Ang Daluyan 30th Anniv Issue

Page 1

ABa(3De)KaDaNaPaLa! BALIKAN ANG HAMON, IPAGPATULOY ANG PAGTUGON.

Gabi ng Anibersaryo Ika-13 ng Agosto, 2011 Oracle Hotel and Residences



Mensahe mula sa Daluyan Tatlumpung taon na ang nakakalipas mula nang maitatag ang Bukluran sa loob ng silid 207 ng Bulwagang Palma. Sa tatlong dekada ng pagiging isang ganap na organisasyon nito, tiyak na libu-libong pahina na ng daan-daang mga isyu ng Daluyan ang nasulatan at nalapatan na ng mga artikulong nagsasalaysay tungkol sa buhay Buklod (sa pamamagitan ng mga karanasang naibahagi ng mga Bukid), at naglalahad ng ating mga kaisipan tungkol sa sikolohiyang Pilipino at mga konsepto nito (na siya namang nagbibigay-lakas sa akademikong diskurso natin sa loob ng Buklod). Para sa ilan sa atin, tila kailan lang na nabuo ang Bukluran at napansin ang kahalagahan na makilala ang SP; ang iba naman sa atin, sa hinaharap pa lang nakikita ang buhay bilang ganap na Bukid at natutututo pa lang gamayin ang ating mga prinsipyo at adhikain. Bagamat tayo ay namuhay sa Buklod at naging kasapi sa iba’t ibang mga panahon (bilang isa mang Bukbok, Bukid, o kaya’y Buklet sa kasalukuyan), lahat tayo ay nagdidiwang sapagkat ika-30 na kaarawan na ng ating pinakamamahal na samahan. Siyempre naman, hindi natin ito palalampasin na walang kasiyahan sa ating mga puso. Ngunit hindi nagtatapos sa malaking selebrasyon ngayong gabi ang lahat. Ang ating pagdiriwang ng anibersaryo ng Bukluran ay hindi lamang bunga ng ating pag-alala sa mahaba at mayaman nitong kasaysayan, isa rin itong paalala sa atin na buhay nga ang Buklod: marami pang itong taon na dadaanin, marami pang proyekto na magsisilbing paraan ng pagpapalaganap ng SP ang isasagawa, at marami pang pahina ng Daluyan ang mapupuno ng mga karanasan at bagong kaisipan na siyang magiging daan tungo sa kaunlaran ng organisasyong mahal nating lahat - sama-sama nating isusulat ito para sa kinabukasan ng Bukluran.

Maligayang anibersaryo sa atin, mga ka-Buklod!

Nagmamahal,

Daluyan


Mensahe mula sa mga Tagapayo Mga minamahal naming Bukbok, Bukids, at Buklets, Maligayang anibersaryo sa ating lahat! Siguro nga ang bilis talaga ng panahon, ano? Mukhang sa tema pa lang, dama na nating lahat ang pinaghalong gulat, sopresa at excitement! Aba, oo nga, 30 taon na ang Bukluran! Pero siguro bukod sa gulat at sorpresa, nakakaramdam din tayo, lalo ngayong gabi, ng saya, kilig, nostalgia, pagkasabik. Aba, e, nagkita-kita na naman tayo! Ito nga rin naman kasi ang gabi kung kailan maraming alaalang binabalikan, may ilang taong hahanapin, at sandamakmak na kwentong bubuuin. Ngayong gabi (at buwan ding ito), marahil mainam na lalo pang mangarap para sa susunod pang tatlumpu (at higit pang) taon ng Bukluran. Magandang paalala ang pagkakataong ito na kung sakaling may kakailanganin man ang mga Bukids (tiyak marami ‘yan, hehe) nawa’y maaari nila tayong malapitan kahit kailan. Malaki ang maiaambag nating mga Bukbok para maisakatuparan ang marami nilang pangarap at balakin. Halimbawa na lang diyan ang ating silid-Buklod sa PHAn. Sa buwang ito ay mabibili na (sa wakas! Hehe) ang mga upuan. Pero marami pang kakailanganin para lalong mapaganda ang klasrum na ambag natin sa departamento ng Sikolohiya. Sana po ay game na game pa rin tayong ipagpatuloy ang proyektong ito at kung sakaling muli pong lumapit ang mga Bukids, nawa’y buong puso natin silang tanggapin at suportahan. Pero bago natin makalimutan, bukod sa pagbabalik-tanaw at pangangarap para sa hinaharap, mahalaga rin siyempre ang kasalukuyan. Kaya sabay-sabay nating pasalamatan at bigyang-pugay ang lahat ng Kids, Lets, at mga Bukbok na nagtulung-tulong para sabay-sabay nating maramdaman ang gulat, sorpresa, excitement, saya, kilig, nostalgia, at pagkasabik ngayong gabing ito at sa buong buwan ng ating anibersaryo. Mabuhay ang Buklod-Isip at nawa’y patuloy nating suportahan ang pinakamamahal nating organisasyong patuloy sa pagsulong ng isang malaya at mapagpalayang sikolohiya. Nawa’y patuloy natin isabuhay ang mga adhikaing itinuro sa atin ng katangi-tangi nating samahan. Nawa’y patuloy tayong maging modelo ng mabuting Pilipino.

