na ako sa sariling kong paraan. Subali’t dumating ang isang araw na nagkaroon ako ng pangamba sa aking karera at buhay. Sumapit na ako sa edad na dapat ko ng pag-isipan ang mga bagay na iyon. At nakilala ko ang asawa ko ngayon na si Yulia. Isa siyang nanampalataya; nagpupunta siya sa simbahan. Nang

maunawaan ang mga pangamba ko, ang sabi lang niya sa akin, “Sasha, talagang ganoon ang buhay…” Nagpunta ako sa simbahan ng isa, dalawang beses at aking naunawaan. Nagsimulang nagbago ang buhay ko.” Bagama’t inamin ni Samedov na “hindi ang pagbabasa ang pinakamahalagang bagay” para sa kanya noong lumalaki siya sa dahil sa sport school siya nag-aral at higit niyang “binigyan ng pansin ang sports” kaysa sa academia, napamahal na kanya ang pagbabasa ng Biblia simula ng magkaroon siya ng tiwala kay Kristo. Datapwa’t kakaiba ang pagbabasa ng Biblia. Isang kasiya-siyang pagkakaiba ito sa mahirap na pagbabasa ng mga walang kabuhay-buhay na salita mula sa mga pahina ng mga aklat-aralin o ano pa mang libro. “Hindi ko tinitingnan ang pagbabasa ng Biblia ay katulad ng pagbabasa ng ibang aklat, dahil ang Biblia ay pangkaluluwa; ito ay nauukol sa pananampalataya.” ang

“Nagsilbi kami sa lokal na simbahan.”


Natatagpuan ni Alexander ang gabay sa buhay kapag siya ay nagbabasa ng Biblia. Sa Kilusan ng Palakasan ang pagtupad sa Biblia ay siyang pinakamahalaga sa lahat ng bagay sa labas at loob ng palakasang palaruan. Dumadalangin siya sa Panginoon, ang Panginoon na nakikipag-usap at nagbibigay ng gabay sa kay Samenov habang siya ay nagbabasa ng Biblia. Ginamit ng Panginoon ang may bahay ni Samenov para ituro sa kanya ang tamang daan. “Sa ganoong paraan ito nangyari.” ang sabi niya. “Ng dahil sa kanya, naging matagumpay ako.”

EuroFootball/Getty Images

sabi niya. “Tinuturuan tayo ng Biblia. Nagbibigay ito ng patnugot sa ating mga buhay.” Bahagi ng patnugot na iyon ang nagbigay gabay sa kanya sa kanyang karera. Nagsimula si Samedov sa Spartak Moscow noong siya ay labing anim na taon. Pagkatapos ng limang taon lumipat siya sa FC Lokomotiv Moscow lumagi ng apat na taon bago sumali sa FC Moscow ng dalawang panahon. Pagkatapos managumpay doon, sumapi naman siya sa isang mas malaking kapisanan, Dynamo Moscow, lumagi ng tatlong panahon, sa panahong din ito naglaro siya sa kauna-unahang pagkakataon para sa senior national team noong 2011 na lumaban sa Euro 2011 sa qualifying match laban sa Slovakia na kanilang napanalunan. Sa tagumpay na iyon naibalik siya sa FC Lokomotiv noong sumunod na panahon noong siya ay nagsimulang naging lalo pang gumaling at naging regular starter at kinagigiliwan ng mga tagahanga. Ang mga tanong niya sa buhay ay nagkaroon ng mga kasagutan at ang pagharap niya sa tagumpay at kabiguan ay nagabago na ngayon.

9


a pagkakaroon niya ng apat na pinsala sa tuhod, madali sana itong mauunawaan kung si Marcos Senna ay nawalan ng lakas ang kanyang pangangatawan, nasiraan ng loob o kaya ay nabigo sa soccer. Subali’t kabaligtaran para sa Español na soccer star. “Kahit ako ay nagkaroon na ng apat na pinsala sa tuhod sa tulong ng Panginoon, sa pakiwari ko ba ay lalong gumanda ang aking paglalaro at nakuha ko pang nalasap ang ligaya sa gitna ng lahat ng ito,” ang pahayag niya. “Hindi ko alam kung mayroon pang ibang manlalaro na nagkaroon ng pinsala sa tuhod na kagaya ko ang nakapaglaro na kasingaling ng nagawa ko. Pinagkakaloob ko ang pasasalamat, papuri, at kaluwalhatian sa Panginoon dahil sa binigay Niyang lakas sa akin.” “Payapa ang aking kalooban. Naniniwala ako na may layunin ang Panginoon sa ating mga buhay. Kung napinsala man ang aking pangangatawan, ito ay may dahilan at naniniwala ako na gagaling ako pagdating ng araw. Naniniwala ako na patuloy akong babantayan ng Panginoon. At dahil dito panatag ang aking damdamin.” Si Senna ay isinilang sa karalitaan sa Brazil at nagsimula itong maglaro ng soccer sa daan noong siya ay anim na taon lamang, naging isa siyang Spanish citizen ng ang coach ng Villareal na si Luis Aragonés ay pinakiusapan siyang maglaro para sa pamabansang pangkat ng España. 10


