Daloy Kayumanggi 2012 April

Page 3

Daloy Kayumanggi

3

Phil News

Impormasyon ng Pilipino

Kampanya Laban sa Paninigarilyo Lalong Pinaigting

N

a g k a i s a a n g M e t ro p o l i t a n M a n i l a Development Authority (MMDA) at ang 17 lokal na pamahalaan ng Metro Manila na paigtingin ang kampanya laban sa mga paninigarilyo. Ipagpapatuloy ng MMDA kasama ng 17 na lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang kani lang kampanya sa a ntismoking sa mga lugar na i p i n a g b a b a w a l n g To b a c c o Regulation Act of 2003. May kaniya-kaniya na ring

ibinabang kautusan at programa ang ibang lokal na pamahalaan sa Metro Manila upang maisulong ang programang anti-smoking. Ang pamahalaang lungsod ng Parañaque ay nagpalabas ng implementing guidelines sa pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong sambahang lugar, mga museo, silid-aklatan, sinehan, mga auditorium, koliseum, palengke, groceries at iba pang tindahan pati sa mga pampublikong kubeta. Nagpalabas din ng ordinansa

© public photo ang lungsod ng Quezon sa pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar ng lungsod. Kamakailan ay nagdaos ng “One Voice Against Tobacco Smoke: Tsugi Ka Sa Yosi" na konsyerto ang Marikina City upang mahikayat ang mga kabataan na iwasan ang

paninigarilyo.Ang lungsod ng Pasig at Mandaluyong sa pakikipagtulungan ng Department of Health, Philippine Sports Commission at MMDA ay dalawang beses nagsagawa ng konsyertong “Kick the Habit Campaign: Run & Love a Healthy Lifestyle” na tinatampukan ng mga sikat na artista at nagsusulong din ng “antismoking.” Matatandaang noong nakaraang taon ay nagbaba ng temporary restraining order

(TRO) si Mandaluyong Regional Trial Court Judge Carlos Valenzuela na pinatitigil ang implementasyon ng MMDA sa kanilang malawakang kampanya laban sa paninigarilyo na sakop hanggang mga bangketa. Sa kaniyang TRO, ipinatigil ang panghuhuli ng mga naninigarilyo sa mga pangunahin at sekondaryong kalsada sa metropolis at sa iba pang lugar na hindi sakop ng Republic Act No. 9211 o Tobacco Regulation Act of 2003.

Seguridad ng Publiko Siniguro sa Motorcycle Helmet Law

M © blogspot

209 OFWS Nabigyan ng Puhonan Pangnegosyo

N

aglaan ng tulong pinansyal ang pamahalaan ng lalawigan ng Batangas para sa mga OFWs na apektado ng kaguluhan sa ibang bansa upang magkaroon sila ng pagkikitaan habang wala pa silang nakikitang ibang trabaho. May 209 overseas Filipino workers (OFWS) mula sa 13 bansa ang pinagkalooban ng P10,000 bawat isa upang maging panimulang capital sa kanilang napiling pansamantalang hanapbuhay tulad ng LPG retail, pag-aalaga ng baboy, pagtatayo ng sari-sari store at maliit na kainan. Sa pamamagitan ng eye opener and business plan orientation workshop ng Department of Trade and Industry (DTI) Batangas, nabigyan ang mga OFWs at kanilang pamilya ng mga ideya ukol sa maliliit na

uling pinaigting ng pamahalaan Pres. Noynoy Aquino ang kampanya ng pagpapalaganap ng impormasyon na naglalayon sa mas ligtas na paggamit ng motorsiklo. Isinusulong ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng Republic Act No. 10054 o mas kilala sa Motorcycle Helmet Act of 2009 na nagtatakda sa paggamit ng t a m a n g h e l m e t s a pagmomotorsiklo. Ito ay para mapa-igting ang seguridad ng publiko lalo na ng mga drayber ng motorsiklo at ang

Small Medium Enterprises ng Pilipinas Pinalawak

I © directfp.co.uk negosyong maaaring itayo habang wala pang nakikitang ibang trabaho. May pinakamataas na bilang ng mga repatriated OFWS na natulungan ay mula sa Batangas City, Bauan at Rosario. Ayon kay Ana Pasia, isa sa benepisaryo ng tulong puhunan, nagpapasalamat siya sapagkat kahit maliit na negosyo ay maaari niyang maitaguyod ang kanyang p a m i l y a h a b a n g naghahanap pa ng ibang mapapasukang trabaho ang kanyang asawa. Dagdag pa ni Pasia, sana lahat ng mapapagkalooban ay gamitin sa ikauunlad ng sarili ang naturang tulong puhunan.