Sana magkita-kita po tayong muli! Handang-handa na sa party, Chei Billedo at Ton Clemente Mga tagapayo

Mensahe mula sa Bos Tsip Tsip

Isang masaya at mapagpalayang Gabi ng Anibersaryo sa lahat ng Bukbok, Bukid at Buklet!

Ngayong taon po, malaki ang kagustuhan ng mga kasapi ng Bukluran na pantayan ang mga hamong inihain sa atin sa ating 30 taon ng pagbubuklod. Higit pa rito, malaki rin ang kagustuhang paghandaan ang mga panibagong hamong ating kakaharapin sa pagpasok natin sa ating ikaapat na dekada. Hindi madali ang daan tungo sa mahusay at patuloy na pagtugon sa mga hamong ito, subalit sa tulong ng enerhiya ng mga buklet, dedikasyon ng mga bukid, suporta ng mga bukbok at nag-uumapaw na buklove, walang hindi kakayanin ang Bukluran. Sana po ang isyung ito ng Daluyan ay magsilbi hindi lamang upang mabalik-tanawan natin ang mga alaala natin sa Buklod, kundi upang makita rin natin ang landas na tinatahak ng kasapian tungo sa ikaapat na dekada ng tunay na malaya at mapagpalayang sikolohiya. Viko Fumar Bos Tsip Tsip, AY 2011-2012


LuKas

Ulat ni Viko Fumar

“HEART TO HEART” NG MGA BUKIDS, KASALUKUYANG IDINARAOS Simula noong Mayo hanggang ngayong Agosto, idinaraos ng Lupon ng Kasapian (LuKas), sa pamumuno ni Bos Tsip Kamae Livelo ang mga “Heart-to-Heart” na kuwentuhan upang masiguro ang patuloy na dedikasyon ng mga bukid sa Bukluran. Ang “Heart-to-Heart” ay isang kuwentuhan sa pagitan ng Bos Tsip ng LuKas at ng isang bukid. Sa kuwentuhang ito, maaaring ilabas ng bukid ang anumang nararamdaman niya ukol sa Bukluran, sa mga kasapi, sa mga prinsipyo o sa mga plano at tunguhin nito. Sa kuwentuhang ito’y pinagtutuunan din ng pansin ang mga kontribusyon ng bukid sa Bukluran, ang kanyang mga tungkulin at kung paano masisigurong patuloy ang dedikasyon ng bawat isa sa organisasyon at sa mga prinsipyo nito. Sa bawat “Heart-to-Heart” ay pinapasulat ang bukid ng kanyang mga kagustuhan para sa Bukluran at para sa sarili bilang isang bukid. Ang mga ito ay itinatago ng LuKas upang mabalikan sa IA (integration activity). Sa kasalukuyan, tanging 10 bukid na lamang ang hindi pa nabibigyan ng “Heart-to-Heart”. Lahat sila ay nakatalang bigyan ng “Heart-to-Heart” ngayong buwan ng Agosto.

34 NA BUKLET KASALUKUYANG DUMADAAN SA PROSESO NG APLIKASYON Mula ika-14 hanggang ika-17 ng Hunyo ay nagkaroon ng isang sign-up booth ang Bukluran sa AS Walk para sa mga nais maging kasapi ng organisasyon. Inilipat ang booth sa PHAn Lobby noong ika-21 ng Hunyo at nagtagal doon hanggang sa ika-24 ng parehong buwan. 61 na indibidwal ang nagpatala sa sign-up booth, at kasalukuya’y 34 ang tumutuloy sa proseso ng aplikasyon. Noong nakaraang Lunes ay natapos ang ikaapat at huling Sikolohiyang Pilipino Workshop at Usaping Ugnayan (Affiliates’ Talk) ng 34 na buklet. Kasalukuyan ding nasa proseso ng pangangalap ng kanilang mga Una, Pangalawa at Pangatlong Signature mula sa mga bukid. Kinukumpleto rin nila ang 20 oras ng pagtambay sa tambuk na kailangan upang pumasa ng aplikasyon. Sa mga susunod na linggo ay gaganapin ang Exposure Trip, ang mga Buddy Date at ang mga Pakikipanayam ukol sa Sikolohiyang Pilipino at sa Konstitusyon ng Bukluran. Ang deliberasyon para sa mga buklet ay gaganapin sa mga huling dalawang linggo ng Setyembre at ang induksyon para sa bagong mga kasapi ng Bukluran ay gaganapin sa ika-22 hanggang ika-23 ng Oktubre. Taun-taon ay dumarami ang mga sumasali sa Bukluran. Noong 2008 ay may 18 na buklet ang organisasyon, 27 noong 2009, 32 noong 2010 at 34 sa kasalukuyang taon.

