Daloy Kayumanggi 2012 April

Page 19

Daloy Kayumanggi Jokes BOY1: isosoli ko tong nabili kong DVD pare. BOY2: bakit pare? anong problema? BOY1: Walang picture, tsaka sound. Sayang. Suspense thriller pa yata to. Tsk, tsk... BOY2: Ano bang title nyan? BOY1: "The Lens Cleaner"

akin Cancer. GF: Ah, ganun? Sa 'kin Almoranas!

Beauty Contest Emcee: What’s the big problem facing the country today? Contestant: Drugs Emcee: Very good, why do you say that? Contestant: Ang mahal kasi eh!

MATAPOBRE

Head Operation

INA: Anak tawagan mo nga tatay mo, tanungin mo bakit wala pa siya hanggang ngayon. ANAK: Sige Nay! . . .Nay, babae naman ang sumagot. INA: Lintik! Sabi ko na nga, may tinatago yang tatay mo, eh! Anong sabi? ANAK: "You only have one peso in your account..." Hindi ko na tinapos, Nay, mukhang matapobre, eh!

Pasyente: Dok, bakit po ganito ang operasyon as ulo ko? Halos kita na utak ko. Doctor: Ok lang yan, yan ang tinatawag na open-minded.

HOROSCOPE May magkasintahan nagsa-star gazing‌ BF: Honey, anong zodiac sign mo? GF: Zodiac sign? Ano yon? BF: Yung Horoscope mo. Gaya ko, sa

19

Jokes

Impormasyon ng Pilipino

Sinking Boat Lulubog na ang barko... PARI: San Pedro, San Jose ... MADRE: Sta. Fe, Sta. Lucia, Sta. Clara... INTSIK: Lubog na barko! Tawag pa kayo pasahero!

Pumasa Caloy: Tay, di ba sabi mo bibigyan mo ko ng P100 pag pumasa ako sa Math?

Tatay: Oo. Bakit, pumasa ka ba? Caloy: Gud news, tay! Di ka na gagastos ng P100.

Birthday Rodrigo: Bakit bad trip ka? Harry: Nagtampo sa 'kin ang utol ko. Rodrigo: Bakit naman? Harry: Nakalimutan ko kasi ang birthday niya. Rodrigo: 'Yun lang? Anong masama run? Harry: Ang masama roon... twins kami! Twins!

Sugar GMA: Ano bang hinahanap mo dyan sa 3 in 1 coffee mo at kanina ka pa silip nang silip dyan? Erap: Hinahanap ko yung libreng asukal. May nakasulat kasi na "Sugarfree."

Kambal Doc: Kambal anak mo. Sister mo nagbigay ng names Ina: Eh tanga yon Doc, ano pinangalan sa mga anak ko? Doc: sa girl, DENICE.

Ina: aba, ok un! eh sa boy? Doc: DENEPHEW

AIDS Doc: Iho, bakit mo naman sinapak yong lalaki kanina? Boy: e doc, nakita niya na ninenerbyos ako ako sa resulta ng AIDS test! tapos sasabihin pa niya... THINK POSITIVE pare!

E NG L I S H TAG AL O G DICTIONARY 1) Contemplate - kulang ang mga pinggan 2) Punctuation - pera para maka-enrol 3) Ice Buko - nagtatanong kung ayos na ang buhok 4) Tenacious - sapatos na pang tennis 5) Calculator - tawagan kita mamaya 6) Devastation - sakayan ng bus 7) Statue - Ikaw ba yan? 8) Tissue - Ikaw nga! 9) Predicate - Pakawalan mo ang pusa

HOROSCOPE ARIES Mar. 21~Abr. 19

May sorpresang regalong matatanggap. Ngayon ang panahon para baguhin ang pamamaraan at estilo sa pakikisama sa mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 9-1929-39 at gold.

TAURUS Abr. 20~May. 20

Ang malawak na pangunawa at malakas na disiplina sa sarili ang magpapabuti ng sitwasyon sa araw na ito. Mapagtitibay ang magandang relasyon sa tahanan. May maliit na suliraning dapat bigyang-pansin. Lucky numbers at color for the day ang 2-12-32-42 at sapphire blue.

GEMINI May. 21~Hun. 21

Angkin ngayon ang malakas na kaisipan na makatutulong sa paglutas ng isang suliranin na matagal nang bumabagabag sa sarili. Huwag asahan ang anumang tulong mula sa mga kaibigan o kamag-anakan. Lucky numbers at color for the day ang 6-1124-38 at pink.

CANCER Hun. 22~Hul. 22

Mapapasakamay ngayon ang matagal nang minimithing gamit sa bahay. Ngayon ang panahon sa maligayang romansa. Iwasan ang magpalalim ng gabi sa labas. Lucky numbers at color for the day ang 2-10-2032 at purple.

LEO Hul. 23~Ago. 22

Magiging mapalad ang tungkol sa pag-ibig lalo na ang walang pananagutan. Pairalin ang kahinahunan at pagkamaunawain upang maiwasan ang pagtatalo na posibleng humantong sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 1315-21-41 at azure blue.

VIRGO Ago. 23~Set. 23

Ang hinahangad na tagumpay ay maaaring makamtan ngayon. Magiging magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Iwasan ang magpapautang sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 8-11-2336 at turquoise.

LIBRA Set. 24~Okt. 22

Ang kalusugan ang siyang mahalaga ngayon. Iwasan ang maaalat at matatamis na pagkain. Iwasan din ang mabasa ng ulan at mababad ng pawis ang likod. Lucky numbers at color for the day ang 9-1719-40 at orange.

SCORPIO Okt. 24~Nob. 22

Isang lihim ang matutuklasan ngayon na magbibigay ng hinagpis sa buong araw. Kalamayin ang sarili at ang pagpapakahinahon ang dapat pairalin. Iwasan ang makagawa ng eskandalo. Lucky numbers at color for the day ang 10-20-29-35 at yellow.

SAGITTARIUS Nob. 23~Dis. 21

Hindi mo kakailanganin ang tulong ng iba dahil kayangkaya mo ang sitwasyon. Maging handa sa pagtanggap ng magandang pagkakataon sa buhay at maging maagap. Matutupad ang hangarin. Lucky numbers at color for the day ang 12-18-31-37 at emerald green.

CAPRICORN Dis. 22~Enero 19

Magiging maligaya ang romansa. Ang pasok ng pera ay magiging magaan ngayon. Ang mga nabimbing mga transaksyon ay matutuloy ngayon. Ang pakikipagtagpo sa kausap ay maisasakatuparan ng walang sagabal. Lucky numbers at color for the day ang 12-17-33-42 at mustard yellow.

AQUARIUS Ene. 20~Peb. 18

Kalmahin ang sarili at iwasan ang anumang uri ng pagtatalo ngayon. Magiging mainitin ang ulo sa buong maghapon kaya libangin ang sarili sa trabaho. Iwasan ang makipag-date o lumabas kasama ang mga barkada. Lucky numbers at color for the day ang 3-22-33-42 at fuschia.

PISCES Peb. 19~Mar. 20

Talasan ang pakiramdam sa mga tao sa paligid. Malulutas ang anumang suliranin sa sarili bago matapos ang hapon. Posibleng makatanggap ng magandang balita. Lucky numbers at color for the day ang 4-13-23-34 at aquamarine.


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.