“Ayaw kong talikuran ang kinamulatan kong kabansaan --- ang pagka-Brazilian ko,” ang sabi ni Senna. Noong panahon na iyon, ang akala ko ay ito na ang pinakamagandang hakbang at isang karangalan ang magkaroon ng dalawang kabansaan at ang magandang pagkakataon na makapaglaro para sa España na isa sa mga pinakamagaling na soccer team sa buong mundo. Ang katotohanan nito, binago ang aking buhay. Katangi-tangi ang pangyayari.” Si Senna ay naglaro sa dalawang World Cups, natulungan ang España na mapanalunan ang 2008 Euro Cup, tinalo ang Alemanya 1-0 para sa unang European title mula noong taong 1964. Itinuring ng maraming pahayagan si Senna na manlalaro ng tornamento matapos na tulungan ang España noong 1996 ang maging kauna-unahang pangkat na walang talo sa Euro Cup mula noong nanalo sila sa Alemanya. Mula noong Nobyembre 2006 hanggang Junio 2009, tinulungan rin niya ang España panalunin o kaya’y patas ang tatlong pu’t limang magkasunod-sunod na laro, naabot na pantayan ang husay ng Brazil, tinulungan ang España panalunin ang sunod-sunod na labing limang laro, habang tinutulungan maabot ng España ang primero uno sa World Ranking sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa. Natapos ang sunod-sunod nilang pagwawagi noong matalo sila sa America 2-0 sa semi-final ng Confederations Cup. “Ang panalunin ang European Championship noong 2008 ay magandang pangyayari sa buhay ko at isa itong makabuluhang pagdiriwang.” ang sabi niya. Napalanunan din namin sa pamamagitan ng penalties. Alam ko na isa ako sa mga penalty-takers. Nag-ensayo kami ng penalties isang araw bago ang laro, subalit noong araw ng laro umabot ng siyam na pung minuto at may labis pang tatlung pung minuto. Hapung-hapu na ako at nanakit ang buong bahagi ng aking katawan. Ganoon pa man noong sumapit na ang oras, payapa ako at naramdaman ko na sumaakin ang Esprito ng Panginoon na siyang nagbigay sa akin ng kapayapaan at malinaw na pag-iisip. Sa pamamagitan ng Kanyang tulong, walang pangamba kong naipasok sa net ang bola, nagka-puntos at natulungan ang España na magwagi. Alam ko na ang Panginoon ang may gawa ng lahat at mayroon siyang layunin para sa akin, ang purihin Siya sa tagumpay na ito. “Noong huling araw na ng palaro, tuon ang pansin ko sa laban. Masaya lalo na’t kasama ang buong España sa pagdiriwang. Noong kami ang nagwagi isang napakasayang araw ng pagdiriwang sa lahat ng manlalaro. Ang mga buhay namin ay hindi na magiging kagaya ng dati dahil naging bahagi kami sa pananalo ng Championship. Higit sa lahat, ang buhay ko ay hindi na gaya ng dati dahil sa ugnayan ko kay Jesus.” Ang pakikipag-ugyan na iyon kay Jesus ay nagsimula noong sumali siya ng panandalian sa São Caetano 11