LuPan Anu-ano ba ang ating kailangang malaman tungkol sa estado ng ating pinansya? Rummage Sale. Tradisyon na ata ng Bukluran ang magsagawa ng mga income-generatong projects (IGP) upang mas lumago pa ang ating kaban ng yaman sa ilalim ng pamamahala ng Lupon ng Pananalapi para sa iba pang mga gawain ng ating pinakamamahal na organisasyon sa susunod na mga buwan - ngayong Buwan ng Anibersaryo, magsasagawa muli ang Bukluran ng isang rummage sale sa ika-27 ng Agosto sa Barangay UP Campus. Ang iba’t ibang rummageables na maaaring mabili ay mga damit (a la ukay-ukay), gamit pambahay, libro, laruan, (at kung may maglalakas ng loob na magdala ng muebles, ‘yun din :D) at iba pa. Iba Pang Mga IGP. Siyempre naman, hindi lang aasa ang Bukluran sa rummage sale upang lumaki ang pondo nito (i.e. sa totoo lang, hindi ito masasatisfy ang aming appetite para sa pera, haha). Dahil malilikhain ang mga isip ng mga Kid, mayroon ring mga ibang proyekto na tiyak na makatutulong sa paglago ng kaban ng Buklod, tulad na lamang ng milk tea na planong ibenta ng LuPan at ng mga Kid. (Mukha naman talagang patok ito sa mga tao, at nagpapasalamat kami sa Moonleaf dahil mukhang sila ang nagpauso nito. :D) Isa pang IGP na may potensyal na maging matagumpay na source ng pondo ay ang Suot Pinoy, ang fashion line ng Bukluran na naglalayong ipalaganap ang SP sa pamamagitan ng mga T-shirt designs. (Ang isang SP shirt ay mabibili sa napakamurang halaga na P200. :D) Bank Account. Nais ipaalam sa atin ng LuPan na, dahil sa pagsasara ng ating lumang bank account, naging matagumpay ito sa pagkuha ng isang bagong bank account sa PNB. (Yay!) Para sa iba pang mga detalye ukol dito, maaari nating kausapin ang ating LuPan Bos Tsip na si Sed Ramiro. :)


LuPag

Ulat ni Eunice Leynes

Ayon na rin sa nakagawian, pinasimulan ng Lupon ng Pag-aaral at Pananaliksik ang unang semestre sa taong ito (AY 2011-2012) sa pamamagitan ng isang SP refresher na ginanap noong ika-20 ng Hunyo, 2011. Layunin ng aktibidad na ito na muling sariwain ang kaalaman ng bawat Bukid hinggil sa pinakahihiligan nilang Sikolohiyang Pilipino (SP). Ginawa ito sa pamamagitan ng mga palaro at pagsubok na uusisain ang kanilang kaalaman tungkol sa mga konsepto, metodo, at mga pagpapahalaga may kinalaman sa SP. Sunod na tinawag ng LuPag ang bawat kasapi ng Bukluran para sa isang bukas na diskusyon hinggil sa tumitinding usapin ng Reproductive Health (RH) Bill noong ika-12 ng Hulyo, 2011. Nagpaunlak na magsalita sa pulong na ito sina G. Michael Joseph Luistro, isang instructor mula sa Departamento ng Sikolohiya, at ganoon din si Dr. Sylvia Estrada-Claudio, direktor ng UP Center for Women’s Studies (UP CWS). Bilang isang aktibong taga-suporta ng RH bill at tagapagtaguyod ng karapatan ng kababaihan, ipinahayag ni Dr. Claudio ang mga magagandang maidudulot nito sa lipunan, kung ito ay maisasabatas. Samantala, gamit ang kanyang perspektibong makarelihiyon, inilahad naman ni G. Luistro ang mga problemang nasisipat niya mula rito, tulad ng paggamit ng contraceptives na ipinagbabawal ng simbahang Katoliko. Sa huli, humantong sa isang posisyon ang Bukluran mula sa talakayang naganap: opisyal nang sinusuportahan ng Buklod ang pagsulong sa RH bill upang maipasa bilang isang batas. Sa iba pang balita, pinangunahan ng LuPag ang pangangasiwa sa mga SP Workshops nito lamang mga nakalipas na linggo, para higit pang maipakilala sa mga bibong Buklet ang SP at pati na rin ang mga prinsipyong pinanghahawakan ng Bukluran. Sa tulong na rin ng iba pang mga Bukid, higit na naging masaya, makabuluhan at matagumpay ang aktibidad na ito. Para naman sa gagawing Alternative Class Learning Experience (ACLE) ngayong ika-18 ng Agosto, napili ng Bukluran ang paksa ng pagpatok ng Filipino game shows sa masang Pilipino para ilapat ang tema ng pagkaltas ng gobyerno sa badyet na nilalaan sa edukasyon. Bukod sa mga nabanggit na gawain, marami pang dapat abangan sa LuPag sa mga darating na araw. Nariyan ang Exposure Trips na nakatakdang gawin sa susunod na mga linggo. Inaasahang maraming Buklet ang makasama sa gawaing ito upang mapalalim pa ang kanilang pananaw hinggil sa ginagalawan nilang lipunan at upang mailapat na rin sa kilos at gawa ang mga natutunang mga konsepto at metodo mula sa mga dinaluhang SP workshops. Inaasahan rin ang paglahok ng mga Bukid dito upang balik-tanawan ang kanilang mga natutunan mula sa nasabing karanasan, at lalo’t higit upang samahan at gabayan ang mga Buklet sa makamulat-matang paglalakbay na ito. Karagdagan pa, magkakaroon din ng paper sharing para sa mga nais ibahagi ang kinahinatnan ng kanilang mga pananaliksik, magkritiko ng papel, at magbigay payo para sa ibang gumagawa o gagawa pa lang ng kanilang pananaliksik. Samantala, bukas pa rin ang ating blog site (http://tumbuk.tumblr.com) kung saan inaanyayahan ang lahat na patuloy na magpost ng kanilang mga kaisipan, pagninilay-nilay, at pagmumuni-muni na may kinalaman sa ating kinagigiliwang SP.


