Ang Daluyan Christmas Issue 2016

Page 1

ang

DALUYAN Christmas Issue 2016

Pag-uwi:

Anong inuuwian mo tuwing Pasko?


Gusto Ko Maging Kapwa ni Tanglaw

“Paglaki ko gusto ko maging kapwa!”. Ito ay isa sa mga classic na birong Pinoy. Paano ba naman karaniwang sabihin ng karamihan na gusto nila makatulong sa kanilang kapwa. Madalas rin nating naririnig na “pakikipagkapwa” ang sinasabing diwa ng Pasko. Para sa marami sa atin ang kapwa ay tumutukoy sa sinumang nakapaligid sa atin, ang naapektuhan at nakaaapekto sa atin. Para sa iba ang kapwa naman ay tumutukoy sa naisasantabi at walang boses sa lipunan. Subalit, sa panahon natin ngayon, napaisip ako kung ako kaya ay gugustuhin ko pa rin bang maging “kapwa”? Ngayong taong 2016, maraming isyu ang lumabas na nagpapakita na tila wala na na ang diwa ng pakikipagkapwa. Ang mga naisasantabi noon ay patuloy pa ring naisasantabi ng sistema ngayon. Nariyan ang mga mahihirap na sa halip ay tulungang makabangon sa problema ay ang madalas na talunan nang dahil sa kawalan ng due process sa war against drugs. Nariyan ang mga kababaihan na patuloy pa ring biktima ng diskriminasyon at pambabastos. Nariyan rin ang mga biktima ng Martial Law na sa halip ay ipadama ang hustisya ay nasasabihan na lamang na, “Move on na lang” o “Forgive and forget”. Nariyan ang mga batang paslit na sa halip ay itaguyod ang kanilang karapatan sa magandang kinabukasan ay nanganganib na mapagmalupitan ng inumungkahing pagbaba ng age of criminal responsibility. Maging sa social media na sa halip na maayos na diskurso ang umiiral, ad hominem at cyberbullying ang laganap. Sa dami ng lumabas na isyu napapasabi na nga lang ako “Kailan ba matatapos ang 2016?” Sa kabila nito, masasabi ko pa ring gusto ko maging “kapwa”, subalit kapwa sa ibang pagpapakahulugan. Gusto ko maging kapwa na nagpapairal ng pagmamahal, pagtanggap at respeto para sa bawat Pilipino. Naniniwala ako na ang bawat isa ay may kakayahang balikan ang pagpapahalaga sa pakikipagkapwa hindi lamang ngayong Pasko kung hindi sa bawat oras na maaari.


Maligaya Raw, Maligaya Nga Ba? ni Monica Valerio

“Merry Christmas!” Ang sabi ng dj sa radyong kakabukas lang ni manong jeepney drayber; ang sabi ng karatulang nakapaskil sa pintong salamin ng bagong parlor malapit sa palengke; ang sabi ng kaklase mo noong grade 3 sa post niya sa Facebook, ang sabi ng lahat ng dekorasyon, ilaw, puno, pagkain, regalo, at kanta kahit saan ka magpunta. Nagkakaraoke yung kapit­bahay niyo, di ka makatulog sa lakas. “Maogmang pasko!” Nagmamadali ka na pero yung jeep na nasakyan mo, biglang nagpa­gas. “Maupay nga pasko!” Nalimutan mo ang payong mo, at umulan nang malakas. “Maayo nga paskwa!” Naiwan mo yung pintuan niyong nakabukas. “Masayang pasku!” Lumabas yung singko mo noong bisperas. “Maabig ya pascua!” Sinagot na ng nililigawan niya yung matagal mo nang crush. “Malipayong pesku!" Na­holdap yung sinakyan mong bus. “Naimbag a pascua!" Namatay yung kababata mong pinagkamalang gumagamit ng drugs. “Maligayang pasko!”

“Maligaya,” maligaya nga ba? “Pasko,” na nanggaling sa salitang “pascua" ng Espanyol na nagangahulugang “passover" at ginamit ng mga Pilipino bilang salita sa ibang pang Kristiyanong pista; “Maligaya” na salin mula sa Ingles na happilly—ang ekspresyong “Maligayang Pasko” ay kahaintulad ng anyo ng pagbati sa Ingles na “Merry Christmas” at pati ng “Feliz Navidad,” na hindi ipinagamit ng mga Espanyol sa mga Pilipino dahil sa hindi nila kagustuhang matuto tayo ng kanilang wika.


