Kabayan Weekly - UAE

Page 1

Russian spacecraft blasts off

ABU DHABI Pinoy Bazaar Isinulong

▶5

WORLD

▶29

SPORTS Dubai Pinoy Expats Tennis holds tourney

▶26

BUSINESS Airport projects cost US$90B

EVENTS Pinoys Got Talent

▶30

VOLUME 1 No.5

Website: www.kabayanweekly.com | Email: info@kabayanweekly.com

June 12 - June 18, 2011

Tel. No.: (04) 234-4888 | 055 KABAYAN (5222926)

tuwing linggo | dhs2

PAUTANG PARA SA OFW APRUBADO NG GOBYERNO MANILA – Aprubado na sa Kongreso ang House Bill 4539 na magtatatag sa isang credit assistance program para sa mga Overseas Filipino workers (OFW). Ang House Bill 4539 o ang “Overseas Workers Credit Assistance Act of 2011” ay magbibigay ng sapat na credit assistance o pautang sa mga OFWs na may lehitimong kontrata mula sa kanilang mga recruitment agency na accredited naman ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Sa ilalim ng naturang batas ay maaaring makakuha ng loan ng hindi hihigit sa P50,000 ang isang OFW mula sa Overseas Worker and Welfare Administration (OWWA) upang makatulong sa kanilang pamilya sa unang mga buwan ng kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa. Ito’y upang magamit rin sa pambayad ng iba pang mga gastusin sa recruitment agency o pamasahe sa eroplano. Maaari itong bayaran sa loob ng isang taon sa mga accredited banks. “This is in recognition of the million and one sacrifices that they have to endure in the search for social and economic redemption which they have failed to achieve at home,’” ani Rep. Juan Edgardo Angara (Lone District, Aurora), isa sa may-akda ng House Bill 4539. Tinawag naman ni Rep. Augusto Syjuco (2nd District, Iloilo), na kasama sa nagpasa ng batas, ang mga OFWs na “Bagong Bayani” dahil sa kanilang mga sakripisyo at pagsisikap sa ibang bansa upang

▶2

▶14

Daan-daang Pilipino ang nakipagdiwang sa selebrasyon ng Ika-113 araw ng Kalayaan na inorganisa ng Pilipino Community noong Hunyo 10, 2011, sa Al Shabab Sports Complex sa Deira,Dubai, UAE.

P2-B pondong pang-negosyo, inilaan sa mga umuuwing OFW MANILA – Dalawang bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan bilang pondo na maaring magamit ng mga umuuwing overseas Filipino workers (OFW) upang sila’y mahimok na manatili na lamang sa bansa at pagtuunan na lamang ang sariling negosyo. Bahagi ito ng “2 Billion Pesos Reintegration Program” na inilunsad ng pamahalaang Aquino sa kauna-unahang National Congress of OFWs and Families na isinagawa sa SMX Convention Center sa Mall of Asia sa Pasay City. Nabatid na ang programa ay joint venture ng Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Land Bank of the Philippines (LBP) at

▶2

Ika-113 Araw ng Kalayaan tagumpay na ipinagdiwang DUBAI – Isang magarbo, masaya at puno ng pagkakaisa ang pagdiriwang ng ika-113 Araw ng Kalayaan ng mga Pilipino sa Dubai at Northern Emirates noong Biyernes, Hunyo 10. Sa pangunguna ng Filipino Community o FilCom, samu’t saring aktibidades ang isinagawa sa loob ng Al Shabab Sports Complex sa Deira, na dinaluhan naman ng libolibong mga kabayan. Unang dinagsa ang ginanap na jobs fair sa buong umaga, kung saan

nagbigay ng pagkakataong mabigyan ng trabaho ang mga naghahanap ng trabaho, sa tulong ng mga kumpanyang nakibahagi sa naturang selebrasyon. Naaliw din ang mga nagsipagdalo sa mga naggagandahan at masasarap na paninda sa ginawang mini bazaar. Marami rin ang nabigyan ng pagkakataong makinabang sa mga libreng serbisyong ipinamahagi ng mga organisasyong kasapi ng FilCom, gaya ng libreng gupit, seminar sa paggawa

ng pandesal, kurso sa larong tennis, konsultasyon sa pananalapi, at marami pang iba. Nagkaisa naman ang lahat sa isinagawa ng sabay-sabay na pagdarasal at saglit munang isinantabi ang kanilang iba’t-ibang relihiyon at paniniwala para hilingin ang kaayusan at katiwasayan ng buhay ng lahat ng Pilipino hindi lamang dito sa UAE kundi sa Pilipinas at maging sa iba pang bahagi ng mundo. Isinabay

▶28

Consul General Benito Valeriano


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.