LuPaP Bilang paggunita sa ika-30 na anibersaryo ng Bukluran, naghanda ang mga Kids at Lets para sa taunang eksibit na ginanap sa AS at PHAn lobby kamakailan lang. Sa pangunguna ng Lupon ng Paglalathala at Publisidad at ng Bos Tsip nito na si Pia Vega, nagkaroon ng mga prodworks na kung saan ipinamalas ng mga kids at lets ang kanilang husay at galing sa larangan ng sining. Ibinatay sa tema ngayong taon na ABa(3De)KaDaNaPaLa! Balikan ang Hamon. Ipagpatuloy ang Pagtugon, ang naging konsepto ng eksibit. Itinampok ang isang timeline na kung saan ipinakita ang mga mahahalagang events ng bukluran, iilang impormasyon ukol sa SP, at ang mga pagbabagong naganap sa Pilipinas mula 1981 hanggang 2011. Ginawa itong interaktib sa pamamagitan ng isang laro na kung saan may dyip na maaaring galawin sa kalye ng timeline. Ngunit bago mapagalaw ang nasabing dyip, kailangan munang masagutan ang iilang katanungan na madadaanan sa timeline. Ang mga inihandang tanong ay tungkol sa mga naging uso sa isang partikular na dekada. Bukod sa timeline, gumawa rin ng dalawang malalaking orasan na nagsilbing main attraction sa harap ng eksibit. May nakaukit na malaking 30 sa parehong antique at modern digital clock bilang karagdagang disenyo. Sa isa pang bahagi ng eksibit, naglagay naman ng isang photo-exhibit na nagtampok ng 30 bagay ukol sa Buklod. Kasama na dito ang mga kakaibang katawagan at terminolohiyang ginagamit sa Bukluran (hal. Bukid, Buklet, Bukling, atbp.), mga gawain ng Bukluran, mga Bukbok na propesor sa UP, trivia, at ang mga paraan ng pagbobonding ng mga Kids. Matapos ang matagumpay na eksibit, isang taos-pusong mensahe naman ang ipinaabot ng LuPaP BT na si Pia Vega: “Mahal naming Kids at Lets. Sa wakas, pagkatapos ng ilang araw ng pagtutulungan natin sa mga prodwork, matagumpay nating natapos ang ating eksibit! Hindi ito magiging posible kung hindi dahil sa inyo. Hanga kami sa ipinakita ninyong dedikasyon dito sapagkat sinasalamin nito kung gaano natin kamahal ang Bukluran. Napatunayan natin na kahit mahirap ang gawain, kaya natin basta tayo’y sama-sama. Maraming salamat. Ang galing ninyong lahat!”

LupUs Sa pangunguna ng Lupon ng Ugnayang Panlabas at ng Bos Tsip nito na si Allen Yu, isang mini eksibit tungkol kay Doc E na pinamagatang “PARA KAY V: Sa Alaala ni Dr. Virgilio Enriquez” ang ginanap sa PHAn lobby noong Agosto 2-5 taong kasalukuyan. Ang nasabing eksibit ay naglalayong ipakilala ang Ama ng Sikolohiyang Pilipino mula sa personal na pamamaraan sa tulong ng mga kwento o anekdota na makatutulong upang malaman ang mga salik na nagtulak sa kanya upang buuin at isulong ang Sikolohiyang Pilipino. Itinampok sa naturang eksibit ang mga sipi na bahagi ng mga anekdotang nakalap ng LupUs mula sa mga piling kalahok na nagbahagi ng kanilang personal kwento tungkol sa kanilang naging samahan ni Doc E sa trabaho, sa departamento pati na rin ang kanilang samahan bilang magkaibigan. Ang mga naging kalahok ay mga Bukbok tulad nina Sir Bobby Galvez, Dr. Rhea Cabrera-Ribaya, Ma’am Joy Jimenez-Taccad, Dr. Dennis Batangan, Dr. Tess Ujano-Batangan, Dr. Mariano Sto. Domingo Ma’am Pia Garduce, Sir Jay Yacat, Ma’am Chei Billedo, Sir Ton Clemente, at Ma’am Tin de Villa; mga propesor ng departamento ng sikolohiya na sina Dr. Gregorio E.H. Del Pilar II, Dr. Peachy C. Mendoza, Dr. Grace Aguiling-Dalisay at Dr. Ces Gastardo-Conaco; at mga akademiko tulad nina Dr. Nap Mabaquiao, Jr., Sir Atoy Navarro, Dr. Zeus Salazar, at Dr. Rogee Pe-Pua. (Para sa isang komprehensibong ulat ukol sa eksibit na ito, basahin lamang ang artikulong pinamagatang, “Para Kay V” sa ikalawang hati ng isyung ito.)