Ang eskpresyong “Merry Christmas” ay pinaniniwalaang ginagamit na noong 1534 base sa nakasulat sa liham ni John Fisher, isang obispo na nang maglaon ay itinaguriang santo, kay Thomas Cromwell na punong ministro sa pamumuno ni King Henry VIII, “And this our Lord God send you a mery Christmas, and a comfortable, to your heart’s desire.” Ito ang pinakamatandang katunayang nakasulat na ginagamit nga ito. Samantala, noong 1843, si Sir Henry Cole sa tulong ni John Calcott Horsley, sa Britanya, ay naglathala ng kauna­unahang Christmas card na may nakasulat na “A Merry Christmas and A Happy New Year.”

At noong 1875, sa Amerika, inilabas ni Louis Prang na kilala bilang Father of the American Christmas Card, ang unang Christmas card na naglalaman ng mga salitang “Merry Christmas.”


Kasabay ng pag­unlad ng teknolohiya ng pagpapalimbag ang komersyal na paglabas ng mga Christmas cards. Noong 1800s, naging mahalagang kaugalian ng mga pamilyang Amerikano ang pagbibigay ng mga Christmas cards upang mabati ang mga kapamilya na nasa malayong lugar, dahil isa sa mga epekto ng industriyalisasyon ay ang unti­unting pagkamatay ng mga family farms, at kasabay nito ang paghiwa­hiwalay ng tirahan ng mga mag­anak. Magmula sa mga simpleng cards, nagkaroon ng magarbong pop­up at musical cards. At ngayon, sa patuloy na paglago ng teknolohiya, nauso ang mga digital cards, at dahil sa internet, ang mga pamaskong pagbati ay mas madali nang naipaaabot sa mga kamag­anak at kaibigan. Ang mga pagbati tulad ng “Maogmang pasko” ng Bikol, “Maupay nga pasko” ng Waray, “Maayo nga paskwa” ng Hiligaynon, “Masayang pasku” ng Kapampangan, “Maabig ya pascua” ng Pangasinan, “Malipayong pesku” ng Sebuano, “Naimbag a pascua” ng Ilokano, at “Maligayang pasko” ng Tagalog, ay iilan lamang sa libo­libong salin ng pagbating “Merry Christmas,” at iisa lang ang kahulugan ng lahat ng ito, na maging maligaya ang iyong Pasko. “Maligaya,” maligaya nga ba? Hindi ipinagpapalagay ng mga pagbating ito ang disposisyon o kasalukuyang damdamin sa isang bagay. Ang papel nito ay ihatid ang hinahangad at nilulunggati ng iba para sa iyo—ang pagnanais na ikaw ay maging maligaya. Ang mga pagbating ito ay nakadikit na sa ating kultura, hindi lang ng ating bansa, kung hindi ng buong mundo. Ito ay nakaugat sa samu’t saring wika, at ang nakamamangha ay kung paanong ang iilang wika ay nagsilbing daluyan ng ideya nito patungo sa mas maraming wika, at kung paanong ang bawat wika ay naging daluyan ng kultural nitong konsepto tungo sa mga susunod na henerasyon. Kaya sa iyong pag­uwi ngayong Pasko, sa kahit na saan o anong itinuturing mong tahanan, sa Luzon, sa Visayas, sa Mindanao, o sa ibang panig ng mundo, kapag ikaw ay nakarinig mula sa kahit na anong wika o salin ng “Maligayang Pasko,” ang tanong ay hindi kung “maligaya nga ba”, kung hindi, “dapat nga ba akong maging maligaya para sa mga taong naghahangad sa akin nito.”


