KMC Magazine November 2013

Page 6

READER’S CORNER Dr. He

rt

Ang reader’s korner natin dito sa KMC Magazine, mga suliraning pampuso na bibigyang payo ni Dr. Heart. Maaari kayong lumiham sa: KMC Service, Tokyo-to, Minato-ku, Minami Aoyama 3-13-23, Patio Bldg., 6F, o mag-Email sa: kmc_manila@yahoo.com

Dear Dr. Heart, Problema ko ang pag-a-apply ng trabaho, makailang beses na po akong nag-try pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong work. Almost one year na akong naka-graduate sa college at wala pa rin akong nakukuhang trabaho, nahihiya na rin ako sa parents ko. ‘Yon pong mga classmate ko ay halos may trabaho na lahat, feeling ko tuloy ay napag-iiwanan na ako ng panahon. Ano po ba ang dapat kong gawin. Yours, Ray

Dear Ray, Subukan mong mag-update ng ‘yong resume, may mga makabagong format na ngayon ang malalaking company, uso na rin ang mga video resume. I-review mo rin ang sarili mo sa questions and answers during the job interview. May mga personality development na mababasa na rin online para mag-improve ang job applicant. Huwag kang mawalan ng pag-asa, panatilihin ang magkakambal na sipag at tiyaga. Good luck! Gumalagang, Dr. Heart

Dear Dr. Heart, Medo may pagka-chubby po ako noong nasa high school pa ako kaya naman todo diet na ko nang mag-college. Napasobra naman yata ang diet ko at ‘di na ako tumataba ngayong gusto ko ng magpataba. Malapit na po kasi kaming magpakasal ng sweetheart ko at gusto n’ya ay medyo magkaroon naman daw po ako ng konting laman sa katawan. Inaalala na rin po ng parents ko na baka ‘di ko kayahin ang buhay may asawa kung sobrang payat ko, lately po kasi naging masakitin na rin ako at ‘yun naalarma na rin ang beauty ko. Medyo kinakabahan din po ako kasi paano kung mabuntis ako, baka maapektuhan din ang bata at maging malnourish kung sakaling sobrang payat pa rin ako. Wala naman pong problema sa financial, nakaipon na rin po kami ng sapat na pera para makapag-start ng new life as a couple, itong health ko na lang problema. Ano po ba ang dapat kong gawin, sa totoo lang worried din ang bf ko sa health ko, pero ayaw naman namin na i-postpone ang wedding date namin sa January, please help me naman Dr. Heart. Umaasa, Gellie

Dear Gellie, Makabubuti sigurong kumunsulta ka na rin sa doktor upang mabigyan ka ng tamang bitamina para sa ‘yong kalusugan lalo pa nga at nangangamba ka sa nalalapit ninyong pag-iisang dibdib. Totoo naman na sa pag-aasawa ay pareho kayong handa ng ‘yong kapareha, kinakailangang maayos ang katawan at takbo ng isipan. Para sa mga kababaihan, kailangang malusog ang katawan para maihanda ang sarili sa pagdadalantao gayun na rin sa mga responsibilidad bilang isang maybahay at ilaw ng tahanan. At para naman sa mga kalalakihan, kinakailangan din na malusog ang katawan upang makaiwas sa mga karamdaman dahil s’ya ang maghahanapbuhay para sa kanyang magiging pamilya, responsibilidad n’yang buhayin ang kanyang asawa at ang magiging mga anak bilang haligi ng tahanan. Ang inyong kalusugan ang inyong kayamanan. Kahit gaano karami ang inyong pera, kung salat naman sa kalusugan ang inyong katawan ay maaari ring maubos o mawala na rin ng saysay ang inyong pinag-ipunang pera dahil mauuwi lang ito sa pagpapagamot. Ingatan ang inyong kalusugan. Best wishes sa inyong dalawa. Gumagalang, Dr. Heart

Dear Dr. Heart, Maganda po ang misis ko ‘di naman sa pagmamayabang at nabiyayaan kami ng 2 anak na babae at lalaki. Sa sobrang worry ko para sa kanilang kinabukasan ay napilitan akong makipagsapalaran sa Japan. Maganda ang mga unang 2 taon ko rito at medyo nakaipon kami, subalit sa ‘di inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng tukso sa buhay namin nang magkaroon ng tomboy na lover ang wife ko. Ang sad story po nito, sa kabila ng mga pagsisikap kong mabigyan sila magandang buhay, nagtitiis ng lamig habang nagtatrabaho ako dito sa ibang bansa ay nagsasama na pala silang dalawa at sa loob pa ng bahay namin. Nang minsang umuwi ako ng Pinas nang walang pasabi, dumating ako sa bahay na si Tomboy na ang namamahinga sa bed namin kasama ang maganda kong misis. Sobrang sakit po talaga, isang traumatic experience na ‘di ko malilimutan. Napawalang bisa ang kasal namin, subalit ‘di ko pa rin mapatawad ang wife ko dahil sobrang galit ang nararamdaman ko tuwing maaalala ko ang lahat ng ginawa nilang dalawa. Makalipas ang maraming taon ay dumating sa buhay ko si Baby, mayroon din siyang bad experience sa kanyang nakaraan. Nagkasundo na kaming magpakasal at naisip kong baka ito na ang sagot sa mga hapding naranasan ko sa buhay at mabago na ang hapdi sa aking puso dulot ng aking masamang nakaraan. Ano po ang maipapayo n’yo sa akin Dr. Heart. Umaasa, Pusong Bato ng Kanagawa

6

KMC KaBAYAN MIGRANTS COMMUNITY

Dear Pusong Bato ng Kanagawa, Kung iniisip mong ang pagpapakasal mo kay Baby ang makakapagpabago ng ‘yong nakaraan, mag-isip ka ulit. Hindi mo maaaring ibaon sa limot ang mga bagay na walang maayos na closure. Mas paiigtingin lang ng panahon ang mga sakit ng damdamin mo sa tuwing may darating na mga bagay na makapagpapaalala sa inyong pagsasama. Maaaring maging buntot ang mga traumatic experiences mo sa ‘yong pag-aasawa. Kapag hindi mo naitapon o inalis sa ‘yong puso at isip ang emotional baggage o ang mga bagay na nagpapabigat ng iyong damdamin ng nakaraan, maaaring maapektuhan ang inyong intimacy sa isa’t isa (ni Baby). Sumangguni sa Pari o Christian counselor at sabihin ang ‘yong problema ukol sa ‘yong nakaraang relasyon, malaki ang maitutulong nito sa iyo upang mapaglabanan at tuluyan nang mawala ang mga nakasasakit sa ‘yong damdamin at saloobin. Higit sa lahat, hayaan mo nang maghilom ang sugat at ilayo ka na mula sa mga anino ng nakaraan. At para sa inyong dalawa ni Baby, mahalagang malaman at maunawaan ng isa’t isa ang pinagdaanan ng kanyang kapareha. Kung wagas ang inyong pagmamahalan, iwasan na ninyong ungkatin pa ang nakaraan. Mapapalitan ng pagmamahal ang poot na nararamdaman sa inyong mga puso. Mabuhay kayo. Gumagalang, Dr. Heart KMC november 2013


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.