LuGaw Taun-taong binibigyang-diin ng Lupon ng Gawaing Pangkalinangan ang kahalagahan ng ating mga aktibidad (na hindi nalilimita sa apat na dako ng silid-aralan) na nagsasalamin at nagbibigay-linaw pa sa ang ating sariling kultura, na di hamak ay napakalaki ang naibabahagi sa sikolohiyang Pilipino. Sa kagustuhan nitong higit pang palakasin at gisingin ang ating diwang maka-Pilipino sa kanyang mga gawaing pang-kultural, inihahandog ng LuGaw ang isang makabuluhang serye ng mga gawain bilang paggunita sa pagdiriwang ng ating ikatatlumpung anibersaryo: Tsibugang Pinoy. Ang Tsibugang Pinoy, na isang eating contest na taunang ginaganap tuwing Buwan ng Anibersaryo, ay nagsisilbing tagapagtaguyod ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagtatangi ng pagkaing Pinoy - ginanap ito sa ika-11 ng Agosto sa lobby ng Palma Hall Annex, bandang alas-4 hanggang alas-6 ng hapon. Bagamat mahilig tayong kumain nang napakarami, hindi maaaring maliitin ang mga pagkaing hinahanda tuwing Tsibugang Pinoy - para sa taong ito ay tatlo ang putahe: isaw, manggang hilaw (na WALANG bagoong o asin!), at balut (ang grand finale ng ating paligsahan). Palarong Pambukluran - Internal Edition. Bilang alternatibong bonding experience para sa mga Kids, isasagawa ngayong Agosto 20 ang Palarong Pambukluran - Internal Edition, na siyang magbibigay-sigla sa ating mga Bukid sa pamamagitan ng mga katutubong larong tila hindi na masyadong nabibigyan ng pansin ngayong panahon na ng teknolohiya. (Noong nakaraang taon, isinagawa ang Palarong Pambukluran - External Edition, na kung saan ay binuksan ang gawain sa ibang mga mag-aaral at organisasyon bilang isang paligsahan.) Tulad ng Tsibugang Pinoy, sinisikap rin ng Palarong Pambukluran na ilapit ang mga larong ating kinagisnan sa mga Kids, lalo na’t isa itong mahalagang bahagi ng kulturang Pinoy. Sayawitsan. Ang Sayawitsan (Sayaw, Awit, at Balagtasan) ay isang taunang pagdiriwang na kung saan nagtatanghal ang iba’t ibang mga organisasyon mula sa Unibersidad (kasama na rin ang Bukluran) at naitatangi ang aspetong pang-aliw ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng paghandog ng mga presentasyon sa entablado. Gaganapin ang nasabing gawain sa ika-26 ng Agosto sa lobby ng Bulwagang Palma, at inaasahang iimbitahin ng mga Kid ang kanilang mga kaibigan at kakilala na dumalo sa Sayawitsan.

LupAk

Ulat ni Prima Medina

Isa sa mga tungkulin ng Bukluran, kasama ang UP Psychology Society, ay ang pamamahala sa Aklatang Virgilio Enriquez. Sa tagal na ng panahon ay naging disorganisado na ito - hindi na magkasya ang libro sa mga bookshelf at nagkahalo-halo na ang mga theses at journals. Dahil dito, nagkaroon ng usapan ukol sa pagsasaayos nito, sa paraan na magagamit talaga ng mga estudyante ng departamento. Noong Abril pa lamang ay nakipag-ugnayan na sa puno ng Library Committee ng PsychSoc ang Lupon ng Aklatan. Matapos nun ay inianyayahan ang mga puno ng Academic Committee ng UP Pugad Sayk at UP PsycA upang makipag-pulong at mapag-usapan ang magiging plano sa AVE. Napag-desisyunan na gagawin ang pagsasaayos ng AVE sa tatlong bahagi: una, aayusin muna ang estado ng mga libro at susubukang gumawa ng maayos na sistema ng talaan ng lahat ng mga nilalaman ng mga libro; pangalawa, aayusin ang pangkalahatang hitsura ng AVE; at pangatlo, ito ay ipapakilala ng maayos sa mga estudyante ng departamento para tunay na magamit at mapakinabangan ng mga mag-aaral. Nakakatuwa sapagka’t nakakuha ng suporta at pagkilala ang mga pagsisikap ng mga miyembro ng pinagsamang grupo o Team AVE mula sa departamento. Nakikipag-ugnayan din ang department representative at tumutulong sa pakikipagusap sa opisyal ng departamento. Lumapit rin at nanghingi ng tulong ang LupAk sa UP Future Library and Information Professionals of the Philippines (UP FLIPP) sapagkat napagkasunduan na mas mainam na humingi ng tulong at payo mula sa mga tao na mas nakakaalam nito. Nagsimula ang mga organisasyon sa pagtatala ng mga libro, journals at theses na nasa AVE noong Mayo pa lamang kaya ngayon ay patapos na ang pagtatala. Susunod na haharapin ng Team AVE ay ang ikalawang bahagi ng pagsasa-ayos na tututok sa pagpapaganda at pag-organisa ng mismong aklatan.