mga angkas nito. Ang naaakmang helmet ay kailangang aprubado at dumaan sa inspeksiyon ng Department of Trade and Industry DTI kaakibat ang Philippine Standard Mark o Import Commodity Clearance (ICC). Ang pagbebenta ng motorsiklo ay may kaukulan ding patakaran. Sila ay inoobliga sa pamamahagi ng dekalidad na helmet sa mga mamimili. Ang sino mang lumabag sa patakarang ito ay pagmumultahin ng di bababa sa P10,000 at hindi tataas ng P20,000, ayon sa Sec. 5 ng RA 10054.

nilunsad kamakailan ng Department of Science and Te c h n o l o g y ( D O S T ) a n g p ro g r a m a n g M a n u f a c t u r i n g Productivity Extension for Export Promotion na isang pambansang programang upang tulungang palakihin ang produksyon ng mga small and medium enterprises o SMEs ng kahit 30 porsiyento sa pamamagitan ng house productivity consultancy. A y o n s a D O S T, a n g m g a kabilang sa priority sectors ay ang Agro and Food Processing, Furniture, Gifts and Holiday Decors (GHD), Information Technology, Materials Science, Metals and Engineering, at Micro Electronics. Maliban sa pagpapakilala ng productivity strategies sa iba’t ibang kumpanya sa export sector at mga potensyal na exporters, ang programa din ay magbibigay ng productivity improvement measures para sa madaliang pagpapatupad at pag umpisa ng iba’t ibang klase ng tulong para mabuo itong mga manufacturing sectors.

Ang productivity improvement ay naka pako sa mga lugar tulad ng Capacity Utilization, Product Design and Packaging, Layout, Production Planning and Control, Materials Management System etc. Upang makakuha ng MPEX program, ang mga benepisyaryo ay maaring ipakilala ng industry associations, DTI, o kaya ay mag aplay na lang ng direkta sa DOST regional office. Ang MPEX consultants ay maari ding magrekomenda ng mga kumpanya para sa karagdagan ng programa. Ang mga kumpanya ay sasalain ng DOST program coordinator, kasama ang team leader ng mga consultants. Sa ngayon, ang total na assets ng firms na tutulungan para sa micro-enterprise ay naglalaro ng hanggang P3 milyon, habang yaong P3,000,001 hanggang P15 milyon para sa small enterprise; at P15,000,000 hanggang P100 milyon para sa medium enterprise.

Para naman sa mga lumabag sa pagsuot ng akmang helmet sa mga motorista, sila ay pagmumultahin ng P1,500 sa unang paglabag, P3,000 sa pangalawang paglabag, P5,000 para sa pangatlong paglabag at P10,000 at pagkumpiska ng lisensiya sa mga susunod pang paglabag. Ito rin ay ipatutupad para sa mga angkas ng motorsiklo na may helmet na walang PS Mark o ICC sticker. Ang programang ito ay isang gabay at paalala para sa ligtas at masayang pagmomotorsiklo.

Special Calamity Leave Ibibigay sa mga Govt Employee

B

atay sa inilabas na CSC Resolution No. 1200289 kamakailan binibigyan ng limang araw na special calamity leave ang mga empleyado sa mga lugar na opisyal na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity dahil naapektuhan ng pagbaha, lindol, landslide sunog at iba pang mga natural na kalamidad. Ayon kay Venus D.

Ondoy Director II ng Civil Service

Commission -12, ang nasabing special calamity leave ay naiiba at

hindi ibabawas sa leave credits ng mga empleyado.Aniya pwedeng

magamit ang nasabing benipisyo ng mga apektado kung sila ay na-

"stranded," maglilinis o

magsasaayos ng kanilang tahanan at kung mayroong miyembro ng

pamilya na nasaktan dahil sa kalamidad.

Maaring magamit ang special

calamity leave sa loob ng 30 days mula sa unang araw ng

pagdeklara ng kalamidad ng kanilang lugar.


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.