ALSFL2-46

Page 17

ARALIN 2

Kaya Mong Gumawa ng Tocino at Longganisa Ang tocino at longganisa ay mga halimbawa ng inimbak na karne. Sa Aralin 1, natutuhan mo na ang pag-iimbak ng karne batay sa mga siyentipikong paraan na makapipigil sa pagkasira ng naturang pagkain. Ang ilan sa mga paraang ito ay magagamit mo sa paggawa ng tocino at longganisa. Matutuhan mo sa araling ito ang mga bagay na yaon. Sa paggawa ng tocino at longganisa, hindi mo lamang pinipigilan ang pagkasira ng karne, pinatatagal mo rin ang buhay ng karne. Mas magiging malasa at masarap ito at palaging handang lutuin. Nasubukan mo na bang gumawa ng tocino at longganisa? Ano ang iyong mga sangkap na ginamit? Paano mo ito ginawa? Ang mga produkto mo ba ay naging masarap at halos gawa ng eksperto? Matapos pag-aralan ang araling ito, kinakailangan mong: ♌

masunod ang mga hakbang sa paggawa ng tocino at longganisa; at

♌

magamit ang kaalaman sa pag-iimbak ng pagkain upang makagawa ng tocino at longganisa.

17


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.