Para Kay V

ni Allen Yu

“My funny story -- some days my Dad would get home and find me and Doc E sitting in the porch. At one point my Dad asked if Doc E was courting me. I was 24 years old, and I nearly fell off the porch.” - Dr. Aurora “Peachy” Mendoza Sa kwentuhan na sumunod sa pagsangguni ng ilang mga kasapi ng Bukluran kay Dr. Gregorio Del Pilar para sa Psych 162 (Psychological Measurement), napunta ang usapan kay Dr. Virgilio Enriquez, lalo na sa personalidad nito. Dito napagtantuhan ng mga Bukid na ang pagkakakilala ng kasalukuyang henerasyon ng mga sikolohista kay Doc E ay mula lamang sa mga aklat, at nabuo ang kaisipan na muling kilalanin ang personal na aspeto ng Ama ng Sikolohiyang Pilipino. Sa pangunguna ng Lupon ng Ugnayang Panlabas (LupUs), nagkalap ang Bukluran ng mga anekdota mula sa iba’t-ibang mga taong nakakilala sa kanya na sinama sa isang eksibit sa PHAn lobby mula ika-2 hanggang ika-12 ng Agosto na pinamagatang “PARA KAY V: Sa Alaala ni Dr. Virgilio Enriquez”. Ang layunin ng pagtatampok na ito ay ihalaw mula sa mga anekdota ang mga personal na bahagi ng buhay ni “Ver” na nag-ambag sa pagbuo nito ng Sikolohiyang Pilipino. Sa mga anekdotang ito makikita ang iba’t-ibang papel na ginampanan niya sa buhay ng kanyang mga kakilala, at ang naging mayaman na mga karanasan nila sa pakikipag-ugnayan sa kanya—bilang isang akademiko, tagapayo, guro, estudyante, kaibigan, at iba pa. Isa sa mga matitingkad na halimbawa ay ang kwento ni Dr. Zeus Salazar na siya ay “maramdamin”, lalo na hinggil sa mga batikos ng iba sa kanya—ito ang nagdulot, bilang tugon sa puna ng kanyang propesor sa Estados Unidos na walang sikolohiya ang mga Pilipino, ng kanyang unang pagtatangkang ilatag ang mga batayan ng Sikolohiyang Pilipino. Bukod dito, alam rin natin ang kanyang bukod-tanging husay sa paggamit ng wikang Pilipino, kahit sa teyoretikal at abstraktong antas, tulad ng alaala ni Dr. Nap Mabaquiao nang si Doc E ay magsalita sa induksyon niya sa isang honors society noong siya ay bago pa lamang nagtapos sa pamantasan. Isa pa ay ang lubos niyang pagtitiwala sa mga kakayahan ng kanyang mga estudyante, na sila pa nga ay kanyang sinama sa mga pagsisikap na isalin ang mga aklat na Ingles sa Pilipino tulad ng alaala ni Dr. Cecilia Gastardo-Conaco, o kaya ay tinutulak sa mga di-pamilyar na karanasan, tulad ng kwento nila Dr. Grace Aguiling-Dalisay, na kanyang pinagsalita nang biglaan ukol sa Sikolohiyang Pilipino sa Foreign Service Institute, at Dr. Aurora Mendoza, na kanyang pinagpresenta ng papel sa kumperensiya ukol sa sikolohiya sa industriya. Nawa ay sa takbo ng taon, marami pang mahimok na magbahagi ng kanilang mga di-malilimutang karanasan kasama ni Doc E, nang sa gayon, sa hinaharap ay hindi malilimutan ng mga mag-aaral ng Sikolohiyang Pilipino na tao rin ang tagapagtatag nito, at higit nilang pahalagahan ang natatanging papel nitong pagkatao sa anyo ng disiplinang sinusulong nila. At nalaman ‘din namin na hindi niligawan ni Doc E si Ma’am Peachy Mendoza. :)


Landas Tungo sa Kaalaman:

Ang Bukluran at ang Pacquiao Effect

Semestreng tag-araw noon ng taong 2011 nang sumabak ang Bukluran sa isang pananaliksik bilang mga RA (research assistant) nina Prop. Diwa Malaya Quinones at Prop. Adrianne John Galang sa kanilang pag-aaral tungkol sa “Pacquiao Effect”. (Ang “Pacquiao Effect”, para sa mga hindi nakakaalam, ay isang penomena na kung saan ay umuusbong ang mga kaisipan at damdaming makabayan - at nagiging matingkad ang ating identidad bilang Pilipino - dahil nananalo si Pacquiao sa laban.) Sinubukan nilang tingnan ang bagong penomenang ito gamit ang isang field experiment (parang pinagsamang 115 at 118), at ang kagamitan ay isang word game sa computer (na para sa aming mga mababang nilalang ay hindi biro ang hirap, at sigurado kaming sasang-ayon dito si Yanna Perez) na ginawa nilang panukat ng katingkaran ng Pilipinong identidad ng isang tao. Ginawa ang pag-aaral sa loob ng apat na Lunes (dalawang Lunes bago ang laban ni Pacquiao, at dalawang Lunes pagkatapos) sa Commonwealth Market, na kung saan ay naghahanapbuhay ang mga kalahok. Sa ngayon, wala pang konklusyon na nahahalaw mula sa mga datos na nakalap sa pag-aaral, ngunit kampante rin kaming mga seniors sa Buklod na ilalabas rin iyon bago kami magtapos sa pamantasan. Tiyak na isa itong di-malilimutang karanasan para sa mga Kid, lalo na para sa mga freshie at sophomore ng Buklod na hindi pa nararanasan ang magsagawa ng pananaliksik na sikolohikal sa labas ng silid-aralan bago ito. Sabi nga ni Jas Viray, isa sa ating mga freshie Kids na nakilahok sa pag-aaral na ito, “Unang beses ko pa lamang makasali sa pasasagawa ng isang field experiment noong tumulong ang Buklod sa research nina Sir Diwa at Sir AJ. Natutunan ko kung paano ang tamang pakikitungo sa mga participants at hindi madali ang pagkuha ng impormasyon dahil may mga pagkakataon na mahirap silang hagilapin. Sa kabila nito palagi pa rin akong game dahil alam kong nakakatulong ako sa research tungkol sa mga Pilipino at masaya naman ako kasama ang kapwa Kids.”