Taller Trees ni Gio Dela Cruz

“Ahh, eto ba yung anak niyong lalaki?” It is two days after Christmas. We are at my papa’s province, visiting his relatives. Sometimes our family goes alone. Sometimes we go with our cousins. I like it here, because it’s more cold and quiet than the city. I also like my lola because she is never angry. Most of the time she just tends to her garden. There’s a lot of grass and plants, and some small trees. Lola pointed one out to me. It had bamboo and wires around it, but it was only small, just as tall as my knees. She said soon it would be bigger than her, and maybe bigger than her house. I didn’t believe her then, because the house was big, and the plant was small. My mama makes me wear Off lotion before I play in the gardens. She doesn’t like it when I get mosquito bites. Sometimes I ask if I can play with the goats and the cows. Lola always says yes, but papa always says no. But they both let me play with the chickens, because Lola’s chickens are nice, like her. “Aba, kalaki mo naman na!" Lola makes great food. There’s never a year that goes by when we don’t enjoy her minatamis na saging or pakbet. She also makes sure there’s enough to take home with us. Sometimes I’d peek into the kitchen, which isn’t hard because it’s near the dining area, and I see mountains of pots and pans, along with the ever­present kaldero of rice. And shuffling around would be lola, here chopping up vegetables, there shaking salt and vetsin into a pot. Once, during a particularly big reunion, she even had one of the cows butchered, and we all enjoyed hot bowls of bulalo, with the older relatives opting for the papaitan. The only thing is, I’ve never seen her fridge. Sometimes I wonder where she keeps her food if she doesn’t finish it. I tried looking in the kitchen, but it was all only drawers and cabinets. When I asked papa, he laughed and explained that lola only ever cooked a lot of food when she knew we would be coming over. I was horrified, and I ran to look for lola. I found lola outside walking kind of slowly, even if she wasn’t carrying the dishes. When I said I would buy her a fridge, she laughed and said she didn’t need one and told me to keep the money for myself. She started looking sad for a bit, but hugged me and told me to go off and play. But I’ll still buy her the fridge, so she can show it off to her other guests.


“O, kamusta naman yung pag­aaral mo?” “Eto po, kinakaya naman.” I share a chuckle with my lola, and she goes back to watering the last plants in her garden. The small tree she’d once pointed out to me was well over six feet tall now, above both our heads. She stood up, not quite all the way, and looked me square in the eye. “Eh jowa naman, kamusta? Meron na ba ulit?” I give her a groan and a short hug in response. She’d asked me the same question every year, ever since I first told her about a long­forgotten grade school crush. I don’t mind though; I’ve long since figured out it’s her own subtle way of prodding at my shyness. Still smiling at our shared joke, she bent down again, slower than I remember, and collected her tools. I’d offered to take the tools off her hands, but lola waved a frail­looking arm, assuring me that she could handle it herself. Walking back with her towards the house, I take in a lungful of the country air. Crisp and cold as ever in December, carrying with it the scent of freshly­cut grass, mixed in with the smell of stone exposed to years of sunlight. Recently I’d begun taking a chair out of lola’s front yard and sitting down to stare at her garden, notebook and pen in hand. It didn’t matter sometimes that I never got around to writing anything, since the view wrought its calming magic on me all the same. Lola found me at my usual spot, pen in hand, staring at her garden. She gave my shoulder a small squeeze and, quiet as her footsteps, slipped a thousand­ peso bill in my hand. “Lola, you really don’t have to­ “ But she held up a finger, smiled, and said “Pang­date mo.”


“Pa, asan na yung kandila?” He handed it over to me and stepped away. In the shadow of the now­giant tree, the very same one lola had first shown me all those years ago, I stand the single candle and pray. Lola would have admonished me gently for getting wax on the grass, but I could always trim it down. Looking out over her garden, not much had changed. Meticulously managed, with spaces for flowerbeds, shrubs, and this small section which housed a single tree, where I now stood. I’d been tending the garden whenever I could, something which surprised many of our relatives when they first heard of it. After all, lola was famously adamant about her garden. She always did like to work on it herself. Fortunately, I don’t live so far away from the house anymore that I can’t afford to take care of it. Papa came over and squeezed my shoulder, just like lola did so many times in the past. It had been long enough that the heart­wrenching sorrow had settled itself into a quieter ache, but I still find myself tearing up sometimes. “Tara na, anak. Padilim na o, uuwi na tayo.” Papa turns around and walks back towards the lola’s – his, now, I guess – house. Before I go, I laid a small receipt for a modestly­sized fridge amongst the roots.


