ALSFL2-46

Page 4

ARALIN 1

Pag-iimbak ng Karne Alam mo ba na maraming paraan upang maiwasan ang pagkabulok at pagsasayang ng pagkain, lalo pa’t ito’y madaling masira kung hindi makakain agad. Sa mga nagdaang taon, ang mga tao sa lahat ng sulok ng mundo ay gumagawa ng paraan upang maimbak ang pagkain, lalo na ang mga pagkain na hindi kaagad makakain o kaya nama’y yaong mga pagkaing binabalak na kainin sa mga susunod pang araw. Mangangailangan ito ng mga siyentipikong kaalaman, gamit at teknolohiya sa paggawa ng paraan upang mapabagal o maiwasan ang pagkabulok ng pagkain na dala ng mikroorganismo. Matapos pag-aralan ang araling ito, kinakailangan mong: ♦

maipaliwanag ang kahalagahan ng pag-iimbak ng pagkain;

matalakay kung papaano nakabubulok ng pagkain ang mikroorganismo;

mailarawan ang mga kabutihang dulot ng mga siyentipikong paraan sa pagiimbak ng pagkain.

Pag-aralan at Suriin Natin Ito Isang huwarang maybahay si Aling Tinay. Isang araw, nagpasiya siyang bumili ng baboy sa kagustuhan niyang kumita ng pera upang makatulong sa asawa. Alam niyang maaari siyang kumita ng pera kapag siya mismo ang magkakatay ng baboy. Kaya lamang ay hindi naibenta lahat ni Aling Tinay ang karne. Nangamba siyang baka mabulok kaagad ang karne lalo na’t wala silang repridyereytor. Wala rin siyang kaalaman tungkol sa pag-iimbak ng karne. 1.

Bakit nangamba si Aling Tinay nang hindi nabenta lahat ang karne? __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________

2.

Nagkaroon na ba kayo ng karneng nasira o nabulok? Bakit ito nabulok? __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________

4


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.