We STAND: The MARIAN Magazine 2012

Page 36

The MARIAN

people

INDIE MARIANS

S

by Reynaly Mannag and Angelica Roze Viloria a pinilakang-tabing madalas naghahari at reyna ang mga pelikulang pinagkakagastusan, dekalidad at suportado ng mga bigating prodyuser. Ngunit sa kabilang pila, nakahilera ang mga independent o tinatawag ding “indie films” na bagama’t salat sa mga kagamitan ay kaya pa ring makipagsabayan at umani ng parangal gamit ang mga kwentong repleksyon ng pakikipagsapalaran ng mga Pilipino.

Ngunit sinong magaakalang hindi lang sa pelikula nangyayari ang ganitong sitwasyon? Minsan, kung sino pa

ang pinagkalooban ng sipag at determinasyon sa pag-aaral ay sila pa ang salat at nagkulang sa suporta. Sa tunay na buhay, sila ang katumbas ng mga

ANG KWENTO NI MANAGER Ako si Irene Jane Wais, BSHRM 4. Tandang tanda ko pa, August 2010 noong gumuho ang suportang nakakabit sa pangarap kong makapagtapos ng pagaaral. Nakulong ang nanay ko sa Hongkong. Sa kanya lamang ako humuhugot ng suporta. Mula noong hindi na siya nakauwi, ginawa ko ang lahat para makaraos. Naging working student ako dito sa SMU kapalit ng libreng tuition, miscellaneous at lab fees. Napakalaking tulong na ‘yun para sa’kin upang makapagsimula sa

ANG KWENTO NI ACCOUNTANT High school pa lamang ako nang nagsimula akong magtrabaho. Desisyon ko ang maagang pagbabanat ng buto dahil alam kong walang sumusuporta sa akin, wala akong masasandalan. Lea D. Esteban nga pala ang pangalan ko, BSMA 3. Kasambahay ang naging una kong trabaho. At simula noon, tila ba’y hinahanap ko ang trabaho kaya ayun tinuloy tuloy ko na.

36 The MARIAN

September 2012

Naranasan ko ng magtrabaho sa Jollibee bilang cashier, waitress sa Rambakan, at kahit ang maging water filler at kahit ang pagsusupot ng lupa ay naranasan ko na rin. Sa ngayon, nagtatrabaho ako bilang kasambahay sa mabait kong amo na si Eng. Ronaldo Galvez. Php 1200 per month ang sweldo ko. Minsan kasya, minsan hindi. At sa tuwing dumarating ang mga oras na nagkukulang ang pera ko, nakikilabada ako sa mga kaibigan ko. Lubos-lubos ang pasasalamat ko kina Vanessa Bernardo, Charmaine Pulido at Jennifer Langbayo dahil sila ang tumutulong sa akin sa tuwing ako’y gipit na. May mga araw na hirap na hirap na ako, pero sinasabi ko sa sarili ko na “ konting tiis na lang at malapit ka nang matapos.” Tanging ang aking mga pangarap ang aking pinanghahawakan upang mapagpatuloy ko pa ang aking gawain.

“indie films.” Sila mismo ang nagbabanat ng buto upang suportahan ang kanilang pag-aaral at araw-araw na pamumuhay.

Hindi nila pinlano, hindi ginusto, pero kinailangan at may natutunan. Tunghayan ang mga salaysay ng mga indepent, selfsupporting o “Indie Marians.”

bagong yugto ng aking buhay bilang isang Indie Marian. Sa aking tinitirhang boarding house, tumutulong ako sa may-ari mula sa pagbabantay ng kanilang grocery store hanggang sa paglilinis ng bahay, katumbas ng libreng panunuluyan. Sa halagang Php 200 na nagsisilbing baon ko sa isang linggo, nagtatrabaho ako sa tahanan nina Ma’am Abriam na hindi ipinagkait sa akin ang bukal sa pusong pagtulong. Ang tanging panlaban ko na lang kapag kinukulang ang naipon ko ay lakas ng loob at pananalig sa Diyos. Pinapakinggan Niya ako

sa pamamagitan ng mga taong tumutulong sa akin. Hindi ko maipagkakailang mahirap sapagkat may mga panahon na kailangang hatiin ang oras para sa pa-aaral at pagbabanat ng buto upang kumita. Ngunit kailangan lang na i-enjoy ang trabaho at maging positibo. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa mga pagsubok na nagpapatatag sa akin, sa SMU na sumagip sa’kin noong halos wala akong mapuntahan at hindi ko alam kung paano ko ipagpapatuloy ang aking pag-aaral. Alam kong may plano ang Diyos at napatunayan kong hindi ako nag-iisa.

ANG KWENTO NI LIDER Hindi ako sanay na walang ginagawa. Nasubukan ko ng maging construction worker noong hayskul. Ngayong kolehiyo, working scholar ako sa umaga at tagabantay ng computer shop sa gabi. Alam ko na bagama’t ordinaryo lamang ang aking trabaho at maliit lang ang kinikita, sapat na ang mga ito upang matupad ang simple kong pangarap na makapagtapos at makaahon sa buhay. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kung hindi ko naranasan ang hirap bilang isang Indie Marian, hindi ko makikilala ang katotohanan sa buhay na bawat sentimo, pinaghihirapan at dapat pinapahalagahan.

Ako si Luis B. Naupo Jr., BS PolSci 3, nagmula sa Diadi, Nueva Vizcaya at naniniwala na ang mga taong nagtatagumpay sa buhay ay ang taong hindi sumusuko sa pagsubok. M


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.