PAGTATALAGA NG MGA OPISYALES

Page 1

ARM CAPTAIN: (Sasaludo) Kagalanggalang na Chancellor, ang mga bagong halal na pinuno ay

nakapag­ayos na at handa na para sa pagtatalaga.

COLUMBIAN SQUIRES LUZON JURISDICTION PAGTATALAGA NG MGA OPISYALES NG COLUMBIAN SQUIRES

OUTGOING CHIEF SQUIRE (OCS): (Pangwakas na Pananalita). Mga Kapitan. (Lalapit ang mga outgoing Captains, Arm & Pole sa harap ng OCS at sasaludo ), isalin na ninyo ang inyong simbulo (Jewel) sa mga bagong halal na kapitan. (About face ang 2 Kapitan at tatawagin ang mga bagong halal na kapitan). OUTGOING POLE CAPTAIN:

Mga bagong halal na Kapitan. (Lalapit ang incoming Arm & Pole Captains at sasaludo, isasalin ang Jewels at magpapalit ng puesto at aalis na ang outgoing captains papunta sa designated chairs).

OUTGOING CHIEF SQUIRE:

Mga Kapitan, sunduin ninyo ang ating Kagalanggalang na Chancellor at gabayan ninyo siya para sa pagtatalaga ng mga bagong pinuno. (Susunduin ng mga Kapitan ang Chancellor mula sa anti­chamber at ihaharap sa OCS. Pagkatapos ng saluduhan, papalit sa puesto ng Chief Squire ang Chancellor).

CHANCELLOR: Mga Kapitan (Tatayo at sasaludo ang mga Kapitan), ayusin na ninyo ang mga bagong

halal na pinuno ayon sa kanilang pagkakasunod­sunod at dalhin ninyo sila sa ating pulungan at sabihan ninyo sa akin kung ang lahat ay handa na para sa kanilang panunumpa. (Sasaludo ang mga kapitan at sila’y lalabas ng Chamber papuntang Anti­Chanber. Ilang saglit ay babalik ang Arm Captain para mag­ulat).

CHANCELLOR:

Kapitan, dalhin sila sa ating harapan. (Pagbalik ng Arm Captain sa anti­chamber ay papalakpak siya ng pitong beses at sasagutin ito ng pito ring palakpak mula sa Pole Captain at saka bubuksan ang pintuan).

POLE CAPTAIN:

Mga pinuno. . . Handan na! Lakad pasulong, Kad! (Pagkalabas ay saka isasara ng Arm Capatin ang pintuan). (Mangunguna ang Pole Captain sa pila hanggang ang lahat ay mapagitna na nakaharap sa Chancellor . . . in Column)

CHANCELLOR:

Columbian Squires, hayaan ninyong italaga ko ang inyong mga bagong halal na opisyales. Pero, bago ang lahat, nais kong batiin ang mga opisyales na nagtanod sa kani­kanilang himpilan nitong nakaraang taon at pasalamatan sila sa pamamagitan ng konseho dahilan sa kanilang matagumpay at walang sawang paglilingkod. Sa inyong lahat na mga bagong pinuno, na napiling mamahala sa mga gawain ng Columbian Squires (Pangalan ng Circle) Circle (bilang) sa susunod na taon, isang taos­pusong pagbati. Bilang kumakatawan sa Knights of Columbus (Pangalan ng Council) Council (bilang), ipinaaabot ko ang pagbati mula sa samahan at nais kong ihatid sa inyo sa ngalan nito ang aming matapat na hangarin para sa isang matagumpay, masaya at mabungang taon. Bilang pinuno ng sirkulo, nahirang kayo dahil sa inyong katangi­tanging kuwalipikasyon na ipinakita sa pagganap ng mga tungkuling inyong haharapin. Ang inyong pagiging aktibo, pagkamasigasig at pagkamatapat sa mga prinsipyo at pagunlad ng Columbian Squires ang nagbunsod sa inyo sa isipan ng inyong isipan ng inyong mga kapatid na naggawad sa inyo ng mataas na karangalan upang kayo ay pagkatiwalaan ng pamamahala at pamamalakad ng sirkulo sa darating na taon. Ngunit kaalinsabay ng nagkilalang ito na isang


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.