Kabayan Weekly - UAE

Page 17

June 12 - June 18, 2011 www.kabayanweekly.com

Lifestyle

K

apag sinabing Boracay, ang unang pumapasok sa isipan natin ay ang tag-init at bakasyon. Hindi mawawala sa pagpa-plano ng outing ang destinasyon na sikat sa mga pinong-pino at mapuputing buhangin at asul na dagat ng mga beaches ng tanyag na isla. Isa ito sa mga tinaguriang pinakamaganda at mahalagang pang-akit ng turismo ng ating bayan sa 21st century. Karagdagan pa sa mga iba’t-ibang handog na pang-akit nito sa mga beach goers and sports enthusiasts ay ang mga masasayang parties dito sa gabi. Ganyan kapag summer sa Pinas. Kung kaya’t hindi nakapagtataka na ito rin ang pangalan ng pinakabago at pinakamalaking night club para sa mga Pinoy dito sa Dubai. Sabi nga ng Boracay club manager na si William Penaredondo, “Malapit kasi ang Boracay at ang mga Filipinos sa puso ng general manager namin na si Mr. Jahng, isang Koreano. Gusto nýa, mayroong sariling party place ang mga Pinoy dito sa Dubai.” Matatagpuan sa 6th floor ng

bagong bukas na Asiana hotel sa Deira, mayroon itong tatlong palapag. Sa sukat na 10,000 sq. ft., ito ay may seating capacity na hanggang 400 na katao. Ang Boracay ay mayroong maluwag na lugar, mataas at malaking stage para sa banda at mga performers, mga iba’t-ibang acts na tulad ng heavy metal, R n’B at comedy. Idagdag mo pa dito ang mga giant screens at ang mga wellplaced na ilaw. Malaki rin ang dance floor kaya’t kahit na nga marami ang nagsasayaw, makakahinga ka pa rin. Kung pagod ka na at isa ka sa mga ma-swerteng may table, masarap magpahinga sa malambot na upuan na hindi small ang size. Siyempre, nakakatuwa rin ang menu na puno ng mga pagkaing pinoy na competitive ang presyo at masarap. Kung gusto mo naman ng medyo tahimik at exclusive, mayroon din silang VIP lounge. Maganda rin ang serbisyo, magalang at magiliw ang mga nagsisilbi. Sa totoo lang, medyo may oras na nakalimutan kong wala ako sa Pinas. Hindi nga nakapagtataka na alas-otso pa lamang ng gabi ay puno na ito sa loob at marami pa

ang mga naghihintay sa labas, nagnanais na makapasok. At kahit marami rin ang ibang lahi na ngapupunta doon, hindi ka magaalala sa safety mo dahil may mga bouncers na masipag na umiikot at nagbabantay. Kung kaya’t tunay ngang Pinoy party venue ang nasabing lugar. Dagdag pa nga ni William, “Aside from being a party venue, we also give back to the community; Nag-ho-host din kami ng mga charity events at iba’tiba pang mga functions. Marami pa kaming mga na naka-line up para sa mga kababayan natin.” Nakakatuwa lang talaga na may ganitong lugar dito sa Dubai na para sa atin. Napangiti na lamang ako sa aking nakita nang pumunta ako noong Huwebes; Naisip ko, finally, kinikilala na ang ating community as a viable market ng iba’t-ibang mga industriya dito. And it’s about time. After all, lagi ko ngang sinasabi sa aking mga kaibigan, “We Filipinos are simple and never complicated. We work hard, so we play hard. That’s how we live.” At umpisa pa lang ýan.

Boracay in Dubai K-Factor Ni Kabayan Khadijah Sali

17


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.