Pasko na naman muli ni Nikka

“Pasko! Pasko! Pasko na naman muli. Ang pag­ibig naghahari.” Malugod na tinanggap ng aking aking tiyan ang napakasarap na pagkaing inihain ng aking mga magulang sa Noche Buena, habang ang tahanan nami’y binalot ng nakakagiliw na musika. Kanina lang ay may iilang grupo ng mga kabataang tila ba’y nanghaharana sa labas at tumutugtog ng tambol at marakas na parang wala nang bukas. Noo’y isa ako sa mga batang nangangatok sa mga bahay upang umawit ng mga awiting pamasko kapalit ng kakaunting barya. Kasama ko ang aking dalawang kapatid at mga pinsan, tumutugtog ng gitara at may dala­dalang kopya ng liriko ng aming mga awitin.

Inaabangan ko ang panahong ito taun­taon. Lahat ng mga karanasang ito’y gusto kong balik­balikan, namnamin muli at hindi na pakawalan. Bihira lamang para sa isang katulad ko ang makulong sa hangaring bumalik sa nakaraan, mamalagi doon at hindi na muling lumingon pa.

Pasko na naman muli. Handa nga ba talaga ako para sa lahat ng ito? Kailangan kong gumising, matutong tanggapin ang katotohanan, at magkaroon ng lakas ng loob na lumingon sa hinaharap, imbes na pabalik. Hindi man kasing sarap ng pagkain o kasingtulad ng dati ang mga darating na pasko, ang lahat ng ito’y aking yayakapin. Hindi man kami makumpleto sa hapagkainan ay ibubuhos ko ang lahat ng pagmamahal na maari kong ibuhos upang iparamdam sa pamilya kung gaano kahalaga ang bawat sandaling kasama ko sila. Hindi man maulit ang magagandang alaala ng kahapon ay dala­dala ko naman ang diwa ng mga ito, at sa piling ng isa’t­isa’y bubuo ng mga bagong alaala na sa hinaharap ay paulit­ulit ding babalikan, guguhit ng mga ngiti sa aking mga pisngi at magdudulot ng lubos na pagkagalak sa aking puso.


Kumukutikutitap Madlim na ang buong kapaligiran paglabas ko ng Math building; palibhasa’y mabilis nang lumubog ang araw kapag ganitong malamig na ang simoy ng hangin, at papalapit na ang Pasko. Sa aking paglalakad papunta sa sakayan ng jeep, hindi ko maiwasang mag­isip­isip tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko alam kung dala ng pagod, pagkapuyat, o sakit ng ulo sa pag­solve ng integrals, pero sa bawat hakbang ng aking paa ay tila bumibigat din ang aking loob. Ilang linggo na lamang ay sasapit na ang Pasko, ngunit parang may kulang; parang hindi ko maramdaman ang nakasanayan ko nang pananabik habang papalapit ang araw na sabi nila’y paborito ng lahat. Parang kalian lang din noong sinabi ko sa aking sarili na ang taong 2016 ay magiging akin, na pupunuin ko ito ng mga matitingkad na alaala, ng mga pangarap na unti­unti ay mabubuo ko na. Pero ngayong patapos na ito, ang tanging naaalala ko na lang ay isang taon na nag­uumapaw sa masasamang balita, mga pagkakamaling hindi ko na maitatama, mga kaibigang halos hindi ko na nakakasama, at mga pagkakataong sinayang at binale­wala ko lamang. Mahirap nga naman maramdaman ang tinatawag nilang diwa ng Pako kapag ang mga ito ang bumabagabag sa’yong isipan. (Siguro, hindi rin talaga maiiwasan ang mag­drama kapag naglalakad nang mag­isa sa tahimik na kalsada, sa ilalim ng madilim na kalangitan.) Habang tinatahak ko ang (malamok at) madamong daanan sa harap ng Physics, may natanaw akong liwanag sa di kalayuan na sa wakas ay pumawi sa dilim – isang munting Christmas tree na pinalamutian ng mga nagniningning na pailaw na hugis­ bituin. Sa tabi nito ay may mga nakasabit pang makukulay na parol na nagpapatingkad sa paligid ng CS amphitheater. Sandali akong napatigil para pagmasdan ang mga ito, at sa loob ng ilang minutong iyon ay para akong tinangay ng isang time machine pabalik sa nakaraan.


