DR. JOSE RIZAL: The Continuing Relevance today

Page 9

VOLUME 1, ISSUE 1

Page 9

Ang Pagtatapos Paglilitis at pagbaril sa Luneta

Ignorance is servitude, because as a man thinks, so he is; a man who does not think for himself and allowed himself to be guided by the thought of another is like the beast led by a halter.-(Letter to the Young Women of Malolos)

Pagkabalik sa Maynila noong Nobyembre 3, 1896, inilipat si Rizal sa isang maliit na kulungan sa Fort Santiago. Ang kanyang kapatid na si Paciano ay labis na pinahirapan ng mga Espanyol upang pirmahan ang pahayag na si Rizal ay may kaugnayan sa Katipunan. Ngunit hindi ito pinirmahan ni Paciano kahit lubusan na ang pagpapahirap sa kanya. Pagkaraan ng ilang araw ng pagmamaltrato kay Paciano, pinauwi na lamang siya ng mga Espanyol dahil sa tinamong pinsala. Subalit ang lahat ng ito ay hindi alam ni Rizal. Hinding-hindi inaprubahan ni Rizal ang rebelyon kung kaya’t nagbigay siya ng pahayag sa mga Pilipinong pinaniwala na siya ang pinuno ng mga Katipunero. Nagsimula ang kanyang paglilitis noong Disyembre 3, 1896 sa Cuartel de Espana. Si Luis Taviel de Andrade ang kanyang naging tagapagtanggol.

Ang pangunahing sakdal kay Rizal ay “the principal organizer and the living soul of the Filipino insurrection, the founder of societies, periodicals and books dedicated to fermenting and propagating ideas of rebellion, as proven by the following declarations.” Labinglimang dokumento ang ipinakita laban kay Rizal, at sampung tao ang tumestigo laban sa kanya ngunit ang mga ito ay hindi sapat o malakas para ipanglaban sa kanya. Dahil hindi malakas ang ebidensya laban sa kanya, mataas ang pag-asa niyang manalo sa kaso. Ngunit noong Disyembre 13, 1896, inalis sa posisyon si GobernadorHeneral Ramon Blaco, na naging kaibigan ni Rizal, at ipinalit si Gobernador-Heneral Camilo Polavieja. Nagpunyagi ang mga

kalaban ni Rizal sapagkat alam nilang wala nang lusot si Rizal. Inakusahan ni Polavieja si Rizal ng “Dr. Rizal, with the publication of his works Noli Me Tangere, Annotations to the History of the Philippines by Morga, El Filibusterismo, and endless pamphlets, proclamations and printings of all kinds, against religion, the friars and the Spanish authorities, has been inculcating in the Philippines the ostensible idea of expelling the religious orders, as the more or less secret method of obtaining the independence of this territory.” Natapos ang paglilitis ng parusahan si Rizal ng kamatayan para sa “crime of having founded illicit associations and for having incited and promoted rebellion.” Inatas niyang barilin si Rizal sa Bagumbayan sa Disyembre 30. Nagpaalam kay Rizal ang kanyang mga mahal sa buhay gabi bago siya bitayin. Ibinigay niya kay Trinidad ang kanyang lampara kung saan nakalagay ang “Mi Ultimo Adios”. Ipagpapatuloy sa pahinang 10

9


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.