Joe Klamar / Getty Images Emmanuel Dunand/AFP/Getty Images

sa Brazil at nagkaroon ito ng magandang pangyayari sa kanyang buhay. “Hinikayat ako na dumalo sa kanilang pulong at pumunta naman ako,” ang gunita si Senna. “Noong panahon iyon sa buhay ko kaunti lamang ang nalalaman ko tungkol sa Biblia. Nagpunta ako sa simbahan kasama ang aking Ina, subali’t noong lumalaki na ako sa ano mang dahilan huminto ako sa pagsisimba. Hindi ako nabinyagan o ano pa man, subali’t may natutuhan akong mga bagay sa aking Ina at Lola.....Mga beinte sinko anyos ako noon- malapit ng mag beinte seis-hinikayat na dumalo sa kanilang pulong. Nagustuhan ko naman at pinagpatuloy ko ang aking pagpupunta. Pagkaraan ng walong buwan matapos na ako ay nagkaroon ng pananampalataya kay Jesus, binigyan ako ng contrata ng Villareal at lumapi ako sa isang simbahan sa Villareal na kung saan ako nabinyagan.” Ang sabi ni Senna ang katanyagan, 12

kayamanan, at iba pang mga makalupa na bagay ay hindi sapat para pasayahin ang sinoman. “Kung binabagabag ka ng anu pa mang bagay, alam kong hindi salapi ang kasagutan.” ang sabi ni Senna. Kung hindi ang Espirito ng Panginoon ang nangingibabaw sa lahat ng bagay. Mabibigyan ka ng Panginoon ng kasiyahan, kapayapaan at kaligayahan. Napag-usapan lamang ito ay napapangiti ako. Lubos na nakapagdulot ito ng kasiyahan at binago ang aking buhay sa lahat ng bagay. Ito ang pinakamagandang pasya na maaaring gawin ng sino man sa kanilang.” Ngayon tunay na akong payapa dahil natitiyak ko na may layunin ang Panginoon para sa buhay ko. Kung ako ay napinsala, ito ay may dahilan. Binabantayan ako ng Panginoon, at dahil diyan, nakuha ko ang maging payapa, nagkaroon ng tiwala sa sarili, at maramdaman ang lubos na kaligayahan.”


Charlie Crowhurst/Getty Images

13



Derek Leung/Getty Images

15


ara sa Japanese soccer player na si Jun Marques Davidson, ang pananampalataya ay laging mukhang magulo. Ang mga tuntunin. Ang palakad. Ang kaanyuan. Laki sa Tokyo, Japan -- si Davidson ay nagkaroon ng kaunting pagkagusto kay Kristo bagamat ang kanyang Ina ay isang mananampalataya. Sa halip isang bagay lang ang binibigyan niya ng pansin: soccer. May mga palatandaan na siya ay magiging namumukod na manlalaro sa maagang panahon pa, at sa edad na labing limang taon iniwan ang Japan para maglaro ng soccer sa isang international school sa England. Tagumpay, salapi, at kabantugan ang mga unang nagpapasigla sa buhay niya. Ang maabot ang tanyag na istado sa mundo ng soccer ay ang kanyang naging layunin.

Paglilingkod sa pamamagitan ng palakasan sa mga bansa, mga lungsod. Subali’t sa England, sa kanyang pag-iisa sa banyagang bansa, halos hindi makayang makipagusap, kakaunti ang kanyang mga kakilala, doon naunawaan na may higit pa sa buhay kaysa soccer. “Napakahirap ang mag-isa sa banyagang bansa.” ang sabi ni Davidson. “Subali’t doon ko rin naunawaan ang pangangailangan ko sa Panginoon. Nagsimula akong nagpunta sa simbahan na mag-isa at lalo ko pang pinagaralan kung ano ang kahulugan ng isang nananampalataya kay Kristo. Nangako akong pagsisilbihan ko siya at natagpuan ko ang kapayapaan at paniniwala na hindi ko naramdaman noon. Ang layunin ko sa pagpunta ko sa England ay para sa soccer, subali’t ang Kanyang layunin ay ihanda ako sa aking kinabukasan.” Pagkatapos sa England, si Davidson at ang kanyang pamilya ay nagpunta sa California para magsama-sama habang siya ay naglalaro ng soccer sa high school. Sa kanyang pangkat siya ay napapaligiran ng iba na may