Tulad ng inaasahan, hindi na naman mahulugang­karayom itong mall sa may tabing­dagat sa dami ng taong namamasyal dito. Ngunit para sa aking lola na kakauwi lang galing probinsiya at unang beses na makakarating sa ganitong pasyalan, nakakapagtakang walang­angal na nakikipagsiksikan ang mga tao dito makapagdiwang lamang ng Pasko, kasama ang kani­kanilang mga pamilya. Mahaba­haba rin ang aming biniyahe (ilang sakay ng jeep at istasyon ng MRT rin ang aming sinuong) para dalhin siya rito, ngunit sa totoo lang ay maging kaming mga anak at apo niyang taga­Maynila ay naliligaw na rin yata (di man namin aminin ito sa kanya). Lumalalim na ang gabi, at hindi pa kami nakakapaghapunan; mabuti na lamang at isang bakanteng bangko ang aming natagpuan at doon namin napahinga ang aming mga pagod na paa. May manininda rin ng kropek at tubig sa aming tabi at sapat na rin itong pantawid­gutom pansamantala. Habang nakaupo at nagkukwentuhan, isang malakas na countdown ang dumagundong (mula sa speakers na nakatago sa kung saan man)­ tanda itong magsisimula na raw ang fireworks display. 10 ­ 9 ­ Kumakalam na naman ang aking tiyan, pero mamaya ko na iintindihin yan. 8 ­ 7­ Sound effects ba yun o naririnig ko talaga ang lumalakas na kabog ng aking dibdib? 6 – 5 ­ May mga batang maiingay na nagkukulitan, nakakahawa naman ang kanilang mga tawa 4 – 3 ­ Ayan na! hindi napigilang samibitin ng aking inay, habang hinanda ng aking ate ang cellphone niya para kumuha ng bidyo. 2 – 1 ­ Samu’t­saring kulay ang sumabog sa kalangitan, mistulang mga talang umiindak at lumulundag, na pinaglalaruan ang aming mga mata. May hugis puso, hugis­bulaklak, at sa bawat pagpapalit­anyo at pag­iiba ng kulay ng mga paputok ay may sabayang hiyawan ng “wow”, na mas malakas pa kaysa sa tunog ng speakers kanina. Sa gitna ng palabas, napatingin ako sa lola kong nakatingala sa langit. Pagod man sa haba ng aming nilakad, ay hindi matawaran ang sayang bakas sa kanyang mukha, lalo na sa kanyang mga matang nagniningning pa. Daig pa ng kislap ng mga ito ang ano mang pailaw o paputok na nakita ko sa aking tanang buhay.


Tumunog ang aking cellphone, na agad ay nagpabalik sa akin sa kasalukuyan­ nag­text na pala ang aking inay, nagtatanong kung pauwi na ba ako. Hindi ko namalayan kung gaano katagal na akong nakatitig sa mga pailaw, marahil ay may kakaibang salamangka talaga ang mga iyon. Naglakad na ako papalayo sa CS amphitheater, at wala namang nagbago – tahimik at madilim pa rin ang paligid, at mag­isa pa rin ako, ngunit tila may nag­iba sa aking pakiramdam­ na para bang gumaan ang aking loob. Siguro, may mga bagay talaga na hindi madaling ipaliwanag. Pagod na rin akong isipin pa kung paano nangyari ito (mukhang naubos na ang aking enerhiya sa pag­aaral ng derivatives at organic compunds). Narating ko na ang pila sa likod ng mga jeep, at dali­dali ay inabot ang aking bayad para makasakay na ­sabik na umuwi na sa wakas.

An Imagined Christmas Mimi Is Santa real or not real? My older cousins insisted that he was not, that the money were sneakily slipped by my parents at dawn. That’s not true! Santa is real! He goes all around the world, in all countries to send gifts to all good children. And I’m one of them! So there really is no need to wait for mama and papa to sleep. Really, no need for sneaking downstairs and holding the banisters in dear life. And really, no need hide behind the couch, with a perfect view of the chimney. Santa is real! So there is no need to. Yes, there’s no need to… Iya Are they home or not? All of longing, all of a sad christmases. I wish it would end. Two years have past, and working in this ungodly hour is but a routine. Wish I could at least call them, or skype them! But this CCTV is my mistletoe, even a small misconduct is a kiss to my termination. How frustrating, that the inconsistent keytapping is all I can hear, and this blinding monitor all I can see. If only I can view the smiles of mom, of dad and of Jeremy, I could have been happier. If only I saved up my leaves for this day, even one leave could have made a big difference. That one day where I forced myself to go to work instead of falling into the temptation of my bed would have meant home and warmth. How I regret that one day, that one day alone. If only..


