We STAND: The MARIAN Magazine 2012

Page 26

SI KIKO AT ANG KANYANG DAIGDIG

A

yaw mo sa mga mata mo dahil sa laki o sobrang singkit nito; ayaw mo sa bibig mo dahil makapal; ayaw mo sa tainga mo dahil kinukutya ka na sobrang laki nito; ayaw mo sa braso mo dahil matataba; ayaw mo sa binti mo dahil sa maiikli ang mga ito kumpara sa ibang tao; at kung anu-ano pang mga reklamo mo sa iyong sarili. Subalit naisip mo ba na napakapalad mo kumpara sa ibang tao na naghahangad na sana’y meron din sila ng mga bagay na meron ka? Sapagkat ‘di ka man perpekto ay nakakakita ka, nakakarinig, nakakapaglakad, nakakapagsalita, nakapagsusulat, nakakakilos at nakakapag-isip nang ayon sa iyong gulang. Ito ang sanhi kung bakit ka nakakapasok ngayon sa paaralan. Mas mabuti pang gamitin mo ang mga bagay na meron ka na wala sa ibang tao ng wasto para mas mapabuti ang buhay mo at makatulong sa ibang tao. A? Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!! Karamihan ng mga tao sa sentro ng Bayombong na nakakarinig niyan ay pihadong may ideya na kung kanino nanggagaling ito. Makikita siya na palaging naglalakad sa kalsada, minsan may hawak na supot na may lamang mga pagkain o damit. ‘Pag may nakakasalubong siya ay nanghihingi ito ng pagkain o pera. Kadalasan kung kilala ka, ngingiti siya sa iyo at minsan nama’y nahihiya. May mga oras din na nananakot siya ‘pag alam niyang takot o parang pinandidirihan siya. Nakaugalian

26 The MARIAN

September 2012

na nitong ilagay ang kanyang mga kamay sa tainga at ulo niya tuwing bibigkasin niya ang tanging letrang na kayang-kaya niyang bigkasin. Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!! Siya si Ruel Bayatan o mas kilala sa tawag na “Kiko,” bente anyos at pangatlo sa anim na anak nina Jacinto at Marissa Bayatan. Dalawang taon na ang lumipas nang namayapa si Aling Marissa kaya mag-isa na lamang ni Mang Jacinto sa pagtataguyod sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagmamaneho ng trak na nagbibiyahe ng mga gulay at prutas sa ibang lugar. Iba-iba ang mga kwentong naririnig tungkol kay Kiko. May mga nagsasabing siya’y sintu-sinto at baliw dahil ‘pag may napansin siya sa daan, hinahabol o tinatakot niya sila. Sinasabi din na galing siya sa sobrang mahirap na pamilya na siya lang ang inaasahan para magkalaman ang kanilang sikmura at ang kanyang panlilimos at paghingi ng damit sa ibang tao ay para sa kanila. Ngunit alin ba sa mga ito ang totoo?

Silip sa Kanyang Mundo “Bente anyos na ang edad niya pero isip-bata pa siya kung tutuusin. Parang sa isang lima o anim na taong gulang na bata ang pag-iisip niya,” pahayag ni Mang Jacinto tungkol sa anak niya. Hindi rin daw totoong baliw si Kiko. Pipi at bingi lang daw

by Ellen Grace Pena and Angelica Roze Viloria ito . Bunga raw ito ng paglilihi ng kanyang ina sa manika na ibinigay sa kanya galing sa ibang bansa noong siya ay nabubuntis pa lamang. Ang manikang iyon ay hindi nagsasalita; ang tanging alam lang nitong gawin ay ang paglalagay ng kamay sa ulo na parang nagkakamot na maihahalintulad sa ginagawa ni Kiko ngayon.

Makikita siya na palaging naglalakad sa kalsada, minsan may hawak na supot na may lamang mga pagkain o damit... May mga nagsasabing siya’y sintu-sinto at baliw... alin ba sa mga ito ang totoo?... Si Kiko at ang Araw-araw Umulan man o umaraw, pagpatak ng alas-sais, gumigising na si Kiko upang magkape’t maligo.

Minsan naman ay naglalaba muna ito ng kanyang damit bago lumabas sa kanilang tahanan para pumunta sa kapitolyo o sa palengke ‘pag araw ng pamilihan. Pagpatak ng alas nwebe y mediya ng umaga, tumatakbo siya papunta sa isang panaderya para humingi ng tinapay na ayon sa mga nagbabantay sa nasabing panaderya ay lagilagi raw niyang ginagawa. Paglampas ng alas- dose ng tanghali, nagpupunta siya sa isang hayskul. Pinapakain siya ni Emelda Bagisi sa kanyang pwesto malapit sa nasabing paaralan araw-araw. Tuwing tanghali, nabibigyan din siya ng kaunting pera at ilang pagkaing maibigan nitong kainin. Kapalit ng mga ito ay ang pagtulong nito sa pag-iigib ng tubig para sa panghugas ng pinggan at panlaba ng mga damit ni Aling Emelda. Ayon kay Aling Emelda, tatlong taon na raw na nagpupunta si Kiko sa kanyang kainan. ‘Dun ito pumupunta palagi ‘pag nagugutom siya tuwing tanghali. Masipag daw siya at ‘di umaalis hangga’t ‘di niya nagagawa ang kanyang trabaho. ‘Pag nakuha na ni Kiko ang pera at ilang pagkain na maibigan niya, saka siya aalis at gagala muli sa kalsada. Pagdilim ng paligid, umuuwi na ito sa kanila.


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.