matibay na pananampalataya, para bang ang Panginoon ay dinadala siya sa pagiging ganap matapos ang pagkakaroon niya ng muling pagsilang sa England. “Muli ang Panginoon ay hinuhubog ako sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng mga maka-kristiyanong kasamahan at lakas at pag-asa. Kasunod ng pagtatapos niya ng sekondarya, nagbalik si Davidson sa Japan para maglaro ng propesyonal soccer. Ang kanyang pag-balik ay parang alitan ng dalawang uliran. Noong iniwan niya ang Japan apat na taon ang nakaraan, ang kanyang puso’t diwa ay lubos na magkaiba. Makasarili siya at matibay ang hangad na magtagumpay sa larangan ng soccer upang parehong makamit ang yaman at kabantugan. Noong magbalik siya matapos ang apat na taon, nagiging hindi na siya maka-sarili, at nais niyang gawing daan ang soccer para ikalat ang Magandang Balita sa kanyang bansa. “Sa palagay ko ginawa akong soccer player ng Panginoon para gumawa ng higit pang dakila, para pagsilbihan ang Panginoon.” ang sabi ni Davidson. Walang maraming Kristyano sa Japan, kaya lubhang mahirap ang sumunod, mag-aral at magkaroon ng matibay na pananampalataya kay Kristo. Naniniwala ako na ako dinala ng Panginoon sa England at sa California para malagay sa kalagayan na makita ko ang maraming nananampalataya at mga taong malaki ang pananalig. At iyon ang tumulong sa akin na sumulong at mabatid pa ang tungkul sa Panginoon.” Sa pagbabalik niya sa Japan naunawaan niya kung gaano siya nagbago, kung gaano ang ginawa ng Panginoon sa kanya, at kung gaano ang kagustuhan ng Panginoon makagawa ng bagay para mapabago ang loob ng ibang tao sa pamamagitan niya. “Simula noong ibinigay ko ang buhay ko sa Panginoon, ang aking pananaw ay nagbago,” sabi ni Davidson. “Nagsimula ko ng isipin kung paano ko gagamitin ang aking tungkulin para maibahagi ang magandang balita. Ipinapakita ng Panginoon sa akin na ang aking karera ay kakaunti ang para sa akin at lahat ay para sa Kanya.” Mula noong bumalik sa Japan, ang kahusayan ng defensive midfielder na ito ay walang pagbabago. Ginugol niya ang tatlong panahon sa pangalawang dibisyon ng Japan’s J League at tinulungan ang kanyang pangkat na itaas ang ranggo nila sa unang division noong 2004. Ang mga sumunod na anim na panahon niya ay nagugol sa J. League Division 1 at ang sumunod na dalawang panahon ay sa mababang dibisyon at kasama na rito ang panandaliang laro sa America kasama ng Carolina Railhawks. Ginugol ang buong taong 2012 at 2013 sa paglalaro para sa Vancouver Whitecaps sa Major League Soccer. Pinagkalooban siya ng Whitecaps FC’s “Jock MacDonald Unsung Hero Award” noong 2012 para sa palagian niyang pagdalo sa palaruan. “Ang pagsilbihan ang Panginoon sa pamamagitan ng palakasan ay mahalaga sa akin.” sabi ni Davidson. Nagsisikap kong ibahagi ang Magandang Balita, magsilbi sa iba at maging isang halimbawa. Hindi palaging madali kung ang laban ay nagiging mahigpit, bagama’t sa ganoong pagkakataon humihingi ako ng kapatawaran at nagdarasal sa Panginoon na nasa ay gamitin ako. Ang aking karera ay nasa Kanyang mga kamay at hahangarin kong sundin Siya saan man ako makakarating, kahit na ito ay walang kinalaman sa soccer--- dahil ang layunin ko sa buhay ay Etsuo Hara/Getty Images


Ang Kilusan ng Isport ay natulungan ang mga manlalaro na Mabuhay, Ilarawan at Ibahagi ang mga kasaysayan nila sa pananalig sa loob ng Mundo ng Isport. ang pagsilbihan Siya.” Sa panahong walang laro, si Davidson ay binabahagi ang magandang balita sa pamamagitan ng sports ministry group

at ngayon ibang-iba na ang kanyang puso’t diwa kaysa sa mga nakalipas na labing limang taon. Hindi na kanya ang kanyang buhay, pag-aari na ng Panginoon. Ang soccer ay hindi na rin kanya; ito ay pag-aari na rin ng Panginoon dalawang bagay na isunuko na payapa. “Si Joseph mula sa Lupang Tipan ng Biblia ay karaniwang bata na hinubog ng Panginoon na maging isang dakilang tao.” sabi ni Davidson. “Kahit noong ang kanyang mga kapatid na lalaki ay ipinagbili siya sa pagkabusabos at ang kanyang hinaharap ay nagmukhang maselan, si Joseph ay naghangad pa ring mabuhay para sa kanyang Panginoon. At noong siya ay pinagpala ng kahangahangang kapangyarihan at lakas, ginamit niya ang kanyang tungkulin para tulungan ang mga tao at tuparin ang gawa ng Panginoon.” 17



Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.