Kabayan Weekly - UAE

Page 24

24

June 12 - June 18, 2011 www.kabayanweekly.com

Chikkang Artista

I’ve had enough: Jinkee, biological mom ni

Jennylyn Mercado

DUBAI, United Arab Emirates -Nabulabog ang mundo ng showbiz ng biglang lumantad ang biological mother ng singer-actress na si Jennylyn Mercado. Maging ang mga kabayan ng UAE ay nabigla ng malaman nila na sa Dubai pala nakatira ang ina ni Jennylyn na may palayaw na Jinkee. Ani Irene Soriano, ”Nagulat ako kasi taga Dubai pala ang nanay ni Jennylyn na nabalitang nag abandona sa kanya. At ang ganda at sexy niya ng makita ko. Alam mong nanay siya ni Jennylyn dahil me pagkahawig sila kahit mas maganda siya, at mukhang mayaman.” Dagdag pa ni Irene “Naawa lang ako kasi makikita mo sa mata niya ang lungkot at galit sa boses niya lalo na ng mapag usapan ang nabasa daw niyang Yes Magazine June issue.” Si Irene ay pinalad na nakita si Jinkee ng ito ay nakipag kita kay Dubai Senior Correspondent ng The Filipino Channel Ang ABSCBN Middle East News Bureau na si Rachel Salinel at contributor din ng Kabayan Weekly. Office assistant si Irene sa opisinang pinag interviewhan ni Rachel. Isa siya sa witness ng ipakita lahat ni Jinkee ang mga remittance receipts, litrato at text at Blackberry messages ni Jennylyn sa ina bago na publish ang magazine. Pati ang huling mensahe nito ke Jinkee ng tinatanong niya si Jennylyn kung bakit me lumabas na namang bago sa kwento patungkol sa kanya. “Hi Mommy, I’m in a taping. I’ll call you in a bit,” sagot ni Jennylyn sa Blackberry message. Humarap sa media si Jinkee para malinis ang pangalan niya. “I have been quiet for many years. Letting them get away with so much indignity towards me. I’ve had enough,” ang galit na pasabi nito. “So I have asked Jennylyn what have you done all those years that I have been quiet despite the fact that siniraan nila ako para sumikat lang sila,” dagdag nito. Una niyang nilinaw na hindi niya inabandona si Jennylyn. Ito ay kailangan niyang iwan sa kaibigan at isang maid para sa bata dahil

(Mula sa kaliwa) Roger, asawa ni Lydia, Lydia, Jennylyn, asawa ni Jinkee (tinakpan sa kahilingan ni Jinkee) ng 17 taon, Jinkee

iniwan siya ng biological father ni Jennylyn na si Noli Pineda matapos malamang siya ay nabuntis nito. “I was a single mom. I have to leave her in order to earn money to support us,” aniya. Pero para ke Noli sinabi niya na hindi tamang sabihing asawa niya ito . “No, never married to Noli Pineda. He left me when I got pregnant with Jennylyn. And that was the last time I saw him,” dagdag niya. Paliwanag ni Jinkee na ang kaibigan niya ang nag pasa ke Lydia matapos silang nag karoon ng tampuhan. Mula daw noon ay hindi na pinabawi ni Lydia si Jennylyn hangat ito ay nag artista at dumami na ang intriga at hidwaan sa dalawa na nag resulta para ilayo ng asawang Briton si Jinkee sa pamilya. Ito raw ay para maprotektahan siya sa paninira at masamang banta sa buhay niya at maging sa anak kung pilit kunin ni Jinkee si Jennylyn sa Pilipinas. “There was time that I have stopped communicating because Lydia wanted more money she had actually called my husband back in Europe trying to discredit me from my husband, siniraan

niya ako sa sarili kong asawa and I know her reason for it because she wanted to extort more money so my husband decided actually to close the door to this people, so I stopped communicating,” paliwanag niya. Nagsimula nalang sila muling magcommunicate nitong Enero hangang matapos lumabas ang article sa magazine. Siya ay nagtrabaho sa sales at hindi bilang domestic helper or hostess gaya ng mga balitang lumabas patungkol sa kanya. Pinabulaan din niya na kasal siya ke Noli at meron siyang ibang naging asawa maliban sa asawa niyang mayamang Briton sa Dubai. “I have been married with this loving man for 17 years,” sabi ni Jinkee. Nilinaw din niyang hindi niya pinaampon sa tumatayong nanay nanayang si Lydia Mercado si Jennylyn. “No, not official. There is no

agreement between me and Lydia. She did not even try officially na ampunin si Jenny. No adoption paper and it does not exist at all,” sabi niya. Hindi rin tutuo sabi niya na hindi niya pinakilala sa asawang Briton si Jennylyn ng umuwi siya sa Plilipinas ng 1999. “How could you flew from UK to the Philippines without even talking to your daughter. I actually went home to pay her school fees, absolutely to Lydia,” galit na sabi niya sabay pakita ng litrato ng pagtitipon na iyon at resibo ng educational plan na binigay ke Lydia. Sabi niya ng may hinanakit sa boses ”I felt betrayed and used and manipulated because after all these time I have actually provided her with financial support with Lydia yet iba yung lumalabas sabi I had abandoned her.” Sa sama ng loob nasabi niya na binilhan pa niya ng sasakyan

win UAE movie tickets at

si Jennylyn ng nagsabi si Lydia na walang masakyan pag pasok sa iskwelahan ang bata. Maging ang regalo na isang bagong bagong modelong Ipad na gusto ni Jennylyn sa kanyang kaarawan ay pinadala kamakailan dahil sa pagmamahal sa anak na artista. At madidinig ang galit sa kanyang boses ng mapag usapan ang paulit ulit daw na pag sisinungaling sa pagkakaroon niya ng isa pang asawa sa Pilipinas na siya pang ng bugbog ke Jennylyn. “ Who is this guy? I was a single mom. I can’t relate to this question. You have to find this guy. Where is this guy and please find me this guy.” Hindi rin siya nasabihan na si Jennylyn ay nabugbog at nalaman nalang niya ito ng mapanood niya sa telebisyon ng ang anak ay artista na. “Wala!”ang pagalit na sagot ng tinanong siya kung me balita bang dumating sa kanya sa pambubogbog sa anak niya. Sa puntong ito nagsalita na siya ke Jennylyn at kay Lydia.“They are actually making a lot of money out of my reputation. They have used me and actually ruined me para sumikat sila. They can still pursue a career or continue being an actress, still be famous without making a drama out of the crisis without ruining some people lives. You can still do that,” aniya. Sagot naman ng manager ni Jennylyn na si Becky Aguila sa Star Patrol ng AbsCbn News, nalulungkot daw na makitang ipinagtatanggol ng isang ina ang kanyang sarili sa rebelasyon ng sariling anak. Na ang pag tanggi umano ni Jinkee ng pananakit sa anak ay hindi Gawain ng isang isa at hindi umano nararapat si Jinkee sa isang mabuting anak na tulad ni Jennylyn. Panghuling salita ni Jinkee sa lahat ng ito ay “I just could not believe they have done it again making money out of my reputation. They can’t just do this to me. And they will never get away from it.”


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.