Panitikan

Ako po ito. Ako rin pala ‘to. ni Christian Masangkay

Sa nagdaang isang buwan, paulit-ulit na mga tanong tungkol sa aking sarili ang ibinabato sa akin. Ang iba ay mabilis kong nasasagot, habang ang iba nama’y kailangan ko pang pag-isipang mabuti kahit ba sabihing ang sagot naman ay tungkol sa akin. Nakakapagod? Siguro. Nakakasawa? Hinding-hindi. Bukod sa pag-aaral ng Sikolohiyang Pilipino, ang isang hindi nakakasawang bahagi ng pagiging Let ay ang pakikipagkilala sa mga Kid at kapwa-Let. Marahil ay nakakarindi nang mapakinggan ang pag-uusisa nila sa mga nakasulat sa aking sigsheet, ngunit ang iba’t iba nilang mga tanong ay nakakatuwang pag-isipan. Mayroon silang mga tanong na noon ay hindi ko man lang nabibigyang pansin. Nakita ko na ang ilang mga bagay na nuo’y hindi ko makita, naintindihan ko na rin yaong mga hindi ko maintindihan sa aking sarili. May naitinirik na namang kandila sa madagim kong pagkakilala sa sarili. Habang kinikilala nila ako, lubos ko namang nakikilala pa ang aking sarili. Sino nga naman ang hindi masisiyahan sa ganoon? May ilan ding mga tanong na nagpapaalala sa akin sa mga pananaw ko sa buhay noong nasa mataas na paaralan pa ako na unti unting nawala sa aking isipan. Sandali rin silang naisantabi sa dami ng aking pinagkakaabalahan. Malugod akong muli silang masugpungan— ang aking mga inspirasyon at pagpapahalaga. Isang buwan pa ang aking tatahakin. May kaunting pagod na sa katawan, ngunit napakarami namang nadagdag sa sarili. Siguro nama’y sapat na yoong kapalit, sobra sobra pa nga.


Kasagutan

ni Henessy Orbeta

Sikolohiyang inaasam, nasaan ka? Ikaw ba’y nasa sambayanan pa? Kapwa ba’y naisasaloob mo pa,

Paniniwala man namin ay magkakaiba,

O tuluyan kang nalimutan na ng bayan?

Iisa naman ang aming hinahangad,

Lahat ng katanunga’y gumugulo sa isip.

Lipunang kinabibilangan ay mapaunlad,

Oh Bukluran, salamat sa pagsagip!

Isipa’y ibukas sa ngayo’y realidad

Hanap kong kasaguta’y iyong inilahad.

‘Pagkat ikaw at ako, tayo’y mga Pilipino.

Indibidwal at lipunan ay iyong iginiit.

Ito ang sigaw ng ating Bukluran,

Yaong kapwa’y isinaalang-alang din.

Ngayon ay magsama-sama,

At hating kultural ay pilit binabawasan.

Oras na para sa Sikolohiyang pinapangarap.

Ngayon, isipan ko’y nalilinawan, Galing bilang Pilipino’y napatutunayan.

Bakit Ulit?

ni Mary Rose Mercado Ika-25 ng Hulyo, 2011 Mahal kong Talaarawan, Ughhh. Lunes na naman, ibig sabihin may SP Workshop 3 kami. Sabi ni Ate Pau, ito daw yung pinakamasaya kaya kelangang pumunta. Ito daw yung pinakabongga kaya sa grandstand ang venue. Pero ito rin kasi yung nakakatamad kasi ito yung pinaka-maaga. Bakit nga ba ako sumali ng Buklod? Eh dagdag na gawain lamang ‘to para sa akin. Minsan, iniisip ko na talagang mag-defer, pero sayang kasi yung mga oras na nalaan ko na para sa Buklod. Ngunit tuwing pumapasok sa isip ko yun, naaalala ko na may mga oras pa rin akong kelangang ilaan pa para sa Buklod. Eh ano pang magagawa ko. Andito na ako, nakaupo sa jeep at papunta ng UP. Malalate na nga ako, dahil hindi ko maiwan-iwan ang aking kama kaninang umaga. Problema ko pa yang sigs na yan kasi minsan onti lang ang Kids, minsan busy sila. Paulit-ulit mo pang ikikwento ang iyong propayl. Pagod na pagod na nga akong i-explain kung bakit Meyot ang nickname ko. Pero wala akong magagawa, kapal naman ng face ko kung hindi ko sasagutin ang tanong ng isang Kid. Bakit nga ba uli ako sumali ng Buklod? Higit sa lahat, bakit ko pa ba ipinagpapatuloy to? Ito nakarating na ako sa grandstand at naglaro na kami ng Talipapa. Tama nga si Ate Pau, super saya nung game at super benta din niya. Makikita mo talaga na may kahulugan at kabuluhan ang lahat ng ginawa niyo. At sa segundong yun, narealize ko na kung bakit. Sumali ako kasi masaya ang Buklod. Sumali ako kasi awesome ang mga tao sa Buklod. Sumali ako kasi cool ang mga taong nag-aapply sa Buklod. Buklod ang dahilan kung bakit na-eenjoy ko ang UP. Buklod ang dahilan kung bakit hindi na ako mag-sishift. Buklod ang dahilan kung bakit ayos lang gabihin kakatambay. Sabi ni Kuya Viko, ideal daw sumali ng org kapag freshie ka. Kaya ito ako, tinutuloy ko at plano kong tapusin to. Hindi ko ma-imagine ang sarili kong sumali sa ibang psych orgs. At tuwing napapagod ako sa app process, pinapaalala ko na lang sa sarili ko na super awesome ang Buklod. Sumali ako kasi may kabuluhan ang Buklod. Sumali ako dahil naghahanap ako ng pamilya.


