ALSFL2-46

Page 53

D. Aralin 3 Pag-usapan Natin Ito (pahina 31) 1.

tinapa, daing, jelly, jams, achara, burong mangga. Dahil sa karamihan ng prutas, gulay at isda ay madaling masira, ang pag-iimbak ng mga ito ay makatutulong upang hindi ito masira, maging masustansiya at mas malasa. At isa pa, nagsisimula pa lamang matutong magluto si Cathy at kakaunti pa lamang ang alam niya sa pag-iimbak ng pagkain. Nag-aalala si Cathy na masira agad sa maikling panahon ang mga prutas at gulay na binili niya. Kung oo ang sagot mo, ito ang isang halimbawang sagot upang pagbatayan mo: “Gumawa ang aking nanay ng atsarang pipino. Ibinabad niya ang mga pipino sa tubig nang magdamag. Pagkatapos, gumawa siya ng sarsa na binubuo ng suka, asukal, tubig, mustard seed, at halo-halong rekado (spices). Pinakuluan niya ang sarsa at idinagdag ang mga pipino, pagkatapos ay pinakulo niya ito muli nang 3 minuto hanggang sa mawala ang berdeng kulay ng pipino. Inilagay niya sa bote ang mga pipino, dinagdagan ng asin at sibuyas, ibinuhos sa bote ang kumukulong sawsawan at tinakpan ito agad.� Kung hindi ang sagot mo, maaaring ganito ang dahilan mo: “Wala sa aming marunong mag-imbak ng prutas, gulay at isda.� Maaaring mayroon ka ring iba pang dahilan kaya hindi ang sagot mo.

Magbalik-aral Tayo (pahina 33) Ang pag-aatsara ay hindi lamang nagpapanatiling sariwa sa pagkain, nakapipigil rin ito sa pagkasira ng pagkain. Nagagawa pa nitong mas masustansiya at masarap ang pagkain. Halimbawang sagot ito. Maaaring maiba nang kaunti dito ang sagot mo. Mahalaga ang parerepridyereytor dahil napapanatili nito ang pagkasariwa ng mga prutas at gulay at nakapipigil sa pagkasira o pagkabulok ng mga ito. Ngunit kung sakaling wala kang repridyereytor sa bahay, maaari kang gumamit ng ibang pamamaraan ng pag-iimbak ng prutas at gulay tulad ng pag-aatsara at pagdede-lata. Maliban sa pag-aatsara at pagrerepridyereytor, isa pang pamamaraan ang pagdede-lata. Ginagamit ang pamamaraang ito para sa mas matagalang pagtatago ng pagkain na nangangailangan ng sapat na proteksiyon.

53


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.