Soccoro The slight slip of a window became her best friend. At nights when she shivered from the cold abuse, the twinkling lights peering through that rusty window warmed her. It must be nice she, thought, if the lights at her home were as colorful as they were, merrily alternating even in the dead of the night. It was quite a show, and they colored her. She thought it was really nice, as the lights illuminated the shadowed patched on her skin It must be nice, she thought, if the aroma of Noche Buena dishes filled her house. The heavenly mix of food, as she imagined it, made her stomach growl hollowly. A joy­filled laugh interrupted her slow , and she thought that it must be nice. It would have been nice. It really could have been, if all houses were stuffed with laughs and full bellies, perhaps an occasional firework too. If the exodus of all families from the church were to result in exuberant spirits, spoiling the quiet night. It would be really nice, to hear the flow of life, the disjointed songs and everything in that misty night. It must be nice. It must be nice. It could have been nice... Solen I have always wondered if all families smiled on christmas nights, as Mary should have probably smiled with His birth. I have always wondered if a mere handaan is enough to call it Noche Buena. I looked up on my friends page, she’s enjoying herself. I wonder if I should be happy. If the candles on your birthday cake is missing one, would you be unhappy? You might say that you wouldn’t be. Afterall, it’s your birthday, what is there to be unhappy about? I guess I should ask myself that. What is there to be unhappy about? Nothing. The table set, my favorite fruit salad is present. There’s even wine this year, courtesy of a family friend’s best wishes. This year we set­up new christmas decor, even a christmas tree. Totally a new thing to me. There’s always something to be happy about. Why be unhappy? I suppose all this trivialities don’t matter, for me at least. Or maybe it’s just I am unhappy that I have incompletes. Repeatedly, repeatedly. And they intrude, on this special night. There is always something to be pessimistic about with the incompletes around. Woe me for dwelling on them. They are important to me. Or maybe what’s important is already far removed since. Who know? I no longer know...


Almusalan Bigla akong nabahala paggising ko Tila iba sa nakasanayan na kwarto Ayun pala, umuwi ako para sa Pasko Niyakap ko ang kumot sa lamig at pumikit Ngunit ayaw na, kailangan ko na raw gumising Tumatawag na ang almusal na inihain Binuksan ko na ang mga mata at tiningnan ang paligid Umahon, tumalon, at tumakbo palabas ng silid Kaysarap na mas malayo ang mga dingding Malakas na patugtog ng musika ang aking narinig "Pasko, Pasko, Pasko na namang muli. Tanging araw na ating pinakamimithi" Umupo ako sa mesa't naglagay ng kanin At takam na takam sa basong katabi Na laman ay mainit na tsokolateng inumin Paunti­unti na akong umiinom at sumusubo Nang nakitang papunta sa mesa ang kapatid ko Tumabi at biglang naalalang siya'y may ikkwento Sa tawanan ay biglang nag­awitan "Paskong nagdaan tila ba kung kailan lang" Kakaiba talaga sa Pasko ang inuuwiang almusal


Daluyan Awards 2016 ALASKADOR AWARD ASO'T PUSA BUY ONE TAKE ONE DADAAN AKO, TUMABI KA DALAGANG BUKID DANCE DANCE REVOLUTION FASHIONISTA OF THE YEAR GAWAD MAGIC SING

Kari Buklod vs Ajay Ariane at Elie Kari Alena Kat Darynne Nikka Kat

HALAY KING/QUEEN Jian Que

IKAW NA ANG MASAYA Franco

KAPITA-PITAGANG KALALAKIHAN NG BUKLURAN (KKB)


KING/QUEEN CORN

Aly

LOVETEAM OF THE YEAR

Mica at Zoe

MAGKA-AWARD AWARD

Luienne

MARAMING ALAM MATUTULOG AKO MEMA KING/QUEEN MOST UNLIKELY LOVETEAM OF THE YEAR PAMBANSANG SABAW SALTED CARAMEL AWARD TAMBAY KING/QUEEN THREESOME OF THE YEAR TITA OF BUKLOD

Jian Que Vera Luienne Sofia at Kuya Dan

Ajay Menmen Muyi Jian, Menmen, Ajay Gail



Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.