Pagbabalik-Tanaw Sa ating pagdiriwang ng ating ikatatlumpung anibersaryo, balikan natin ang ilan sa mga akdang nailathala sa Daluyan na nagpatibok sa ating mga puso:

Mula sa Isang Isla

ni Charles Imon, Disyembre 1992

Ngunit ang buhay ay isang palaisipan na sadyang ganyan

Tayo’y napadpad sa isang islang may kagubatan

At dapat itong harapin at di maaaring takbuhan

Dito’y mapanganib, bawat sulok ay may karahasan

Isang bagay lamang sa aki’y nagpapatapang—ikaw, aking kaibigan

Tiyak na mula pa sa unang yapak ang kamatayan

Sa tuwing papasok nang bigla sa aking alaala

Subalit dahil sa inyo mga pagsubok na ito ay nalampasan

Ang ating mga pinagdaanan sa mapanganib na isla

Natatandaan ninyo pa ba ang una nating pagkikita

Sa pagkakaibigang namuo sa isang di mapantayang bunga

Hindi nga tayo nagkakasundo ayaw magkakilala

Ng mga pagsusulit sa ating pagkatao at paniniwala

Ngunit di rin nagtagal nawala na ang mga pangamba

Ang pagsasaayos ng bawat bigkis ng kawayan

‘pagkat tayong lahat ay may isang pagnananasa

Upang maging isang bangkang makakakaya sa bagyo man o amihan

Ang nais na ito ay ang agad na paglisan

Na di nagtagal ay naging susi ng ating kalayaan

Sa isang islang may dulot na lason sa isipa’t katawan Di ba tayong lahat ay mayroong planong naisipan At ito ay ang paggawa ng bangkang susi sa ating kalayaan Ngayon gawa na siya at tayo’y nakarating na Sa paroroonan kung saan paligid ay kay ganda Hindi maaalis sa aking isip ang bahid ng pangamba Samakatuwid ako nga’y natatakot harapin ang katotohanan

Tulong-tulong tayo sa pagsulong sa malawak na karagatan Ngayon iba namang pagsubok ang ating masasagupa At ikinalulungkot kong patutunguha’y nagkakaiba Gayon pa man kayo’y aking mga kaibigang walang sing halaga Sa iyong mga suliranin malaki man o maliit sa tulong ko’y umasa. (alay kay C.V., C.C., D. at J.)


Para sa Buklod-Isip

Disyembre 1981 (Tomo I, Bilang I) Sa kanluraning paniwala… Nagtipon kami, mandi’y parang barkada

Tumauli, bayang minamanduhan

ang simula ng aming pagsasama.

Kilos, mga taong nagugulumihanan

Dumalas, humaba, pagtitipong masasaya

Bangon, sikolohiyang tinabunan

Isang bukluran pala ang isinasagawa.

ng banyagang kasinungalingan.

Sikolohiya daw ang paksa ng Bukluran.

Mula sa paarala’y lumaganap pagtanggi

Pilipino pa daw ang dapat pagtuonan

Pagsuri, pagpuna sa kinagisnang ‘psyche’

Sikolohiyang Pilipino raw ang buong kilusan

Magsimula muli, pag-aralan ng masidhi

Buklod-Isip naman ang aming Bukluran. Nguni’t bakit kailangang sikolohiya ng Pinoy Mayroon namang sikolohiya, pandaigdig pa ang daloy Maayos, mahusay Sikolohiyang kanluranin, nguni’t luoy Hindi angkop sa bayang nananaghoy.

Paniniwala, konsepto, metodo’t mithi ng Sikolohiyang sa bayan nagsisisilbi. Sa temang ito, Buklod-Isip ngayo’y ibinabangon ka Sana’y lumawig, buhay mo’y humaba Sa aming pamamatnubay, pag-aaruga Minimithing katotohanan ang magiging kasagutan Sa taghoy ng bayang pinagkakautangan.

Sponsors! Nais pasalamatan ng Bukluran ang mga sumusunod:

Power Loans, Inc. INNOVA FIVE BUILDERS

Go Facebooth





Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.