Our Lady of La Paz Parish Newsletter (June - Sept. 2011 issue)

Page 11

Page

CateQuiz 2011: Faith Ko, Alam Ko.

11

by Dale Bascon

Muling pinatunayan ng mga kabataan ng ating parokya ang kanilang kaalaman tungkol sa pananampalatayang Katoliko sa ginanap na CateQuiz 2011 noong September 24 (Sabado) ng gabi sa loob ng ating simbahan. Ang CateQuiz o Catechism quiz bee ay isang patimpalak na naglalayong palawigin pa ang ating kaalaman tungkol sa ating pananampalataya. Ito ay isang proyekto ng ating Parish Youth Committee (PYC) sa pagdiriwang ng Buwan ng Katekesis. Bilang paghahanda sa quiz bee, at upang mapalawak din ang kaalaman ng mga kabataan sa mga katuruan ng ating pananampalatayang Katoliko, nagkaroon ng catechism classes na dinaluhan ng mga kabataan, kasali man sa patimpalak o hindi. Ginanap ang mga ito noong September 11 at 18 ng umaga sa ating Parish Center. Nagbigay ng mga lectures sina Bro. Dale, Bro. Paul, Teacher Mae Ann at Teacher Mick. Sa taong ito ay nahati ang patimpalak sa dalawa – ang Group Quiz kung saan ang bawat pangkat ay binuo ng tatlong kasapi at ang Individual Quiz. Walong pangkat ang nagtagisan sa Group Quiz, samantalang pitong kabataan naman ang nangahas harapin ang Individual Quiz. Sa huli ay narito ang mga nagwagi: Individual Quiz

Group Quiz

3rd Place:

2nd Place:

Champion:

2nd Place: Jane Mylene Bullosos

Elaine Borja

Angel Lontoc

Kier Edward Ysip

Champion: Paul John Ala

Krizann Borja

Angelica Borja

Paul John Ala

Arlene Irinco

Danica Rose Gustilo

Francis Teves

3rd Place: Mary Jocel Cardenas

Naggagandahang mga trophies at religious images ang napanalunan ng mga nagwagi. At marami pang give-aways ang tinanggap ng mga lumahok at maging mga manonood na sumagot sa Pop Quiz: Trivia

APOY NG ESPIRITU‌

from page 9

Sa Misa ay tinawag nga ang Espiritu Santo upang gabayan at

Nawa ay patuloy na manalangin sa Espiritu Santo ang lahat ng

bigyan ng lakas at talino ang mga mag-aaral sa kanilang

mga mag-aaral, mga guro, at maging tayo rin na nangangailangan

pagsusunog-kilay at ang mga guro sa kanilang pagtuturo. Ito ay

ng Kanyang paggabay sa lahat ng ating mga gawain.

naging isang magandang panimula sa isa na namang taon ng mga aralin, assignments at exams.


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.