ang kalakataw

Page 8

LATHALAIN

kalakataw

k

8

JUNE-OCTOBER 20102010 HUNYO-OKTUBRE

Isang pagsaludo sa mga bayaning

totoo...

Ilang taon na rin ang nakalilipas, sariwa pa sa aking ala-ala ang paaralan na minsan kong naging tahanan, kinalakhan at nilisan. Na sa tuwing madadaanan ko bawat araw at sa paglampas ko sa kalsadang katapat nito ay naaalala ko ang gunita ng mabilis na kahapon, ang gunita ng kamusmusan at ang gunita ng aking kabataan. Ano nga ba ang paaralan? Isa lang ba itong pandayan ng karunungan o isang tahanan sa bawat kabataan na sabik sa bawat kaalaman at kahusayan. Isang tahanan na may ibat ibang mukha ng ina at meron din namang ama na nagsisilbing magulang sa aming madaming magkakapatid; mapa-babae, lalaki, bungi o hindi, makuto man o malinis. Pantay pantay nila kaming tinitingnan, binabahaginan ng pagmamahal at ng wastong kaalaman. Teacher, Maam, Sir; yan ang tawag natin sa kanila, katawagang simple, payak ngunit naglalaman ng kahulugan, natatanging katawagan sa isang ina at ama na ginugol ang kanilang buhay sa araw araw na pakikipagbuno sa alikabok ng tsok, sa panghahabol ng makukulit nilang mga anak, sa pananaway ng maingay, pagagawa ng lesson plan at sa pagkokompyut ng mga markang nakakahilo sa di mabilang na palakol. Yan si Maam, naalala ko tuloy ang mga guro ko sa elementarya, iba’t iba man sila subalit nagtataglay ng kani-kaniyang katangian; may gurong kinatatakutan ng lahat ng mag-aaral; oo aaminin ko isa ako sa mga nasindak sa kanya, yun ba naman sabihin na nangangain s’ya ng bata, kaya pinid ang mga madadaldal na bibig sa klase nya, subalit sa kabila ng katangian n’yang ‘yon nalaman ko na hindi siya nangangain ng bata, isa pala s’yang ina na mapag-aruga, punong-puno ng pagmamahal para sa bawat mag-aaral at anak na hindi man n’ya iniluwal ay inalagaan n’ya ng walang pag-aalinlangan. Meron din naman akong guro na medyo masungit, hidi pala medyo, masungit pala talaga. Na sa bawat kamalian mo ay may kaakibat na pangaral at minsan ay may pitpit na di naman kalakasan sa aming mga kamay. Sila yung mga guro na sa taguktok pa lang ng kanilang takong ay mapapalunok ka sa takot, at mauutal sa pagsagot dahil sa mabilis na pagkabog ng dibdib; ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mali pala ang magalit tayo sa kanila sapagkat ang hinahangad lang nila ang matuwid na landas para sa kanilang mga anak, ang maitama ang kamalian, at maiunat ang baluktot na kaisipan, spagkat bilang ina, wala silang hangad kundi makita ang kanilang mga anak na nasa wasto sa kabila ng kanilang pagdidisiplina. Meron din namang mga guro na mabait at laging nakatawa, sila yung kalimitang

masayang kasama dahil punong-puno ng kwela. Dahil sa kanila, nagkakaroon ng kulay ang apat na sulok ng aming klasrum, ang aming klasrum na minsan kong binunot, nilampaso at nilupagian para sa isang sesyon ng jaks stone. Sila ang mga ina na walang ibang hangad kundi tayo ay pangitiin, sila ang ina na di matatawaran sa pagkalinga sa atin at ang bawat ngiti ng kanilang mag-aaral ay sapat ng sukli sa nakakakuba nilang gampanin sa kanilang propesyon. At syempre mawawala ba naman si Ma’am na mahilig magbigay ng asignatura, proyekto at mga aralin, ang mga guro na walang ibang nais kundi ang matuto at mahasa ang minsan naming mapurol na isipan, dati; naiinis ako sa dami ng asignaturang kailangang aralin, subalit ng mahawakan ko ang isang piraso ng papel na nakalagda ang aking pangalan, nabatid ko na kaniyang kaligayahan ang makita akong nagtatagumpay, na makita nya akong nakasuot ng puting toga, at pinapalakpakan ng lahat. Hindi rin matatwaran si Maam na walang katulad pagdating sa kantahan, na kahit bumabakas na sa aming mga leeg ang ugat sa hirap ng awitin, ay nakangiti kaming sabay sabay na aawit at magpapalakpakan, sabay sabay naming bibigkasin ang bawat nota na may halong kaligayan, na sa bawat awitin naming sabay sabay binibigkas ay kaakibat ang hangarin nilang sabay sabay din naming masabayan ang awit ng buhay na punong puno ng kumpas at pakikipagtagisan. Sila ang mga mukha ng guro, isang ina, isang magulang at isang buhay na bayani ng ating bayan. Na lumipas man ang panahon, pumuti man ang inyong buhok at mangulubot ang inyong mukha, mananatili kayong sariwa sa aking alaala, sa bawat isipan ng makukulit n’yong mag aaral at sa bawat isa na itinuring n’yong anak. At kahit mabura na ang mga tsok, maubos man ang mga paninda, at maubos ang mga tinta mananatili kayong isang haligi, sapagkat ang paaralan ay hindi magiging haligi ng karunungan kung wala kayong sa amin ay nagpagal.

ANG


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.