ALSFL2-46

Page 36

Pinipigil ng fermentation ang pagkakaroon ng mga mapagpinsalang mikroorganismo. Gusto natin na ang mabuting bakterya sa gulay ay nandiyan para magpa-asim ng pagkain. Ang solusyon ng asin ay tumutulong sa pagpapa-asim sa dalawang paraan. Una, nililimita nito ang kilos ng mga nakapipinsalang mikroorganismo dahil sa kaniyang kaalatan. Pangalawa, tinatanggal nito ang tubig mula sa mangga kaya’t nawawala ang mikroorganismo sa pagkain.

Ganoon ba? Kaya’t sa halip na tumagal ang sariwang prutas ilang araw lamang, maaari pa itong tumagal ng ilang buwan.

Ngayon, bakit hindi na rin kita turuang gumawa ng daing?

Wow! Isa ‘yan sa mga paborito ng aking asawa! Matutuwa siya pag nalaman na marunong na akong gumawa ng daing.

Ang paggawa ng daing ay nagtatagal ng dalawang araw. Maaaring gusto mong gawin ito sa ibang araw. Pero sasabihin ko sa yo kung papaano.

Maraming salamat, Ate Rose. Marami ka talagang naituro sa akin ngayon tungkol sa pagiimbak ng pagkain.

36


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.